Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Free the new media, defy e-martial law

$
0
0

As outrage against the Cybercrime Prevention Act of 2012 continues to snowball and create unprecedented unity and defiance among netizens, the Aquino administration has not backed down in its resolve to implement a clearly draconian measure designed to curtail our most basic civil liberties—the right to freedom of expression, of speech, and of the press.

As alternative media practitioners, filmmakers, bloggers, and artists who maximize the new media to bring to the public information, opinion and analysis, as well as works of art that serve to illuminate social conditions and present ideas for social change, we believe that the government’s repression of the medium is the message. With the Cybercrime Act, the government wants to ensure that no avenue for expression exists that is free from control by the rich and powerful elite.

The existing law on libel has long been used by powerful public figures mostly to harass and prosecute journalists for doing their job. Instead of decriminalizing libel as urged by international human rights and media institutions, the government has even increased penalties. Worse, it now considers each and every citizen who uses Information and Communications Technology (ICT) as potential criminals.

With the rise of new media, ordinary citizens have been given the extraordinary power to reach large audiences, a power that has previously been the monopoly of the government and corporate media. The new media has been the recourse of citizens who see, report, and interpret social realities that traditional institutions ignore, hide or obliterate. Citizens have long been marginalized from discourse on national issues through the agenda-setting powers of the government and corporate media. Through the new media, citizens have the opportunity to counter this marginalization—to give voice to the poor and oppressed, to gain an audience without the need for huge capitalization, to criticize freely and creatively.

We believe that the Cybercrime Law is primarily a tool that exploits the rise of the new media and the use of ICT to suppress dissent and spy on citizens. The way the law is being defended by those who crafted it, and especially by the President who signed it, reveals that they enjoy, and will use to their own interest, the immense powers that the Cybercrime Law has given the government, such as the ability to take down websites, undertake surveillance, and seize electronic data.

Abuses that will surely arise from such powers will undermine any gains that this law claims to have against “cybercrimes.” For instance, online child pornography and sex trafficking should be addressed by the strict implementation and strengthening of existing laws to reflect the developments in ICT. It is still debatable if hacking and cracking, spamming, online piracy, and cyberbullying are indeed crimes or if they can be covered under a single piece of legislation. What is clear is that these “cybercrimes” will not be addressed by a law makes expressing oneself online punishable by a jail term, or one that assumes that authorities can dip their hands into private electronic communication. In other words, a law that throws us back to the dark ages won’t protect our women and children, nor our personal identities and safety. On the contrary, it makes every citizen using ICT vulnerable to abuse by the biggest band of criminals: a government that is corrupt, loathes criticism (as can be judged by President Aquino’s reaction to the online phenomenon ‘Noynoying’), and uses all of its resources to crush dissent.

Even the US government—the footsteps of which the government only follows—did not confer such broad powers unto itself when it attempted, but failed, to pass its Stop Online Piracy Act and Protect Intellectual Property Act. However, the Cybercrime Law probably pleases the US government, as it strengthens their existing network of surveillance in the country, and boosts the counter-insurgency program Oplan Bayanihan. The said law also pleases local and foreign big businesses that operate in utter secrecy in this country, further shielding them from public accountability and oversight while penalizing those who use ICT to expose wrongdoing and abuses in the private and public sectors.

For e-martial law only reflects the de facto martial law already in place. Under Oplan Bayanihan, more than 100 citizens have been killed for their advocacies, forever silenced by bullets. More than 350 are imprisoned for their political beliefs. The Cybercrime Law makes it even easier to slap dissidents with trumped-up charges and send them to jail. After all, it now takes so little to be considered a cybercriminal.

Repression and lack of freedom is a daily reality for millions of Filipinos in the militarized countryside, violently demolished urban poor communities, and highly controlled workplaces and schools. Now it has become a daily reality as well for netizens who seek comfort in the freedom, however limited, of the new media.

As poverty, exploitation, and repression worsen, the duty to speak up and express ourselves through new media is more necessary than ever. As we begin to feel the grip of Aquino’s iron fist rule, it becomes more urgent to struggle to break free through actions both online and offline. E-martial law has been declared, and as those who fought the Marcos dictatorship taught us, the only way to end it is to start defying it.

Junk the Cybercrime Prevention Act of 2012!
Don’t criminalize criticism!
Defend our freedom of expression, speech and the press!
Resist tyranny!

UPDATE: The Supreme Court on Tuesday morning, October 9, unanimously issued 120-day a temporary restraining order (TRO) on the implementation of RA 10175. This is a temporary victory for all who advocate freedom of expression, speech and the press. Still, we must be vigilant until the law is junked altogether, as President Aquino has still not reneged on his defense of RA 10175 and its repressive provisions.

Signatories as of 10/09/2012

Media & Audio-Visual Organizations:

Pinoy Weekly Online/ PinoyMedia Center
Bulatlat.com
Davao Today
Northern Dispatch Weekly
Burgos Media Center
Mayday Multimedia
Tudla Productions
Kodao Productions
Southern Tagalog Exposure
UPLB Zoomout

Artists & Filmmakers:

Ricky Lee
JL Burgos
King Catoy
Renan Ortiz
Katsch SJ Catoy
EJ Mijares
Tom Estrera III
Adjani Arumpac
Kiri Dalena
RJ Mabilin
Sigrid Andrea Bernardo
Datu’s Tribe (band)
Bobby Balingit
Dino Concepcion
Bonifacio P. Ilagan
Rogelio Ordoñez
Marie Boti
Ji-An Manalo, Artists for Change
Rommel Mendez, Panday Pira Professionals
Camille P. Sueno
Carlos Piocos
Patrick Bilog
R. Jordan P. Santos
Sari Lluch Dalena
Keith Sicat

Journalists & Media Workers:

Melanie Pinlac, Center for Media Freedom and Responsibility
Rupert Mangilit, National Union of Journalists of the Philippines
Nonoy Espina, NUJP Director/interaksyon.com
Jeffrey Tupas, TV5/interaksyon.com
Karlos Manlupig, Rappler.com/ Philippine Daily Inquirer
Alaysa Escandor, GMA-7
Edmalynne Remillano, GMA-7
Richard Gappi, Rizal News Online
Alex D. Lopez, Davao Today
Marilou Aguirre Tuburan
Rizle Saligumba
Cong Corrales, Freelance
Ritchie Salgado, Freelance
Pigeon Lobien, Cordillera Today
Silvestre Quintos, Baguio Chronicle
Thom Picaña, GMA Baguio
Antonio Pekas, ZigZag Weekly
Gregory Taguiba, Mountain Province Exponent
Samuel Bautista, Sunstar Baguio
Alfred Dizon, Northern Philippine Times
Kathleen T. Okubo, Northern Dispatch Weekly
Fred Villareal, The Voice
Maureen A. Hermitanio, Philippine Online Chronicles
Jonathan B. Canchela, The Philippine Reporter (Toronto)

Photojournalists:

Jes Aznar
Raymond Panaligan
Angelica Carballo
Buck Pago
Boy Esclanda
Alex Felipe
Medel Hernani
Oliver Garcia
Candice Reyes
Leonard Reyes

Academe:

Dean Rolando B. Tolentino, UP College of Mass Communication
Prof. Danilo Arao, UP Asst. Vice-President for Public Affairs
Former UP CMC Dean Luis V. Teodoro
Former UP Fine Arts Dean Leonilo Doloricon
Prof. Paul Grant, University of San Carlos Cebu
Prof. Edwin Padrilanan, Adamson University

Artists Organizations:

Pixel Offensive
Artists Arrest
Baluarte Artists Collective
Hiringgilya Collective
Habi Arts Collective
Gerilya

Bloggers:

Tonyo Cruz (TonyoCruz.com)
Vencer Crisostomo (twitter.com/Venzie)
Kenneth Keng (FilipinoFreethinkers.org)
Teo Marasigan (KapirasongKritika.wordpress.com)

Student Publications:

College Editors Guild of the Philippines

CEGP chapters in Central Luzon, Pangasinan, Tarlac, Cagayan, Baguio, Cordillera, La Union, Ilocos Sur, Bicol, Southern Tagalog, Palawan, Romblon, Samar, Tacloban, Bacolod, Cebu, Panay, Cagayan de Oro, Lanao, Bukidnon, Greater Cotabato, Davao & Socksargen

Solidaridad (UP publications alliance)
Philippine Collegian (UP Diliman)
Kalasag (UP Diliman)
The New Frontier (National College of Business and Arts)
Trinity Observer (Trinity University of Asia)
aSTIg (STI Araneta)
The Torch (Philippine Normal University)
Manila Collegian (UP Manila)
The Scholastican (St. Scholastica’s College)
EARIST Technozette (EARIST Manila)
Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (PUP publications alliance)
The Catalyst (PUP Manila)
Business Torch (PUP Manila)
The Communicator (PUP Manila)
Paradigm (PUP Manila)
The Warden (Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa)
The Philippine Artisan (TUP Taguig)
The Chronicler (PUP Taguig)
Atenews (Ateneo de Davao)
The Pillars (Ateneo de Naga)
UP Outcrop (University of the Philippines – Baguio)
Lorma Highlights (Lorma Colleges)
Technoscope (Pangasinan State University – Urdante)
The Pioneer (Palawan State University)
Tolentine Star (University of Negros Occidental – Recoletos)
The Angelite (Holy Angel University)


Kaisipang folk at ang naunsyaming simulain ng pelikulang Filipino

$
0
0

rebyu ng Genghis Khan (Manuel Conde, 1950; repremiered, Oktubre 2012)

 

Ayon sa dalawang kasama kong kaibigan, kapwa sa kanilang 20s, parang telenobela ang Genghis Khan—walang katapusang saga ng mabuti at masama, suyuan, pagkamatay ng magulang, pakikidigma, pagtatagumpay at ang rurok nito, ang kasalan.  Matapos mawala ang lahat ng kopya sa bansa, mabuti na lamang at lumahok ang pelikula sa Venice Film Festival noong 1952 (isang taon matapos manalo ang obra ni Akira Kurosawa, Rashomon, na itinuturing na nagpakilala sa pelikulang Asyano sa kanluran), at nanatili ang kopya roon.

May tatlo pang kopya na pawang nasa iba’t ibang antas ng pagkasira.  At ang mahika ng restorasyon ng L’Immagine Ritrovata ng Bologna, ang restorer-of-choice ni Martin Scorsese, isa sa pangunahing restoration advocate ng pelikula—dinigitize ang lahat at kinuha ang pinakamalinis na bahagi na naging batayan ng malawakang pagsasaayos at pagbabalik sa naunang ningning ng pelikula.  Sa katunayan, ipinakita sa simula ng programa ang “before” and “after” shots:  nawala ang putla at pusyaw, wala ang kalmot at mistulang puting alupihan sa positibo, at naging maningning na black-and-white ang Genghis Khan.

Integral ang pagkalinis at panunumbalik sa orihinal na estado para lubos na maunawaan ang estilo ni Manuel Conde sa kanyang pelikula.  Mahilig ito sa deep focus shots na malinaw ang mga imahen sa foreground, middle ground at background ng shot.  At marami sa kanyang kuha ay may disenyo ng staging:  sanga bago matanaw ang lupon ng dumakip na kaaway sa bida, halimbawa, paggamit ng soft focus para makita ng mas tampok na bahagi ng shot, high angle shot para sa lahat ng ordinaryong tauhan, at high angle shot sa mga talunan na tauhan.

Maalaala ang Citizen Kane (Orson Welles, 1941) sa mga kuha pero hindi lubos na seryoso dahil ang tatak ni Conde sa Genghis Khan, pati sa kanyang Juan Tamad series, ay gawin itong komedya.  Sa katunayan, walang hibla ng kasaysayan sa bersyon ni Conde sa buhay ng higanteng figura ng Mongolia at kasaysayang Asyano.  “Barok” at pusong, mga stock na tauhan mula sa mababang uri na makapanlalamang sa mataas na uri dahil sa likas nitong talinong hindi aral, ang peg ni Conde kay Khan.

Napapatumba ni Khan ang kanyang mas malalakas na kaaway.  Siya na mas aba ang pinagmulan ay aangat at magiging karapatdapat sa kanyang paghahari.  Dagdag pa rito, si Khan ay barumbado sa babae, matigas ang puso, walang pinapakinggan at pinaninindigan kundi ang sarili, pero tulad ng lahat ng bayani sa folk na kwento, artifisyal lamang ang ganitong estado dahil nanlalambot at nagbabagong-panig din.

Mahalaga ang folk na kaisipan sa popular na medium ng pelikula dahil ito ang nakakapanghatak sa manonood para tumangkilik.  Ang nangyari, marahil o malamang, dahil sa kinalabasang dominasyon ng realismo bilang estetika sa pelikula, ay nawala ang folk at komedya nitong tampok.  Bumigat ang paksa at pagtalakay ng kwento sa pelikula.  Nawala ang pag-asa at tuwa sa buhay.  Naging mas dramatiko, at unti-unting nawala ang manonood sa sinehan.

Hindi naman nawala ang panonood ng sine bilang isa sa pinakapopular na libangan ng Filipino.  Buhay ang kultura ng sine dahil nakakabili ito ng bala ng VCD (kung meron pa nito) at DVD na may anim o dosenang titulo, at pline-play sa pirata ring brand ng DVD player.  Pinagpapasahan sa kapitbahay at kaibigan ang bala, at may sirkulasyon ng mga sine’t palabas.  Hindi lang dahil naging gitnang uri ang presyo ng tiket ng sine (ikatlong bahagi ng minimum na sahod ng arawang manggagawa), kundi dahil sa praktikal na inobasyon na rin ng sinehan at prodyuser na total:  wala na ang bakya crowd (ayon nga kay Pete Lacaba) at tuluyan na ngang gawin ang panonood ng sine para sa gitna at maykayang uri sa pangunahin.

Kung nais bumalik ang masa sa sinehan, kailangang maging atraktibo ito sa kanila, tulad ng natutunghayan pa rin nila sa mga telenobela, game show, reality show at showbiz show sa telebisyon kahit pa sa perversyon nitong anyo, maging ang matagumpay na franchise sa Metro Manila Film Festival tuwing  kapaskuhan na handang magluwal ng naipon ang ordinaryong manonood para magbayad para sa taunang installment ng Enteng Kabisote at Tanging Ina Mo—ang folk at ang pananalamin ng pagkataong Filipino sa dalumat na ito.  Ito ang nawala, at maaring magpabalik sa masang manonood sa sinehan.

‘People power, nagpatigil sa implementasyon ng Cybercrime Law’

$
0
0

Ipinagdiwang ng iba’t ibang grupo, mamamayan at netizens ang deklarasyon ng 120-araw na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pero nagkakaisa sila sa pagtinging pansamantala pa lamang ang tagumpay na ito.

Sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isa sa mga grupong nanguna sa mga protesta at pagpetisyon sa Korte Suprema, sinabi nitong “people power” sa offline at online ang pansamantalang humarang sa implementasyon ng mapanupil na batas.

Credit goes primarily to the Filipinos who showed people power online and offline, who posted, tweeted, shared and marched to show their opposition,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Mga petitioner at iba pang kritiko ng RA 10175, matapos ang presscon sa UP Manila noong Oktubre 9. (Pher Pasion)

Mga petitioner at iba pang kritiko ng RA 10175, matapos ang presscon sa UP Manila noong Oktubre 9. (Pher Pasion)

Pinangunahan ng Bayan at iba pang grupo ang pangalawang kilos-protesta ng daan-daang katao sa Padre Faura, Manila laban sa Cybercrime Law noong araw ng en banc session ng Kataas-taasang Hukuman, Oktubre 9.

Nagkaisa ang mga petitioner at mga mamamayang kontra-RA 10175, kabilang ang Pinoy Weekly at PinoyMedia Center, sa alyansang #NoToCybercrimeLaw, na nagsilbi ring hashtag sa social media.

Inilarawan ni Reyes na protestang mala-”occupy” ang naganap na pagkilos ng mga mamamayan sa Padre Faura. Nagkaroon ng programa sa harap ng Korte Suprema, pero mayroon ding naganap na shirt printing sa pangunguna ng Pixel Offensive, pagpirma sa freedom wall at street painting.

Ang kilusang occupy ay ang protest movement ng pag-ookupa sa mga pampublikong espasyo na nagsimula sa Wall Street, New York noong nakaraang taon.

Nilahukan din ng iba’t ibang new media advocates at media groups tulad ng Philippine Internet Freedom Alliance, National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility, Bloggers and Netizens for Democracy, at marami pang iba.

