Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Palparan bantay-sarado ng gobyerno sa pagdinig sa korte

$
0
0
Muling nagprotesta ang kaanak at mga grupong tagataguyod ng karapatang tao sa harapan ng Malolos Regional Trial Court habang isinasagawa ang pre-trial hearing ni Palparan.Macky Macaspac

Muling nagprotesta ang kaanak at mga grupong tagataguyod ng karapatang tao sa harapan ng Malolos Regional Trial Court habang isinasagawa ang pre-trial hearing ni Palparan. Macky Macaspac

Sa loob at labas ng korte, bantay sarado si dating Hen. Jovito Palparan ng armadong mga puwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation at  Special Weapons And Tactics habang isinasagawa ang pre-trial hearing sa kaso nito sa Malolos Regional Trial Court (RTC). 

Ikinagalit ng mga kaanak ang anila’y labis na pagpoprotekta sa isang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa mga aktibista at paglabag sa karapatang pantao ng maraming sibilyan noong aktibo pa ito sa militar.

Overkill ang seguridad na ibinigay nila kay Palparan. Parang isang diva ang turing ng gobyerno sa isang berdugo,” ani Aya Santos, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos, grupo ng mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o enforced disappearances.

Sa naturang pagdinig sa korte, muling hiniling ni Palparan na mailipat siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame o kustodiya ng militar. Nakasaad sa mosyon ng mga abogado ng retiradong heneral na nanganganib daw ang kanyang buhay sa  Bulacan Provincial Jail dahil sa may mga miyembro daw ng New People’s Army na nakakulong doon.

(Tunghayan: Infographic hinggil sa mga biktima ni Palparan sa iba’t ibang probinsiya)

Mistulang giyera ang compound ng Malolos Regional Trial Court dahil sa dami ng mga bantay ni Jovito Palparan. Macky Macaspac

Mistulang giyera ang compound ng Malolos Regional Trial Court dahil sa dami ng mga bantay ni Jovito Palparan. Macky Macaspac

Ayon kay Edre Olalia, isa sa mga abogado ng mg biktima at pangkalahatang kalihim ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), “halata” na naghahanap ng dahilan si Palparan para malusutan at maiwasan niya ang ordinaryong kalagayan bilang bilanggo sa ordinaryong piitan. 

“Una, sabi niya gusto niya sa NBI, tapos sa PNP Custodial Center, tapos gusto niya sa Army Custodial Center. Ngayon, sa Isafp (Intelligence Service of AFP) naman,” ani Olalia.

Bukod sa mosyon na mailipat, nagsampa rin ang kampo ni Palparan ng mosyon ng pagbasura sa kanyang kaso.  “Matagal nang may desisyon ang Court of Appeals diyan with finality, kaya hindi puwede ang gusto niya,” sabi pa ni Olalia.

Para sa naturang abogado ng mga kaanak ng mga biktima, taktika ng kampo ni Palparan ang mga mosyon para tumagal ang aktuwal na pagdinig sa kaso. 

It’s flimsy and frivoluous,” sabi pa ni Olalia, tungkol sa mga mosyong inihain ng mga abogado ni Palparan.

Kasabay ng pagdinig, sinabayan din ng isang maliit na grupo na pabor sa pagpapalaya ni Palparan ang kilos-protesta ng mga kaanak ng mga biktima ni Palparan. Pero hindi nagpatinag ang grupo ng mga tagapagtaguyod ng karapatan sa anila’y probokasyon ng mga nagpakilalang mga asawa daw ng mga sundalo.

“Nakakalungkot (kami) na may naniniwala pa kay Palparan na isang berdugo,” sabi ni Linda Cadapan, ina ng nawawalang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na si Sherlyn.  Dismayado rin silang dalawa ni Connie Empeno, ina ng kasamahan ni Sherlyn na si Karen, sa tinakbo ng unang pagdinig sa kaso ni Palparan.

Grupong pabor na palayain si Palparan. Macky Macaspac

Grupong pabor na palayain si Palparan. Macky Macaspac

“Hindi na dapat pinakikinggan ‘yang mga mosyon niya. Naghahanap lang siya ng convenience niya,” dagdag ni Cadapan.

“Hindi ko ikinahihiya na aktibista ang anak kong si Karen. Siya ang nagturo sa akin ng katotohanan na kailangan baguhin ang lipunan, Bakit  kaming mga ina ang sinisisisi sa kanilang pagkawala? Dapat sisihin si Palparan,” sabi naman ni Empeno, patungkol sa pasaring ng asawa ni Palparan na kasama sa mga kabilang grupo.

Itinakda ng korte ang susunod na pagdinig sa Lunes, Setyembre 8.


