Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Nakita mo ba? Ilusyon at katotohanan ng kamera’t potograpiya

$
0
0

Ngayong halos lahat ay gumagamit ng cellphone na may kamera,  lahat ay nasanay sa akalang pagkinunan mo ng foto ang tao, pangyayari o tanawin, nahuli mo na ang katotohanan.  Ang kamera ay hindi nagsisinungaling. Ito ang palasak na opinyon. Ang kamera ay mapapagkatiwalaang saksi o testigo sa anumang bagay.

Tingnan dito sa Internet Website ang mga litrato ng boksing “Manny Pacquiao versus Juan Manuel Marquez .” Sa foto ng suntok ni Marquez, narehistro ang impak ng galaw sa ma mukha ng dalawang magkalabang boksingero.  Kakabit nito ang caption at balita tungkol sa imahen. Sino ang magsasabing mali o hindi totoo ang nangyari?  Hayan ang katibayan, ebidensiya.   Knockout si Manny, hatol ng institusyon.  Ayaw kang maniwala?

Buhat nang maimbento ito noong siglo 1900, ang kamera ay naging mabisang instrumento ng industriya at Estado. Nadiskubreng mas sopistikado nang maimbento ang pelikulang may tinig. Mabisang gamit ito laluna sa seguridad, paghuli ng kriminal at pagkontrol sa madla sa imigrasyon, at sa digmaang inilulunsad ng kapitalismong bansa sa kolonisasyon at kasalukuyang globalisasyon. Hindi ito laruan lamang o personal na kasangkapan. Kumikita at pinagkikitaan ito. Midya ng telebisyon at pahayagan, laluna ang Internet, ang tumutubo sa advertaysing ng mga produkto at pagsilbi sa kompitensiya ng mga korporasyon at kasabwat ng gobyerno sa pagtataguyod ng interes ng mga kapitalista. Ang isang foto, wika nga, ay katumbas o mas mahalaga kaysa ilang milyong salita.

…isang bulag sa Puerto Prinsesa, Palawan, sa loob ng model penal colony noong Enero 2011

Ang kamera ay para sa may mata, natural, pero bakit madaling namamalik-mata o naloloko ang madlang nanonood? Ilang demonstrasyon.

Narito ang kuha ko ng isang bulag sa Puerto Prinsesa, Palawan, sa loob ng model penal colony noong Enero 2011. Di sinasadyang snapshot ito. Nakikihalubilo ang bulag, alam kung saan pupunta. Nakapaligid ang mga turista, di pansin ang bulag, taglay ang awtomatikong kilos kahit na nakakakita. Walang pinagkaiba ang bulag at normal na tao. Kumpara sa bulag na nakatira roon, walang muwang ang mga turista tungkol sa sitwasyon at kasaysayan ng bilangguan na iyon, na itinayo ng Amerikanong gobyerno noong 1904 upang ireporma ang tradisyonal na disiplina sa mga katutubong katawang di pa nagagabayan ng iisinaloob na batas at regulasyon ng modernisadong lipunan.

Ngunit bakit mag-aaksaya ng panahon sa isang sulyap sa isang bulag na di naman natin kilala? Tiyak na maikling eksena lang ito sa mahabang naratibo ng paglilibot ng may kamera. Tignan naman ang susmusunod na larawan: snapshot ng isang performer, “fire-eater” sa Chinese New Year Festival, Pebrero ng taong ito. Kuha ito sa Ongpin, Maynila. Wari baga’y itinanghal ang pangyayaring ito para irekord ang pagkain sa apoy ng mga binayarang gumaganap sa pista. Ngunit ang tahasang layon ay lumikom ng ambag, salapi, abuloy. Isang “happening” na nakikita sa mga karnabal, sirko, palabas sa di pangkaraniwang okasyon. Totoo bang kumakain ng apoy? Iyon ang mapupuna sa biglang tingin. Subalit di ba ilusyon lamang iyon? Ang apoy ay di naman nalulunok, ibinubuga lamang ng bunganga, pero kumbinse na tayo, tunay na kahanga-hanga.

Sa huling pagturing, ang paksa ng foto ay hindi ang gumaganap kundi ang buong sitwasyon ng mga nanonood at pinapanood: ang ispektakulo mismo. Ang pagdiriwang ng Chinese New Year Festival, na kostumbreng ethniko, ang kwadro o paradigmang nagdudulot ng saligan ng rasyonalidad sa panggagagad ng kamera.  Ito ang mimetiko’t riyalistikong aspeto ng potographiya, ayon kay Roland Barthes. Ito ang punksiyong instrumental, kaagapay ng expresibo o makasining na aspetong masusing sangkap sa proseso ng komersiyalisasyon.

Snapshot ng isang performer, “fire-eater” sa Chinese New Year Festival

Sa masinop na pag-aaral ni Barthes sa sining na ito sa librong Camera Lucida, nailahad niya na may dalawang katangian ang potograpo. Isa ang “studium,” kumbensyonal na detalyeng may kahulugang bigay ng lipunan, ng nakaugaliang praktika sa buhay. Halimbawa ang kahulugan ng “fire-eater” ay nakakabit sa lugod sa kawiliwiling tagpo, kabisado na ng lahat. Batid rin natin na ang “bulag” ay dapat huwag ibukod, ituring na ordinaryo, sa gayon di na dapat itampok. Sa kabilang dako, sa dalawang foto, may mga bagay na kapansin-pansin: ang motorsiklo at nagmamaneho, mga lobo at babaeng nakadilaw, sa kuha sa Chinatown. Sa unang larawan naman, paglimiin ang ngiti ng bulag, ang lalaking nakabaling sa may puno. Tawag ni Barthes sa mga napiling detalyeng ito ay “punctum” (literal na kahulugan: sugat). Wala ito sa kumbensiyonal na kodigo, kaya mahirap masuri kung ano ang implikasyon at hiwatig nito. Tumutulay ito sa bahaging natural at bahaging artipisyal o sosyal. Sapagkat hindi naiuugnay sa aprubadong interpretasyon, may subersibong ambil at konotasyon ang mga ito.

Sa huling larawang kuha sa Ilog Loboc, Bohol (Marso 2012), nakahinto pansamantala ang turistang barko upang panoorin ang mga nagsasayaw. Isang komersiyal na negosyo ito para sa mga turista. Kapansin-pansin: isa lamang ang nakatingin sa balsa o ‘raft for livelihood.” Ang babaeng bughaw ang damit na natigil sa pagkain ay nakatingin sa ibang dako, pati na ang lalaking nasa gitna. Tayo lamang (o ang potograpo) ang nakapokus sa nagsasayaw ng tinikling. Ang mga mukha ng mga tumutugtog at sumasaliw ay may mahiwagang “halo” o sinag. Ang kumbensiyonal na kahulugan nito, ang “studium,” ay simple: pagtatanghal ng katutubong kultura na kaakibat ng reputasyon ng Loboc bilang isang pook ng mga mahuhusay na musikero’t mang-aawit. Ngunit iba ang isinasalaysay ng foto na yugto sa isang dula o naratibo ng ating bansa.

…iba ang isinasalaysay ng foto na yugto sa isang dula o naratibo ng ating bansa.

Sa kabilang dako, ang “punctum” ng “Donation Box,” ang buhok ng babaeng kumakain sa kaliwang panig ng larawan, ang lalaking katulong na walang pakialam sa sayawan at tugtugan–ano ang pahiwatig ng mga ito?  Di ba kahina-hinala na ang foto ay magkakaroon ng salungat at di-makatugmang mensahe. Tila taglay ng mga snapshots ang istrukturang ito.  Para bang sinasabing “totoo ito” pero “hindi lahat ay katotohanan.” Pwedeng bulag ka kahit may mata, at hindi lahat ng ilusyon ay realidad. At hindi lahat ng katalagahan ay maikikintal sa larawang kuha ng kamera o nalikhang imitasyon.

Iminumungkahi ko rito ang isang makataong responsibilidad  sa pagsipat sa lahat ng kulturang aktibidad at karanasan: Kailangang mag-isip, sumuri, maging palatanong. Huwag tanggapin ang anuman nang walang pasubali o kritika.  Analisahin at hamunin ang katuwiran ng awtoridad. Ang nakikita mo ay hindi sumasaiyo, hindi para sa iyong interes o kolektibong kapakanan,  kaya dapat mag-ingat at laging gawing problema ang nangyayari sa kapaligiran at sa naipataw o minanang balangkas ng iyong buhay. Baguhin ang diwa, kaisipan, buhay. Ito marahil ang una at huling aral na mahuhugot sa pag-aaral sa sining at mekanismo ng potograpiya, ng kamera, sa kasalukuyang panahon.


Mula Tarima Hanggang

$
0
0

Mula tarima hanggang sa ipising kasilyas
isang di iniisip na hakbang ng tsinelas.

Mula tarima hanggang d’yan sa rehas na bakal
isang buga ng usok at dukwang na mabagal.

Mula tarima hanggang sa erya ng dalawan
isang pasilyong putol kundi man ay dal’wang buwan.

Mula tarima hanggang dalawin na ng himbing
isang buong magdamag, buong linggo pa mandin.

Mula tarima hanggang sa magising sa kumot
isang kahol ng aso’t igkas mula sa bangungot.

Mula tarima hanggang sa bungad ng aplaya
isang ihip ng hanging angkas ay alaala.

Mula tarima hanggang sa gitna ng pilapil
‘sang bugso ng pag-asang walang makapipigil.

Mula tarima hanggang sa pasyang magpatatag
isang hingang malalim sa dibdib na kalasag.

Mula tarima hanggang talikdan ko ang bayan
isang bagay nga lamang, at ito’y kamatayan.

New Wave o mga obrang gawa para sa 2012 Metro Manila Film Festival Philippines

$
0
0

The 38th Metro Manila Film Festival

Kailan man at saanman, may tunggalian kahit sa daigdig ng pelikula para ipakita ang dayalektiko ng buhay.

Hindi napupuwera ang 2012 Metro Manila Film Festival Philippines.
Ang pampayong na organisasyon ay ang Metro Manila Development Authority na siyang namamahala at komukontrol sa mga kaganapan ng taunang pista ng pelikulang Pilipino.

Kaya ito ay pulitikal din.

Pang-ekonomiyang pulitika na idinadaan sa kultura upang ilangkap sa panlipunang istruktura ng ating pang-araw-araw na buhay.

Kasalukuyan ngang ginaganap ang ika-38 Metro Manila Film Festival Philippines.

Ang unang layunin nito ay makapaghandog ng purung-purong pelikulang lokal sa loob ng halos dalawang linggo.

Gayunman, bukod sa iba pang adhika ng pestibal, ang isa pa rin sa mga layon ng okasyon ay makapaglikom ng pondo para sa MMDA at sa mga proyekto nito.

***

Mula noong 2010 ay may New Wave nang kategorya ang taunang pestibal bukod pa sa walong opisyal na kalahok sa pagdiriwang.

Karaniwang digital ang porma ng New Wave mula sa paggawa nito hanggang sa pagpapalabas samantalang nagmumula sa 35mm ang karamihan sa walong pelikulang kung bansagan ay gawa ng malalaki at mapeperang produksyon.

Gayunman, sa pagtatanghal ng walong obra ay nasasalin na rin ang mga ito sa tinatawag na Digital Cinema Package o DCP na siyang nag-iimbak ng pelikula para ibuga sa telon sa loob ng sinehan.

Nakakatipid ang mga prodyuser sa paggamit ng DCP kaysa naman sa karaniwan at tradisyunal nang celluloid o ‘yong rolyo-rolyong negatibo na pinapasan o ibinibisikleta ng mga tinatawag na lagarista sa bawat sinehan para eksakto sa oras ang pagpu-project ng mga ito sa iskrin.

Kung daan-daang libong piso ang nagagastos ng mga prodyuser sa paggamit ng rolyo-rolyong reproduksyon ng negatibo na nakapulupot o nakasilid sa loob ng bilog na lata, humigit-kumulang lang sa P10 hanggang P20 libong piso ang nagagasta sa paglipat sa DCP ng bawat pelikula na pareho o mas mataas pa ang kalidad sa negatibo.

Kahit itanong ninyo kay Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang isa sa mga katibong senador at artista ng bansa na prodyuser ng Imus Productions na isa sa mga gumawa ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako”—bukod pa sa OctoArts Films at M-Zet Productions—na mas nakakamura sa DCP kaysa mga rolyo ng kinopyang pelikula.

Sa dinami-dami ng mga sinehan sa buong Pilipinas, milyun-milyon ang puwedeng gastusin ng mga prodyuser kung ang negatibo pa ang gagamitin sa pagtatanghal.

Nagsasanib sa teknolohiya ang mga kulang sa budget—hindi ibig sabihin ay independent at ang may kaya o mayayamang prodyuser.

***

May walong kalahok sa 2012 MMFFP na kinabibilangan ng bukod sa pelikula nina Bong at Vic Sotto ay may “Thy Womb” ng Centerstage Productions; “Sisterakas” ng Star Cinema; “One More Try” ng Star Cinema at Viva Entertainment; “The Strangers” ng Quantum Films; “Shake, Rattle & Roll 14” ng Regal Entertainment; “Sosy Problems” ng GMA Films at “El Presidente The General Emilio Aguinaldo Story” ng Scenema Concept International.

Samantala, sa ilalim naman ng New Wave category ay may “Ad Ignorantiam” ng Quantum Films sa direksyon ni Armando “Bing” Lao;’ “In Nomine Matris” ng Hubo Productions na pinamamahalaan ni Will Fredo; “Grave Hunters” ng Paper Boat Pictures na idinirek ni Tyrone Acierto; “Gayak” ng Pro.Pro Artist and Advertising sa direksyon ni Ronaldo Bertubin at ang “Paglaya sa Tanikala” ng  Kuwentista Productions, Inc. sa direksyon ni Michael Angelo Dagñalan.

***

Inaakusahan na walang katuturan, predictable, formula ang mga pelikulang gawa ng mga pangunahing movie studio at ang mga tinatawag na independent o indie ay may sinasabi o makabuluhan.

Gaano nga ba katotoo ang ideyang ito?

Dahil marami ring mga tinatawag na indie na wala ring ibig sabihin.

Hindi rin naman tatanggapin ng mga sinasabing “mainstream” filmmakers na “formula” sila o walang binatbat ang mga trabaho nila kahit na may mga pamantayan pa.

O tanggapin man ang ganitong konsepto ay sasabihing “hala, formula na kung formula, sa inyo na ang mga award at papuri ng mga kritiko at sa amin na ang box-office o kita sa takilya.”

Pero paano naman ang kapakanan ng mga tao o ng publiko?

Kailangang may matutunan o eduksyunal naman ang isang pelikula o sa isang matindi at nakakagulantang na katotohanan—ang pelikula ay kailangang magbago ng pangit at walang katarungang lipunan.

***

Ito ang tunggalian ng mga pelikula ng kung anu-anong pakulo at mga persuwasyon.

Pero ang New Wave ay talaga bang maituturing na kapuri-puri at nagtataguyod ng katotohanan at mapagpalayang sining?

At ang walo nga bang pelikula ay pulos eskapista lamang?

O ito ba ang dapat na sukatan?

Kailangan bang may New Wave o may komersyal na mga palabas lamang?

O wala dapat katawagan bastat ang lahat ay pelikula lamang, mga produktong kultural na may mga iba’t ibang katangian—masama man o mabuti para sa kanyang buhay—na makakamtan ng isang mamamayan o konsyumer.

Eve Ensler, author of The Vagina Monologues, visits PH for ‘One Billion Rising’

$
0
0

World-renowned author of The Vagina Monologues and women’s rights activist Eve Ensler visited the Philippines this December 2012 to witness the developments in the grassroots campaign to end violence against women.

She visited provinces and urban poor communities in Metro Manila, where she witnessed in Payatas, Quezon City the “marrying of capitalism and sexism” — the privatization of garbage collection and social services and increased incidences of various forms of violence against impoverished women.

Ensler said she is “in love with Gabriela”, the militant women’s organization spearheading One Billion Rising in the Philippines, together with Gabriela Women’s Party and Monique Wilson’s New Voice Company.

Conceptualized by Ensler, the One Billion Rising is a global campaign to pressure governments and institutions to put an end to various forms of violence against women. The campaign, which primarily involves dance as protest action, will culminate on February 14, 2013, when a targeted 1 billion women and men will dance all around the world.

Video by KR Guda, additional camera by Junelle Narra. Photos of Ensler’s visit to Payatas courtesy of Gabriela.

