Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

DSWD, pinagbabawalan ang mga benepisyaryo ng CCT na pumirma kontra pork barrel?

$
0
0
Patuloy ang pagpirma ng mga maralitang lungsod sa people's initiative kontra pork barrel, sa kabila ng pagbabawal umano sa kanila ng Department of Social Welfare and Development. Contributed Photo/Kadamay

Patuloy ang pagpirma ng mga maralitang lungsod sa people’s initiative kontra pork barrel, sa kabila ng pagbabawal umano sa kanila ng Department of Social Welfare and Development. Contributed Photo/Kadamay

Ibinulgar ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na pinagbabawalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) Program na pumirma sa People’s Initiative Against Pork Barrel (PIAP).

Ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay, may sikretong utos si DSWD Sek. Dinky Soliman sa mga empleyado ng ahensiya na pagbawalan ang mga maralitang pamilya sa ilalim ng programang CCT na pumirma sa PIAP, isang inisyatiba ng mga mamamayan na magpasa ng batas kontra pork barrel.

Pinagbabawalan din umano ang mga maralita na sumama sa mga kilos-protesta kontra korupsiyon, sa bantang tatanggalin sila sa programang CCT.

Batay ito sa natatanggap na mga ulat mula ng kanilang mga tsapter sa buong bansa, ayon sa Kadamay.

“Hindi ito nakapagtataka, dahil mismong ang DSWD, batbat ng korupsiyon,” ani Arellano.

Dagdag ng grupo, bigo na nga ang CCT na iahon ang mga pamilyang Pilipino mula sa kahirapan, nagiging balon pa ito ng malawakang korupsiyon.

“Nananawagan kami sa mga benepisyaryo ng CCT na panindigan ang kanilang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon na lumahok sa people’s initiative,” sabi ni Arellano.

Nanawagan din ang lider-maralita sa mga empleyado ng DSWD na “dinggin ang kanilang konsensiya” at huwag sumunod sa utos ni Soliman.

Iniulat ng Kadamay na noong Agosto 25, Million People March sa Luneta at simula ng pagpapapirma ng PIAP sa Metro Manila, ipinatawag ng DSWD ang lahat ng mga lider sa komunidad upang pigilan ang mga ito na lumahok sa kilos-protesta.

“Sa takot ng administrasyong Aquino na mapanagot sa korupisyon, desidido ito na yurakan ang karapatan ng mga mamamayan, kabilang na ang karapatan na magpahayag at magsama-sama, at karapatang magpasa ng batas  sa pamamagitan ng people’s initiative,” sabi ni Arellano.

Layon ng PIAP na makakalap ng anim na milyong pirma para makapagpatawag ng referendum para sa batas na mag-a-abolish sa sistemang pork barrel sa bansa.

 

 


Paglulunsad ng Doble Katha

$
0
0

nina Larra Roque at Michael Santos

Matagumpay na nailunsad ang mga librong pinamagatang Transfiksyon: Mga Kathang In-Transit at Like/Unlike Mga Kuwentong Facebook Status at Politika ng Agam-agam na idinaos sa Bulwagang Plaridel sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, noong ika-11 ng Setyembre. Ang dalawang antolohiya ay kapwa inedit nina Rolando Tolentino at Rommel Rodriguez.

Si Luna Sicat-Cleto habang nagbibigay ng pananalita tungkol sa Transfiksyon. (Larawan mula sa Facebook page ng UP College of Mass Communication).

Si Luna Sicat-Cleto habang nagbibigay ng pananalita tungkol sa Transfiksyon. (Larawan mula sa Facebook page ng UP College of Mass Communication).

Mula sa pabalat ng Transfiksyon ay mahihinuha ang nilalaman ng antolohiya: Tayo’y mga manlalakbay sa kani-kaniyang panahon. Baon ang mga salita’t imahinasyon na kailangang itala gamit ang malikhaing isipan. Lunan ng Transfiksyon ang iba’t ibang anyo ng pakikipagsapalaran sa malalawak at makikitid na espasyo, sa kawalan, sa panaginip, sa nakaraan at hinaharap. Narito ang mga kuwentong lumikha ng mga bakas na hindi na mabubura. Sakop ng mga akda ang simula’t katapusan ng likhang reyalidad. May mga paglutang, ang iba’y lumilipad, o kaya’y sinasagwan ang isip upang makabuo ng naratibong magsisilbing giya sa mga kasabayang manlalakbay. Heto na ang Transfiksyon ng ating mga kuwentistang Filipino. Tiyak na mag-iiwan ng pananda sa pagtahak ng ating mga daliri sa pagitan ng bawat pahina.

Iba’t ibang uri ng sasakyan/pagsakay/lunan ang makikita sa antolohiya tulad ng jeep, bus, MRT, bangka, eroplano at iba pa na nagtataglay ng sari-sariling mga kuwento.

Sa pahapyaw na pagkritik ni Luna Sicat-Cleto sa Transfiksyon, inihambing niya ang antolohiya sa “mga agos sa disyerto” na koleksiyon din ng mga maikling kuwento na nalathala noong dekada ’60.  Aniya, ang naturang proyekto ay “papasulong at wala nang lingunan pabalik.” Sinabi pa ni Sicat-Cleto na bagamat wala mang pinto siyang pinasok sa pagbasa, nakapasok siya sa kaloob-looban nito.

Sa epilog naman ng Like/Unlike: Kuwentong Facebook Status at Politika ng Agam-agam ay ito ang nakasaad:  Kaya kahit hindi sinasadya, postmoderno ang mga kinalabasang kwento:  mga experimentasyon sa artikulasyon ng sarili at mundo dahil ang premis ng virtual na mundo ay ang pagkawatak-watak ng sarili at ng mismong mundo.  Kahit pa ang daming pahina ng hypertext na pumapatungkol sa sarili, ang pagiging hypertext ng mga pahina at sipi ng kwento ay pumapatungkol din sa pagiging hypertext ng sarili.  Hindi na lamang diretso ang trajektori ng pagkaunawa at pagkatuto ng pagkatao at individualismo, may kanya-kanya itong direksyon sa inaasahang purposiveness ng nais maunawaan:  aspekto lamang, hindi kabuuan dahil nga ang paradox ng kabuuan ay hindi naman ito mabubuo kahit pagtagni-tagniin sa Internet.

Si Dong Abay, sa kanyang malikhaing pagtatanghal. (Larawan mula sa Facebook page ng UP College of Mass Communication).

Si Dong Abay, sa kanyang malikhaing pagtatanghal. (Larawan mula sa Facebook page ng UP College of Mass Communication).

Sa Like/Unlike, sinusuri ng mga editor ang Facebook bilang “plataporma at daluyan ng virtual na individualismo sa virtual na networking na komunidad.” Isang pagtatangka ang antolohiyang ito upang makabuo ng naratibo mula sa mga kontribyutor gamit ang kanilang tinipon at nireorganisang Facebook status. Makabuo ng kwento mula sa tila napakatemporaryo at biglaang pagbulalas sa networking site.

Maliban sa mga mga kontribyutor na dumalo, nagkaroon din ng pagtatanghal sa programa sina Dong Abay, Angeli Bayani, Hero Angeles, Boy Dominguez at iba pa. Ang naturang paglulunsad ay dinaluhan rin ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Dr. Bienvenido Lumbera.

Ang Transfiksyon ay inilathala ng U.P. Press habang ang Like/Unlike na isang e-book ay inilathala ng Flipside Publishing. ###

Mga estudyante, galit na hinarap si Abad

$
0
0
Galit na kinuyog ng mga estudyante ng UP Diliman si DBM Sec. Butch Abad at tinawag na "magnanakaw!" Screengrab mula sa bidyo ng Contend-UP

Galit na kinuyog ng mga estudyante ng UP Diliman si DBM Sec. Butch Abad at tinawag na “magnanakaw!” Screengrab mula sa bidyo ng Contend-UP

Papel, plakards, at barya. Ito ang iniitsa ng galit na mga estudyante na humarap kay Budget Secretary Butch Abad nang dumalaw ang opisyal sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman nitong Setyembre 17.

Nagsalita si Abad sa isang porum ukol sa 2015 pambansang badyet sa UP College of Economics sa UP Diliman, kasama ang ilang delegado mula sa CODE-NGO. Pinanindigan ni Abad ang Disbursement Acceleration Program, tinaguriang pork barrel ni Aquino, sa naturang porum.

Habang nagsasalita si Abad, may mahigit kumulang 100 mag-aaral ng UP ang humarang sa mga labas ng venue, nagsagawa ng kilos-protesta, at naglabas ng mga karatula na may nakasulat na “DAPatManagot, Noynoy patalsikin!” habang sinisigawan si Abad na “Magnanakaw!”.

May ilan pang nakalapit sa sekretarya at binato si Abad ng nilamukos na papel habang nagsabing, “Ito ay para sa mga ninakawan niyo!”. Nagbato ng barya ang ilan pa habang sumisigaw ng “Butch Abad, panagutin! Noynoy patalsikin!”

Agarang umalis si Abad na may nakapalibot na security personnel, ngunit sinundan siya ng mga galit na estudyante. May isa pang estudyante ang nakalapit kay Abad at nahawakan siya sa kolyar habang papasakay na ng kanyang sasakyan.

“Mukhang guilty na kriminal,” sabi ng mga estudyante sa itsura ni Abad habang papaalis ito sa kampus. Humarurot ang SUV na sinakyan ni Abad nang maibukas ang daan. “Parang Grand Theft Auto,” sabi pa ng ilang estudyante, tinutukoy ang isang sikat na video game.

Ayon kay Charlotte France ng STAND-UP, alyansa ng progresibong mga organisasyon ng mga estudyante sa UP, hindi “welcome” ang aniya’y “plunderers and holDAPers” sa kampus. “Kailangan panagutin sina Sec. Butch Abad at Pangulong Aquino sa kanilang mga krimen. Para iyon sa mga ninakawan, sa mga tinanggalan ng karapatan makapagpaospital, para sa mga kabataan na ninakawan ng kinabukasan.”

Nakakasa ang mga estudyante para sa kilos protesta bukas, Setyembre 19, sa paggunita ng Martial Law at paglaban sa term extension ni Aquino.

Panooring ang bidyo mula sa Contend-UP:

Pagbuhay sa expired na CARP, kinuwestiyon ng mga magsasaka

$
0
0
Macky Macaspac

Macky Macaspac

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpasa sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Senado, at sinabing desperadong hakbang ito para muling buhayin ang matagal nang patay na reporma sa lupa.