Kasama rin sa protesta at pagsampa ng petisyon ang iba’t ibang abogado at grupo ng mga abogado kabilang ang Integrated Bar of the Philippines, National Union of People’s Lawyers, at iba pang abogado kabilang si Atty. Harry Roque.
Lumahok din ang mga grupo ng kabataan, kasama ang Anakbayan, League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines, Student Christian Movement, National Union of Students of the Philippines, at mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan.

Pinangunahan naman ng Pinoy Weekly, PinoyMedia Center, Bulatlat.com, Kodao, Mayday, Tudla at iba pang new media practitioners, alternative journalists, independent filmmakers at akademiko ang paglabas ng pahayag kontra sa Cybercrime Law.

Pagmamatyag pa rin

Samantala, sinabi ni Reyes na nagpapatuloy ang paglaban sa mapanupil na batas na ito hangga’t di nababasura.

Para naman sa Computer Professionals Union (CPU), grupo ng mga propesyunal sa information and communications technology (ICT), ipagpapatuloy ng mga tulad nila at iba pang grupo ang paglaban sa karapatan ng mga mamamayan sa internet.

Nanawagan din sila sa administrasyong Aquino na pagtuunan na lamang ng pansin ang pagsasabatas ng mga bill na tutugon sa mas pundamental na mga pangangailangan at karapatan ng mga mamamayan.

We are reminding this administration to stop crafting irrelevant laws and instead focus on passing the Freedom of Information Bill and other bills which can greatly benefit the people,” pahayag ng CPU.

Nanawagan naman ang NUJP sa Korte Suprema na tuluyan nang ibasura ang RA 10175.

We call on the Supreme Court to render a final decision declaring the law null and unconstitutional. We call on the legislators to do the right thing and finally pass a law to decriminalize libel,” pahayag ng grupo.

Para naman sa Human Rights Watch, isang internasyunal na grupong pangkarapatang pantao, kailangang sa hinaharap ay siguruhin ng Kongreso na magpasa ito ng mga batas kaugnay ng internet na hindi lalabag sa karapatan ng mga mamamayan.

Congress, if it still wants to have a law governing online activity, should ensure that such a law will not infringe on civil liberties, human rights, the Constitution and the Philippines’s obligations under international law,” sabi ni Brad Adams, asia director ng HRW.

Nanawagan naman ang militanteng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno sa publiko na patuloy na gamitin ang internet para ihayag ang mga kritisismo at pagtutol sa mapanupil at masasamang mga polisiya ng administrasyong Aquino.

We are also calling on the Filipino workers and people to use the Internet to express their criticisms of the government’s repressive policies as embodied in Oplan Bayanihan,” pahayag ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Sinabi naman ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na nasa Kongreso rin ang bola para tuluyan nang ibasura ang Cybercrime Law.

The issuance of a TRO is a cue for Congress leadership to expedite the processing of repeal bills now filed in both chambers of Congress. The TRO released by the high tribunal is effective for 120 days, enough time for Congress to repeal RA 10175,” sabi pa ni Palatino.

Simply Jesse

$
0
0

Nang mamatay si Sec. Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government, pinapurihan siya nang todo ng gobyernong Aquino, ng mga imperyalistang institusyon, at ng grupong Akbayan, kasabwat ang dominanteng masmidya. Inilarawan siya na pulitikong malinis, tunay at puspusan sa paglilingkod, simple ang pamumuhay, malapit sa karaniwang tao, nagdulot ng mga pagbabago, at marami pang iba. Sinamantala ang kanyang pagkamatay at ginamit ang pagpaparangal sa kanya hindi lamang para pabanguhin ang gobyernong Aquino, kundi ang umiiral na gobyerno sa pangkalahatan.

Marami na ang nakapansin na kakatwa ang naging pagpaparangal sa kanya. Ang gobyernong nagkait sa kanya ng kontrol sa Philippine National Police kahit kasama ito sa posisyon niya, hindi pursigidong nagtulak ng kumpirmasyon niya sa Commission on Appointments, at nakatunggali niya sa ilang usapin, ay nagpakilalang kaisa at numero unong tagahanga niya. Ang pagiging bukod-tangi niyang pulitiko, ginamit para ipakitang may pag-asa pa ang nakakaraming pulitiko, para isalba ang reputasyon ng mga pulitikong may katangiang naiiba, kundi man direktang kabangga, ng kanya.

/1/

Sa kanilang sanaysay na “Jesse Robredo’s lessons for the Left,” inabante pa nina Joy Aceron at Francis Isaac ang propaganda ng mga naghahari tungkol kay Robredo para pangaralan ang Kaliwa. Bagamat konstruktibo o pamungkahi ang paglalahad, itinuturo ng mga awtor – na galing sa tatlong A: Ateneo School of Government, Active Citizenship Foundation, at Akbayan – ang itinuturing nilang mga kahinaan ng Kaliwa. Bagamat walang dudang itinuturing nila ang kanilang sarili at ang Akbayan na bahagi ng Kaliwa, malinaw na ang pambansa-demokratikong Kaliwa ang talagang pinapangaralan nila.

Inilitanya ng mga awtor ang mga pagpapahalagang pinagsaluhan umano ni Robredo at ng Kaliwa: paglilingkod sa sambayanan, pag-aangat sa kabuhayan ng mga maralita at pagbibigay-kapangyarihan sa kanila, pagkakapantay-pantay, at kahit ang “pagsisikap na baguhin ang pampulitikang sistema ng bansa…” Lumalabas, gayunman, batay sa sipi nila sa anti-Kaliwang manunulat na si Nathan Quimpo, na ang pagkakaiba lang ng Kaliwa kay Robredo ay ang nauna’y “humahantong sa hindi-tradisyunal, maging radikal o rebolusyunaryong pamamaraan” para umano “magkaroon ng kapangyarihan.”

/2/

Nasa interes nina Aceron, Isaac at ng Akbayan na gawing masaklaw ang pakahulugan sa “Kaliwa” para makasama sila rito. Ang problema, sobrang masaklaw ang depinisyon nila, sa puntong kahit ang mga sinasabi nilang pinagsasaluhan ni Robredo at ng Kaliwa ay sinasabi rin ng IMF, World Bank at mga NGO na kadikit ng mga ito. Parang gusto pang palabasing lahat ng tutol sa ganitong pakahulugan sa “Kaliwa” ay lulong sa “kaisipang vanguardist, naniniwalang may monopolyo sila sa sinseridad at kagandahang-loob, at sila lang ang mapagpasyang makakaresolba sa samu’t saring suliraning panlipunan…”

Magandang ibalik ang “Kaliwa” sa pangalang laging kadikit nito, sa pangalan ni Karl Marx – na bagamat binabanggit ng mga taga-Akbayan sa ilang pagkakataon ay hindi naman nila niyayakap nang lubos at tinutuligsa pa nga. Ayon mismo kay Marx, ang ambag niya ay “(1) ipakitang ang pag-iral ng mga uri ay nakabatay sa mga tiyak na istorikal na yugto sa pagsulong ng produksyon, (2) na humahantong ang tunggalian ng mga uri sa diktadura ng proletaryado, at (3) ang diktadurang ito ay walang iba kundi isang transisyon tungo sa pagbuwag sa lahat ng uri at sa isang lipunang walang uri.”

Sa ganitong pakahulugan, hindi talaga Kaliwa si Robredo. At isa iyun sa mainam sa kanya: hindi niya sinabing maka-Kaliwa siya at hindi siya nangahas pangaralan ang Kaliwa na tularan siya. Kung naging mabuting pulitiko man siya, iyan ay hindi para ibagsak ang kasalukuyang sistema at palitan ito ng bago, kundi, sa pinakamainam, para mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan – sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Mainam ring hindi niya ipinagsigawan ang kagustuhan niyang panatilihin sa esensya ang kasalukuyang sistema pero malinaw naman ang hangganan ng abot-tanaw niya.

Walang problemang ipakita ang pinagsasaluhan ng Kaliwa at ng mga pulitikong bukod-tangi sa kabutihan. Pero ang angkinin sila bilang bahagi ng Kaliwa? May problema ang mga nagpapakilalang maka-Kaliwa na magsasabing Kaliwa si Robredo. Lulong sila sa baha-bahaging pagbabago ng umiiral na sistema at wala nang tanaw na ibagsak at baguhin ito. Dahil diyan, bilib na bilib sila sa mahuhusay na taong nagdudulot ng “pagbabago,” sa kapabayaan ng pagtitiwala at pagsandig sa masa para lumikha ng pagbabago. Tagapagpaganda sila ng nabubulok na sistema at hindi tagapagbagsak nito.

/3/

Hindi mahirap para sa Kaliwa na kilalaning “may mga lider na hindi maka-Kaliwa… na tunay na nagsusulong sa interes ng mga mamamayan.” Ang problema, sa elipsis sa naturang pangungusap, binura ang nasa parentesis na “tulad ni Robredo.” May mga lider na ang adbokasiya sa iba’t ibang isyu ay tugma sa Kaliwa; maaaring ganito si Robredo. Maaaring tanggaping angat at bukod-tangi siya sa mga pulitiko sa bansa. Pero ang sabihing nagsulong siya sa interes ng mga mamamayan sa pangkalahatan? Sobra naman yata. Nakasama ba siya sa paglaban ng mga manggagawa, magsasaka at maralita?

May mga pulitikong nagsulong sa interes ng mga mamamayan. Ang pinakamalinaw na mga halimbawa: sina Sen. Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada at Jose W. Diokno. Mawalang-galang na, pero malayo sa kanila si Robredo. Kailangan ding agad ihabol: ga-patak lang sila sa karagatan ng mga bulok na pulitiko at anuman ang mabuting nagawa nila ay kulang, pansamantala at madaling bawiin ng sistema. Kahit ang positibong nagawa ni Robredo: Ano nga ba ang tangkang pagloob ni Undersecretary Rico Puno ng DILG sa bahay niya kung hindi ang pagsawata sa mga imbestigasyong binuksan niya?

Tatanggihan ng Kaliwa ang paniniwalang “pwede nang makamit ang pagbabagong nagtatransporma sa buhay ng mga tao sa maraming lugar, iba’t ibang labanan, at samu’t saring larangan,” dahil ipinagpapalagay na magagawa ito sa kasalukuyang sistema. At dahil lang sa mga nagawa ni Robredo? Dahop na dahop ang maka-Kaliwang maniniwala rito: sa teoryang maka-Kaliwa, sa pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas at ng mundo, sa pag-unawa sa esensyal na katangian ng lipunang Pilipino at sa pagbabagong posible rito, sa mga karanasan ng radikal na pagbabago sa mundo, sa kalagayan ng masang Pilipino.

May mga proyekto ang mga NGO at lokal na pamahalaan na bumabago sa buhay ng mga karaniwang mamamayan? Posible, pero pagbabago ba itong malalim, matagalan at tunay? Nagpapalakas ba ito sa kamalayan, organisasyon at pagkilos ng masa nang hiwalay sa Estado at mga naghaharing uri? O naghahain ng masa sa pagkontrol nila? Tumatalakay ang Kongreso ng mga progresibong panukalang batas? Progresibo para kanino? Sa IMF, World Bank at rehimeng Aquino? Malamang, ang mga nasa Kongreso, wala nang ilusyong nagdudulot sila ng pagbabago – mas angat pa kina Aceron at Isaac.

/4/

Ano kayang mga lider ang nakita nina Aceron at Isaac sa Akbayan at sobrang bilib sila kay Robredo? Marami raw lider na katulad ni Robredo na nariyan at kailangan lang hanapin ng Kaliwa. Bukas ang Kaliwa sa maraming lider, pero maraming lider-Kaliwa na puspusan at matapat na naglilingkod nang walang sweldo, yumayakap sa simpleng pamumuhay. Tahimik silang naglilingkod kahit walang midya at posibilidad na ma-midya. Matatag sila kahit laging may banta ng pagdukot, pagpaslang at pagtortyur. At inaani nila ang tiwala ng mga mamamayan, sukdulang depensahan sila ng buhay.

Dalawang pagwawasto sa mga “datos” nina Aceron at Isaac: Una, hindi mga libing ang pinakamalalaking mobilisasyon ng Kaliwa sa kasaysayan. Hindi hamak na mas malaki ang pagkilos nito sa First Quarter Storm, Edsa 1, Edsa 2 at sa iba’t ibang isyu kumpara sa kahit anong libing. Iyan ang hirap sa mga sumasangguni sa mga “prominenteng radikal na intelektwal” na mali-mali ang pag-unawa sa kasaysayan. Ikalawa, hindi radikal na hakbangin ang Reproductive Health Bill. Totoo, nilalabanan ito ngayon ng Simbahang Katoliko, pero itinutulak naman ito ng IMF, World Bank, at mga NGO nila.

Sa dulo, hindi nakakagulat at hindi palaisipan ang pag-ani ni Robredo ng parangal sa tinatawag nina Aceron at Isaac na “Kaliwa” – na walang iba kundi ang Akbayan. Kakatwang itinuturing nila itong palaisipan, patunay na wala silang kahit palatandaan man lang sa tinatahak na pulitika ng kanilang partido. Kasabwat ang Akbayan ng rehimeng US-Aquino hindi lang sa pagsusulong sa mga kontra-mamamayang patakaran nito, kundi sa pagpapatatag nito sa sarili at sa buong naghaharing sistema sa bansa. Bahagi niyan ang ibayong pagdakila kay Robredo na inabante pa ng sanaysay ng dalawa.

12 Oktubre 2012

Pagsisimula sa Talaarawan

$
0
0

(Nota: Ito dapat ang naging una sa serye ng mga salin ni Ericson Acosta sa Prison Diary ni Ho Chi Minh. Pero dahil sa paglilipat-kamay ng sulat mula sa bilangguan ay ngayon lang nakarating ang artikulong ito sa PW.)

Sa samu’t saring padala ng mga kaibigan sa Maynila na hinatid sa akin nina Bomen Guillermo at Sarah Raymundo nung dumalaw sila dito nitong July, may isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko ma-eksakto kung kanino nangggaling: isang munting paperback edition ng Prison Diary (PD) ni Ho Chi Minh. Ito yung inilanas ng Vietnamese Foreign Languages Publishing House noong 2008 sa tatlong wika – sa Chinese original, sa Vietnamese translation ni Nguyen Si Lam, at sa English ni Dang The Binh. Cám o’n, thank you very much kung sino man po kayo (Nota: ang salin ay mula sa Yahoo! Answers).

Ang isandaang quatrain at  tulang Tang na ito ni Ho, na isinulat sa gitna ng labing-apat na buwang pagpapalipat-lipat ng kulungan (August 1942-September 1943) ay isang maningning na testamento ng rebolusyonaryong katatagan at makasining na sensibilidad ng isa sa pinakamagiting na lider-Komunista ng nagdaang siglo. Mula nang unang mailimbag ang PD sa Vietnamese noong 1960, naisalin na ito sa English (na may kung ilan nang bersyon) French, German, Russian, Hindi at iba pang wika. Ito na nga, walang duda, ang pinakakilalang akdang pampanitikan o ano pa mang sulatin na nagmula sa Vietnam. Hanggang ngayon ay patuloy itong tinatangkilik at pinag-aaralan sa maraming bansa hindi lamang ng mga aktibista at rebolusyonaryo kundi ng mga makata at iskolar.

Sa Pilipinas, kung hindi ako nagkakamali, ay wala pang naitatalang salin sa Pilipino ng buong PD ang mga akademiko at pamantasan, o maging ang underground na mga publikasyon. Gayunman, ang mga bersyon nito sa English at mga salin sa Pilipino (at iba pang lokal na wika) ng ilang patingi-tinging tula mula rito at mabisa pa ring nakapag-ambag upang ang ilang henerasyon na nga ng mga pwersang pambansa-demokratiko ay magkaroon ng isang antas ng pamilyaridad sa diwa at sa pamana (legacy) nito. Samantala, may hinala akong isa rin ang PD sa mga babasahing madalas ipasalubong sa mga bilanggong pulitikal (muli, maraming salamat po sa inyo, ____________.)

Sabi ni Ho, “singing poems may help in the wait for freedom.” Sabi ko naman, translating Ho’s poems may just as well help in my own wait. Heto ang subok:

PAGSISIMULA NG TALAARAWAN

Sadyang hindi ko naging hilig ang tumula-tula;
Subalit ano pa nga bang magagawa sa pagkakatanikala?
Gugugulin ko ang mahahabang araw sa pagkatha.
Agapay ang pagkamakata sa pag-aantabay sa paglaya.