Here are some of the photos, by Macky Macaspac, of the National Capital Region OBR launch as well as the media forum with Ensler:

‘Maningning na dekada ng digmang bayan’

$
0
0

Umabante at patuloy na umaabante ang digmang bayan sa buong bansa, partikular sa Mindanao, sabi ni Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front – Mindanao.

Sa pahayag na inilabas ni Madlos kaalinsabay ng ika-44 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas, sinabi niya na lumawak ang baseng masa ng rebolusyonaryong kilusan, ibayong dumami ang bilang ng mga miyembro ng partido at hukbo (Bagong Hukbong Bayan, o New People’s Army, NPA), at ang rebolusyonaryong mga organisasyon na nagsusulong ng armadong digmaan laban sa namamayaning sistema sa bansa.

We have rapidly expanded and strengthened our guerrilla bases in the entire island. More municipalities have been covered from the more than 200 towns originally listed the previous year. Hundreds of barrios have also been added to the 2000 barrios of the same period. Twenty-five percent (25%) of these have been consolidated from the level of barrio Organizing Committee (OC) to the level of Balangay,” sabi ni Madlos.

Jorge "Ka Oris" Madlos, noong 2010. (Macky Macaspac/PW File Photo)

Jorge “Ka Oris” Madlos, noong 2010. (Macky Macaspac/PW File Photo)

Sinabi pa ni Madlos na patuloy na ipinapatupad ng rebolusyonaryong kilusan ang rebolusyong agraryo — o ang pagbigay ng karapatan, sa iba’t ibang antas, sa mga magsasaka na magsaka sa sariling lupa, malaya sa pagsasamantala ng panginoong maylupa — sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Through agrev (agrarian revolution o rebolusyong agraryo — Ed.), we have successfully decreased rent on land, farm animals and farm implements in many areas. We have also raised the wages of agri-workers from P250-P300. A relatively good number of areas have also benefited from an increase in the price of their farm produce, while there is a gradual reduction of the various forms of exploitative practices by traders and usurers,” pahayag pa ni Madlos, na inilabas sa wikang Ingles at Bisaya.

Sinabi pa ni Madlos na lumakas din umano ang kilusan sa pamamagitan ng paglulunsad ng “anti-pasista” at “anti-imperyalistang” mga kampanya. Kabilang dito ang paglantad at pagkondena sa pasistang mga atake tulad ng pamamaslang, militarisasyon at iba pa, gayundin ang paglantad at pagkondena sa imperyalistang pandarambong at agresyong militar ng US sa bansa.

Ipinagmalaki rin ng naturang rebolusyonaryong lider na nabibigo ng kilusan ang mga programang kontra-insurhensiya ng kasalukuyang administrasyong Aquino.

On the basis of our ever widening and deepening mass base, we have launched 400 tactical offensives in the entire island in 2012, which means more than one tactical offensive per day. Nearly 100 of these were annihilative tactical offensives where we were able to confiscate at least 150 high powered rifles,” sabi pa ni Madlos.

Sinabi rin niya na mahigit 70 porsiyento ng 400 aksiyong militar ng NPA ay attritive actions, o aksiyong opensiba laban sa mga puwersa ng Armed Forces of the Philippines. Kabilang dito ang sniping, harassment at punitive actions, para sa taong 2012 lamang. Samantala, 40 sa mga aksiyong militar ay depensiba kontra sa mga puwersa ng estado.

Gayunman, inamin ni Madlos na mas malakas pa ang potensiyal ng rebolusyonaryong kilusan para sa mga aksiyong militar.

Para sa taong 2012 lamang, lumaki rin umano nang 50 porsiyento ang bilang ng mga miyembro ng CPP sa Mindanao, paliwanag pa ni Madlos.

Hiniling din ng naturang rebolusyonaryong lider sa mga yunit ng armadong kilusan na maglunsad ng maliliit at simpleng pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP, samantalang patuloy na tinutugunan ang pangangailangan ng marami sa mga sinalanta ng bagyong Pablo at ng nakaraang mga bagyo.

To help facilitate relief and retrieval operations, NDFP-Mindanao has declared a 29 day ceasefire in all areas affected by Typhoon Pablo. We also call on the people to unite and join in the collective and long term rehabilitation of the people’s livelihood and continue to help preserve and protect the environment,” ani Madlos.

* * *

(Itaas: Bidyo-dokumentaryo ng Pinoy Weekly hinggil sa digmang bayan sa Timog Mindanao, inilabas noong Agosto 2012)

* * *

Larawan ng ika-40 anibersaryo ng CPP na ginanap sa Mindanao noong taong 2010:

Pinabayaang mga biktima ng bagyo

$
0
0

Paaralan na nawasak sa Lingig, Surigao del Sur (Dr. Romeo Quijano)

Pagkatapos ng isang panayam kaugnay sa proyektong tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka sa Surigao del Sur, sumama na ako sa pangkat ng CBHP (Community Based Health Program) na nagbalik-dalaw sa ilang lugar na sinalanta ng bagyong Pablo sa Surigao del Sur at Davao Oriental. Umalis kami sa Tandag ng ala-una ng madaling araw at narating namin ang unang baryo na sinisilbihan ng CBHP nang bandang alas-8 ng umaga. Bagama’t nakita ko na sa telebisyon ang mga imahen ng pinsalang dulot ng bagyo, matindi pa rin ang aking gulat-hinagpis nang mapaloob ako mismo sa tunay na eksena ng mga wasak na kabahayan at mga pananim.

Mabilis na sumagitsit sa aking isipan ang mga nakakapangilabot na larawan ng Hiroshima, Vietnam, at Iraq matapos ang pambobomba ng Amerika. Sa sandaling iyon, lubusan kong naramdaman ang malubhang pinsala ng bagyong Pablo, hindi lamang sa mga tirahan, kabuhayan, kapaligiran, at kalusugan ng mga tao kundi pati na rin ang malubhang epekto ng pagbabago sa klima, kasakiman ng malalaking negosyo (pagmimina, plantasyon ng saging, atbp) at ng kapabayaan ng gobyerno. Sa nagngangalit kong kalooban, hindi ko na alintana ang pamamanhid ng aking mga paa sa mahigit tatlong oras na pagkasalpak sa likod ng motorsiklong kung tawagin ay “habal-habal.” Apat kaming sakay nito at nakaipit ako sa likuran ng drayber.

Marami sa mga biktima ang malayo sa sentro ng barangay at kabayanan at hindi naaabutan ng tulong ng gobyerno, media at mga karaniwang organisasyong sibiko. Ang mga lugar na ito ang pangunahing binibigyang pansin ng CBHP at ng mga kaalyado nitong mga samahan, kabilang na ang kilusang magbubukid sa rehiyon. Pinuntahan na rin namin ang isa sa mga pinakamatinding apektado ng bagyo sa Davao Oriental, ang bayan ng Cateel, na katabi ng mga apektadong lugar sa Surigao del Sur. Grabe talaga ang pinsala, parang binagsakan ng bomba atomika talaga! Wasak na wasak ang halos lahat ang mga istruktura at mga halaman, lalo na ang mga niyog. Ang bayan ng Cateel ang madalas naipapakita sa telebisyon at marami ang mga ahensya ng gobyerno at mga organisasyong sibiko ang pumupunta na rito, bagama’t hindi pa rin sapat ang mga tulong na umaabot sa mga mamamayan dahil sa labis na pinsala at sa kakulangan ng maayos na sistema ng pamamahagi ng tulong galing sa iba’t ibang grupo.

Bandang alas singko ng hapon, humiwalay na ako sa pangkat CBHP ng Tandag at sumakay na ako ng bus patungong Davao City upang sumama naman sa medical mission ng BALSA Mindanao, ang multisektoral na organisasyong binuo ng mga progresibong grupo para tumulong sa taong-bayan sa mga ganitong uri ng kalamidad. Sa dinaanan ng aking sinakyang bus, marami pa rin akong nakitang mga nasirang kabahayan na tila hindi nadadatnan ng tulong.

Dumating ako sa looban ng UCCP (United Church of Christ), ang sentro ng BALSA Mindanao sa Davao, lampas hatinggabi na. Bumiyahe ang aming pangkat alas kwatro ng umaga kaya halos wala rin akong tulog nang gabing iyon. Dumating kami sa Laak, Compostela Valley bandang alas-10 ng umaga. Matindi rin ang epekto ng bagyo roon at napakahirap puntahan dahil sira-sira ang mga daan at tumawid pa kami ng ilog na halos hanggang dibdib ang lalim. Mabuti na lang at malaking dump truck ang sinakyan namin. Kumain muna kami ng almusal-tanghalian bago nag-umpisa ng medical clinic at namigay ng pagkain at gamit pantawid kalamidad. Dalawa lang kaming doktor, kasama ko si Dr. Lynn Redoble, dati kong estudyante na nag-full-time sa CBHP-Southern Mindanao. Karamihan sa may sakit ay mga bata; ubo’t sipon, trangkaso, brongkitis, sakit sa balat, sugat, atbp. May dalawang pasyente na kailangan i-refer sa ospital kaya problema kung paano madadala sa ospital (hihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa iba pa dahil hindi kaya ng BALSA Mindanao na tustusan ang gastusin). Mahigit 200 ang naging pasyente namin.

Nagsara sa pagtanggap ng pasyente pagsapit ng alas-5 ng hapon dahil baka raw hindi kami makatawid sa ilog pabalik sa Davao. Medyo mabigat ang aking damdamin nang magsara dahil mayroon pang ilang katao na galing pa sa malayo na humahabol pa sanang magpakonsulta. Ganunpaman, kinailangan na namin ang umalis, hindi kami maaaring magtagal pa sa lugar ayon sa mga nag-organisa. Nakarating kami sa UCCP Davao halos hatinggabi na rin. Sa tindi ng pagod at puyat, hindi ko na nakuhang maligo, diretso na ako sa higaan. Subali’t hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil tumindi ang ubo ko (na nag-umpisa na sa Surigao pa lamang) at dahil na rin sa nag-aalimpuyong damdamin at kaisipan sa mga pangyayaring aking namasdan at naranasan. Tumitilaok na halos ang manok nang ako’y maidlip, matapos akong uminom ng lagundi at sinta. Nagpahinga na lamang ako hanggang tumungo ako sa airport ng Davao pauwing Maynila.

Para sa mga donasyon o tulong, makipag-ugnayan sa:

BALSA Mindanao

UCCP Haran House
Fr. Selga St., Madapo Hills, Davao City
Contact Person:
Susan S. Claro, R.N.
Executive Director, Mindanao Christian Services Foundation
Tel. No. 221-6920

INPEACE Mindanao, Inc.
Banco de Oro
SM City Davao Branch, Davao City
Account number: 860165361
Swift Code BNORPHMM

Si Dr. Romeo Quijano ay isang toxicologist at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas- College of Medicine. Dati siyang tagapangulo ng Health Action for Democracy at kasalukuyang tagapangulo ng Pesticide Action Network Philippines.

Acclaimed playwright Eve Ensler on the women of the Philippines

$
0
0

Eve Ensler, writer of Vagina Monologues: “What I’ve really been struck with is the incredible power of the women of the Philippines, the brilliance of their organizing, the incredible collaboration and solidarities across sectors, which I think should be a model to the world.” (Macky Macaspac)

Eve Ensler, acclaimed playwright and activist, recently visited the country to promote One Billion Rising, a global campaign to end violence against women. Ensler is best known for her play The Vagina Monologues, which has been translated to 48 languages and performed in 140 countries, including the Philippines. She joined theater artist Monique Wilson and progressive women’s group Gabriela in visiting urban poor communities in Metro Manila and the provinces.

During the media launch of One Billion Rising at the Music Museum this December, Pinoy Weekly caught up with Ensler, who expressed her utmost admiration for the women of the Philippines who have enthusiastically joined the campaign which utilizes dance as a form of protest. One Billion Rising will culminate globally on February 14, 2013, when a billion women and men are expected to rise up and dance to pressure governments and institutions to act to end violence against women.

PW: As you went around the country for the past week, what were the things that struck you the most concerning Filipino women?

The thing that stood out for me was the Payatas dumpsite where the women and people were living in a mountain of garbage, where girls were selling their bodies at eight years old for the right to scavenge privatized garbage that is not even owned by the people. I think that’s very disturbing…Also, hearing the stories of how the US military is occupying all ports, all kinds of sections in the Philippines in order to serve the mining companies was absolutely devastating to hear. To hear how mining and the destruction of the land has contributed to the typhoons, I found this devastating.

I think that the work of Gabriela, the way they’re organizing around the typhoon, the way they’re organizing communities, is outstanding work…What I’ve really been struck with is the incredible power of the women of the Philippines, the brilliance of their organizing, the incredible collaboration and solidarities across sectors, which I think should be a model to the world.

PW: Are you thinking of doing a theatrical piece on the Philippines?

I definitely going to do something. I’m really, really moved by what’s happening here.

PW: Earlier you said something about how sexism and capitalism are working together, can you elaborate a bit on this?

I think we’re living in a period…and I see this particularly in a place like the Congo where it’s kind of the ultimate fulfillment of what colonialism, capitalism, and sexism looks like when it fully realizes itself in one place. Where you see that 8 million people have died in the last 13 years and millions of women have been raped and tortured. Where indigenous mines that belong to the Congolese are being pillaged and raped by the entire world for their benefit, and militias are being used to do that work and be their proxies.

And we’re seeing the same thing all around the world. We have the US military serving mining companies here and not being indigenous to this country, not allowing the resources to be for the Filipinos. I think that theme is around the world. The wealthy and the 1% is pillaging and stealing to amplify their own resources, which are already plenty. And where there is enormous poverty we see a rise in violence against women. Where we see militarization, we see prostitution and sexual violence. Where we see the destruction of lands and global warming, we see of course the rise of violence against women. Where we see typhoons and the breakdown of societies and civilizations where people are relocated, we see violence against women. That is violence against women.

We can’t remove economic violence as one of the violences that women are suffering because we know that women are the primary workforce of the world that is the most underpaid, underrealized, and underseen. So I think what’s very exciting about One Billion Rising, particularly outside of the US, but it’s even beginning to happen in the US, we’re seeing the merging of these issues where we understand that violence against women is a seriously political issue. It isn’t marginalized, it isn’t over there, it is the center of everything, it is the mother issue. And when women are free, when women are paid well, when women are equal, everything will have shifted. We will be living in a different world.

Mga hula (sa maniwala man kayo o hindi) ni Madam Suzette Arandela sa 2013

$
0
0

Isa si Madam Suzette Arandela sa mga sikat at may pinakamataas na batting average, ayon sa mga taga-GMA Network kung saan madalas maging panauhin ang manghuhula sa mga palatuntunang pantelebisyon nito.

Narito ang kanyang mga prediksyon para sa 2013 sa iba’t ibang isyu at lugar sa mundo lalo na sa Pilipinas at sa mga tao at larangan dito:

“Magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas dahil mababago ang pangit na image ng ating bansa. Maraming trabaho ang darating dahil sa pagbubukas ng mga karagdagang pabrika, mall at social networking center dahil maraming mag-i-invest dito.

“Kaya lang, dapat mag-ingat ang ating mga kababayan sa pyramiding dahil marami pa rin ang maloloko ng ganitong sistema sa taong 2013.

“Magkaka-bank run sa isang maliit na bangko sa Kamaynilaan.

“Lalakas ang real estate business sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.”

***

“Ang masusuwerteng negosyo ay pagkain, consultancy, law firm, security agency, spa, travel, fashion design, call center, herbal medicine at mga beauty products.

Magulo at mabagal pa rin ang usapin sa Scarborough Shoal. Hindi pa ito maso-solve dahil matigas ang China at nais makuha nang buungbuo ang Spratly Island.

“Maganda ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng gobyerno ng Pilipinas bagamat hindi rito sasali ang Moro National Liberation Front.

“Hindi naman problema ang insurgency sa taong ito bagamat may mga protesta pa rin sa hanay ng mga makakaliwang grupo.

“Tataas ang value ng dolyar sa unang bahagi ng Enero pero katamtaman lang.

“Mag-aagawan pa rin sa number one slot ang dalawang malalaking TV network, ang ABS-CBN at GMA Network at susundan naman ng TV5 pero lalakas din ang Radio Philippines Network at Intercontinental Broadcasting Corporation.