Noong Miyerkules, ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2278 ni Sen. Gregorio Honasan. Papayagan ng panukalang batas na tapusin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi umano sa mga lupang may notice of coverage.

Pero sabi ni Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, matagal nang patay ang CARP at walang pagbabatayang batas ang panukalang ekstensiyon ng reporma sa lupa. “Legally, morally, and politically questionable ito dahil expired na ang CARP noon pang June 30, 2014,” pahayag ni Mariano.

Isa sa mga urgent bill ni Pangulong Aquino ang pagpapalawig sa CARP, pero bago pa maipasa ang ekstensiyon ng Carper (CARP Extension with Reforms) noong Hunyo, napaso na ang nasabing batas.

Pero ayon kay Honasan, umiiral pa ang batas. “The law does not, in effect, expire. It is a continuing process until the acquisition and distribution is terminated,” pahayag ng senador.

Giit naman ni Mariano, pinapalawig ng Senado ang isang batas na hindi na umiiral. Nais lang daw na bigyang katwiran ng Senado ang P6.3 Bilyong alokasyon ng naturang batas para sa susunod na taon.

Sabi naman ng Unyon ng ng mga Manggagawang Bukid sa Agrikultura (UMA) na nililinlang lamang ng Senado ang sarili nito sa pagpasa sa panukalang batas. Ayon sa UMA, mismong ang DAR na ang nagsabi na walang kaseguruhan na maipamamahagi ang lupa kahit pa ito’y saklaw ng notice of coverage.

“The issuance of an NOC does not contemplate the actual taking of property for the purposes of the land acquisition, and distribution process under the Comprehensive Agrarian Reform Program,” pahayag umano ng DAR sa pagtanggi nito sa petisyon para sa cease and desist order ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (Ambala) noong May 22, 2014.

Dagdag ng grupo, hindi lamang tinanggihan ng DAR ang petisyon ng Ambala, iginawad pa nito ang kahilingan ng Tarlac Development Corporation (Tadeco) na magkaroon ng special hearing para pakinggan ang protesta ng kompanya sa pagpapalabas ng NOC sa pinag-aagawang 358-ektaryang lupang agrikultural sa Barangay Cutcut at Balete sa loob ng Hacienda Luisita.

Nakatakda ang nasabing pagdinig sa Oktubre 28 hanggang 30.

“ Ang masama, ang mga magsasaka pa ngayon ang kailangang magpatunay sa DAR na kailangang ipamahagi ang lupa sa mga manggagawang-bukid. Samantalang sila (DAR) ang nag-isyu ng notice of coverage,” pahayag ng UMA.

Posible umano na ibasura ng DAR ang NOC ng mga lupang pinag-aagawan dahil sa planong ideklara ng pamilyang Coquangco na bahagi ito ng Luisita Industrial Park.

“Malinaw ang ipinapakita nito. Nais ng rehimeng Aquino na pahabain ang kontrol at monopolyo ng mga panginoong maylupa tulad niya sa malalawak na lupain, gayundin ang makapagdambong ng bilyun-bilyong pondo sa pamamagitan ng CARP,” pahayag ni Mariano.

Larawan | Mga katutubo nanawagang itigil ang pagmimina

$
0
0
Kontribusyon

Kasabay ng isinasagawang komperensiya ng mga kompanya ng mina, nagsagawa din ng kilos-protesta ang mga katutubo para ipanawagan ang pagtigil ng mapanirang pagmimina. Ilan sa mga katutubo ang nagmula sa Barangay Didipio sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Kanilang kinondena ang kompanya ng mina na Oceana Gold na nagnanais na muling magpanibago ng kontrata sa ilalim ng Financial and Technical Assistance Agreement.  Ayon sa mga katutubo, hindi na dapat palawigin ang operasyon ng Oceana Gold gayundin ang isa pang kompanya ng mina, ang FCF Minerals, dahil nagdudulot lamang ito ng kapahamakan, pagkawasak ng kalikasan at lumalabag din sa karapatan ng mga katutubo. Kontribusyon       

 Macky Macaspac

Sa isang pagtitipon noong Miyerkules,nagpawanagan din ang mga estudyante ng UP Manila sa pagtigil sa mapangwasak na pagmimina. Macky Macaspac 

Filipino women gear up for ‘One Billion Rising Revolution’

$
0
0
One Billion Rising Revolution is the next phase in the global campaign to end violence against women. PinoyMedia Center

One Billion Rising Revolution is the next phase in the global campaign to end violence against women. PinoyMedia Center

In five months, the world will be expecting women to rise and dance in unison once more as One Billion Rising (OBR) launched the third phase of its global campaign to end violence against women (VAW), dubbed as “One Billion Rising Revolution.”

After two years of resounding success of the OBR as a form of protest, the OBR for 2015 will escalate its call from “justice” to “revolution,” as cases of VAW across the globe continues to ascend at an alarming scale.

In 2013, the first One Billion Rising came about as a response to the global statistics that one out of three women in the planet will be raped or beaten in her lifetime.

“That has not changed. In fact, I think from hearing stories from all our activists around the world, it’s probably even worse now… [But] in reality that’s only the reported cases. Because if you take into consideration yung mga hindi nare-report (unreported cases) around the world, the statistics are even graver than that,” said Monique Wilson, global director of OBR, in a press conference last September 15.

‘Rise for Revolution’ in 2015

Ms. Monique Wilson as she explains the One Billion Rising for 2015.Macky Macaspac

Monique Wilson as she explains One Billion Rising Revolution. Macky Macaspac

Around 200 countries joined this year’s OBR for Justice, led by thousands of women, mostly from grassroots organizations.

Wilson shared that the “Rise for Justice” campaign “deepened the understanding of the issue of violence against women.”

“We could not anymore tackle ending violence against women unless we looked at neo-liberal policies that are affecting many countries in the world; unless we looked at issues like militarization; unless we looked at issues like foreign intervention; unless we looked at issues of exploitation that also perpetuate economic violence towards women,” according to Wilson.

This deeper understanding, she said, made OBR coordinators and participants around the world see that there is a need for a “revolution.”

“Why revolution?…Because the rampant impunity that’s going on is so entrenched as we see not just here in the Philippines, but in countries all over the world. It’s state instigated. It’s policy instigated. It’s instigated and kept in place by neo-liberal policies,” Wilson said.

Wilson described “revolution” as “system change,” “making perpetrators and governments accountable,” and also a “change within individuals.”

She however clarified that for One Billion Rising Revolution, women in different communities and countries are free to define what “revolution” means to them, and to engage in any artistic and radical form of protest that they see fit.

Philippines rising ‘against corruption’

In the Philippine context, there is an increase in the number of VAW cases that have been documented within the past few years by the women’s group Gabriela, which spearheads OBR Philippines.

Last year, Gabriela recorded 606 cases in just nine months, up from the 459 documented VAW cases in 2011.

According to Montes, national statistics corroborate the rise in VAW cases. “This year, a girl or a woman is being beaten every 31 minutes in 2014, compared to every two hours the year before. There is also one rape victim every 1 hour and 21 minutes, compared to every 1 hour and 30 minutes in 2013,” she said.

“One of the indicators we consider in the increase (of the reports) is the breaking of silence of women since the journey of OBR. But it must not end in breaking their silence, it must transcend to their struggle for justice,” Obet Montes, Gabriela deputy secretary general, said in Filipino.

Meanwhile, according to Joms Salvador, Gabriela secretary general, it is clear that the cases of VAW increase as poverty and corruption worsens. “That is corruption of values, corruption of the way women and the people are treated, and of course, corruption that is deeply entrenched in governance,” she said.

OBR Philippines will focus on rising against corruption and for "system change." PinoyMedia Center

OBR Philippines will focus on rising against corruption and for “system change.” PinoyMedia Center

Salvador hit the Aquino administration, which is embroiled in the pork barrel scandal. “Public money goes to the pockets of the powerful few instead of going directly to public services and to women,” she said.

Last September 12, women gathered to protest and dance at the Bonifacio Shrine in Manila, in an occasion to gather signatures for the people’s initiative against pork barrel.

Wilson and Gabriela leaders said that more “risings” by women in communities and other public places could be expected in the coming months, leading up to the main “Global Rising for Revolution” on February 14, 2015.

Progresibong grupo, nangangalap ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Mario  

$
0
0
Ga-dibdib na baha na umabot pa nang lampas tao sa Tatalon, Quezon City. Kit Mendoza

Ga-dibdib na baha na umabot pa nang lampas tao sa Tatalon, Quezon City. Kit Mendoza

Muling naranasan ng mga taga-Metro Manila at ilang karatig lugar ang malawakang pagbaha dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Mario (international name: Fung-wong).  Ilan sa mga lugar tulad ng Barangay Tatalon, Roxas District at Bagong Silangan sa Quezon City ang lampas tao ang tubig, gayundin sa mga karatig lugar ng San Mateo at Cainta, Rizal at Marikina, na nagdeklara na ng state of calamity.

Sa inisyal na pagtaya ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, apektado ang 104,339 pamilya o katumbas na 470,000 katao sa rehiyong III, IV-A, IV-B at NCR.

Samantala, ikinasa naman ng mga progresibong grupo ang kanilang relief operations para sa mga biktima ng pagbaha at nananawagan ng tulong sa publiko.

Maaring ibigay ang anumang tulong sa mga sumusunod na organisasyon:

Lingap Gabriela

Gabriela Women’s Party HQ drop-off point: 25 K-10th St. West Kamias, Quezon City (near Nepa Q-Mart)

Or call 63-2-4341039

Gabriela National Office drop-off point: 35 Scout Delgado St, Brgy Laging Handa, Quezon City

Or call 63-2-3744423

Task Force Children of the Storm

Call Salinlahi Alliance for Children’s Concerns at 63-2-9139244 or 4376918

 

373893_483347411677654_626864742_n

 

10689842_946001242081973_2915226231103164472_n

Martial Law activist dies in prison

$
0
0
Barid's photo taken last May 2014. Hustisya

Barid’s photo taken last May 2014. Contributed Photo/Hustisya

Another political prisoner died inside the National Bilibid Prison due to a lingering ailment.

According to the Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) and Hustisya, Benny Barid, detained at the Maximum Security Compound of the NBP, passed away last September 18. Barid had stayed for three years as a patient at the NBP Hospital, suffering from chronic asthmatic bronchitis with emphysema.

The group said that Barid could not stand up alone, and needed to be put in a wheelchair to move from one place to another. His fellow political prisoners were the ones who looked for means to acquire needed medicines.