(BEGINNING THE DIARY

I’ve never been fond of chanting poetry;
But what else can I do in thraldom?
These long days I’ll spend in composing poesy.
Singing poems may help in the wait for freedom.

[p. 6])

Hayan, nakakaisa na ako. Dalawa na nga ito kung tutuusin dahil sa salin ko sa “Autumn Night” noong Pebrero matapos akong padalhan ng mga estudyante ng isang pamantasan sa Calbayog City ng print-out ng sampung tula mula sa isang mas maagang English edition ng PD (Chinabooks and Periodicals, sa salin ni Aileen Palmer) na nahanap nila online. Kaya malapit na akong matapos – 97 na lang.

Pagtatag ng Dinastiya 101

$
0
0

Rebyu ng Walang Kukurap

Produksyon ng Tanghalang Pilipino

Direksyon ni Tuxqs Rutaquio at Panulat ni Layeta Bucoy

CCP Tanghalang Huseng Batute, Setyembre 14-27, 2012

 

 

 

Uminog ang dula sa isang maliit na bayang pinapatakbo ng iilang pamilya ng politiko at negosyante. Ito rin ay komplikadong mundo kung saan ang buhay at kinabukasan ng tao gaya ng mga botanteng konsumer ay sugal na o kaya ay tustado na habang ang mga politiko, mga kaanak at galamay nito ay walang ibang tinatahak at tatahaking landas kundi ang landas na naituwid na ng apelyido, pera at dahas. Dito, ang tiwala ay batay sa katiwali at ang kamulatan ay batay sa pagiging bulag o bulagbulagan. Samantala, ang pagkakaibigan ay nasusukat batay sa napagkasunduang makasariling interes. Sa ganitong paaralan nahuhubog ang mga anak ng politiko at negosyante upang mapanatili ang kapangyarihan sa maliit na bayan.

Bumungad ang entabladong may dalawang palapag. Sa disenyo pa lamang ng set (Jerome Aytona), nagbigay na ito agad ng impresyon ng antas: may mataas at may mababa sa lipunan. Ang itaas ay madilim at walang ibang palamuti. Sa pagpapalit ng mga eksena, nagsilbi itong lagusan, kuwarto, hardin o kaya ay tanghalan ng awit (Gloc 9 bilang espesyal na panauhin) at ng privilege speech. Ang ibaba naman ay madilim din at may kompartamento na tila rehas na bakal. Minimal set pieces lamang ang gamit habang ang flooring ay may disenyong tila mapa ng Pilipinas. Kapag nakatayo dito ang mga tauhan sa dulang mayorya ay may dugong politiko, nakaapak sila sa mapang ito at ramdam ang kanilang dominasyon sa mababang palapag, maging sa mismong mababang kinatayuan ng ordinaryong tao. Sa ilang pagkakataon, nagmukhang patak ng dugo ang flooring, isang nakabuyangyang na ebidensya ng dumi at baho ng larangan ng politika sa bansa.

Sa unang eksena, ang ibabang palapag ay nagsilbing garahe at palaruan ng mahjong ng nabalong si Christina (Suzette Ranillo), angkang Medina. Kasama sa manlalaro ang mag-asawang Perez na sina Molong (Crispin Pineda) at Purita (Sherry Lara), ang hari ng casino at bar na si Alex (Ced Torrecarion) at ang druglord na may-ari ng Lumber at Hardware Store na si Lu (Jonathan Tadioan). Ang laro ay karaniwan nang libangan ng mga magkaalyado ngunit sa pagkakataong ito ay nakapakete sa pagdiriwang ng pagtatapos ng kursong Pilosopiya ng anak ni Christina na si Mirra, habang pinapasinayaan din ang balak nitong magpatuloy ng Law, pangarap na ginawang isa sa mga bitag kay Christina upang tumakbo bilang vice-mayor ni Molong sa partido. Gaya ng mga nagaganap sa Wakwak at iba pang golf course, sa mahjong rin naganap ang negosasyong dalawa lamang ang pagpipilian: pera o bitay? Ang pagtabas kay Lu bilang traydor sa halagang P100M at pakikipagkutsaba diumano nito sa kalaban ng partido nila na si Melba, angkan rin ng Medina, ay tandang pandamdam sa kakayahang pumatay ng kapwa ng itinuturing na mga “kaibigan”.

Habang kinatay si Lu ng mga kumpadre sa politika’t negosyo, ibinato ang linyang “Wag kang kumurap. Wala kang nakita. Wala kang narinig.” Nakatuon ito kay Christina upang makabisado nito ang batas ng maduming laro ng politika, matuto siyang makipaglaro at sa huli’y mailigtas ang sariling kapakanan. Kapwa testigo at biktima ang katangian ng katauhan ni Christina.

Matatandaang ang “Wag Kukurap” ay naging popular na islogan sa kampanyang Oust Erap noong taong 2000 dahil sa mga anomalya, eskandalo at mga kaso ng pandaraya at pagnanakaw sa kaban ng bayan ng napatalsik na pangulo. Nakatuon ang islogan pangunahin para sa taumbayan upang maging alerto at huwag pumayag na madaya muli. Dahil nabanggit na ang pamagat, pakiramdam ko’y tapos na ang palabas sa unang eksena pa lamang ngunit sa pagtuon ng islogan sa tauhang nasabak sa politika dahil karugtong ng kanyang apelyido ang apelyido ng kanyang asawa, aabangan mo ang susunod na mga pangyayari. Sa paanyaya rin ng patay-sinding ilaw (Katsch Catoy), nasasabik kang alamin ang mga pagpihit o kaya ay ang mga posibilidad na kahinatnan ng iba pang tauhan.

Sa palabas, ang mga manunood ay testigo rin sa karumaldumal na kaganapan sa dula. Ipagpalagay na ring ang mga manunood ng CCP ay mga biktima ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng iilan sa labas ng tanghalan sa alinmang paraan at pagkakataon. Ang pagsirit at pagdanak ng dugo kaakibat ng korupsyon at politika ay karaniwan nang eksena sa totoong buhay at ang makita ito sa entablado ay nagdudulot ng isang sopistikadong danas sa marahas na karahasang ayaw mong maranasan mismo sa aktwal bilang biktima man o testigo o kaya’y ayaw mong amining totoong naganap at nagaganap gaya halimbawa ng Ampatuan Massacre.

Habang niluluto ng kanilang mga magulang ang kinabukasan ng nayon, pinag-usapan naman ng mga anak nilang kabataan ang kanilang bukas. Ano pa nga bang kailangang problemahin ng mga anak ng may kapangyarihan pagdating sa karir at pag-ibig samantalang plantsado na ang mga ito bago pa man sila isinilang? Bitbit nila ang komplikasyon ng sakit na sadyang nilikha ng mga nauna sa kanila sa ngalan ng dinastiya.

Ipinapalagay na ang sumunod na eksena sa bar ay naganap sa parehong panahon ng pagkatay kay Lu sa garahe ng Medina. Dito sa bar, naroon ang mga tagapamana ng pangalan at posisyon: sina Dino Perez (Ralph Mateo) at Mirra Medina (Delphine Buencamino), sina Santiago Jr. (Nicolo Magno) at SK Chair Gutierrez (Nar Cabico) at ang mga kababatang sina Marky Medina (Marco Viaña), Vic (Remus Villanueva) at Pong (Jovanni Cadag). Nakatali sa upuan ng kabalintunaan ang mga tauhang magkasama sa bawat mesa. Bagamat nasa iisang partido ang mga magulang ng magkasintahang sina Mirra at Dino dahil pawang mga anak ng contending mayor at vice-mayor, ang pamilyang Perez ay isa ring pinaghihinalaang mastermind sa pagpatumba sa tatay ni Mirra. Si Santiago Sr. (Nonoy Froilan) at ang ina ni Gutierrez na si Doray (Doray Dayao) ay magkaribal sa posisyong mayor. Bilang direktang salinlahi ng mga politiko, karaniwan na sa kanila ang wika ng lamangan, gantihan at kasiguruhan. Ang masaklap, ipinagkanulo nila ang pag-iral ng sinasabing political dynasty sa kanilang nayon. Aksidenteng napatay ni Marky si Pong sa girian nina Dino at Santiago Jr. nang tinangkang pumorma nang huli: away ng magkaribal sa magkaribal ngunit si Marky ang naipit gaya ng pagkaipit ng kanyang inang si Christina sa away ng mga boss.

Simpleng may-ari ng sari-sari store si Christina. Minsan pang naglako ng Avon at Sarah. Hindi naghihirap pero hikahos rin na pinatindi pa ng sunod-sunod na tunggalian: ang kontrobersyal na pagkamatay ng kanyang asawang si Mario, ang sakit sa tumor ng kanyang Papang (Lou Veloso), ang pangarap na abogasya ni Mirra at ang pagbili ng hustisya sa pagkamatay ni Pong. Masasabing kapit sa patalim ang pagsugal niya sa halalan ngunit para sa kanyang Papang, ito ay pagsadlak niya sa sarili upang maging “isa sa kanila…mga mistulang hayop sa katawang-tao.” Tinusok ni Papang ang kanyang leeg sa pamamagitan ng tinidor dahil hindi nito masikmura ang transpormasyon ng anak mula sa Christinang nangarap magkaroon ng katahimikan sa bayan tungo sa isang halimaw na makasarili, bulag-bulagan at manloloko.

Sa mga eksena ni Alex, kapansin-pansin ang konsistent na pagkumpuni nito ng anumang bahagi ng bahay ni Christina habang kadiyalogo siya nito o kaya ay si Marky. Pinatitingkad ng aksyon ang papel ni Alex sa larangan bilang fixer, tagalinis, dirty finger at “master teacher”. Makikitang tagumpay niyang naihubog si Marky bilang amok-killer sa ngalan ng laro. Pinatay nito si Vic dahil tumistigo laban sa kanya at pabor kay Melba habang binaldado niya ang karibal na pinsang si Rhoda (Regina de Vera). Samantala, si Christina, bagamat tuliro sa maraming pagkakataon, sa huli ay naging mapagpasya sa pamamagitan ng pagpatay kay Alex gamit ang sariling baril nito. Ginawa ito ni Christina sa karakter na lesser evil dahil nais na niyang lumagay sa tahimik at hindi sa kontekstong tuluyan nang wakasan ang karahasan at dinastiya sa politika ng kanilang bayan.

Paano nga ba mawakasan ang dinastiya? Sa diskurso ng mag-inang Melba at Rhoda, binanggit nila ang pag-alis sa bayan at kalimutan na lamang ang pangalan. Ito nga ang ginawa ng mag-anak na Christina, Marky at Mirra bagamat nanatiling nakabitin kung ano na kanilang buhay pagkatapos.

Ang nabanggit na tanong ay hindi sinubukang sagutin ng dula sa kabuuan bagkus malinaw nitong ipinakita ang mga elemento ng pag-iral ng dinastiya: ang monopolyo sa mga negosyo, ang paglubid ng buhangin, ang panunuhol, ang fixed marriage, ang paglikha ng mga libangan para sa pansamantalang pagka-amnesya sa kahirapan ng simpleng mamamayan habang pinagkakakitaan nang limpak-limpak, ang pagbenta at pagbili ng hustisya, ang paggamit ng relihiyon at pagbihis na banal, ang paggamit ng midya sa pagpapaganda ng imahe at pagpapabango ng pangalan, ang sensura sa pamamagitan ng harassment at pagpaslang, ang pag-alay ng serbisyo bilang utang na loob, ang pagsasanay ng anak sa tradisyong bulok at ang pag-abuso mismo sa wika at damdamin ng masa sa pamamagitan ng swabeng pag-angkin dito.

Ang pagsawsaw ni Doray sa politika ay nakupot sa katatawanan bagamat tanging ang karakter niya ang magbibigay sana ng alternatibo sa pagpihit ng direksyon ng kalakaran sa kanilang bayan. Isang guro na mahilig magtanong at mag-aral, ibinunyag niyang illegal logging ang pangunahing dahilan ng pagkabaha sa kanilang lugar. Binunyag niya rin ang jueteng bilang panloloko sa mamamayan. Naniniwala si Doray na “mas magandang mamatay nang may dangal kaysa manatiling buhay na may ikinahihiya.”

Napilay si Doray at aksidenteng namatay na ayon kay Santiago Sr. ay divine intervention o kagustuhan daw ng Diyos na mawala sa mundo siyang may dalisay na layunin. Malabong susunod sa kanyang yapak ang kanyang anak na si SK Gutierrez (na napilay din) bagamat pinapangaralan niya ito. Mabuway ang karakter ni SK Gutierrez: natutunan niya nang mangupit mula sa budget ng pa-liga at natutunan niya na ring maging balimbing bilang pagkapit sa kapangyarihan.

Bagamat elitistang magsalita, ang kabataan at newbie sa politika na si Rhoda Medina ay may bahid ng pagiging makabago ngunit hanggang sa huli, nanatili siyang anak ni Melba at nabitag sa di tapos na nakaraan ng kanyang ina. Tanggap niya nang ang kanyang kursong Business ay nakatuon sa pagmonopolyo ng groserya sa kanilang lugar at ang kanyang pagtakbo laban kay Christina ay batay sa planong paghihiganti ng kanyang ina.

Si Mirra, bagamat may ugaling idealist ay natuto ring sumugal gamit ang kanyang katawan bilang babae. Samantalang si Dino ay anino lamang ng kanyang mga magulang. Gaya ng paraan ng pagtuturo ni Alex kay Marky, si Dino ay nahasa sa pagsulsi at pagtatahi na turo ni Purita sa pamamagitan ng pagsara ng mata, pagtakip sa tenga at pagtikom ng bibig. Samantala, si Santiago Jr. ay masugid na mag-aaral ng mapanglinlang na teorya at praktika ng kanyang ama. Ang kanilang sekreto: buksan ang mata sa bawat oportunidad.

Matingkad ang kawalan sa dula ng representasyon ng masang palaban. Ang tanging karakter na botante-konsumer sa dula ay si Aling Panchang (Peewee O’Hara) na namamasada ng tricycle ngunit siya ang tipo ng simpleng mamamayang bayad na ng sistema: payag siya sa jueteng, payag siya na wala nang kaso-kaso para sa namatay niyang anak, payag siyang tumanggap ng buwanang amot mula sa politiko kapalit ng pananahimik at determinado siyang sagasaan si Doray dahil sa pagiging anti-jueting nito. Siya rin ang tipo ng masang kailangang pagtiyagaan pang kabigin at mulatin upang imbes na magsalita sa panig ng trapo, mauunawaan niyang ang gaya ni Doray ay isang lider na handang manindigan para sa maralitang sektor at mga naaagrabyado. Malaki ang tiwala ni Doray sa taumbayan at kahit isa o dalawa lamang ang makaintindi sa kanya ay “malaking bagay na.”

Matapos ipakita at iparanas sa manunood ang paikot-ikot na mga komplikasyon at hindi resolbadong mga pangyayari, ibinunyag sa mga huling eksena ang salamankerong papel ni Santiago Sr. sa politikang pasugalan. Ipinahiwatig nito ang iba pang maskara ng trapo. Kaya niyang baliktarin ang mundo nang walang bahid ng dugo sa kamay. Nakikinabang siya sa away ng magkaribal na mga pamilya. Magaling siyang magturo at hindi nakikita ang sariling kabulukan. Master ng oportunismo at panghuthot. Pinakikinabangan niya maging ang baha bilang magandang pagkakataon ng pagpapakita ng mga imahe ng relief, rescue at maging ng sensational na paglusong niya sa baha kasama ng kanyang anak. Hindi makapagtatakang kabisado niya ang mga oportunidad o kaya ay madali niyang masipat ang mga ito bilang dating Costums. Kaibigan niya ang lahat: accountant, pedicab driver, SK, ang simbahan at kahit ang presidente ng bansa.

Sa palabas, hindi masisilaw ang mga botante sa marangyang bihis ng politiko ngunit mapapa-bilib sila sa husay ng kanilang pananalitang sadyang panghugot sa simpatiya ng masa dahil gamit nito ang wika nila. Ang pananalita ni Santiago Sr. ay tila musika ng malinis na konsensya. Katunayan, sa kanyang meeting de avance, kinopya niya ang pananalita ni Doray habang ang mga tagapakinig ay mistulang mga naglalakad na patay o kaya ay nagayuma sa kanya.