“Samantala, patuloy pa rin ang katigasan ng ulo ng North Korea sa pagpapalipad ng missiles bagamat hindi magtatagumpay at hindi rin ito magiging sanhi ng digmaang pandaigdig.”

***

“Mabagal pa rin ang pag-angat ng ating local showbiz industry sa 2013 but may mga pelikulang kikita at magiging top grosse. Papatok pa rin ang mga telenovela mula sa ibang bansa.

“Lalakas pa rin ang Filipino indie films sa ibang bansa ngunit mahina sa sarili nating bansa.

“Love stories, comedy at fantasy pa rin ang papatok sa takilya.

“Samantala, magluluksa pa rin ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng isang veteran actress, isang direktor at isang aktres nang dahil sa karamdaman.

“Isang batang aktor ang mai-involve sa isyu ng droga na ikagugulat nang marami dahil magtataka sila kung paano ito naging sugapa sa bawal na gamot.

“Isang suicide ang magaganap sa showbiz.

“Maraming bagong mukha ang ilulunsad sa larangan sa pamamagitan ng talent search at isang love team ang mabilis na sisikat at mag-aakyat ng maraming salapi sa producer.

“Patuloy pa rin ang rigodon ng mga artista sa paglipat sa tatlong malalaking kumpanya ng telebisyon.

“May mga hiwalayang magaganap at mabubuntis ang isang batang aktres.

“May isang espesyal na pagpapahayag ang isang celebrity ng kanyang pagpapakasal sa 2013.”

Kung nais ninyong magpakonsulta kay Madam Suzette, i-text o tawagan lang siya sa 09052439724.


Natatanging Progresibo ng 2012

$
0
0

Ano ang nagbago sa bansa sa loob ng isang taon?

Marami. At wala masyado. Totoo ang dalawang pagtinging ito, dahil sa loob ng isang taon, maraming kaganapan ang nagpakitang posible ang progresibong pagbabago para sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino. Hindi lamang posible, ngunit inaasahan. Gayunman, sa loob din ng taong ito, ramdam nating malayo pa ang ilalakbay ng sambayanan para marating ang matagal nang inaasam na kaunlaran at kalayaan para sa karamihan.

Kahit pa. Para sa istap ng Pinoy Weekly, mahalagang kilalanin namin ang mga kaganapan, grupo, indibidwal, penomenon o uso noong 2012 na nagbibigay-halimbawa sa kakayahan natin na makapag-ambag para sa progresibong pagbabago. Maliit man o pansamantala, itinuturing nating hakbang ang mga ito sa tamang direksiyon – at hindi sa ibinibida ng gobyerno na “tuwid na daan.”

Ito ang ikaapat na taon na naglalabas ang Pinoy Weekly ng pagkilala sa natatanging mga progresibo ng taon. Bagamat pinili ito ng istap at hindi maituturing na definitive na talaan ng mga tagumpay ng progresibong kilusan sa taong 2012, sinikap naming balikan ang aming mga ulat, at muling masdan ang mga larawan at bidyo – para masala iyung mga palagay nami’y dapat kilalanin at tularan ng mga grupo’t indibidwal na nakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya. Anumang kahinaan o kakulangan sa mga pagkilalang ito’y nagmula sa amin. Huwag sanang mahinaan ng loob ang mga progresibong wala sa listahang ito; malaya rin sinuman na magbato sa amin ng palagay nilang kakulangan o kahinaan ng talaan.

Natatangi ang mga ito, pero layon nating lahat na gawing mas pangkaraniwan ang pagiging progresibo at makabayan.

(Basahin ang Natatanging Progresibo noong 2009, 2010 at 2011)

* * *

Natatanging Progresibong Kilos-Protesta

Paglaban kontra sa demolisyon sa Silverio Compound: Pinaka-tampok sa maraming militanteng paglaban ng mga maralita kontra sa demolisyon. (Tudla Productions)

Paglaban kontra sa demolisyon sa Silverio Compound: Pinaka-tampok sa maraming militanteng paglaban ng mga maralita kontra sa demolisyon. (Tudla Productions)

Paglaban ng mga maralita sa tangkang demolisyon sa Silverio Compound, Abril 23, 2012. Buong taon, nasaksihan natin ang mas militanteng paggiit ng mga maralita para sa karapatan nila sa tirahan. Pinakatampok dito ang ipinakitang paggiit ng mga maralita sa Silverio Compound, Paranaque City. Dito, lumaban ang mga residente hindi lamang sa larangang legal (bagamat ginawa nila ito) at sa negosasyon, o kahit sa mapayapang kilos-protesta. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng aktibong depensa sa kanilang mga tirahan, sa panahong marahas silang sinalakay ng mga demolition team at armadong mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng pulisya. Isang kabataan, si Arnel Leonor na 21-anyos, ang nagbuwis ng buhay. Marami ang nasaktan sa mga maralita – ginamitan ng malulupit na taktika ng mga pulis. Samantala, para sa ibang mga komunidad, naging ehemplo ng paglaban ang Silverio Compound. Sa pagpaslang kay Leonor at paggamit ng malupit na mga metodo para supilin ang paglaban ng mga maralita, naipamalas sa publiko na handang maging pasista – at pumatay pa ng walang-labang maralita — ang administrasyong Aquino sa harap ng militanteng paggiit ng mga mamamayan. Isa lamang, pero pinakatampok, ang paglaban sa demolisyon sa Silverio Compound, sa militanteng mga paglaban ng mga maralita para sa kanilang karapatan sa pabahay at kabuhayan. Isa rin lang ito sa halimbawa ng paggamit ng dahas ng administrasyon para supilin ang naturang paglaban.

Honorable Mentions: Samantala, marami pang mga kilos-protesta ang dapat kilalanin: Kasama rito ang laksa-laksang pagkilos ng kababaihan noong Marso 8, pandaigdigang araw ng kababaihan. Lumabas sa maraming outlet ng international media ang naturang pagkilos. Kahanga-hanga rin ang di-bababa sa 10,000 pagkilos ng mga mamamayan sa mga sumusunod: Mayo Uno, pandaigdigang araw ng mga manggagawa (sa kabila ng ulan), protesta sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino (sa kabila ng pandarahas ng mga pulis) at protesta sa Araw ng Anakpawis noong Nobyembre 30 (sa kabila ng init at layo ng martsa).

Natatanging Progresibong Lider-Masa

Rep. Teddy Casino, na literal na tumakbo para sa kanyang kandidatura sa pagkasenador, kasama ang iba pang lider-progresibo. (Tine Sabillo)

Rep. Teddy Casino, na literal na tumakbo para sa kanyang kandidatura sa pagkasenador, kasama ang iba pang lider-progresibo. (Tine Sabillo)

Taong ito idineklara ng progresibong koalisyong Makabayan ang intensiyon nitong muling magpatakbo ng kandidato sa pagkasenador sa eleksiyong 2013. Ang napisil nitong patakbuhin: si Teodoro “Teddy” Casiño, ang itinuturing ng marami na lider ng progresibong mga mambabatas sa Kamara ngayon, at kinikilalang isa sa pinaka-dinamiko, artikulante, matalino at simpatikong kinatawan at tagapagsalita ng progresibong kilusan. Sa kanyang pagtakbo, agad na ipinamalas ni Casiño ang kakayahang maglingkod sa Senado at paninindigang makabayan, sa pamamagitan ng pagsalita hinggil sa mahahalagang isyu ng masa. Kabilang dito ang pagsalita sa makabayan at maka-masang posisyon hinggil sa mataas na presyo ng mga bilihin at langis, tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansa, militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao, malawakang komersiyal na pagmimina, at marami pang iba.

Honorable Mentions: Kinilala ngayong taon ang mahabang karanasan ng pamumuno at pagiging ehemplo ng militanteng pakikibaka ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida, lider-maralita, lider-kababaihan at lider-masa. Tumampok ding mahusay na tagapagsalita at lider ng mga progresibo ang pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na si Renato Reyes Jr., na naging  boses at mukha ng maraming pakikibakang masa ngayong taon. Nalungkot naman ang mga aktibista at rebolusyonaryo sa biglaang pagpanaw ni Maita Gomez, rebolusyonaryo, lider-kababaihan, makabayang ekonomista at intelektuwal at lider ng Makabayan. Sa kanya nanggaling ang katagang mainam na ulit-ulitin ng mga progresibo: “Walang masama ang Kaliwa. Mabuti ang Kaliwa.” Pinarangalan at binalikan ngayong taon ang makabuluhang mga ambag ng namayapang mga lider-progresibo na sina Atty. Romeo Capulong, Arman Albarillo, Atty. Ramon Te, at iba pa.

Natatanging Progresibong Organisasyong Masa

Kababaihan ng Gabriela, noong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, Marso 8. (KR Guda)

Kababaihan ng Gabriela, noong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, Marso 8. (KR Guda)

Sa taong ito, isa sa pinakatumampok sa mga pakikibakang masa ang Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan. Malawak ang saklaw ng mga isyung kinatampukan ng organisasyong ito, mula sa mga aksiyong masa kontra sa matataas na presyo ng mga bilihin, langis at pamasahe, hanggang sa pagsugod sa Malakanyang kontra sa oil price hike at sa embahada ng US para iprotesta ang interbensiyong militar nito, hanggang sa pagtutol sa mga atake ng gobyerno sa mga serbisyong panlipunan. Nanguna rin sila sa paglaban sa planong korporatisasyon ng pampublikong mga ospital, programang K+12, at iba pa. Pinangunahan nila siyempre ang paggiit ng karapatan ng kababaihan sa komprehensibong reproduktibong kalusugan (reproductive health), habang binabatikos ang pagpataw ng gobyerno ng programa para kontrolin ang populasyon at isisi rito ang kahirapan ng bayan. Siyempre pa, hindi rin binitiwan, at pinaigting pa, ang paglaban ng Gabriela sa karahasan sa kababaihan at bata (violence against women and children o VAWC). Binigyan nito ng pokus ang VAWC ng mga nasa otoridad, laluna iyung nasa militar, pulis o paramilitar – bahagi ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Tumampok pa ang Gabriela dahil sa pangunguna nito sa Pilipinas ng kampanyang One Billion Rising, na naglalayong ipresyur ang mga gobyerno ng mundo na labanan ang VAWC.

Honorable Mentions:  Kahanga-hanga ang konsistenteng paglaban ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa iba’t ibang porma ng interbensiyong militar, ekonomiko at pampulitika ng gobyerno ng US sa bansa. Pinangunahan din siyempre ng Bayan ang maraming pakikibakang masa. Samantala, kahanga-hanga rin ang pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa pagsiwalat sa bagong mga atake ng estado sa karapatan ng mga manggagawa. Tampok dito ang two-tiered wage system ng administrasyong Aquino. Napakahusay din ng ipinamalas na pamumuno ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa mga paglaban ng mga kawani ng gobyerno para sa kanilang mga benepisyo na ipinagkakait ng administrasyon, samantalang nilalabanan din ang mga tangkang pagsasapribado ng maraming ahensiya ng gobyerno na dapat ay nagseserbisyo sa publiko.

Natatanging Progresibong Alyansa o Koalisyon

Mga petisyuner kontra sa Anti-Cybercrime Law. (Pher Pasion)

Mga petisyuner kontra sa Anti-Cybercrime Law. (Pher Pasion)

#NotoCybercimeLaw. Malawak na pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, grupo at indibidwal ang nabuo para labanan ang isa sa pinakaseryosong atake sa karapatang sibil ng mga mamamayan: Ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Mula sa mga blogger, tanyag na gumagamit ng social media, hanggang mga mamamahayag, musikero’t artista, nagkaisa silang maglunsad ng mga kilos-protesta, magsampa ng mga petisyon sa Korte Suprema, at magsalita sa publiko laban sa bagong batas na ito. Lumabas pa ngang ang Malakanyang na lang – at ang maliit pero makapangyarihang social democrats tulad ng Akbayan – ang pabor o nananahimik sa isyung ito. Noong Oktubre, nahimok ang Korte Suprema na maglabas ng tatlong-buwang temporary restraining order para matigil ang implementasyon ng batas. Ibig sabihin, hindi pa tapos ang labang ito.

Honorable Mentions: Kung ikukunsidera na batayang isyu ito at matagal nang hindi pinapansin ng mainstream media sa kanilang pagkober, masasabing malaking bagay ang nabuong pagkakaisa ng iba’t ibang grupo at sektor para ihayag ang pagtutol sa kontraktuwalisasyon sa paggawa at para sa makabuluhang dagdag-sahod. Ito ang Action against Contractualization and Towards Significant Wage Increase Now (Act2Win), na binubuo ng malalaking pederasyon, unyon at sentro ng mga manggagawa sa buong bansa tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Alliance of Filipino Workers (AFW), Federation of Free Workers (FFW), National Labor Union (NLU), Makati Medical Center Employees’ Association, Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) at  Banking and Financial Unions Against BSP Circular 268 (BFU Against BSP Circ. 268).

Kailangang kilalanin din ang pagkakaisa ng iba’t ibang personalidad, pulitiko at grupo para labanan ang taas-presyo ng langis at overpricing dito, sa ilalim ng Coalition Against Oil Price Increases (Caopi). Mahalagang kilalanin din ang pagkakaisang nabuo ng iba’t ibang water districts sa buong bansa para tutulan ang pagsasapribado ng serbisyong tubig, sa ilalim ng Water System Employees’ Response (Water).

Natatanging Progresibong Desisyon, Polisiya o Bagong Batas ng Gobyerno

Bungkalan sa Hacienda Luisita. (KR Guda)

Bungkalan sa Hacienda Luisita. (KR Guda)

Maituturing na signipikanteng desisyon ng Korte Suprema, bago pa mapatalsik sa poder si Chief Justice Renato Corona, ang pagpipinal sa desisyong ipamahagi sa mga manggagawang bukid ang Hacienda Luisita. Walong taon matapos ang masaker sa welga ng mga manggagawang bukid sa lupain sa Tarlac na inaangin ng pamilyang Cojuangco-Aquino, matapos ang pampulitikang panunupil sa kanilang mga lider at miyembro, nagwagi ang mga manggagawang bukid sa kanilang militanteng paggiit sa demokratikong karapatan sa lupa. Sabihin mang resulta ang pabor na boto sa pamumulitika ni Corona (na marahil ay gustong makaiskor kontra sa administrasyon ni Aquino), hindi maitatanggi ang makatwirang ipinaglalaban ng mga manggagawang bukid. Gayunman, tulad ng inaasahan, patuloy na naglagay ng maraming bara sa implementasyon nito ang Korte Suprema at ehekutibo.

Honorable Mentions: Tahimik na naipasa – at nalagdaan ni Aquino ngayong Disyembre – ang Anti-Enforced Disappearance Act of 2012, na nagpapataw ng habambuhay na pagkakakulong sa mga ahente ng estado na sangkot sa pagdukot o sapilitang pagkawala (enforced disappearances). Tulad ng maraming progresibong batas, ibang bagay pa ang usapin ng implementasyon nito. At bagamat usapin ng debate kahit sa hanay ng mga progresibo, matagumpay na naitulak ng progresibong mga mambabatas – at, anuman ang motibo nila, katuwang ang mga kongresista at senador na kaalyado ng administrasyon – ang Reproductive Health Law, o sa salita ni PNoy, ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012. May seryosong reserbasyon ang mga progresibo sa mistulang paninisi ng batas at ng gobyerno sa populasyon ng mahihirap para sa kahirapan. Pero para sa progresibong mga mambabatas, mahalaga pa ring hakbang ang pagpasa sa isang reproductive health law bilang karapatang pantao ng kababaihan at mga mamamayan.

Natatanging Progresibong Opisyal ng Pamahalaan

Jesse Robredo. (KR Guda)

Jesse Robredo. (KR Guda)

May positibong kontribusyon ang pagkakatalaga kay Jesse Robredo bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2010: Matapos ang kaliwa’t kanang pagtatalaga sa puwesto ni PNoy sa personal na mga kaibigan (KKK, kamag-anak, kaklase, kabarilan), nagtalaga rin siya sa gabinete ng isang pulitikong itinuturing ng marami na may magandang rekord ng paninilbihan sa gobyerno. Sa mga mardyinalisadong sektor kabilang ang mga maralitang lungsod, positibong boses si Robredo sa gobyerno. Laging bukas ang pinto sa pakikidiyalogo sa mga maralita, at nagtulak ng moratoryo sa demolisyon noong nakaraang taon si Robredo. Isang tampok na istorya kaugnay ng kanyang pagpanaw noong Agosto 18 ang mga imbestigasyong pinangunahan ng kalihim bago siya pumanaw – na kinasasangkutan, diumano, ng ilang opisyal ng pamahalaan na malapit sa Pangulo.