Barid was a political detainee during the Marcos dictatorship but was granted amnesty by former Pres. Corazon Aquino. In 2004, he was again arrested for subversion and illegal possession of firearms, but the case was dismissed.

Again in 2005, the military detained him for almost two months, when they searched his house and allegedly found firearms in his possession. Barid was again arrested in July 2006 and was accused was accused of involvement in a massacre which happened in 2004. This time, Barid’s child was allegedly hostaged by the military to force him to surrender, according to Guevarra.

“He was a victim of trumped-up charges four times, the last of which he was sentenced to three counts of lifetime imprisonment in the NBP Maximum Security Compound,” said Guevarra.

In a separate statement, Barid’s fellow political prisoners at the NBP mourned the death of their cellmate and demanded justice.

Halos tatlong taon siyang nakaratay sa NBP Hospital sa labis na panghihina dahil sa kanyang karamdaman na kanyang ikinamatay. Nagpapaabot po kaming mga bilanggong pulitikal sa pamilya at kaanak ni Barid ng aming lubos na pakikiramay. Salik ang malaking kakulangan sa sapat at maayos na serbisyong pang-piitan sa mahirap na pinagdaanan ni Barid. Gayundin, nawalan na ng pag-asa si Barid dahil sa kawalan ng kongkretong hakbang ng gobyerno ng Pilipinas upang tugunan ang makatarungang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. Tuloy ang laban para sa kalayaan!” said the NBP political prisoners in a statement.

Meanwhile, Selda dared President Aquino to immediately release ailing political prisoners on September 21, the 42nd year commemoration of martial law, saying that after martial rule, the Philippines continues to have political prisoners.

The group alleged that the rights of political prisoners were repeatedly violated as they are being slapped with trumped-up criminal charges , arbitrarily arrested and illegally detained.

“Many of them are tortured and denied their right to counsel and due process. They suffer inhumane prison conditions and prolonged imprisonment, and snail-paced judicial process. We dare President Aquino to immediately release ailing political prisoners on humanitarian grounds,” said Jigs Clamor, Selda spokesperson.

The group also added that poor and inadequate health services that the government provides endanger the lives of vulnerable sick and elderly political prisoners. According to Selda, out of the 504 political prisoners in the country under the Aquino government, 53 are suffering from various illnesses.

“The meager budget allotted to prison inmates makes jails and detention facilities barely habitable, unsafe and hazardous to the health and general well-being of prisoners. Keeping the sick and elderly political prisoners longer in prison leads to serious health complications that could be life-threatening,” added Clamor.

Exactly a year ago, Alison Alcantara, 55, and also a political prisoner at the NBP, died of pneumonia, sepsis and fatal arrhythmia. Rights groups said that Alcantara was only brought to the Philippine General Hospital after he fell into a coma at the NBP Hospital.

“How many more ailing political prisoners will suffer from the dire and subhuman conditions inside different detention centers in the country? How many more after Alison Alcantara and Benny Barid? We hold the Aquino government accountable for the death of Benny Barid. His death is the face of martial law in our country today,” said Guevarra.


EDCA: Muling pagyurak sa soberanya ng Pilipinas

$
0
0
Pagsugod ng grupong Gabriela sa harapan ng Embahada ng Amerika laban sa Enhance Defense Cooperation Agreement at sa mismong anibersaryo ng pagpapalayas ng mga tropang Amerikano noong Setyembre 16.<strong>Pher Pasion</strong>

Pagsugod ng kababaihan ng grupong Gabriela sa harapan ng Embahada ng Amerika laban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement, sa anibersaryo ng pagpapalayas ng mga tropang Amerikano noong Setyembre 16. Pher Pasion

Isang mahalagang marka sa kasaysayan ng bansa ang Setyembre 16, 1991. Mula sa halos isang daang taong pananatili sa Pilipinas, napaalis ang mga tropang Amerikano sa bansa nang bumoto ang 12 na senador para itaboy ang mga base militar ng US sa Pilipinas.

Bagama’t isang maningning na tagumpay para sa soberanya ng bansa, nangangamba na mabawi ang tagumpay na ito sa paglagda ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na naghuhudyat hindi lamang ng muling pagbabalik ng mga baseng militar ng US, kundi ng iba pang banta sa soberanya ng bansa.

Sa ika-23 anibersaryo ng pagbasura sa RP-US Military Bases Agreement, nagtipon sa Polytechnic University of the Philippines ang mga kritiko ng EDCA, gayundin ang mga personaheng lumahok sa pagpapasara ng mga baseng militar ng US noong 1991, gaya ni dating senador Leticia Ramos-Shahani.

Nakiisa rin sa laban sa EDCA ang aktor na si Robin Padilla.

Mga banta ng EDCA

Robin Padilla, nagpahayag ng kanyang suporta laban sa EDCA sa porum na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines.Pher Pasion

Robin Padilla, nagpahayag ng kanyang suporta laban sa EDCA sa porum na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines. Pher Pasion

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kinumpleto ng EDCA ang panunumbalik ng base militar ng Amerika sa Pilipinas. Sa VFA na ipinasa noong 1998, muling nanumbalik ang mga sundalong Amerikano sa anyo ng “joint military exercises” at “rotation” o paghahalinhinan ng mga tropang militar. Samantala, tinitiyak naman deka-dekada nang RP-US Mutual Logistics Support Agreement na maseserbisyuhan ng bansa ang mga pandigmang sasakyan ng Amerika gaya ng barko, submarino, eroplano, at iba pa.

“Saan po kayo nakakita ng isang bisita na mahigit isang dekada nang nasa bansa natin?” ayon kay Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Puna ng mga kritiko, halatang minadali ang pagpirma dito at itinaon sa pagpunta ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas noong Abril. Hindi ito dumaan sa Senado at hindi nakita ng publiko ang nilalaman nito, bago mapagkasunduan ng dalawang gobyerno.

Laman ng EDCA ang pagpapahintulot sa US na magtayo ng mga permanenteng kampo at pasilidad—o pawang mga base militar—sa bansa. Maaari ding mag-imbak ng mga kagamitang pandigma, dumaong at serbisyuhan ang kanilang mga sasakyang pandigma, magtayo ng communication facilities at maglunsad ng samu’t saring aktibidad ang anumang bilang ng armadong puwersa ng US at mga contractors nila sa tinatawag nilang “agreed locations” o pinagkaisahang mga lokasyon sa Pilipinas.

Pinapayagan din ng EDCA maging ang pag-iimbak ng kagamitang nukleyar o nuclear weapons na ipinagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon ng Pilipinas.

“Sa  ilalim ng EDCA yung access and use ay unimpeded. Ibig sabihin walang sagabal, hindi pwedeng lagyan ng sagabal ng Pilipinas. Ito ay exclusive operational control over the agreed locations. So, hindi rin pwedeng makialam ang Pilipinas kung anuman ang gagawin ng Estados Unidos doon sa mga agreed location,” ayon kay Evelyn Ursua, abogado dati ni Nicole (hindi tunay na pangalan) na ginahasa noon sa Subic ng isang sundalong Amerikano.

Hindi rin umano limitado ang agreed locations doon sa mga kampo ng militar gaya ng Camp Crame o Camp Aquinaldo. Kasama din umano sa maaaring pasukin ng mga tropang Amerikano ang kahit anong lupa, kalsada, daungan, pasilidad, at paliparan, pampubliko man o pribado—nang walang binabayarang upa o buwis.

Evelyn Ursua, abogado dati ni Nicole (hindi tunay na pangalan) na ginahasa noon sa Subic ng isang sundalong Amerikano, habang ipinaliliwanag ang nilalaman ng EDCA.<strong>Pher Pasion</strong>

Evelyn Ursua, abogado dati ni Nicole (hindi tunay na pangalan) na ginahasa noon sa Subic ng isang sundalong Amerikano, habang ipinaliliwanag ang nilalaman ng EDCA. Pher Pasion

“Ang paggamit ng Estado Unidos sa agreed locations ay rent-free. Wala silang ibabayad na renta sa Pilipinas. Pwede rin silang gumamit ng kanilang telecommunication systems, gumamit ng radio spectrum, at ito ay hindi subject sa buwis o tax-free. Lahat ng gamit nila ng utilities–water, electricity o anupaman–ay tax-free din,” ayon kay Ursua.

Ang mga militar din umano ang magpapasya sa mga detalye na wala pa, o hindi pa malinaw, sa EDCA. Ayon kay Ursua, nawalan ng oversight ang Kongreso ng Pilipinas sa isang importanteng kasunduan.

“Sinasabi ng EDCA ide-define pa ang detalye ng agreed locations sa mga implementing arrangements na pipirmahan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at US military. Pinaubaya ng EDCA ang pagdesisyon sa importanteng detalye na ito sa ating mga militar at hindi sa ating civilian authorities,” ayon kay Ursua.

Walang jurisdiction ng korte

Wala ring kapangyarihan ang mga korte ng Pilipinas sa anumang kaso sa ilalim ng kasunduang ito. Hindi maaaring magsampa ng kaso ang sinumang Pilipino na naagrabyado ng mga tropang Amerikano (gaya ng nangyari sa kaso ng panggagahasa kay Nicole). Hindi rin pwedeng magsampa ang gobyerno ng Pilipinas ng kaso laban sa gobyerno ng Estados Unidos sa mga international tribunal, ayon kay Ursua.

Sa ilalim ng EDCA, wala rin umanong pananagutan ang Estados Unidos sa anumang pinsala sa kapaligiran gaya nang nangyari sa Tubbataha Reef sa Palawan.

“Dahil walang jurisdiction ang ating mga korte, pwede nating sabihin na hindi mo pwedeng dalhin sa mga korte natin ang anumang environmental destruction o environmental damage na ginawa o gagawin ng US military sa ating karagatan o kalupaan,” ayon kay Ursua.

“Ang ibig sabihin lamang nito ay isinurender na ng ating gobyerno ‘yung kanyang soberanya over its territory sa ilalim ng EDCA,” dagdag niya.

Wala ring expiration o hangganan ang EDCA. Kahit 10 taon lamang ito, sinasabi din sa kasunduan na automatic ang renewal nito, maliban kung magbibigay ng abiso ang isang partido isang taon bago ang intended termination date ng EDCA.

