Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Kritik + Alternatib

$
0
0

(1) Probokatibo ang “How the left lost the argument,” maikling sanaysay ng bantog at kontrobersyal na pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek na nagtatasa sa nakamit ng Kaliwa sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya at pampinansya na pumutok noong 2008.

Ang kongklusyon niya: “Ang pangunahing biktima ng nagpapatuloy na krisis, kung gayon, ay hindi ang kapitalismo, na tila nagbabago patungo sa mas masaklaw at mapanirang porma, kundi ang demokrasya – huwag nang banggitin pa ang kaliwa, na ang kawalan ng kakayahang maghain ng praktikal-posible (viable) na pandaigdigang alternatiba ay muling nalantad sa lahat.”

Nagsimula siya sa pagpansin na may “napakaraming kritika ng mga kasamaan ng kapitalismo” ngayon. May “limitasyon,” aniya, ang mga kritikang ito: “Ang layunin ay laging idemokratisa ang kapitalismo sa ngalan ng paglaban sa mga abuso at ang pasaklawin ang demokratikong kontrol sa ekonomiya… Ang hindi kailanman nakukwestyon ay ang burgis na estado ng batas na sinasandigan ng modernong kapitalismo.”

Pagkatapos, tuluy-tuloy nang padausdos na pesismistikong pagbasa ang inihain niya: Nawawalan ng hangin ang mga tampok na paglaban ng Kaliwa, mula Occupy hanggang sa Arab Spring, Nepal hanggang Venezuela. Sabi niya, “Lumilitaw ngayon na ang pangunahing pampulitikang epekto ng pang-ekonomiyang krisis ay hindi ang pag-usbong ng radikal na kaliwa, kundi ng rasistang populismo, mas maraming gera, mas malawakang karalitaan sa pinakamahihirap na bansang Third World, at lumalawak na pagkakahati sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.”

Ang tambalan daw ng kapitalismo at awtoritaryanismo sa Tsina ang posibleng tunguhin o kahantungan ng mga bansa sa mundo. “Para bang itinanghal ang krisis na ito para ipakita na ang tanging solusyon sa pagkabigo ng kapitalismo ay mas marami pang kapitalismo.”

(2) May ilang problema sa sanaysay ni Zizek, bagamat probokasyon ang mga ito sa pagsapul sa ilang mahalagang usapin sa pulitikang maka-Kaliwa. Higit pa sa tanong kung makatotohanan ang pagtatasang inilatag niya – at sa gayon ay kung may batayan ang pagiging pesimistiko niya – ay ang tanong kung wasto ang teoretikal na balangkas na ginamit niya sa pagtatasa.

Una, lumalabas sa sanaysay ni Zizek na may kakulangan ang kritika ng Kaliwa sa kapitalismo at hindi rin nito nagagawang maghain ng alternatiba. Syempre pa, magkaugnay ang dalawa. Hindi talaga makakapaghain ng alternatiba ang “Kaliwa” na ang kritika sa kapitalismo ay paimbabaw, nagpopokus sa pinakamasasahol na aspekto ng sistema, at tumutumbok lang sa pagreporma rito. Para makapaghain ng matalas na kritika sa kapitalismo, at mula rito ay makapaghain ng matalas na alternatiba, na walang iba kundi ang sosyalismo, mahalaga ang sabi ng pilosopong Aleman na si Hans Heinz Holz: “Kailangan nating itanong: anu-ano ang mga pangunahing katangian ng kapitalismo?”

Ikalawa, dahil na rin hindi nailinaw ni Zizek ang ugnayan ng kritika at alternatiba, lumalabas na mas pinapahalagahan niya ang ikalawa kumpara sa nauna – kahit pa, halimbawa, mapatalas ang nauna. Pero mas mabilis na yayakapin ng masa at mamamayan ang alternatibong sistemang isinusulong ng Kaliwa kung mabisa nang nailatag ang kritika ng Kaliwa sa umiiral na sistema. Sa pagsusulong ng progresibong pulitika, rekisito ang kritika sa alternatiba; ang hinala ko, sa dalawa, mas pangunahin ang kritika sa alternatiba. Kung hindi, magiging isa lang sa maraming nakahaing alternatiba sa tagibang na “merkado ng kaisipan” ang alternatibang inihahain ng Kaliwa.

Totoo, alam ng masa at mamamayan ang kahirapan, kagutuman at iba pang kabulukan ng sistema. Pero kailangan pa nilang maunawaan kung paanong nakaugat ito sa umiiral na sistema. Mainam na huwaran ang Manifesto ng Partido Komunista ni Karl Marx at Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero: masinsin at historikal na inilatag ang kritika sa umiiral na sistema bago inilatag, nang mas maiksi kumpara sa nauna, ang isinusulong na alternatiba.

Ikatlo, bagamat mas dagdag sa halip na kritika kay Zizek, may mabisang pamamaraan ang Kaliwa para madaling maipakita at mapayakap sa masa at mamamayan ang kritika nito sa umiiral na sistema – at mula rito ay maipakita at mapayakap rin ang alternatiba. At iyan ay walang iba kundi ang pagsusulong ng mga kampanya at pakikibakang masa – na, syempre pa, ay nakatuntong at mahigpit na nakaugnay sa matalas na kritika sa lipunan.

Sa pamamagitan ng mga kampanya at pakikibakang masa, sa pagsusulong ng mga batayang kahilingan ng masa at mamamayan, kahit pa sa batayan ng isang isyu sa isang panahon, namumulat ang masa at mamamayan sa tiyak na kabulukan ng isang aspekto ng namamayaning sistema at nagkakaroon ng matibay na tuntungan para mamulat sila sa kabulukan ng buong sistema. Naitataas ang kapasyahan nilang kumilos at lumaban mula sa isang isyu lang patungo sa pagbago sa buong lipunan.

Sa dulo, kung bubuuin ang teoretikal na balangkas para sa pagtatasa sa Kaliwa na gustong gawin ni Zizek, ganito ang mga magiging tanong: May matalas ba itong kritika sa umiiral na sistema? Paano ito nagsulong, nagpasigla at nagpalawak, ng mga kampanya at pakikibakang masa sa batayan ng ganitong kritika? Paano nito tinuntungan ang naturang mga kampanya at pakikibakang masa para magtaas ng kamulatan at kapasyahang lumaban – at sa gayon ay magpalawak at magpalakas? Paano nito pinalaganap ang sosyalistang alternatiba?

19 Nobyembre 2012


Kagawad ng barangay sa Bikol pinaslang ng militar?

$
0
0
Ang bangkay ni ely Oguis. (kontribusyon)

Mga labi ni Ely Oguis. (Kontribusyon)

Pinabulaanan ng Karapatan ang mga magkakaibang pahayag ng militar hinggil sa pagpatay kay Ely Oguis, isang kagawad ng Barangay Cabaloan sa Guinobatan, Albay.

Ayon sa grupo, inililigaw ng militar ang katotohanan sa brutal na pagpatay sa biktima na natagpuang may mga tama ng bala sa dibdib at pinugutan pa ng ulo noong Nobyembre 12.

Sa magkakaibang pahayag ng militar sa midya, unang sinabi nilang nagkaroon ng engkuwentro ang mga kasundaluhan at rebeldeng New People’s Army (NPA) kung saan napatay si Oguis. Pero sa pangalawang pahayag, sinabi nilang isa umanong tagakolekta ng buwis para sa NPA ang biktima at pinatay siya at isang maliit na may-ari ng plantasyon ng niyog ng mga kasamahan niya.

Sa sariling imbestigasyon ng Karapatan, napag-alaman sa mga residente ng lugar na noong Nobyembre 11, pumasok pa sa barangay hall ang biktima para gampanan ang kanyang tungkulin. Nanatili siya mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Dahil nakagawian na umano niyang makihalubilo sa mga residente, hindi agad umuwi si Oguis matapos ang kanyang duty sa barangay hall. Bagkus, ayon sa mga nakasaksi, nakipag-inuman daw ang biktima kay Juanito Sumaupan, na kapwa kagawad, at Rodrigo Mirabite na kapitbahay niya.

Makalipas ang ilang saglit, sumama sa kanilang inuman ang dalawang sundalo na sina Cpl. Gilbert Ramos, kumander ng kampo ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army, at isang nakilalala lamang bilang Patoy.

Batay sa kuwento ni Sumaupan, matapos makaubos ng ilang bote ng beer, lumipat umano sila sa tindahang pag-aari ni Marly na anak ng biktima. Umalis umano ang mga sundalo bandang alas-10 ng gabi at sumunod naman si Oguis makalipas ang ilang minuto.

Ayon pa sa Karapatan, nakarinig ng sunud-sunod na putok ang ilang residente bandang alas-11 ng gabi.

Dagdag pa grupo, ilang residente, kasama ang isang kagawad din ng barangay na si Minda Sumaupan, ang pauwi na galing sa pakikipaglamay bandang alas-1 ng madaling araw.

Pagdating nila sa isang purok ng barangay, nailawan nila ang isang taong nakahandusay na inakala nilang lasing. Nang lapitan nila, nakita nilang taong pugot ang ulo. Ipinaabot kaagad ng grupo ang nakita sa kanilang barangay chairman na nagpasyang hintayin na magliwanag bago imbestigahan.

Sa ganap na alas-singko ng umaga, siniyasat mga opisyal ng barangay ang bangkay at nakita ang ulo sa layong mahigit isang metro. Nakilalang itong labi ni Oguis at agad dinala sa isang punerarya para maawtopsiya matapos ipagbigay alam sa mga kamag-anak.

“Sa aming imbestiagsyon, wala namang nangyaring putukan sa detatchment kung saan iniulat ng mga sundalo na may nangyaring labanan. Ang narinig ng mga taga-barangay ay mga putok ng baril na hindi nga umabot ng isang minuto mula sa kinakitaan ng pugot na bangkay ni Kgd. Ely Oguis,” ani Vince Casilihan, tagapagsalita ng Karapatan-Bicol.

Sinabi rin ni Casilihan na mas malakas ang kanilang hinala na mga militar ang pumaslang kay Oguis.

Ilang beses umanong pinatawag ng mga militar si Oguis dahil pinaparatangan siya ng mga militar na miyembro ng NPA.