Honorable Mention: Sa kabila ng kanyang reputasyon bilang ehekutibo ng Davao City na malupit diumano sa pinaghihinalaang mga kriminal ng lungsod, matagal nang itinuturing na alyado ng mga progresibo si Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte. Laging nadudulugan ng mga progresibo, mula sa pakikiisa sa mga isyung pambayan hanggang sa mga tulong-materyal sa panahon ng kalamidad, itinuring din si Duterte na nirerespetong pulitiko ng mga rebolusyonaryo.

Natatanging Progresibong Mambabatas?

Rep. Erin Tanada at Sen. TG Guingona

Rep. Erin Tanada at Sen. TG Guingona

Nagmula sa angkan ng mga progresibo at makabayang pulitiko sina Rep. Erin Tanada at Sen. Teofisto Guingona III. Bagamat kapartido ng Pangulo, sumuway sila sa posisyon ni PNoy sa Anti-Cybercrime Law. Isa rin sila sa mga nangunguna sa pagtulak ng Freedom of Information Bill, na mistulang pinatatagal pa ni Aquino na di-maipasa sa Kongreso – sa kabila ng pangako niya na maipasa ito noong tumatakbo pa lamang siya sa pagkapangulo. Kahanay nina Tanada at Guingona ngayong taon si Sen. Miriam Defensor Santiago, na naging maingay na kritiko ng PH-US Visiting Forces Agreement at ng tumitinding presensiyang militar ng US sa bansa. Siyempre, nangunguna pa ring progresibo sa Kamara ang mga kinatawan ng mga party-list na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis, ACT Teachers at Kabataan.

Natatanging Progresibong Agaw-Eksena

Protesta ng Anakbayan-NCR sa press conference ng Akbayan. (Macky Macaspac)

Protesta ng Anakbayan-NCR sa press conference ng Akbayan. (Macky Macaspac)

Walang duda, kontrobersiyal ang ginawang lightning rally ng Anakbayan sa press conference ng Akbayan noong Oktubre para kondenahin umano ang pagsali sa eleksiyong party-list ng huli. Pero agaw-eksena ito sa lehitimong isyu: ang pagiging malapit at suportadong partido ng Malakanyang ng Akbayan. Kinondena rin ng Anakbayan ang mapanganib na red-baiting (pagbabansag na komunista) sa Anakbayan at iba pang militanteng grupo.

At dahil walang tatapat sa kabataan sa pag-agaw-eksena, Anakbayan at iba pang militanteng grupong pangkabataan din ang agaw-eksena sa pagpapauso ng Noynoying bilang protesta sa kawalang-aksiyon ni Pang. Benigno Aquino III sa batayang mga kahilingan ng mga mamamayan, tulad ng walang habas na pagtaas ng presyo ng langis. Napauso ng kabataan sa social media ang naturang salita, at umabot sa mainstream media. Nakakuha ng reaksiyon ito mula sa pinakamatataas na opisyal at apologists ng administrasyon, at maaaring nakaambag din sa pagtutulak ni Aquino ng Anti-Cybercrime Law.

Honorable Mentions:  Natatanging agaw-eksena rin ang serye ng mga lightning rally sa harap ng embahada ng US para ihayag ang pagtutol sa 4,000-tropang ehersisyong militar ng US at Pilipinas. Nauna ang Gabriela noong Marso, nang sugurin ng kababaihan ang harap ng embahada at marahas silang itulak ng mga pulis. Nahigitan naman ito ng mga kabataan sa pangunguna ng Anakbayan at League of Filipino Students na sinira at sinabuyan ng pintura ang seal ng US Embassy noong Abril. Samantala, agaw-eksena rin ang paggiit ng mga aktibista sa pangunguna ng Bayan na makalapit sa Batasan Pambansa noong protesta sa State of the Nation Address noong Hulyo. Agaw-eksena naman sa internet ang hacking sa government websites na isinagawa ng nagpakilalang Anonymous Philippines para iprotesta ang Anti-Cybercrime Law.

Natatanging Progresibong Panukalang Batas

Protesta kontra sa large-scale mining sa Pilipinas. (Macky Macaspac)

Protesta kontra sa large-scale mining sa Pilipinas. (Macky Macaspac)

Bagamat dati pa ito ipinanukala sa Kamara, tumampok ang People’s Mining Bill, o House Bill 4315 nina Bayan Muna Reps. Teodoro Casino at Neri Colmenares, Anakpawis Rep. Rafael V. Mariano, ACT Teachers Rep. Antonio L. Tinio, Kabataan Rep. Raymond Palatino, at Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emerenciana de  Jesus dahil naging tampok na isyu ang malawakang komersiyal na pagmimina sa bansa. Sa kabila ng malinaw na pagkasira ng kalikasan na dulot ng komersiyal na pagmimina – na nakita sa sunud-sunod na kalamidad ngayong taon – aktibong itinulak ng administrasyong Aquino ang pagmimina bilang polisiya nito. Samantala, sunud-sunod ang pamamaslang sa mga lider-katutubo at maka-kalikasan na tahasang tumututol sa mga proyekto ng large-scale mining. Tumatayong alternatibo ang HB 4315 ng pagmimina na nakatuon sa pambansang industriyalisasyon at paggalang sa karapatan ng mga katutubo at mamamayan, at pangangalaga sa kalikasan.

Natatanging Progresibong Midya

Screenshot ng Facebook page ng Pixel Offensive

Screenshot ng Facebook page ng Pixel Offensive

Sa panahong nagkakapuwang sa tinatawag na social media (Facebook, Twitter, atbp.) ang mga may adbokasiya para sa progresibong pagbabago, umusbong ang ilang Facebook pages, Twitter accounts, blogs, at iba pa, na naglalayong kilitiin ang isip ng madla para suportahan ang progresibong pagbabagong ito. Tampok ngayong taon ang paggamit ng Pixel Offensive sa social media, partikular sa Facebook account nito, para maglabas ng makabuluhan, nakakatawa at probokatibong mga meme. Kalagitnaan ng isyu ng Anti-Cybercrime Law noong Oktubre, halos umabot ng isang milyon ang bumibisita sa pahina ng Pixel Offensive – bago at kahanga-hangang inobasyon para sa mga progresibo na nasa internet. Inilagay ng Pirate Bay, isang sikat na file sharing site, ang meme ng Pixel Offensive laban sa Anti-Cybercrime Law sa kanilang homepage. Minsan na silang sinikap na idawit sa hacking (malamang, ng gobyerno) sa websites ng ilang media outlets­ – patunay na naging epektibo ang Pixel Offensive na asarin ang mga nasa kapangyarihan na nagtutulak ng mga polisiyang kontra-mamamayan.

Natatanging Progresibong Pagtatanghal

"Walang Sugat" na dinirehe ni Carlos Siguion Reyna

“Walang Sugat” na dinirehe ni Carlos Siguion Reyna

Dapat kilalanin ang mahusay at patok na inobasyong ipinakita ng pagsasadula ng “Walang Sugat” ni Severino Reyes noong Agosto. Dinirehe ni Carlos Siguion-Reyna para sa Tanghalang Pilipino, nakitaan ang pagtatanghal ng pagpasok ng impluwensiya mula sa pelikula at mahusay na pagtatanghal at pagpagtugtog/pag-awit para isabuhay ang isa sa seditious Tagalog zarzuelas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Samantala, tampok din sa taon ang pangkulturang pagtatanghal ng “Pitong Sundang” ng Sinagbayan, na ginamit ang paggalaw at pagsayaw bilang tagapagpadaloy ng kuwento ng pakikibaka at pag-aaklas ng mga mamamayang Pilipino. Hindi rin dapat kalimutan ang sorpresang pagtatanghal ng iba’t ibang progresibong grupong pangkultura sa ika-80 kaarawan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera. Pinamagatang “Muy Bien,” angkop na pagkilala sa maraming ambag ni Lumbera para sa progresibong pagbabago ang pagtatanghal na ito noong Abril.

Natatanging Progresibong Pelikula o Bidyo

"Nanay Mameng" at "Migrante"

“Nanay Mameng” at “Migrante”

Napapanahon ang paglabas ng dokumentaryong pelikula ng Kodao Productions na pinamagatang “Nanay Mameng”, hinggil sa matapang na lider-maralita at -kababaihan na si Carmen “Nanay Mameng” Deunida. Dinirehe ni Adjani Arumpac, mahusay na ipinakita ng pelikula ang kasaysayan ng pakikibaka at pagkatao ni Nanay Mameng. Mainam na kilalanin din ang makabagbag-damdaming naratibong pelikula nina Joel Lamangan (direktor) at Bonifacio Ilagan (manunulat ng iskrip) na “Migrante”, hinggil sa paghihirap at pagsasamantalang dinaranas ng mga mamamayang napipilitang lumabas ng bansa para lang mabuhay ang pamilya.

Honorable Mentions: Mahusay at puno ng nakakaaliw at makabuluhang detalye ang dokumentaryong “Ishma” na dinirehe nina Sari Dalena at Keith Sicat at pinrodyus ng Concerned Artists of the Philippines. Mahusay rin, at nakakatindig ng balahibo, ang maikling pelikula/music video na inilabas ng Gabriela at kampanyang One Billion Rising na pinamagatang “Isang Bilyong Babaeng Babangon,” hinggil sa iba’t ibang kaso ng karahasan sa kababaihan.

(Sana makilala rin sa ibang talaan ang mga pelikula at gawang odyo-bisyal na inilabas/tinulungang ilabas ng PinoyMedia Center tulad ng “Puso ng Lungsod” at public service advertisements para sa INDIEpendensya Film Festival, dahil diskuwalipikado rito ang mga gawa namin. – Ed.)

Natatanging Progresibong Libro

"Revolution and Counterrevolution" ni Pao Yu Ching

“Revolution and Counterrevolution” ni Pao Yu Ching

Inilabas ng IBON Books ngayong taon ang libro ng manunulat at intelektuwal na Tsino na si Pao Yu Ching, na pinamagatang “Revolution and Counterrevolution” na inilunsad noong Setyembre. Sinuri ni Prop. Pao ang mga pagbabago sa Tsina mula sosyalismo tungong kapitalismo matapos ang taong 1979. Napapanahon ang libro sa Pilipinas dahil maipapaliwanag nito ang agresyong ipinapakita nito sa South China Sea bilang bansa na nag-aastang imperyalista na, bagamat malayo pa sa lebel ng US.

Honorable Mention: Isa sa tampok na mga progresibo na naglabas ng libro ngayong taon ay ang dating kinatawan ng Gabriela Women’s Party at ngayo’y tagapangulo ng

'Igisa 'Yan!' ni Liza Maza

‘Igisa ‘Yan!’ ni Liza Maza

Makabayan at International Women’s Alliance na si Liza Maza. Sa librong “Igisa ‘Yan! (What’s Cooking in the Philippines?)”, ipinamalas ni Maza ang kanyang husay sa pampulitikang pagsusuri at adbokasiya sa mga isyung pambayan, habang napapalamutian ang mga artikulo ng mahuhusay na mga artwork mula sa iba’t ibang kabataan at kababaihang progresibong artista.

Natatanging Progresibong Sining Biswal

"Himagsik at Protesta"

“Himagsik at Protesta”

Kahanga-hanga ang nabuong eksibit ng Karapatan, Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) at iba pang grupong pangkarapatang pantao sa UP Diliman Main Library Basement na pinamagatang “Himagsik at Protesta”. Tinipon ng eksibit kapwa ang mga memorabilia ng beteranong mga aktbista na magpapaalala sa lagim at paglaban noong Martial Law ni Marcos, at ang mga likhang sining na ekspresyon ng paglaban sa panunupil noon at ngayon. Samantala, mainam na kilalanin din ang artworks na nagbibigay-pugay sa rebolusyonaryong mga lider ng nakaraan. Kaya kahanga-hanga ang paggawa ng grupong Gerilya at iba pang artistang biswal ng mural sa Philcoa, Quezon City na papuri kay Andres Bonifacio. Matapos ang ilang araw, agad na pinatungan ito ng mga vandal – bagay na ikinagalit ng marami. Matapos ang isang buwan, bago ang ika-149 kaarawan ni Bonifacio, muling nagpinta ng mural sa parehong lugar ang Gerilya at iba pang artista. Kahanga-hanga rin ang “UP Heroes Mural”, dalawang mural na likha ni Leonilo Doloricon sa Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Kinatampukan ng dalawang mural ang progresibong mga bayani na mula sa UP, tulad nina Wenceslao Vinzons, Renato Constantino, Voltaire Garcia, Lino Brocka, Antonio Hilario, Jennifer Carino, Antonio Tagamolila, Lorena Barros, Erika Salang, Ian Dorado, Tanya Domingo, Mindaluz Quesada, Lean Alejandro, at iba pa.

Mural kay Andres Bonifacio sa Philcoa overpass (itaas, larawan mula sa Gerilya FB); mural hinggil sa progresibong mga bayani ng UP (ibaba, larawan mula kay Fred Dabu/ UP SIO)

Mural kay Andres Bonifacio sa Philcoa overpass (itaas, larawan mula sa Gerilya FB); mural hinggil sa progresibong mga bayani ng UP (ibaba, larawan mula kay Fred Dabu/ UP SIO)

Natatanging Progresibong Pandaigdigang Pagtitipon

Pangkulturang pagtatanghal sa International Migrants' Tribunal. (Ilang-Ilang Quijano)

Pangkulturang pagtatanghal sa International Migrants’ Tribunal (Pher Pasion)

Naging makasaysayan ang pagsasagawa ng International Migrants Tribunal (IMT) sa Pilipinas noong Nobyembre 28-29 para husgahan ang Global Forum on Migration and Development (GFMD) at mga gobyernong nagpapadala at tumatanggap ng lakas-paggawa ng mga migrante. Inorganisa ng Migrante International, International Migrants Alliance at iba pa, naging tampok ang tribunal sa pagpapakita ng kabulukan ng mga polisiya ng pag-eksport sa paggawa para lang mabuhay ang ekonomiya ng nag-eeksport na bansa. Bukod sa hindi solusyon sa kahirapan ang migrasyon, lalo lamang nitong pinahihirapan ang mga manggagawa at mamamayan. Nilahukan ng mga grupo at indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang IMT.

Natatanging Progresibong Artista

Monique Wilson, nagsalita at umawit sa protesta noong International Human Rights' Day, Disyembre 1, sa Mendiola. (Macky Macaspac)

Monique Wilson, nagsalita at umawit sa protesta noong International Human Rights’ Day, Disyembre 1, sa Mendiola. (Macky Macaspac)

Matagal nang progresibong artista si Monique Wilson. Pero mas tumampok ngayong taon ang kanyang pakikilahok sa iba’t ibang pakikibakang masa at paggamit ng kanyang sining para sa mga pakikibakang ito. Bagamat nakabase sa London, Inglatera, isinabay ni Wilson sa pagkakalahok niya sa produksiyong “The King & I” ang pagpunta niya sa iba’t ibang bahagi ng bansa para i-promote ang kampanyang One Billion Rising – at para makisalamuha na rin sa kababaihan at mamamayan. Sa kanyang mga pananalita sa midya, paulit-ulit niyang ipinaliwanag ang makabuluhang pakikisalamuhang ito sa kababaihang maralita na nagpalalim sa respeto niya sa Gabriela at sa kilusang masa sa Pilipinas. Hindi lamang progresibong artista si Monique Wilson. Isa siyang progresibong aktibista.

Mga sibilyan hinaharas, pinagbibintangang rebelde

$
0
0
Kinokondena ng KMU ang atake sa mga lider-obrero, pati sa mga aktibista at sibilyan. (Kontribusyon)

Kinokondena ng KMU ang atake sa mga lider-obrero, pati sa mga aktibista at sibilyan. (Kontribusyon)

Nagpapatuloy ang mga atake sa karapatan ng mga militante, lider-obrero at kahit sa mga sibilyan. Bago matapos ang taong 2012, iniulat ng iba’t ibang grupong pangkarapatan sa iba’t ibang probinsiya ang panghaharas, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso at pag-aresto sa kanila — sa ngalan ng giyera kontra-insurhensiya ng Oplan Bayanihan.

