Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Kawani ng NHA, nagbarikada sa QMC para igiit benepisyo, dagdag-suweldo

$
0
0

Isang linggo nang nagpoprotesta ang mga kawani ng National Housing Authority (NHA) para igiit sa administrasyong Aquino ang kanilang mga benepisyong napagtagumpayan sa pamamagitan ng negosasyon ng unyon at manedsment ng ahensiya.

Ilang minutong binarikada ng mga kawani ng NHA, sa pangunguna ng Consolidated Union of Employees-NHA (NUE-NHA), ang kalsada sa harap ng Quezon City Memorial Circle, bitbit ang mga plakard na nananawagang ibalik ng gobyerno ang kanilang benepisyo, laluna’t magpapasko na.

Sandaling hinarangan ng galit na mga empleyado ng NHA ang kahabaan ng kalsada. (KR Guda)

Sandaling hinarangan ng galit na mga empleyado ng NHA ang kahabaan ng kalsada. (KR Guda)

“Isa sa pinakamalupit na kalamidad na sumapit sa aming mga empleyado ng gobyerno ang pagbawas ng administrasyong Aquino sa aming mga benepisyo at suweldo,” sabi ni Rosalinda Nartates, pangulo ng CUE-NHA. “Pinalalalao ito ng pagbagsak ng purchasing power ng aming suweldo dahil sa matinding krisis sa ekonomiya.”

Sinabi rin ni Nartates na karamihan sa kanila’y nakatatanggap na lamang ng humigit-kumulang P5,000 take-home pay. Nababawasan pa ito dahil sa aniya’y kaliwa’t kanang binabayarang utang.

“Nasasakripisyo kahit ang mga serbisyo (ng mga empleyado sa publiko) dahil parang di na kayang makapagkomyut ang mga empleyado araw-araw,” sabi pa niya.

Gamit ang mga pito, nag-ingay ang mga kawani sa kalsada para ipaalam din sa dumaraang publiko ang kanilang problema at hinaing sa gobyerno. Simbolo umano ang mga pito ng “disaster warning devices” na ginagamit tuwing may kalamidad — dahil mistulang kalamidad na ang paghihirap umano ng mga kawani.

“Wala kaming magagawa kundi paigtingin ang aming pakikibaka kontra sa mga polisiyang anti-empleyado ng administrasyong Aquino,” sabi pa ni Nartates.

Sa naturang protesta, naghayag din ng hinaing ang mga kawani ng NHA sa tinaguriang “mainstream media” na sa kabila ng pakikipanayam sa kanila’y hindi inilalabas ang kanilang istorya at panawagan sa gobyerno.

Nangako ang CUE-NHA na ipagpapatuloy nila sa buong linggo ang protesta, at lalahok din sa Araw ng Protesta ng mga empleyado ng gobyerno sa Disyembre 13.

 


Video: Yutang Kabilin (Land of Heritage)

$
0
0

MANILAKBAYAN (Journey to Manila) is a Mindanao People’s Mobilization for Land, the Environment, and Human Rights that brings voices of concern on mining affected communities and the attacks on environment defenders.

Against these threats to land and life, Mindanao peoples — Lumads, Moro and settlers — continue the valiant commitment to defend the environment and national patrimony, resisting Goliaths of plunder and terror driven by corporate mining.

Directed, shot and edited by JL Burgos (Red Ants Productions)
Translation by Boy Dominguez
Subtitling by Ma. Victoria Deocampo

For more information on ManiLakbayan, visit their Facebook page: http://www.facebook.com/ManiLakbayan

 

Pamamaslang sa Sityo Calabagin

$
0
0
Palaging magkakasama ang mga magsasaka ng Sityo Calabagin ngayong mga panahon. Natatakot silang pumunta sa kanilang mga sakahan at taniman dahil sa pamamaslang kina Gusting at Rosario. (KR Guda)

Palaging magkakasama ang mga magsasaka ng Sityo Calabagin ngayong mga panahon. Natatakot silang pumunta sa kanilang mga sakahan at taniman dahil sa pamamaslang kina Gusting at Rosario. (KR Guda)

Larawan ni Vicente "Gusting" Valenzuela. (KR Guda)

Larawan ni Vicente “Gusting” Valenzuela. (KR Guda)

Sanay na ang magsasakang si Dexter (di-tunay na ngalan), 48 anyos, at pamilya niya na dinaraanan ng mga militar ang bahay nila sa Sityo Calabagin, Barangay San Miguel, sa bulubunduking bahagi ng Echague, Isabela. Tuwing may operasyon, napapadaan sila, minsan nakikikain, minsan nagtatanung-tanong lang.

Noong araw na iyon, alas-nuwebe ng umaga ng Nobyembre 22, 2012, siyam silang dumating. “Pumuwesto sila at nagkabit ng duyan sa paligid ng bahay. Sa may kiskisan (ng palay), nagluto,” kuwento ni Dexter.

Hindi naman sila natakot sa mga militar. Nakilala pa nga nila ang iba sa mga sundalo, bagamat sa apelyido lamang: si Lt. Bernardino ang commanding officer. May isang sundalong nagngangalang Robert Bagni, isang may apelyidong Liclican, at isang Sgt. Balansa, ang ilan sa mga nakilala nina Dexter. Si Bagni, parang taga-Ifugao raw, ani Dexter. “May puntong Ifugao kasi,” aniya. Singkit din ito at may “Tindig Ifugao” din – kung ano man ang ibig niyang sabihin noon.

Bahay nina Gusting at Rosario. (KR Guda)

Bahay nina Gusting at Rosario. (KR Guda)

Miyembro ng isang sekta ng mga Kristiyangong Born Again sina Dexter.  Katunayan, sa bahay nila nagsasagawa ng lingguhang seremonya ang kanilang simbahan, kung kaya’t may gitara sa kanila at malaking tolda ng kanilang sekta sa bahay nina Dexter. Si Lt. Bernardino, nagpakilalang Born Again din. Katunayan, sabi ng sundalo, preacher ng Born Again ang mga magulang niya. Mas naging panatag ang loob nina Dexter sa mga sundalo.

Karaniwan na ang mga tanong ng sundalo: May mga NPA (New People’s Army) bang dumadaan dito? Banggit niya at ng mga kapitbahay at kaanak ni Dexter, mahigit isang taon nang di-dumadaan ang mga gerilya. Kung dumaraan man, nakikiinom lang ng tubig. Minsan, nakikikain. Hindi naman nagtataka si Dexter sa mga tanong na iyon. Relaks ang mga sundalo; gumitara pa nga si Bernardino at kumanta ng mga awiting Born Again habang nagpapahinga.

Madaling araw na ng ika-23, ala-una ng umaga, nang makita ng asawa ni Dexter na si Joan na bumangon na ang mga sundalo. Nagpaalam na silang aalis.

Humigit-kumulang dalawang oras ang lumipas. Alas-tres ng umaga. Nabasag ang katahimikan ng putok ng mga baril. Inilarawan ni Dexter ang narinig niyang putok: tatlong “Pak!” at saka isang “Prrrk!” Tatlong magkakahiwalay na putok at isang sunud-sunod. Di aabot sa isang minuto ito.

Kinabahan na sina Dexter. Sa direksiyon ng bahay ng kanyang tiyuhin, si Vicente “Gusting” Valenzuela, 60 anyos, at asawa nitong si Rosario, 51, ang mga putok. Isang buong araw pa bago nila malaman ang nangyari.

Madaling araw na operasyon

“Mabait sila. Tinutulungan nila kami sa pagsasaka,” sabi ni David, 21-anyos, tungkol sa kanyang lolo na si Gusting.

Noong nakaraang linggo lamang, tinulungan sila ni Mang Gusting na magtanim ng mais. Humigit-kumulang 300 metro ang layo ng bahay nina Gusting kina Dexter at David. Nasa mas mataas na bahagi ang bahay nina Gusting. “Hindi na sila madalas bumaba sa amin,” alala ni David. Pero pana-panahon, kung kailangan nina David ng tulong, bumababa sina Gusting at Rosario. Matanda na ang mag-asawa, at nagsasaka na lang sa lupa sa paligid ng kanilang bahay.

Nakituloy sa bahay ng tiyuhin niyang si Dexter ang mga sundalo. Napansin niya ang suot ng isang militar. “May nakasulat na ‘Alpha’,” ani David. Nakita rin ng isang kapitbahay ang suot ng isa pang sundalo, may nakalagay na “86th IB.”

Bakas ng dugo kung saan pinaslang si Rosario Valenzuela. (KR Guda)

Bakas ng dugo kung saan pinaslang si Rosario Valenzuela. (KR Guda)

Si Mang Anton, 53 anyos, na nakatira sa bahay na humigit-kumulang 200 metro ang layo kina Dexter. Sabi niya, noong gabi ng ika-22, tinuluyan din siya ng “walo hanggang siyam” na sundalo. Tulad ng kina Dexter, bandang ala-una ng umaga, nagpaalam din ang mga sundalo na aalis na sila.

Noong madaling araw ng Nob. 23, narinig din nina Dexter, Anton, David at iba pang taga-Calabagin ang putukan, sa direksiyon ng bahay nina Mang Gusting at Manang Rosie.

Walang kaanak o kapitbahay na gustong lumapit sa bahay nina Gusting, natatakot sa putukang narinig noong umaga. Tuloy lang ang lahat sa kanilang gawain, sa bahay at sa bukid. Lalong kinabahan si Dexter nang marinig niya ang balita sa Bombo Radyo noong alas-11 ng umaga: Napalaban daw ang Philippine Army sa Sityo Calabagin, Brgy. San Miguel. Nagtaka sila na ganoon ang istorya, dahil maliban sa mga putok noong madaling araw, walang engkuwentro o barilan na naganap sa Calabagin.

Humingi ng dispensa

Sabado na, Nobyembre 24, nang muling dumaan ang mga sundalo kina Dexter. May nasawi raw sa gawing bahay nina Gusting. Nagsama-sama ang mga kaanak, mga opisyal ng barangay, at sumama sa mga militar na sumilip sa bahay nina Gusting.

Doon, sa ilalim ng bahay kung saan nagtatadtad ng kamoteng kahoy si Mang Gusting, nakita siyang nakalublob. Sa loob ng bahay, naroon si Rosario, nakahiga pa sa unan, wala nang buhay, may lawa ng dugo may ulunan niya. Nagtulung-tulungan ang mga barangay na ibaba ang katawan ng nasawing mag-asawa. Kinailangan pang tuklapin nila ang isang pader ng bahay para maialis ang labi ni Rosario. Pero bago nito, kinuhanan ng mga sundalo ng litrato ang bahay, pati ang mga bangkay. Parang nag-iimbestiga ba.

Mga alas-nuwebe na ng umaga naibaba ng mga kaanak at kagawad ang bangkay ng dalawa. Nilinisan sila ng isa pang kaanak para ipaimbalsamo sa malayong baryo. Panahong ito, dumating sa Calabagin ang isang helikopter. “May mga dalang suplay,” sabi ng isang tagabaryo.

“Hindi na sila lumalapit sa amin, yung mga sundalo,” sabi ni Dexter. Iyung parehong mga sundalong nakituloy sa kanila, nakiluto, at nakikanta pa nga, parang mailap na. Si Bagni, yung isang sundalong “parang taga-Ifugao,” lamang ang lumapit.

“Pasensiya na, napagkamalan sila,” sabi raw ni Bagni, sang-ayon kay Dexter. “Mga bagitong sundalo iyung unang nagpaputok. Akala namin mga NPA sila.”

Di lubos maisip ni Dexter kung papaanong mapagkamalan ang matandang mag-asawa na rebelde. “Ipinagbilin ko pa sa kanila na sa direksiyong iyon na daraanan nila, madaraanan nila ang bahay ng tiyuhin ko. Sila na lang na mag-asawa doon, pero di naman sila takot sa militar,” kuwento pa ni Dexter.

Humingi ng pasensiya ang isa ring sundalo, sa isa pang kaanak nina Gusting, si Aling Lea, 73 anyos.

“Sanay na kami sa mga sundalo rito. Sanay na nga kami sa mga bakbakan dito eh,” kuwento naman ni Richard, isa ring magsasaka na 24 na taon nang naninirahan sa Calabagin. Sanay na raw silang makarinig ng mga putukan, at alam nila ang tunog ng engkuwentro – hindi ito tumatagal nang ilang segundo lamang. Minuto o oras ang binibilang bago matapos ang putukan sa engkuwentro. Hindi “pak,pak, pak” at “prrrrt” tulad ng narinig nila noong Nob. 23.

Hindi engkuwentro

Wala sa Sityo Calabagin ang naniniwalang engkuwentro ang naganap, tulad ng ibinalita sa radyo.

Noong Nob. 25, matapos pumunta ang militar at litratuhan ang eksena ng pagkamatay nina Gusting at Rosie, dumating din ang dalawang kagawad ng Philippine National Police sa Echague. Kumuha rin sila ng mga larawan. Nagmasid, itinala ang puwesto ng mga basyong nakita sa paligid ng bahay.

Isang fact-finding mission ang isinagawa ng mga taong-simbahan at Karapatan noong Nobyembre 28 hanggang 29. Kasama ang Pinoy Weekly, binisita ng grupo ang Calabagin, gayundin ang estasyon ng PNP sa Echague. Sa kabila ng pagiging public document ng rekord ng blotter ng pulis tungkol sa insidente sa Calabagin, tumangging magbigay ng kopya nito sa misyon ang pulis.

Itinuro ng isang kaanak kung saan lumabas ang bala sa katawan ni Gusting. (KR Guda)

Itinuro ng isang kaanak kung saan lumabas ang bala sa katawan ni Gusting. (KR Guda)

Ayon sa pulis na nag-imbestiga sa Calabagin pero tumangging magpapangalan, “mga hene-heneral na ang nag-uusap.” Sila raw ang nag-utos na huwag magbigay ng kopya ng blotter sa grupo ng independiyenteng nag-iimbestiga. “Kontrobersiyal” daw ang kaso, at nagbuo na ang PNP ng isang task force para imbestigahan ang pagpatay kina Gusting at Rosario. Nang tanungin ng misyon kung kasama sa mag-iimbestiga ang Army, hindi siya makasagot.