INFOGRAPHIC | Palparan’s Blood Trail

$
0
0

Infographic by Karapatan (Alliance for the Advancement of People’s Rights)
Hover the pointer over the areas in the map to read the names of Palparan’s victims

SPEECHES | Presentation of facts on President Aquino’s impeachment

$
0
0

Here are the speeches of members of the Makabayan bloc who endorsed the impeachment of President Aquino for approving and implementing the Disbursement Acceleration Program (for the first two impeachment complaints) and signing the PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Mga miyembro ng Makabayan bloc na nanguna sa pag-endorso sa tatlong impeachment complaints. Mula kaliwa: Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Terry Ridon, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. <strong>Charlotte Job Despuez</strong>

Mga miyembro ng Makabayan bloc na nanguna sa pag-endorso sa tatlong impeachment complaints. Mula kaliwa: Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Terry Ridon, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. Charlotte Job Despuez


 

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares <strong>Darius Galang</strong>

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares Darius Galang

Mga kasamahan ko sa Kongreso at mga kababayan,

Noong Hulyo 21, inindorso namin ang impeachment complaint nina Renato Reyes, Jr at ng marami pang iba laban kay Pangulong Benigno S. Aquino sa isyu ng Disbursement Acceleration Program.

We are here to present to you that the said complaint is sufficient in substance. We will recite the facts that constitute the impeachable grounds of culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust and determinative of the jurisdiction of this Committee.

Hayaan nyong ilahad ko sa loob ng mga 10 minuto ang ultimate facts na naisaad at dinitalye ng inindorso naming impeachment complaint.

Unahin po natin ang culpable violations of the Constitution:

Ipapakita namin na ang mga pangyayari, acts at practices kaugnay ng DAP ay nangangahulugan ng culpable o sinasadyang paglabag ni Aquino sa Konstitusyon particular ang: Section 25 (5), Artikulo 6; Section 29 (1), Artikulo 6; at Section 17, Article 7 ng 1987 Constitution.

Ang culpable violation ay nangangahulugan ng willful and deliberate violation o sinasadyang paglabag. Kung alam ng pangulong labag sa Saligang batas, pero ginawa niya pa rin, iyon po ay willful ant deliberate violation, kaya culpable o sinasadyang paglabag. Balikan po natin ang deliberasyon ng ConCom kaugnay nito.

MR. DE LOS REYES: Madam President, may I ask one question of Commissioner Davide.

THE PRESIDENT: Commissioner de los Reyes is recognized.

MR. DE LOS REYES: Suppose the President, despite a law that does not grant extension, anyway grants extension to the general, does she commit culpable violation of the Constitution which is a ground for impeachment?

MR. DAVIDE: It relates to officers other than the Chief of Staff under which he may be allowed extension. Then that would be a violation of the Constitution.

MR. DE LOS REYES: Culpable?

MR. DAVIDE: It can be classified as culpable and, therefore, a ground for impeachment.

MR. DE LOS REYES: Thank you.

Sa ilalim ng DAP, inagaw ni Aquino ang bilyun-bilyong pondong aabot sa higit P157 Bilyon mula sa mga programa, aktibidad at proyekto na pinaglaanan ng Kongreso at ng General Appropriations Act. Sa taong 2011, P83.5 B; 2012, P58.7B at 2013, P13.5B. Napagkaitan dahil dito ng benepisyo ang daan-daang libong kawani ng pamahalaan, ang mga pampublikong ospital at paaralan at iba pang mahalagang serbisyo.

Sa ilalim ng DAP, pinagsama-sama ang naturang pondo at inilipat sa ibang pagkakagastusan, lihis o taliwas sa inaprubahan ng Kongreso at ng GAA. Aabot sa P144B ang pondong DAP na ginastos ni Aquino na siya lang ang nagpasya at labag sa pasya ng Kongreso at ng Batas.

Sinadyang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas na nagbabawal ng transfer of appropriations at nagtatadhana ng paggamit ng savings ayon sa itinakda ng batas.

Iniutos ni Aquino sa pamamagitan ng National Budget Circular blg. 541 at iba pang memorandum na iwithdraw ang mga unobligated allotments sa kalagitnaan ng taon at idineklara ito kasama ng unreleased funds bilang savings. Ginamit ang iligal na savings sa ibang proyekto o programa.

Ang susing tanong: savings ba ayon sa batas ang unobligated allotments sa kalagitnaan taon? Ang sagot: Hindi! Hindi savings ang unobligated funds sa kalagitnaan ng taon! Wala sa definition ng savings ang unobligated funds sa GAA nooong 2011, 2012 at 2013.

Ano ba ang unobligated funds? Ito yung pondo para isang proyekto na hindi pa na-bid at nagkaroon ng kontrata o obligasyon. Walang karapatan si Aquino na hugutin ang unobligated funds bago matapos ang taunang badyet.

Hindi maipagkakaila at alam ni Pres. Aquino na ang ginawa niyang savings ay wala sa definition ng batas. Sa katunayan, gustong pagtakpan ni Aquino ang paglabag na ginawa niya sa panukalang idagdag ang unobligated funds as of June 30, 2015 sa definition ng savings sa 2015 proposed national budget.

Mawawalang saysay ang poder ng Kongreso na magpatibay ng taunang batas sa badyet kung tatanggapin ang pinalawig na depinisyon na savings. Bakit? Dahil kalagitnaan ng taon maaari nang baguhin at ilipat-lipat ni Aquino ang appropriations ng mga unobligated funds gamit ang maskara ng savings.

Malinaw na sinasabi sa Saligang Batas “no law shall be pass allowing transfer of appropriations”; ang tanging exception ay ang pag-augment ng items sa respective offices mula sa savings na itinakda ng batas.