Isa na rito, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa, si Rico Pepito, pangulo ng unyon sa Foremost Farms Inc. na pag-aari ng dambuhalang negosyanteng si Lucio Tan. Inaakusahan si Pepito na miyembro raw ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Samantala, inireklamo rin ng KMU ang pagsampa sa gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider-obrero nila na sina  Ronald Ian Evidente, tagapagsalita ng KMU-Negros; Roy Velez, tagapangulo ng KMU-NCR; Amelita Gamara, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMU-NCR; at Hermenegildo Marasigan, tagapangulo ng KMU-Southern Tagalog na kinasuhan naman kaugnay sa isang kilos-protesta laban sa militarisasyon sa Timog Katagalugan.

Bago rin matapos ang taong 2012, ilegal na inaresto ng mga militar at kapulisan ang dalawang aktibista sa magkahiwalay na lugar. Inaresto ng mga puwersa ng Philippine National Police Region II si Rene Boy Abiva, isang social worker ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tuguegarao City. Miyembro rin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Cagayan Valley si Abiva.

Inaresto rin ang sibilyang si Oligario Sebas ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police noong Disyembre 25 sa Tubod, Manjuyod, Negros Oriental. Napagkamalan umano si Sebas bilang isang “Felimon Mendrez” na isa raw na “mataas na lider ng NPA” na may  pabuyang  PhP5.25-Milyon.

Panghaharas sa lider-obrero

Dambuhalang kapitalistang si Lucio Tan: Pinoprotektahan ng gobyerno ang interes?

Dambuhalang kapitalistang si Lucio Tan: Pinoprotektahan ng gobyerno ang interes?

Noong Disyembre 28, dalawang naka-sibilyang kagawad ng militar ang pumunta sa bahay ni Pepito at nagtanong sa kanyang asawa sa kanyang kinaroroonan. Nagpakilala umano ang isa sa mga militar na si Samuel Pineda ng Philippine Army.

Bumalik ang mga militar kinabukasan, sakay ng isang motorsiklong may plakang WI-6015. Tinanong si Pepito kung may kaugnayan siya sa isang nagngangalang “Jonas” na responsable raw sa “panghihingi ng revolutionary tax” sa kompanya. Ayon pa sa KMU, tinanong din si Pepito tungkol sa mga aktibidad ng unyon. Ang sabi pa sa kanya, “Masyadong malaki ang hinihingi ninyo sa kompanya. Huwag lang namin malalaman na may kaugnayan kayo sa sinasabi naming tao.”

Sinabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, na tila “buhay na buhay” sa gobyerno ni Aquino ang dati nang taktika ng nakaraang rehimeng Arroyo na iugnay ang mga unyonista sa mga aktibidad ng NPA.

Patuloy pa rin ang panghaharas sa mga lider-obrero na ibinabatay sa aktibidad ng ibang tao.

Sinabi pa ng grupo na may namamayaning tensiyon sa kompanya, matapos magsampa ng apela ang mga manggagawa laban sa ibinigay na eksempsiyon sa kompanya na magbigay ng P30 na Emergency Cost of Living Allowance, gayundin ang paggiit ng mga manggagawa sa iba pa nilang benepisyo na patuloy na ipinagkakait.

“Ginagamit ni Tan ang militar para iharas ang mga manggagawa sa pagtatangka nilang pasukuin ang mga ito,” ani Labog.

Pag-aresto, gawa-gawang kaso

Samantala, ilegal na inaresto ng mga militar at kapulisan ang dalawang katao sa magkahiwalay na lugar bago matapos ang taong 2012.
Inaresto ng mga puwersa ng PNP Region II si Rene Boy Abiva, social worker ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tuguegarao City.

Ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Taripnong-Cagayan Valley, inaresto si Abiva noong Disyembre 28 at kinasuhan ng kasong murder kaugnay sa isang ambus ng NPA sa Tinoc, Ifugao noong Abril 2012. Sa bisa ito ng mandamyento na ipinalabas ng Regional Trial Court 14th Branch sa Lagawe, Ifugao noong Nobyembre 2012.

Pero ipinahayag ng Taripnong-Cagayan Valley na gawa-gawang kaso ang isinampa laban kay Abiva. Anila, kahit pumupunta si Abiva sa malalayong komunidad ng mga mahihirap para magproseso ng mga papeles pasa sa programa ng Conditional Cash Transfer ng DSWD, hindi umano siya umabot sa Ifugao.

“Inaakusahan si Abiva ng pagpatay sa Tinoc, pero hindi siya umabot doon kahit sa pagsisimula ng trabaho niya bilang social welfare officer ng siyudad,” pahayag ng grupo.

Talamak na rin ang pag-aaresto ng mga awtoridad sa mga sibilyan at pinagbibintangang sila’y mga lider-rebelde — para lamang makuha ang pabuya sa pag-aresto sa naturang mga rebelde.

Ayon sa Karapatan-Negros, nagpapahinga si Sebas noong Disyembre 25 nang pasukin ng mga militar ang kubo ng sakiting si Sebas.

Pinakitaan ng mga pulis si Sebas ng warrant of arrest para sa isang “Felimon Mendrez.” Sinabi pa ng grupo na hinalughog din ang bahay ni Sebas at kinumpiska ang telepono ng asawa para hindi makahingi ng anumang tulong para sa biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang biktima sa BJMP District Jail sa Bayawan City.

“Mukhang nagkakandarapa ang administrasyong Aquino at ang militar na magpakita ng kanilang tagumpay sa pagkamit ng kanilang target na paglipol sa mga rebelde sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan. Pero ang resulta nito’y ang mga malala, ilegal at kaduda-dudang pag-aresto at pagsampa ng mga kaso laban sa mga aktibista at indibidwal na tinatagurian nilang mga komunista,” ani Jose Luis Blanco, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Negros.

Barbero ko si tatay

$
0
0
Walang kilalang barbero ang maralitang bata na lalaki kundi ang kanyang ama (o ina). Kahit na anong estilong gupit, kaya. Gusto mo ba ng nauuso? Makita lang ni tatay sa litrato, kayang kaya niyang gayahin. (Kuha sa Brgy. Tatalon, QC ni KR Guda)

Walang kilalang barbero ang maralitang bata na lalaki kundi ang kanyang ama (o ina). Kahit na anong estilong gupit, kaya. Gusto mo ba ng nauuso? Makita lang ni tatay sa litrato, kayang kaya niyang gayahin. (Kuha ni KR Guda sa Brgy. Tatalon, QC)

Lennon Hindi Lenin

$
0
0

May nag-email sa akin ng isang status sa Facebook ni Leloy Claudio, tagapangulo ng Akbayan-Youth. Bungad niya, “Mga kasama sa [Communist Party of the Philippines], patawarin ninyo ako kung takot ako sa mga Leninistang katulad ninyo.” Tapos, sinipi na niya ang sumusunod: “Ang sabi ko sa kanya, ?Vladimir Ilyich, kapag naagaw mo na ang kapangyarihan, sisimulan mong bitayin ang mga Menshevik sa susunod na araw.’ At sumulyap siya sa akin at nagsabi: ‘Pagkatapos mabitay ng huling Socialist-Revolutionary tsaka bibitayin ang unang Menshevik.’ Sumimangot siya at pagkatapos nito’y tumawa.”

Hindi sinabi ni Claudio kung saan sinipi ang naturang kwento. Propaganda kayang anti-Lenin o anti-Komunista? Wala rin siyang paliwanag kung bakit ang sinabing ito ni Lenin, kung totoo nga, ay dapat paniwalaan at maging dahilan para katakutan ang mga Komunista sa Pilipinas. Sapat na bang ipagpalagay na kung nakapagbiro si Lenin nang ganito ay balewala sa kanya ang buhay ng mga katunggali? Wala ring pagsangguni sa mga prinsipyo at kasaysayan ng CPP kung may batayan ang haka-hakang papatayin nito ang mga katunggali kapag nagtagumpay. Sapat na ba ang dahilang Leninista ito?

Sa mga dokumento ng CPP noong Ikalawang Dakilang Pagwawasto, sa unang hati ng dekada ’90, sinabing ang pagbasura kay Stalin ay pagbasura rin kay Lenin. May hirap sigurong paniwalaan ang ganitong pagsusuri noon, sa panahong nasa rurok ng pagpapanggap ang mga tumutuligsa kay Stalin. Pero makikita kay Claudio, anak ng Akbayan na hindi saksi sa naturang pagwawasto, ang katuparan ng pagsusuri ng CPP: Lantad na siyang anti-Lenin at anti-Komunista. May sulatin nga siyang sumasamba sa mga susing anti-Komunistang awtor na laman ng arsenal ng propagandang Cold War.

Malamang, ipinagpapalagay ni Claudio na alam ng mga kaibigan niya sa Facebook ang mga “krimen” ng CPP, tampok ang maramihang pagpatay bunsod ng histerya laban sa mga pinaghinalaang paniktik ng militar na nakapasok sa hanay nito noong dekada ’80. Pero malaki man ang pinsala nito, maliit na seksyon lang ito ng kasaysayan ng CPP. Hindi masasabi, kung magiging tapat lang sa mga datos, na ang kasaysayan ng CPP ay kasaysayan ng pagpatay sa mga katunggali nito, lalo na sa labanang pang-ideolohiya. At mapapatunayang hindi mauugat ang krimen sa Leninismo, kundi sa paglabag nga rito.

Ang kakatwa, ang mga promotor ng naturang mga pagpatay ay kahanay ni Claudio sa pagiging anti-Komunista at lider at kaibigan pa nga ngayon ng Akbayan. Sila ang nag-utos ng madudugong kampanyang anti-impiltrador at ang iba’y personal pang sangkot sa pagtortyur sa mga biktima. Para pagtakpan ang kanilang krimen, nagwala sila laban sa pamunuan ng CPP, nagpakilalang mga tunay na “Leninista” at gumamit ng bansag na “Stalinista.” Inakusahan nilang diktador ang mga pumuna sa kanila gayung sila itong may dugo sa mga kamay at ayaw tumanggap ng pagkakamali at ayaw ring magwasto.

Halos ipaghiyawan ni Claudio ang pagiging akademiko at historyador pero hindi papasa sa matalisik na pagsusuri ang marami niyang pahayag. Agad tutuligsaing “bulgar” o “krudo” ng mga kapanalig niya ang ganitong pagsusuri kung galing sa Kaliwa, pero naglulumublob sila sa ganitong abuso laban sa Kaliwa. Nagsikap siyang sumikat sa pagtuligsa kay Sen. Tito Sotto sa isyu ng plagiarism, pero kakatwa rin ang kawalan ng rigorosong pagsusuri ng mga nagpapakilalang edukado, lalo na’t patungkol sa isang Kilusang pinaglalaanan ng buhay ng marami, tampok ang mismong masang Pilipino.

Halatang hindi dumaan si Claudio sa disiplina ng talakayan, pagpaplano at pagtatasa tulad ng mga Leninistang tinutuligsa niya. Tiyak, hindi niya makukuha ang pag-iiba ni Mao Zedong na nagsabing hayaang magpayahag ang mga reaksyunaryo basta’t hindi sila pumapatay. At hayan na nga: mga kabataan ng Akbayan na kumbaga’y mura ang bili sa kanilang anti-Komunismo. Hindi naging bahagi ng CPP tulad ng kanilang mga nakakatanda, walang malalimang pag-aaral sa kanilang sinasabi, todo-kagat sa mga anti-Komunistang paninira kahit galing sa ultra-Kanan, mas dikit sa dominanteng ideolohiya ng Ateneo kaysa aktibismo ng UP, mas kilala si Lennon kaysa kay Lenin.

03 Enero 2012

Bago magbagong taon, organisador ng mga guro sa Cagayan, inaresto

$
0
0
Rene Boy Abiva, nagbagong taon sa piitan sa Cagayan. (Mula sa kanyang FB account)

Rene Boy Abiva, nagbagong taon sa piitan sa Cagayan. (Mula sa kanyang FB account)

Pinanawagan ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang agarang pagpapalaya sa ikinulong na ogranisadong ng mga guro sa Tuguegarao City, Cagayan noong Disyembre 28.

Inaresto si Rene Abiva, 23-anyos, isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang organisador ng ACT Teachers Party-list, ng Philippine National Police Region 2 Intelligence Division. Sinampahan siya ng kasong murder na konektado sa isang engkuwentro ng militar sa New People’s Army sa Tinoc, Ifugao noong Abril 2012.

Kinondena ni Tinio ang patuloy na pagsasampa ng mga awtoridad ng gawa-gawang mga kasong kriminal laban sa mga aktibista.

“Paano masasangkot si Abiva sa sinasabing krimen, kung sa panahon ng insidente sa Tinoc siya ay nagpapatuloy sa kanyang trabaho bilang municipal liaison officer ng DSWD para sa programa nitong conditional cash transfer?” ayon kay Tinio.

Kinondena ni Tinio ang panghaharas sa mga aktibista bilang bahagi umano ng kontra-insurehensya ng administrasyong Aquino na Oplan Bayanihan.

“Ang gawa-gawang kasong ito laban kay Abiva ay dapat ibasura at agad siyang palayain,” dagdag ni Tinio.

Dagdag ni Tinio, ang PNP sa ilalim ni Aquino ay responsable sa taktikang pagsasampa ng mga gawa-gawang kriminal na kaso sa progressibong mga aktibista upang iharas, ikulong, o bigyang alinlangan ang kanilang partisipasyon sa pag-oorganisa at paglaban para sa mga isyu ng mga mamamayan.

Ibinigay na halimbawa ni Tinio si Agnes Mesina, isang human rights activist at taong-simbahan na inaresto rin sa Tuguegarao ng PNP sa kasong murder at ikinulong bago siya makapagpiyansa.

`Noynoying’ bilang salita ng taon?

$
0
0

Wala akong kapangyarihang magtakda pero may karapatan naman akong mag-akda!

Hindi pa huli ang lahat para hikayatin ang mga eksperto sa wikang Filipino na gawing salita ng taon ang “noynoying” kahit na naging popular ito noong Marso 2012 at hindi na ito masyadong ginagamit ngayon. Pero ang anumang kakulangan nito sa popularidad ay natutugunan naman ng pagiging angkop nito sa kasalukuyan at sa malapit na hinaharap. Kung tutuusin, mas napapanahong maging salita ng taon ito ngayong 2013 dahil sa mangyayaring eleksiyon sa Mayo.

Simple lang ang aking argumento: Ang “noynoying” ay nagsusuma sa mga ginagawa at hindi ginagawa ng mga nasa kapangyarihan. Ito ay salitang walang direktang salin sa anumang dayuhang wika dahil ito ay binuo sa kasalukuyang Pilipinong konteksto. Magiging susing usapin ang “noynoying” sa darating na halalan lalo na kung magkakaroon ng kolektibong pagsusuri sa mga polisiya’t programa ng kasalukuyang administrasyon.

Depende sa politikal na paninindigan, maaaring maging negatibo o positibo ang pakahulugan sa salitang “noynoying.”

Para sa mga bumabatikos sa administrasyong Aquino, ang “noynoying” ay hindi pagtugon ng pamahalaan sa panawagan ng mahihirap hinggil sa maiinit na isyu ng lipunan – itaas ang badyet sa edukasyon at iba pang batayang serbisyo; ibaba ang presyo ng langis at ibasura ang oil deregulation law; itaas ang sahod; itaguyod ang kaseguruhan sa trabaho; itigil ang paglabag sa karapatang pantao; ibasura ang cybercrime law; at marami pang iba.

Para sa mga sumusuporta sa administrayon, ang “noynoying” ay isang indibidwal na nagsasabi ng katotohanan at ginagawa ang tama’t matuwid. Kung paniniwalaan nga ang isang opisyal, ang “noynoying” diumano ay buhay na katibayan kung paano magtrabaho ang Pangulo (“living testimony of how the President works”).

Politikal para sa mga kritikal, personal para sa mga tagapagtanggol. Malinaw na ang depenisyon ng “noynoying” para sa mga kumokontra sa administrasyon ay sa balangkas ng estruktura. Para naman sa mga pumapanig sa rehimen, tinitingnan ang “noynoying” bilang simpleng pang-aalipusta kay Pangulong Noynoy Aquino.

Dahil pinauso ng mga kumokontra, hindi nakagugulat na isipin ng mga sumusuporta sa Pangulo na ang “noynoying” ay simpleng black propaganda lalo na’t may eleksiyong mangyayari sa Mayo 2013. At sa darating na halalan, inaasahang magiging usapin ang epekto ng mga patakaran sa mga mamamayan. Mangyayari ang tunggalian hindi lang ng estadistika kundi ng retorika.