“Noon ngang Agosto 21, 2011 humingi siya ng tulong sa Karapatan-Bikol dahil dito. Sa katunayan, may sinumpaang salaysay pa siyang pinirmahan,” sabi pa ni Casilihan. Pareho umano ang mga pahayag ng militar hinggil sa pagkamatay ni Oguis at ni Rodel Estrellado na dinukot at pinatay noong  Pebrero 25, 2011.

“Gumawa sila ng moro-morong engkuwentro para palabasing nadamay sa labanan ang biktima. Pero ang totoo, sila-sila lang naman ang nagpaputok,” sabi pa ni Casilihan.

Sinabi rin ng grupo na ang pagpatay ay bahagi ng Oplan Bayanihan.

“Ang karahasang militar ay pilit nilang itinatago sa pamamagitan ng Community Peace and Development Team (CPDT) na wala namang pagkakaiba sa tigmak-dugong special operations teams (SOT) ng Oplan Bantal Laya I & II ng rehimeng US-Arroyo,” paliwanag pa ni Casilihan.

Kasapi ng Albay People’s Organization (APO) si Oguis at aktibong lumalaban sa militarisasyon sa kanilang lugar at sa paglabag sa karaptang pantao sa Kabikulan.

Isang milyong pirma laban sa pribatisasyon, isinulong ng kawani sa kalusugan

$
0
0
Mariing tinututulan ng mga kawani sa sektor pangkalusugan ang anila'y pagsasapribado ng mga pampublikong ospital. Magdudulot umano ito ng lalong kawalan ng akses ng mahihirap sa serbisyong pangkalusugan. (Pher Pasion)

Mariing tinututulan ng mga kawani sa sektor pangkalusugan ang anila’y pagsasapribado ng mga pampublikong ospital. Magdudulot umano ito ng lalong kawalan ng akses ng mahihirap sa serbisyong pangkalusugan. (Pher Pasion)

Isang milyong pirma ang layong makuha ng mga kawaning pangkalusugan laban sa korporatisasyon o pagsasapribado sa 26 na pampublikong ospital na isinusulong ngayon sa Kongreso sa ilalim ng programang Public-Private-Partnership ng administrasyong Aquino.

Nagsimulang mangalap ng isang milyong pirma ang mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pampublikong mga ospital na isasailalim sa korporatisasyon. Kasama rito ang National Center for Mental Health, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, at maging sa mga publikong lugar gaya ng Plaza Miranda.

Ayon sa AHW, malinaw ang magiging epekto ng korporatisasyon na ito sa mga karaniwan at mahihirap na mga mamamayan kung matutuloy ito.

Nagsimulang mangalap ang Alliance of Health Workers ng mga lagda para sa petisyong ibasura ng administrasyong Aquino ang korporatisasyon ng pampublikong mga ospital. (Pher Pasion)

Nagsimulang mangalap ang Alliance of Health Workers ng mga lagda para sa petisyong ibasura ng administrasyong Aquino ang korporatisasyon ng pampublikong mga ospital. (Pher Pasion)

“Ngayon pa lamang, hirap na ang mga mamamayan sa pag-abot ng serbisyo sa kalusugan ng mga pampublikong ospital gaya ng PGH. Lalo lamang palalalain o itataboy ng pamahalaang ito ang mga mamamayan sa mga ospital kung ito ay matutuloy,” ayon kay Bejamin Santos Jr., presidente ng All UP-Workers Union-Manila sa kanilang isinagawang protesta sa Philippine General Hospital.

Hindi lamang din serbisyo sa kalusugan ng mga mamamayan ang maaapektuhan kundi maging ang pangamba sa seguridad sa trabaho ng mga kawani sa kalusugan ang tiyak na magiging epekto ng korporatisasyon, ayon kay Sean Velches, tagapangulo ng National Orthopedic Hospital Workers’ Union-Alliance of Health Workers (NOHWU-AHW).

Nagprotesta rin ang mga kawaning pangkalusugan at mga mamamayan noong Nobyembre 19 sa harapan ng Department of Health patungong Mendiola para iparating sa pamahalaan ang anila’y nakamamatay na pribatisasyon na mismong Malakanyang ang nagsusulong.

Vilma Santos, tanggapin kaya ang alok ng TV5?

$
0
0

Una muna ay si Dolphy ang napunta sa Associated Broadcasting Corporation TV5 mula sa ABS-CBN.

Pagkatapos ay nabalitaan at napatunayang si Maricel Soriano ay inempleyo na rin ng kumpanya ng telekomunikasyon ni Manny Pangilinan at bago ang dalawang bituin ay si JC de Vera’y nagliban na rin ng bakod at kasama na ng mga ito mula sa GMA Network samantalang si Luchie Cruz-Valdez at Sheryl Cosim mula sa ABS-CBN ay nakipaglangkap na sa Channel 5 gayundin sina Ronnie Azurin mula sa Radio Philippines Network o Channel 9 at Paolo Bediones galing sa Channel 7 ay nasa Singko na rin samantalang nauna na sa kanilang lahat sina DJ Sta. Ana, Cherry Mercado at Patrick Paez at iba pang manggagawa mula sa Channel 2 at si Martin Andanar na nag-Channel 7 at nag-Channel 4 ay lumiban na rin ng bakod.

Kung si Chino Gaston nga at si Erel Cabatbat na nagsimula sa RPN bilang mga peryodistang nangangalap ng balita sa labas ay nagpunta na sa ABC subalit naiwan doon si Erel at napunta sa News and Public Affairs ng Siete si Chino.
Ngayon ay si Vilma Santos naman ang nababalitang kinukuha ni Manny para makasama sa kanyang imperyo.

***

Nagmula sa isang malapit na malapit kay Vilma ang istorya dahil nakipagmiting na anang aming espiya si Santos kay Pangilinan kamakailan sa isang restoran sa Rockwell sa Makati City na paboritong lugar ng aktres.

Milyung-milyong piso ang nakataya sa umano’y paglipat ni Vi sa Kapatid Network at pinaghalong public affairs show at entertainment-related program ang ibinibigay sa tinaguriang Star for All Seasons.

Nang-intriga pa nga ang aming espiya at sinabing inisnab ng TV5 si Nora Aunor pabor kay Ate Vi.

“Kasi, marami nang reyna sa ABS-CBN. Nando’n na sina Ai Ai de las Alas, Kris Aquino at Sharon Cuneta kaya sa TV5 si Vi. Solong-solo niya ang pagrereyna roon,” pakli n gaming espiya.

Mukhang tatanggapin ng aktres ang alok, ayon sa aming kausap samantalang nakatakda nang gumiling ang mga kamera ng Star Cinema, ang pampelikulang seksyon ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, para sa isang pelikulang matagal nang inoohan ni Vilma pero naaantala pa gayong marami nang nag-aabang sa obrang isasapelikula niya.

Si Chito Roño pa rin ang direktor ng proyekto tulad nang unang plano pero isa ang suspense thriller ang paksa at pamamaraan ng pelikula.

At nito rin ang matagal nang nababalitang pagsasamahan nina Santos at Sharon.

“Kaya pala nagpapapayat na si Sharon,” wika ng aming espiya.

***

Nananabik na si Cuneta sa pagsama sa gobernadora ng Batangas at ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang mga bagay na kakailanganin sa pagsasapelikula ng kanilang produksyon.

Masugid na tagahanga ni Vi si Shawie kaya naman gamay na gamay na nila ang kanilang mga sarili.

Magsundo ang dalawang aktres dahil sa molde ng kanilang pinagmulang pamilya at mga nakasama sa mahabang paglalakbay sa buhay sa lipunang ito.

Matagal-tagal na ring walang ginagawang pangmalaking puting tabing sina Vi at Shawie kaya naman inaabangan na ang pagtutunggali nila sa pinilakang tabing.
Sa Hunyo umano magsisimula ang pagsasapelikula nang wala pang titulong obra.

***

Nasa TV5 na rin si Aga Muhlach mula sa ABS-CBN at ang mga personalidad na sina John Estrada, Long Mejia, Roxanne Guinoo at iba pang mula rin sa Kapamilya Network.

Huwag ding kalimutang nasa laylayan na ng pantalon ni Pangilinan si Willie Revillame at iba pang may kaugnayan noon sa “Wowowee” na ngayon ay pinamagatan nang “Willing Willie.”

Balitang si Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang isa sa mga senador ng bayan ay kinukuha na rin ng Channel 5 mula sa Kapuso Network.

Pati na rin si Gary Valenciano ay maugong na pinag-aagawan nina Manny at ng pamahalaan ng Dos.

Maugong din na si Gabby Concepcion ay lilipat na ng kanyang television studio dahil wala umanong ibinibigay na proyekto ang Channel 2 sa kanya, anang aming espiya.

Nang magdiwang kamakailan ng kaarawan si Willie ay isa si Gabby sa mga dumatal at bumati sa komedyanteng TV host at ngayon ay padrino ng dramatikong aktor kay MVP.

***

Hindi na nga bago ang rigodon de honor ng mga artista sa larangang ito ng aliw dahil noon pang panahon ng malalaking paktorya ng pelikula ay isinasapraktika na ito.

Parang hakbang at gawi ng sayaw na rigodon de honor ang paglipat-lipat ng mga bituin ng pinaglilingkurang korporasyon ng aliw.

At walang masama rito kung hindi ang nagpapasama lang ng desisyong ito ay ang mga tao lalo na ang mga apektado sa pasyang ito ng mga nagri-rigodon de honor.

Noon pa man, pagkatapos ng kontrata ni Susan Roces sa Sampaguita Pictures ay nag-rigodon de honor siya at nagtayo ng sariling pagawaan ng pelikula.
Si Amalia Fuentes ay nagkaroon ng problema sa kanyang kontrata sa Sampaguita Pictures dahil gumawa siya ng pelikula sa labas ng istudyo hanggang sa kalaunan ay nagtungo siya sa Lea Productions at gumawa ng pelikula roon.

***

Mula sa Regal Entertainment ay nagtungo si Snooky Serna sa Viva Films samantalang kung hindi man naglipat-bahay ay kinuha naman, nanghiram si Vic del Rosario ng artista kay Mrs. Lily Monteverde tulad ni Maricel samantalang pagkatapos na mapaso ang kasunduan sa Regal Films ay naging artista ng Viva Entertainment si Dina Bonnevie.

Samantala, si Vilma ay nagsimula sa telebisyon sa pamamagitan ng lumang ABS-CBN bago magdeklara ang diktador na si Ferdinand E. Marcos ng Batas Militar.