Hindi isang tratado

Dating Senador Leticia Ramos-Shahani sa porum laban sa EDCA na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines.<strong>Pher Pasion</strong>

Dating senador Leticia Ramos-Shahani, isa sa mga bumoto para sa pagpapalayas ng mga baseng militar ng US sa bansa noong 1991. Pher Pasion

Ayon naman kay dating senador Leticia Ramos-Shahani, dapat ginawang isang tratado ang EDCA, at hindi isang kasunduan lamang. Bago kilalanin ang isang tratado, kailangan itong iratipika ng Senado ng parehong bansa, kaiba sa isang executive agreement na kailangan lamang ng pirma ng mga pangulo.

“Kasi meron na tayong kasaysayan. ‘Yung 1991 abrogation of the bases agreement, should have been a symbol for the Senate and for the senators,” ani Shahani, na nagsabing tila sinagasaan ng EDCA ang mandato ng Senado ng Pilipinas na silipin ang ganoong klase ng kasunduan.

Para sa Bayan, malinaw ang layunin ng Estados Unidos: ilatag ang kanyang mga puwersang militar sa Asya para protektahan ang mga negosyo nito, at manghimasok sa ibang bansa para pakinabangan ang likas na yaman at murang lakas paggawa at ibenta ang kanilang mga surplus na produkto kasama na ang mga armas at gamit pandigma.

Hindi rin umano makakatulong ang presensiya ng mga tropang Amerikano sa sigalot sa West Philippine Sea.

“Wala sa anumang kasunduan umano ang nag-oobliga sa US na sumaklolo sa Pilipinas kapag inagaw ng Tsina ang alinmang disputed areas sa West Philippine Sea,” ayon kay Teddy Casiño ng Bayan.

Dagdag pa ni Reyes, “Tama ba na iasa natin ang depensa ng ating bansa sa mga dayuhang pwersa? Hindi ba dapat Pilipino ang naninindigan para sa kanyang soberanya? Hindi po tayo kinakailangan at nararapat na umasa na dayuhan ang magtatanggol sa ating bansa,”

Pagtindig para sa soberanya

Sa pangkalahatan, ayon sa mga kritiko, dehado ang Pilipinas sa ilalim ng EDCA.

“Ang tanong natin, ano ang nakukuha ng Pilipinas sa ilalim ng EDCA? Kahit ulit-ulitin nating basahin ang teksto ng EDCA makikita natin na walang benepisyong na makukuha ang Pilipinas sa ilalim ng EDCA,” ayon kay Ursua.

Nagpahayag naman ng pakikiisa ang aktor na si Robin Padilla sa laban sa EDCA. “’Pag nakinig kayo ng balita, lagi na lang kayo bini-brainwash na mahirap kayo; na kailangan ninyong magtiis… Magmula noong panahon ng Kastila ninakawan na kayo. Dumating ang mga Amerikano, ninakawan na kayo. Dumating ang mga Hapon, ninakawan pa rin kayo. Ngayon multi-kultural na ang mga Pilipino ninanakawan pa rin kayo. Pambihira naman, sobra-sobra na. Hindi pa natuwa, tumawag pa ng back up. Heto (EDCA) back up oh, para nakawan pa rin kayo,” pahayag ni Padilla.

Minsan nang napalayas ng mga Pilipino ang mga baseng Amerikano sa bansa. Pangako ng iba’t ibang indibidwal at grupo, ibalik man ng gobyerno ng Pilipinas ang mga baseng militar ng US, gagawin nila ang lahat para labanan ang anumang porma ng banta sa kalayaan ng bayan.

Grupo ng Kalikasan sa harapan ng Embahada ng Amerika na nanawagan na pagpapalayas ng mga tropang Amerikano.<strong>Pher Pasion</strong>

Grupo ng Kalikasan sa harapan ng Embahada ng Amerika. Nanawagan sila na pagpapalayas ng mga tropang Amerikano. Pher Pasion

 

Beterano at kabataan, tutol sa ikalawang termino ni Aquino, panunumbalik ng diktadura

$
0
0
Imahe ni Pangulong Aquino na mistulang isang diktador tulad ni Marcos Darius Galang

Imahe ni Pangulong Aquino na mistulan umanong “diktador” katulad ni Marcos. Darius Galang

Muling nagmartsa ang mga aktibista noong dekada ’70 para gunitain ang ika-42 na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar. Kasama ang mga kabataang hindi nakaranas ng hagupit ng batas militar o sa mga libro na lamang ito napag-aralan, iisa ang kanilang sigaw: “Never again to dictatorship!”

Ayon sa iba’t ibang grupo na nagtipon sa Plaza Miranda noong Setyembre 21, namumuo ulit ang isang diktadura sa ilalim ni Pangulong Aquino, na nagdeklara ng intensiyong magkaroon ng pangalawang termino sa pamamagitan ng Charter Change. Patuloy rin umano ang mga paglabag sa karapatang pantao, matinding kahirapan ng mga mamamayan, at “pangangayupapa” ng administrasyon sa dikta ng dayuhan, partikular ng Estados Unidos.

Dismayado kay Aquino si Mauro dela Cruz, isang beterano ng pakikibaka noong batas militar. “Sinasabi niyang may demokrasya, pero kayninong demokrasya iyon? ‘Yung demokrasya lamang ng mga nasa poder ng kapangyarihan,” sabi ng dating organisador ng Bus Industry Alliance, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Para rin kay Danny dela Fuente, dating bilanggong pulitikal, nagpapatuloy ang malawak na korapsiyon na nakita nila noong diktadurang Marcos. “Noon pa man, mayroon nang katulad ng DAP (Disbursement Accleration Program) at PDAF (Priority Development Assistance Fund) at kinurakot nila iyon. Ngayon, kinukurakot pa rin nila,” aniya.

“Dapat ang henerasyon ngayon, ipagpatuloy ang laban. Kailangan maunawaan nila ang mga nangyayari sa lipunan,” dagdag niya.

Binaybay ni Satur Ocampo ang pagkakadeklara ng batas militar noong 1972. Macky Macaspac

Binaybay ni Satur Ocampo ang pagkakadeklara ng batas militar noong 1972. Macky Macaspac

Nakiisa naman sa paggunita ng batas militar at protesta sa ikalawang termino ni Aquino si Brian Sabnal, isang estudyante at anak ng mga aktibista noong dekada ‘70. “Ayaw ko na po maulit ‘yung naranasan ng mga magulang ko noong diktadura ni Marcos. Ayaw ko na rin maranasan pa ito ng susunod na mga henerasyon,” aniya.

Sa kanyang talumpati, idiin naman ni Satur Ocampo, pangulo ng Koalisyong Makabayan, and matinding pang-aabuso at katiwalian sa loob ng 14 na taong pamamayagpag ng batas militar.

“Kailangang ipresenta nang buo ang panahon ng batas militar. Dapat ayusin din sa mga teksto at libro ang tunay na kaganapan noon, na makakatulong sa mga kabataan para unawain ang pinagdaanang batas militar,” ani Ocampo, isang mamamahayag na naging aktibista noong batas militar.

Dagdag pa ni Ocampo, tulad daw noon, nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga paglabag sa karapatang pantao. “Patuloy ang human rights violations. Noon at hanggang ngayon, mayroon pa ring counter-insurgency program na sanhi ng mga pagdukot at pagpatay, habang hindi naman nilulutas ang mga pundamental na problema ng lipunan,” aniya.

Noong batas militar, nakapagtala ng mahigit 300 kaso ng pagdukot, 3000 kaso ng pagpatay, at 7000 kaso ng pagpapakulong sa mga mamamayang tumututol sa diktadura.

Ayon naman kay Edith Burgos, asawa ni Joe Burgos na isa ring mamamahayag noong diktadurang Marcos, hindi na dapat maulit ang batas militar. “Kung alam nila ang totoong kaganapan noon, hindi nila nanaisin na magkaroon muli ng isa pang diktador,” aniya sa kanyang talumpati.

Para sa mga aktibista noon at ngayon, hindi pa natatapos ang paglaban sa kahirapan, paglabag sa mga karapatang pantao at matinding katiwalian—lalo na sa harap ng banta ng term extension ni Aquino. “Ang pagkakapareho lang sa panahon ngayon at sa panahon ng batas militar, nagpapatuloy ang kilusang mapagpalaya,” ani Ocampo.

Para idiin ang pagtutol sa ikalawang termino ni Aquino, nagmartsa patungong Mendiola ang mga lumahok sa protesta-paggunita sa batas militar.

Ilang larawan ng kilos protesta:

Muling nagmartsa ang iba't-ibang grupo para gunitain ang batas militar ni Marcos at tutulan ang diumano'y namumuong diktadurya ni Panguong Aquino.Macky Macaspac

Muling nagmartsa ang iba’t ibang grupo para gunitain ang batas militar ni Marcos at tutulan ang diumano’y namumuong diktadura ni Pangulong Aquino. Macky Macaspac

Mga beteranong aktibista . Macky Macaspac

Mga beteranong aktibista. Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac

Macky Macaspac

Ginunita ni Edith Burgos ang ginawang raid ng mga awtoridad ng diktadurang Marcos sa pahayagang We Forum ni Joe Burgos. Macky Macaspac

Mga migranteng tutol sa pagpapanumbalik ng diktadurya.  Macky Macaspac

Mga migranteng tutol sa pagpapanumbalik ng diktadura. Macky Macaspac

Sad Few Notes on Creative Writing

$
0
0

One striking fact about Philippine Literature (English or Filipino) is that our creative writers have been, and still are, suffering a very unpopular verdict from the reading public. This kind of notoriety is quite appalling, considering the professed literacy of our society.

The situation strikes us sharply. For between a choice, say, of Emile Loring’s “What Then Is Love?” or some novels in comics form of Carlo Caparas on one hand and, on the other hand, of Nick Joaquin’s “The Woman With Two Navels” or Ninotchka Rosca’s “Twice Blessed” (1993 American Book Award) or her novel “State of War” that clearly depicts the lives of ordinary people under the Marcos dictatorship, the choice is decidedly ready-made: Joaquin and Rosca suffer the tyranny of unpopularity not because they are unacceptable writers but, simply, their elegant style does not excite the taste buds of ordinary readers. This is also true as regards literary pieces written in Filipino vis-a-vis romance and fantasy novels and short-stories proliferating in leading commercial magazines or publications.

This situation which exists between the creative writers and their reading public is indeed disheartening and, by and large, may be considered as the fundamental problem of creative writing today.