Hindi savings ang unobligated funds sa kalagitnaan ng taon, ito ay appropriations na may kalahati pang taon na nalalabi para isakatuparan, bawal itong ilipat ng gamit. Kung bawal sa Konstitusyon na magpasa ng batas sa transfer of appropriation lalung bawal na ang presidente maglabas ng utos sa transfer of appropriations.

Thus we charge Aquino of knowingly, intentionally and deliberately violated Section 25 (5) of the Constitution;

Sadyang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas na nagbabawal ng cross border transfer

Sadyang nilabag ni Aquino ang sinasabi ng Saligang Batas, bawal ang transfer ng appropriation, kung may savings pwede lang itong ipandagdag sa budget item ng respective offices (respective offices!) sa ilalim ng upisina ng Presidente. Hindi pwede, kung gayon, ang cross border augmentation dahil mapapahina nito ang independence ng Kongreso, ng COA at ng iba pang constitutional body.

Inilipat ni Aquino ang mga unobligated at unreleased funds o di umano’y savings para dagdagan ng P250 M ang badyet ng Kongreso. Inilipat din ni Aquino ang mga diumano’y savings para dagdagan ng P143.7 Milyon ang badyet ng COA. Kaya compromised pati ang COA.

Hindi pwedeng magmaang-maangan ang Presidente na hindi niya alam na bawal ang cross border augmentation dahil malinaw na nakatitik ito sa Saligang Batas. Hindi pwedeng labagin ang Saligang Batas ng kahit anumang batas, administrative code, GAA at laluna ng DAP na hindi naman batas.

Sadyang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas nang gumastos ito sa mga PAP na walang appropriation sa ilalim ng GAAs.

Malinaw ang sinasabi ng Section 29, paragraph 1 ng Artikulo 6 ng Konstitusyon, “No money shall be paid out of the Treasury except in pursuance of an appropriation made by law”.

Wala sa budget ang P20B na ibinigay sa Bangko Sentral; ang P8.6B na ARMM peace and development program; ang P6.5 B augmentation of LGU internal revenue; ang P 5.4B landowners’ compensation; ang P 700 Million assistance to Quezon Province; ang P 1.8 B sa CPLA at P700 M sa MNLF at ang P70 M stem cell research.

Mabibigat at seryoso ang paglabag ni Aquino. Nalalaman at sinadya ni Aquino ang paglabag sa pagbabawal sa transfer of appropriation, sa pakahulugan ng savings ayon sa batas, sa cross border augmentation at paggastos na hindi cover ng budget. Sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit na ginawa ni Aquino ang paglabag na bilyun-bilyong pondo ang sangkot.

These facts are more than enough to pass the test of sufficiency in substance and asked Aquino to answer the impeachment complaint.

Sa yugtong ito, nais kong talakayin ng maiksi ang ikalawang grounds, ang betrayal of public trust.

Inaakusahan namin si Aquino na pinagtaksilan ang tiwala ng publiko sa isyu ng DAP.

Ipinipilit ni Presidente Aquino na tama ang DAP, “Tama ang intensyon, tama ang implementasyon, tama ang resulta.”

Kabaliktaran po ang totoo. Mali ang intensyon ni Aquino. Nilayon ni Aquino na agawin sa pamamagitan ng DAP ang daan-daang bilyong pondo para lang gawing higanteng pork barrel niya at ipamahagi ito sa pinapaburan niyang pulitiko at upisyal.

Mali rin ang implementasyon. Inagaw ni Aquino ang kapangyarihan ng Kongreso at lansankang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas, ang General Appropriations Acts at iba pang batas.

At lalong mali ang resulta. Naging pork barrel ni Aquino ang P144 Bilyong pondong DAP at ginamit sa mga proyektong kwestyunable o hindi naman nagpasigla ng ekonomya o nakatulong sa mahihirap. Bilyun-bilyon ang napunta sa pangungurap at dagdag na pork barrel ng Kongreso. May sinasabi pang P450 milyon na nauwi sa mga pekeng NGOs ni Janet Napoles.

Sa pamamagitan ng DAP, pinasahol pa ni Aquino ang korap na sistemang pork barrel sa bansa, salungat sa pangako niya “daang matuwid.”

Pinagtaksilan ni Aquino, kung gayon, ang tiwala ng publiko nang:

Pinalawig at pinalubha ni Aquino ang padrino at korap na sistema ng pork barrel. Nilikha niya ang higit na malaking pork barrel na kontrolado na pangulo.

Iligal na inagaw ang pondo sa pinaglalaanan ng batas at ibinaling ang P144B sa kanyang pet projects at pinapaburang mga upisyal at pulitiko. Dinagdagan ni Aquino ang PDAF o pork barrel ng mga mambabatas at mga lokal na upisyal sa ilalim ng “Various Local Projects” na umabot sa P17.3 B.

Inabuso ni Aquino ang kanyang poder nang agawin niya ang kapangyarihan ng Kongreso sa paggawa ng badyet.