Nakakakilabot isiping kung sa aktuwal, marami pa rin sa mamamayan ang nagagayuma ng salita mula sa mga mapagpanggap na lider ng bayan. Sa tonong hindi kinukutya ang sarili, sinabi ni Santiago Sr. na mahirap makita ang mga nagpapanggap “dahil nagtatago sila… nakakubli sila sa likod ng emosyon… nagpapaawa… sa isang banda ay nananakot.” Hindi mahalagang malaman ng taumbayang namatay ang kanilang kababaryo sa pagguho ng Purity of the Soul Elementary School bilang collateral ng murang materyales na ginamit sa konstruksyon. Hindi nila kailangang usisain ang proyektong logging ng pamilyang Perez. Hindi nila kailangang kwentahin ang kinikita ng mga opisyales sa bawat 300 porsentong patong sa kanilang mga proyekto. Hindi nila kailangang malamang tauhan niya ang druglord na si Paquito (Lou Veloso). At hindi rin nila kailangang malamang balak niyang magtayo ng sariling dinastiya.

Mahalaga ang dula sa panahong ipinagpalagay na ang demokrasya ay nabawi na matapos ang diktaduryang Marcos sa kabila ng realidad ng karahasan kaugnay ng eleksyon, impunity sa maysala, kawalan ng katarungan sa mga biktima at pagkaroon ng mga sakunang bunsod ng tao. Nito lamang 2011 naipasa ang House Bill 5715 (Whistleblower Protection, Security and Benefit Act of 2011) na ayon sa mga naghain nito na sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at Neri Colmenares ay isang hakbang upang maengganyo ang mga kawaning magsalita laban sa katiwalian ng mga nanunungkulan sa gobyerno. Hindi sapat ang Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil unang-una, isang malaking katanungan pa rin kung uso sa mga trapo ang delicadeza at kung magpapakumbaba sila mismong aminin ang kanilang katiwalian. Sa pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center, sa kasalukuyang kongreso, 70 porsyento ng mga nanunungkulan ay nagmula sa political dynasty habang dominado din nito ang mga tatakbo sa eleksyong 2013. Mula 1987, nanatiling papel ang mga inihaing Anti-Political Dynasty Bill sa senado at kongreso sa pasimuno nina Sen. Miriam Defensor Santiago, Sen. Alfredo Lim, Sen. Panfilo Lacson at Bayan Muna Rep. Casiño.

Sa dula, sinikong pinatay sina Papang at Doray, mga tauhang kumakatawan sa sinag ng pagbabago. Nais ipabatid ng palabas na suntok sa buwan ang mawakasan ang katiwalian, karahasan at dinastiya sa politika ngunit ang kalakasan ng pagtatanghal ay nasa masalimuot na banghay at tunggalian sa pagitan ng mga naghaharing uri sa lipunan. Nalantad ang isang ugat sa kahirapan at pagiging atrasado ng bayan: ang burukrata kapitalismo o ang pag-abuso sa posisyon bilang negosyo ng mga opisyal sa gobyerno. Kung kaya sa kabilang banda, ipinagkatiwala ng dula ang pag-aaral, pagiging kritiko at mapagpasya ng mga manunood sa posibilidad ng pagkaroon ng politikang tunay na nagsisilbi sa mamamayan.

Habang tinuturuan ng mga batikan sa sugal ng politika ang kanilang mga tagapagmana, naway hindi kumurap ang mga manunood upang labanan ito.

Lider kontra pagmimina sa Batangas, nakaligtas sa pagpaslang

$
0
0

Piket ng magsasaka sa Timog Katagalugan sa opisina ng DENR ngayong Oktubre 15 para kondenahin ang pagpaslang kay Daisy Ayo at mga proyekto ng pagmimina sa rehiyon (Contributed Photo)

Sugatan ang isang lider-kababaihan na kontra pagmimina matapos ang tangkang pamamaslang kahapon sa probinsya ng Batangas.

Ayon sa ulat ng Gabriela-Southern Tagalog, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at naka-bonnet ang bumaril kay Daisy Ayo, kasapi ng Gabriela-Batangas at miyembro ng Samahan at Ugnayan ng Mamamayan ng Batangas, sa palengke ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan.

“Masuwerte lamang siyang nakaligtas nang tumakbo (siya) palayo sa mga salarin,” pahayag ni Rjei Manalo, pangkalahatang Kalihim ng Gabriela-ST. Tinamaan ng bala si Ayo sa pige at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Hinala ng grupo, may kinalaman ang tangkang pagpaslang kay Ayo sa paglaban nito sa proyektong pagmimina ng Asturias Chemical Industries Inc. sa 507-ektaryang lupain. Binigyan ng gobyerno ng Mineral Production Sharing Agreement ang nasabing kompanya, na pagmamay-ari ng mga negosyanteng sina Ramon Ang at Iñigo Zobel, sa kabila ng Emancipation Patent na hawak ng mga magsasaka.

Bago ang insidente ng pamamaril, nakatanggap na umano si Ayo ng mga paninira at pananakot bilang kasapi ng Gabriela. Kasunod din ang pamamaril ng malawakang deployment ng Philippine Air Force at Philippine Army sa mga barangay ng Calatagan. “Hindi kailanman naging ligtas ang kababaihan sa pandarahas ng AFP (Armed Forces of the Philippines),” ani Manalo.

Nakapagtala na ang  18 na ang biktima ng ekstrahudisyal na pamamasalang sa Timog Kataglugan. Ito ang unang tangka ng pagpaslang sa hanay ng kababaihan, ayon sa Gabriela-ST.

“Tanging ang AFP at pamilya Zobel ang may motibo upang paslangin si Daisy. Kilala siya sa kanilang baryo bilang isang mahusay na lider at organisador ng Gabriela. Matapang siya at may tindig sa mga isyu ng kababaihan at mamamayan ng Batangas,” dagdag ni Manalo.

Samantala, may 200 magsasaka mula sa Timog Katagalugan ang nagpiket sa harap ng opisina ng Department of Environment and Natural Resources ngayong araw para kondenahin ang tangkang pagpaslang kay Ayo, at udyukan ang ahensiya na kanselahin ang permit sa pagmimina ng malalaking kompanya.

Sumasaklaw sa 35,000 ektarya ng lupa sa mga bayan ng Rosario, Taysan, San Juan, Lobo, Calatagan at Batangas City ang malalaking proyekto ng minahan, ayon sa grupong Bukal.

“Nanganganib itong wasakin ang kalikasan, ubusin ang ating likas-yaman, at palayasin ang aming mamamayan,” sabi ni Fr. Oliver Castor, tagapagsalita ng Bukal.

Nanawaga ang grupo kay Pangulong Aquino na ibasura ang Mining Act of 1995 at Executive Order 79 na umano’y pabor sa malalaking kompanya ng mina.

Militanteng kabataan, kinumpronta ang Akbayan sa ‘red-baiting’, pagiging ‘bogus’ na party-list

$
0
0
Mga miyembro ng Anakbayan-NCR na nagsalita habang naganap ang presscon ng Akbayan sa Ermita, Manila. (Macky Macaspac)

Mga miyembro ng Anakbayan-NCR na nagsalita habang naganap ang presscon ng Akbayan sa Ermita, Manila. (Macky Macaspac)

Kinumpronta ng mga miyembro ng Anakbayan-National Capital Region (Anakbayan-NCR) ang mga lider ng Akbayan Party-list sa isang press conference sa Ermita, Manila.

Inakusahan ng mga aktibista ang Akbayan ng paglalagay sa mga miyembro ng Anakbayan sa panganib sa pamamagitan ng red-baiting (pagbansag na komunista) at pagsasamantala sa sistemang party-list dahil di-kinakatawan ng Akbayan ang mardyinalisadong mga sektor.

Akbayan called for a public forum and Walden Bello is a public official, they are accountable to the people and being an administration party, should have been ready for criticisms and even protests,” sabi ni Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan.

Si Akbayan Rep. Walden Bello na pinipigilan ng mga kapwa miyembro ng Akbayan habang hinaharap ang mga aktibistang nagprotesta sa kanilang presscon. (Macky Macaspac)

Si Akbayan Rep. Walden Bello na pinipigilan ng mga kapwa miyembro ng Akbayan habang hinaharap ang mga aktibistang nagprotesta sa kanilang presscon. (Macky Macaspac)

Nagsasalita ang mga lider ng Akbayan sa press conference nang biglang magsalita ang aabot sa sampung miyembro ng Anakbayan para batikusin ang Akbayan, na kilalang malapit sa Malakanyang at may mga lider na matataas na opisyal ng administrasyong Aquino.

Sa footages ng TV networks, nakitang hinarap ng mga miyembro ng Akbayan ang nagpoprotestang mga kabataang estudyante. Sa isang punto, hinawakan pa ni Akbayan Rep. Walden Bello ang kamay ng isang nagpoprotestang aktibista para sampalin ang sarili niya.

Ayon sa Anakbayan, pisikal na sinaktan din ng mga miyembro ng Akbayan ang kanilang mga miyembro. Sa ilan ding footages, nakitang sinasakal ng isang miyembro ng Akbayan ang isang nagpoprotestang aktibista at kinaladkad papalabas ng restawran.

The youths which attended the public forum was there to call on Akbayan to stop deceiving the public and stop claiming that they are marginalized and underrepresented, when clearly they are Malacanang-backed and their nominees appointed in government,” pahayag pa ni Crisostomo.

Binatikos din ni Crisostomo ang pahayag ng Malakanyang na nagdedepensa sa Akbayan na nahaharap sa reklamong diskuwalipikasyon sa Commission on Elections (Comelec).

Malacanang’s statement defending Akbayan shows clearly the favor that Malacanang and government is giving them,” ayon sa lider-kabataan.

Nakaputing shirt na kabataang nagprotesta, na kinakaladkad ng isang miyembro ng Akbayan (kanan) papalabas ng restawran. (Macky Macaspac)

Nakaputing shirt na kabataang nagprotesta, na kinakaladkad ng isang miyembro ng Akbayan (kanan) papalabas ng restawran. (Macky Macaspac)

Samantala, kinatigan naman ng Katoliko at panghalalang watchdog group na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang panawagan para sa diskuwalipikasyon ng Akbayan, gayundin ng Black and White Movement, sa halalang party-list sa 2013.

Sinabi ng PPCRV na dapat talagang idiskuwalipika ng Comelec ang Akbayan at Black and White dahil sa pagiging malapit nito sa Malakanyang at pagiging matataas na opisyal ng administrasyon ng mga lider nito.

This fact invalidates their claim that those who want to disqualify them are “extreme left” parties “envious” of them. For sure, this cannot be said about PPCRV,” sabi pa ni Crisostomo.

Depensa ng Akbayan, kailangan umanong tingnan ang kanilang track record ng representasyon sa Kongreso, gayubndin ang pagtulak nila ng iba’t ibang batas tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper), Cheaper Medicines Law, at iba pa.

Ngunit para sa Anakbayan,”Akbayan is trying to overstate their value by pointing to certain accomplishments, and claiming they are effective. Frankly, we do not care, they have already exposed themselves long ago as pro-Aquino functionaries and lackeys and it is for us no longer subject to debate.


RH Bill, itinutulak sa gitna ng badyet pangkalusugan na P1 bawat Pinoy

$
0
0

Joms Salvador, secretary general ng Gabriela, sa piket sa Kongreso para igiit ang pag-amyenda sa Reproductive Health Bill (Mula sa bidyo ng Gabriela Women’s Party)

Itinutulak ng Gabriela ang kagyat na pagsisimula ng talakayan ng Kongreso sa mga amyenda sa Reproductive Health (RH) Bill, matapos maaprubahan ng Mababang Kapulungan ang 2013 pambansang badyet na naglalaan lamang ng P1.10 para sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Sa isang piket sa harap ng House of Representatives kahapon, binatikos ng grupo ang kawalan ng serbisyong pangkalusugan para sa mahihirap na kababaihan at bata, lalo na sa pagtutulak ng gobyernong Aquino sa corporatization o pagsasapribado ng pampublikong mga ospital.

“May nagaganap na masaker araw-araw dahil sa kawalan ng serbisyong kalusugan para sa mga bata at kababaihan,” ayon kay Joms Salvador, deputy secretary general ng Gabriela. Tinutukoy niya ang datos na 11 kababaihan ang namamatay kada araw dahil sa mga kumplikasyon sa panganganak na madaling maiwasan. Gayundin, namamatay ang mga sanggol sa mga sakit na madaling magamot gaya ng sepsis, bronchitis, pneumonia, at diarrhea.

Ayon sa Gabriela, hindi katanggap-tanggap na maipapasa ang 2013 badyet nang hindi rin naipapasa ang RH Bill. “Magiging napakalaki na ng kasalanan ng mga mambabatas sa mga bata at kababaihan kung matapos maaprubahan ng kalunos-lunos na badyet pangkalusugan ay mai-etsapwera pa rin ang RH Bill,” dagdag ni Salvador.

Ngunit  nais ng grupo na tanggalin sa RH Bill ang probisyon hinggil sa pagkontrol sa populasyon.

Ayon kay Emmi de Jesus, isa sa mga awtor ng panukalang batas, “Dapat nang wakasan ang delaying tactics (sa RH Bill) at pumasok na sa pag-aamyenda. Kailangang pagsumikapan na tutugon ang RH Bill sa pangangailang pangkalusugan ng kababaihan at bata sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga probisyon na nagbabandila ng pagkontrol sa populasyon bilang sagot sa kahirapan.”

Malagim na tortyur ng militar sa maling taong dinukot

$
0
0
Hindi mapigilan ni Maritess Chioco, asawa ni Rolly Panesa na maiyak habang isinasalysay ang pinagdaanan nila sa kamay ng mga umarestong pinaghihinalaang mga militar.  (Macky Macaspac)

Hindi mapigilan ni Maritess Chioco, asawa ni Rolly Panesa na maiyak habang isinasalysay ang pinagdaanan nila sa kamay ng umarestong pinaghihinalaang mga militar. (Macky Macaspac)

Nasa gobyerno pangunahin ang pagbibigay proteksiyon at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat taong inaaresto, rebelde man o simpleng mamamayan.

Pero sa kabila ng pagkakaroon ng batas laban sa tortyur noong 2009, patuloy pa ring ginagamit ng mga puwersa ng estado ang pagtortyur. Ganito ang akusasyon ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan sa mga elemento ng militar. Bukod sa pagkakamali sa identidad (mistaken identitity), dumaan pa sa pagpapahirap si Rolly Panesa matapos arestuhin ng mga elemento ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, noong Oktubre 5.

Ayon sa Army, inaresto si Panesa dahil isa raw siyang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA). Siya raw si “Benjamin Mendoza” na kalihim ng Southern Tagalog Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines. May pabuyang PhP 5.6-Milyon ang nasabing pangalan. Samantala, kasama sa inaresto ng Army ang asawa ni Panesa na si Martiess Chioco. Inakusahan din na opisyal ng NPA at ang anak ni Maritess na si Connie Rey at asawang si Peter Que.

Pero matapos arestuhin at itortyur sila, laluna si Panesa, napag-alamang guwardiya lang si Panesa, at malayung-malayo sa inaakusa sa kanyang pagiging lider-rebelde.

Guwardiya, di rebelde

Sa isang press conference sa Quezon City, lumantad si Maritess upang pabulaanan ang bintang ng mga militar na isang rebelde ang kanyang asawa. Nanawagan si Maritess na palayain na ng militar ang kanyang asawa.

“Inosente ang aking asawa,” ani Maritess. Hindi umano Benjamin Mendoza ang pangalan ng kanyang asawa. May mga pruweba siya. May mga saksi. Pero nagmamatigas pa rin ang militar.

“Guwardiya po siya ng Megaforce Security,” pagdidiin ni Maritess.

Isinalaysay ni Maritess ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga umaresto sa kanya. Naglalakad silang pamilya pauwi sa bahay sa Project 4, Quezon City noong Oktubre 5 nang sapilitan silang pinasakay sa dalawang magkahiwalay na sasakyan ng nagpakilalang mga pulis.

“Normal kaming naglalakad. Nakita ko na binraso ang aking asawa na nabuwal. Nang lalapitan ko, nakita ko na lang na ‘yung anak at manugang ko’y sakay-sakay na sa van,” kuwento ni Maritess. Isinunod siyang hablutin pero nanlaban si Maritess sa pag-aakalang magnanakaw ang humahablot sa kanya. Nang maisakay sila sa van, saka lamang nagpakilala ang mga kidnaper na mga pulis sila at inaaresto nila sina Maritess.