The problem of the Filipino creative writers is how to communicate their crops without sacrificing the literary quality. Their evaluation of human life, especially of the downtrodden and the oppressed, their indictment of the greediness and exploitative nature of the ruling class, their appreciation of rural scene and of country life or, simply, the down-to-earth manners and attitudes of Filipino society are still inept to touch the sensibilities of the readers. This finds its incipient in the seeming neglect of creative writing to focus its attention to the inviting scenes of country life and the continuous struggle of the Filipino masses for a just and prosperous society.

Creative writing’s attempt to discover the image of country life is still weak, if at all. The feeble attempt to rediscover the lost image has failed to provide the link between the creative writers and the reading masses. This circumstance has brought several literary setbacks, dragging the writer’s prose into the dungeon of commercialism.

Some short-story and novel writers have tainted the noble mission of creative writing into a commercialized plot. The atmosphere of creativity afouls with the smell of cold cash and, as such, an illusion of creativity is unavoidably created in commercial magazines of note.

But, unfortunately, an honest appraisal of short-stories and novels clashing in commercial streets reveals unmistakably that they are pieces of writing which creativity is not. There is not even a color of meritorious literary. Most often than not, these novels and short-stories appearing in commercial magazines do not even deserve a cent of passing comment.

Commercial fictions, we are told, are written basically on one formula, and they rest simply on that. They don’t even move in three dimensions and do not possess what we call the “living soul” of the story. They are plot stories but without any color of creativity nor craftmanship. The style is very much toned down as if afraid that the readers will not grasp what the writer wants to impart. The writer, in himself, of such pieces — I am sure — does not find satisfaction in his work. The author must first feel the inner satisfaction of his art before he can transform it into a readable prose.

It is the policy, however, of commercial magazines to satisfy first the lust for entertainment of the reading public by virtually denying the literary merits of the story. And as long as the readers are contented, for business sake, the story must go on!

But this scheme must stop.

The writer must not primarily write for money’s sake. He must write because he wants to write. The taste of the reader is only secondary, if at all. For unless he is ready to sacrifice the reader’s predisposition to value judge the writer’s work on the scale of popularity — not on literary merits — the creative writer loses his social purpose, his creative writing.

‘Relasyong Tsina, PH luluwag pagkatapos ng termino ni Aquino’

$
0
0
Wu Shicun, presidente ng National Institute for South  China Sea Studies: Walang ginawa si Aquino para mapaganda ang relasyong PH-China. KR Guda

Wu Shicun, presidente ng National Institute for South China Sea Studies: Walang ginawa si Aquino para mapaganda ang relasyong PH-China. KR Guda

HAIKOU CITY, CHINA– Malaki ang posibilidad na mas luluwag ang relasyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas kapag natapos ang termino ni Pangulong Aquino sa taong 2016.

Ito ang sabi ni Wu Shicun, presidente ng National Institute for South China Sea Studies, isang think-tank ng gobyerno ng Tsina na nakabase sa lungsod na ito sa probinsiyang Hainan ng Tsina.

Binatay umano niya ito sa pagtingin din ng Pilipinong mga counterpart sa isang unibersidad sa Maynila na nagsabing baka kailangang hintaying matapos ang termino ni Aquino para lumuwag ang relasyon ng dalawang bansa.

“Philippine government (under Aquino) has done little to improve Philippine and Chinese relations,” sabi pa ni Wu.

Ayon pa kay Wu, tinitingnan ng gobyernong Tsino ang kasalukuyang administrasyon sa Maynila na “may problema” (“the problem is in the Philippine side”) kung bakit hindi gumaganda ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Binigay niyang halimbawa ang bansang Malaysia, na may mas maunlad umanong pakikipagkalakaran sa Tsina kumpara sa Pilipinas. Sa kabila ito ng territorial dispute din sa pagitan ng Tsina at Malaysia sa James Shoal (tinatawag ng Tsina na Zengmu Reef).

Sa kasalukuyan, may US$100 Bilyong halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Malaysia, habang US$20-B lamang ang sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Nabahala din umano ang Beijing sa paglagda ng gobyerno ng Pilipinas at US ng kasunduang pangmilitar, ang PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

“From China’s perspective, (the agreement) is aimed at China,” ani Wu, at sinabi ring gusto ng US na ibalik ang mga base militar nito sa Pilipinas para pigilan ang lumalakas na impluwensiya ng Tsina sa rehiyon (“aimed to contain China”).

Sa kanyang palagay, may mahigpit na interes ang US sa rehiyon kung kaya nakikialam umano ito sa territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Gusto lang umanong siguruhin ng US ang “kalayaang maglayag” (“freedom of navigation”) ng mga barkong pangkomersiyo at pandigma nito sa West Philippine Sea (South China Sea).

Sa kabila nito, optimistiko si Wu na maibabalik ang mahigpit na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Maaari naman umanong ipagpatuloy ang kalakalan ng dalawang bansa.

Pabor ang Tsina sa usapan sa pagitan ng dalawang bansa (bilateral talks) sa halip na arbitration talks sa International Tribunal for the Law of the Sea o Itlos.

Editor’s Note: Kabilang ang Pinoy Weekly sa delegasyon ng 15 mamamahayag mula sa Pilipinas na kasalukuyang nasa Tsina sa imbitasyon ng embahada ng Tsina sa Manila para sa isang “familiarization tour”. Sa naturang biyahe, kabilang sa ilinaw umano ng gobyerno ng Tsina ang ilang mga usapin hinggil sa relasyong PH-Tsina.

Rights group: Civilians killed, rebels tortured in Abra military ops

$
0
0
The urn containing Recca's ashes. Arkibong Bayan

The urn containing Recca Noelle Monte’s ashes. Arkibong Bayan

A human rights group called for a total military pull-out in Lacub, Abra to give civilians respite from intensified military operations, alleging that the military used “excessive force” that resulted in the death of two civilians and seven members of the New Peoples Army (NPA), some of whom were tortured.

In a statement, the Cordillera Human Rights Alliance (CHRA) accused elements of 41st Infantry Batallion under the Northern Luzon Command of grave human rights and international humanitarian law violations.

According to the group, there were strong indications that the victims of an alleged military encounter were severely tortured and that their remains were desecrated.

Among those killed in military operations last September 5 was Fidela Salvador, an engineer. The group stressed that Salvador is a civilian, contrary to the claims of the military that she is a combatant of the NPA.

“Salvador is a civilian and a member of a non-government organization monitoring socio-economic projects in the area when the incident happened,” said Audrey Beltran, secretary general of CHRA.

CHRA added that the autopsy report conducted by the National Bureau of Investigation (NBI) reveals that Salvador suffered from 9 gunshot wounds, multiple contusions and lacerations and a head injury caused by a blunt object.

The group also accused the military of violating rules of engagement during their combat operations against the NPA. “Even if the members of the NPA had no more capacity to fight back, they were still slain,” the group stated.

Gabriela Rep. Luz Ilagan, during the deliberations of the Department of National Defense’s (DND) budget in Congress, also revealed that the NBI autopsy report showed that the NPA combatant Recca Noelle Monte had no gunshot wounds and actually died of “massive blunt traumatic injuries in the head, face and chest.”

In a public post in her Facebook account, Jang Monte, sister of Recca Noelle, described that her sister was almost unidentifiable when she claimed her body. “I could not believe what I saw. Half of her head from the bridge of her nose and up was practically blown off. She was barely identifiable if not for her prominent overbite and the shirt she wore,” wrote Jang.

Quoting from the autopsy report, Jang also wrote that Recca’s legs were also severely fractured, with her left leg nearly separated.

“My sister’s body bore several marks of torture, ” Jang concluded. The Monte family believes that Recca was caught alive by the military, and demands justice for the inhumane treatment she suffered in the hands of the military.

CHRA and the families of the victims are mulling to file complaints against the 41st IB in local and international bodies, as they call for a total military pull-out in Abra. The group will also launch a national fact-finding mission in the coming days to conduct deeper a investigation.

Meanwhile, Ilagan moved for the deferment of the deliberation of the DND budget until Defense Secretary Voltaire Gazmin submits the incident report of the 41st IB and brings in Lt. Col. Rogelio Noora, Nolcom field commander, to the House plenary to answer questions on the circumstances of the said military operations.

“It is the responsibility of this House to ensure that the budget of the DND will not be used to violate human rights and international humanitarian law.  It is also about time that the DND and the AFP (Armed Forces of the Philippines) take seriously issues of human rights raised against the military establishment and not just brush them with sweeping denials and public avowals about a ‘new AFP,’” Ilagan said.

Ika-58 buwan ng Ampatuan masaker, ginunita ng CEGP

$
0
0
Nagtirik ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa paggunita ng ika-58 buwan ng Ampatuan masaker.<strong>Pher Pasion</strong>

Nagtirik ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa paggunita ng ika-58 buwan ng Ampatuan masaker. Pher Pasion

Nag-alay ng kandila ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) bilang simbolo ng paghahanap pa rin ng hustisya sa mga naging biktima ng Ampatuan masaker at iba pang alagad ng midya na pinaslang.

Itinaon nila ito sa ika-58 buwan ng Ampatuan masaker, na naganap noong Nobyembre 23, 2009 at ikinasawi ng 58 indibidwal, kabilang ang 32 mamamahayag.

“Nanawagan ng hustisya ang mga publikasyong pangkampus hindi lamang sa mga biktima ng Ampatuan masaker kundi maging sa lahat ng mga miyembro ng midya na pinaslang sa Pilipinas. Kailangan managot sa taumbayan si Noynoy Aquino dahil mapasahanggang ngayon, wala pang nangyayari sa ipinangako niyang hustisya,” ayon kay Marc Lino Abila, presidente ng CEGP.

Bago pa man maging presidente si Aquino, nangako ito na kung mauupo sa puwesto ay bibigyan ng katarungan ang mga biktima ng Ampatuan masaker. Hindi pa rin ito natutupad sa kasalukuyan.

Mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa Mendiola sa ika-58 buwan ng Ampatuan massacre.<strong>Pher Pasion</strong>

Mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines sa Mendiola sa ika-58 buwan ng Ampatuan masaker. Pher Pasion

Dagdag ni Abila, “higit na nakakagalit ang sinabi ni Aquino sa Belguim kamakailan na hindi daw work related ang mga naging pagpatay sa ibang mga alagad ng midya. Nagpapakita ito o salamin ito ng kawalang sinseridad ng pangulo na bigyan ng hustisya ang mga biktima.”