Ayon sa tanggapan ng alkalde ng Echague, “hotspot” daw talaga ang Brgy. San Miguel. Sa isa pang barangay sa bulubunduking bahagi ng Echague, sa Brgy. Mabbayad noong Nob. 17, isang engkuwentro ang naganap sa pagitan ng NPA at mga elemento ng 52nd Division Reconnaisance Company (DRC) ng Philippine Army.  Pitong sundalo ang nasawi mula sa 20-kataong tropa ng 52nd DRC.

Kapwa bahagi ng 5th Infantry Division ng Army ang 86th Infantry Battalion at 52nd DRC.

Magmula nang maganap ang pamamaril kina Gusting, natatakot na ang mga residente ng Calabagin na lumuwas sa kanilang komunidad para magsaka. Kinailangan pang samahan sila ng mga nanay para makakuha ng pagkain sa bukid, matapos ang pamamaril. Ang mga pananim nina Gusting, nakabuyangyang na lamang. Ang kanilang kamarin na puno ng inaning pananim, hindi mabuksan dahil naka-padlock.

(Tumangging magpagamit ng tunay na ngalan sa artikulong ito ang mga residente ng Calabagin, sa takot na bumalik sa kanila ang militar at buntunan sila muli ng galit.)

Hindi basta mapapatawad

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Ka MJ, press relations officer ng Benito Tesorio Command ng NPA, na hindi sila nagawi sa lugar ng bahay nina Gusting, at wala silang engkuwentro roon sa mga militar. Sa kabila nito, patuloy ang paggigiit ng tagapagsalita ng 5th ID, na si Col. Loreto Magundayao, gayundin ang iba pang tagapagsalita ng Army roon, na sa engkuwentro nasawi sina Gusting at Rosie.

Pero sigurado sina Dexter: hindi engkuwentro ang naganap noong madaling araw ng Nob. 23. At humingi ng dispensa ang mga militar hinggil dito.

Isa sa mga basyo ng bala na nakakalat sa palibot ng bahay nina Gusting. (KR Guda)

Isa sa mga basyo ng bala na nakakalat sa palibot ng bahay nina Gusting. (KR Guda)

Para sa Karapatan, tila bahagi na ng diskarte ng “Peace and Development Teams” ng militar sa ilalim ng Oplang Bayanihan ang pagkuha ng loob ng mga sibilyang pinaghihinalaan nilang sumusuporta sa mga rebelde. Kaya sinikap noong CO na si Bernardino na amuin si Dexter, sa pamamagitan ng pagbanggit na Born Again din siya.

Tila pagkuha ng loob din ni Dexter ang paghingi ng dispensa ni Bagni sa pamamaslang kina Gusting at Rosario. Ayon sa Karapatan, noong Hulyo 22, nakadokumento rin sila ng katulad na insidente sa Laak, Compostela Valley. Napatay ng mga sundalo ng 60th IB si Totong Mabinsi, isang miyembro ng tribong Dibabawon. Ang CO ng yunit na si Lt. Gamus, humingi rin ng dispensa sa kapatid ng biktima, dahil napagkamalan daw na giya ng NPA si Totong.

“Pero hindi sapat ang paghingi ng dispensa. Hustisya ang kailangan namin,” sabi ni Dexter.

Dalawang organisador ng mga kawani ng gobyerno dinukot sa Maynila, ipiniit sa Camarines Norte

$
0
0
Kinondena ng Courage ang panunupil ng mga ahente ng gobyerno sa kanilang hanay, kasama ang pagdukot, pagkulong at pagsampa ng gawa-gawang kaso kina Randy Vegas at Raul Camposano. (Darius Galang)

Kinondena ng Courage ang panunupil ng mga ahente ng gobyerno sa kanilang hanay, kasama ang pagdukot, pagkulong at pagsampa ng gawa-gawang kaso kina Randy Vegas at Raul Camposano. (Darius Galang)

Kinondena ng militanteng organisasyon ng mga kawani ng gobyerno ang pagdukot at pag-aresto sa Maynila at pagkulong sa Camarines Norte ng dalawa nilang kasapi at organisador.

Sinabi ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na aktibo sa pag-oorganisa sa mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya sina Randy Vegas at Raul Camposano, nang arestuhin sila noong Disyembre 3.

Sa magkahiwalay na oras at lugar, dinampot ng armadong kalalakihan sina Randy Vegas at Raul Camposano noong Disyembre 3. Unang dinampot si Vegas noong umaga, at hapon naman nang dakpin si Camposano, matapos ang kilos-protesta ng mga kawani ng MMDA Employees’ Association sa EDSA.

Ayon sa inisyal na mga panayam ng fact finding mission kina Vegas at Camposano at sa tulong ng iba pang dokumentong nakalap ng Courage, ibinibintang sa dalawa na kasama raw sila sa isang ambus ng New People’s Army (NPA) laban sa militar sa Maot, Labo, Camarines Norte noong Abril 29.

Pinabulaanan ito ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage, na nagsabing hindi posible na sangkot ang dalawa sa isang ambus noong Abril 29. Nasa Kamaynilaan umano sina Vegas at Camposano noong mga panahong ito, aktibo sa paghahanda ng Courage para sa nalalapit na kilos-protesta noong Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

“Lehitimong organisasyon ang Courage ng mga unyon at asosasyon sa gobyerno at may track record na nagsusulong sa karapatan at kagalingan ng mga kawani ng gobyerno,” ani Gaite.

Ayon sa fact-finding mission ng Courage, maraming karapatan nina nina Vegas at Camposano ang nilabag ng mga dumukot sa kanila. Dinampot sila ng hindi nagpakilalang arresting officers. Hindi rin ipinaliwanag ang dahilan ng kanilang pag-aresto, at hindi nabigyan ng legal counsel.

Piniringan pa sila gamit ang mga panyo at tuwalya, at tuluyang hindi nila nakilala ang dumakip sa kanila. Parehas na sanaysay nila na matapos silang piringan at posasan, mula sa Metro Manila, dinala sila sa Camp Bagong Diwa, hanggang sa tuluyang ipiniit sila sa Daet.

Sinabi ng Courage na bahagi ang pag-aresto sa dalawa sa serye ng mga atake sa hanay ng mga kawani ng gobyerno. Nasa gitna ngayon ng paglaban ang mga kawani para sa kanilang mga benepisyo na ipinagkakait ng administrasyong Aquino.

Binatikos ni Gaite ang kawalan ng aksiyon ng administrasyon sa hinaing ng mga empleyado ng MMDA ukol sa kanilang mga benepisyo sa ilalim ng 2010 Collective Negotiation Agreement.

Bukod sa pagkakadakip sa dalawang kasapi ng Courage, hindi rin dumaan sa proseso ang paghahapag ng preventive suspension ang ilang mga kawani ng MMDA.

Nagkasa ang Courage ng isang kilos-protesta sa Disyembre 13. Bukod sa martsa tungong Department of Budget and Management hanggang Mendiola na may panawagang itigil ang pagkaltas ng benepisyo sa mga kawani ng gobyerno, ihahanda rin nila ang legal na depensa para kina Vegas at Camposano.

Larawan: Iglap rali ng rebolusyonaryong manggagawa sa kalusugan isinagawa sa Maynila

$
0
0
Nagsagawa ng rali-iglap o lightning raly ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng rebolusyonaryong grupong Makabayang Samahang Pangkalusugan o MSP. Ipinagdiriwang ng MSP ang kanilang ika-34 taong anibersaryo. Miyembro ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP ang MSP. (Kontribusyon)

Nagsagawa ng rali-iglap o lightning raly ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng rebolusyonaryong grupong Makabayang Samahang Pangkalusugan o MSP. Ipinagdiriwang ng MSP ang kanilang ika-34 taong anibersaryo. Miyembro ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP ang MSP. (Kontribusyon)

Kinondena ng MSP ang anila'y pagtalikod ng rehimeng Aquino sa tungkulin nitong bigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga maralitang Pilipino. Binatikos nila ang di-pagprayoritisa nito sa serbisyong panlipunan, at ang kawalan ng akses ng mga mamamayan sa serbisyong ito sa maraming bahagi ng bansa. (Kontribusyon)

Kinondena ng MSP ang anila’y pagtalikod ng rehimeng Aquino sa tungkulin nitong bigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga maralitang Pilipino. Binatikos nila ang di-pagprayoritisa nito sa serbisyong panlipunan, at ang kawalan ng akses ng mga mamamayan sa serbisyong ito sa maraming bahagi ng bansa. (Kontribusyon)

Sinunog nila ang isang larawan ni Pangulong Aquino at ng imperyalismong US na nagpapanatili umano ng mapagsamantalang kaayusan. Ipinaabot pa ng MSP na masigasig itong nagpapakilos at nag-oorganisasa sa pangkalusugan para higit pang mapalaki ang ambag sa pagsusulong ng armadong rebolusyong Pilipino sa pangkalahatan at sa komprehensibong gawaing pangkalusugan para sa rebolusyon, sa partikular. (Kontribusyon)

Sinunog nila ang isang larawan ni Pangulong Aquino at ng imperyalismong US na nagpapanatili umano ng mapagsamantalang kaayusan. Ipinaabot pa ng MSP na masigasig itong nagpapakilos at nag-oorganisasa sa pangkalusugan para higit pang mapalaki ang ambag sa pagsusulong ng armadong rebolusyong Pilipino sa pangkalahatan at sa komprehensibong gawaing pangkalusugan para sa rebolusyon, sa partikular. (Kontribusyon)

Ang Talim at Talas ng Pitong Sundang

$
0
0

(Itinanghal ng SINAGBAYAN, Nobyembre 30, 2012 Bulwagang Tandang Sora, College of Social Work and Community Development, University of the Philippines, Diliman)

Walang kasing talas ang Pitong Sundang na patuloy sa paghasa ng kamulatang dapat baguhin ang kasalukuyang sistemang panlipunan.

Sa paggunita ng mga makabayang kilusan sa ika-149 kaarawan ni Andres Bonifacio, itinanghal ang dulang Ikapitong Sundang, isang sayaw na pagtatanghal na hinaluan ng paglalaro ng anino, pelikula at ilaw. Galaw ang naging pangunahing tagapagsalaysay sa dula at indayog ang naging tagahabi ng mga pangyayari.  Musika naman ang naging gabay sa kasaysayan ng lupa, habang naging tulay sa nakaraan, kasalukuyan, pang-aapi at paglaban, ang mga tula na pinatalas ng mga progresibong talinhaga.  Hindi lamang ang hangin ang pinadugo ng mga sundang, kundi maging ang kamalayan ng mga manonood; ang pagkamulat sa sistema ng pang-aapi’t pang-aalipin, ang kasaysayan ng pakikidigma.

Nagsimula ang dula sa pagpapakita ng isang mag-aaral na masayang nakikinig ng musika. Kasabay ng kanyang galaw ang paghawi ng kanyang uniporme sa hangin.  Kakulitan niya sa paglalaro sa lupa  ang iba pang batang anak ng mga  kasamang abala sa pagtatanim.  Ang lupa ang magsisilbing lunan ng kasaysayan, ang lupa ang magiging dahilan ng pananakop at pag-aangkin. Ito rin ang magsisilbing dahilan kung bakit kailangang patalasin ang mga sundang,  hanggang sa  maputol nito ang iba’t ibang uri ng pagsasamantala sa nakararaming mamamayan na siyang lumilikha ng yaman sa bansa.

Laman ng  indayog ang katotohanan na ang bawat isa’y mag-aaral ng kasaysayan. Ginawang katatakutan ang lupa ng mga mananakop. Pinakalat na ito’y tahanan ng mga masasamang  espiritu at dito malalagak ang mga hindi sumusunod sa simbahan, sa dagat-dagatang apoy.  Subalit kung tutuusin, ang lupa ang buhay na libong-taong kinalinga ng kamay ng ating mga ninuno.  Mahalaga ang sayaw sa puntong ito sapagkat kahit walang ginamit ng mga salita, naghuhumiyaw na narinig ng mga manonood kung bakit nananatili ang kapangyarihan sa iilan.

Sinayaw sa dula ang kalagayan ng masang magbubukid at katutubo.  Sa pamamagitan ng isang dasal-panalangin, binigyang-katuturan kung bakit dumating ang  mga halimaw na nangamkam ng lupa. Sa una’y masaya ang mga magsasaka sa pagtanim ng mga binhi ng buhay.  Dahil walang iisang nagmamay-ari sa lupa, ang anumang biyayang hatid nito’y pantay-pantay na ipinamamahagi.  Hindi nagtagal, matapos paunlarin ang lupa, dumating ang mangangamkam nito.

Pinahirapan nila ang mga nabungkal ng lupa, inangkin ang  ani sa pamamagitan ng kapirasong papel. Papatawan ang mga kasama ng sapilitang serbisyo,  bibilhin ang kanilang lakas-paggawa.  Kasabwat sa sistemang ito ang ahensiya ng militar na sa pamamagitan ng din ng sayaw, isiniwalat ang dahas ng estado. Sinayaw ang paggahasa sa yaman, sa mga babaeng mandirigma, pati ang mga pagpaslang sa mga walang muwang at karaniwang mamamayan. Tila sa yugtong ito ipinakita ang pakikipagsayaw sa kamatayan; niyuyugyog ang mga katawang walang buhay, pinagtatawanan ang karumal-dumal na krimen.  Maging ang kulunga’y ginawang espasyo ng pagtatanghal. sa pamamagitan ng mga talinghaga tumakas sa bawat rehas at alambre ng piitan, naging paraan ang sayaw upang tumakas ang mga katotohanang hindi tuwirang nasasaksihan sa pang-araw-araw na buhay.