Saan papasok ang salitang “noynoying” sa gitna ng debate sa panahon ng kampanya? Higit pa sa simpleng meme o hashtag, ang salitang ito ay dapat tingnang isang pagsusuma sa pinagdaraanan ng mga pinagkaitan. Kahit na pinipilit na bigyan ito ng positibong kahulugan ng mga nasa kapangyarihan, hindi pa rin maitatangging mas nangingibabaw ang negatibong kahulugan dahil ang nagpasimula’t nagpalaganap ng salitang ito ay ang mga kritikal sa administrasyon.

Sa puntong ito, mainam na magbigay ng simpleng depenisyon ng “noynoying” hindi lamang batay sa mga naibigay na noon pang 2012 kundi batay na rin sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Para sa akin, ang “noynoying” ay pagtalikod sa interes ng mga pinagkaitan at pagyakap sa interes ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ito simpleng kawalan ng aksiyon sa karaingan ng mahihirap dahil ito ay pagkilos (lantaran man o hindi) nang kontra sa kanila.

Lalong hindi tinutukoy ng “noynoying” ang katamaran o katangahan ng mismong Pangulo. Malinaw kasi ang hangarin niya at ng kanyang administrasyong isulong ang mga polisiya’t programang sumasagasa sa interes ng mga tinaguriang boss niya. At lalong mas malinaw ang layuning pakinabangan ang benepisyo ng pagiging makapangyarihan.

Sa madaling salita, iba ang tamad at tanga sa gahaman at oportunista.

Dahil mauubos ang espasyo kung ililista lahat ng mga kontra-mamamayang polisiya’t programa ng pamahalaan, mainam na tutukan na lamang muna ang usapin ng sahod, trabaho at karapatan. Mula nang maupo si Pangulong Aquino sa puwesto noong Hunyo 30, 2010, hindi pa naipapasa ang batas na nagbibigay ng across-the-board wage and salary increase sa mga manggagawa; malawakan pa rin ang kontraktwalisasyon; wala pa ring disenteng trabaho ang marami sa mga mamamayan; at patuloy pa rin ang paglabag sa karapatang pantao, kasama na ang pagpatay sa mga aktibista’t peryodista.

Dito nagiging mahalaga ang salitang “noynoying” dahil kayang-kaya nitong sumahin ang ebidensiya ng kawalan ng hustisya, pati na ang kawalan ng pagbabago mula nang maupo sa puwesto ang kasalukuyang Pangulo.

Hindi personal kundi politikal. Hindi black propaganda kundi katotohanan. Progresibo ang depenisyong nararapat sa “noynoying” dahil ito ang tawag ng ating panahon. Halina’t gawin natin itong salita ng taon!

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

Alan Jazmines, nakabisita sa burol ng ina, muling iginiit ang kanyang kalayaan

$
0
0

Sa tulong ng kanyang mga abogado, pinayagan ng korte ang bilanggong pulitikal na si Alan Jazmines na bumisita sa burol ng kanyang ina na si Cristina V. Jazmines, 92-anyos, na namatay noong Enero 1, 2013.

Tatlong oras siyang nakalabas sa piitan sa Bicutan para bumisita sa burol ng kanyang ina sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth. Sinamahan si Jazmines ng dalawang van ng armadong jail officers. Buong panahong nakaposas siya.

Nagkaroon ng necrological service, at nakapagsalita si Jazmines. Aniya, nagpapasalamat siya sa mga abogado niya sa pagpapayag sa korte na pansamantalang makabisita siya sa burol ng kanyang ina.

Sinabi ni Jazmines na sinuportahan siya ng kanyang ina sa mga pagkilos niya, maging noong umanib siya sa kilusang underground. Kahit umano negosyante ang ina, pumayag siyang ipasailalim sa repormang agraryo ang kanilang lupain sa Ilocos Norte nang walang kapalit.

Sa ilang beses na pagkakulong ni Jazmines, noong panahon ng batas militar at ngayon, regular daw na dumadalaw sa kanya ang kanyang ina sa kulungan.

Ang huling pagkakataon na sila ay nagkita na si Allan ay nasa laya ay sampung taon na ang nakaraan.

Masaya si Jazmines na makita ang maraming kamag-anak at mga kaibigan at kaklase sa Ateneo de Manila sa burol. Kabilang dito si dating Department of Education Sec. Edilberto de Jesus.

Sa kanyang pananalita, muling iginiit niya na dapat palayain siya ng administrasyong Aquino. Isa si Jazmines sa 12 konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na hinihiling ang kagyat na pagpapalaya sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusan at gobyerno.

Teksto ni Pom Cahilog-Villanueva | Kuha ni Pom Cahilog-Villanueva at ng Arkibong Bayan

Tatlong oras na nakabisita ang bilanggong pulitikal at konsultant ng NDFP na si Alan Jazmines sa burol ng kanyang namayapang ina sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City. (Pom Cahilog-Villanueva)

Tatlong oras na nakabisita ang bilanggong pulitikal at konsultant ng NDFP na si Alan Jazmines sa burol ng kanyang namayapang ina sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Sinabi ni Jazmines na mahigpit na tagasuporta ng kanyang mga ipinaglalaban ang kanyang ina. (Pom Cahilog-Villanueva)

Buong-panahong nakapasosas si Jazmines at katabi ng armadong bantay sa pagbisita niya sa burol ng kanyang ina. (Arkibong Bayan)

Buong-panahong nakapasosas si Jazmines at katabi ng armadong bantay sa pagbisita niya sa burol ng kanyang ina. (Arkibong Bayan)

Binati si Jazmines ni Bienvenido Lumbera, pambansang alagad ng sining, na bumisita rin sa burol ng ina ni Jazmines. (Arkibong Bayan)

Binati si Jazmines ni Bienvenido Lumbera, pambansang alagad ng sining, na bumisita rin sa burol ng ina ni Jazmines. (Arkibong Bayan)


Kuntil-butil sa parangal at takilya ng 38th Metro Manila Film Festival Philippines

$
0
0

The 38th Metro Manila Film Festival

Masyado nang maalingasngas ang nakaraang 2012 Metro Manila Film Festival Philippines sa kaso ng mga parangal at paghakot sa takilya ng mga opisyal na kalahok sa pestibal na ito.

Walo ang kasali sa una nang nakagisnang pista ng pelikulang Pilipino tuwing Disyembre samantalang tatlong taon lang ang nakakalipas kung kailan inilunsad ang kategoryang New Wave para sa mga itinuturing na “independent” o “indie” na ewan kung bakit may klasipikasyon pa samantalang pare-pareho lang namang pelikula ang mga ito.

Gayunman, lima ang kasali sa New Wave category na ipinalalabas isang linggo bago mag-Pasko pagkatapos naman ay ang walong pelikula ang itinatanghal.

Sumapit hanggang ika-8 ng Enero, 2013 ang pagpapalabas ng walong pelikula na kinabibilangan ng “Sinapupunan (Thy Womb)” ng Centerstage Productions sa direksyon ni Brillante Mendoza, “Shake, Rattle & Roll 14” ng Regal Entertainment sa pamamahala ni Chito Roño; “Sosy Problems” ng GMA Films sa direksyon ni Andoy Ranay; “El Presidente The Emilio Aguinaldo Story” ng Scenema Concept International na idinirek ni Mark Meily; “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” ng M-Zet Productions, OctoArts Films at Imus Productions sa direksyon ni Tony Reyes; “Sisterakas” ng Star Cinema at Viva Entertainment na pinamahalaan ni Wenn V. Deramas; “One More Try” ng Star Cinema sa direksyon ni Ruel Bayani at “The Strangers” ng Quantum Films sa pamamahala ni Lawrence Fajardo.

Noon namang bago mag-Pasko, mula ika-18 hanggang ika-24 ng Disyembre ay itinanghal sa mga sinehan ang “Ad Ignorantiam” ni Armando “Bing” Lao, “Paglaya sa Tanikala” ni Michael Angelo Dagñalan, “Gayak” ni Ronald Bertubin, “In Nomine Matris (In the Name of the Mother”” ni Will Fredo at “The Grave Bandits” ni Tyrone Acierto.

***

Ginawaran ng mga parangal ang mga natatangi at sinukat naman ang birtud ng bawat lahok sa takilya.

Nangunguna sa box-office ng Magic 8 ang “Sisterakas” samantalang kalat-kalat naman ang pinagmulan ng mga parangal mula saw along pelikula.

Pero bakit parang hindi intresado ang mga tao sa loob at labas ng showbiz sa mga nangunguna sa takilya sa New Wave samantalang opisyal din naman ang pagtatala ng mga ulat na pinansiyal dito sa mga sinehan?

Ito kaya ay dahil alam na ng mga kinauukulan na wala pang merkadong malawak at malaki ang New Wave?

Sumasakay lang ba ang MMFFP sa uso at sa kapangyarihan ng New Wave cinema kaya may puwang ito sa pestibal para sabihing sinusuportahan nito ang malalayang manggagawa ng pelikula at sakali at kumita na o kaya ay panoorin ito ng mas nakararaming publiko ay mas lalawak ang papel ng organisasyon sa kabuluhan ng pelikulang hindi tipikal bilang industriya?

Bakit hindi tulungan ng MMFFP na ibenta nang agresibo ang mga New Wave sa paglalagay ng anunsyo ng mga ito sa telebisyon, radyo, pahayagan, magasin at iba pang midyum?

Bakit hindi sila maglaan ng pera sa advertising nito?

Dahil kung tutulungan din ng mga higanteng marketing group ang New Wave na maitinda sa mas nakakaraming Pilipino ang mga produkto nito ay tiyak na marami ring manonood ng mga ito.

Kahit na mataas ang presyo ng mga patalastas sa malalaking istasyon ng telebisyon, kung maglalaan lang ng budget sa promosyon ng New Wave, makakamtan ang isa pang pangako ng pelikula para sa pagmumulat sa sambayanan.

Pero hindi prayoridad ng MFFPP ang pagtitinda nang matindi sa New Wave dahil ang pinagkakaabalahan lang ay ang Magic 8 na tampok na mga pelikula.

Sayang.

Magmumula rin sa gobyerno—at ang MMFFP ay nasa ilalim ng pamahalaan—ang ikapagtatagumpay ng mga pelikula.

***

Nakatutok lang sa Magic 8 ang mas malaking porsyento ng advertising at promotion ng MMFFP at katuwang pa rito ang kooperasyon ng malalaking produksyon na may kasosyong malalakas at matitindi sa dami ng mga parukyano na mga istasyon ng telebisyon.

Pelikula ring Filipino ang New Wave at repleksyon ito ng tunggalian ng mga paaralan ng mga kaisipan sa lipunang nagbabanggaan ang mga interest at ideya para sa kung kani-kaninong kapakanan, karaniwan ay sa kagalingan ng iilan.

Kung puwede nga ay huwag nang tawaging New Wave ang mga pelikulang nasa ilalim nito kundi pelikula lang.

Kahit na sabihing marketing din ang paggamit ng pangalan at tatak na New Wave, mas kapana-panabik na tawagin na lang silang lahat na pelikula mula kay “Enteng Kabisote” hanggang sa usapin ng hustisya sa obra ni Armando Lao.

***

May mungkahi nga si Mike Feria, kilala rin sa tawag na Mauro Tumbocon, Jr., isang doktor na medikal at nakabase sa San Francisco, California pero patuloy na nagtataguyod ng pelikulang Pilipino.

Si Mike ay orihinal na tagapagtatag ng respetadong Young Critics Circle (YCC) na nagsimula sa Kritika.

Dati ring kasapi si Feria ng kagalang-galang at pinaniniwalaang Manunuri ng Pelikula Pilipino (MPP).

Ayon kay Mauro, panahon na para alisin sa Metro Manila Development Authority ang MMFFP at ilipat sa pribadong grupo na mamamalakad nito.

Sa gayon, ani Tumbocon, maiiwasan ang subhektibo, kuwestyunable at maalingasngas na resulta sa pagpaparangal sa awards night kabilang ang iba pang aspeto ng pagdiriwang.

***

Bakit hindi ipaubaya sa MPP ang MMFFP dahil subok na sa kredibilidad ang Urian?

O kaya ay sa YCC na nagkamit na rin ng kredibilidad sa paglipas ng panahon?

Ang mga ganitong organisasyon ang dapat mamalakad sa mga gawaing panshowbiz kabilang ang pestiba ng mga pelikula.

Nasukat na ang mga pilosopiya ng mga miyembro nito sa pag-uri sa pelikula kaya may pag-asang umunlad at pangalagaan ang industriya ng pelikula para sa pagtangkilik sa sambayanan.

10 mahahalagang istorya na pinalampas ng midya noong 2012

$
0
0

Mahalaga, ngunit nagkulang sa pansin. Tinipon ng Pinoy Weekly ang mga istorya noong 2012 na tinataguriang “underreported” o hindi nabigyan ng midya ng sapat na espasyo (sadya man o hindi) sa kanilang mga ulat bilang isyu o kaganapang dapat alam ng publiko. Nabigyan sana ang publiko ng kumpleto at mas tumpak na larawan ng ating pambansang kalagayan sa pamamagitan ng pagpapatampok sa mga istorya at perspektibang ito mula sa mardyinalisadong mga sektor ng lipunan.

(Basahin ang 10 istoryang pinalampas ng midya noong 2009, 2010 at 2011)

Ang sampu, walang partikular na pagkakasunud-sunod.

Ang Two-Tiered Wage System at lalong pagbarat sa sahod ng mga manggagawa

Protesta kontra sa two tiered wage system (Macky Macaspac)

Protesta kontra sa two tiered wage system (Macky Macaspac)

May dahilan kung bakit hindi interesado ang malalaking korporasyon ng midya na ibalita ang dumadausdos na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino: Ang may-ari ng mga kompanyang ito ay ilan sa pinakamalalaking negosyante sa bansa. Nasa interes ng mga may-ari na ito na huwag ibalita ang mga istorya na nagpapakita ng ibayong pagsasamantala ng mga manggagawa, dahil sila rin ang maysala sa pinakamalulupit na atake sa karapatan sa paggawa.

Maliban sa seremonyal na pagbabalita ng implementasyon nito, hindi ipinaliwanag ng midya at binigyan ng karampatang pokus ang two-tiered wage system. Sa iskemang ito, may dalawang paraan para itakda ang sahod ng mga  manggagawa. Una, ang tinatawag na floor wage na batay umano sa poverty threshold ng rehiyon – ito ang ibibigay sa mga manggagawa, sa halip na minimum wage. Pangalawa, may tinatawag na productivity wage na nakabase umano sa produktibidad ng kompanya.

Sabi ng maraming grupong tagapagtaguyod ng karapatan sa paggawa tulad ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), malinaw na ibinibigay nito nang buung-buo sa mga kapitalista ang karapatang magtakda ng sahod.

Nang ipatupad ang iskemang ito sa Timog Katagalugan, nakita ng mga manggagawa kung papaano lalong pinababa ng mga kapitalista at gobyerno ang sahod nila. Sa Calabarzon, itinakda na may P255 floor wage ang mga manggagawa – mas mababa ito sa dati nang P337 na minimum wage sa lugar.

Isa lamang ang two-tiered wage system sa pinakamalupit na mga atake sa karapatan ng mga manggagawa, ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa. Anila, ang patakarang kontraktuwalisasyon sa paggawa, pagharang sa panukalang P125 na makabuluhang dagdag-sahod, at iba pa, ang ilan lamang sa nagpapanatili sa pagkalugmok sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sa kabila ito ng ipinagmamalaking paglago raw sa ekonomiya ng bansa.

Atake sa mga benepisyo ng mga kawani

Protesta ng mga kawani ng NHA. (KR Guda)

Protesta ng mga kawani ng NHA. (KR Guda)

Nagrali sila sa harap ng Malakanyang. Nagpiket sa kani-kanilang mga opisina. Sumayaw ng Gangnam Style sa Quezon City Memorial Circle. Hinarangan ang trapik sa EDSA. Nagrali nang nagrali. Nangalampag. Nag-lobby sa mga mambabatas. Pero nananatiling bingi ang administrasyong Aquino sa panawagan ng mga kawani ng gobyerno na itigil ang mga atake sa kanilang mga benepisyo na matagal nang ipinaglaban.