“Piniringan nila kami at pinosasan. Napakahaba ng tinakbo ng biyahe namin,” ani Maritess. Dinala sila sa isang lugar sa Laguna. Kalaunan, napag-alaman nilang nasa Camp Vicente Lim sila.

Nakaranas umano si Maritess ng matinding interogasyon.

Paulit-ulit na pinapaamin ng isang taong diumano’y nakasama niya si Maritess, na siya si “Luisa Mendoza” na asawa ni “Benjamin Mendoza”. May pagkakataon pang kinumusta ng nag-iinteroga ang diumano’y operasyon niya sa leeg,

“Sabi ko, hindi po ako si Ka Luisa. Ako po si Maritess Chioco. Tubo po akong Nueva Ecija,” sagot ni Maritess sa taong nag-iinteroga sa kanya. Sinabi rin niyang hindi siya dumaan sa anumang operasyon sa leeg, na makikita naman dahil wala siyang bakas ng anumang pilat.

Panawagan ng Karapatan na palayain si Rolly Panesa, na anila'y biktima ng mistaken identity.  (Macky Macaspac)

Panawagan ng Karapatan na palayain si Rolly Panesa, na anila’y biktima ng mistaken identity. (Macky Macaspac)

Sa kabila ng mariing paninindigan ni Marites na hindi siya si Luisa, patuloy siyang ininteroga at pinagdidiinang siya si “Luisa.”

Pinalaya si Maritess, Connie at Peter kinabukasan, noong Oktubre 6. Pero tumangging umuwi si Maritess dahil nais niyang matiyak ang kalagayan ni Rolly Panesa. Nakiusap siyang makita ang kanyang asawa. Pinahintulutan naman. Kuwento ni Maritess, halos ayaw niyang tingnan ang kanyang asawa dahil sa sinapit na pagmamaltrato ng mga umaresto sa kanila.

“Hindi ko kayang tingnan ang mukha ng asawa ko dahil sabog-sabog na po ang nguso niya. Putok na ang baba at ilong niya. Pati tainga niya, dumudugo na,” mangiyak-ngiyak niyang pagsasalaysay.

Sinabi naman ni Rey Cortez, mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL) at abogado ng mga biktima, na hindi ang taong hinahanap ng militar ang kanilang inaresto. “Nais kong i-emphasize na ang hinuli nila ay hindi si Benjamin Mendoza kundi si Rolly Panesa,” aniya.

Sinabi ni Cortez na madali para sa mga umarestong pulis na kilalanin ang biktima kung siya nga ba ang talagang target ng kanilang operasyon. Nang inaresto kasi ng militar si Panesa, lahat ng papeles na pagkakalinlan sa kanya ay dala niya.

“Yung bagay na iyan (identity) ay madaling i-verify ng mga kinauukulan o ng mga humuli sa kanya,” ayon sa abogado. Kasama sa mga dala ni Panesa ang iba’t ibang ID na inisyu ng gobyerno, tulad ng driver’s license, SSS (Social Security System) at ang kanyang security guard ID na iniisyu ng isang ahensiya ng Philippine National Police (PNP) – ang Sosia, o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies.

Sinabi pa ni Cortez na isang tawag lang ng mga umaresto, malalaman na nilang si Rolly ay isang guwardiya ng Megaforce Security simula pa noong 1995. “Obviously, hindi nila ginawa ito (pagtawag sa security agency). Para sa kanila, may nahuli sila at gusto nilang palabasin na siya si Benjamin Mendoza,” ani Cortez. At dahil dito, nilabag umano ng mga umaresto ang karapatan ni Panesa sa tamang proseso ng batas alinsunod na din sa konstitusyon.

Dagdag pa ni Cortez, malinaw ang palatandaan na tinortyur ang biktimang si Panesa bago siya dalhin sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa noong Oktubre 8.

Tinortyur

Larawan ni Rolly Panesa sa isinagawang medical examination. (Kontribusyon)

Larawan ni Rolly Panesa sa isinagawang medical examination. (Kontribusyon)

Sa eksaminasyon ni Dr. Geneve Rivera ng Health Action for Human Rights (HAHR) sa biktima noong Oktubre 11, lumalabas na may mga pasa siya sa paligid ng mga mata at namamaga din ang kanyang kanang pisngi.

Kinakitaan din siya ng pamumuo ng dugo sa kanang tainga. Gayundin, may palatandaang namamaga at may pasa ang kanyang bibig. Bagamat ilang araw din ang nakalipas mula nang arestuhin si Panesa, halos tugma ang eksaminasyon ni Dr. Rivera sa medico-legal exam na isinagawa ng PNP noong Oktubre 5, bago tanggapin sa BJMP si Panesa. Ayon sa Karapatan, nauna na kasing tinanggihan ng BJMP si Panesa ng dalhin ito mula sa Camp Vicente Lim, dahil walang medico-legal.

Dagdag pa ng HAHR, nakausap nila si Panesa na nagsabing sa sasakyan pa lamang ay binubugbog na siya at nagpatuloy ang pagmamaltrato sa lugar na pinagdalhan sa kanya. Sinabi din umano ni Panesa na tinurakan siya ng gamot na pang-hika samantalang wala naman siyang hika.

Mariin namang pinabulaanan ng militar na tinortyur nila si Panesa. Iginiit nila na “alyas” lamang ito ni Mendoza. Madalas daw na nagrereklamo ng tortyur ang Karapatan kapag may nahuhuli silang rebelde, “Iyan naman parati ang allegation nila ‘pag sila ang nahuhuli,” pahayag ni Col. Generoso Bolina, tagapagsalita ng Southern Luzon Command ng AFP sa midya. Sinabi din niyang sa korte na lamang patunayan kung minaltrato nga si Panesa.

Giit naman ng Karapatan, iba si Panesa kay Mendoza.

“Ipinakita sa kaso ni Panesa  ang lantaran at patuloy na paglabag ng gobyerno sa  Anti-Torture Act at Republic Act 7438 hinggil sa karapatan ng mga inaresto o ikinulong,” pahayag ni Cristina Palabay.  Panawagan ng grupo na kagyat na palayain si Panesa at alisin ang mga gawa-gawang kaso laban dito.

“Kahit sinuman, kahit rebelde pa, hindi dapat tortyurin,” pagdidiin ni Palabay.

Samantala, kinondena rin ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pag-aresto at sinabing nanatili umanong nasa hanay nila ang consultant sa usapang pangkapayapaan na si Benjamin Mendoza.

 

Kwentong Akbayan

$
0
0

(1) Totoo, nauna ang Akbayan sa paglahok sa eleksyong partylist. Hindi kailangang ipagsigawang noong 1998 pa lang ay lumahok na ito samantalang ang mga progresibong partylist tulad ng Bayan Muna, noong 2001 pa lang.

Nasa loob pa lang ng Kaliwa ang mga pasimuno ng Akbayan, gustung-gusto na nilang lumahok sa eleksyon at pumasok sa gobyerno ng mayayaman at makapangyarihan. Labis-labis ang pagpapahalagang ibinigay nila sa paglahok sa eleksyon at pagpasok sa gobyerno, kumpara sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa para sa tunay na pagbabago. Tiyak na mayroon sa kanilang tumingin sa ikalawa bilang pamamaraan lang para epektibong magawa ang una.

Nagkalat sila ng ilusyong walang pagpipilian ang Kaliwa kundi ang lumahok sa eleksyon, pumasok sa gobyerno, at bitawan ang iba pang porma ng pakikibaka. Mayroon ding ang pagtingin ay sa ganitong pamamaraan lang maisusulong ang mga reporma. At mayroon ding ang pagtingin ay patse-patseng reporma na lang ang posible, hindi na ang tunay na pagbabago.

Kasama ang kaisipan ng mga promotor ng Akbayan sa mga iwinasto ng Kaliwa noong dekada ’90. Tinunggali sa loob ng Kaliwa ang labis na pagpapahalaga sa paglahok sa eleksyon at pagpasok sa gobyerno. Idiniin ang pagiging pangunahin ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa para sa tunay na pagbabago. Kinilalang may halaga ang paglahok sa eleksyon at pagpasok sa Kongreso pero bilang sekundaryo, malayong sekundaryong porma ng pakikibaka.

Kaya nauna talaga ang Akbayan na lumahok sa eleksyong partylist. Patapos pa lang ang pagwawasto ng Kaliwa sa mga lumaganap na maling kaisipan, kasama na ang dala-dala ng mga promotor ng Akbayan, noong dulo ng dekada ’90. Pero nang magpasya ang Kaliwa na lumahok noong 2001 sa porma ng Bayan Muna Partylist, napatunayan ang bisa ng pagbibigay-halaga sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa para sa tunay na pagbabago: Numero Uno agad ang Bayan Muna.

Sa mga sumunod na eleksyon, hindi man partylist ng Kaliwa ang naging Numero Uno, ang Kaliwa naman ang nakakuha ng pinakamaraming pinagsama-samang boto kumpara sa kahit anong blokeng nagpapakilalang progresibo. Partida pa iyan dahil pinalasap ito ng matinding pandarahas at pandaraya.

(2) Nagtuluy-tuloy naman ang Akbayan hindi lang sa paglahok sa eleksyon at pagpasok sa Kongreso, kundi maging sa pagsisikap na makapwesto sa gobyerno. Tampok na porma nito ang pakikipag-alyansa sa sinumang pangulo ang maupo.

Noong 1992, umawit na ng papuri ang mga promotor ng Akbayan sa gobyerno ni Fidel Ramos. Kesyo hindi raw siya tradisyunal na pulitiko, kesyo karapat-dapat bigyang-pagkakataon ang programang Philippines 2000, at iba pa. Nagtuluy-tuloy ang gawing ito hanggang kina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Dumistansya lang sila sa dalawa nang nalantad na ang baho ng mga ito.

Pero naging pinakamalapit ang Akbayan kay Noynoy Aquino. Marami siyang ibinigay na matataas na posisyon sa gobyerno sa Akbayan. Bilang kapalit, sa pangkalahatan, humanay ang Akbayan sa mga posisyon ng rehimeng Aquino sa iba’t ibang usapin. Kung tumuligsa man ang Akbayan, iyan ay papitik-pitik, at mas ginawa para hindi lubusang malantad at mahiwalay sa mga progresibong grupo sa ibang bansa na hinihingian nito ng pondo – dati, at malamang hanggang ngayon.

(3) Kaya naman pagdating ngayong taon, bisperas ng eleksyong 2013, may batayan ang Anakbayan at iba pang grupo ng kabataan kasama ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno, na hilingin ang diskwalipikasyon ng Akbayan sa eleksyong partylist. Kahit ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, kinilalang makapangyarihan at “overrepresented” na ang Akbayan sa gobyernong Aquino at kailangan nang tanggalin sa eleksyong partylist.

Hindi matanggap ng Akbayan ang paghahain ng petisyon para sa diskwalipikasyon nito. Sa isang banda, buong buhay nga naman nito, inilaan nito sa pagtakbo sa eleksyong partylist at pagpasok sa Kongreso ng mga haciendero at malalaking kapitalista. Sabi ng isang tagapagtanggol nito, “lumampas sa pampulitikang linya (crossed the political line)” ang Anakbayan at KMU nang hilingin ang diskwalipikasyon.

Dahil matibay at madaling maunawaan ng publiko ang batayan ng diskwalipikasyon nito, mabilis na naging desperado ang Akbayan. Lalo na’t nabigyang-itsura ang pagpapakasasa nito sa kapangyarihan sa gobyernong Aquino noong nabisto ang lider nitong may petisismo sa baril at piniratang DVD sa nakaraang mga buwan.

Sa desperasyon nito, inakusahan nitong prente ng radikal na Kaliwa, ng Communist Party of the Philippines, ang Anakbayan, KMU at iba pang organisasyon. Si Walden Bello, unang nominado ng Akbayan at nangunguna sa pagpapanggap na progresibo ang Akbayan, ito ang sinabi. Si Mon Casiple, nagpapanggap na “independyenteng manunuring pampulitika” gayung Akbayan talaga, hinubad ang lahat ng pagpapanggap at ganito rin ang sinabi. Pinakilos pa maging ang mga lider-estudyante ng Akbayan para palaganapin ang ganitong kasinungalingan.

Dahil diyan, nagprotesta ang Anakbayan sa isang press conference ng Akbayan. Kinondena nito ang “red-baiting” na ginagawa ng huli. Natural, mapanganib ang mabansagang prente ng CPP. Ito ang naging paliwanag ng militar, tampok ni Ret. Gen. Jovito Palparan, sa pagdukot, pagtortyur at pagpaslang sa napakaraming aktibista noon – at nagpapatuloy ang mga ito ngayon.

Syempre pa, pinalabo ng Akbayan ang isyu. Pinalabas na ang protesta’y para sa diskwalipikasyon nito, gayung hindi; tungkol ang protesta sa red-baiting. Pinaratangan ang mga aktibista na arogante at hindi sibilisado, gayung ang naturang mga aktibista ang biktima ng arogante at barbarikong atake ng militar sa utos ng reihmeng Aquino at sa tulong na rin ng pagbibigay-katwiran ng Akbayan.

(4) May mga kaibigan naman ng Kaliwa at ng Akbayan na gumigitna, nananawagan ng tigil-putukan, kumbaga, at nagpapahayag ng pagkalungkot o pagkabahala sa pagtuligsa ng Kaliwa sa Akbayan na umano’y “kapatid” nito at “kapwa-progresibo.”

Labag sa lohika ang panawagan nila. Una, matibay ang batayan kung bakit dapat idiskwalipika ang Akbayan. Ikalawa, sa desperasyon nitong makatakbo sa eleksyong partylist at makapanatili sa kapangyarihan, binibigyang-katwiran ng Akbayan ang pandarahas ng militar sa mga nasa Kaliwa. Kung ilang pwesto sa Kongreso ang posibleng mawala sa Akbayan, aktwal na buhay ang nawawala sa mga aktibista dahil sa pagtatanggol sa sarili ng Akbayan. Aanhin mo ang kaaway kung may kapatid kang ganyan, tulad ng Akbayan, hindi ba?

At ikatlo, ang progresibo ay nasa gawa, hindi sa salita. Kahit si Adolf Hitler, “sosyalista” ang pakilala sa sarili, pero pasista. Hindi sapat na nagpapakilalang progresibo ang Akbayan para ituring itong kasama o kapanalig sa pakikibaka para sa progresibong pagbabago. Sa rekord nito sa ilalim ng rehimeng Aquino, nagbigay lang ito ng progresibong bihis sa mga patakarang neoliberal – pabor sa mga imperyalista at naghaharing uri at kontra sa mga mamamayan.

Porke ba nagpakilalang progresibo, progresibo na? Hindi ba pwedeng nagpapanggap lang? Hindi ba pwedeng umiiwas lang sa makatwirang puna? At porke ba gumigitna, hindi na pwedeng pumanig? Hindi ba pwedeng naninimbang lang sa dalawa pero pumapanig din – sa tama at sa progresibo?

(5) Pero naging malinaw na sa mga mamamayan ang tunay na isyu. Alam nilang hindi na mardyinalisado ang Akbayan, na overrepresented na ito sa gobyernong Aquino, at karapat-dapat nang idiskwalipika sa eleksyong partylist.

Pilit palalabuin ng Akbayan ang isyu. Ang gusto nitong palabasin: labanan ito ng moderatong Kaliwa at radikal na Kaliwa, ng pino at ng barbariko, ng nakaupo sa pwesto at ng naiingit dahil hindi nakaupo sa pwesto. Pero mabuway ang batayan nito. Ang totoo, labanan ito ng tama bersus mali: ng mga mamamayan bersus isang partidong hindi na mardyinalisado pero nangungunyapit sa kapangyarihan at nagpapahamak ng mga aktibista sa pangungunyapit – at nagpapanggap pang progresibo. Ng mga mamamayan bersus isang partidong abusado.

Sa yugto ngayon, kung makakatakbo man ang Akbayan, malalantad ito at ang gobyernong Aquino na nagsisikap dominahin ang sistemang partylist, katulad din ni Arroyo noon, para hadlangan ang mga kritiko ng gobyerno. Makatakbo man ito, tiyak na uulanin ito ng tanong at batikos, direkta mula sa karaniwang tao. “Ah, kayo pala iyung Kapalmuks Partylist!” At tiyak, magpapatuloy pa ang paglalantad ng Kaliwa sa Akbayan at, higit sa lahat, ng Akbayan sa sarili nito.