Subalit hindi natatapos ang dula sa pamamagitan ng kalungkutan, takot at pagkasawi.  Lalong hinasa ang sundang ng mga mandirigmang nagpatuloy sa pakikidigma sa kanayunan. Nabuhay ang diwang rebolusyonaryong pilit iniiwasan o tinalikuran na ng ilan sa mga artista at alagad ng sining.  Pinatalas ng kasaysayan at proletaryadong adhikain ang dula; ang lupa ang inangkin, ang lupa ang dapat bawiin. Makakamit ito sa kolektibong lakas, sa abanteng kamalayan gamit ang makabayang sining na inaabot ang mga manonood, lalo na ang mga pinagkaitan ng karunungan at kaalaman sa produksyon ng iba’t ibang anyo ng sining.  Kaya’t nagkaroon ng transpormasyon ang dating mag-aaral ng kasaysayan; siya ngayo’y bahagi na sa paglikha nito.

Sa pagkakataong ito, itinuro ng dula na sa indayog at sayaw ng pakikibaka, hindi nabura, at kailanma’y hindi nawaglit sa ating kolektibong kamalayan ang sining ng digma. Patuloy ang pagyabong nito upang magmulat upang putulin ang pang-aapi, upang dumaloy ang makabayang adhikain ng mga artista, higit lalo ng mga manonood na binababad sa kulturang burgis, elitista at mapagkunwari.

Walang kasing talas ang Pitong Sundang na patuloy sa paghasa ng kamulatang dapat baguhin ang kasalukuyang sistemang panlipunan.

Papalalang kalagayan ng karapatang pantao sa ilalim ni PNoy

$
0
0

Si Elaine, 14, habang kalong ang kanyang anak na bunga ng pagsasamantala ng kanyang tiyuhing Cafgu. (Macky Macaspac)

Isang simple at inosenteng 14-anyos na bata si Elaine (di-tunay na ngalan) na kasalukuyang nasa Grade Six. Dapat sana, hayksul na siya. Pero kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral noong nakaraang taon. Kung tutuusin, nasa rurok pa siya ng pagkabata–katulad sana ng ordinaryong mga batang nakikihalubilo, nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata.

Pero kahalubilo at kalaro niya ngayon ang kanyang sariling isang taong gulang na anak na bunga ng panggagahasa.

Noong nakaraang taon, tatlong beses na ginahasa si Elaine ng kanyang tiyuhin na miyembro ng 4th Batangas  Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu). Sa kanyang kuwento sa Pinoy Weekly, nagbabakasyon lamang siya sa kanyang lola sa Sawang, Lobo, Batangas kung saan nakatira din ang kanyang tiyuhin. Kuwento niya, isang gabi noong Enero 2011, ginising siya ng kanyang tiyuhin at sinabihan na huwag gumawa ng ingay.

“Sa ibaba po ng bahay ng lola ko kami natutulog, bumaba po si Amado sa tinutulugan namin. Ginahasa po niya ako,” ani Elaine.

Nasundan ang panggagahasa kay Elaine kinabukasan, at isa pang beses noong Mayo 2011.  Sa kabila ng positibong pagtuturo sa salarin at ulat medico-legal na nagkumpirma ng panggagahasa, binasura ng Provincial Prosecutor ang kasong isinampa niya laban sa tiyuhin. Tinanggihan din ng prosekusyon sa Batangas ang kanilang motion for reconsideration, kaya’t muli silang nagsampa ng motion for reinvestigation sa Department of Justice (DOJ).

Habang sinusulat ang artikulong ito, isinasagawa ang ikalawang preliminary hearing ng kaso sa DOJ. “Masakit, ang hiling ko lang ay makulong siya,” matatag na sabi ni Elaine.

Ang 15-anyos naman na si Ella, nakaligtas sa pagmasaker sa kanyang pamilya noong Pebrero 25, 2012 sa Labo, Camarines Sur. Namatay ang kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid. Kung noon, halos di makausap si Ella dahil sa pagkatulala, ngayo’y nakakangiti at nakikipag-usap na siya. Iginigiit niya na mga miyembro ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army ang pumatay sa kanyang pamilya.

Hindi na ligtas ang mga bata sa sarili nilang mga komunidad, panawagan nilang paalisin ang mga militar na lumalabag sa karapatan nila. (Macky Macaspac)

Kuwento niya, “Bandang alas-sais ng umaga iyon, narinig kong may mga naglalakad sa labas ng bahay. Pagdungaw ko po sa bintana nakita kong may mga sundalo nang nakapalibot sa bahay namin. Ginising ko po si Papa, tapos pinagbabaril na kami,” sabi ni Ella sa Pinoy Weekly.

Sugatan din siya at bantay-sarado pa ng mga sundalo sa ospital. Bagaman nakakarekober na siya mula sa trauma,  hindi maiwasang mangilid ang kanyang luha sa alaala ng kanyang ama at dalawang kapatid.

Aniya, “Miss ko na sila, mag-iisang taon na silang patay. Gusto ko mabigyan sila ng katarungan.”

Naalarma ang Children’s  Rehabilitation Center (CRC) sa lumalaking bilang ng mga batang biktima ng paglabag ng karapatang pantao. Aabot na sa 14 na bata ang biktima ng pamamaslang, at 12 dito sa loob lamang ng taong ito. Ani Jacqueline Ruiz, executive director ng CRC, hindi na maituturing na collateral damage lang ang bata. Tila target na sila ng mga puwersa ng estado.

“Talagang inaatake na ang mga batang ito. Ang mga batang nagiging biktima ay anak ng lider o miyembro ng mga organisasyon sa kani-kanilang lugar,” ani Ruiz.

Pero kahit ordinaryong mga bata katulad ni Elaine, nagiging biktima din ng mga paglabag ng karapatang pantao. Ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng grupong Gabriela, “Patunay ito na buhay na buhay ang kultura ng impunity (kawalang pananagutan) at malayung-malayo sa ilusyon na ipinapakalat ng administrasyong Aquino na wala nang mga paglabag sa ilalim ng kanyang pamumuno.”

Papataas na bilang ng mga paglabag

Sa taunang ulat ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, lumalabas na ikatlo ang mga bata at menor-de-edad sa pinakamaraming mga biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang. Una ang sektor ng magsasaka na may 71 biktima ng pamamaslang, pumangalawa naman ang sektor ng mga katutubo na may biktimang 25.

“Lima sa mga batang biktima ay anak ng mga katutubong lider,” ani Ruiz. Pinakahuli ang dalawang bata sa masaker ng pamilya Capion sa Tampakan, South Cotabato. Narinig pa umano ng mga saksi nang utusan ng komander ng militar na tuluyang patayin ang mga biktima, ayon sa Karapatan.

Ayon pa sa grupo, papadilim ang sitwasyon ng karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Aquino. Sa kanilang talaan, mayroon umanong 129 na biktima ng pamamaslang ang administrasyong Aquino, bukod pa sa 150 na biktima ng bigong pagpaslang.

Tumindi rin sa taong ito ang deployment ng militar sa pinaghihinalaang mga lugar na kontrolado ng rebolusyonaryong New People’s Army (NPA). Resulta nito ang malawakang paglabag sa karapatang pantao gaya ng sapilitang paglikas, tortyur, ilegal na pag-aresto, at pag-okupa ng mga militar sa mga eskuwelahan at iba pang pampublikong lugar.

Presentasyon ng ulat hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao (Macky Macaspac)

“Napansin namin na malala at nakakarimarim ang mga pagpatay ngayon tulad din noong panahon ng batas militar,” sabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Halimbawa nito ang pagpatay ng mga sundalong militar kay Genesis Ambason, isang lider-katutubo sa Agusan Del Sur, na pinahirapan bago patayin, at ang pagpugot naman ng ulo kay Ely Oguis, isang kagawad ng barangay sa  Albay.

Sa pagnanais ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapusin ang unang yugto ng Oplan Bayanihan sa taong 2013, mangangahulugan ito ng papatindi pang paglabag sa karapatang pantao, ayon sa Karapatan. Kasabay nito ang promosyon sa ilang opisyal militar na sangkot sa mga paglabag.

“Ang promosyon ng mga kilalang human rights violators tulad ni Brig. Gen. Eduardo Año, bilang bagong hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (Isafp) at ni Brig. Gen. Aurelio Baladad bilang deputy chief of staff for operations ay bahagi ng Oplan Bayanihan. Nakadisenyo ito para tapusin ang mga pinaghihinalaan nilang mga kaaway kasama na ang sumusuporta sa mga ito,” paliwanag ni Palabay.

Kabilang si Año sa mga sangkot sa pagdukot kay Jonas Burgos, bagay na ikinalungkot ng ina ng nawawalang biktima.  “The swearing in of Eduardo Año in Malacanang as the new ISAFP chief has annihilated whatever small hope I held on to, that in time, during this dispensation, the Human Rights situation in the Philippines would improve and the surfacing of my son, Jonas, would follow soon. Lord have mercy on Jonas and the other human rights victims,” pahayag ni Edita Burgos.

Target: lupaing ninuno

Naka-angkla rin umano ang Oplan Bayahihan sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-kaunlaran sa ilalim ng Public-Private Partnership.  Marami kasi sa mga biktima ang mga katutubong aktibong lumalaban sa mga proyekto tulad ng pagmimina na wawasak sa kanilang mga lupaing ninuno. Kabilang na rito si Ambason at ang pamilyang Capion.

“Hangad nila ang aming lupang ninuno,” sabi ni Jomorito Goaynon, tagapangulo ng Kalumbay at isang lider katutubo sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Aniya, maraming mga lider katutubo ang kinakausap ng mga inhinyero at representante ng iba’t ibang kompanya ng mina para alukin ng suhol. Ang tumatanggi sa alok ang nagiging biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Sr. Stella Matutina, hinaharas at pinagbibintangang NPA ng militar (Macky Macaspac)

Kahit ang mga tagasuporta nila, tulad ni Sr. Stella Matutina, pangkalahatang kalihim ng Panalipdan Mindanao, hindi nakaligtas sa mga pagbabanta at pananakot. “Kami na tumututol sa large scale mining at logging ang pinagbabantaan ng buhay at inaakusahang NPA,” ani Sr. Matutina.

Sa kasalukuyan, 70 lider-katutubo ang nasa Kamaynilaan para iparating sa publiko ang tunay na kalagayan ng mga katutubo at iba pang mamamayan sa Mindanao.

Sabi nga nila, bukod sa bagyong Pablo na humagupit sa maraming bayan ng Mindanao, araw-araw ma hinahagupit ng karahasan ng Oplan Bayanihan ang mga bata, katutubong magsasaka, at marami pang mamamayan.

Mga paglabag sa ilalim ng administrasyong Aquino mula Hulyo 2010 – Oktubre 31, 2012 (Source: Karapatan)

Paglabag  Bilang ng mga biktima
Extrajudicial killing 129
Enforced disapperance 12
Torture 72
Rape 4
Frustrated dxtrajudicial killing 150
Illegal arrest without detention 228
Illegal arrest and detention 239
Illegal search and seizure 201
Physical Arrest and injury 205
Demoliton 8336
Violation of domecile 369
Destruction of properties 7711
Divestment of property 280
Forced Evacuation 30, 259
Threat/harassment/ intimidation 27281
Indiscriminate firing 6743
forced/fake surrender 47
Forced labor/involuntary servitude 162
Use of civilian in police and/or military operations  as guides and/or shield 296
Use of school, medical, religious and other public places for mulitary purpose 23792
Restriction or violent dispersal of mass action, public assemblies and gathering 2481

Trahedya sa Timog Mindanao, sanhi ng malawakang pagmimina, pagtotroso

$
0
0
Nasawi ang dalawang anak ni Valentine Pabillana at isang 11-buwang apo nang bumagsak ang kanyang bahay dahil sa landslide sa bayan ng Compostela sa Compostela Valley. (davaotoday.com photo / Ace R. Morandante)

Nasawi ang dalawang anak ni Valentine Pabillana at isang 11-buwang apo nang bumagsak ang kanyang bahay dahil sa landslide sa bayan ng Compostela sa Compostela Valley. (davaotoday.com photo / Ace R. Morandante)

Dama ng Mindanao ang isa sa pinakamalupit na trahedya sa kasaysayan nito matapos humagupit ang bagyong Pablo (Bophal). Ang hindi sinisiwalat, small-scale mining at logging ang dahilan kung bakit nangyari ang trahedya sa ilang mga bayan sa Mindanao.

Ayon sa pagbibilang ng iba’t ibang ahensiya, di-bababa sa 500 katao ang nasawi sa mga biglaang pagbaha at landslide na may kasamang mga nabuwal na puno at bato sa Compostela Valley at Davao Oriental, ang mga lugar na pinakamalalang tinamaan ng trahedyang dulot ng bagyo. Daan-daan din ang naiulat nilang nawawala.

Isiniwalat ng Kalikasan, isang progresibong environmental organization, na patuloy ang ilegal na pagtotroso sa mga lugar na kung saan malubhang tumama ang hagupit ng bagyo at ng mga kasunod nitong mga pagbaha.

“Karamihan sa mga lugar kung saan laganap ang illegal logging ay sa mga lugar na sakop ng paso (expired) nang concession permits sa Surigao del Sur, Agusan del Sur at Agusan del Norte.” Maging ang Agusan River Basin, ang ikatlong pinakamalaking lawa sa bansa, ay apektado ng mga aktibidad na ito, at namamarkahan ng pagkawala ng mga kahayupan (biodiversity) at papaubos na likas-yaman.

Ipinunto pa nila na hindi dapat tignan ang pagbaha sa Compostela Valley bilang isang hiwalay na pangyayari. “Ang mga lagusan ng Agusan River ay direktang dumadaloy sa Compostela Valley kung saan pinakamalubhang naganap ang mga pagbaha,” paliwanag ng grupo.

Nananawagan ang Kalikasan ng isang komprehensibong pagsisiyasat sa mga salik na nagpalala at nakapag-ambag sa trahedya dulot ng bagyo. Bukod pa ito sa mga nauna na nilang pagsisiyasat ukol sa kahirapan ng mga mamamayan na sanhi ng ilegal na pagtotroso, kumbersiyon sa lupa, landrabbing, kawalan ng proteksiyon sa kapaligiran, at kakulangan ng rehabilitasyon ng bulnerable at nasirang mga lupain.