Nandiyan ang paglagay ng Department of Budget and Management ng cap sa insentibong maaaring matanggap ng mga kawani ng iba’t ibang ahensiya, kabilang pa ang nasa serbisyong pangkalusugan. Sang-ayon ito sa Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng mga unyon ng gobyerno at ng administrasyon. Pero tila walang interes ang administrasyon ni Aquino na respetuhin ang naturang mga kasunduan.

Sinabi pa ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), tinanggal pa ng administrasyong Aquino ang katiting na mga alawans nila, tulad ng rice allowance, subsistence allowance, longevity pay, food basket allowance, laundry allowance, at hazard pay.

Marami sa kanila ang naikomit na ang kanilang yearend bonus at 13th month pay sa pagbayad ng mga utang, sabi ni Ferdinand Gaite, pangulo ng Courage, sa isang rali sa Mendiola noong Disyembre. Dahil sa hirap ng buhay at malinaw na pagpapahirap sa kanila ng administrasyon, lumalawak ang diskuntento sa rank-and-file na hanay ng mga empleyado ng gobyerno.

Isama pa rito ang patuloy na pagkibit-balikat ng mga alyado ng Palasyo na dominanteng puwersa sa Kamara at Senado sa panukalang P6,000 across-the-board na dagdag sa kanilang mga suweldo, pati ang pagtanggi sa Courage Party-list na tumakbo sa halalang party-list ngayong 2013 — maaasahan ang higit pang pagbulwak sa kalsada ng galit ng mga kawani.

Sana lang, pansinin at ilabas ng mainstream media ang kanilang mga hinaing.


Relief at rescue efforts ng mga organisasyong masa

Relief efforts ng Kabataan matapos ang baha dulot ng habagat. (Pher Pasion)

Relief efforts ng Kabataan matapos ang baha dulot ng habagat. (Pher Pasion)

Maliit man ang rekurso kumpara sa gobyerno, malalaking TV network at mga nongovernment organization (NGO) na nagsasagawa ng rescue at relief efforts tuwing hahagupit ang malakas na bagyo, hindi matatawaran ang ibinuhos na lakas ng iba’t ibang organisasyong pangmasa sa pag-abot sa mga nasalantang komunidad, lalo na ‘yung pinakamalalayo at pinababayaan na ng gobyerno at pribadong mga organisasyon.

Hindi lamang relief goods na pantawid sa iilang araw ang inaabot na tulong ng mga organisasyong ito. Ang mas mahalaga, at mas nakatatagal ang epekto, ay ang sinserong pagpapaunawa nila sa mga salik ng pagbaha at pagguho ng lupa—ang malawakang pagkasira ng kalikasan, kawalan ng suporta ng gobyerno, at inhustisya—at ang pagpapaniwala sa kanilang sariling lakas laban sa lahat ng mga nananalanta, puwersang natural man o panlipunan.

Sa Gitnang Luzon noong Bagyong Gener, kung saan 1.2 milyon katao ang natamaan, nanguna ang Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon, Kalikasan, at iba pa sa pagtulong sa maliliit na magsasaka at mangigisda, kasabay ang pag-oorganisa sa kanila. Sa Mindanao noong bagyong Pablo, Balsa Mindanao naman ang humagod sa malalayong bayan sa mga probinsya ng Compostela Valley, Davao Oriental, at Surigao del Sur. Kadalasa’y wala sa harap ng kamera ang pagtulong, tulong na galing rin sa kapwa-mahihirap o progresibong mga indibidwal o grupo na malalim ang pag-unawa sa mga ugat at pangmatagalang solusyon sa kahirapan. Kaiba ito, halimbawa, sa relief efforts ng militar na ginagamit ang pagkakataon para kabigin papalayo ang mahihirap sa kapwa nila mahihirap, o sa mga TV network at NGO na biktima lamang ang trato sa mga nasalanta.

Pang-ekonomiyang interes ng US sa West Philippine Sea/South China Sea

Mga US navy vessel sa South China Sea, sa isang ehersisyong militar na Balikatan. (US Navy photo)

Mga US navy vessel sa South China Sea, sa isang ehersisyong militar na Balikatan. (US Navy photo)

Noong 2012, isa sa pinakamalalaking pumutok na isyu ang pag-aari sa Spratly Islands sa West Philippine (o South China) Sea.

Mabilis na umusbong at madaling napaypayan ng administrasyong Aquino at ng midya ang sentimyento kontra sa Tsina, na arogante rin ang timpla ng mga pampublikong pahayag. Sinunggaban naman ni Aquino ang pagkakataon para ipatanggap sa publiko ang mas maigting pang militar na presensiya ng Estados Unidos sa bansa. Sinabi na ng US na hindi ito papanig sa usapin ng Spratlys—sa madaling salita, na hinding-hindi nito gigiyerahin ang Tsina, na bilang karibal ay pinakikinabangan niya sa larangan ng ekonomiya, para lamang dumepensa sa maliit na bansang gaya ng Pilipinas. Gayunpaman, tuwang-tuwa ang US sa pagkakataong ipalabas ang sarili bilang tagapagligtas at tagapagtanggol ng maliliit.

Maya’t maya sa balita ang hinggil sa pagdaong ng mga barko o submarino ng Estados Unidos sa iba’t ibang daungan sa bansa. Maya’t maya sa balita ang pagdating ng libu-libong tropang Amerikano para sa military exercises, o panibagong aktibidad sa pinasisigla muling baseng US sa Subic (kabilang na ang pagtatapon ng toxic waste sa ating karagatan). Pero ang galit sa mas matinding paglabag sa pambansang soberanyang ito, wala sa sentimyentong binubuo ng administrasyong Aquino at ng midya. Hindi sinisilip ng midya ang mas malaking ganansiyang militar at pang-ekonomiya ng Estados Unidos sa paglabas-masok nito sa Pilipinas na tila isa niyang teritoryo, gaya ng nilalabanan nating pag-angkin ng Tsina sa Spratlys, gayundin ang paglabag nito sa soberanya ng bansa.

Sa halip, tinanggap ng midya ang mababaw na kabalintunaan ng pagiging “pulisya ng mundo” ng US bilang dahilan ng pagpihit nito sa Asya Pasipiko. Sa ganitong paraan naimaskara ang imperyalistang intensiyon ng gobyernong US na lalong sakupin ang mga merkado sa rehiyon at supilin ang anumang progresibo o rebolusyonaryong kilusan na bumabangga sa monopolyo kapitalistang kaayusang itinataguyod at totoong ipinagtatanggol nito.

Epekto ng pagmimina sa kalikasan, pagpapalala nito sa mga kalamidad

Protesta kontra sa bagong mining executive order ni Aquino. (Soliman Santos)

Protesta kontra sa bagong mining executive order ni Aquino. (Soliman Santos)

Dama ng Mindanao ang isa sa pinakamalupit na trahedya sa kasaysayan nito matapos humagupit ang bagyong Pablo noong nakaraang taon. Ang hindi masyado sinisiwalat, malawakang pagmimina at pagtotroso ang dahilan kung bakit nangyari ang trahedya sa ilang mga bayan sa Mindanao. Namayagpag ang paninisi ng gobyerno sa global warming, kawalan ng kahandaan, at kahit ang maliliit na minahan at iba pang dahilan. Hindi naiulat ang pinsalang dulot ng malawakang pagmimina na isa sa mga sanhi ng pagkasira ng kabundukan at kagubatan na siyang nagdudulot naman ng papalalang epekto ng mga natural na kalamidad.

Hindi rin naman ito kataka-taka lalo’t pabor ito sa dayuhang mga kompanya ng pagmimina na siyang pangunahing kliyente ng administrasyong Aquino sa pagbebenta ng likas na yaman ng bansa. Nag-uunahan ang lokal at dayuhang mga kompanya ng pagmimina sa yamang-mineral ng bansa, kung itatambol sa midya ang mapangwasak na katangian ng pagmimina, mawawala ang dayuhang pamumuhunan na ipinangangalandakan ni Pangulong Aquino na umano’y lilikha ng maraming trabaho.

Bukod sa pagkasira ng kabundukan at mga kagubatan ng bansa dahil sa pagmimina, hindi rin masyadong naibalita ang pamamaslang, panghaharas sa mga mamamayang tutol sa pagmimina na nagsisilbing bahagi ng programang kontra-insurhensiya ng gobyerno, ang Oplan Bayanihan. Sa tala ng mga grupong makakalikasan, mahigit sa 20 ang pagpaslang sa mga makakalikasan na naganap sa mga lugar kung saan may pagmimina na binabantayan ng mga sundalo ng gobyerno.

Itinuring ng mga makakalikasan na ang taong 2012 ang pinakamapanganib para sa mga anti-minang aktibista subalit hindi naman naibalita ang karamihan sa mga insidente ng karahasan laban sa kanila.

Bangis ng Oplan Bayanihan

Pagsiwalat sa mga abuso ng militar sa Timog Katagalugan. (Kat Elona)

Pagsiwalat sa mga abuso ng militar sa Timog Katagalugan. (Kat Elona)

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nakapagtala ang Karapatan ng ilegal na pag-aresto na nakabatay sa gawa-gawang mga kaso laban sa 23 katutubong mamamayan, empleyado ng gobyerno, at iba pang indibidwal. Itinuturong salarin ang Oplan Bayanihan, ang polisiyang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino. Pero hindi naging matunog sa midya ang mga balitang ito.

Ayon pa sa grupo, mukhang nagkukumahog ang militar sa kanilang pagpapakita ng itinuturing nilang tagumpay sa pagwawakas daw sa rebolusyon sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan. Sa kabila ng retorika ng pagkakawanggawa o pagbabayanihan sa mga maralita, naging mabangis ang Oplan Bayanihan, at nagreresulta sa pag-aresto, panghaharas at pamamaslang sa binabansagang mga komunista, at malawakang militarisasyon sa mga lugar na sinasabi ng militar na malakas daw ang mga rebelde.

Sa ilalim ng naturang polisiya, lumobo ang bilang ng bilanggong pulitikal sa 398 hanggang noong Nobyembre 30, 2012. Umabot sa 123 rito ang naaresto sa panahon ng panunungkulan ni Aquino at nananatiling nakakulong pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Tinataya namang mahigit sa 132 pampulitikang pamamaslang na ang nangyari sa panunungkulan ni Aquino, subalit hindi man lamang naiulat ng midya ang tungkol sa mga ito. Tampok din sa nakaraang taon ang iba’t iba pang porma ng paglabag sa mga karapatang pantao, mula sa pananakop ng militar sa mga eskuwelahan (para kampuhan), pagbansag sa mga bata na child soldier daw ng mga rebelde (para bigyang-katwiran ang pandarahas nila sa mga bata); at pagbuhos ng puwersang militar sa mga komunidad ng mga sibilyan, tulad ng ginawa sa probinsiya ng Quezon.

Tusong pangangamkam ng pamilya Cojuangco-Aquino sa lupa ng Hacienda Luisita na di-saklaw ng desisyon ng Korte Suprema

Bahagi ng Hacienda Luisita na hindi isinama ng Korte Suprema sa pagpapamahagi sa mga manggagawang bukid. (Ilang-Ilang Quijano)

Bahagi ng Hacienda Luisita na hindi isinama ng Korte Suprema sa pagpapamahagi sa mga manggagawang bukid. (Ilang-Ilang Quijano)

Naging mainit sa nakaraang taon sa midya ang pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona. Isa sa mga dahilan na nakikita ni Corona, at maging ng independiyenteng mga tagamasid: Ang desisyong ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka na hawak ng pamilya Cojuangco-Aquino sa Tarlac.

Naging mainit ang midya kay Corona, pero hindi naging kasing init ito sa pagkober sa mga mapanlinlang na pamamaraan upang mapanatili sa pamilyang Cojuangco-Aquino ang lupa ng Hacienda Luisita.

Kabilang na rito nang binakuran ng 100 guwardiya, 15 miyembro ng Tarlac Provincial Police, at 10 miyembro ng Philippine Army sa isinagawang bungkalan ng mga magsasaka sa Brgy. Balete. Nagkaroon ng tensiyon dito dahil sa pagpapaputok ng baril laban sa mga magsasaka, ayon sa ulat ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala).

Ang bungkalan ay simbolikong pag-okupa sa lupain ng Hacienda Luisita na mga magsasaka upang ipakita ang kanilang nagkakaisang pagtindig na sila ang tunay na nagmamay-ari ng lupa ng Hacienda. Dagdag pa ng mga magsasaka, inisyatiba nila ito na paunlarin ang 500 ektaryang lupain matapos na pumabor ang Presidential Agrarian Reform Council o PARC noong 2005 sa kanila.

Kinasuhan ang 23 lider-magsasaka sa ilalim ng Article 280 (grave coercion) at Art. 312 ng Revised Penal Code (occupation of real property), bunsod ng pag-okupa nila noong Hulyo 15, 2011 sa 500 ektaryang inaangkin umano ng RCBC sa Brgy. Balete. Ang 500 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita na ibinenta ng pamilya Cojuangco-Aquino sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang siyang pinag-aagawan dahil hindi umano ito sakop ng desisyon ng Korte Suprema.

Hinala ng mga magsasaka, “pagmamanipula lamang” ng pamilya Aquino-Cojuangco ang isinampang kaso ng RCBC. Sinabi rin nila na makailang ulit nang hindi tinupad ng pamilya ang mga kautusan at kasunduang ipamahagi na ang lupa mula pa noong dekada ’60. Giit nila, may nakasampa ng mga kaso noong pang 1967 at 1985 kaya’t ang pagpasok ng RCBC ay “ilegal.”

Kabilang na dito ang patuloy na pagkampo ng militar sa asyenda at panghaharas ng mga ito sa mga residente para magpalaganap ng takot sa mga residenteng lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

Overpricing sa mga produktong petrolyo

Rali sa tanggapan ng Chevron sa Makati kontra sa overpricing sa langis. (Pher Pasion)

Rali sa tanggapan ng Chevron sa Makati kontra sa overpricing sa langis. (Pher Pasion)

Halos taun-taon nakararanas ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang mga mamamayan na lalong nagpapalugmok sa kanilang kalunus-lunos na kalagayan. Taun-taon ding nakaka-isip ng paliwanag ang mga kompanya ng langis at maging ang pamahalaan ng dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa taong 2012, nanatili man sa mga balita ang pagtaas ng presyo ng petrolyo subalit hindi ang pagbibigay-diin sa taktikang overpricing na nagagawa ng mga kartel sa langis na may kontrol sa presyo nito dahil sa deregulasyon.

Sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang militanteng grupo, dinala sa kalsada ng mga mamamayan ang isyu ng overpricing sa langis, laluna tuwing may pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Isa pang protest caravan ang isinagawa sa pangunguna ng Piston at KMU, pero marami pa sa midya ang muling nagbansag na bigong transport strike daw ito.May iba’t ibang inisyatiba rin ang iba’t ibang grupo, tulad ng Alta-presyon (Alerto sa Taas Presyo Network) ng Gabriela at muling pagtipon ng Coalition Against Oil Price Increases (Caopi).

Para sa kanila, maraming puwedeng gawin ang administrasyong Aquino hinggil sa isyu. Kasama na rito ang imbestigasyon sa mga kompanya ng langis (na di-seryosong ginawa, kahit nagbuo ni Aquino ng isang review committee), pagrepaso sa Oil Deregulation Law at pagbalik ng regulasyon sa industriya ng langis, pagsuspinde o pagbasura sa Value Added Tax sa langis, at iba pa.

Pandaigdigang pagtitipon ng mga migrante para husgahan ang labor-export policy

Isang testigo sa International Migrants' Tribunal. (Ilang-Ilang Quijano)

Isang testigo sa International Migrants’ Tribunal (Pher Pasion)

Isinagawa ang paglilitis sa Global Forum on Migration and Development nito lamang Disyembre, ngunit hindi ito kinagat ng mainstream media.  Kahit isa sa pinakamalaking bahagi ng ekonomiya ng bansa ang remitans ng mga Overseas Filipino Worker, at nagpapatuloy na polisiya ng gobyerno ang pag-eksport sa lakas-paggawa ng mga Pilipino, tila hindi pinahalagahan ang isang pagtitipon na magsisiwalat sa mga epekto at implikasyon ng polisiyang ito.