19 Oktubre 2012

Banta ng ‘muling pagnakaw’ sa pondo ng coco levy

$
0
0

Maliliit na magniniyog gaya ni Mylene Zantua: Hanggang kailan maghihintay bago mabawi ang pondong kanila? (Ilang-Ilang Quijano)

Tila inisip na ng gobyernong Aquino ang lahat ng maaaring gawin sa pondo ng coco levy, maliban sa ibalik ito sa tunay na mga nagmamay-ari nito.

Nariyan ang ilaan ang pondo sa Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper), o sa pagbabayad ng kompensasyon para sa malalaking may-ari ng lupa. Nariyan ang ilagak ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT), o sa pamumudmod ng barya sa mahihirap na pamilya.

Sa kabilang banda, simple lamang ang gusto ng maliliit na magniniyog: ibalik sa kanila ang pondo. At dahil ibinalik na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa kaban ng bayan nitong Oktubre 5 ang P56.6 Bilyong coco levy fund, simula na naman ang laban ng mga magniniyog para mabawi ito.

Hirap pa rin sa niyugan

Patay na ang ilan sa mga magniniyog na piniga noon ng diktaduryang Marcos para sa buwis na pangunahing ginamit ng kanyang kroni na si Danding Cojuangco Jr. Ngunit hindi pa rin isinusuko ang laban ng kanilang mga anak o apo na karamiha’y mahihirap na magniniyog pa rin. Nananatili silang walang sariling lupa at suporta mula sa gobyerno. Kaya ramdam na ramdam nila ang pangangailangang gamitin ang pondo para sa kanilang kagalingan.

Isa lamang ang magniniyog na si Mylene Zantua na tumututol sa paglaan ng coco levy fund sa Carper. Kahit pa benepisyaryo ng nasabing programa—binigyan ng Certificate of Land Ownership noong 2004 para sa dalawang ektaryang niyugan sa San Francisco, Quezon—sa kanyang kwenta ay mababawi rin mula sa kanila ang lupa dahil sa di kakayaning mga bayarin.

Kung imemenos ang mga gastos sa produksiyon, lumalabas na P10,000 kada taon lamang ang kita niya. Bukod sa pagkakaltas ng mga trader ng 15 hanggang 20 porsiyentong resikada, napakababa kung bilhin sa kanila ang kopra. Minsan, aabot lang ito ng P12 kada kilo.

Hindi rin sang-ayon si Zantua na gamitin ang coco levy fund sa CCT. Benepisyaryo nga siya ng nasabing programa, ngunit hindi naramdamang guminhawa dahil sa natanggap na P800 kada buwan (kulang na kulang ito, aniya, sa pagsustento ng limang anak) bukod pa sa itinigil na rin ito sa nakaraang anim na buwan.

Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Dahil hawak ng may-ari ng lupa ang mga sertipiko ng sapi sa Cocounut Industry Investment Fund (CIIF) ng kanyang lolo, wala patunay si Zantua ng pagiging claimant ng pondo. Ngunit sang-ayon siya sa House Bill 3443 ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, na nagpapanukala ng pagtatayo ng isang Coconut Farmers Fund mula sa coco levy fund, upang gamitin para sa kagalingan ng maliliit na magniniyog. “Dapat gamitin ang pondo para subsidyuhan ng gobyerno ang presyo ng kopra,” aniya.

Sa probinsya pa lamang ng Quezon, tinatayang may 200,000 na maliliit na magniniyog ang nangangailangan ng suporta ng gobyerno.

Itinutulak naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kagyat na “cash distribution” o distribusyon ng pondo sa mga claimant. Ayon sa grupo, daan-daang magniniyog na ang tumawag sa kanilang hotline simula nang maibalitang ibinalik na sa National Treasury ang coco levy fund. Nagtatanong sila kung paano makukuha ang kanilang parte—isang tanong na tila walang sagot ang gobyernong Aquino.

Para sa 2013 halalan?

Gaya marahil ng maraming magniniyog na claimant, hawak pa ni Willy Marbella, deputy secretary general ng KMP, ang mga sertipiko ng sapi sa CIIF ng kanyang yumaong ama. Wala naging silbi ang kapirasong mga papel na ito sa mahabang panahon.

Tubong Bikol, nagkokopra na si Marbella simula pa noong nasa elementarya. Nang magbinata, isa siya sa mga unang nag-organisa sa mga magniniyog at nangampanya para itigil ang pagpapataw sa kanila ng di-makatarungang buwis. Nasa P9.7-B ang halaga ng coco levy fund noong pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ngayon, lumobo na ito nang husto, ngunit ni singko ay wala pang naibalik sa kanyang pamilya. “Noong mamatay ang aking ama, pumunta pa ako sa opisina ng Cocofed (Philippine Coconut Planters Association) sa Makati para sana kumuha ng pampalibing. Doon ko nalaman na tinanggal siya sa listahan ng mga miyembro,” ani Marbella.

Ang Cocofed, organisasyon ng malalaking negosyante sa niyog na kinasangkapan ni Cojuangco, ay umaangkin sa coco levy fund sa ngalan ng maliliit na magniniyog. Enero ngayong taon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Cocofed na kumukuwestiyon sa pampublikong pagmamay-ari ng pondo.

Tinataguriang isa itong tagumpay ng maliliit na magniniyog na ipinaglaban ang pondo, sa loob at labas ng korte.

Nakatakda maglabas anumang oras ng mga rekomendasyon para sa paggamit ng coco levy fund ang Presidential Task Force on Coconut Levy, na binuo ni Pangulong Aquino noong Disyembre 2011. Kabilang sa task force ang National Anti-Poverty Commission (NAPC), Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Finance, at Department of Budget and Management.

Ngunit inihayag na noon pa ni NAPC Sek. Joel Rocamora na gagamitin ang pondo para sa Carper at CCT. Ito ang dahilan kung bakit sumugod sa opisina ni Rocamora sa Quezon City ang may 300 magniniyog nitong Oktubre 16 at 18. “Gusto naming igiit na dapat ibalik sa amin ang pondo at hindi gamitin sa mga programang kontra-magsasaka at kontra-mahihirap,” sabi ni Zantua, isa sa mga sumugod sa NAPC. Sa parehong pagkakataon, hindi sila hinarap ni Rocamora na umano’y wala sa opisina.

Nasirang tarangkahan ng opisina ng National Anti-Poverty Commission, na sinugod ng mga magniniyog para tutulan ang paggamit ng coc levy sa CCT at Carper (Sid Natividad/Bulatlat.com)

Samantala, hindi pa man nagtatagal sa kaban ng bayan ay tinatangka na ng gobyernong Aquino na tapyasan ang coco levy fund. Kamakailan, umalma ang progresibong mga mambabatas sa probisyon sa 2013 General Appropriations Act na naglalaan ng 15 porsiyento ng pondo, o P8.64-B, para sa PCGG at Office of the Solicitor General (OSG), na kapwa nasa ilalim ng Office of the President.

Para umano ang kaltas sa gastos ng dalawang opisina sa pagbawi ng pondo (“recovery expenses”). Ngunit ipinunto ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na kasama ito sa tungkulin ng PCGG at OSG at di dapat pinopondohan nang hiwalay. Kahina-hinala pa umano na tinangkang isingit ang ganitong probisyon bago ang 2013 halalan—kahalintulad ng sinubukang gawin ni dating pangulong Arroyo noong 2009, bago ang 2010 halalan.

Hinala rin ng KMP, ang planong paglalaan ng coco levy fund para sa CCT ay may kinalaman sa darating na halalan. Posible umanong gamitin ito ng mga kandidato ni Aquino para makakuha ng mga boto. Babala ni Marbella, “Ang pagkuha sa isang bagay na hindi mo naman pag-aari ay pagnanakaw.”

Daan-daang magsasaka mula sa iba’t ibang probinsya ang nagmartsa tungong Mendiola nitong Oktubre 19 at doon nagsagawa ng koprasang bayan. Ang matagal na pagluluto ng kopra ay simbolo umano ng napakatagal na nilang paghihintay para mabawi ang kanilang pondo. Alam nilang sa paglaban lamang mapapabilis ang pagpapasakamay ito, lalo na sa ilalim ng gobyernong tila may ibang plano.

‘Badyet ni PNoy sa 2013, gagamitin sa eleksiyon’

$
0
0
Kabataan Rep. Raymond Palatino (Kontribusyon)

Kabataan Rep. Raymond Palatino (Kontribusyon)

Election budget at hindi empowerment budget.

Ganito ilarawan ng Kabataan Party-list ang PhP2-Trilyong pambansang badyet para sa 2013 ng administrasyong Aquino na naipasa sa Kongreso sa third reading na nauna pa maging sa taunang General Appropriations Bill. Kasi naman, anila, lumabas sa diskusyon sa Kongreso na lulan ng naipasang badyet ang higit na pork barrel, dole-outs, at fat bonuses, na pawang mga alyadong politiko umano ni Pangulong Aquino ang makikinabang lalo na ang Liberal Party.

Pinakamataas ang nakalaan para sa Department of Education na may PhP292.7-Bilyon, pero mababa ito sa PhP339-B panukalang badyet na kailangan para sa implementasyon ng K+12 na programa sa susunod na taong pang-akademiko.

Samantala, sumunod na may pinakamalaking badyet ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may nakalaang PhP152.9-B. Ayon sa administrasyong Aquino, ang DPWH na ang siyang pangkalahatang ahensiya na responsable sa lahat ng proyektong pang-inprastraktura ng gobyerno. Para sa kabataan, nakakapagduda ito.

“Sa unang tingin, maaaring walang anumang mali sa ganitong pagkakategorya. Pero gusto naming tanungin: Isinentro ba ng gobyerno ang lahat ng proyekto nito sa imprastraktura sa isang ahensiya upang maging mas madali para sa mga kasapakat nito na makatanggap ng kickback mula sa mga overpriced at mga maanomalyang proyekto? Imbes na dumaan ito sa iba’t ibang ahensiya, ang mga pulitiko’y kailangan na lamang makipag-usap sa DPWH,” sabi ni Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Dagdag ng Kabataan, pahihintulan ng badyet na ito ang “national hiring spree” na may mahigit PhP60-B pondo para sa 160,000 bagong manggagawa sa gobyerno. Nangangahulugan umano ito na sa kabila ng patuloy na pagtanggi ng Palasyo, sa pagkakaroon ng underspending o mababang paglalaan ng gobyerno sa nakalipas na dalawang taon. Nagkaroon umano ngayon ng pondo para sa bagong trabaho sa gobyerno sa panahon ng eleksiyon.

Lumaki din ang pondong inilaan para sa programang Conditional Cash Transfer ng administrasyong Aquino mula PhP39-B tungong PhP44-B para sa 2013.

Samantala, magkakaroon naman ng PhP5-B pondo sa 2013 mula sa PhP1.7-B badyet nito ngayong taon ang Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) na isang pangkapayapaan at pangkaunlarang programa ng gobyerno sa liblib na mga pamayanan.

Ayon kay Palatino, habang nakasama na ang badyet ng Pamana sa alokasyon sa ibang mga ahensiya ng gobyerno, mananatili ang PhP5-B pondo sa kontrol ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (Opapp).

“Nung tanungin naming ang OPAPP kung hanggang saan ang kanilang papel sa paghawak ng pondong ito, sinabi nilang kanila lamang itong imomonitor at maglalaan ng oversight. Samantala, ang mga departamento na may alokasyon ng Pamana ay hindi sigurado kung saan gagamitin ang mga pondong ito, na lumalabas na Opapp ang siyang magiging direktang may kontrol sa badyet na ito,” sabi pa ni Palatino.

Ayon pa sa Kabataan, hindi rin dapat ipagmalaki ng administrasyong Aquino at DBM ang ulat na pagtaas ng badyet para sa state universities and colleges (SUCs).

Para sa SUCs, kulang pa rin ang PhP37.1-B ilalaang badyet. Nasa Php54.6-B ang kabuang panukalang badyet na kailangan ng SUCs, samantalang nasa 67.98 porsiyento lamang ng kabuuang kailangan ng 110 SUCs ang nasa badyet ng DBM.

“Ipinapakita ng datos ng DBM na ang PhP37.1-B naapprubahang badyet ng DBM para sa SUCs sa susunod na taon ay mas mababa nang Php17.5-B sa aktuwal na kailangan ng SUCs,” sabi pa ng Kabataan.

 

Militar pinapanagot sa masaker sa pamilya ng katutubong kontra sa mina

$
0
0
Juvy Capion (Kontribusyon)

Juvy Capion (Kontribusyon)

Masaker, hindi engkuwentro.

Ito ang iginigiit ng iba’t ibang grupo kasama na ang simbahang Katoliko sa naganap na insidente sa Tampakan South Cotabato noong Oktubre 18. Napaslang noon si Juvy Capion at mga anak niyang sina John, 8, at Jorge, 13.

Si Juvy ay asawa ni Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan, at aktibong kumokontra sa operasyong open-pit mining ng Xstrata-Sagittarius Mines Inc (SMI). Sugatan sa atake ang 5-anyos na si Vicky Capion, bunsong anak ng mag-asawang Capion.

“Ang pagpatay sa asawa at dalawang anak ng isang lider-katutubo na kumokontra sa pagmimina sa Tampakan, South Cotabato ay sinadya at di-resulta ng isang engkuwentro tulad ng sinasabi ng mga militar,” ani Dulphing Ogan, pangkalahatang kalihim ng Kusog sa Katawhang Lumad sa Mindanao (Kalumaran), isang alyansa ng mga katutubo sa Mindanao.

Sa fact-finding mission ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Social Action Center ng Diocese ng Marbel at Karapatan, napag-alaman sa mga kapitbahay ng mga biktima na dumating ang mga elemento ng 27th Infantry Batallion ng Army sa Sityo Datal-Alyong, Barangay Danlag, Tampakan bandang alas-sais ng umaga noong Oktubre 18. Agad umanong pinaputukan ng mga militar ang bahay ng mga biktima na agarang ikinamatay nina Juvy, John at Jorge.

Ayon sa grupo, si Daguil ang sadya ng mga militar na nagawang makatakas ngunit sugatan.

“Si Daguil ang sadya nila dahil sa pagtutol niya sa open-pit mining ng SMI,” ani Ogan.

Dagdag pa ng grupo, kinaladkad pa ang mga bangkay ng biktima at pinagbawalan ang ibang kamag-anak na makuha ang mga ito at ginamit ang mga bangkay para puwersahing sumuko si Daguil. “Napag-alaman ng mga kasama sa fact-finding mission na nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang mga biktima,” sabi pa ni Ogan.

Pangayaw, hindi panunulisan

Sa naunang mga ulat sa midya, sinabi ng militar na isang tulisan si Capion, na target ang kompanyang SMI, gayundin na ang grupo umano ng mga katutubong B’laan ang naunang magpaputok nang dumating ang mga militar sa lugar noong Oktubre 18.

Ngunit sa hiwalay na pahayag ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayang ng Pilipinas (KAMP), inilunsad ng tribong B’laan ang pangayaw bilang proteksiyon sa kanilang lupaing ninuno laban sa pagpasok ng dayuhang kompanya. “Nagdeklara ng pangayaw o tribal war ang mga B’laan noong Hunyo laban sa SMI,” sabi ni Piya Macliing Malayao, tagapagsalita ng KAMP. Paliwanag ng grupo, nakaugat sa kultura ng mga katutubo ang pagdepensa sa kanilang buhay at mga lupaing ninuno laban sa panghihimasok.

“Ipinagtatanggol namin ang aming lupain laban sa pandarambong at pagpatay sa mga kapwa namin katutubo. Malaking banta ang SMI sa buhay at kaligtasan ng mga B’laan,” ani Malayao, na isa rin katutubo. Aniya, makatarungan ang paglulunsad ng pangayaw ng tribung B’laan.

Bagamat inamin ng grupo na ang mga katutubo ang responsable sa pag-atake sa kompanyang SMI, bahagi umano ito ng kanilang pangayaw. Hindi rin daw makatarungan ang walang-awang pagpatay sa mag-iina.

“Umaaktong seguridad sa interes ng dayuhang mga kompanya ang militar,” sabi pa ni Malayao. Tinataya rin ng grupo na aabot sa 30,000 B’laan ang mapapaalis sa kanilang lupaing ninuno ng proyektong SMI sa Tampakan.

Idinagdag pa ni Malayao na ang komunidad ng mga katutubong B’laan ay matagal ng tumututol sa malawakang pagmimina at laging nabibiktima ng paglabag sa karapatang pantao. Kasama din ang tribu sa nagsampa ng kaso sa Korte Suprema noon (La Bugal vs. Mining Act). Pero natalo sa pasya ng hukuman na constitutional ang Mining Act noong 2004.