Nang mag-Martial Law at nang kamkamin ni Marcos ang mga ari-ariang komuniknasyon ng mga Lopez tulad ng ABS-CBN ay nangibang-istasyon si Santos dahil nagtungo siya sa Banahaw Broadcasting Company o BBC na gumamit ng channel na Channel 2.

Nagreyna si Vi sa kahariang ito at pagkatapos ay nag-rigodon de honor siya sa GMA Network.

Kapwa natagalan sa BBC at GMA Network, kinuha ng ABS-CBN ang Star for All Seasons at hanggang ngayon ay nakatali sa anang peryodistang pampelikulang si Art Tapalla ay sa hindi eksklusibong kontrata.

At ngayon, naghihintay ang mga pintuan ng TV5 para sa aktres.

Tumuloy naman kaya siya.

Abangan ang susunod na kabanata.

Video: Karahasan sa kababaihan, bahagi ng Oplan Bayanihan

$
0
0
Sa suri ng Gabriela, ginagamit ng militar ang pandarahas sa kababaihan bilang bahagi ng panunupil ng militar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. (PW Photo)

Sa suri ng Gabriela, ginagamit ng militar ang pandarahas sa kababaihan bilang bahagi ng panunupil ng militar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. (PW Photo)

Bahagi ng giyera kontra insurhensiya ng administrasyong Aquino ang violence against women and children (VAWC).

Ito ang suri ng alyansang pangkababaihan na  Gabriela, matapos makatanggap ng maraming kaso ng VAWC na sangkot ang mga armadong ahente ng estado, kabilang ang mga militar, paramilitar at pulis, sa iba’it ibang bahagi ng bansa.

Ilan sa mga tampok na kaso na inilahad ng grupo ang kaso ni Mutya, isang 16-anyos na babae na di umano’y ginahasa ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Baras, Rizal.

Sa Lobo, Batangas, isang 13-anyos na babae na itinago sa pangalang Elaine ang ginahasa ng isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) at nabuntis.

Sa Catanauan, Quezon, isang 15-taong-gulang na babae ang hinahanap ng Gabriela sa Southern Tagalog matapos pinaniniwalang ipasok sa isang kampo ng militar sa lugar.

Ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, pinabubulaanan ng mga kasong ito ang pahayag ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na maganda na ang rekord ng Army sa paggalang sa karapatang pantao.

“Malinaw mula sa dumaraming insidente ng pang-aabuso sa kababaihan ng mga militar at paramilitar sa ilalim ng Oplan Bayanihan na hindi natitigil ang pandarahas at pang-aabuso sa kababaihan dahil sa pagpapatuloy ng kultura ng kawalang hustisya,” ayon kay Salvador.

Ayon naman kay Rjei Manalo ng Gabriela-ST sa kaso, “Ang mga ito ay tunay tao. Buhay na karanasan ng mga biktima lalo na sa mga liblib na lugar na militarisado. Patunay na nagpapatuloy at lumalala ang pang-aabuso ng kababaihan na maging ang mga kaso ng mga menor de edad ay sadyang nakakabahala at higit na nakakaalarma ay ang patuloy na kawalang aksyon ng pamahalaang Aquino sa mga kasong ito ng paglabag sa karapatang pantao mismong mga pwersa nito ang mga suspek.”

Sinabi ni Obeth Montes, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela at punong psychologist ng grupo, na nagiging bahagi ng programang kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan ang VAWC. Bahagi ng “winning hearts and minds” sa mga komunidad sa kanayunan ang panunuyo sa kababaihan.

Pero sa mga pagkakataong nabibigo siya sa pagsuyo sa kababaihan, ginagamitan sila ng dahas ng mga miiltar.

Samantala, kasabay ng kampanya ng Gabriela kontra sa VAWC, inanunsiyo ni Monique Wilson, tanyag na artista sa teatro at miyembro ng Gabriela, ang pandaigdigang kampanyang “One Billion Rising.”

Sa kampanyang ito, nakatakdang igiit ng kababaihan ng mundo sa Pebrero 14, 2013 sa kanilang mga gobyerno na wakasan ang VAWC.

Bidyo ni Priscilla Pamintuan, karagdagang bidyo ni Pher Pasion | Teksto ni Pher Pasion

Maaaring panoorin ang bidyo sa high-definition (HD) (720p)

Unity Statement: Aquino government policies, politics, inaction delay justice for Maguindanao martyrs

$
0
0

Mga estudyante ng Cavite State University at miyembro ng College Editors Guild of the Philippines-Southern Tagalog, nagsagawa ng candle lighting para gunitain ang ika-3 anibersaryo ng masaker sa Ampatuan. (Contributed Photo)

THE FAMILIES of the 58 victims of the Nov. 23, 2009 Ampatuan Massacre are starting to lose hope in the justice system, and the government has only itself to blame.

As we commemorate the third anniversary of the Ampatuan Massacre, where 32 journalists and media workers were among the murdered, only two of the eight Ampatuan clan members in jail have been arraigned. Some witnesses have died. Some relatives of the victims have fled their hometowns following receipt of death threats.

In August 2010, President Benigno S. Aquino III promised five crucial reforms to help speed up the quest for justice. Among these were improvements to the Witness Protection Program, the formation of quick-response teams to investigate media killings, measures to speed up the pace of the trial, and a review of the Rules of Court to mitigate possible abuse and manipulation.

The problems raised are hardly imaginary. As a Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) study shows, some 100 warlords continue to rule areas in the country that have chalked up the most number of media killings.

Even as fear of reprisals continue to haunt witnesses and plaintiffs in the case, the government of Mr. Aquino and other major political parties in the country have embraced the Ampatuan clan.

At least 72 Ampatuan clan members are candidates in the May 2013 elections, nine of them running under the Liberal Party, and 34 others under the United Nationalist Alliance of Vice President Jejomar Binay.

The big number of candidates from the clan bares an intact financial and power infrastructure. In fact, the Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) shows that Andal Ampatuan Jr. has managed to sell eight prime properties, an outrage when the government has pledged to forfeit wealth that multiplied many times as the clan consolidated its powers with help from successive administrations that wooed the clan’s formidable voting machine.

Nov. 23 is also the International Day to end Impunity. A Southeast Asian Press Alliance report shows the Philippines, supposedly the region’s most vibrant democracy, remains the most dangerous place for journalists.

A total of 153 journalists have been killed since 1986. Of these, at least 14 had been murdered during the administration of Mr. Aquino. Of the total cases, only 10 cases have won partial convictions. No mastermind has ever been brought to trial.

A survey of all cases of media killings will show that half of the suspects are state actors – policemen, soldiers, and elected officials. The Aquino administration’s embrace of a clan long known for warlordism only highlights how state policy can fuel impunity.

Aside from the killings, Mr. Aquino has consistently exhibited a penchant for proposals to curtail press freedom and freedom of expression.

Despite his avowed pledge to implement “tuwid na daan,” he has reneged on a promise to prioritize the passage of the Freedom of Information bill – an initiative that could help his government fulfil its promise to rid the country of corruption.

What he has supported instead is the patently unconstitutional Cybercrime Prevention Act, a law which grants the state draconian powers to crack down on dissent and critical expression on digital space.

Lately, the President has even mentioned in glowing terms the Right to Reply initiative, which would force the press to hand over its space to the whims of politicians and other powerful individuals and groups seeking to manage the flow of information.

Taken together, the acts of commission and omission by the Aquino administration betray sheer lip service to justice and press freedom, and a dangerous tendency to sacrifice both to the exigencies of power.

 

Signed:

Center for Community Journalism and Development

Center for Media Freedom and Responsibility

Freedom Fund for Filipino Journalists

National Union of Journalists of the Philippines*

Philippine Center for Investigative Journalism

Philippine Press Institute

University of the Philippines-College of Mass Communication

 

*Ang Pinoy Weekly ay tsapter ng NUJP, ang pinakamalaking organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa

Video: Migrant Stories – A Mysterious Death

$
0
0

Nyrriel Atienza is the 17-year old daughter of Terril Atienza, an Overseas Filipino Worker who died under mysterious circumstances in Mongolia. It will be one of countless stories to be featured in the International Migrants’ Tribunal on the Global Forum on Migration and Development (GFMD), to be held in the Philippines from November 28-29, 2012.

This video is produced by PinoyMedia Center for the International Migrants’ Tribunal. Video and editing by King Catoy, with Ilang-Ilang Quijano and Pher Pasion. Sound design by RJ Mabilin.

Ngayong Inuusig ng Ubo sa Ikatlong Taon ng Kawalang Hustisya sa mga Biktima ng Ampatuan Massacre

$
0
0

Hindi pa ako natutulog at walang tigil sa pagkahol ang baga kong kaysikip at kaylagkit dahil sa naimbudong plema. Akala ko ay nagapi na ng amoxicillin ang kung anumang militar ng plema sa baga ko. Matapos ang ilang araw ng hindi pagkahol, heto’t nanumbalik na naman ang anumang nagpapasikip ng baga ko at nagpapasakit ng sentido ko.

Iniisip ko, itong ganitong mga pisikal na limitasyon ay gaano ba kabigat kumpara sa dinaranas ng mga pamilya ng pinaslang sa Maguindanao tatlong taon na ang nakaraan, sa parehong araw na ito, Nobyembre 23. Wala ito sa lalim at lawak ng inimprentang sakit sa mga buhay ng mga pamilyang naiwan ng mga biniktima ng Ampatuan. Wala ito sa dagat ng luha, sipon at pawis na iniluwal ng kanilang pighati at pananangis. Wala ito kumpara sa pabalik-balik na tunog ng malutong na ubo ng politikal na karahasan – pabalik-balik na imahen at reyalidad ng kawalang hustisya.

Naiisip ko: Mayroon rin kayang inuubo sa kanila noong araw na iyon? Mayroon rin kayang gumawa ng last-minute na artikulo? Ano kaya ang nahuli ng kanilang huling klik ng kamera? Sino ang kanilang huling nakausap bago sila ipunla ng maruruming kamay sa inosenteng lupa? Ano kaya ang pagtingin nila sa backhoe bago pa ito maging instrumento ng politikal na karahasan ng isang pamilyang anarkista, dating kakampo ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo at ngayon ay kakampo ni Pang. Noynoy Aquino at sa katunayan ay mayroong siyam na Ampatuan na tatakbo sa ilalim ng Liberal Party sa darating na halalan?