Mula noong 1986, nasa 145 na ang naitalang kaso ng pamamaslang sa hanay ng midya. Sa 145 na kaso, mayroong 25 kaso ng pamamaslang ang naitala sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Wala signipikanteng hakbang ang administrasyon para matigil ang mga pamamaslang sa hanay ng midya, ayon sa CEGP. Umano’y naririyan pa rin ang kultura ng walang-pakundangang pamamaslang, pananatili ng private armies, at mga banta sa buhay ng mga mamamahayag,

“Maging sa campus publications, tumatagos ang tinatawag nating culture of impunity at pag-atake sa midya. Nariyan halimbawa sa mga forum ng mga militar sa mga school kung saan nagkakaroon ng red baiting o inaakusahang communist fronts ang mga kritikal o progresibong mga publikasyong pangkampus. Nalalagay sa panganib ang mga buhay ng mga campus journalist sa ganoon,” ayon kay Abila.

Sa unang anim na buwan ng 2014, nakapagtala CEGP ng 185 kaso ng paglabag sa kalayaan sa pamamahayag sa kampus kabilang ang libelo, harassment, surveillance, at iba pa.

“Nakakaranas na ng mabibigat na kaso kagaya ng libelo ang campus journalists. Halimbawa ang kaso na kinakaharap ngayon ng UP Baguio Outcrop na umabot na sa korte. At huwag din nating kakalimutan ang kaso ni Beng Hernandez na napaslang sa kamay ng mga ahente ng CAFGU (Civilian Armed Forces Geographical Units) na wala pa ring hustisya sa kasalukuyan,” ayon kay Abila.

Si Hernandez ay dating mamamahayag pangkampus mula sa Atenews ng Ateneo De Davao University na napaslang ng mga ahente ng CAFGU sa pamumuno ni M/Sgt Antonio Torilllo noong Abril 5, 2002 sa North Cotabato, habang nasa fact-finding mission sa kalagayan ng karapatang pantao sa komunidad ng mga Lumad.

Umabot ang kaso ni Hernandez sa United Nations Human Rights Committee, na kinuwestiyon ang gobyerno ng Pilipinas sa kawalang aksyon nito sa kaso, sa kabila ng matibay na ebidensya laban sa mga salarin. Wala pa ring katarungang nakakamit ang pamilya ni Hernandez sa kasalukuyan.

 

 

Kulang ang Kalayaang Pang-akademiko

$
0
0

Ngayon ko lang talaga nabasa ang kontrobersyal na pahayag ng School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman tungkol sa protesta ng mga estudyante noong pumunta si Budget and Management Sec. Butch Abad sa naturang unibersidad noong Setyembre 17. Ito ang ubod ng kanilang pagkondena sa protesta: “Bilang inimbitahang bisita, saklaw si Secretary Abad ng balabal ng kalayaang pang-akademiko at ligtas na pagpunta na ginagarantiyahan ng Unibersidad sa lahat ng tumutuntong sa kampus.” Dagdag pa nito, “Ang silbi ng matayog na pribilehiyong iyan ay ang garantiyahan ang malayang trapiko ng magkakaibang ideya – at ng magkakaibang taong yumayakap sa kanila – na siyang nagbibigay-lakas sa isang liberal na institusyong pang-akademiko.”

Maraming suliranin ang pag-apela ng UPSE sa kalayaang pang-akademiko. Una, tulad ng lahat ng kinikilalang kalayaan ngayon, ang kalayaang pang-akademiko ay nabuo at napatatag sa kasaysayan laban sa mga makapangyarihan sa lipunan – sa Simbahan, sa gobyerno, at maging sa malalaking kapitalista. Sa pahayag ng UPSE, ginagamit ang kalayaang pang-akademiko para ipagtanggol ang isang mataas na opisyal ng gobyerno (at isa sa pinakamakapangyarihan sa gobyernong ito) laban sa mga nagpoprotestang aktibista (na katunggali ng mga makapangyarihang grupo kahit sa loob ng UP). Laban sa mga makapangyarihan dapat bigyang-kahulugan ang “mga ideyang kontraryo at hindi uso,” at panlilinlang ang tawaging ganyan ang mga ideya ng isang Butch Abad.

Ikalawa, bagamat kinikilala ng lipunan ang kalayaang pang-akademiko, hindi ito ligtas sa pagsusuri at kritisismo. Pwede sigurong ihalintulad ito sa kalayaang bumoto, na mas pundamental rito: May kalayaang bumoto, pero pwedeng suriin kung wasto o mali ang paggamit dito ng isang tao o grupo ng tao. Sa pahayag ng UPSE, iwinawasiwas ang kalayaang pang-akademiko na parang hindi ito makukwestyon at dapat kilalanin sa simpleng dahilan na isinabuhay ito. Sa tingin ko, sa mga dahilang ipapaliwanag sa ibaba, mali ang paggamit ng University Student Council sa kalayaang pang-akademiko nang imbitahan nitong magsalita si Abad sa isang porum, at mali rin ang UPSE na gamitin ang kalayaang pang-akademiko para ipagtanggol ang naturang hakbangin.

Ikatlo, at kaugnay ng ikalawa, ang kalayaang pang-akademiko ay pamamaraan lamang na dapat ay naglilingkod sa iba pang prinsipyo labas dito. Halimbawa, dapat itong naglilingkod sa tungkuling panlipunan o social responsibility at sa siyentipikong pag-aaral. Sa pahayag ng UPSE, hindi binigyang-katwiran ang kalayaang pang-akademiko sa mga batayang ito, kundi sa “pagkadahop ng buhay-intelektwal at pagkupot sa debate sa isang monologo” lamang, na nagmumula sa makaisang-panig na paggigiit ng kalayaang pang-akademiko. Kahit sa mga prinsipyo ng UP na “dangal at kahusayan (honor and excellence)” na minsang kinasangkapan ni Prop. Solita Collas-Monsod ng UPSE, mas patungkol ang kalayaang pang-akademiko sa kahusayan, hindi sa dangal.

Mali na imbitahan si Abad para talakayin ang pambansang badyet dahil sa DAP o Disbursement Acceleration Program. Mali na imbitahan si Ferdinand Marcos para talakayin ang pagsusulong ng demokrasya dahil sa Batas Militar. Mali na imbitahan si Jovito Palparan para talakayin ang pagtatanggol sa karapatang pantao dahil sa Oplan Bantay Laya. Mali na imbitahan si Gloria Macapagal-Arroyo para talakayin ang pagtiyak sa malinis at matapat na halalan dahil sa Hello Garci. Mali na imbitahan si Henry Sy para talakayin ang pagtaguyod sa karapatan ng mga manggagawa dahil sa kontraktwalisasyon sa SM. Mali na imbitahan si Kris Aquino para talakayin ang halaga ng privacy dahil sa pag-anunsyo niya sa nangyari sa kanila ni Joey Marquez. At iba pa.

Mali ang pag-imbita sa naturang mga tagapagsalita para sa mga nabanggit na paksa dahil kinakatawan nila ang kabaligtaran o pagkasira ng mga nabanggit na paksa. Mali dahil ginamit na nila ang dominanteng midya para ilahad ang kanilang mga ideya. Mali dahil sila ang dapat pangaralan tungkol sa paksa nila, at wala silang awtoridad na talakayin ang naturang mga paksa. At ang pahintulutan silang talakayin ang naturang mga paksa ay ang magpagamit sa kanilang panlilinlang, sa halip na maging instrumento ng kaliwanagan para sa lipunan. Halimbawa, magyayabang si Abad tungkol sa pagpapalahok sa publiko sa proseso ng pagbabadyet, gayung ipinaglalaban niya ang kapangyarihan ng iilan na baguhin ang aprubadong pambansang badyet.

Pero may kaibahan ang pag-imbita kina Abad, Marcos, Palparan at Arroyo sa mga kahalintulad sa itaas kumpara sa pag-imbita kina Henry Sy at Kris Aquino. Ang mga tao sa unang bungkos, itinuturing ng lipunan na mga kriminal sa mga usaping nabanggit, habang ang mga nasa ikalawang bungkos ay hindi, o hindi pa. Dito mailulugar ang agresibong pagkondena – kalabisan ang tawaging “karahasan” – ng mga aktibista sa pagpunta ni Abad: hindi siya karaniwang bisitang tagapagsalita o panauhing pandangal kundi isang kriminal sa bayan. Dito rin mailulugar ang mariing pagkondena ng UPSE, at Malakanyang, sa ginawa ng mga aktibista: kinukwestyon nila ang hatol na kriminal si Abad at ipinupwersa ang isang reperendum tungkol sa kanya.

Isang sintomas ang pagwasiwas sa kalayaang pang-akademiko ng kaguruan ng UPSE nang walang pagsaalang-alang sa tungkuling panlipunan. Hindi ito papasa sa pamantayan ng tungkuling panlipunan: sa kasaysayan, ginamit nito ang kalayaan ng akademya para isulong ang kawalang-kalayaan sa lipunan. Ang maramihang pagpirma nito ay patunay ng mala-kulto nitong pagbubuklod para sa paglilingkod sa iilan, silang mga nangangaral ng indibidwal na interes sa mga klasrum at sulatin. Maliban sa pagkondena nito sa diktadurang Marcos sa bisperas ng pagbagsak ng huli, wala nang kaguruan sa UP na mas tampok at tuluy-tuloy na naglilingkod sa gobyerno at sa malalaking kapitalista at haciendero liban sa UPSE. Natural, ipagtatanggol nito si Abad.

Instrumento lamang ang kalayaang pang-akademiko sa paghahanap ng katotohanan, at kakatwa ang paggigiit ng UPSE ng kalayaang pang-akademiko sa kabila ng pagtambad ng mga katotohanan bunsod ng protesta: Hinahatulan ng papalaking seksyon ng lipunan si Abad na kriminal – “magnanakaw” sa salita ng mga nagprotesta. Dapat katambal ng kalayaang pang-akademiko ang tungkuling panlipunan; kung hindi, magiging instrumento ito ng pagtatangka ng mga kriminal na manlinlang. At kung mangyari ang huli, susugod ang protesta para agresibong kumondena. Sa bayang ito kung saan bulok ang sistemang pangkatarungan, gagawa at gagawa ng paraan ang mga walang kapangyarihan para idiin at isakdal ang mga gumawa ng krimen sa bayan.

Sabi ng mga nangangaral ng kalayaang pang-akademiko, “kaaway ng unibersidad” ang mga aktibista. Para sa marami at dumarami sa lipunan, kakampi sila ng katotohanan.

25 Setyembre 2014


Paniningil ng terminal fee, tinutulan ng mga OFW

$
0
0
Tinututulan ng mga OFW ang awtomatikong paniningil ng mga terminal fee sa airline tiket simula Oktubre 1. Dapat exempted ang mga OFW sa nasabing buwis.