Samantala, sinabi naman ng rebolusyonaryong alyansa na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na matindi ang pagtotroso at mapaninsala ang malakihang pagmimina sa naturang mga lugar. Sa kabila nito, tila “kumbinyenteng mga sagot” lamang ang binibitaw ng pamahalaan: Isinisisi nito ang trahedya sa small-scale mining and illegal logging sa mga hazard prone area. Ito lang anila ang sagot ng pamahalaan na “nabigong magbigay ng sapat na paghahanda at rumesponde sa pangangailangan ng mga mamamayan.”

Dugtong pa nila na naging salik din ang pagtingin ng administrasyong Aquino sa Compostela Valley at Davao Oriental bilang lokalidad na mayaman sa likas na rekurso (resource-rich localities).

Panawagan ng tulong para sa TImog Mindanao, mula sa Balsa Mindanao at Rural Missionaries of the Philippines-Southern Mindanao Region.

Panawagan ng tulong para sa TImog Mindanao, mula sa Balsa Mindanao at Rural Missionaries of the Philippines-Southern Mindanao Region.

“Naglalaway ang lokal na kapitalista at dayuhang mga kompanya ng large-scale mining sa tinatayang 189 milyon metriko-toneladang ginto na karamihan ay nasa Mt. Diwata, at sa 490.7 milyon metriko-toneladang nickel sa Comval (Compostela Valley) at Davao Oriental. Ngunit kapag sumapit ang trahedya, piecemeal assistance) lamang ang ipinaaabot ng pamahalaan,” ayon sa grupo.

Idinagdag pa nito na kahit nagtalaga ng bilyong piso para sa modernisasyon ang Armed Forces of the Philippines disaster-related technological upgrades (na nagsisilbing bahagi ng madugong programang kontra-insurhensiya nito na Oplan Bayanihan), malayo ito para makasapat sa pagsalba sa mga pamilyang galing sa mga maliliit na mga magsasaka, small-scale miners, at mga manggagawa sa plantasyon ng saging.

Nanawagan din ang NDFP sa mga alyado nitong mga organisasyon na mangalap ng donasyon at kontribusyon para sa mga biktima ng trahedya.

Samantala, nagpanukala si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na mabilisang ipasa ang House Bill 5660 o ang Free Mobile Alerts Act na nag-uutos sa mga kompanya ng telekomunikasyon na magbigay ng libreng texts para sa pagpapalaganap ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at iba pang katulad na ahensiya, ng mga babala sa mga lugar na maaaring tamaan ng kalamidad.

“Kung maaaprubahan ang bill, magiging malinaw na tungkulin ng gobyerno at ng telcos ang paglalabas ng libreng mobile alerts sa pinakamaagang panahon,” dugtong ni Casiño.


Larawan: US, ipinapanagot din sa paglabag ni PNoy sa karapatang pantao

$
0
0

Habang abala ang bansa sa panonood sa pinakahuling laban ni Manny Pacquiao, nakipaglaban naman sa mga pulis sa embahada ng US ang mga grupong pangkarapatang pantao sa pangunguna ng Karapatan-Southern Tagalog.

Tanghali ngayong araw, Dis. 9, humigit-kumulang 800 kataong kalahok sa Lakbayan (o Southern Tagalog People’s March for Human Rights) ang sumugod sa harap ng embahada ng US at hinarang ng 200 pulis.

Nagkagirian ang dalawang kampo nang batuhin ng mga demonstrador ng paint bomb na kulay pula ang mga pulis, bilang simbolo ng mga abuso ng mga puwersa ng estado sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

“Dikta ng gobyerno ng US ang Bayanihan ni Aquino para patahimikin ang mga kritiko ng estado sa bansa sa pamamagitan ng pagtarget sa mga legal na aktibista…(N)agresulta ito sa 20 kaso ng ekstra-hudisyal na pamamaslang, tatlong pagdukot, 43 ilegal na pag-aresto at 33 ilegal na detensiyon sa rehiyon (ng Southern Tagalog),” sabi ni Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-ST.

Ilan sa mga larawan ng kilos-protesta (Mga larawan ng Southern Tagalog Exposure o STEx):
Galit na sinugot ng kabataan at iba pang militante mula sa Southern Tagalog ang embahada ng US sa Roxas Boulevard, Manila para kondenahin ang partisipasyon ng gobyerno ng US sa mga paglabag umano ng karapatang pantao sa bansa.

Galit na sinugod ng kabataan at iba pang militante mula sa Southern Tagalog ang embahada ng US sa Roxas Boulevard, Manila para kondenahin ang partisipasyon ng gobyerno ng US sa mga paglabag umano ng karapatang pantao sa bansa.

Ito ang ika-pitong araw ng Lakbayan ng mga militante mula sa Southern Tagalog, para sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao sa Dis. 10.

Ito ang ika-pitong araw ng Lakbayan ng mga militante mula sa Southern Tagalog, para sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao sa Dis. 10.

Spraypainted na panawagan ng mga militante. Nakilalang malupit na berdugo ng mga sibilyang aktibista si Jovito Palparan nang madestino ang noo'y koronel sa Southern Tagalog noong huling bahagi ng dekada '90 hanggang maagang bahagi ng dekada 2000.

Spraypainted na panawagan ng mga militante. Nakilalang malupit na berdugo ng mga sibilyang aktibista si Jovito Palparan nang madestino ang noo’y koronel sa Southern Tagalog noong huling bahagi ng dekada ’90 hanggang maagang bahagi ng dekada 2000.

Buo-buong pamilya ang sumama sa Lakbayan mula Southern Tagalog.

Buo-buong pamilya ang sumama sa Lakbayan mula Southern Tagalog.

Isa si Lester Barrientos sa mga aktibista sa Southern Tagalog na pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Isa si Lester Barrientos sa mga aktibista sa Southern Tagalog na pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Habang abala ang publiko sa panonood ng laban ni Pacquiao, "tunay na laban" para sa hustisya at karapatang pantao ang naganap sa Roxas Boulevard.

Habang abala ang publiko sa panonood ng laban ni Pacquiao, “tunay na laban” para sa hustisya at karapatang pantao ang naganap sa Roxas Boulevard.

Mga mamamayan ng Quezon, na binuhusan ng Philippine Army ng tropang militar para tugisin umano ang mga rebelde. Pero pinaka-apektado ng militarisasyon ang mga sibilyan sa lugar.
Mga mamamayan ng Quezon, na binuhusan ng Philippine Army ng tropang militar para tugisin umano ang mga rebelde. Pero pinaka-apektado ng militarisasyon ang mga sibilyan sa lugar.
Karamihan sa mga biktima ng militarisasyon at matinding paglabag sa mga karapatang pantao ay mula sa hanay ng mga magsasaka.

Karamihan sa mga biktima ng militarisasyon at matinding paglabag sa mga karapatang pantao ay mula sa hanay ng mga magsasaka.

Kumprontasyon ng mga pulis at demonstrador.

Kumprontasyon ng mga pulis at demonstrador.

Binato ng mga militante ang mga pulis ng pulang paint bomb, para ihayag ang pagkondena nila sa madugong Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino.

Binato ng mga militante ang mga pulis ng pulang paint bomb, para ihayag ang pagkondena nila sa madugong Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino.

Sinisimbolo rin umano ng paint bomb ang pagkondena sa gobyerno ng US, na naglabas ng US Counterinsurgency Guide of 2009, na naging gabay ng administrasyong Aquino sa programang kontra-insurhensiya nitio ng Oplan Bayanihan.

Sinisimbolo rin umano ng paint bomb ang pagkondena sa gobyerno ng US, na naglabas ng US Counterinsurgency Guide of 2009, na naging gabay ng administrasyong Aquino sa programang kontra-insurhensiya nitio ng Oplan Bayanihan.

Matapos ang pagbato ng paint bomb.

Matapos ang pagbato ng paint bomb.

Matapos ang pagbato ng paint bomb.

Matapos ang pagbato ng paint bomb.

Nakapagprograma pa matapos ang pagbato ng paint bomb.

Nakapagprograma pa matapos ang pagbato ng paint bomb.

Ang kilos-protesta sa embahada ng US, ayon sa mga militante ng Southern Tagalog, ay bahagi ng paghahanda para sa kilos-protesta sa Disyembre 10, Pandaigidigang Araw ng Karapatang Pantao.

Ang kilos-protesta sa embahada ng US, ayon sa mga militante ng Southern Tagalog, ay bahagi ng paghahanda para sa kilos-protesta sa Disyembre 10, Pandaigidigang Araw ng Karapatang Pantao.

Video: Manggagawa sa serbisyong medikal, kontra sa pagsasapribado sa pampublikong ospital

$
0
0

Patuloy na ipinaglalaban ng organisasyon ng mga manggagawa sa serbisyong pangkalusugan ang abot-kamay na pagpapagamot at iba pang serbisyo-medikal para sa maraming mamamayan. Sa kabila nito, tinututulan nila ang mga hakbang ng administrasyong Aquino para unti-unting isapribado ang pampublikong mga ospital.

Para sa karagdagang imporasyon hinggil dito, basahin ang artikulong ito.

 

Video: Mga lider-katutubo ng Mindanao, nagmartsa patungong Mendiola para sa karapatang pantao

$
0
0

Nitong nakaraang linggo, serye ng protesta ang nilahukan sa Kamaynilaan ng mga lider-Katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon ng Mindanao. Mula sila sa mga lugar kung saan may matinding militarisasyon — na may kalakip na malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao. Sa mga lugar ding ito, may nakaambang malawakang komersiyal na pagmimina, pagtotroso o kumbersiyon sa lupa na magtataboy sa mga katutubo at wawasak sa kapaligiran.

Maraming kaso ng pamamaslang, pagdukot, pananakot, tortyur, at iba pang abuso, ang naranasan ng mga mamamayan sa kamay ng militar at iba pang puwersa ng estado na nagpapatupad ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Nitong Disyembre 10, 2012, pandaigdigang araw ng karapatang pantao, dumulo ang kanilang martsa — kasama ang iba’t ibang sektor mula sa Timog Katagalugan at National Capital Region — sa paanan ng Malakanyang sa Chino Roces (dating Mendiola) Bridge, Manila. Mas malakas nilang inihayag sa Pangulo na kailangang ihinto ang pampulitikang panunupil at ang programang kontra-insurhensiya ng kanyang administrasyon.

Panoorin sa HD (720p).

(Bidyo ni Pher Pasion, Darius Galang at Soliman A. Santos, inedit ni Priscilla Pamintuan)

‘Sa gobyerno ni Aquino, malawakang paglabag sa karapatang pantao’

$
0
0

Mga larawan ng kilos-protesta para sa karapatang pantao at kontra sa marahas na giyera kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino, sa pangunguna ng Karapatan at iba pang grupong pangkarapatang pantao.

Para sa bidyo hinggil sa Manilakbayan ng mga lider-katutubo mula sa Mindanao, panoorin ito at ito.

Walang lubay na paglabag

Libu-libong magsasaka at katutubong mamamayan mula sa Mindanao at Timog Katagalugan, kasama ng iba’t ibang sektor mula sa Kamaynilaan ang nagmartsa sa Mendiola noon mismong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao – para ipanawagan sa gobyernong Aquino na itigil na ang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan.

Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, sa dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Aquino, hindi lamang nito tinalikuran ang pangakong bibigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao subalit kinunsinti pa ang mga paglabag sa pamamagitan ng pagpo-promote ng mga heneral na pinaniniwalaang sangkot sa mga pang-aabuso sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan.

Sa tala ng Karapatan, sa 129 biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang sa ilalim ni Aquino, 69 dito ang mga magsasaka at 25 ang katutubong mamamayan. Karamihan sa mga ito, lalo na sa Mindanao, ay mga aktibista at mga lider-katutubo na nagtatanggol sa kanilang lupa at kalikasan laban sa panghihimasok ng malalaking dayuhang kompanya ng pagmimina.

“Ang Executive Order 79 hinggil sa pagmimina ni Aquino ay nagsilbing kautusan sa Phil. Army, CAFGU, at mga grupong paramilitar tulad ng Special Civilian Armed Auxiliary para linisin ang mga nakakasagabal sa mga lugar ng pagmimina tulad ng  tumututol na mamamayan. Hindi lamang pinalakas ni Aquino ang malawakan at mapangwasak na pagmimina sa Mindanao kundi binalewala pa ng gobyerno ang pamamaslang at pagpapalayas sa mga katutubo bilang “collateral damage,” ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

“Tama na ang dalawang taon. Sawa na kami sa pangangalandakan ni Pangulong Aquino sa “kapayapaan” at “pag-unlad”. Wala nang bisa ang kanyang “daang matuwid” para sa amin. Kinokondena namin ang patuloy na pamamaslang at pandarambong ng ating likas na yaman na lumalapastangan sa  mga karapatan, lupa at buhay,” sabi pa ni Palabay.

Wala ring magandang pangyayaring nakikita ang mga katutubo sa dalawang taong panunungkulan ni Aquino. Ayon kay Aida Seisa, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas -Southern Mindanao Region, patuloy ang militarisasiyon sa kanilang lugar kung saan laganap ang pagmimina.

“Naroon ang malalaking kompanya ng pagmimina tulad ng TVI, Strata SMI at Philco.  Ngayon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagguho ng lupa, at flash flood sa Compostela Valley ay dahil sa pagkalason ng kapaligiran dahil sa duming itinatapon nila,” ayon kay Seisa.

“Ayaw namin talaga sa mina. Gusto namin ang lupang amin ay amin talaga, kasi ang lupa ay buhay naming mga katutubo. Ayaw namin ng malalaking kompanya (na lalapastangan sa aming mga lupain) dahil ang lupa ay buhay. Ang pera mauubos ‘yan. Ang lupa hindi mawawala kahit pa ilang henerasyon ang sumunod sa amin,” aniya pa.

Ayon naman kay Orly Marcellana, tagapagsalita ng SBPM (Save Bundok Peninsula Movement)/KASAMA-TK (Katipunan ng mga Samahang Mambubukid – Timog Katagalugan), walang pinagbago ang administrasyong Aquino sa nakaraang mga administrasiyon.