Gayon ang mukha at pangalan ng “kultura ng kawalan ng pananagutan” o “culture of impunity.” Hinahayaan ng pamahalaan na lumipas ang mga segundo, minuto, hanggang sa maging oras, araw, linggo, buwan, taon, dekada, infinidad ng kawalan ng pananagutan. Nagagawa pa ng pangulong Noynoy Aquino na magpalipas ng oras habang nababaligho ang gulong ng katarungan. Nagagawa pa niyang maging tulad ni Arroyo: kumapit sa malakas at makapangyarihan maseguro lamang ang temporal na estabilidad ng panunungkulan.

Wala na marahil kasinlaking kasalanan na maaaring gawin si Noynoy Aquino sa 58 biktima ng masaker sa Maguindano, kabilang ang 32 mamamahayag, kundi ang kanlungin at hindi pagbayarin ang mga pasimuno at panaguri ng nasabing krimen. Na tila ba paulit-ulit na inililibing ang mga biktima sa lupang kinalahig nang kinalahig ng higanteng manok na backhoe. Na tila ba ang sagot sa paghingi ng katarungan ay ang pagpapatagal ng hustisya, pagpapalipas ng oras, pagpapapagal sa mga nag-aabang sa hustisya, pagpapatahimik sa naghahanap ng at lumalaban para sa katarungan, pagbabalewala sa mga nagpapapanagot, pagpapakalimot.

Kaya ang kolektibong tinig laban sa kumakahol na ubo ng pagpapakalimot ang tugon: NEVER FORGET. At NEVER AGAIN.


3-taong anibersaryo ng masaker sa Ampatuan: Kawalang pananagutan o impunity, malaganap pa rin

$
0
0

Protesta ang naging paraan ng paggunita ng mga kaanak, midya at iba’t ibang sektor sa ikatlong anibersaryo ng malagim na masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Sa martsa nila mula Welcome Rotunda sa Quezon City patungong Mendiola, Manila, ipinarada ng mga organisasyon ng midya ang 153 replika ng kabaong—simbolo ng kawalang hustisya sa mga pinaslang na mamamahayag mula noong 1986 at hanggang sa kasalukuyan.

Sa masaker sa Maguindanao, kabilang sa 58 na biktima ng pamamaslang diumano ng angkan ng pamilyang Ampatuan ang 32 mamamahayag.

Sa kanilang nagkakaisang pahayag, pinasaringan ng grupo si Pang. Benigno Aquino III sa tila “kawalan ng interes” nitong resolbahin ang kaso ng masaker gayundin ang pagpapatuloy ng impunity o kawalan ng pananagutan sa mga pag-atake sa mga mamamahayag at iba pang sektor ng lipunan.

“Ipinangako ni Presidente Aquino ang limang mahalagang reporma para mapabilis ang pagkamit natin ng katarungan,” pahayag ng grupo na binasa ni Malou Mangahas ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).Kasama umano rito ang mga reporma sa paggawad ng hustisya sa mga biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang at pag-atake sa mga alagad ng midya.

Ksama sa ipinangako ni Aquino noong 2010 ang pagpapaunlad sa witness protection program; pagbubuo ng quick reaction team para mag-imbestiga sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag; pagpapabilis sa paglilitis sa mga kaso at pagrebisa sa rules of court para maiwasan ang abuso at manipulasyon sa mga kaso.

Pero ayon sa grupo, sa kabila ng pangakong protektahan ang press freedom, nagpapakita si Aquino ng pagkiling sa mga panukala para supilin ang karapatan sa pamamahayag.

Ibinigay na halimbawa ng grupo ang hindi maipasa-pasang Freedom of Information Bill at pagpasa naman sa Cybercrime Prevention Act, na diumano’y may layuning supilin ang mga kritiko ng gobyerno sa cyberspace.  Gayundin ang muling pagkiling ng pangulo sa Right to Reply Bill.

Kaya naman nawawalan na ng tiwala ang mga kaanak ng mga biktima, ayon sa mensaheng binasa ni Mangahas sa programa.

“Nalulungkot kami, kasi napakabagal ‘yung pag-usad ng kaso.” ani Editha Tiamzon, asawa ng isa sa mga biktima. Sa walong akusado na pawang nasa pamilya ng Ampatuan, dalawa pa lamang ang nababasahan ng sakdal, samantalang aabot pa sa isandaan ang hindi pa naaresto.

“Noong nakausap namin si Undersecretary Francisco Baraan ng Department of Justice, sinabi niya na mababasahan ng sakdal ang mga akusado bago mag-tatlong taon. Eh ngayon tatlong taon na, wala pa rin. Nakakalungkot,” ani Tiamzon sa Pinoy Weekly.

Dismayado rin ang mga kaanak sa desisyon ng Korte Suprema na ipagbawal ang live coverage at nagtakda na lamang ng ilang lugar para sa live streaming sa paglilitis.

“Ang hirap naman noon, taga-Davao kami. Ibig sabihin, pupunta pa ako sa Cagayan de Oro para lang mapanood ang hearing,” sabi ni Juliet Ebardo, ina ng isang biktima.

Bukod sa bagal ng pag-usad ng kaso, ilan sa mga testigo ang pinatay at pinaghihinalaang may kaugnayan sa kaso.  “Ang kawalang hustisya’y hindi natapos sa pagmasaker sa kanilang mga kaanak, patuloy ang pananakot sa mga pamilya ng mga biktima. Patunay na lumalaganap pa rin ang impunity na dapat kondenahin,” pahayag naman ni Cristina Guevarra, pangkalahatang kalihim ng Hustisya, grupo ng mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Naglunsad din ng kilos-protesta ang iba’t ibang sektor sa iba’t ibang lugar sa bansa, maging sa loob ng mga kampus, para gunitain ang masaker at igiit ang hustisya para sa mga biktima at sa bayan.

Artikulo ni Macky Macaspac | Larawan nina Macky Macaspac at Darius Galang | Audio recording ng pananalita ni Malou Mangahas ni Macky Macaspac

Larawan: Glenn Defense Marine, gobyernong US dapat managot sa toxic waste sa Subic

$
0
0
Nagmartsa ang humigit-kumulang 100 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) patungong Roxas Boulevard, malapit sa tanggapan ng Glenn Defense Marine, na siyang katapat din ng embahada ng US. Iginigiit nila ang pagtigil ng operasyon ng naturan pribadong kompanya na may kontrata sa US Navy. Napag-alaman kamakailan ang pagtatapon ng Glenn Defense ng toxic wastes sa karagatan ng Subic, Zambales. (KR Guda)

Nagmartsa ang humigit-kumulang 100 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) patungong Roxas Boulevard, malapit sa tanggapan ng Glenn Defense Marine, na siyang katapat din ng embahada ng US. Iginigiit nila ang pagtigil ng operasyon ng naturan pribadong kompanya na may kontrata sa US Navy. Napag-alaman kamakailan ang pagtatapon ng Glenn Defense ng toxic wastes sa karagatan ng Subic, Zambales. (KR Guda)

Bago pa man makalapit sa opisina ng Glenn Defense Marine, hinarangan na ang mga demonstrador ng pulis. (KR Guda)

Bago pa man makalapit sa opisina ng Glenn Defense Marine, hinarangan na ang mga demonstrador ng pulis. (KR Guda)

Simbolikong maglalagay sana ang mga militante ng karatulang "Notice of Closure" sa tanggapan ng Glenn Defense, pero pinigilan sila ng mga pulis na makalapit dito. (KR Guda)

Simbolikong maglalagay sana ang mga militante ng karatulang “Notice of Closure” sa tanggapan ng Glenn Defense, pero pinigilan sila ng mga pulis na makalapit dito. Kasama sa mga nagprotesta ang mga miyembro ng Kalikasan, International League of Peoples’ Struggle-Philippines, Promotion for Church People’s Response at Gabriela. (KR Guda)

Harap ng tanggapan ng Glenn Defense Marine, sa Roxas Boulevard, Manila. (KR Guda)

Harap ng tanggapan ng Glenn Defense Marine, sa Roxas Boulevard, Manila. (KR Guda)

Madilim na Pasko para sa mga kawani ng gobyerno?

$
0
0
Mahigit 500 kawani ng gobyerno ang nagmartsa sa Mendiola, Manila para iprotesta ang mga atake ng administrasyong Aquino sa kanilang mga benepisyo. (KR Guda)

Mahigit 500 kawani ng gobyerno ang nagmartsa sa Mendiola, Manila para iprotesta ang mga atake ng administrasyong Aquino sa kanilang mga benepisyo. (KR Guda)

Nagmartsa ang mga kawani ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola para tutulan ang pag-atake ng administrasyong Aquino sa kanilang mga benepisyo at karapatan.

Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang martsa ng mga kawani mula sa Department of Budget and Management (DBM) patungong Mendiola. Tinagurian ang protesta na Pambansang Araw ng Pagkilos laban sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo.

Mariing tinututulan ng mga kawani ang pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, habang kibit-balikat ang gobyerno sa panawagan para sa dagdag sa kanilang suweldo. (KR Guda)

Mariing tinututulan ng mga kawani ang pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, habang kibit-balikat ang gobyerno sa panawagan para sa dagdag sa kanilang suweldo. (KR Guda)

Sinabi ng mga kawani na tila magiging madilim ang kanilang Pasko ngayong taon dahil sa pagharang ng DBM sa pagbibigay ng benepisyo sa mga kawani at pagkakaroon ng cap sa Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive.

Marami sa kanila ang naikomit na ang kanilang yearend bonus at 13th month pay sa pagbayad ng mga utang.

It is the height of irony that the administration whose campaign is premised on Pwede nang mangarap ang mahihirap has made our lives more miserable than ever before,” pahayag ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage.

Sinabi pa ni Gaite na tinanggal pa ng administrasyon ang katiting na mga alawans nila, tulad ng rice allowance, subsistence allowance, longevity pay, food basket allowance, laundry allowance, hazard pay at CNA Incentive.

In fact for employees of agencies with Charters like Government Financial Institutions, even the last two tranches of the Salary Standardization Law 3 were also denied to them,” sabi pa ni Gaite.
Sinabi pa ni Gaite na marami sa mga kawani ang nagkakasya na lamang sa humigit-kumulang P2,500 na take home pay para sa pagkain, transportasyon, pabahay, at iba pang gastusin para sa kanilang pamilya.