Tinututulan ng mga OFW ang awtomatikong paniningil ng terminal fee sa airline ticket simula Oktubre 1. Dapat exempted ang mga OFW sa nasabing buwis.  Larawan ng lumang resibo para sa terminal fee mula sa philippineairspace.blogspot.com 

Ipinoprotesta ng grupo ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang awtomatikong paniningil ng P550 terminal fee sa airline tickets.

Nabuo ang bagong patakaran sa isang Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Manila International Airport Authority o MIAA at mga airline carrier, at agarang ipapatupad sa Oktubre 1.

Ngunit sa ilalim ng Republic Act 10022 o Migrant Workers’ Act, exempted ang mga OFW sa pagbabayad ng terminal fee. Kailangan lamang na ipakita nila ang kanilang mga Overseas Employment Certificate (OEC) para mapatunayan ang kanilang OFW status.

Ayon kay Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, ang paniningil ng terminal fee sa tiket ay isa na namang iskema ng pangongotong sa mga OFW. Bagaman maaaring i-refund ng mga OFW ang bayarin, tinataya na maraming OFW ang posibleng hindi makakapag-refund ng terminal fee dahil sa perwisyong dulot nito.

“Dapat hindi na sila inaabala pa sa dagdag na bayarin na ito…Ang dami na nilang hirap para makakuha ng mga rekisitos, para makakuha ng kanilang OEC, tapos ngayon ito pa?” ayon kay Martinez.

Karugtong na usapin ng terminal fee ang OEC, na para sa grupo ay dapat na ring buwagin. Isang rekisito ang OEC para sa mga OFW para makalabas ng bansa at magtrabaho.

Idiniin na Martinez na kasangkapan lamang ng gobyerno ang OEC upang makapaningil sa mga OFW. “Hindi na rin tinatanggap ng service providers ang dokumentong ito. Hindi na ito epektibo upang makaseguro ang pangangalaga ng kagalingan ng mga OFW,” aniya.

Sa pag-aaral ng Migrante International, aabot sa tinatayang P31,000 kada OFW ang bayarin sa iba’t ibang rekisitos tulad ng Philhealth premium, NBI clearance fees, e-passport fees, barangay clearance fees, at mga mandatoryong kontribusyon sa Pag-Ibig, OWWA, at iba pa.

Ayon pa sa Migrante, nakakakolekta ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng P26,267 kada OFW na ipinoproseso nito mula noong 2010 o simula ng administrasyong Aquino. Mas mataas ito sa average na Php18,000 kada OFW na sinisingil ng POEA bago ang 2010.

Panawagan ni Martinez sa mga OFW, tanggihan ang pagbabayad ng terminal fee sa pagbili nila ng mga airline ticket. “Huwag po tayong pumayag na maisahan tayo sa bagong iskemang pangongotong na ito. Nakasaad sa batas na exempted dapat tayo sa paniningil ng terminal fee,” aniya.

‘Hindi kami mabubuhay sa sementadong gubat’

$
0
0
Dalawang henerasyon ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nagtungo sa Mendiola noong Biyernes para tutulan ang muling pagbuhay sa proyektong Laiban Dam. Macky Macaspac

Dalawang henerasyon ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nagtungo sa Mendiola noong Biyernes para tutulan ang muling pagbuhay sa proyektong Laiban Dam. Macky Macaspac

Bakas ang kanyang edad sa mga gatla sa kanyang bisig at mukha, at sa pagtakip ng puting buhok sa kanyang noo. Kung tutuusin, lipas na ang kanyang mga taon bilang isang magulang, hindi lamang sa kanyang mga anak at apo, kundi pati sa kanyang mga katribung Dumagat-Remontado sa bayan ng Rizal.

Pero sa kanyang edad na 92, hindi pinakupas ng mga taon ang masidhing hangarin ni Andrea Vertudez na ipamana ang kanilang lupaing ninuno sa susunod na mga salinlahi ng kanilang tribu.

Hindi alintana ni Vertudez ang tirik na tirik na araw nang magmartsa patungong Mendiola noong Setyembre 26, kasama ang kanyang mga kapwa Dumagat at iba pang katutubo mula sa ibang probinsiya. Nais ng mga katutubo na huwag nang buhayin pa ang proyektong Laiban Dam sa hangganan ng Tanay sa Rizal at General Nakar sa probinsiya ng Quezon.

“Narinig namin na plano na naman nilang ituloy ang proyekto, kaya kami nandito para sabihin na ayaw namin sa Laiban Dam,” aniya sa panayam ng Pinoy Weekly.

Matagal nang tinutulan ng mga Dumagat-Remontado ang pagtatayo ng dam, na nagsimula sa panahon ni dating pangulong Marcos at patuloy na nasa plano ng mga nagdaang administrasyon.

Sa kasaluyan, inilagay bilang prayoridad na proyekto ni Pangulong Aquino ang muling pagtatayo ng Laiban dam. Sa plano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), uunahin ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na mas maliit (600 milyong litro kada araw), bago ang Laiban Dam na lilikha ng patubig na aabot sa mahigit 2,000 milyong litro kada araw.

Tinagurian ng MWSS ang proyektong ito na New Centennial Water Source Project, sa ilalim ng Public-Private Parnertship at tinatayang gagastusan ng P88 Bilyon (Kaliwa dam P23-B, Laiban dam P65-B). Layunin ng pagtatayo sa Laiban Dam na magkaroon ng panibagong pagmumulan ng tubig para sa Metro Manila maliban sa Angat Dam sa Bulacan.

Sa mismong pagtaya ng MWSS, palulubugin ng proyekto ang walong barangay, at magdidisloka ang 4,000 pamilya ng mga katutubong Dumagat-Remontado.

“Paano kami mabubuhay, kung aalisin kami sa kagubatan?” hinaing ni Vertudez. Mistulang pagpatay daw sa kanilang tribu ang planong pagpapalikas sa kanila.

Ang pinakamatandang Dumagat na si Andrea Vertudez, 92 na sumama sa kilos protesta sa Mendiola. Macky Macaspac

Ang pinakamatandang Dumagat na sumama sa kilos-protesta: Andrea Vertudez, 92. Macky Macaspac

Ayon sa Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), walang nagaganap na konsultasyon sa mga komunidad. Gayundin, wala umanong Free, Prior and Informed Consent (FPIC) para simulan ang nasabing proyekto.

Sa ilalim ng FPIC, may karapatan ang mga katutubong tanggihan o payagan ang isang proyekto na sasaklaw sa kanilang mga lupang ninuno. Ngunit kahit ang representante ng mga Dumagat-Remontado sa National Commission on Indigenous People (NCIP), hindi pumayag sa proyekto, ayon sa KAMP.

Pero ang pinagtatakhan ng grupo, isa na ngayong pangunahing proyekto ng administrasyong Aquino ang Laiban Dam sa ilalim ng PPP.  Sa kasalukuyan, may kinalaman umano ang kompanyang San Miguel Corporation ni Eduardo “Danding” Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Aquino, sa muling pagbuhay sa proyekto.

Nangako ang mga katutubo na muli’t muling tututulan ang tangkang pagtatayo ng dam.

Panahon pa ni Marcos, tinutulan na ng aming mga magulang ang pagtatayo nito. Ngayong plano uli nilang itayo, hindi kami papayag,” sabi naman ni Arnel delos Santos, lider ng mga Dumagat.

Si Arnel ngayon ang tumatayong tagapangulo ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan o Balatik, matapos paslangin ng mga pinaghihinalaang mga militar noong 2005 ang kanyang amang si Nicanor delos Santos, kinikilalang lider-katutubo.

“Pinatay ang tatay ko noong panahon ni (dating pangulong) Arroyo dahil sa matinding pagtutol sa dam. Ngayon, halos araw-araw na tinatakot muli kami,” aniya.

Ayon pa sa lider-katutubo, simula noong nakaraang buwan, naglagay na ng mga karatula ang MWSS na nagsasabing pag-aari daw nito ang mga lupain.

“Paanong pag-aari nila ang mga lupaing ninuno? Insulto sa aming mga katutubo at sa aming mga ninuno ang ginagawa nila…Walang pagpapahalaga sa mga katutubo si Pangulong Aquino, sa pagpayag nitong muling buhayin ang proyekto,” aniya.

Badyet para sa SUCs, kulang na kulang pa rin

$
0
0
Kabataan Rep. Terry Ridon PW file photo/Pher Pasion

Kabataan Rep. Terry Ridon. PW File Photo/Pher Pasion

Nanawagan ng mas mataas na badyet para sa 113 state universities and colleges (SUCs) sa bansa si Kabataan Rep. Terry Ridon, sa deliberasyon sa Kamara ng pambansang badyet para sa 2015.

Sa datos ng Department of Budegt and Management (DBM), nasa P43.3 Bilyon lamang ang nakatakdang ilaan ng gobyernong Aquino sa SUCs para sa 2015, malayo sa P122.7-B na pangangailangan ng mga ito.

“Sa nakalipas na mga taon, ang mga mag-aaral at guro ay nananawagan ng mas mataas na pondo para sa SUCs. Maaaring itinaas ng gobyerno ang badyet sa nakalipas na mga taon, pero ang pagtaas na ito ay nominal lamang. Sa nakikita natin, nasa one-third (1/3) lamang ng pangangailangan sa pondo ng SUCs ang inaprubahan ng DBM. Sa bawat tatlong piso pong kailangan ng ating mga pamantasan, piso lamang ang nailalaan ng gobyerno,” ayon kay Ridon.

Sa deliberasyon sa plenaryo sa Kamara para sa badyet ng SUCs, tinanong ni Ridon ang sponsor ng badyet na si Rep. Mariano Piamonte kung bakit P43.3-B lamang ang inaprubahan ng DBM para sa 2015. Pero hindi ito maipaliwanag ni Piamonte.

We don’t know Mr. Speaker,” ayon kay Piamonte.

Kabilang sa mga naging tanong ni Ridon ay kung bakit maraming paaralan, kabilang ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang nakakakuha ng halos kalahati lamang ng kinakailangang badyet o funding requirement.

Nagpasa ang UP ng P25-B budget proposal pero P12.6-B lamang ang inaprubahan ng DBM. Nasa P2.15-B naman ang kakailanganin ng PUP pero P1-B lamang ang inaprubahan ng nasabing ahensiya.