“Ipinagpatuloy lamang nito ‘yong paglabag sa karapatang pantao sapagka’t hanggang sa kasalukuyan, dumarami mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Nandiyan ‘yong mga bilanggong politikal, nagpapatuloy ang pagdukot at pagkawala at nagpapatuloy ‘yong pagpatay lalo na sa kanayunan,” sabi ni Marcellana.

Patuloy rin aniyang nililinlang ni Aquino ang taong bayan at pinapaasa sa “tuwid na daan” at sinasabi na walang paglabag sa karapatang pantao. “Ito ay isang malaking kasinungalingan sapagka’t pagpapatotoo na, napakaraming mga pinatay sa amin sa Southern Tagalog, umabot na sa 20 ang biktima ng extra judicial killings, may tatlo kaming mga kasamahan na dinukot at nawawala. Meron kaming 64 na mga bilanggong politikal na nakapiit sa iba’t-ibang piitan at araw-araw ilegal na hinahalughog ang bahay ng mga magsasaka sa Bundok-Peninsula,” paliwanag pa ni Marcellana.

Sa huling bahagi ng programa sa Mendiola, sinunog ng mga nagprotesta ang effigy ni Aquino na nakasakay sa pinaghalong tangke at sasakyang panghukay na sumisimbolo sa kambal na kasamaang dulot ng militarisasyon at malawakang pagmimina sa buhay ng mga magsasaka at mga katutubo.

“Sinunog na rin namin kasama ang anumang natitirang pag-asa ng positibong pagbabago na ibinigay namin sa ilalim ng dalawang taon ni Pangulong Aquino. Hindi lamangh niya sinayang ang pagkakataon para sa pagbabago kundi inubos ang aming pasensya dahil sa lahat ng mga paglabag ng kanyang administrasyon sa karapatang pantao ng mamamayan,” pangwakas ni Enriquez.

May Tula

$
0
0

oo, mga makata ng inaaliping lahi
may tula nga sa gumagapang na langgam
sa nalaglag na mga butil ng asukal
o sa kumikiwal na uod
sa nabubulok na laman
o sa dumarapong langaw
sa ninananang kamay
may tula rin sa nagdurugong puso
o sa himutok at tagulaylay
ng pangungulilang sinlamig ng yelo
ng mga nilikhang nabigo-nabaliw
sa di-masukat na pagmamahal
may tula rin sa nagbabaging na mga ideya
sa gubat ng pantasya’t kamulalaan
o sa lawa ng ilusyon at kawalan.

oo, may tula rin nga
sa maliwanag na mukha ng buwan
o sa luningning ng mga bituin
sa maaliwalas na kalangitan
may tula sa lawiswis ng kawayan
o sa mabining haplos ng amihan
o sa dumarambang alon sa dalampasigan
matulain din nga ang ulilang bulaklak
sa dibdib ng limot nang libingan
matulain din nga ang luha ng hamog
na dumidilig sa nanilaw na damuhan
ano pa nga’t may tula rin
sa nagbabagang singit at puson
o sa pulandit ng lumayang libog
sa init at lingkis ng gabing humiyaw.

ngunit mga makata ng inaaliping lahi
higit na matulain ang mukha ng inang luhaan
kaysa malamlam na sinag ng buwan
anak niya’y dinukot ng imbing militar
ni anino ngayo’y di na matagpuan
higit na matulain ang mata ng paslit
kaysa luningning ng bilyong bituin
dahil ni tinapay di malasahan
ni patak ng gatas di masayaran
bituka niyang hangin lang ang laman.
oo, higit na maindayog ang sayaw ng diwa
ng mga nilikhang ibinartolina
ikinadena ng mga diyus-diyosan
sa bilangguan ng dalita’t dusa
at pinalalamon sa tuwi-tuwina
ng apdo’t nakalalasong inhustisya.

oo, mga makata ng inaaliping lahi
higit na matulain ang tula
sa lagutok ng buto ng obrero sa pabrika
sa tagaktak ng pawis ng sakada sa asyenda
sa daing at panambitan
ng mga biktima ng pagsasamantala
sa kadensa ng libu-libong paa
sa umaalong lansangan ng protesta
higit na matulain
soneto ng mga punglo
elehiya ng mga bomba
epiko ng pakikibaka
ng sambayanang masa
oo, mga makata ng inaaliping lahi
ano pa ang higit na dakila’t dalisay
kaysa reyalidad ng marawal na buhay
ng milyong nilikhang laging naglalamay
walang hinahangad kundi kalayaan
sa pagkaalipin sa kabusabusan?

Tatlong lider-obrero ng KMU, sinampahan ng ‘gawa-gawang mga kaso’

$
0
0
Roy Velez, kaliwa, ng KMU-National Capital Region, kasama ang progresibong artista na si Monique Wilson. (Arkibong Bayan)

Roy Velez, kaliwa, ng KMU-National Capital Region, kasama ang progresibong artista na si Monique Wilson, noong International Migrants Tribunal sa UP College of Law noong Nobyembre 2012. (Arkibong Bayan)

Ipinanawagan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagbasura sa “gawa-gawang” mga kaso laban sa tatlong opisyal nito.

Panghaharas umano ito ng administrasyong Aquino sa mga lider-manggagawa, ayon sa grupo.  Ang tatlong lider-obrero na sinampahan ng gawa-gawang kaso ay sina Ronald Ian Evidente ng Negros; Hermenegildo Marasigan, lider ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik-KMU); at Roy Velez ng KMU-National Capital Region.

Ayon sa KMU, magkahiwalay na kinasuhan sina Evidente at Velez ng  robbery at multiple murder na iniuugnay sa mga gawain ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Si Marasigan nama’y sinampahan ng kasong assault and slight physical injury matapos magkaroon ng kaguluhan sa isang protesta laban sa militarisasyon sa Cabuyao, Laguna.

“Sa halip na igalang ang karapatan ng mga manggagawa, hinaharas ng gobyerno ni Aquino ang mga lider na nakikibaka para dito. Ginagamit nito ang taktika ng (nagdaang) rehimeng Arroyo para pahinain ang kilusang paggawa,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Kinasuhan si Evidente kaugnay ng isang reyd sa Sagay City, Negros  Occidental noong Hulyo, 16, 2011.  Napag-alaman lang ni Evidente na may warrant of arrest siya na may petsang Enero 20, 2012, nang  arestuhin ang kapwa akusado niyang si Christian Tuayon, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Negros, noong Abril.

Napag-alaman naman ni Velez noong Disyembre 5 na kasama siya sa kasong isinampa sa dalawang organisador ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa Camarines Sur.

Ibinibintang naman sa kanila ang isang reyd ng NPA sa bayan ng Labo, Camarines Sur noong Abril 29.

Samantala, noong pang Agosto nalaman ni Marasigan ang warrant of arrest laban sa kanya. Panahong ito nang imbitahan siya ng mga pulis sa kanilang bahay at inimbitahan sa presinto.

Sinabi pa ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, na pawang walang mga batayan ang isinampang kaso laban sa tatlo. Nais lamang umano nitong pigilang makagampan ng mga lider-militante ang kanilang mga tungkulin sa mga kapwa nila manggagawa at iba pang mahihirap na mga mamamayan.

“Napaka-imposibleng magawa ng aming mga lider ang mga krimen na ibinibintang sa kanila,” sabi pa ni Labog.

Sinabi pa ng KMU na aktibo at napakabilis umanong magsampa ng gawa-gawang kaso ang administrasyong Aquino laban sa  mga lider-obrero at mga aktibista pero wala naman itong ginagawa para mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

“Pinapakilos niya ang  mga kapulisan at militar laban sa mga aktibista. Samantala, hindi naman niya mapahuli ang mga lumalabag sa karapatang pantao tulad ni (Hen. Jovito) Palparan,” sabi pa ni Labog.

Tinutukoy ni Labog ang retiradong heneral ng Philippine Army na kinaakusahang maysala sa maraming kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

P125 dagdag-sahod ngayong Pasko, muling giniit ng mga obrero

$
0
0
Inakusahan ng Kilusang Mayo Uno o KMU, kasama si Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na inuupuan ni Rep. Emil Ong, pinuno ng Committee on Labor and Employment, ang pagpasa sa P125 wage hike bill sa Kamara. (Macky Macaspac)

Inakusahan ng Kilusang Mayo Uno o KMU, kasama si Gabriela Rep. Emmi de Jesus, si Rep. Emil Ong, pinuno ng Committee on Labor and Employment, na sadyang pinatatagal niya ang pagpasa sa P125 wage hike bill sa Kamara. (Macky Macaspac)

Muling giniit ng mga manggagawa na ipasa ang panukalang batas na P125 across-the-board na dagdag-sahod na matagal ng nakabinbin sa Kongreso.

Kung maipapasa ang House Bill 375 bago magsara ang sesyon ng Kongreso ngayong Disyembre, ito na marahil ang pinakamagandang regalo sa mga naghihirap na manggagawa sa buong kapuluan, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU).

Sa pahayag ng KMU, tumintindi ang nararanasang kagutuman ng maraming mamamayan kaya’t  lubhang kailangan ng kagyat na ginhawa mula sa nagtataasang mga presyo ng bilihin at serbisyo.

Ibinigay na halimbawa ng grupo ang sarbey ng Social Weather Station (SWS) para sa ikatlong kuwarto ng taon na may pagtaas nang 21% ang nakakaranas ng gutom.

Iniulat naman ng International Labor Organization (ILO) na nagpapakitang relatibong mas maliit ang sahod ng mga Pilipino kumpara sa ibang mga bansa at nasa poverty line ang mga manggagawang Pilipino na nabubuhay lamang sa US$2 kada araw.

“Kung maipapasa ang P125 wage hike bill, isa ito sa pinakamagandang regalo ng mga mambabatas para sa mga manggagawa sa buong bansa,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Sinabi pa ni Labog na maaaring makahabol ang sahod sa walang humpay na pagtaas ng presyo sa mga nagdaang taon.

Ganito rin ang hinaing ng grupo ng kababaihan na humaharap sa pagbabadyet sa kakarampot na sahod.

“Siyempre, interes ng kababaihan na tumaas ang sahod, at sa tradisyon na magpapasko ngayon lalong nararamdaman ang krisis,” sabi ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Sinabi pa ni De Jesus na kahit paano’y gumagastos din ang mahihirap na mga manggagawa sa panahon ng kapaskuhan.

“Ito rin yung panahon na kahit paano’y magkaroon ng konting salu-salo ang mahihirap na mga pamilya, mabilhan ng bagong damit ang kanilang mga anak,” aniya.

Giit pa niya na kailangang madagdagan ang sahod ng mga manggagawa laluna’t dinagdagan pa ng mapanirang kalamidad ang maraming bayan sa Mindanao.

“Kung nais ng mga mambabatas na gumawa ng kabutihan para sa mga manggagawa, dapat nilang ipasa agad ang P125 wage hike bill,” sabi naman ni Labog.

Panawagan naman ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na dapat bigyan din ng prayoridad ng Kongreso ang HB 375 tulad ng prayoridad na ibinigay sa Reproductive Health Bill at Freedom of Information Bill laluna’t ilang araw na lamang ang sesyon ng Kongreso.

“Ilang araw na lamang ang natitira sa 15th Congress, pero nakabinbin pa rin sa komite ang HB 375.  Paubos na ang oras. Dapat talakayin din ng Kongreso ang mga batas na may halaga sa buong bansa at ipasa ang mga ito,” ani Mariano.

Ngunit sa kabila ng panawagan, dismayado naman sila sa pagkabalaho ng panukalang batas sa  Committee on Labor and Employment ng Kamara.

Kinondena ng KMU si Northern Samar Rep. Emil L. Ong, pinuno ng komite, sa hindi mabilisang pagproseso ng huli sa HB 372 para makarating sa plenaryo bago magsara ang sesyon ng kongreso sa Disyembre 19.

Sinabi ng KMU na unang sinabi sa kanila ni Ong na hindi na kailangan ang isa pang konsultasyon para sa kalakhang Luzon at handa na ang komite na isumite ang resolusyon para sa deliberasyon sa plenaryo.

Pero nagbago umano ang posisyon ni Ong noong nakaraang Nobyembre at sinabing kailangan pa rin ang Luzon-wide consultation. Pero hindi naman daw nito inasikaso na magkaroon ng konsultasyon sa kabila ng panawagan ng mga grupo na ilunsad ang konsultasyon bago magsara ang kongreso.

“Inuna pa ni Ong ang panonood sa laban ni (Manny) Pacquiao sa Las Vegas, sa halip na asikasuhin ang pagpasa sa P125 wage hike,” sabi ni Labog.

Ayon pa sa grupo, kung tutuusin kaya pa daw ilabas ang pinal na resolusyon batay sa tatlong naunang konsultasyon (National Capital Region, Visayas at Mindanao) dahil hanggang Disyembre 20 pa ang pasok ng mga mambabatas at ang sesyon lang sa plenaryo ang magsasara sa Disyembre 19.

“Mukhang intensiyon niya (Ong) na tapusin ang 15th Congress na hindi naipapasa ang P125 wage hike,” sabi pa ni Labog.

Pinangangambahan din nilang maetsa-puwera ang pagpasa sa dagdag-sahod sa pagpasok ng taong 2013 dahil sa mid-term election.

“Alam naman natin na abala na ag mga mambabatas sa kanilang kampanya pagpasok ng taong 2013. Produktibo na lang ang Kongreso hanggang ngayong disyembre,” dagdag pa ni Labog.

“Hindi na mahihintay ng mga manggagawa ang 16th Congress sa Hulyo ng susunod na taon.  Kailangan  na maipasa ngayon ang isang legislated wage increase,” sabi naman ni Mariano.