Dahil sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, nangangamba ang mga kawani na magiging madilim ang kanilang Pasko ngayong taon. (KR Guda)

Dahil sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, nangangamba ang mga kawani na magiging madilim ang kanilang Pasko ngayong taon. (KR Guda)

Inirereklamo rin ng mga kawani ang di-pagtalaga ng administrasyon ng badyet para salary adjustment ng 1.4 milyong kawani sa taong 2013. Mahigit PhP2-Trilyon ang badyet ng pambansang gobyerno sa 2013, na mas mataas nang 10.5% sa badyet nitong 2012.

Kasama sa nagprotesta ang mga empleyado mula sa National Housing Authority, Department of Social Welfare and Development, National Food Authority, Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment, at Department of Environment and National Resources.

Sumama ri ang mga kawani mula sa Metro Manila Water and Sewerage System, National Printing Office, Senate of the Philippines, Sandiganbayan at iba pa.

Sinabi rin ni Gaite na nagprotesta rin ang mga kawani ng gobyerno sa Bacolod City, Iloilo City, Cebu City, Davao City at Cagayan De Oro City.

Walang Alitaptap Sa Punong Acacia

$
0
0


walang umiindak
sa natuyong sanga
walang kumikindat
sa dahong nalanta
walang nagniningning
tulad ng bituin
lalo’t nakapiring
sa mata ng buwan
itim na ulap
ng dusa’t panimdim
at lupit ng kamay
ng pang-aalipin.

tinangay ba sila
ng hanging amihan
sa burol ng dilim
at ngayon ay tanglaw
sa mithiing banal
ng mga aninong
laging naglalamay
sa pananagimpan
habang hinahabi
sa pisngi ng gabi
madugong lirika ng paghihimagsik
melodiyang umiindak sa pag-ibig
sa laya’t ligaya
ng ibinartolinang
la tierra pobreza
sa yungib ng inhustisya
ng uring mapagsamantala?

wala ni isang alitaptap
sa punong acacia
ngayong puso ko’y
sakmal ng dalita’t dusa
ngayong sa utak ko’y
naglilingkisan
sumisingasing na mga eksena
ng mga dekada ng pakikibaka
ngayong sa tainga ko’y
umaalunignig
tagulaylay ng dasal-hinaing
ng mga nilikhang
nilamon ng sakim
silang kabataang
sa gubat nalibing
silang mga inang
luha ang kapiling
silang mga amang
buto ay giniling
ng imbing makina
sa mga pabrika
dugo ay kinatas
ng lupang di kanya
pataba sa tubo
pandilig sa palay
habang nagsasayaw
sa karangyaan
at naglulublob
sa kapangyarihan
silang iilang diyus-diyosan
sa umaalingasaw na lipunan.

walang alitaptap
sa punong acacia
saan sila naglipana
ngayong kumakapal
ang lambong ng dilim
sa luhaang mukha
ng bayang alipin
ng mga gahaman
ngayong binubulag
ng huwad na mesiyas
masang sambayanang
lagi nang dayukdok
at lalamunan
ay titiguk-tigok?

kumpul-kumpol
sanang dumatal
sa punong acacia
laksang alitaptap
at sana’y ilulan
sa nagbukang pakpak
di lamang luningning
papawi sa dilim
kundi lagablab
ng dila ng apoy
upang gawing uling
tupukin-pulbusin
katawan ng mang-aalipin
at uring balakyot!

 

Migrant Stories – Stranded in Saudi Arabia

$
0
0

Danilo Bañez and 200+ Filipino workers were stranded in Saudi Arabia for a year after their company closed shop. Has migration led to development? The International Migrants Tribunal on the GFMD is set to give their verdict after migrants from all over the world testify.

Produced by PinoyMedia Center
Concept by King Catoy
Shot and edited by Kape Muna and Ilang-Ilang Quijano
Sound Design by RJ Mabilin

Paghihimagsik ng mga Gat Andres ng kasalukuyang panahon

$
0
0

Isang araw ng pag-ibig sa bayan at pag-aaklas laban sa mga dayuhang mananakop at gahaman ang ipinamalas ng mahigit 6,000 katao na nagprotesta noong Nob. 30, araw ng ika-149 taon ng kapanganakan ng tinaguriang Ama ng rebolusyong 1896 na si Gat Andres Bonifacio.

Mula sa pagsuot ng mga maskara ni Andres at pagbitbit ng kanyang tabak, hanggang pagpanawagan ng pagpapatuloy ng kanyang naunsiyaming rebolusyon — ipinamalas ng militanteng kilusang masa na makabuluhan pa rin ang ehemplo ng Supremo ng Katipunan. Para sa kanila, kung nabubuhay pa ang lider-rebolusyonaryo, tiyak na ipaglalaban niya ang karapatan ng mga manggagawa sa makabuluhang dagdag-sahod, lalabanan niya ang mga demolisyon, kokontrahin ang pagsasapribado sa mga serbisyong panlipunan at ibabasura ang mga patakarang neoliberal na dikta ng dayuhan.

Buhay din ang diwa ng himagsikan, ayon sa grupong pangkababaihan na Gabriela, sa kababaihang nagpoprotesta kontra sa karahasan sa kanilang hanay, sa anumang porma. Noong umaga, daan-daang kababaihan ang sumayaw sa awitin ng pandaigdigang proyektong “One Billion Rising”. Testamento ito, ayon sa mga lider ng Gabriela, ng pagtangan ng kababaihan sa diwa ng paglaban ni Bonifacio.

Nagmartsa ang mga militante — patungo sana ng embahada ng US, na anila’y pinakamabangis at tusong imperyalistang puwersa sa mundo na nag-aalipin pa rin sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Pero hinarang sila ng mga pulis. Matapos nito, nagmartsa sila patungong Mendiola, sa gitna ng init ng araw, sa kabila ng mahabang lakarin. Doon, sa paanan ng Palasyo, dinala nila ang protesta. Tiyak silang kung nabubuhay pa si Bonifacio, magngingitngit ito sa rehimeng Aquino na naging sunudsunuran sa iilang mayayaman at dayuhan.

Para sa kanila, hindi na lamang paggunita sa alaala ng sinaunang bayani ang dapat gawin sa Nobyembre 30. Ang araw na ito, anila, ay araw ng pagpapamalas na nagpapatuloy ang paghihimagsik ni Gat Andres.

Larawan nina Pher Pasion, KR Guda at Macky Macaspac

Sa araw na ito, inaasahan lamang na sa Liwasan Bonifacio unang magtipon ang mga militante: Sa harap ng estatwa ni Gat Andres, sinimulan ang kanilang araw ng paghihimagsik. (KR Guda)

Sa araw na ito, inaasahan lamang na sa Liwasan Bonifacio unang magtipon ang mga militante: Sa harap ng estatwa ni Gat Andres, sinimulan ang kanilang araw ng paghihimagsik. (KR Guda)

Mga maskara ni Gat Andres ang suot ng maraming militante: Sila umano ang bagong Bonifacio na nagpapatuloy sa di-pa-tapos na rebolusyon. (KR Guda)

Mga maskara ni Gat Andres ang suot ng maraming militante: Sila umano ang bagong Bonifacio na nagpapatuloy sa di-pa-tapos na rebolusyon. (KR Guda)

Sa harap ng bulto ng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno o KMU, at iba pang sektor. (Pher Pasion)

Sa harap ng bulto ng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno o KMU, at iba pang sektor. (Pher Pasion)

Isa sa pangunahing mga isyung dinala ng protesta ang pagkondena sa labor export policy ng gobyerno. Kasama ng mga migranteng Pilipino ang iba't ibang migrante at tagapagtaguydo ng karapatan ng mga migrante na lumahok sa International Migrants' Tribunal noong Nob. 28-29. (KR Guda)

Isa sa pangunahing mga isyung dinala ng protesta ang pagkondena sa labor export policy ng gobyerno. Kasama ng mga migranteng Pilipino ang iba’t ibang migrante at tagapagtaguydo ng karapatan ng mga migrante na lumahok sa International Migrants’ Tribunal noong Nob. 28-29. (KR Guda)

Mariing tutol ang Migrante International sa mistulang paggawang negosyo sa mga serbisyong dapat na libreng ipinamamahagi ng pamahalaan. (KR Guda)

Mariing tutol ang Migrante Party-list sa mistulang pagturing na negosyo sa mga serbisyong dapat na libreng ipinamamahagi ng pamahalaan. (KR Guda)

Sa harap ng monumento ng Supremo ang kaliwa't kanang panawagan para sa tunay na pagbabago para sa mga mamamayan. (Macky Macaspac)

Sa harap ng monumento ng Supremo ang kaliwa’t kanang panawagan para sa tunay na pagbabago para sa mga mamamayan. (Macky Macaspac)

Habang nagtitipon ang iba't ibang sektor, pinamunuan ng Gabriela ang pagsayaw ng kanta ng "One Billion Rising" na pandaigdigang kampanya ng paglaban sa lahat-ng-pormang karahasan sa kababaihan at mga bata. (Macky Macaspac)

Habang nagtitipon ang iba’t ibang sektor, pinamunuan ng Gabriela ang pagsayaw ng kanta ng “One Billion Rising” na pandaigdigang kampanya ng paglaban sa lahat ng porma ng karahasan sa kababaihan at mga bata. (Macky Macaspac)

Kasama sa nanguna sa pagsayaw si Monique Wilson at Sr. Mary John Mananzan. (Macky Macaspac)

Kasama sa nanguna sa pagsayaw sina Monique Wilson (gitna) at Sr. Mary John Mananzan (kanan, natatakpan ang mukha). (Macky Macaspac)

Ang panawagang kadalasang naiuugnay kay Gat Andres: "Sulong, mga kapatid!" (Macky Macaspac)

Ang panawagang kadalasang naiuugnay kay Gat Andres: “Sulong, mga kapatid!” (Macky Macaspac)

Mga artista na gumaganap sa mga militar, na anila'y tagapagpatupad ng karahasan laban sa kababaihan at iba pang sektor. (KR Guda)q

Mga artista na gumaganap sa mga militar, na anila’y tagapagpatupad ng karahasan laban sa kababaihan at iba pang sektor. (KR Guda)

Hanay ng mga gumaganap ng iba't ibang trabaho sa ibang bansa, sa pagmartsa ng Migrante patungong embahada ng US. (Pher Pasion)

Hanay ng mga gumaganap ng iba’t ibang trabaho sa ibang bansa, sa pagmartsa ng Migrante patungong embahada ng US. (Pher Pasion)

Isa sa dayuhang mga aktibista na lumahok sa protesta, mula sa International Migrants' Tribunal. (Macky Macaspac)