Binigyan ng boses at dignidad ng International Migrants’ Tribunal ang mga tinaguriang “bagong bayani” at mga migrante ng daigdig. Binigyang pokus sa tribunal  ang iba’t ibang kaso sa daigdig ng paghihirap at pagsasamantala sa kanila. Magkasamang hinatulan ang sending countries (o nagpapadala ng mga migrante) at host countries (nag-eempleyo ng mga migrante) — na kapwa sangkot sa pagpapahirap sa mga migrante. Kasama siyempre ang lokal na mga kaso ng pang-aabuso, pagmamalupit at paglabag sa karapatang pantao ng mga migranteng Pilipino, tulad ng kaso ni Terril Atienza na misteryong namatay sa Mongolia, at ni Danilo Bañez at naistranded matapos ang kanyang kontrata sa Saudi.

Kasama na rin na hindi nalaman ng publiko ang hatol na “guilty” ng tribunal sa 37 bansang patuloy na nambubusabos ng lakas-paggawa ng mga mamamayan ng daigdig.

Gawa-gawang kaso sa mga aktibista

Paghiling sa pagpapalaya sa mga aktibistang ilegal na inaresto sa Cagayan. (Kontribusyon)

Paghiling sa pagpapalaya sa mga aktibistang ilegal na inaresto sa Cagayan. (Kontribusyon)

Patapos na ang taon noong huling bahagi ng Disyembre, pero tila may inihabol na pagmamalupit sa mga aktibista ang administrasyon.

Panahong ito, sunud-sunod ang isinagawang pagdakip sa mga lider-aktibista tulad nina Randy Vegas at Raul Camposano, mga miyembro ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) sa kasagsagan ng kampanya ng mga kawani ng MMDA noong Disyembre. Bago naman mag-bagong taon nadakip si Rene Abiva, 23-anyos, isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang organisador ng ACT Teachers Party-list. (Bahagi ng bigwas sa mga aktibista sa Cagayan ang pag-aresto rin kamakailan kay Virgilio Corpuz ng Piston.)

Maliban sa kanila, nariyan din ang pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga lider-obrero at militante tulad nina Roy Velez at Amelita Gamara ng KMU-NCR, Hermenegildo Marasigan ng KMU-Southern Tagalog at Ronald Ian Evidente ng Negros.  Lahat sila — mga lider-obrero na lantad-na-lantad ang mga kilos bilang pampublikong mga personahe — ay pilit na binibintangang mga rebelde.

Kahit ang mga sibilyan, napaparatangang mga rebelde o lider-NPA. Ang security guard na si Rolly Panesa, tinortyur at pinaaaming isa siyang lider-rebelde sa Southern Tagalog. Si Oligario Sebas naman ay pinaratangang lider ng NPA sa Negros Oriental. Pangkaraniwang gawain na ito ng militar sa mga sibilyan — ang piliting sumuporta ang mga sibilyan sa gobyerno kasi kung hindi, rebelde sila.

Honorable Mentions: Ang kaso ng Saudi 200++ (kasama rito si Danilo Banez); Mga migranteng apektado ng giyera sa Syria; Posisyon ng mga progresibo sa impeachment ni Renato Corona; at Posisyon ng mga progresibo sa Reproductive Health Bill na “no to population control”

Tinipon nina KR Guda, Ilang-Ilang Quijano, Pher Pasion, Darius Galang at Soliman A. Santos

Larawan: Alaala ng dakilang lider-obrero na si Ka Bel, ginunita

$
0
0
Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paggunita sa ika-80 kaaarawan ng namayapang lider-obrero na si Crispin "Ka Bel" Beltran noong Enero 7, 2013 sa Plaza Miranda.  Hinamon ng alkalde ng Maynila ang mga namumuno sa gobyerno maging ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pahayag ni Lim, "Hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan si Ka Bel. Dapat siyang tularan ng lahat ng naglilingkod sa gobyerno."  Nasa larawan si Ka Osang, asawa ni Ka Bel at ang anak niyang si Ofelia Beltran-Balleta  na executive director ng Crispin Beltran Resource Center (CBBRC).  (Macky Macaspac)

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paggunita sa ika-80 kaaarawan ng namayapang lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran noong Enero 7, 2013 sa Plaza Miranda. Hinamon ng alkalde ng Maynila ang mga namumuno sa gobyerno maging ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pahayag ni Lim, “Hindi nagnakaw ng pera sa kaban ng bayan si Ka Bel. Dapat siyang tularan ng lahat ng naglilingkod sa gobyerno.” Nasa larawan si Ka Osang, asawa ni Ka Bel at ang anak niyang si Ofelia Beltran-Balleta na executive director ng Crispin Beltran Resource Center (CBBRC). (Macky Macaspac)

"Tatlong bagay ang dapat na tularan kay Ka Bel ng mga kumakandidatong (pulitiko). Una, ang pagiging mapagkumbaba. Pangalawa, ang pagiging tunay na makabayan. At pangatlo, ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan," ani Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. Matagal niyang nakasama si Ka Bel mula sa opisina ng Kilusang Mayo Uno hanggang sa loob ng Kongreso.  Bilang pagkilala din sa lider-manggagawa, ang unang gagawin umano ni Casino ang pagsampa ng panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa, kung siya ay palarin na makapasok sa Senado. (Macky Macaspac)

“Tatlong bagay ang dapat na tularan kay Ka Bel ng mga kumakandidatong (pulitiko). Una, ang pagiging mapagkumbaba. Pangalawa, ang pagiging tunay na makabayan. At pangatlo, ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan,” ani Rep. Teddy Casino ng Bayan Muna. Matagal niyang nakasama si Ka Bel mula sa opisina ng Kilusang Mayo Uno hanggang sa loob ng Kongreso. Bilang pagkilala din sa lider-manggagawa, ang unang gagawin umano ni Casino ang pagsampa ng panukalang batas para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa, kung siya ay palarin na makapasok sa Senado. (Macky Macaspac)

Nagpasalamat si Ka Osang sa mga dumalo at naghamon sa mga tagapakinig na ituloy ang mga adhikain ng namayapang si Ka Bel para sa kagalingan ng sambayanan. (Macky Macaspac)

Nagpasalamat si Ka Osang sa mga dumalo at naghamon sa mga tagapakinig na ituloy ang mga adhikain ng namayapang si Ka Bel para sa kagalingan ng sambayanan. (Macky Macaspac)

Tuloy ang laban ni Ka Bel. Taas-kamao ang mga manggagawa at iba't ibang sektor bilang pagpupugay sa namayapang lider-manggagawa. Nagbigay-pugay din ang mga kinatawan at nominado ng progresibong mga party-list tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela Women's Party-list, Piston Party-list at Kabataan Party-list.  (Macky Macaspac)

Tuloy ang laban ni Ka Bel. Taas-kamao ang mga manggagawa at iba’t ibang sektor bilang pagpupugay sa namayapang lider-manggagawa. Nagbigay-pugay din ang mga kinatawan at nominado ng progresibong mga party-list tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela Women’s Party-list, Piston Party-list at Kabataan Party-list. (Macky Macaspac)

Natutulog Pa Rin Ang Negrong Nazareno

$
0
0

ilang kahang sigarilyo, lolo hugo
sa maghapo’y kailangang ibenta mo
para maibili ng pansit-gisado
sa restawran ni be ho
sa kanto ng elizondo
naghihintay mong bunsong apo
sa nakaluhod na barungbarong
sa gilid ng mabahong estero?
ostiya na lamang kaya ang iuwi mo
sagana sa altar ni padre san pedro
sabawan ang kanin ng agua bendita
baka maglasang kalderetang tupa
sa bibig ng namayat lumuluhang sinta

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

gaygayin mo man, lolo hugo
mulang bibig ng r. hidalgo
hanggang dibdib ng bilibid viejo
wala kang matatalisod ni piso
walang pandesal mula sa langit
walang lugaw sa pondang maanghit
sa paa mo’y biglang hahaplit
sigarilyo ng mga sugapang gaya ko
magpapakislap sa mata mo, lolo hugo

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

ilang dekada na ba, lolo hugo
nagtitinda ka ng tingi-tinging sigarilyo?
nagtagpo na tayo sa plaza miranda
sa maalab, madugong mga protesta
sa panahon ng malagim na diktadura
mabulas ka noong gaya ko
sumasabit pa sa mga estribo
sa mga sasakya’y nakikipagpatintero
ngayo’y kapwa lolo na tayo

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

ilang dupikal na ba ng batingaw, lolo hugo
sa pandinig mo’y umalingawngaw?
ilang himno’t salmo na ba ang nagpasayaw
sa utak mong humihiyaw?
sigarilyo, sigarilyo kayo diyan!
bawal mang hithitin sa maraming lugar
pero usok ng tambutso ng mga sasakyan
di lason sa hungkag na tiyan
sa kauri nating laging nagkakalkal
ng grasyang mula raw sa poong maykapal
paano pakakainin apong naghihintay?

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

anong malay natin, lolo hugo
baka sa wakas magising din
sa pagkakahimlay nazarenong negro
sa yakap at halik ng milyong deboto
baka biglang bumangon din
sa dasal at misa ni padre san pedro
espada’y hawakan
putulin ang ulo
ng mga ganid sa mga palasyo
busbusin ang tiyan ng mga impakto
upang grasya nati’y di nila masolo

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

malay natin, lolo hugo
kapag nagising negrong nazareno
itataas natin ang kalis ng dugo
bendisyon ng tabak at koro ng bomba
iparirinig natin sa mga asyenda
sa mga empresa at mga pabrika
sa naglumot na kuta ng inhustisya
prusisyon ng masa’y agad huhugos
palalayain ang uring busabos!
oo, lolo hugo
kapag nagising negrong nazareno
di ka na magtitinda ng sigarilyo
litson adobo’t asado iuuwi mo
sa pinakasisintang bunsong apo
pero, sa ngayon, lolo hugo…

natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.

Pagdududa sa superbody ng DOJ na mag-iimbestiga sa mga abuso

$
0
0
May dahilan ang militanteng mga grupo at mga biktima na magduda sa binuong superbody ng Department of Justice para imbestigahan umano ang mga paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)

May dahilan ang militanteng mga grupo at mga biktima na magduda sa binuong superbody ng Department of Justice para imbestigahan umano ang mga paglabag sa karapatang pantao. (Macky Macaspac)

Iimbestigahan daw ng binuong superbody ng Department of Justice ang mga paglabag sa karapatang pantao. Pero tila mapurol ang imbestigasyon, dahil gusto nilang isama pati ang mga kaso laban sa mga grupong wala sa gobyerno.

Binatikos ng iba’t ibang militanteng grupo ang pagbuo ng naturang superbody na anila’y matutulad lamang sa ibang mga “task force” at ahensiya na inatasang mag-imbestiga ngunit napalusot pa rin ang mga lumalabag sa karapatang pantao.

Para sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, “inessential” ang “superbody” ni Aquino sa paglutas ng mga mga kaso ng extra-judicial killings at paglabag sa karapatang pantao.

“If this government is truly sincere in rendering justice for the victims of rights violations, the mandated agencies and the courts should do what they should be doing – properly and effectively investigate these incidents, and to jail and prosecute the violators,” pahayag ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Sinabi naman ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, na malamang na matulad ang naturang superbody sa Task Force Usig noong panahon ni Pangulong Arroyo na walang nausig ni isang lumabag sa karapatang pantao.

“Anong maaasahan ng taumbayan sa isang kapulungan na nilikha bilang bahagi ng isang programang nakabalangkas sa panlilinlang at paglabag sa karapatan ng mamamayan?” dagdag pa ni Salvador.

Paano magaganap ang hustisya kung nagpapatuloy pa rin ang mga paglabag sa karapatang pantao?, tanong ng mga militante. (Macky Macaspac)

Paano magaganap ang hustisya kung nagpapatuloy pa rin ang mga paglabag sa karapatang pantao?, tanong ng mga militante. (Macky Macaspac)

Inilinaw ni Salvador na bahagi ng programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan ang pagbubuo ng human rights superbody na pabanguhin ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng gobyerno at pati na mismo ang administrasyong Aquino.

Sinabi pa ng mga militante na sa pagsama sa tinaguriang non-state actors, o mga pampulitikang puwersa na hindi bahagi ng estado tulad ng mga rebolusyonaryong kilusan, hindi mabibigyang pokus ang malupit na mga kaso ng pang-aabuso ng militar.

Ayon sa Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), ang superbody ay isang mahinang pagtatakip sa lumalaking bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao na mismong mga puwersa ng estado ang may kagagawan.

“Isa na naman itong non-admission na nagpapatuloy ang mga abuso sa karapatang pantao. Hindi natapos ang mga pagpatay at brutalidad, tatlong taon matapos unang umupo si Aquino,” pahayag ng KAMP.

Larangan para sa hustisya

Gayunman, isang benyu ang naturang superbody para muling humiling ng hustisya ang mga biktima at kaanak nila, tulad nina Glenda Leonor at Mylene Tiongson.

Pinaslang ang anak ni Leonor na si Arnel noong Abril 2012 habang nagpoprotesta ang huli laban sa demolisyon sa kanilang mga bahay sa Silverio Compound, Sucat, Parañaque.

Dinukot naman ang asawa ni Mylene Tiongson noong araw ng demolisyon sa Silverio. Sinabi niya na matapos ang putukang nangyayari, lumabas ang asawa niyang si Vicente para bumili ng ulam. Biglang hinuli at ginulpi ng mga pulis si Vicente.

Hanggang ngayon, nakakulong pa rin ang asawa ni Mylene sa Coastal Parañaque City Hall, at nakakaranas pa umano ng mga pananakit.

“Ang hirap magsinungaling sa anak. Tinatanong noong anak ko, ano daw ‘yong nasa kamay ng kanyang ama, sinasabi na lang ng kanyang tatay, bracelet,” kuwento ni Mylene sa nakaposas niyang asawa.

Nicolette Gamara, anak ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, nagsalita sa harap ng tanggapan ng Department of Justice. (Rio Dominguez)

Nicolette Gamara, anak ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, nagsalita sa harap ng tanggapan ng Department of Justice. (Rio Dominguez)

Samantala, kasama sa nagprotesta si Nicolette Gamara, anak ni Renante Gamara na konsultant sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na dinukot ng militar at ikinulong ngayon sa Camp Crame.

Sinabi ni Nicolette na dinukot ang kanyang ama sa parking lot ng Star Mall sa Las Piñas. Kinasuhan din ang kanyang ama ng kidnapping with murder ng isang private first class sa Mauban, Quezon noong 2007. Maliban pa roon, may isa pa siyang warrant of arrest sa Labo, Camarines Norte at isa rin sa Tinoc, Ifugao.

“Wala naman siyang ibang hinangad kundi magkaroon ng isang alternative na society para sa atin, sa magiging anak ko,” wika ni Nicolette.

Pati ang ina niyang si Amelita Gamara, kinasuhan din ng mga militar at isinasangkot sa mga aksiyong militar ng New People’s Army.

“Parang insulto ang superbody na ito,” sabi ni Nicolette. “Itinatanggi (ni Aquino) na may political prisoners sa bansa natin. Ang ginagawa niya, sinasampahan niya ng criminal cases ang mga aktibista para sabihing wala nang mga bilanggong pulitikal.”

Hakbang ni De Lima

Sa kanyang panayam sa media, sinabi ni Department of Justice Secretary Leila de Lima na pangunahing layunin ng nasabing superbody ang imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay, pagkawala, pagpapahirap at ibang pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng estado at non-state actors.

Sinabi rin ni De Lima na manggagaling sa listahan ng gobyerno, non-government at international organizations ang kanilang imbentaryo. Isinagawa raw ang imbentaryong ito upang unahin ang mga imbestigasyon, reinvestigation, pagmamanman at pag-uusig ng mga kaso.

Dagdag pa ni De Lima, “Hindi muna kami mag-me-mention ng number (o bilang ng mga biktima) hangga’t hindi pa tapos ang review ng technical working group.” Mula taong 2001 hanggang 2012 ang saklaw ng listahan ng nasabing technical working group.

Napagkasunduan ng naturang superbody na bumuo ng tatlong grupo na titingin sa mga kaso ng extra-judicial killings.

Magkakaroon daw ng isang special oversight team para sa mga kasong kasalukuyang nililitis o iniimbestigahan, isang special investigating team para sa mga bagong kaso at isang grupo para sa “special unsolved cases.”

Sinabi ni De Lima na seryoso ang naturang superbody na imbestigahan ang mga kaso. Pero may dahilan para magduda ang mga biktima at kaanak: Dahil marami nang ginawang superbody ang nakaraang administrasyon at wala naman itong nalutas. Samantala, nagpapatuloy pa rin ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live