Inagaw ni Aquino ang poder ng Kongreso sa utos niyang bawiin ang mga unobligated allotments, iligal na mag-ipon ng saving na aabot sa P157 Bilyon at ibaling ang pondong P144 Bilyon sa ibang pagkakagastusan na hindi ipinasya ng Kongreso.

Nilabag ni Aquino ang kanyang sinumpaang tungkulin na matapat at masusing ipagtanggol ang Konstitusyon, ipatupad ang mga batas at bigyang ng hustisya ang bawat tao.

Nilabag ni Aquino ang tatlong nabanggit na prubisyon ng Saligang Batas, ang General Appropriations Act ng 2011, 2012 at 2013, ang batas laban sa technical malversation at iba pang batas.

Isinagawa ni Aquino ang 116 ulit na teknikal na pagwaldas ng napakalaking pondong publiko, P144 Bilyon, labag sa anti-graft and corrupt practices act.

Hindi maliit na halaga, hindi libu-libo o milyun-milyon, bilyun-bilyon ang technical malversation ni Aquino at hindi ito ginawa minsan o makalawa kundi 116 ulit.

Tinangka ni Aquino na ikorap ang mga halal na upisyal sa pag-apruba at paglabas ng mga dagdag na pondo para sa pork barrel ng mga senator judges sa panahon at matapos ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ang mga ibinulgar ni Atty. Roy, Senador Estrada at Revilla ay nagpapakita sa tangka ni Aquino at mga tauhan niya na ikorap ang mga senator judges.

Thus, we charge President Aquino of betraying public on the five aforementioned causes of actions of the impeachment complaint.

Mga kasama, pagtibayin na natin na may sufficiency in substance ang impeachment complaint para magbigyan natin ng pagkakataon si President na sagutin ang reklamo at ipaliwanag kung saan niya hinugot at saan niya dinala ang bilyun-bilyong pondo ng taumbayan.


On the second impeachment complaint:

Kabataan Rep. Terry Ridon

Kabataan Rep. Terry Ridon <strong>Pher Pasion</strong>

Kabataan Rep. Terry Ridon Pher Pasion

Sa mga kasapi ng Committee on Justice, sa ating mga kasamahan sa Kamara, at sa sambayanang Pilipino, magandang araw.

Nahaharap ngayon ang ating Pangulo hindi sa isang simpleng kaso o kontrobersya lamang. Kinakaharap ni Pangulong Aquino ngayon ang mabibigat na sakdal ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, at graft and corruption, mga paglabag na pinapatawan ng parusang pagkakatanggal sa posisyon sa ilalim ng ating Saligang Batas. Ang tatlong nabanggit na paglabag ng Pangulo ay bunsod ng kanyang paglikha at pagpapatupad sa Disbursement Acceleration Program o DAP, na idineklara ng Korte Suprema bilang labag sa Konstitusyon nito lamang nakaraang buwan.

Humaharap ako sa inyo ngayon upang ilatag ang substance – ang diwa, esensya at halaga ng impeachment complaint na ito na inihain ng mga lider-kabataan at estudyante.

There are three salient points to explain:

FIRST: The president has committed culpable violation of the Constitution.

Inihayag ng impeachment complaint na ito sa Paragraphs 7 to 10 ang masalimuot na pinagmulan at kasaysayan ng DAP. It explains in detail how on October 12, 2011, Secretary Florencio Abad first sought the approval of the President in implementing DAP. The impeachment complaint clearly cites the various memoranda approved and signed by no less than the president himself to pool public funds without any legal basis.

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng DAP, sadya at paulit-ulit na nilabag at binalewala ng Pangulo ang mga probisyon ng Saligang Batas, partikular na ang Section 25, paragraph 5, Article VI ng 1987 Constitution. Naglipat-lipat siya ng pondo mula sa isang sangay ng gobyerno tungo sa ibang sangay, gayong alam naman niyang ipinagbabawal ito. The president used the DAP mechanism to transfer some Php143.7 million to the Commission on Audit, and Php250 million to the House of Representatives.

Sadya ring inikot-ikot ng Pangulo at ng kanyang gabinete ang proseso ng pagtatamo at paggamit ng savings sa ilalim ng DAP. Ang pondong inilaan na ng Kamara para sa isang partikular na proyekto, kukunin ng Palasyo at ilalagay sa DAP. Higit pa rito, inililipat ang mga tinurang savings sa mga proyektong wala naman sa batas ng pambansang badyet. Tingnan po natin ang nabanggit sa Paragraph 34 ng impeachment complaint, ang Php1.6 bilyong pondo para sa DOST Disaster Risk, Exposure, Assessment and Mitigation o DREAM Project. Wala po ito sa budget ng taong 2011.

Korte Suprema na po ang nagsabi: labag sa Konstitusyon ang DAP at iligal ang marami sa mga aktong ginawa ng Pangulo sa ilalim nito. Ngunit hindi nakinig ang Pangulo. Sa halip, kinastigo niya ang Korte Suprema at ipinilit ang sa kanya’y tama.

On July 14, 2014, the President arrogantly and brazenly announced his defiance of the Supreme Court’s ruling on DAP. While millions of Filipinos watched, he issued thinly-veiled threats to the Judiciary, a move interpreted by many as a declaration of war against the High Court. The president, in his hubris and grandstanding, set aside the constitutional role of the SC as ultimate arbiter and interpreter of the Constitution. Sa madaling salita, nagsimula siyang mag-asal diktador.