Si Dagil ay pamangkin ni Gorelmin Malid na isa ring lider ng B’laan na pinatay noong 2002,” dagdag pa ni Malayao. Ayon pa sa grupo, panahon pa ng Western Mining Corporation noong dekada ’90, aktibo nang tumututol ang tribung kinabibilangan ng mga biktima. Napilitan din ang Western Mining na itigil at abandonahin ang kanilang operasyon dahil sa inilunsad na pangayaw ng tribung B’laan.

“Ang pagpatay kay Capion ay karagdagan sa mahabang listahan ng mga martir na B’laan na tumutol sa malalaking pagmimina sa South Cotabato, Sultan Kudarat, at Davao del Sur mula pa noong dekada ’90,” pahayag ni Ogan.

Independiyenteng imbestigasyon

Nagawang pinatahan ng kanilang pagtingin sa AFP ang pader sa harap ng Kampo Aguinaldo kung saan nagpiket ang mga grupong pangkarapatang pantao, taong simbahan at maka-kalikasan para kondenahin ang masaker sa Tampakan. (Kontribusyon)

Nagawang pinatahan ng kanilang pagtingin sa AFP ang pader sa harap ng Kampo Aguinaldo kung saan nagpiket ang mga grupong pangkarapatang pantao, taong simbahan at maka-kalikasan para kondenahin ang masaker sa Tampakan. (Kontribusyon)

Panawagan ng iba’t ibang grupo na magkaroon ng independiyenteng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng mag-iinang Capion.

Hiniling din nilang kagyat na alisin ang tropa ng 27th IB sa lugar. “Nananawagan kami na alisin ang 27th IB at iba pang paramilitar na mga grupo sa mga komunidad ng mga katutubong Lumad. Nagsisilbi ang mga itong guwardiya ng kompanyang SMI, at tinatakot, hinaharas at ginigipit nila ang mga Lumad na tumututol sa operasyon ng SMI,” ani Crsitina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Kahit ang simbahang Katoliko ay nagpahiwatig ng pagkabahala sa naganap na pamamaslang at nagsabing dumarami ang bilang ng mga katutubo na biktima ng pagpaslang.

“Nais naming maimbestigahan ang mga salarin at mabigyan ng hustisya ang pamilyang Capion, kasama na ang lahat ng katutubong Lumad sa Mindanao na ngayon ay natatakot para sa kanilang kaligtasan dahil sa paninindigan nila laban sa pagmimina,” pahayag ni Tony Abuso, tagapagsalita ng Episcopal Commission on Indigenous Peoples ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP-ECIP).

I am saddened and outraged with this killings. I call on the national government to use all its resources and exhaust all possible means to bring justice to my B’laan indigenous brothers and sisters,” pahayag naman ni Rep. Teddy Brawner Baguilat ng Ifugao at tagapangulo ng House Committee on National Cultural Communities. Nagpanawagan din si Baguilat sa Department of Justice at Philippine National Police na agarang tapusin ang imbestigasyon at arestuhin ang mga salarin.

Ngunit para sa grupong Hustisya, “Kailangang ng kagyat, hiwalay at masusing imbestigasyon dahil marami na sa mga kaso ng pagpaslang at masaker ang pinagtatakpan ng militar sa pagsasabing ito ay engkuwentro o crossfire,” pahayag ni Cristina Guevarra, pangkalahatang kalihim ng Hustisya.

Samantala, sa pinakahuling-ulat, ipinatawag na raw ng 10th Infantry Division ng Army si Col. Alexis Noel Bravo ng 27th IB, kasama ang ilan niyang tauhan para tanungin hinggil sa nasabing pamamaslang. Sinabi pa ng tagapagsalita ng 10th ID sa midya, na tanging ang company commander na si Lt. Dante Jimenez ang inalis sa puwesto kasama ang 11 nitong tauhan.

Sa datos ng KAMP, ang pagpatay sa mag-iinang Capion ang ika-28 kaso ng pamamaslang sa hanay ng mga katutubo sa ilalim ni Pangulong Aquino. Noong Oktubre 13, pinaslang ang katutubong si Gilbert Paborada sa Misamis Oriental, aktibo naman ito sa pagtutol sa palm oil plantation.

“Ang mga pagpatay na ito ay may hangaring pahinain ang pagdepensa sa lupang ninuno ng mga katutubo. Ang sistematikong panunupil at paglabag sa aming mga karapatan, ang magpapaigting sa pagtutol laban sa pandarambong at panunupil sa amin,” pagtatapos ni Malayao.

Panggagahasa sa Okinawa, R&R ng tropang Kano sa Subic, ikinabahala

$
0
0

Latag ng mga baseng Amerikano sa Okinawa, Japan (Wikimedia Commons)

Ikinabahala ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang panggagahasa ng isang babae sa baseng militar ng Estados Unidos sa Okinawa, Japan noong Oktubre 8. Kasabay ang insidente ng pagtatapos ng Phiblex 13 (Philippines-US amphibious landing exercise), ang pinakahuling ehersisyong militar sa pagitan ng mga tropang Amerikano at Pilipino na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Inakusahan ng isang 20-anyos na babae sa Okinawa ang dalawang sundalo ng US Navy na gumahasa sa kanya habang papauwi sa kanyang bahay. Inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Christopher Browning at Skyler Dozierwalker, na ngayo’y nahaharap sa imbestigasyon.

Tinatayang may 47,000 tropang Amerikano na naka-base sa Japan; kalahati nito ay nasa Okinawa.

“Ilang beses nang napapatunayan ang aming pangamba na nagdudulot ng karahasan sa kababaihan ang presensiyang militar ng US. Ito lamang ang pinakahuling kaso,” sabi ni Joms Salvador, deputy secretary general ng Gabriela.

Idinagdag ni Salvador na may 2,600 Amerikanong sundalo na lumahok sa Phiblex 13 ang ngayo’y nagpapahinga at nagsasaya matapos ang mga ehersisyong militar. “Libu-libo ang nagpupunta sa mga bar, nightclub, at massage parlor sa  Subic, Palawan, at iba pang lugar. Sana’y hindi sapitin ng sinumang Pilipina ang sinapit ng babaing ginahasa sa Okinawa,” aniya.

Ang Gabriela ang nanguna sa kampanyang parusahan ang sundalo Amerikano na si Lance Cpl Daniel Smith para sa panggagahasa sa Pilipinang si ‘Nicole’ sa Subic noong 2006.

Nangako ang grupo na patuloy na lalabanan ang presensiyang militar ng US sa bansa at planong muling pagtatayo ng baseng militar ng Estados Unidos sa Subic.

Sa pagtatapos ng Phiblex 13, dumaong sa Subic Bay ang USS Bonhomme Richard, ang ika-lima nang US nuclear naval warship na dumaong sa bansa simula Agosto ngayong taon.

Panoorin ang isang Public Service Advertisement hinggil sa sinasapit ng mga kaso ng panggagahasa ng Amerikanong sundalo (nilikha para sa 1st INDIEpendensya Film Festival):


Protesta vs 40-taon ng (kawalan ng) reporma sa lupa

$
0
0

Limang araw na matagumpay na kilos-protesta ang ginawa ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang probinsiya sa ika-40 taon mula nang ipasa ang Presidential Decree 27 na nagtatalaga ng huwad na reporma sa lupa na iniutos diktadurang Marcos noong Oktubre 21, 1972.

Kasama sa isang-linggong serye ng pagkilos ng mga magsasaka ang pagtungo sa Times Street, Quezon City, sa harap ng tahanan ni Pang. Benigno Aquino III; programa para sa mga kabataan, pagkilos laban sa militarisasyon sa Timog Katagalugan; at dalawang beses na tangkang  pakikipagdiyalogo kay Sek. Joel Rocamora sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) hinggil sa pondo sa coco levy.

Protesta ng mga magsasaka sa Mendiola, Manila. (Macky Macaspac)

Protesta ng mga magsasaka sa Mendiola, Manila. (Macky Macaspac)

Bago nito, nagkampo ang mga magsasaka sa harapan ng Departamento ng Repormang Agraryo sa Elliptical Road, Quezon City.

“Nailunsad namin ang mga diyalogo sa Department of Agrarian Reform. Napalahok namin ang maraming bilang ng mga magsasaka, na mailantad sa malawak na bilang ng mga progresibo, ang kalagayan ng mga magsasaka na hanggang ngayon, ilang taon na nag nakakaraan, patuloy na walang lupa ang magsasaka…(P)atuloy ang pangangamkam at pagkakait sa amin ng lupang sakahan, at yung mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Orly Marcellana, tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Kaalinsabay ng protesta ng mga magsasakang tumungo sa Maynila, nagrali rin ang mga miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL) at Anakpawis Party-list-Central Luzon (Anakpawis-CL) sa tarangkahan ng Clark Special Economic Zone in Angeles City, Pampanga.

Hiniling ng mga grupo ng mga magsasaka ang pagbasura sa Republic Act 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with ‘Reforms’ (Carper). Anila, ginagamit lamang ng mga panginoong maylupa, katuwang ang gobyerno, ang batas na ito para panatilihin ang kanilang monopolyo sa lupa.

Naging pagkakataon na rin ang mga protesta para igiit ang pagpasa sa Kongreso ng House Bill 374 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na isinumite sa Kamara nina Anakpawis Rep. Rafael Mariano at mga kinatawan mula sa Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan Party-list.

Isa pa sa mga pinuruhan ng mga protesta ang pagtalaga ng administrasyong Aquino sa coco levy funds para sa NAPC.

“Naghihirap kami para sa kinabukasan ng aming mga anak at humihiling ng suporta sa gobyerno, para lamang madiskubre kung paano kagahaman ang mga tao na nasa kapangyarihan. Hinahamon namin ang NAPC na magbigay ng tuwirang sagot hinggil sa pera namin,” sabini Mylene Zantua, tagapagsalita ng Pinagkaisang Lakas ng mga Magsasaka sa Quezon (Piglas-Quezon).

Tinutukoy ni Zantua ang pagtutulak ng Presidential Task Force on the Coco Levy Funds sa pangunguna ng NAPC ng “Poverty Reduction Roadmap of the Coconut Industry” na nagkakahalaga ng P11.17-Bilyon na kukunin sa coco levy funds.

Kasama sa gustong pondohan ng NAPC ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” at implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Matagal nang binabatikos ng militanteng mga magsasaka ang naturang mga programa na bulnerable sa korupsiyon at di solusyon sa matinding kahirapan at pagsasamantala sa bansa.

Samantala, kasama rin sa dinalang isyu ng mga magsasaka ang panawagang ilabas ang P1.33-B proceeds of sales bilang bahagi ng shares ng mga magsasaka sa naibentang lupain ng Hacienda Luisita, Inc., ayon na rin sa desisyon ng mataas na hukuman na ipininal at naging executory noong Abril 24, 2012.

“Ang pamamahagi ng P1.33-B sa mga manggagawang bukid ay sunod na magandang bagay (next best thing) na magagawa ng Cojuangco-Aquino-HLI upang maabot ang hustisyang sosyal bukod pa sa pamamahagi ng lupa sa mga manggagawang bukid,” pahayag ni Rodel Mesa, tagapangulo ng Unyon ng mga Manggagawang Bukid (UMA).

Sa huling araw ng kampuhan, muling tumulak ang mga magsasaka, una sa Times Street, hanggang makarating sa Mendiola.

“Nananawagan ako sa pamahalaan na dapat, napapanahon na, na wakasan ang kontrol ng malalaking panginoong maylupa at debeloper, mga may-ari ng mga rancho at hacienda sa buong bansa na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka at suportahan ang agrikultura upang mapalago at may kakayahan tayong hindi magutom at mailagay sa panganib ang ating bansa,” sabi pa ni Marcellana.

Hangad din nila ang pagbibigay-hustisya sa mga magsasakang naging biktima ng karapatang pantao.

“Sa panig naman ng mamamayan, kami po ay nananawagan na suportahan ang pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa na ipinapanukala sa tulong ng Anakpawis. Sa pamamagitan po nito,  mapapaunlad natin ang paggawa ng mga tunay na programa para sa kagalingan ng mga magsasaka,” pagtatapos ni Marcellana.

Mga larawan nina Darius Galang at Macky Macaspac

Liham: Marapat na idiskwalipika ang Akbayan

$
0
0
Orly Marcellana ng Kasama-TK (Darius Galang)

Orly Marcellana ng Kasama-TK (Darius Galang)

Naninindigan ang militanteng kilusang magbubukid sa rehiyon ng Timog Katagalugan na tama at lehitimo ang mainit na panawagang huwag pahintulutan ang grupong Akbayan na tumakbo sa party-list elections.

Sa pagdami ng maralita sa kanayunan na nabuklod at naorganisa sa militanteng tradisyon ng pakikibaka sa lupa, desperado pa rin ang estado sa pagsuporta at paghahasik sa mapanlinlang na kaisipan sa pamamagitan ng mga nagpapanggap na samahang magsasaka (pseudo-farmer’s organization).

Kabungguang-balikat ng AKBAYAN ang mga grupong tulad ng UNORKA, PAKISAMA, PARRDS, PARAGOS, PAMMBUKID-KA, KASAKA-TK, KMBP, CARET, AR NOW, CENTRO-SAKA at PEACE Foundation (Araro PL) sa mga nagkukunwaring maka-magsasakang organisasyon.

Ang mga samahang ito ang nagsisilbing espesyal na ahente sa psywar ng gobyerno at AFP para ilihis ang landas ng masang magsasaka sa mapagpalayang adhikain nito at panatilihin ang paghaharing pyudal at mala-pyudal sa kanayunan.

Nakapagtala ng may dalawampung (20) maliliit na grupo ng repormista at nagpapanggap na organisasyong magbubukid sa rehiyon. Nagtatangka silang ibulid sa repormismo ang uring magsasaka – wasakin ang base ng militanteng kilusan at pagkakaisa ng maralita sa kanayunan upang  patuloy na makapagsamantala at makapaghari ang mga panginoong maylupa at mga kasabwat nito.

Mahaba ang rekord ng panlilinlang ng Akbayan at mga kasapakat nitong pseudo-farmer’s organization sa masang magsasaka sa bansa.

Matutuyuan ng tubig ang mga irigasyon sa kanayunan, pero hindi ang maruming listahan ng panlilinlang, panggagantso at pangungulimbat ng Akbayan at mga kagrupo nito sa kakapurit na ngang kabuhayan ng magsasaka.

Ang mga nalilinlang na magsasaka ang pangunahing balon ng pinagpapasasaang pondo at pekeng-kapangyarihan ng Akbayan!

Ahente ng Lupa

Laganap ang bentahan ng lupa at pagpapasuko sa karapatan ng mga magsasaka sa Southern Tagalog na pinangunahan ng Akbayan. Kunwang oorganisahin ang magsasaka, ibubuyo sa komprontasyon sa Department of Agrarian Reform (DAR) para diumano’y ipatupad ang peke ring reporma sa lupa na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Isusuong sa gasgasang-rali at mahahabang kampuhan sa harapan ng DAR. Paglao’y sasabihing papasok na ang kanilang laban sa win-win solution sa pamamagitan ng pagtanggap ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na lingid sa kaalaman ng mga magsasaka ay nauna nang nai-deal ng mga hinayupak na lider at organisador ng Akbayan sa mga panginoong maylupa at real estate developer!

Muling eeksena ang DAR sa iskemang bigay-bawi ng CLOA sa mga simpleng dahilan na non-agricultural ang lupa, not suited for agriculture, zoning ordinance at kung anu-ano pang palusot na buong-tapang-ang-hiyang tatanggapin ng Akbayan para isubo sa mga magsasaka na hayaan na lamang bawiin ang CLOA tutal ay babayaran naman sila ng damage compensation.

Ang matututunan ng kaawa-awang si Pedro Pilapil, tanggapin na ang CLOA dahil naibebenta naman ito!

Pagkatapos ng bayaran, paldo-ang-bulsa ng mga lider at organisador ng Akbayan sa laki ng komisyong nakuha nila sa pag-aahente ng lupa. Hindi nga ba’t ang kuwento noong kasagsagan ng bentahan ng lupa sa Cavite ay saku-sako kung magdala ng pera ang mga lider ng Unorka sa mga baryo ng magsasaka? Ano’t sila ang may dala ng pera?!