Nakatanim sa Bawat Pagkilos

$
0
0

“Ang intelektwal, tulad ng manunulat, ay lagi’t laging (necessarily) pampubliko,” sabi Prop. Luis V. Teodoro, progresibong intelektwal at guro ng pamamahayag, sa kanyang bagong sanaysay na “Writers and Public Intellectuals.” Sipi raw ang naturang sulatin sa susing pananalita niyang “Interpreting the World: the Writer as Public Intellectual” sa kumperensya ng balangay sa Pilipinas ng PEN (Poets, Playwrights, Essayists, and Novelists).

Ayon kay Teodoro, “Hindi tulad ni Pilosopo Tasyo, hindi pwedeng gawin ng intelektwal na basta na lang itago sa kung saang sisidlan ang kanyang natuklasan at naunawaan, hayaang madiskubre ito ng hinaharap, nang hindi binibitawan ang kanyang tungkulin sa paglikha ng hinaharap na iyan, na ang mga pundasyon ay matutulungan niyang malikha sa kasalukuyan.”

May eksaktong pakahulugan, gayunman, ang praseng “pampublikong intelektwal” sa US, kung saan ito nagmula at nakilala. At sa pakahulugang ito, taliwas sa sinabi ni Teodoro, hindi lagi’t laging pampubliko ang pagiging intelektwal at manunulat – nagsusulat man ng tula, dula, sanaysay o nobela.

Ayon sa iskolar na si Russell Jacoby, na isa sa mga responsable sa pagtampok ng prase, “Nangangahulugan [ang termino] sa pangkalahatan (roughly) ng isang intelektwal na gumagamit ng pang-araw-araw na wika para talakayin ang mga isyung may pangkalahatang kabuluhan, isang taong nagsusulat hindi lang para sa mga propesyunal na journal kundi para sa mga pahayagan para sa lahat [“The Decline of American Intellectuals,” 1989].”

Halatang ikalawang hati ng dekada ’80 naisulat at nailathala ang saliksik ni Jacoby, dahil nakatutok pa ito sa midyang nakalimbag tulad ng dyaryo at magasin. Sa tuluy-tuloy na paglaganap ng telebisyon at pagkatapos ng Internet sa mga kasunod na dekada, nangahulugan na rin ang “pampublikong intelektwal” ng paggamit sa mga midya na ito para ipaabot sa mas malawak na publiko ang mga isyung kinakasangkutan nila. Sa ibang gamit, hindi tuloy maiiwasan, nangahulugan na rin ito ng pagiging intelektwal na “sikat” o celebrity.

Sa batayan ng ganitong pakahulugan sa “pampublikong intelektwal,” maraming matutukoy rin sa bansa, kapwa sa Kaliwa, Kanan at gumigitna. Pero may isang pampublikong intelektwal na makabuluhang bigyang-pansin: ang makatang si Axel Pinpin. Interesante at kapaki-pakinabang na suriin ang praktika niya bilang isang pampublikong intelektwal.

Nakilala ng marami si Pinpin na kasama sa binansagang “Tagaytay 5,” mga aktibista sa Timog Katagalugan na iligal na inaresto, tinortyur at pagkatapos ay ikinulong nang mahigit dalawang taon ng gobyerno. Matapos makalaya, nagpapatuloy si Pinpin sa pagiging aktibista sa Timog Katagalugan.

Sa hanay ng mga aktibista, kilala si Pinpin sa kanyang pagtula. Nakilala siya, higit pa siguro sa mga tula niyang nalimbag at naisalibro, sa pagtula sa mga pagtitipon – rali, gabing pangkultura, parangal, at iba pa. Prominente at permanente siyang kasama sa mga lakbayang inilulunsad ng mga aktibista at mamamayan ng Timog Katagalugan, kasama sa pag-oorganisa ng hanay, nagkokoordina ng pagkilos, at syempre pa, tumutula sa iba’t ibang yugto nito.

Para siyang espesyal na lider-masa para sa mga aktibista. Paborito siyang imbitahan sa iba’t ibang pagtitipon para tumula. Ang mga pagbasa niya, madalas na sinasalubong ng katahimikan at tinatapos ng malakas na palakpakan. Marami ang nagpapakuha ng larawan kasama siya at may mga nakasaksi na rin ng pagtili sa kanya ng ilang tagahanga, kahit hindi menor-de-edad. Paborito ring gustuhin at ibahagi, i-like at i-share, ang mga tula niya sa Internet.

Hindi matatawaran ang halaga ng pagtula niya, lalo na sa hanay ng masa. “Ang teorya,” sabi ni Karl Marx, “ay nagiging materyal na pwersa kasabay ng pagkapit nito sa masa.” At sa ginagawa ni Pinpin, nailalapit at napapakapit ang progresibong teorya sa masa – sa paraang kongkreto, malinaw, maalab, at matatandaan. Kongkreto, dahil nakalapat sa mga isyu at usaping kagyat na nararanasan ng masa, sa panahong nararanasan nila at sa panahong lumalaban sila kaugnay nito.

Mabisa ang mga tula ni Pinpin hinggil sa pasismo ng Estado, halimbawa, hindi lang dahil mahusay ang mga ito bilang tula. Mabisa sila dahil binabasa sila sa harap ng masang lumalaban sa militarisasyon, pagkamkam ng lupa, demolisyon at kahit pagbuwag ng hanay sa rali – at kadalasan, sa panahong sariwa pa ang mga sugat. Magkasabay niyang pinapahapdi at pinaghihilom ang sugat, at nang pinapatatag ang loob para lalo pang lumaban.

May inabot na ring kasikatan si Pinpin sa akademya at mga tangkilik ng panitikan; may tula nga siya sa MRT. Pero hindi kaakibat ng pagsikat niya ang madalas na pangamba at duda ng mga progresibong alagad ng sining sa Kanluran na ang kanilang likha ay magiging tulad ng isang imahen ni Che Guevarra – nasa maraming kamiseta, pinagkakakitaan ng sistema, tila walang radikal na mensahe, at walang dalang panganib sa mga naghahari.

May ganitong obserbasyon ang progresibong kritikong si Terry Eagleton noon: “May kauna-unawang tendensyang maging malungkot at palasuko ang mga Amerikanong liberal at radikal, dahil mahapdi ang pagkamalay nila sa bilis na ang kahit pinaka-rebolusyunaryong likhang sining ay mailalagay sa bungad ng Chemical Bank [The Significance of Theory, 1990].”

Pero hindi nalalamon si Pinpin at hindi lumalabnaw ang kanyang mensahe – at wala ring nagsasabi nito. Ang dahilan: tumatanggi siyang magkaganito. Sabi nga ni Eagleton, “Kung ang iyong mga pinakamamahal na rebolusyonaryong likhang-sining ay pwedeng lamunin ng sistema, nangangahulugan lang ito ng isang bagay: hindi sa hindi sapat ang pagiging pasabog o subersibo nila, kundi… wala silang tunay na ugat sa isang pangmasang kilusang pampulitika at oposisyunal…”

Pero higit pa si Pinpin sa makatang naglalapit ng kanyang likhang-sining sa masa. Sabi noon ng progresibong direktor na si Lino Brocka, hindi siya interesado sa paglikha ng pinakamahusay na pelikulang Pilipino, kundi sa paglikha ng pinakamahusay na Pilipinong manonood. Si Pinpin, hindi lang sangkot sa paglikha ng mahuhusay na tula, kundi sa pagpapahusay sa masang Pilipino. Hindi lang siya organisador ng mga salita, kundi ng mga tao. Hindi lang siya nangingisda ng mga metapora, sabi nga, kundi namamalakaya rin ng tao para sa pagbabago.

Noong panahon daw ng insureksyunismo sa Pilipinas, noong dekada ’80, may hibang na nakaisip na magtanim ng mga armado sa hanay ng mga nagrarali. Siguro, mas mapanganib sa mga naghahari kung sa bawat pagkilos ng masa ay mga makatang tulad ni Pinpin ang nakatanim.

Sana’y dumami, dumami, dumami ang mga aktibista, alagad ng sining at pampublikong intelektwal na katulad ni Axel Pinpin!

15 Disyembre 2012

Some Notes on People’s Culture and the International Day of Solidarity with Political Prisoners

$
0
0

Despite the grim reality of imprisonment, I have not, as of yet, been condemned to a total state of ignorance as far as current efforts of various committed art and cultural groups and alliances are concerned. Thanks largely to a good number of artists and writers who have generously been sparing their time to visit me ever since the very first weeks of my incarceration almost two years ago, I have quite auspiciously been kept updated, however generally, on the developments and direction of the struggle in the artistic and cultural front here as well as in other parts of the world.

Last year for example, in July, a delegate from the U.S. to the International Conference on Progressive Culture (ICPC) flew all the way here as soon as the successful launching of that conference formally ended in Manila. He related to me not only the rich showcase of works and performances that capped the said cultural gathering, but also the wealth of theoretical discussions and interface of experiences through which was achieved firm common resolve to unite around a general set of tasks. One among such tasks, in relation to responding to urgent people’s concerns, was to subscribe to the International League of People’s Struggles’ (ILPS) declaration in 2004 making every 3rd of December International Day of Solidarity with Political Prisoners and Prisoners of War. It is that day today and so from this tiny cell here at the Calbayog sub-provincial jail in Samar island, or from this penal colony more popularly known as the Philippines, I raise a clenched fist for solidarity.

DEFENDING PEOPLE’S CULTURE

A visual artist from the Concerned Artists of the Philippines (CAP) apprised me a month ago on a major ICPC event in the works for early 2013, which I understand will be a 2-day global action carrying the theme “defend people’s culture.” Very good news no doubt which speaks much of how the ICPC, since its inception last year, has so far been able to effectively keep its momentum of active engagement.

The call “defend people’s culture,” furthermore, presupposes that amid the crisis of the world capitalist system, and side by side with the intensifying struggles of the people for their basic democratic rights and for national and social liberation, a formidable and dynamic movement of progressive artists, writers and cultural workers is indeed in resurgence in the world today. This palpable trend – arising from the people’s movements’ renewed recognition of the need to combat cultural imperialism, and of the immense value of art and culture as tools for progressive social change – we welcome with much eagerness. And with the vast consciousness-building, organizing and mobilizing possibilities opened up in social media – notwithstanding modern communication technology’s otherwise dominant function as global accelerator of finance capital and consumerism, and as nexus for pacifism, utopianism and anarchism, social alienation and degeneration – this new wave of people’s culture can certainly develop in a very profound, even unprecedented way.

Consequently, however, such advance, in the face of the escalating attacks by states against progressive artists and cultural workers, should entail a prompt consolidation of ranks in order to be defended. I have just been recently informed, for instance, of the killing of Argentine musician Facundo Cabral; other artists meanwhile like Kurdish singer Ferhat Tunc and the Russian punk band Pussy Riot have been sentenced to serve time merely because of the political contents of their performances. Defending progressive culture, in this light becomes in itself a legitimate urgent people’s concern.

In the Philippines, there are at present some 400 activists and revolutionaries who languish in various detention facilities as consequence of the state’s long-running, institutionalized policy of criminalizing political dissent and involvement in advocacies and movement for real and wide-ranging social reforms. Mostly affiliated with national democratic formations and coming from the toiling masses of workers and peasants, they are victims of illegal arrest and torture. In order to justify their continued detention and to hide the political context of their cases, they become victims as well of the patently bogus modus of being slapped with trumped-up charges of non-bailable heinous criminal offenses, even as court proceedings move in very slow dubiously erratic motion.

While imprisoned artists and writers comprise only a small portion of the current statistics, it is timely and important to note that art and culture, especially literature and songs, have long assumed a distinct part in the continuing struggle of political prisoners for justice and freedom. In the context of defending people’s culture, it appears that artists and writers who continue to create even under detention, as well as those political prisoners who may not have been active culturally before being imprisoned but who have now learned to produce works of art and literature, do not only belong necessarily to those who must be defended, but very interestingly are in fact at the same time among our most ardent defenders.

“PRISON MAKES US INTO POETS”

“Prison makes us into poets,” says National Democratic Front (NDF) peace consultant Alan Jazmines in one of his poems written in the early ‘80s, during the period of his second imprisonment (he is now on his third since February of last year). Jazmines is here however referring to poets mainly in the figurative sense. Prisoners, he suggests, in many instances, apprehend prison life in much the same way as poets usually set out composing their pieces. In rising above the adversities of a bounded, compact existence, for example, prisoners are just like poets who try painstakingly to achieve poignancy of meaning in the barest minimum amount of verse. Political prisoners are all poets, he says,

Who struggle everyday
to break the dross confines
of image of life outside
compressed into a few such things
as the iron bars
you squeeze for thought.

Prison after all, is only
a frugal, compact version
of an outside world,
bereft of so much verbiage
and the prose of assumed life
with somewhat freer movement

And yet quite self-evidently on account of this brilliant poem alone, and taking exception of the the fact that Jazmines has had barely a literary background to speak of prior to prison, we are made convinced that prison does make poets in the most literal, practical and very important sense.

It is not simply out of tedium or for lack of anything else to do that political prisoners actually take to writing. For one thing, those who have been thrown in jail for the audacity of their written works are quite naturally expected, given their character, to employ nonetheless the very same methods of the pen as one of their more immediate, self-acting responses to defy imprisonment despite extremely difficult new challenges.

Accustomed to the general strain of a relatively busier “outside world,” writers may presumably have found forthwith in prison, and not without much irony, the prospect of freer time to devote to writing. But such in any case is just as quickly offset by the attendant weight of arbitrary restrictions, ill-treatments of various kinds, and the tense chaos that takes turns with the doldrums in defining the climate of misery behind bars. Far from being trivial, their frustrations over having been deprived of otherwise standard essential tools as a word processor or a dictionary or ready references to current events, are pretty intense and justified considering how much of their former competence or of the work process they have previously been inured to, is severely undermined.

Many times however, it is the emotional and psychological scars left by their abductors and torturers that prove to be the more daunting impediments. For some, it is the hounding dread from clear and present threats of murder by state agents – or what they call “accidents” around here – that makes it seem impossible to write altogether.

All these of course, in the viciously tiresome scheme it seems of things, are but stuffs themselves that beg to be written about in earnest. The urgency of writing under such circumscribed circumstances – of giving full account of the machinations of injustice no longer expounded from observation alone or from one’s sound grasp of theory, but as something that now grips one very tightly in the neck – is so compelling that the imprisoned writers on the whole, despite all deterrents, are able to will themselves to write.