Let me proceed to the SECOND point: The president betrayed the public trust.

Bagaman sinumpaang tungkulin ng Pangulo na sundin at pangalagaan ang Konstitusyon, pinili pa rin niyang suwayin hindi lamang ang mga probisyon nito, kundi pati ang mga batas na nakaangkla dito, kabilang na ang General Appropriations Act. Sa paglagda ng Pangulo sa mga memorandum hinggil sa DAP, inagaw niya ang power of the purse ng Kongreso. Sa pag-apruba sa mga proyekto sa ilalim ng DAP, nagpamalas siya ng tyrannical abuse of power at gross exercise of discretionary powers. Pinagkatiwalaan siya ng sambayanang Pilipino na tupdin ang kanyang sinumpaang tungkulin, ngunit malinaw ang kanyang pagtataksil sa pamamagitan ng DAP.

THIRD: The president committed graft and corruption.

Nabanggit sa impeachment complaint na ito ang pagsiwalat ni Senador Jinggoy Estrada sa tangkang panunuhol ni Pangulong Aquino sa mga senador ng tig-limampung milyong piso gamit ang DAP upang masiguro ang boto nila sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona. Put simply, President Aquino attempted to corrupt public officials, an act punishable under Article 212, in relation to the second paragraph of Article 210, of the Revised Penal Code.

Hindi naman po nakapagtatakang umabot sa puntong tinangka ng Pangulong manuhol ng mga Senador – gayon na lamang ang panggigigil niyang matanggal sa pwesto si Corona noon, lalo pa’t sa ilalim ng termino ng natanggal na Punong Mahistrado ay nagdesisyon ang Korte Suprema na ipamahagi ang lupain ng pamilya Cojuangco-Aquino, ang Hacienda Luisita.

Bukod sa attempted corruption of public officials, nabanggit din sa Paragraph 59 to 60 ng impeachment complaint ang salang technical malversation o maling paggamit ng pondo ng Pangulo. By “realigning” at least One Hundred Forty Four point Four Billion Pesos (Php144.4B) in funds to at least one hundred and sixteen (116) programs, activities, and projects under the DAP, the President has committed no less than one hundred and sixteen (116) counts of technical malversation.

Hindi biro ang kasong ito. Sa dami ng ulit na ginamit ng Pangulo ang pondo ng bayan para sa mga proyektong hindi naman bahagi ng taunang badyet, papatak sa halos animnapung (60) taong pagkakakulong ang maaari niyang kaharapin. Kung sapat ang sakdal na ito upang makulong siya nang halos habambuhay, lalong sapat ito upang siya ay matanggal sa puwesto.

Mr. Chairman, dear colleagues, laging sinasabing ang impeachment ay isang pulitikal na proseso. Ngunit hindi ito absolutong tama. We must point out that the impeachment process is not purely political – for it follows and conforms to certain judicial principles that shape due process. And we must follow such principles and due process.

Pangunahin na dito ang jurisprudence ng Kamara hinggil sa pagdetermina ng sufficiency in substance. Just as what this chamber has adopted during the impeachment proceeding of Ombudsman Merceditas Gutierrez, the requirement of sufficiency in substance is met if there is a recital of facts constituting the offense charged and determinative of the jurisdiction of the committee. Let us apply these simple and succinct tests on substance now, and declare this complaint sufficient.

Ngayong araw, muling susulat ng kasaysayan ang komiteng ito. Ngunit sana’y isulat ito nang may dahan. Sana’y isulat ito nang may karangalan. Sana’y isulat ito ng may katarungan.

Inasmuch as we cannot have a country run by a thief, we likewise cannot have a country run by a fiscal dictator. If we are to continue the exaction of accountability from high government officials, as we had done so in the recent incarceration of the three senators, we must thus persevere on, even if it comes knocking on the doorsteps of Malacanang.

We submit, Mr Chairman, dear colleagues.


On the third impeachment complaint:

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. <strong>PW File Photo</strong>

Inaakusahan ng taumbayan si Presidente Benigno Aquino III ng sadyang paglabag sa Saligang Batas o culpable violation of the Constitution nang pinasok niya ang kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang kasunduang magbabalik sa mga base militar sa Estados Unidos sa ating bansa.

Una, sa kabila ng malinaw na tinatakda ng Konstitusyon, sa pamamagitan ng EDCA, ipinamigay ni Pangulong Aquino sa pwersang militar ng US ang soberanya o kapangyarihan sa sarili nating lupain, kinompromiso agn integridad ng ating teritoryo, at isinuko ang pag-iral ng batas ng Pilipinas at kapangyarihan ng mga korteng Pilipino.

Iniaatas ng Artikulo II, Seksyon 7, ng Konstitusyon:

Dapat sundin ng Estado ang isang malayang patakarang panlabas.

“Sa mga pakikipag-ugnay nito sa ibang mga estado, dapat unang-unang isaalang-alang ang ganap na kapangyarihang pambansa, integridad na teritoryal, kapakanang pambansa, at ang karapatan sa sariling pagpapasya.”