Umiiral ang ganitong kasibaan ng Akbayan at mga kasapakat niyang grupo sa maraming lugar ng rehiyon. Alam-na-alam ito ng mga magsasaka sa Silang, Cavite at Hacienda Yulo sa Canlubang, Calamba City.

Rekruter ng CAFGU

Pangunahing ahente ng gobyerno, mga panginoong maylupa at maging ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang rekruter ng CAFGU (Civillian Armed Forces Geographical Unit) ang mga pekeng samahang magbubukid ng Akbayan sa Timog Katagalugan. Partikular sa lalawigan ng Quezon, ang gupong KMPB o Kilusang Magbubukid sa Bondoc Peninsula ay aktibong nakikipagsabwatan sa AFP. May mga myembro ang KMBP na myembro rin ng CAFGU. Sila ang makinarya ng AFP sa South Quezon at Bondoc Peninsula sa paghahasik ng itim na propaganda laban sa progresibo at militanteng samahang magbubukid sa lokalidad.

Hindi nila ito maipagkakaila dahil halos magkakatulad ang inilalabas na pahayag ng KMBP at mga bigla na lamang sumusulpot na kung anu-anong pangalan ng samahan na ni hindi mo pa narinig kailanman. Kung hindi ba naman lansakan ang paghimod-sa-pwet ng AFP, maging ang mga plakard at balatenggang ginagamit ay magkakatulad.

Batid ng militanteng kilusang magbubukid sa rehiyon na wala sa kapasidad ang AFP na magsulat at mag-isip ng mga islogang inilalabas ng mga pekeng-samahang-magbubukid. Kung gayon, pamalit sa mga bobong writer ng AFP ang ubod-ng-husay na mga manunulat ng Akbayan!

Hindi maitatanggi ng AFP at mga buhong na lider ng Akbayan na nagsisilbi sila sa interes ng isa’t isa.

Kampanyang “Resign Secretary Virgilio delos Reyes”

Umabot sa engrandeng pakana ang Akbayan noong upatan nito ang DAR Employee’s Association (DAREA) na manawagan sa pagre-resign ni Sec. Delos Reyes. Nangaglirang ngayon sa harapan ng DAR ang mga panawagang “Extend CARP! Sec. Delos Reyes, Resign!”

Ang totoo – gusto lamang maipwesto ng Akbayan ang manok nilang si Arlene “Kaka” Bag-ao bilang Kalihim ng DAR!

Ipagtataka pa ba naman ito? Gayong minsan din itong pinangarap ni Risa Hontiveroz-Baraquel.

Kaya naman pinapalakpakan ng hasyenderong si Noynoy Aquino ang maniobrang ito dahil tiyak na kapag Akbayan ang umupo sa DAR ay tiyak rin na pagpipistahan nila ang nabubulok-na-bangkay ng CARP sa pamamagitan ng CARP Extension with Reforms na sila rin ang may pakana.

Ang dulo – hindi maipapamahagi ang Hacienda Luisita!

Coco Levy Funds

At dahil nasa gobyerno na ang karamihan sa mga lider at kinatawan ng Akbayan, swabeng-swabe nilang pinadaloy ang maanomalyang coco levy funds papunta sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) na pinamumunuan ngayon ng sumemplang ang career bilang political analyst na si Joel Rocamora.

Tumataginting na P56.5 bilyon ang inilipat sa opisina ng NAPC! Gagamitin ito para sa tinatawag na “Poverty Reduction Roadmap of the Coconut Industry.”

Ang NAPC ang nangunguna sa Presidential Task Force para raw kontrahin ang kahirapan sa bansa. Kabilang dito ang “Pantawid Program” ng Department of Social Welfare and Development at Land Tenure Improvement ng DAR kung saan ay pinpondahan na mula sa general fund ng pamahalaan.

Talagang walang-kahihiyan! Mawisikan lamang ng pabango ang umaalingasaw na hasyenderong gobyerno ay nanakawin pati ang pera ng mga magsasaka sa niyugan.

Mga Lasenggo

Hindi mapapalagpas ng militanteng kilusang magbubukid ang kawalanghiyaan ng Akbayan sa pamamagitan ng grupo nitong Task Force Mapalad (TFM) nang pagmartsahin nila ng 1,200 kilometro ang mga magsasaka sa Negros noong 2007.

Niloko na nga nila ang mga magsasaka matapos nilang kumita-ng-limpak mula sa pondong nakulimbat nila sa mga nagagantso nilang funding agency, mga taong simbahan at iba pang organisasyon nag-akalang tapat-silang-naglilingkod sa magbubukid, ay nakuha pa ng mga lider at organisador ng Akbayan na harap-harapang bastusin ang mga magsasaka.

Noong dumating sa National Capital Region ang delegasyon ng magsasakang nagmartsa at pansamantala silang humimpil sa Caritas Manila ay pudpod ang tsinelas at makapal na ang kalyo ng mga magsasaka. Habang ang mga tarantadong lider at organisador ng Akbayan at TFM  ay nasaan?

Naroon sa isang hotel, nagpapalamig sa air-conditioned na kwarto at nag-iinuman!

Kwentong-kutsero? Hindi! Kayang patunayan ng militanteng kilusang magbubukid sa Timog Katagalugan ang istoryang ito. Paulit-ulit itong nagaganap sa mahahabang kampuhan ng Akbayan at mga pseudo-farmer’s organization na nabanggit sa unahan na ginagawa nila sa harapan ng DAR.

Pansinin na matapos ang ilang araw, may maiiiwang ilang magsasaka sa Kampuhan habang hindi mahagilap ang kanilang mga lider at organisador.

Maaring bisitahin ngayon ang katabing kampuhan ng Kasama-TK sa harapan ng DAR. Mag-alam sa kalagayan ng mga magsasakang isinubo-sa-alanganin ng Akbayan. Sila ang patunay sa kahihiyang ibinibigay ng Akbayan sa inaaping magsasaka ng bansa!

Tapos na ang debate

Wala nang pagtatalunan kung dahil lamang ba sa magkaibang ideyolohiya, paniniwala at prinsipyo kaya may nagaganap na gyera sa pagitan ng Akbayan at mga pambansa demokratikong organisayon sa bansa. Malaon nang tapos ang debate tungkol riyan.

Hindi dapat maliitin ng sambayanang Pilipino na isang simpleng bangayang-kalye ang nagaganap na tunggaliang ito.

Ang usapin ngayon ay nakatuntong sa tunay na kinakatawan ng Akbayan. Nasa gobyerno sila. Ang sinumang nagtataguyod sa programa at patakaran ng gobyerno, kailanman ay hindi Kaliwa. Reaksyunaryo ang Akbayan.

At ang atakeng ibinibigay ng mga pambansa demokratikong kilusan sa Akbayan ay lumampas na sa ideyolohikal na usapin. Kinatawan sila ng hasyenderong Pangulo na kinasusuklaman ng uring magsasaka at iba pang inaaping sektor sa lipunang Pilipino.

 

Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK)
17 Oktubre 2012

K+12 sa kongreso, minamadali

$
0
0
Protesta ng kabataan kontra sa programang K+12 ng administrasyong Aquino. (Pher Pasion/PW File Photo)

Protesta ng kabataan kontra sa programang K+12 ng administrasyong Aquino. (Pher Pasion/PW File Photo)

Kinondena ng Kabataan Party-list at ACT Teachers’ Party-list ang anila’y minadaling pagpapasa sa second reading ng House Bill 6643 o ang K+12 sa Kamara sa kabila ng anila’y hindi pa pagiging handa ng Department of Education para sa implementasyon nito.

“Sa pagtatanong ko sa plenaryo, inamin ng pangunahing mga nagpasa ng K+12 Bill na ang Department of Education ay nasa pilot-testing pa lang ng curricular reforms ng K+12. Ang punto ko: bakit minamadali ng Kongreso na ipasa ang panukalang batas na ito imbes na maghintay para sa pagtatasa ng pilot-testing?” ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Pahayag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, lumabas sa deliberasyon ng plenaryo noong committee hearing na bigo ang mga may akda ng K+12 na patunayan ang kahandaan ng DepEd upang epektibong maipatupad ang buong programa.

Sinabi ni Mai Uichanco, pangkalahatang kalihim ng League of Filipino Students, na magkakaroon ng hindi magagandang epekto sa mga mag-aaral ang pagmamadali sa pagpapasa ng programa. Hindi pa umano natutugunan ng DepEd ang mga kakulangan sa sektor ng batayang edukasyon at itinutulak ngayon ang K+12 kahit na ang mga paaralan, ang mga guro at maging ang DepEd mismo ay hindi pa handa.

Naniniwala naman ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) na ang pangangailangan sa murang lakas-paggawa sa daigdig ang motibo sa likod ng K+12. Bahagi ito ng neoliberal na mga polisiyang itinutulak ng imperyalistang mga bansa sa pamamagitan ng pandaigdigang mga institusyong pampinansiya tulad ng World Bank, International Monetary Fund at Asian Development Bank.

“Kailangang pag-aaralan muli ng DepEd ang kurikulum ng K+12. Nangangamba kami sa integrasyon ng teknikal at bokasyonal na mga kurso sa hayskul…Imbes na pagtuturo sa mga mag-aaral ng batayang subjects na kakailanganin nila upang makapag-ambag sa pambansang pagpapaunlad, inihahanda pa ng gobyerno ang mga mag-aaral para ieksport,” ayon kay Issa Baguisi, pangkalahatang kalihim ng NUSP.

Sa ilalim ng K+12 kurikulum, tuturuan ang mga mag-aaral ng apat na preparatoryong teknikal at bokasyonal na mga kurso sa Grade 7 at Grade 8.

Sa Grade 9-12, makapamimili ang mga mag-aaral ng kanilang ispesyalisasyon, katulad ng mga kurso sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), kabilang ang aquaculture, pananahi, carpentry, caregiving, at iba pa.

“Kung ipapatupad natin ang K+12, maipapangako ba natin na ang mga magsisipagtapos sa K+12 ay magkakaroon ng trabaho? Hindi, hindi natin ito mapapangako. Maging ang mga nagsipagtapos sa kolehiyo hirap sa paghahanap ng trabaho,” dagdag ni Palatino.

Taliwas naman sa administrasyong Aquino, hindi masusulusyunan ng K+12 ang kawalan ng trabaho sa bansa. Isang panlilinlang umano na sabihing ang pagsasaayos ng problema sa edukasyon ang magreresolbasa kawalan ng trabaho, ayon kay Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

“Ang problema ay ang pagdepende ng administrasyong Aquino sa dayuhang mga mamumuhunan upang makapaglikha ng trabaho. Ang kailangan ng gobyerno ay pagtulak ng mga polisiya para sa tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon,” dagdag ni Soluta.

NAKAHIGA SA TARIMA KAHARAP NG PADER

$
0
0

Isang pares na ipis
itong mga paa ko
na gumalu-galugad
sa pader na semento.

Napaihi ang higad
sa bote ng Anejo,
Nilanggam ang balikat
ng modelo ng So-ho.

Napaipot ang tiki
sa bigote ng santo.
Binangaw ang bunganga
ng trapong kandidato.

Isang pares na surot
itong mga mata ko
na sumisip sa dugo’t
laman ng kalendaryo.

(October 13, 2012)

Kapunan lalong nadidiin sa kaso ng pagpatay kina Olalia, Alay-ay

$
0
0
Nagpiket ang mga manggagawa sa harapan ng korte habang dinidinig ang kasong pagpatay kina Rolando Olalia at Leonor Alay-ay.  (Macky Macaspac)

Nagpiket ang mga manggagawa sa harapan ng korte habang dinidinig ang kasong pagpatay kina Rolando Olalia at Leonor Alay-ay. (Macky Macaspac)

Isang dating pulis ang tumestigo sa korte na isinama siya ni retiradong Lt. Col. Eduardo “Red” Kapunan sa pulong ng grupong nagplano ng pagpatay sa lider-obrero na si Rolando Olalia at Leonor Alay-ay halos 26 taon na ang nakararaan.

Si Medardo Barreto, dating sarhentong pulis, ang nagtestigo sa pagdinig ng Antipolo Regional Trial Court Branch 98 na para idiin si Kapunan at iba pa sa pamamaslang kina Olalia at Alay-ay noong Nobyembre 13, 1986.

“Isinalaysay niya kung paano nabuo ang grupo na siyang magsasagawa ng — ‘yung term niya — ‘tatrabaho’ kay Ka Lando Olalia,” kuwento ni Rolando Rico Olalia, anak ng napaslang na tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at abogado sa kaso.

Sinabi pa ni Atty. Olalia na batay sa testimonya ng testigong si Barreto, bahagi ang grupong nakapulong nina Kapunan sa mga tumatarget sa pinaghihinalaang mga lider ng progresibong kilusan at iba pang personalidad na kumakalaban sa gobyerno noong panahon ng administrasyon ni Corazon Aquino.

“Matataas na opisyal ang nabanggit sa pagdinig,” ani Olalia. Nabanggit din umano na isa sa mga kasamahan ni Barreto sa grupo ang nasa komand ng noo’y Col. Gregorio Honasan Jr., na ngayo’y senador.

Ayon sa KMU, pinaslang ng RAM sina Olalia at Alay-ay para itulak ang gobyerno ni Corazon Aquino noong 1986 na tanggalin sa kanyang gabinete ang binansagan niyang mga "maka-kaliwang" opisyal. (Macky Macaspac)

Ayon sa KMU, pinaslang ng RAM sina Olalia at Alay-ay para itulak ang gobyerno ni Corazon Aquino noong 1986 na tanggalin sa kanyang gabinete ang binansagan niyang mga “maka-kaliwang” opisyal. (Macky Macaspac)

Inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Kapunan, sang-ayon sa hiling nina Olalia na ilipat sa kustodiya ng ahensiyang sibilyan ang naturang suspek.

Ipinag-utos ng korte na mailipat sa Rizal Provincial Jail ang dating opisyal ng militar na nasasangkot sa double murder case nina Olalia at Alay-ay.

Ayon pa kay Atty. Olalia, hindi sila tutol kung sa National Bureau of Investigation (NBI) ilipat ng kustodiya si Kapunan. Nagpahayag kasi ang NBI na handa sila na ikustodiya ang retiradong opisyal ng militar, “nakakaintindi naman tayo ng humanitarian reasons kung kailangan sa NBI siya dalhin, dahil sa kalusugan (ni Kapunan),” sabi pa ni Olalia.

Isa si Kapunan sa 13 akusadong sinampahan ng kaso ng pagpatay kina Olalia at Alay-ay. Pawang mga miyembro sila ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), na responsable rin sa maka-kanang mga kudeta noong panahon ng unang administrasyong Aquino.

Sa kabila ng imbestigasyon noon ng NBI at Department of Justice, hindi naaresto ang mga akusado dahil sa pag-apela ng mga akusado sa korte. Ang katwiran nila, nabigyan na umano sina Kapunan ng amnestiya ni dating Pangulong Fidel Ramos, at kung gayo’y di na maaaring kasuhan.

Noong 2009, ibinasura ng Korte Suprema ang katwirang amnestiya ng mga akusado at inatasan ang mababang kapulungan na dinggin ang kaso.

Ipinalabas ng RTC ang mandamyento-de-aresto sa 13 akusado noong Pebrero 2012. Dalawa pa lamang sa mga akusado ang kusang sumuko: si Kapunan at dating Sgt. Desiderio Perez na nakakulong sa isang kulungan sa probinsiya ng Rizal.

Paniwala naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na isa sa mga plano ng RAM na inilunsad noon, ang Oplan Save the Queen, ang bumiktima sa lider-manggagawa at kasama niya.

“Layunin ng kudetang Oplan Save The Queen ang pagpapabagsak kay Pangulong Corazon Aquino, lumikha ng kaguluhan at kasama doon ang pagpatay kay ka Lando at ka Leonor,” pahayag ng KMU.

Iginiit din nila na isama sina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Honasan sa nasabing kaso. Layunin umano ng pagpaslang kina Olalia ay maglikha ng takot sa administrasyon ni Corazon Aquino para lalong lumayo sa naipangakong mga progresibong reporma at tanggalin ang itinalagang mga opisyal ng gabinete na diumano’y kumikiling sa Kaliwa.

“Alam naman ng lahat na sina Enrile at Honasan ay mga lider ng RAM, na responsable sa pagdukot, pagtortyur at pagpatay sa aming mga kasamahan. Sila ang utak ng Oplan Save The Queen,” pahayag ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Nakatakdang muling dinggin ang kaso sa Oktubre 30.

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>