Though they may usually have to start from a practical non-guarantee that what they write could immediately reach their audience beyond prison walls, they write perseveringly just the same knowing that their works, as documentation of a continuing real social, human experience, should be able, in one way of another, to hold their relevance and cogency over time. Temporarily in such cases, the general inmate population becomes their immediate audience; which should serve them just as well and not in the least significant way given the political prisoner’s task of organizing the imprisoned masses – themselves a collective embodiment of the extreme dehumanizing effects of social injustice – into politicized prisoners.

And always, the imprisoned writers are themselves are their own works’ necessary audience – they who at all times must be reminded of the true socio-political, even historic essence of their ordeal; they who continually must be strengthened in militancy, ideology and spirit. The urgency of writing in prison is such that even the previously non-writers among the political prisoners strive to learn to write and become people’s artists and writers in their own right. In the history of state political repression, prison transformed as veritable workshops not only for but of writers has built its own living legacy of militant literature and culture.

I am still quite uninformed as to how precisely this category of the imprisoned writer is operationalized by PEN International. I see no reason, however, how such could possibly differ in any basic way from the progressive or militant sectors’ own definition. Anyway, I am very much thankful to the PEN International and its Philippine Center for their continued support, especially those who just last November 15, led a successful forum in Manila on the International Day of the Imprisoned Writer – Dr. Bienvenido Lumbera, Elmer Ordoñez, Jun Cruz Reyes and many others. I extend my gratitude as well to Katia Canciani of Canada, and Tom Eaton of South Africa who represented me in their respective PEN events on the said date.

POLITICAL PRISONERS AND U.S. HEGEMONY

One particular issue that a Filipino-American cultural worker brought up during his visit here in prison last year had something to do with the rather general difficulty of American artists and intellectuals (even those in fact in progressive circles) in imagining the phenomenon of the political prisoner. This notwithstanding, let’s say, Assata Shakur’s already legendary pre-eminence in the counter-cultural consciousness of some of hip-hop’s more relevant quarters, or the popular mainstream MTV and concert circuit advocacy for Nelson Mandela’s freedom in the ‘80s, or for Aung San Suu Kyi’s in the last couple of decades.

The national democratic movement in the Philippines could readily suggest as basic reference the documents of SELDA, a human rights group which focuses on cases of political prisoners in the country. There are of course international organizations like Amnesty International whose work on those who fall under their category of “prisoners of conscience” is more expansive and worldwide. But I think must be given stress here – especially if what is commonly invoked to explain the inability of U.S. artists and intellectuals to comprehend the discourse of the political prisoner is the assumption that such discourse in fact is absolutely alien to the general political landscape of purportedly advanced democratic societies like the U.S. – is this: that political prisoners in many so-called weak democracies like the Philippines or say, Colombia, are as much the political prisoners of the monopoly capitalist state of the United States as they are of their respective reactionary governments.

The politico-military dominance of the US through which the monopoly bourgeoisie and financial oligarchy are able to impose upon the starving peoples of the world the rapacious economic system of neoliberalism to rake in superprofits and accumulate capital, is the very same global hegemonic presence that allows, and in fact guides puppet states to design and implement with alarming impunity, repressive fascist policies against the organized resistance of their people.

President Benigno Aquino III’s Oplan Bayanihan (Operation Plan “Cooperation”) is one such U.S.-Pentagon instigated “counter-insurgency” (COIN) policy. Under Oplan Bayanihan, state force systematically carry out extra-judicial killings, enforced disappearances, abduction and illegal detention of activists, and forced evacuation of whole communities, all in the name of state and imperialist imperatives. Through Oplan Bayanihan, the U.S.-Aquino regime has already accomplished in just two years an awesome track record of flagrant human rights violations – most recent and gruesome of which is the massacre of anti-mining activists and families of indigenous peoples in Tampakan in Mindanao island.

CULTURAL FASCISM

Oplan Bayanihan moreover has its own cultural component. No longer content with corporate media or traditional state cultural and propaganda apparatuses dutifully performing their usual sabotage job of blacking-out information about military atrocities, the regime still very much consistent with the pervading COIN doctrine of the U.S. has directed the Armed Forces of the Philippines (AFP) to reorganize and beef up its media and public relations (PR) machinery. The AFP, with more spin, savvy and persistence than in the past years, has now been able to establish closer and more constant working relations with practically the entire milieu of PR sectors and potentially PR-rich institutions – TV and radio network producers, publishers and corporate advertisers, the church and the academe, national agencies such as the Department of Tourism or even the Commission of Human Rights, local government units, and shady non-government organizations (NGOs) – all for the chief purpose of aggressively re-imaging the military establishment as far as possible from its actual savage practice.

While artists and cultural workers of the national democratic open mass movement are vilified and persecuted as “Leftist propagandists” and terrorists, the AFP’s civil-military commanders and other fascist publicists, impresarios and stylists are now vigorously trying to sustain a campaign of mobilizing directors, writers and actors for such ubiquitous media productions as Christmas network IDs, drama anthologies, short films or public service programs, to project the false idealization of the militaryman at once as humble everyman and as selfless patriot. An AFP website has commissioned poets (those of the mercenary type themselves) to calibratedly emulate militant peasant literature as a cunning but rather desperate ploy to gloss over the fact that the military itself is the single most powerful instrument of the big landlord class in crushing the aspirations of the peasant masses for genuine land reform. While no less than eight (8) battalions of the Philippine Army continue to sow fear and havoc in the towns and barrios of South Quezon, a platoon, for good measure as a sort of blocking force, is deployed to a noontime TV variety show to dance the Gangnam Style. And, as declared by the AFP in a high-profile event a few days ago, the most popular celebrity diva in Philippine show business today, is now also the official Oplan Bayanihan ambassadress.

The culture of impunity in the Philippines, as a state policy, is not only contingent on a juridical system that is by nature grossly complicit. It requires at the same time for a particular fascist contrivance of deception to permeate the general moribund feudal, bourgeois and colonial culture – a mode through which, as we’ve seen, certain segments of the art, culture and media professions, however unwittingly, are enlisted and implicated in state repression and terror.

BREAKING THE (STEREOTYPE) CHAINS

But again, the growing strength of the organized art and culture sector that is determined to speak the more consequential truths in society and advance the course of freedom of expression along with the people’s struggle for liberation, democracy and social justice, is undeniable. This, despite the rather enduring inaccurate assumption that singles out the artists and writers as among the toughest, almost impossible to organize. Cultural organizers in the main are able to rectify the attitude of inordinately amplifying the tendency of artists and writers toward individualism, liberalism or careerism, as if these were, in the class context of the petty-bourgeoisie, qualities that are perpetually irreversible.

They are aware that the state and the monopoly capitalists are only too happy to get help from whomever in perpetuating this stereotype. It is in the interest of the ruling class to constantly prop up this myth in order to spoil the objective potential of artists and writers in participating in radical social movements and in truly serving the people. For imperialism, it is important for artists and writers to remain blind to this class potential amid the culture of consumerism, elitism, mysticism and decadence, and even as their talents, skills and labor themselves are exploited in the service of fascism and neoliberalism.

With social investigation and class analysis, appropriate methods and patience, and in working for the artists and writers’ particular democratic demands, the resurgent worldwide people’s cultural movement can organize cultural activists in great numbers. They must continuously be consolidated through an efficient system of political and theoretical education, collective work, and practical integration with the lives and struggles of the working classes. This should enable them not only to create more socially truthful and potent works of art and culture but also to effectively do battle with their own petty-bourgeois ideological fetters.

In prisons meanwhile around the world, people’s art and culture remains a viable ideological weapon of intense power. In Batangas in Southern Luzon, Philippines, Charity Diño, a peasant organizer and public school teacher, has just recently taught herself to write poetry behind bars. Impelled by the need to exorcise the demons of torture in hear head, to reaffirm herself the militant principles of service to the people, and to exhort those outside prison to fearlessly carry on the fight against fascism, social injustice and imperialism, she writes:

This heart heavy with grief vows
To melt away these iron bars
To ensure justice for those
Stripped of their rights

These tearful eyes vow
To tear down these walls
To ensure the meeting of fists
Out to forge freedom

…Shackled, out of breath
Threatened with death
I vow ever to be loyal to you, the toiling masses! 

-Ericson Acosta
Calbayog sub-provincial jail
Western Samar, Philippines
December 3, 2012

Pride March kontra diskriminasyon, pandarahas sa LGBT muling isinagawa

$
0
0

Dagsaan ang mga tao at iba’t ibang organisasyon sa Makati City noong Disiyembre 8 para muling isagawa ang ika-18 Pride March ng komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender sa Metro Manila.

Mahigit sa 30 grupo ng LGBT at higit sa 1,000 indibiduwal ang dumalo sa nasabing pagdiriwang, na may temang “Sari-Sali: Pride in Action”.

Hinikayat ng mga organizer sa Task Force Pride (TFP) Philippines ang mga indibidwal, miyembro man ng mga LGBT na grupo o hindi, na suportahan ang laban nila kontra sa diskriminasyon at pagkilala na produktibong bahagi sila ng lipunan.

Pagkakaisa vs diskriminasyon

Ayon sa TFP, “The Pride March promotes participation and inclusivity, not only from within the LGBT groups but also from non-LGBT allies who showed their support for gender equality.”

Kabilang sa lumahok sa martsa ngayong taon ang mga miyembro ng Progay Philippines, na kinikilalang pioneer ng Pride March sa Pilipinas noong 1994.

“Matapos ang 18 taon ng pagmartsa at pagsigaw para sa ating mga karapatan, wala pa rin tayong batayang batas na gumagarantiya sa kalayaan ng LGBT mula sa diskriminasyon,” paliwanag ni Goya Candelario, tagapagsalita ng Progay.

Binatikos ni Candelario kapwa ang gobyerno ni Pangulong Aquino at ang dominanteng liderato ng simbahang Katoliko sa pagharang sa panukalang batas na titigil sa diskriminasyon batay sa kasarian.

Sinabi rin ng Progay na apektado rin ang mga bading sa unti-unting pag-abandona ng administrasyong Aquino sa mga serbisyong panlipunan, kabilang ang serbisyo sa kalusugan at edukasyon.

Nangangamba umano sila na sa pagsasapribado ng serbisyong pangkalusugan, lalong liliit umano ang pondo-publiko para sa treatment ng maraming sakit, kabilang ang Humano Immunodeficiency Virus o HIV.

Adbokasiya sa LGUs

Ginanap ang Pride March alinsabay ng Human Rights Consciousness Week at National Lesbian Day. Ayon din sa TFP, pinili nila ang Makati City para umakit pa ng mas maraming “mainstream audience.”

 “We also wanted to encourage participants to sign the petition to have an anti-discrimination ordinance in Makati,” pahayag ni Tao Aves, tagapagsalita ng TFP.

Sa pamamagitan ng Pride March, layunin ng TFP na kunin din ang atensiyon ng local government units (LGU), business sectors at educational institutions at hingiin ang mga suporta nito para protektahan ang karapatan ng mga LGBT sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga ordinansa at patakarang maka-anti-discrimination.

Hinikayat din nila ang mga indibiduwal na suportahan ang mga kinatawan ng LGBT sa gobyerno.

Masayang programa

Naging magarbo ang pagdiriwang ng ika-labing-walong taon ng Pride March. Napuno ito ng mga aktibidad tulad ng parada na nagsimula sa Makati City Hall, paikot ng Dr. Jose P. Rizal Avenue at balik muli sa  city hall.

Matapos hikayatin ng Gabriela ang mga dumalo na suportahan ang kanilang kampanyang “One Billion Rising” sa Pebrero 14, 2013, sinayaw nila ang sayaw ng kampanya na naglalayong singilin ang mga gobyerno ng mundo ka kawalan nila ng aksiyon sa karahasan sa kababaihan.

May paligsahan ding naganap para sa Best Float, Best Costume at iba pa.

Nagwagi ang Philippine Atheists Association bilang Best Float at si Paul John Presado o mas kilala sa tawag na “Hunter” ng Polytechnic University of the Philippines at Trippers Philippines ang tinanghal na Best Costume.