Subalit sa Article III.2 ng EDCA, isinuko ni Presidente Aquino sa dayuhang militar ng US ang karapatang manatili sa alinmang lugar sa Pilipinas. Alinmang lugar, saan man sa Pilipinas. Kahit pa ang lupa o lugar ay pag-aari ng gubyernong pambansa o lokal o pribadong pagmamay-ari, obligado ang gubyernong ipagamit ito sa mga Amerikano basta’t hilingin nila ito kung gaano man katagal nila naisin. Kung gusto nilang maghimpil ng platoon sa parking lot ng Batasan, ibibigay ito ng gubyerno. Kung gusto nilang magparada ng tanke sa bakuran ng aking tahanan, titiyakin ng aking gubyerno na mangyari ito. Ganyan katindi ang isinukong kapangyarihan ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng EDCA.

Sa pamamagitan ng mga “Agreed Locations,” (Article II.2, Article II.4 ng EDCA) binigyan ni Pangulong Aquino ang mga tropang militar ng Amerika, pati na ang mga kontratista ng US ng layang maka-access at makagamit ng mga pasilidad at lugar saanman sa Pilipinas kasama na ang mga daan, paliparan, at pantalan. Wala ring limitasyon kung ilang tropang militar ng Amerikano ang pwedeng pumasok at gumamit sa mga “Agreed Locations” na ito. Unlimited bases and facilities, unlimited number of troops and weaponry, unlimited military activities, for an unlimited duration. Yan ang EDCA.

Sa Artikulo II, Seksyon 3 ng Konstitusyon, nakasaad:

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado. Ang layunin nito ay seguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang teritoryo.

Subalit, sa bisa ng EDCA, ang mga pwersang militar ng Amerika, hindi ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ang siyang may kontrol sa awtoridad kung ano ang kanilang gagawin, ano ang kanilang itatayong pasilidad, gaano katagal silang mananatili at kung ano ang kanilang ilalagak na mga kagamitang pandigma.

Sa Artikulo VIII, Seksyon 1, ng Konstitusyon, nasasaad:

Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukkuman at sa mga nakakababang hukuman na maaaring itatag ng batas.

Sa pamamagitan ng Article XI ng EDCA, tinanggal ni Pang. Aquino ang kapangyarihan ng ating mga kortena dinigin at hatulan ang anumang kaso o dispute—kriminal man, sibil, o administratibo, kaugnay ng EDCA. Dahil sa kasunduang ito, kung magkaroon ng mga pagpapaslang, panggagahasa, o anumang krimen o paglabag sa batas ng mga pwersa ng Amerika, hindi man lang mahahawakan ng ating mga awtoridad ang mga nagkasala at hindi makadudulog sa sarili nating korte ang mga mamamayang Pilipino para sa hustisya.

Pangalawa. Sa pamamagitan ng EDCA, tahasang nilabag din ni Pang. Aquino ang probisyon ng Konstitusyon na nagbabawal sa mga dayuhang base militar, nagtatakwil sa giyera at nagbabawal sa sandatang nukleyar.

Itinatadhana ng Artikulo XVIII, Seksyon 25 ng Konstitusyon na hindi maaaring magkaroon ng mga dayuhang base militar, mga tropa o mga pasilidad maliban kung ito ay sa ilalim ng isang tratadong sinang-ayunan ng Senado at pinahintulutan ng mga mamamayan sa isang plebisito, kung hingin ng Kongreso.

Niloloko ni Pang. Aquino ang sambayanang Pilipino. Bagong military bases agreement ang EDCA, kahit ilang beses man ito itanggi ng Malakanyang. Agreed Locations lang daw, hindi military bases, sabi ni Presidente.

Ngunit ayon sa batas ng Estados Unidos, ang tanging kondisyon upang maituring na base militar ang isang lubar o pasilidad ay kung nasa kamay ng isang US military commander ang “operational control” ng lugar o pasilidad na ito. Yan mismo ang ibinibigay ni Pang. Aquino sa Article II.4 at Article VII.3 ng EDCA.

Sa madaling sabi, anuman ang itawag ni Presidente Aquino sa mga lugar na binibigay ng EDCA sa mga Amerikano, base military ang mga ito.

Dagdag pa, napakalinaw sa Article III ng EDCA na ang itinakdang gamit ng “Agreed Locations” ng EDCA ay mismong mga gawain sa isang base militar tulad ng pagkakaroon ng mga kabahayan at barracks para sa mga tropang militar, pagkakaroon ng mga imbakan ng mga armas, arsenal at mga silos; mga bantay-saradong mga gusali para sa mga “prepositioned supplies” at “war materiel”, mga pasilidad para sa refueling, bunkering at pagpapagawa ng mga barko, eroplano at iba pang kagamitang pandigma; pagkakaroon ng sariling perimeter wall para hadlangan ang mga hindi awtorisadong pagpasok; sariling telecommunications systems and communications center; at higit sa lahat, bilang lunsaran ng mga tropa at kagamitan para sa mga operasyong military, kasama na ang digmaan.