Pinakamababa naman ang matatanggap ng Philippine Normal University na P569 Milyon, o 18.6 porsiyento lamang ng P3-B isinumiteng pondo ng nasabing pamantasan para sa 2015.

“Sa patuloy na pagtanggi  ng gobyerno na maglaan ng sapat na pondo para sa operasyon ng SUCs, nagresulta ito sa patuloy na komersyalisasyon ng edukasyon at taunang pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin na kinokolekta sa mga mag-aaral,” ayon kay Ridon.

Sa nasabing budget hearing, napag-alaman na 40 porsiyento ng kabuuang kinakailangang pondo para sa SUCs ay nanggagaling mula sa matrikula at iba pang bayarin na sinisingil mula sa mga mag-aaral.

Nasa P3 bilyong piso ang pondong kakailanganin ng Polytechnic University of the Philippines.<strong>Pher Pasion</strong>

Nasa P3 Bilyon ang pondong kakailanganin ng Polytechnic University of the Philippines. Pher Pasion

“Dahil sa patuloy na pagpapabaya ng gobyerno, kinakailangan ng mga mag-aaral na punan ang kakulangang iniiwan ng gobyerno. Estudyante na po ang nagpupuno sa kakulangan ng pamahalaan,” ayon kay Ridon.

Dagdag din Ridon, nakakagalit na mayroong bilyung-bilyong pondo para sa mga kuwestiyonableng items sa 2015 badyet at lump-sum allocations, samantalang nasa one-third lamang ang ilalaan ng administrasyong Aquino para sa SUCs.

“May pondo para sa korapsyon, may pondo para sa pork barrel at overpriced pet projects para sa mga politiko ng administrasyon, pero sa ngayong taon at kahit sa mga nakalipas, patuloy na kulang-kulang ang natatanggap ng ating mga publikong pamantasan,” aniya.

 

State School Original Proposed Budget (2015) DBM-approved Budget (as stated in 2015 NEP) Difference Percent approved
Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institute of Science and Technology 238,131,000 211,811,000 26,320,000 88.9
Philippine Normal University 3,057,267,000 569,092,000 2,488,175,000 18.6
Polytechnic University of the Philippines 2,152,091,000 1,048,801,000 1,103,290,000 48.7
Rizal Technological University 455,131,000 265,077,000 190,054,000 58.2
Technological University of the Philippines 882,166,000 475,367,000 406,799,000 53.9
University of the Philippines System 25,005,289,000 12,612,093,000 12,393,196,000 50.4

Source: Department of Budget and Management

 

To the 58 victims on their 58th month

$
0
0

It has been 58 months now since you were mercilessly murdered at Ampatuan town in Maguindanao on November 23, 2009. Thirty two of you were journalists and media workers. I was a journalism freshman then and it made me think if I should still pursue journalism.

After that bloody incident, I was seriously considering shifting my major. Of course, I was afraid that it might happen to me in the future. But I stayed and finished my journalism degree.

It made me ask: Why are journalists getting killed in the Philippines?

I wasn’t able to get the answers inside the four corners of a classroom. I got the answers through reading and discussions with people in the media and human rights advocates. The fear I felt at first became the driving force for me to continue advocating for press freedom and human rights.

We have a different situation compared to Iraq, where journalists are often caught in crossfire. You were killed because of political ambition, the feud between political families fighting over power and control. They maintain the use of private armies to protect their political interests. A paramilitary group of the Ampatuan clan was ordered to massacre you. The country has warlords with active private armies, a clear manifestation of a backward semi-colonial and semi-feudal Philippine society.

You were there to get a story for your respective media organizations. You were just practicing your profession. But you were ruthlessly slain, stripped of your dignity as human beings. Animal slaughter can be considered even more humane compared to what they did to you.

They say we are in a democracy where we enjoy freedom of the press, of speech and of expression. These rights may not be absolute, but that does not mean that the powerful can just shoot us just because they don’t agree with our opinions and views.

Journalists, as well as community leaders and activists, are being incarcerated, abducted and killed just because they are seeking the truth and a better society.

I would like to tell you a story about President Noynoy Aquino, who promised to bring you immediate justice while campaigning for presidency last 2010. In a human rights forum in Belgium during his European tour last week, Noynoy said that not all media killings are related to the job. Would you agree with that? I can certainly say that you probably won’t.

Furthermore, President Aquino has been repeatedly criticizing the media for their negative reporting on his government. In the light of issues of graft and corruption in the bureaucracy under his leadership, the media has the responsibility to bring deliver news and information to the public. As the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) said in its statement, the media are not the President Aquino’s cheering squad.

After your demise, there were many others who were slain.

According to the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), there are actually 29 media killings after Ampatuan Massacre and 25 media killings as of this writing under President Aquino’s administration. Noynoy exceeded his mother President Cory’s record of 21 media killings during her term. Of the 25 journalists killed under Noynoy, one of the most recent was shot inside her home in front of her son.

In addition to that, 145 media killings were documented since the so-called restoration of “democracy” in the country in 1986. But only 14 out of these murders have convictions.

The trial of your case hasn’t significantly progressed as your death is now approaching its fifth year in less than two months. And yet again, the police and court barred the media from covering the proceedings of the trial last September 17 on the grounds that the courtroom was full at that time, and that the first defense witness was a minor, the 17-year-old daughter of former Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan.

Speedy trial is a constitutional guarantee, but the proceedings are snail-paced. Considering the Philippine justice system, the trial might go on for eons.

As a young activist-journalist, it worries me that journalists, even ordinary people, are being killed for their political standpoint and beliefs.

There can be no genuine justice for you, the victims, if the culture of impunity continues to reign and until the government is not sincere in resolving the cases of human rights violations and in putting the perpetrators of these crimes behind bars.

After the protest: Fil-Ams who dared to question Aquino

$
0
0
New York 1

Joelle Lingat of Anakbayan New Jersey unfurling a banner saying “End Impunity, Stop the Killings in the Philippines” during Aquino’s speech at Columbia University. Contributed Photo

Filipino-Americans took the lead in speaking up on human rights violations in the Philippines during Pres. Benigno Aquino III’s speech in a World Leaders Forum at New York’s Columbia University last September 23.

Aquino was answering a question regarding extrajudicial killings in the Philippines when Joelle Lingat, a Fil-Am and member of Anakbayan New Jersey, started to speak out.

In an interview with Pinoy Weekly, Lingat said that she was infuriated with Aquino’s statement that seemed to justify impunity regarding human rights abuses in their home country.

Aquino had just said, “The emphasis is solving the crime correctly, not just producing any suspect…There has to be certainty of punishment when you commit a crime and that is still a work in progress. We can point to several successes in this field. But others, by the sheer number of plaintiffs, it will really take time to go through the processes enshrined in our Constitution and our laws.”

Lingat immediately brought up the case of the 2004 Hacienda Luisita massacre, which has not seen justice for the victims after 10 years. Last July, Lingat, together with a group of Fil-Ams, visited the hacienda still being owned and controlled by Aquino’s family.

“ Now I see the reality of what your family has done. I have been to Hacienda Luisita. I have seen first hand the continuing plight of the farmworkers, the families of the laborers of those who were massacred for wanting to earn more than 9 pesos a day,” she said during the forum.

Aside from Lingat, two other youth leaders—Yves Nibungco and Jenabi Pareja—also spoke up to question Aquino.

“People who are basically political activists in the Philippines, they are just fighting for what they believe in. It’s a slap on the face of the Filipino people for you to stand there and [say] that a killing is a killing. You have to be [careful] when you talk to an international audience. I have family members in the Philippines,” Nibungco told the president.

People who witnessed the event said that instead of responding, Aquino closed his eyes and shook his head.

Lingat unfurled a banner reading “END IMPUNITY!”  and chanted “No Justice! No Peace! Stop the Killings in the Philippines!” before the three Fil-Ams were escorted out of the venue.

Lingat (extreme left) at an exposure trip at Hacienda Luisita last July. PinoyMedia Center

Lingat (extreme left) at an exposure trip at Hacienda Luisita last July. PinoyMedia Center

Positive feedback

While Malacañang criticized the Fil-Ams for their conduct, the youth leaders said that it was the president’s own fault. “Aquino has not been dialoguing with the Filipino community. He mainly focuses on meeting with diplomatic leaders and not the people. I found it disrespectful to me and the people’s interest of which I represent. It is unbecoming of a president,” said Pareja.

“Honestly, he was in the primary position to have a conversation with us. All he had to do was say, ‘Let go of them, I want to hear what they have to say,’ and we could have had a dialogue or even rescheduled to a later time, but he didn’t. I think that’s the main point here: people in power always have the ability to make things happen, the primary question is if they actually will?” Lingat meanwhile said.

Nibungco added, “We wanted to raise the issues of continuing corruption and Aquino’s defense of it through the DAP (Disbursement Acceleration Program), the criminal neglect of Typhoon Haiyan devastated areas and his withholding of donations worth P1.54 Billion, and the continuing culture of impunity and human rights violations under his administration.”

Pareja narrated that after the incident, they got a lot of positive feedback through social media, emails and personal phone calls.

Lingat, meanwhile, said that she does not feel any shame for her actions. On the contrary, she said, “I feel proud and humbled to represent the voices constantly repressed. All of us in that room had the ability to stand up and speak out, yet only three of us did. I know that if I was somewhere else [outside of the U.S.], I would not be walking free right now. I recognize that. And that doesn’t change what I did. If anything, it justifies it even more.”

“There have been endless comments and letters of support being written. I am truly humbled to be surrounded by such love and compassion. I think we need to recognize that people don’t wake up wanting to create ripples, but rather that the conditions presented themselves, and that we [needed to engage the public on certain realities],” she added.

Hacienda Luisita farmers were among those who lauded the actions of the Fil-Am youth activists. In a statement addressed to the Fil-Am youth, Florida Sibayan, chairperson of Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita, said, “We applaud our valiant youth activists who were responsible for the successful and militant exposition on Noynoy Aquino’s sins to the Filipino people. You always have a home in Hacienda Luisita, and in the hearts of the Filipino people.”

While raised in the US, the three Fil-Ams have not forgotten their roots. Through exposure trips to the Philippines, they make an effort to learn about and contribute to the struggle of their countrymen.

“As a Filipino migrant who have to leave the Philippines due to lack of opportunities, I directly see myself as a product of the unjust system in the Philippines perpetuated by Aquino himself,” stated Nibungco.

Lingat meanwhile said, “We all have our stories and as a people connected by [a nation], it is our duty to struggle together.”

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>