Isa sa dayuhang mga aktibista na lumahok sa protesta, mula sa International Migrants’ Tribunal. (Macky Macaspac)

Istrimer ng Gabriela na lumahok sa martsa. (Macky Macaspac)

Istrimer ng Gabriela sa paglahok sa martsa. (Macky Macaspac)

Buhat nila ang effigy ni Pangulong Aquino bilang tuta ng imperyalismong US, sumasayaw ng "Gangnam Style" o, sa wika ng KMU, "Gahaman Style." (Macky Macaspac)

Buhat nila ang effigy ni Pangulong Aquino bilang tuta ng imperyalismong US, sumasayaw ng “Gangnam Style” o, sa wika ng KMU, “Gahaman Style.” (Macky Macaspac)

Bago pa man makalapit sa embahada ng US, hinarang na ng mga pulis ang martsa. (Pher Pasion)

Bago pa man makalapit sa embahada ng US, hinarang na ng mga pulis ang martsa. (Pher Pasion)

Ferdinand Hicap ng Anakpawis Party-list. (Pher Pasion)

Fernando Hicap ng Anakpawis Party-list. (Pher Pasion)

Sa kabila ng pahayag ng Philippine National Police ng pagbawal umanong magsunog ng watawat ng US, laluna malapit sa embahada nito, ito ang mismong ginawa ang mga militante bilang pagtutol sa imperyalismong US. (Pher Pasion)

Sa kabila ng pahayag ng Philippine National Police ng pagbawal umanong magsunog ng watawat ng US, laluna malapit sa embahada ng US, ito ang mismong ginawa ang mga militante bilang pagtutol sa imperyalismo. (Pher Pasion)

Sinunog nila maging ang t-shirt ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, na may watawat ng US. (Macky Macaspac)

Sinunog nila maging ang t-shirt ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, na may watawat ng US. (Macky Macaspac)

Sa mga pader, nagpaskil ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno ng poster hinggil sa panawagang pagbasura sa two-tiered wage system ng administrasyong Aquino. (KR Guda)

Sa mga pader na nadaanan ng martsa, nagpaskil ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno ng poster hinggil sa panawagang pagbasura sa two-tiered wage system ng administrasyong Aquino. (KR Guda)

Patungong Mendiola, mula sa Kalaw Avenue. (KR Guda)

Patungong Mendiola, mula sa Kalaw Avenue. (KR Guda)

Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage. (Pher Pasion)

Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage. (Pher Pasion)

Hanay ng mga tsuper at miyembro ng transport sector sa ilalim ng Piston Party-list. (KR Guda)

Hanay ng mga tsuper at miyembro ng transport sector sa ilalim ng Piston Party-list. (KR Guda)

Pulang bandila na simbolo ng militansiya ng mga manggagawa. (KR Guda)

Pulang bandila na simbolo ng militansiya ng mga manggagawa. (KR Guda)

Repleksiyon ng protesta sa salamin ng pulis. (Macky Macaspac)

Repleksiyon ng protesta sa salamin ng pulis. (Macky Macaspac)

Kuha ni Macky Macaspac

Kuha ni Macky Macaspac

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Mula sa Kalaw, nagmartsa sila sa Carriedo patungong Mendiola. (Macky Macaspac)

Mula sa Kalaw, nagmartsa sila sa Carriedo patungong Mendiola. (Macky Macaspac)

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni Pher Pasion

Pakikiisa ng isang dayuhang aktibista sa paglaban ng manggagawang Pilipino. (Pher Pasion)

Pakikiisa ng isang dayuhang aktibista sa paglaban ng manggagawang Pilipino. (Pher Pasion)

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Kuha ni Pher Pasion

Kuha ni Pher Pasion

"Mendiola! Mendiola!" (Pher Pasion)

“Mendiola! Mendiola!” (Pher Pasion)

Pagdating ng martsa sa Mendiola. (KR Guda)

Pagdating ng martsa sa Mendiola. (KR Guda)

Binatikos ng Migrante International ang Global Forum on Migration and Development o GFMD, na naglalayong ipormalisa ang pag-eksport ng lakas-paggawa ng iba't ibang bansa tulad ng Pilipinas para raw solusyonan ang kahirapan. (Macky Macaspac)

Binatikos ng Migrante International ang Global Forum on Migration and Development o GFMD, na naglalayong ipormalisa ang pag-eksport ng lakas-paggawa ng iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas para raw solusyonan ang kahirapan. (Macky Macaspac)

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Eni Lestari, tagapangulo ng International Migrants' Alliance o IMA. (Macky Macaspac)

Eni Lestari, tagapangulo ng International Migrants’ Alliance o IMA. (Macky Macaspac)

Pagsunog sa effigy ni Aquino na sumasayaw ng "Gahaman Style". (Macky Macaspac)

Pagsunog sa effigy ni Aquino na sumasayaw ng “Gahaman Style”. (Macky Macaspac)

Kuha ni KR Guda

Kuha ni KR Guda

Balatengga ng underground na organisasyong Kabataang Makabayan o KM sa footbridge sa harap ng Mendiola. (Macky Macaspac)

Balatengga ng underground na organisasyong Kabataang Makabayan o KM sa footbridge sa harap ng Mendiola. (Macky Macaspac)

 

Kredibilidad ng ‘superbody’ ni PNoy sa pag-imbestiga sa mga abuso, kinuwestiyon

$
0
0
Cristina Palabay ng Karapatan (Kontribusyon)

Cristina Palabay ng Karapatan (Kontribusyon)

Pinuna ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang pagbuo ng administrasyong Aquino ng isang “superbody” na iimbestiga sa mga kaso ng pagpatay, pagkawala, tortyur at iba pang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

“Parang nakakaloko naman ito,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan sa pagkakabuo ng inter-agency. Aniya, kuwestiyonable ang kredibilidad ng naturang grupo dahil sangkot ang AFP at PNP sa mga paglabag.

“Paano iimbestigahan ng body na ito ang mga kinasasangkutang kaso ng AFP? Pawang mga kasinungalingan at pagtanggi na naman ang maririnig natin mula sa kanila,” sabi ni Palabay.

Sa Administrative Order 35 na pinirmahan ni Pangulong Aquino noong Nobyembre 22, binuo ng pangulo ang siyam na kataong bubuo sa Inter-agency committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons.

Kabilang sa inter-agency na superbody ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mga direktor ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), mga sekretaryo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND), mga tagapayo sa peace process at political affairs at ang tagapangulo ng Presidential Human Rights Committee.

Pamumunuan ang grupo ng sekretaryo ng Deaprment of Justice (DOJ).

Ayon sa DOJ, tungkulin ng inter-agency ang paglutas sa mga kaso, pangunahin na sa mga high-profile na kasong naganap sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at pag-imbestiga sa mga bagong kaso.

Para sa Karapatan, kung tunay na para sa hustisya at karapatang pantao ang gobyerno, dapat na abandonahin nito ang kontra-insurhensiyang programa nito na ang Oplan Bayanihan. Kung hindi, walang silbi ang superbody sa mga bikitima at kaanak nila,” ani Palabay.

Sinabi pa ni Palabay na nagpapatuloy ang mga pamamaslang at kahit ni isa’y walang nasasakdal sa 114 na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa panahon ng administrasyong Aquino.

“Ano ngayon ang katiyakan na malulutas ng special team na ito ang estra-hudisyal na mga pamamaslang?” tanong pa ni Palabay.

Binatikos din ng Karapatan ang deklarasyon ng superbody na ito na iimbestigahan din nila ang mga kasong paglabag diumano ng “non-state actors.

Palalabuin lamang nito ang isyu hinggil sa pangunahing responsabilidad ng mga puwersa ng estado sa mga abuso, pagtatapos ni Palabay.


Hatol ng migrante ng mundo: 37 gobyerno, guilty sa ‘modernong pang-aalipin’

$
0
0

Pangkulturang pagtatanghal sa International Migrants Tribunal na nagsasalarawan ng modernong pang-aalipin ng migranteng mga manggagawa.

Isang makasaysayang tribunal ang naghatol sa Global Forum on Migration and Development (GFMD) ng guilty para sa “modernong pang-aalipin” sa mga migrante ng mundo.

Sa International Migrants Tribunal na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas, College of Law mula Nobyembre 28-29, ipinagdiwang ng mga migranteng manggagawa ang pasya ng internasyunal na mga hurado na guilty sa paglabag sa kanilang mga karapatang pantao ang gobyerno ng 37 bansa na nagpapadala at tumatanggap ng mga migranteng manggagawa, kabilang ang Pilipinas.

Ang mga bansang ito ang bumubuo ng GFMD, isang porum na itinayo ng United Nations at World Bank para “pangasiwaan” ang pandaigdigang migrasyon.

Ngunit ayon sa nasabing tribunal o pampulitikang paglilitis, malinaw ang ebidensya na ipinatutupad ng GFMD ang neoliberal na disenyo sa migrasyon para tugunan ang pangangailan ng imperyalistang mga bansa. The GFMD’s intent is to regulate the flow of cheap labor, keeping in mind the economic benefits from migrant labor. Whatever economic benefits derived from migration benefit a small minority such as big business and bureaucrats, especially from countries of origin,” sabi ng aktres at aktibistang si Monique Wilson, isa sa mga hurado.

(Layunin ng GFMD na pangasiwaan ang pagdaloy ng murang lakas-paggawa para makakuha ng mga pang-ekonomiyang benepisyo. Subalit ang nakikinabang lamang sa anumang benepisyo mula sa migrasyon ay ang malalaking negosyo at burukrata, lalo na sa mga bansang pinanggalingan ng mga manggagawa.)

Dagpag pa niya, “GFMD has failed, obstructed or impeded the creation of national industries that will generate adequate and decent job opportunities at home. It has promoted labor export policy that commodifies migrants, resulting to human rights violations.”

Mga hurado ng tribunal (mula kaliwa): Rolando Tolentino, Bishop Sorita Nababan, Atty. Osamu Niikura, Atty. Ana Delgadillo, at Monique Wilson

(Bigo o hinadlangan ng GFMD ang paglikha ng pambansang mga industriya para magkaroon ng mga disente at sapat na trabaho sa sariling bansa. Sa halip, ineengganyo nito ang polisiyang labor export na ginagawang commodity ang mga migrante, na nagreresulta sa mga paglabag sa karapatang pantao)

Responsabilidad ng estado

Sa loob ng isang araw, tumestigo ang mga migrante mula sa iba’t ibang bansa hinggil sa mga paglabag sa kanilang karapatang pantao, gayundin ang ilang mga expert witness hinggil sa katayuan ng pandaigdigang migrasyon.