Kung kaya malinaw na nilalabag din ni Pangulong Aquino ang probisyon sa ating Saligang Batas na nagtatakwil sa digmaan bilang isang pambansang polisiya (Artikulo II, Seksyon 2) dahil maaaring gamitin ng US ang mga Agreed Locations bilang lunsaran ng mga gera nito laban sa kanyang mga kaaway.

Nilalabag din ni Pang. Aquino ang Article II, Seksyon 8 ng Konstitusyon na nagbabawal sa armas nukleyar. Walang probisyon sa EDCA na nagbabawal na ipasok sa ating bansa ang sandatang nukleyar; ipinagbabaqwal lamang nito ang prepositioning ng nuclear materiel.

Pangatlo. Nilabag ni Pangulong Aquino ang Konstitusyon nang hindi niya isinumite ang EDCA, na isang military bases agreement, sa Senado para sa ratipikasyon bilang tratado, at sa Kongreso upang pagpasyahan nito kung kailangan pa ang pag-sang-ayon ng mamamayan sa pamamagitan ng plebisito. Yan ang hinihingi ng Artikulo XVIII, Seksyon 25 ng Konstitusyon.

Pinakamasahol, tagibang, di-pantay ang kasunduang EDCA sa kasaysayan ng relasyon ng Pilipinas at US mula 1946. Isinuko ni Pangulong Aquino ang kapangyarihan ng mamamayang Pilipino sa sarili nating lupain at ang pag-iral ng ating batas sa sarili nating bansa. Tahasan at sadyang nilabag niya ang Konstitusyon. Dapat siyang ma-impeach.


Gabriela Rep. Emmi de Jesus

 

Gabriela Rep. Emmi de Jesus <strong>Pher Pasion</strong>

Gabriela Rep. Emmi de Jesus Pher Pasion

President AQUINO committed BETRAYAL OF PUBLIC TRUST, when he entered into the EDCA which is prejudicial to the national interest and grossly lopsided in favor of the United States of America.

 Ang EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) ay isang nakasulat na ebidensya ng pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Dahil dito, mariin ang aming paninindigan na kailangang ma-impeach ang ating Pangulo.

Sa ilalim ng EDCA ang ganito ay maaaring magisnan: US Forces ang eksklusibong gumagamit at nagpapatakbo ng malaking parte ng Kampo Crame, Kampo Aguinaldo at ng kung ano pa mang kampo militar na alam ninyo. Mga Amerkano rin ang nagpapatakbo ng Ninoy Aquino International Airport, ng Mactan International Airport at bahagi ng kung ano pa mang airport sa bansa; maaring pati ng Luneta, ng Quezon City Memorial Circle, ng parke sa Davao; ng pantalan sa Batanes, sa Romblon at sa Jolo, pati na ng subdibisyon o komunidad na inuuwian ninyo. Sa isang kumpas ng Secretary ng National Defense, kahit anong lugar sa Pilipinas ay maaaring maipaloob sa Agreed Locations na mapapasailalim sa kontrol at operasyon ng US Forces. At isa pa lamang ito sa nakakatakot na maaaring mangyari sa ilalim ng EDCA.

Upang lubos na maunawaan at makasiguro na ang nabanggit ay hindi kathang isip o produkto lamang ng pag-iisip ng mga kilalang kritiko ng Pangulo, hinihikayat ko ang aking mga kababayan na kung hindi pa ninyo nababasa ang sampung pahinang kasunduang EDCA, basahin po ninyo ito. Nang sa ganun, kayo na rin po mismo ang makapaghuhusga na ito ay tuwirang pagtalikod ng pangulo sa kanyang sinumpaan. Nakasisiguro ako na kagaya ko at sampu ng aking mga kasamahan sa Gabriela Women’s Party sa ilalim ng Makabayan block dito sa Kongreso, halong pagkadismaya at galit ang inyong mararamdaman.

Galit dahil sa malinaw na mga probisyong pagtataksil sa pambansang interes, pambansang kasarinlang, kapayapaan, at seguridad. At labis na pagkadismaya:halos hindi inabot ng aking pag-iisip na darating pa pala ang panahong ito – na may isang pangulong masisikmura ang ganitong klaseng kasunduan.

Sa pamamagitan ng EDCA, gagawing malaking base militar ang ating bansa at lunsaran ng pakikidigma – na rent-free at tax-free pa.

Ang EDCA ay isang kasunduang walang kapakinabangan ang Pilipinas. Bagkus, malinaw na ito ay maglilingkod sa Amerika na nagtutulak ng kanyang imperyalistang interes sa ilalim ng programang  Asia Pivot na idineklara nito.

May malalaking investments at utang ang Amerika sa China kaya kahit kailan ay hindi ito nagsabi na makikipag-giyera ito para sa Pilipinas laban sa China. Katunayan, sa isang pahayag mismo ng Pang Obama noong April 29, ‘We are not here to counter China.’

Kaya walang pasubaling inindorso ng inyong lingkod ang reklamong ito. Malinaw at simple lamang ang alegasyon ng mga nagrireklamo – ang pagpasok ni Pangulong Aquino sa kasunduang EDCA ay isang malinaw na pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust, ground para ma-impeach o matanggal sa pwesto si Pangulong Aquino.