Ilan sa mga larawan ng Pride March ngayong taon:

 

Hapon na nagsimula ang Pride March ng LGBT community paikot ng Makati City ngayong taon. (Junelle Narra)

Hapon na nagsimula ang Pride March ng LGBT community paikot ng Makati City ngayong taon. (Junelle Narra)

Rampa ng mga miyembro ng LGBT community sa pagsisimula ng Pride March. (Junelle Narra)

Rampa ng mga miyembro ng LGBT community sa pagsisimula ng Pride March. (Junelle Narra)

Mala-Mardi Gras na parada na nagpapakita ng kanilang pride o pagmamalaki sa pagkatao ng mga miyembro ng LGBT community. (Junelle Narra)

Mala-Mardi Gras na parada na nagpapakita ng kanilang pride o pagmamalaki sa piniling kasarian ng mga miyembro ng LGBT community. (Junelle Narra)

(Kuha ni Junelle Narra)

(Kuha ni Junelle Narra)

Rebolusyonaryong icon na si Che Guevara, nagpakita sa Pride March. (Junelle Narra)

Rebolusyonaryong icon na si Che Guevara, nagpakita sa Pride March. (Junelle Narra)

Paglaban sa karahasan at diskriminasyon. (Junelle Narra)

Paglaban sa karahasan at diskriminasyon. (Junelle Narra)

(Junelle Narra)

(Junelle Narra)

SI "Hunter" ng PUP at Bayan Muna, na nagwagi ng "Best Costume" mula sa organizers ng Pride March. (Junelle Narra)

SI “Hunter” ng PUP at Bayan Muna, na nagwagi ng “Best Costume” mula sa organizers ng Pride March. (Junelle Narra)

Bukas ang Pride March sa partisipasyon ng lahat -- maging ng mga bata. (KR Guda_

Bukas ang Pride March sa partisipasyon ng lahat — maging ng mga bata. (KR Guda)

Kasama sa programa ang Gabriela at ang kampanya nilang kontra karahasan sa kababaihan, ang One Billion Rising. (KR Guda)

Kasama sa programa ang Gabriela at ang kampanya nilang kontra karahasan sa kababaihan, ang One Billion Rising. (KR Guda)

Danton Remoto ng Ladlad. (KR Guda)

Danton Remoto ng Ladlad. (KR Guda)

Oscar Atadero ng ProGay Philippines (KR Guda)

Oscar Atadero ng ProGay Philippines (KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

Pagsayaw ng kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa pangunguna ng Gabriela, ProGay at Bayan Muna, ng sayaw ng One Billion Rising -- ang pandaigdigang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan na dudulo sa pagsayaw at protesta sa Pebrero 14, 2013. (Junelle Narra)

Pagsayaw ng kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa pangunguna ng Gabriela, ProGay at Bayan Muna, ng sayaw ng One Billion Rising — ang pandaigdigang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan na dudulo sa pagsayaw at protesta sa Pebrero 14, 2013. (Junelle Narra)

Ipinaglalaban ng Gabriela at Bayan Muna sa Kamara ang House Bill 1483 na naglalayong mag-ambag sa pagwakas sa diskriminasyon kontra sa LGBT. (PW Photo)

Ipinaglalaban ng Gabriela at Bayan Muna sa Kamara ang House Bill 1483 na naglalayong mag-ambag sa pagwakas sa diskriminasyon kontra sa LGBT. (PW Photo)

Nagmistulang konsiyerto ng nagtanghal na mga musikero ang programa matapos ang martsa. (KR Guda)

Nagmistulang konsiyerto ng nagtanghal na mga musikero ang programa matapos ang martsa. (KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

 

 

Reserbasyon sa RH Bill, sa gitna ng pagdiriwang

$
0
0

Akses sa serbisyo at programa hinggil sa reproduktibong kalusugan ng kababaihan, hindi population control, ang itinutulak ng GWP  (Boy Bagwis/PW File Photo)

Nagpahayag ng reserbasyon sa Reproductive Health Bill ang mga kinatawan ng Gabriela Women’s Party, isa sa mga orihinal na awtor ng panukalang batas, dahil sa probisyon hinggil sa population control na umano’y kontra-kababaihan at kontra-mahihirap.

Sa gitna ng pagdiriwang ni Pang. Benigno Aquino III at iba’t ibang grupong civil society sa pagkakapasa ng RH Bill sa ikatlong pagbasa sa Kongreso at Senado, ipinaliwanag ni GWP Rep. Emmi de Jesus ang kanilang botong “yes, with reservations” nina GWP Rep. Luz Ilagan.

“Sa totoo lang, hindi naging madali para sa amin na tumindig nang ganito dahil sa mata ng madla, dalawa lang ang kulay ng botohan sa RH Bill: black or white, kumbaga. Oo lang o hindi,” sabi ni de Jesus.

Simula’t sapul, nilabanan ng Gabriela ang pagkontrol ng populasyon para sugpuin ang kahirapan.

Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni de Jesus na sa mahabang panahon ng debate, nagtagumpay sila na tanggalin sa Guiding Principles ng RH Bill ang probisyong: “The limited resources of the country cannot be suffered to be spread so thinly to service a burgeoning multitude making allocations grossly inadequate and effectively meaningless.”

Sa pagpupursige ng progresibong mga party-list, napalitan ito ng: “The resources of the country must be made to serve the entire population, especially the poor, and make allocations adequate and effective.”

Ngunit sa huling minuto, kuwento ng mambabatas, isiningit ang probisyon na nagpapalakas ng adyendang population control. Nakalagay na ngayon sa Guiding Principles ng House Bill 4244 (bersiyon ng RH Bill ng Kamara): “The state shall also promote openness to life, provided that parents bring forth to the world only those children that they can raise in a truly humane way.”

“Sa isang banda, positibo ang pagkakapasa ng RH Bill dahil kinikilala sa pambansang antas na may isyung pangkababaihan. Kaya naman namin inihain ang panukalang batas, para masiguro ang akses ng mahihirap sa mga serbisyo at impormasyon na tungkuling ibigay ng estado,” paliwanag ni de Jesus.

Ito ang dahilan na sa kabila ng reserbasyon, bumoto sila ng “yes.” Umano’y kahit papaano, may hatid na pangako ang RH Bill sa mahihirap bibigyan sila ng akses sa mga programa at serbisyo na may kinalaman sa kanilang reproduktibong kalusugan.

Pero sa bersiyon ng RH Bill ng administrasyong Aquino, sinisisi umano ang kababaihan at mahihirap para sa kahirapan ng bansa, sa halip na tugunan ang tunay na ugat nito. “Ang ating mga mamamayan ay biktima ng kahirapan, hindi sila ang nagdudulot nito. Para masugpo ang kahirapan, kailangan harapin ang di pagkakapantay-pantay, kawalan ng lupa at industriya, mababang sahod, mataas na presyo ng mga bilihin, at kawalang-akses sa mga serbisyong sosyal,” ani de Jesus.

Dagdag pa niya, “Ang ating populasyon ay rekurso ng ating bansa. Hindi dapat sisihin ang kababaihan at mahihirap.”

Ilalaban pa rin nilang matanggal ang probisyon hinggil sa pagkontrol ng populasyon sa Bicameral Conference Committee. Si ACT Rep. Antonio Tinio ang kakatawan sa progresibong mga party-list sa bicam ng RH Bill, pangako umano ni Albay Rep. Edcel Lagman. Ngunit habang sinusulat ang artikulong ito, nagsasagawa ng bicam ang ilang mga senador at kongresista–at kapansin-pansing hindi isinama ang mga progresibo.

Mismong si Pangulong Aquino ang nagtutulak ng population control. “Sa pangalan pa nga lang, mula sa Reproductive Health Act ay ginawa niya itong Responsible Parenthood Act. Ibig sabihin, naghuhugas-kamay ang estado sa tungkuling buhayin ang mga mamamayan ito, at inilalagay ang burden sa balikat lamang ng mga magulang,” sabi ni de Jesus.

Samantala, kabaligtaran nito ang pahayag ni Aquino. Aniya sa midya, “Lalo pong luminaw: Kakampi na ng taumbayan ang estado sa pagtataguyod ng kaniyang pamilya sa patas at matiwasay na paraan.” Sinabi rin niyang ang pagpapasa ng batas ay “pagbubukas ng bagong kabanata tungo sa ating agenda ng malawakang pag-unlad.”

Ngunit babala ng GWP, habang nagpapatuloy ang polisiya ng administrasyong Aquino na pribatisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan, malaki ang posibilidad na manatiling “sa papel” lamang ang mga ipinapangako ng RH Bill sa mahihirap at kababaihan.

Tangkang pagbuwag sa nagsisilbing unyon sa MMDA

$
0
0
Hinarang ng nagpoprotestang mga empleyado ng MMDA ang EDSA. (Gregorio Dantes Jr.)

Hinarang ng nagpoprotestang mga empleyado ng MMDA ang EDSA. (Gregorio Dantes Jr.)

“Sadyang hindi makatao ang kanilang ginagawa sa amin.”

Ganito ilarawan ng Kagalingan ng mga Kawani sa Kalakhang Maynila (KKK-MMDA), unyon ng mga kawani sa Metropolitan Manila Development Authority, ang nagiging tugon ng manedsment sa paggiit ng kanilang mga benepisyo na nakasaad sa kanilang Collection Negotiation Agreement (CNA) ng 2011.

Ayon sa KKK-MMDA, lehitimo ang kanilang paghiling ng benepisyo na ilalim ng CNA 2011 na pinirmahan nila at ng manedsment. Pero sinabi ng huli na wala raw makukuha ang mga kawani. Nagsagawa ng serye ng mga protesta ang mga kawani na nauwi sa pagpapataw sa kanila ng kabuang 120 araw na preventive suspension at pagputol sa suplay ng kuryente sa opisina ng unyon.

Paglaban, pandarahas

Dahil sa pagmamatigas at di pagharap sa kanila ni Chairman Tolentino, nagprotesta ang mga kawani ng MMDA upang igiit ang anila’y kanilang lehitimo at legal na karapatan sa ilalim ng nasabing CNA.

“Pinagtataka namin ngayon na pina-i-identify kung saan galing itong P211-M o kung saan natipid. Doon kasi ibabase kung may natirang savings, at doon kukunin ang cash incentive para makabawi ang bawat kawani sa mga panggastos nito. Inaasahan sanang makakuha ng P25,000 kada isa,” ayon kay Teresa Gonzales, pangkalahatang-kalihim ng KKK-MMDA.

Nobyembre 15 ng taong ito, nalaman ng unyon na may ni-realign umano na P220-M na savings ng personal services doon sa additional maintenance and operating requirements. Ang ibig sabihin, may savings (ang ahensiya), ayon kay Gonzales.

“Pagkatapos ng rally (Nob. 26, 2012), hinaras ako ni Gen. (Maximo) Dilla at Figoroa Rodolfo. Nagsampa na ako ng kaso laban sa kanila sa Commission on Human Rights at Ombudsman na slight physical injuries, at nasa abogado na ang medico-legal. Kinaladkad ako sa flag ceremony, habang mapayapang nag-hanging placards kami at sinugod ng 200 batalyon ng job orders. Ayon kay Gen. Dilla, utos ni GM Corazon Jimenez na saktan kami,” salaysay ni Gonzales sa panayam ng Pinoy Weekly.

“Humingi kami ng tulong sa aming GM pero tinignan lamang kami habang kinakaladkad ni Figuroa Rodolfo. Malinaw itong harassment sa akin bilang babae,” dagdag niya.

Disyembre 3, nang magsagawa ng kilos-protesta ang mga kawani ng MMDA upang igiit ang nasabing benepisyo. Nang araw ding iyon, nagbaba ang manedsment ng 30 days preventive suspension laban sa 10 kawani nang walang kaukulang proseso ng paglilitis bilang kawani at permanenteng na empleyado, ayon sa KKK-MMDA.

“Disyembre 10 nang tinanggalan kami ng kuryente, pinutol ang aming air-con para hindi gumana. Abuso ito sa kapangyarihan ni Chairman Tolentino. Pagpapakita ito ng union busting,” ayon kay Gonzales.

Disyembre 11, nagbaba ang administrasyon ng MMDA ng pormal na charge sa 41 miyembro ng unyon na suspension ng 90 na araw sa mga nakiisa sa pagkilos ng mga manggagawa ng MMDA noon pang Hulyo 4.

Ayon sa administrasyon ng MMDA, kapag suspended ay walang sasahurin at ang benefits ay naka-hold, pahayag ni Jaime Eniquez, presidente ng KKK-MMDA.

“Para sa amin, panggigipit ito. Ito ‘yung pagpapakita na ang kabuhayan nami’y pinapatay ni Chairman Tolentino.  At ‘yung hindi pagbibigay ng benepisyo na ipinaglalaban lamang namin dahil mayroong legal na basehan na pinirmahan n’ya yung kontrata. May pondo, may budget circular ng DBM. Hindi namin alam kung bakit ganito ang ginagawa ng aming chairman sa amin,” ayon kay Gonzales.

Naniniwala rin si Enriquez na ilegal ang suspensiyon sa kanila na may kabuang 120 na araw at magsasampa sila ng kaso sa civil service kapag hindi sila pinasahod.

“Dinaan na namin sa tamang proseso, dinaan na namin sa pakikipag-usap sa mga direktor at sa finance at nakakuha kami ng dokumento na talagang may savings na P211-M at sa national na P94-M. Pero giit ni Tolentino, wala raw talagang savings. Pero ang pinagtataka namin, kung walang savings ay bakit makakapagbigay siya ng P7,000 sa mga job orders samantalang sa mga permanent manggagaling sa DBM na P5,000 sa taong ito,” ayon kay Enriquez.

“Pinagplanuhan ako ni Gen. Manalo at Gen. Dilla, at Figuroa, na dukutin at narinig ‘yan ng mga empleyado ng metro aides na miyembro. Pero ang sinasabi ko nga, bahagi na ‘yan ng pagiging leader ko,” pahayag ni Gonzales.

Dahil panig sa manggagawa ginigipit?

Ayon sa KKK-MMDA, tinanggalan sila ng hazard pay ng Commission on Audit dahil ilegal daw ang pagbibigay ng incentive dahil wala raw sa mandato ng batas sa ilalim ng Republic Act 7924 ang na ibigay ang insentibo mula sa kinikita ng ahensiya.

“Ilegal pala ang pagbibigay ng insentibo pero hindi ilegal ang pagta-time deposit ng kaban ng bayan. ‘Pag pera ng bayan, hindi mo puwede i-time deposit. Dahil nag-a-appropriate tayo ng badyet para sa buong taon na kailangan nating gastusin na inilalagay sa proposed budget para badyetan ng Kongreso at Senado,” sabi ni Gonzales.

Sinabi pa niya na kung may natira ang natipid na pondo at walang ibibigay sa kawani, isinosoli lang ito sa National Treasury at hindi na kailangang i-time deposit.

“Ngayon lamang nakalkal ng unyon ang Financial Report (noong) 2011 ng MMDA. Malinaw na nae-expose natin ang ganitong kalakaran kaya nakakaranas ng panghaharas ang unyon,” ani Gonzales.

Dagdag pa ng KKK-MMDA, galit ang administrasyon sa unyon dahil sa ang maka-manggagawang mga adbokasiya ng huli. Kasama sa ipinaglalaban ng unyon ang panawagang pagbibigay ng P7,000 sa job orders o kontraktuwal na mga empleyado na sa kasalukuya’y umaabot sa 2,000 kawanin na unyon ang naggiit.

“Ang ibang mga kontraktuwal dito, umaabot na nang 10 sampung taon. Isinusulong namin ang pagbibigay ng 1,200 permanenteng posisyon  na bakante sa kasalukuyan mula sa 2,000 bilang ng job orders o kontraktuwal,” dagdag ni Gonzales.

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>