Ayon kay Antonio Tujan ng Ibon Foundation, mas mataas pa kaysa opisyal na ayuda ang pandaigdigang remitans, na umabot na sa US$ 372 Bilyon ngayong taon. Iminungkahi ng mauunlad na bansa na gamitin ang remitans para sa “pagpapaunlad” diumano ng mga bansa.

Subalit hindi kasabay nito ang pagseguro sa pagrespeto sa karapatan ng mga manggagawang migrante. Ayon kay Tujan, sa pulong ng GFMD sa Maynila noong 2008, bukambibig lamang ito ang pangangalaga sa karapatan ng mga migrante, samantalang mas pinagtuunan ng pansin ang pagpapababa sa mga singil sa rekrutment at mas mababang interes sa pangungutang para makapangibang-bansa. Bagaman tinutugunan nito ang ilan sa mga problema na kinakaharap ng mga migrante, mas nakatuon ito sa pagtugon sa mga balakid sa mas malawak pang migrasyon.

Lider-migrante sa Malaysia na si Irene Fernandez, tumestigo

Ang labor export policy ay katumbas ng opisyal na human trafficking, ayon pa kay Tujan. Paliwanag niya, The state has the responsibility to promote the development of society and its people. People migrate because their right to development is being violated. The GFMD further violates this right to development, because the rights of migrants to a better life with their communities and family is violated.”

(May responsabilidad ang estado na paunlarin ang lipunan at kanyang mga mamamayan. Nangingibang-bansa ang mga tao dahil nilalabag ang kanilang karapatan sa pag-unlad. Lalo pang nilalabag ng GFMD ang karapatang ito, dahil nilalabag ang karapatan ng mga migrante sa mas magandang buhay kasama ng kanilang mga komunidad at pamilya.)

Kuwento ng pang-aabuso

Tinalakay naman ng lider-migrante sa Malaysia na si Irene Fernandez ang mga iskemang tulad ng securitization (halimbawa, ang pagtatago ng mga employer at ahensya ng pasaporte ng migrante) na nagtitiyak na kontrolado ang mga migrante. Itinuturing na mga kriminal at mababa ang pagkatao ng mga migrante, aniya.

Ipinakita ni Jose Jacques Medina ng Mesoamerican Migrant Movement sa Mexico ang karumal-dumal na larawan ng masaker sa 72 na ilegal na migrante sa hangganan ng US at San Francisco, North Mexico noong 2010. Aniya, sa loob ng anim na taon ay nasa 72,000 migranteng Mehikano na ang nawawala sa peligrosong pagtawid papuntang US.

Isa pang Mehikanong migranteng manggagawa, si Viviana Medina, ang tumestigo hinggil sa mahirap na proseso ng pabalik-balik mula Mexico at Canada para makahanap ng trabaho. Minsa’y may nag-alok pa sa kanya na magtrabaho sa isang sexual massage parlor. “I understood then how vulnerable one can be (as a woman migrant worker),” aniya. (Nauunawaan ko kung gaano kabulnerable ang babaeng migranteng manggagawa)

Mahigit 300 migrante at kanilang mga tagasuporta sa iba’t ibang bansa ang dumalo sa tribunal.

Sa Canada, ang minimum wage ay US$8.50 hanggang $8, pero $7 hanggang $6.50 lamang ang ibinabayad sa mga migranteng manggagawa, sa mas mahabang oras ng trabaho. Sa isang pagawaan ng damit, umabot ng hanggang 22 oras ang kanyang trabaho, aniya. Minsa’y hindi pa umano siya sinasahuran, dahil alam ng employer na wala siyang mga dokumento.

Sinisi ni Medina ang neoliberal na mga polisiyang ipinatupad ng US at NAFTA sa Mexico para sa malubhang kahirapan sa kanyang bansa. Halimbawa niya, halos 20 porsiyento ng lupain sa Mexico ang pagmamay-ari ng Canadian na mga kompanya ng mina.

Samantala, tumestigo naman si Luz Miriam Jaramillo ng Italy hinggil sa European Return Directive, na nagdudulot ng ilegal na deportasyon ng libu-libong migrante. Aniya, hindi nauunawan ng European Union ang ugat ng puwersahang migrasyon, tulad ng kawalan ng trabaho at krisis pang-ekonomiya. Hindi rin umano kinukonsidera  ng EU ang kontribusyon sa ekonomiya ng mga migrante. We do work that local citizens would not do, like care of elderly and children, construction, waiting tables, and other jobs that are considered dirty or humiliating,” aniya.

(Ginagawa ng mga migrante ang hindi ginagawa ng mga lokal na mamamayan tulad ng pag-aalaga sa matatanda at bata, konstruksyon, at iba pang serbisyo na itinuturing na marumi o nakakahiya.)

Testigong si Rex Osa, Aprikanong refugee sa Germany

Nagsilbi namang tinig ng mga Aprikanong refugee sa Germany si Rex Osa ng Voice Refugee Forum. Aniya, tumitira sila sa mga kampong di malayo ang sitwasyon sa loob ng dating mga kampong Nazi. Nagsiksikan sila sa maliliit na espayo, pinapakain ng panis na pagkain, at walang mainit na tubig kahit sa panahon ng tag-lamig. Umano’y may mga tumatagal sa loob ng kampo ng 20 taon, bago mabigyan ng legal na katayuan.

Ayon naman kay Eni Lestari, isang Indonesian domestic helper (DH) sa Hong Kong at tagapangulo ng International Migrants Alliance, hindi saklaw ng batas sa minimum wage ang mga migranteng DH, kundi idinidikta at ipinapako ng merkado ang kanilang sahod sa napakababang halaga.

Karamihan sa mga DH ang kababaihan at tumitira sa bahay ng kanilang amo, kung saan bulnerable sila sa pang-aabuso. Nagtatrabaho sila ng 12 hanggang 20 oras sa isang araw, at nasa kapritso lamang ng amo kung bibigyan ng day off o hindi.

Migrasyon at mito ng pag-unlad

Sinabi naman ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, na isang mito ang pinangangalandakan GFMD na instrumento sa pag-unlad ang migrasyon. Tinitingnan ng GFMD ang Pilipinas bilang modelo sa pagpapatupad ng polisiya sa labor export, na nagsimula noong panahon ng diktaduryang Marcos.

Pero aniya, kahit matapos ang apat na dekada nito, hindi pa rin nakaranas ng tunay na pag-unlad ang Pilipinas. (“After four decades of labor export policies, the Philippines has not experienced real development from migration.”) Katunayan, lumalaki pa ang agwat ng mayayaman sa mahihirap.

Kinakailangang maunawaan ng mga migrante ang ugat ng migrasyon, at hindi ito tingnan bilang personal na desisyon lamang, dagdag pa niya. (“Migrants must understand the root of migration and not see this as a merely personal decision.”) Si Martinez ay dating manggagawa sa isang pabrika sa South Korea.

Hatol ng tribunal sa GFMD: Guilty

Kinabukasan, lumabas na ang hatol ng tribunal. Sang-ayon ang mga hurado sa kasong isinampa ng mga migrante ng daigdig laban sa GFMD. Bukod kay Wilson, hurado rin sina Bishop Soritua Nababan (presidente ng World Council of Churches), Atty. Ana Lorena Delgadillo (Mehikanong tagapagtanggol ng karapatang pantao), Atty. Osamu Niikura (bise-presidente ng Japan Lawyers International Solidarity Association), at Dr. Rolando Tolentino (manunulat at dekano ng UP College of Mass Communications).

Anila, ang International Migrants Tribunal ay isang mahalagang alternatibong espasyo para sa marinig ang tinig ng mga migranteng manggagawa. Inirekomenda ng mga hurado ang pagbuwag sa GFMD, pagbasura sa labor export policy, at pagbubuo ng isang pagtingin sa migrasyon na nakabatay sa pagrespeto sa karapatang pantao, at hindi sa modernong pang-aalipin.

Rekomendasyon din rin nila sa mga bansang nagpapadala ng mga manggagawa, kabilang na ang Pilipinas: magpatupad ng mga polisiya—gaya ng pambansang indsutriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa—na magdadala ng tunay na pag-unlad at makakatulong sa pagpigil ng sapilitang migrasyon.

Ulat nina Soliman A. Santos at Ilang-Ilang Quijano

Larawan nina Darius Galang at Pher Pasion

PW special print issue, November 2012: People’s resistance to modern-day slavery

$
0
0
. . .
Pinoy Weekly special print issue for November 2012, in time for the International Migrants’ Forum held in Quezon City, Philippines on November 28-29, 2012.

Hijo y Hija de Puta

$
0
0

hijo y hija de puta, caramba!
di pa tapos ang panahon
ng mga padre salvi, damaso at camorra
sa harap ng europeong mga santo at santa
humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara
pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija
tulad ng mga madre noong dekada sisenta
sa giyera-patani sa dating belgian congo
upang gahasain man ng mga sundalo
di lumobo ang tiyan magkumot man ng abito
pero por dios por santo, que barbaridad, caramba!
di ka madre at hinulma lamang sa obaryo
ni petrang kabayo, anak ng indio…
ano ang birtud mo para hadlangang buntisin ka
ng banal na espiritu?
hija de puta!
magagalit ang kabanal-banalang santo papa
isusumpa ka ni monsignor sgreccia
parang kababaihang kosovar noong dekada nubenta
sa kasagsagan ng digmaan laban sa serbia
hijo y hija de puta, caramba!
huwag pigilan ang pagliliwaliw ng semilya
bayaang maglambada sa bahay-bata ng ina
hanggang umuha’t wisikan ng agua bendita
hijo de puta, huwag kang magkokondom
hija de puta, huwag kang mag-IUD at pildoras
ipahid na lamang sa sutana
ang likidong pumiglas at tumagas sa puerta
at maglitanya ng sanlaksang rosaryo
baka maging tiyanak pa sa kampanaryo
at magtawag iyon ng milyong deboto.

hijo y hija de puta, caramba!
ayokong marinig ngayon sa inyo
kundiman ng tagulaylay ng pagsuyo
at lirika ng luha ng dalamhati’t pagkabigo
di ko kayang kulungin sa mga palad
alon ng karalitaan sa bukid at kanayunan
o ang ipuipo ng dusa sa bayan at kalunsuran
huwag isampal sa akin ang maputlang buwan
o bulagin ako ng bilyong bituin
hijo y hija de puta, caramba!
kumutan na lamang ng amihan
ang buo kong katawan
habang naglalamay sa karimlan.

hijo y hija de puta, caramba!
ayokong marinig ang koro ng ave maria
sa pulpito at sakristiya
iparinig na lamang sa akin ang kadensa
ng martsa ng laksa-laksang mga paa
sa sementadong lansangan ng mendiola
iparinig sa akin ang singasing ng pulbura
sagitsit ng mga punglo at himno ng mga bomba
kaluluwa ko’y matagal nang nakabartolina
nagdurugo sa latigo ng inhustisya’t pagsasamantala
alipin pa rin tayo, hijo y hija de puta
ng mga padre salvi, damaso at camorra
unggoy pa rin tayo, hijo y hija de puta
ng mga taft at harrison at obama
busabos pa rin tayo, hijo y hija de puta
ng mga diyus-diyosan sa hacienda
ng mga panginoon sa pabrika at empresa
nakabilanggo pa rin tayo, hijo y hija de puta
sa bawat kuta ng uring mapagsamantala!

hijo y hija de puta
sa pamumulaklak ng mga talahib
sa kaparangan at nagsalikop na sabana
halina, halika… hijo y hija de puta… caramba!
kasama ng malayang mga langay-langayan
kawit-bisig, magkayakap-diwa nating tatahakin
sa mahamog mang umaga
o pusikit na karimlan
sa alimpuyo ng dugo at lagablab ng apoy
sa saliw ng musika ng kulog at kidlat
lansangan ng ating katubusan at ligaya!

Bilanggong pulitikal dumarami sa panahon ni PNoy

$
0
0
Pangkulturang pagtatanghal na nagpapakita ng pagpapahirap sa political detainees. (PW File Photo)

Pangkulturang pagtatanghal na nagpapakita ng pagpapahirap sa political detainees. (PW File Photo)

May pagtaas sa bilang ng mga bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ito ang pahayag ng Samahan ng mga Ex-Detainee laban sa Detensyon at Aresto (Selda), sa isang kilos protesta sa harapan ng Camp Crame kamakailan.

Mayroon umanong 123 bilanggong pulitikal ang inaresto sa ilalim ng panunugkulan ni Pangulong Aquino. Gayundin, laganap umano ang pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga diumano’y tinataguriang kaaway ng estado.

“Maaaring ipagkaila ng administrasyong Aquino na mayroong mga bilanggong pulitikal, pero tuluy-tuloy ang magkakasunod na pag-aresto. Apatnapu’t apat nga ang inaresto sa taong ito,” pahayag ni Angelina Ipong, pangkalahatang kalihim ng Selda.

Sinabi pa ni Ipong na maging ang 14 na konsultant para sa usapang kapayapaan ng National Democratic Front (NDF) sa gobyerno ng Pilipinas ay tinatanggihan umanong palayain.

Idinagdag pa ni Ipong na nagpapatuloy ang pagsampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga nagtatanggol sa karapatang pantao. “ Ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga bilanggong pulitikal ay matagal ng gawain ng estado at hanggang ngayon patuloy at madalas na ginagamit ng administrasyong Aquino para sa patahimikin ang kanyang mga kritiko,” ani Ipong.

Kamakailan, nagpalabas ng listahan ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) na nagsasaad ng mga pangalan ng mga pinaghihinalaang rebelde na may pabuyang aabot sa 467 milyong piso, na ayon sa grupo ay isang hit-list.

Sinabi naman ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, na ang pagpapalabas ng pabuya ng gobyerno para sa ikadarakip ng mga pinaghihinalaang komunista ay magreresulta sa mas maraming ilegal na pag-aresto at paglabag sa karapatang pantao.

“Habang binababalewala ng gobyerno ang panawagang palayain ang mga bilanggong pulitikal, nag-alok naman ito ng pabuya at buong giliw pa niyang inindorso ang Oplan Bayanihan na bumiktima sa 114 katao,” ani Palabay. Sabi pa ni Palabay na di-makatwiran at desperadong hakbangin ito ng gobyerno.

Ibinigay na halimbawa ng grupo ang pag-aresto kay Rolly Panesa na isa umanong guwardiya at pinaratangang isang mataas na opisyal ng New People’s Army na may pabuyang P5.6 Milyon.

“Dahil lamang sa nunal sa leeg, pinagpipilitan ng mga militar na nakahuli sila ng malaking isda. Napaka-delikado ng ganito para sa ordinaryong mga tao. Maaaring magbago ang buhay mo dahil lang sa mga tatak na katulad ng tatak ng kanilang target,” sabi pa ni Ipong.  Si Panesa ay pinaghihinalaang si Benjamin Mendoza na diumano’y isang rebelde sa Timog Katagalugan.

Ayon sa Selda, sinimulan ng mga bilanggong pultikal ang kanilang pag-aayuno para ipanawagan ang kanilang paglaya.  Isa umano sa naunang nag-ayuno si Ramon Patriarca, isang konsultant ng NDF na kasalukuyang nakakulong sa isang military camp sa Lahug, Cebu.

Panawagan ni Patriaca na siya’y palayain o di kaya ay mailipat sa isang sibilyang pasilidad. Dagdag pa ng grupo, hanggang Disyembre 10, pandaigdigang araw ng karapatang pantao ang pag-aayuno ni Patriarca na susundan naman ng iba pang bilanggong pulitikal sa iba’t ibang detention center sa Metro Manila at ibang rehiyon.

Mahirap Maging Mahirap

$
0
0

Mahirap maging mahirap ngayon. Hindi lang ito nangangahulugan ng pagdama ng karalitaan; pinagmumukha pa itong kasing-kahulugan ng karalitaan ng pagdama. Sa ilalim ng pangulong ang pangako noong eleksyon ay “Kung walang corrupt, walang mahirap,” ang pagiging mahirap ay pinapalabas na pangako ng pagiging corrupted.

Kailangan ang Reproductive Health Bill dahil walang-awat ang pag-aanak ng mga maralita. Kailangan ang Sin Tax Bill dahil walang-hanggan silang manigarilyo at uminom ng alak. Hindi sila lumilikas kahit pilit inililikas ng gobyerno sa panahon ng kalamidad. Ayaw nilang maglipat-bahay kahit may relokasyon. Ayaw nilang magtrabaho.

Malapitan ang kanilang tanaw, hindi malayo. Agad-agad na kaligayahan ang gusto nila, hindi ang matagalang interes nila at ng bansa. Kailangan silang punahin, hiyain at disiplinahin ng gobyerno, katuwang ang masmidya at iba pang institusyon kung kailangan. Panginoon, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.

Kahit si Randy David, kolumnistang nagpapakilalang progresibo, ganito ang pananaw sa masa. Sa huli niyang kolum, tinanggihan niya ang implikasyon ng isang pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago: na kailangang magtapos ng hayskul ang mga botante at ng kolehiyo ang mga pulitiko para malunasan ang mga sakit ng pulitika sa ating bansa.

Kahit nakailag sa lantad na elitismo ng pahayag ni Santiago, may problema pa rin sa panukala ni David. “Kailangang ipaalala sa mga botante at opisyal-publiko na ang pagkamamamayan (citizenship) at pulitika ay mga instrumento ng ikabubuti ng lahat (common good): Nabibigo silang gumana kapag ipinapailalim sa personal na interes.”

Aniya, ang botanteng “mas interesadong punuan ang kanyang tiyan kaysa igiit ang kanyang pampulitikang tinig” ay “mas naitutulak na ibigay ang kanyang boto sa taong iniidolo niya o may kakayahang mabilis na tugunan ang batayang pangangailangan niya kumpara sa taong may napag-isipang tanaw (vision) ng kasaganaan para sa lahat.”

Bakit nga ba ibinoboto ng mahihirap ang mga artista at bumibili ng boto? Ang mga naglalakihan ang karatula sa pagbibigay ng samu’t saring proyekto? Hindi malayo ang mga tanong na ito sa umano’y sentral na tanong ng pilosopong si Baruch Spinoza: Bakit nga ba ipinaglalaban ng mga tao ang kanilang pagkaapi na parang ito ang kaligtasan?

Nakakahalinang tapatan ang ganitong sinisismo sa maralita ng romantisismo sa kanila. Pero reyalistiko ang tugon ng mga progresibo: pagdating sa pulitika, nahahati ang masa sa abante, panggitna at nahuhuli. Masasabi sigurong ang mga sinikal, nakatutok sa nakakaraming nahuhuli, habang ang romantiko, nakaranas ng dumaraming abante.

Samu’t sari ang implikasyon ng sinisismo sa maralita, gaya ng ipinapakita ni David. Isa na riyan ang tawaran ang kakayahan nila na magsulong ng malalimang pagbabago at sa gayo’y magpatali sa mga larangang pinapahintulutan ng kasalukuyang sistema, tulad ng eleksyon. Ganoon din ang hindi alamin ang mga dahilan nila sa kanilang mga aksyon.

Pero una, hindi kasing-layo tulad ng iniisip ni David ang kagyat na kahilingan ng mga maralita sa interes ng nakakarami. Niyayakap nila ang kahilingan para sa reporma sa lupa, makabuluhang dagdag-sahod, regular na trabaho, disenteng paninirahan, abot-kayang serbisyong panlipunan at iba pa. Hindi sila kasing-kitid ng iniisip ni David.

Ikalawa, may katotohanan sa likod ng tugon ng maralita sa eleksyon na ayaw kilalanin ng mga tulad ni David na umaasa rito: Alam nilang wala itong idudulot na tunay na pagbabago. Kahit mga kagyat na kahilingan, alam nilang hindi maidudulot. Nasaan ang “taong may napag-isipang tanaw ng kasaganaan para sa lahat”? Laging nasa gobyerno?

Dalawang beses na tiwalag sa maralita, kung gayon, ang panukala ni David. Una, sa interes nitong patatagin ang eleksyon at “baguhin” ang sistema sa pamamagitan nito, ala Edward Bernstein sa pinakamahusay. Ikalawa, sa estilo nito ng pagsalaksak sa mga maralita na hindi nito nauunawaan ng mga liberal-demokratikong ilusyon sa pulitika.

05 Disyembre 2012

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>