Sa Article VII ng EDCA isinuko rin ng ating gobyerno ang kapangyarihang magpataw ng buwis sa US Forces sa kanilang paggamit ng ating public utilities gaya ng tubig, kuryente, radio spectrum atbp.

Walang renta, walang buwis, walang bayad  sa paggamit ng ating pampublikong utilidad.

Paanong hindi matatawag na pagtataksil sa tiwala ng bayan ang mga nabanggit?

Paanong matatawag na naaayon sa pambansang interest ang hayaan na ang US Forces at mga contractors nito ang magpasasa sa paggamit ng mga nasabing lugar at utilidad?

At paano naging katanggap-tanggap sa Pangulo ang kasunduang ito?

Nauunawaan po ba kaya ng Pangulo kung ano ang posibleng mangyari nang dahil sa EDCA?

Magiging isang kabalintunaan ang kanyang sinumpaan noong Hunyo 30, 2010,  na “tutuparin ng buong katapatan at sigasig” ang kanyang mga tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas. May katapatan at sigasig ba sa paggampan ng tungkulin bilang Pangulo ang pagpapahintulot sa isang kasunduang magsisilbing written consent para okupahan ng dayuhan ang mga teritoryong ating nasasakupan?

Nakakatakot isipin na sa mga susunod na mga taon, kahit wala na sa pwesto si Pangulong Aquino, tayong mga Pilipino at ang bayan ay patuloy na manganganib at mangangamba ng dahil sa EDCA. Sa katunayan ay isang magneto sa gera ang magkaroon ng kasunduang ganito sa U.S. dahil sa dami ng mga kaaway nito sa mundo. Dapat na tayong matuto sa kasaysayan kung saan ang mga pwersang Amerikano ay nagamit ang ating kalupaan, karagatan at kalawakan sa pagpasok nito sa mga gera.

Halos walang katapusan ang EDCA dahil pagkatapos ng sampung taong bisa nito, may automatic renewal ring nakasaad dito.Kung nagawa ng Pangulo na itago ang nilalaman ng EDCA at inilabas lamang ito nang dumating ang boss nitong si Obama, kami ay umaasa na sa pamamagitan ng impeachment proceedings na ito, malalantad sa publiko ang EDCA. Kung gayon, dapat lamang na ang Konggresong ito ang hindi kasabwat sa isang tunguhing maglalagay sa mamamayan sa panganib.

Sa panghuli, nais kong ibahagi sa inyo ang paghahambing na ito: Ang EDCA ay mas malala pa sa pagkakaroon sa sariling tahanan na may  dayuhang bisitang hindi nagbabayad ng renta; mga dayuhang hindi alam kung kailan lilisan; hindi alam kung anong mapaminsalang kagamitan ang tangan; hindi nagpapaawat sa paghahanap ng gigyerahing kalaban; walang alam kundi sariling kapakanan; walang bigay na tulong na walang kapalit na pag-uusapan. Kagaya nyo ako ay mamumuhi sa kung sinumang nagpahintulot nito sa aming tahanan; sa pagsasawalang-bahala sa aming kagalingan at pagtataksil sa aming kanyang pamilyang naturingan. At kagaya nyo rin, kami ay magagalit, kami sa impeachment ay maninindigan!

Maraming salamat po.

 

Gaza Siege

$
0
0

“the dead will they
speak to the silences swallowed
with bulldozed earth”
- The Gift of Memory, Suheir Hammad

*    *    *

Ang unang lapit ko sa sitwasyon ng Gaza ay mula sa mga libreng magasin na ipinapadala sa akin ng isang demoninasyong Kristiyano sa US.

Bukod sa mga paliwanag at pagbanggit sa Bible verses, naglalaman din ang mga magasin ng scanned photos ng news clippings.

*    *    *

Madalas nilang isama ang larawan ng noon ay Israeli prime minister Yitzhak Rabin at Palestinian leader Yasser Arafat na kinakamayan ang isa’t isa.

Sa gitna nina Rabin at Arafat si dating US president Bill Clinton. Ang okasyon: pirmahan ng Oslo I peace accords, sa pagitan ng rehimeng Israel at ng Palestine Liberation Organization (PLO), noong 1993.

Si Uncle Sam na naman ang nagbalik ng kaayusan sa isang bahagi ng mundo.

*    *    *

“I come bearing an olive branch in one hand, and the freedom fighter’s gun in the other. Do not let the olive branch fall from my hand.”
- Yasser Arafat

*    *    *

Matapos ang dalawang taon, iniligpit (in-assassinate) si Rabin. Noong 2004, namayapa si Arafat. Napakaraming haka sa dahilan ng kanyang pagkamatay, kasama na ang pagkalason.

*    *    *

“To our land, and it is a prize of war,
the freedom to die from longing and burning”
- To Our Land, Mahmoud Darwish (salin ni Fady Joudah)

*    *    *

Huminto ang pagdating ng mga libreng babasahin galing sa US. Pero muli kong natagpuan ang PLO sa mga halimbawa ng nagsusulong ng armadong pakikibaka sa mundo, kasama ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa katunayan, nagbigay ng parangal si Gregorio “Ka Roger” Rosal, spokesperson ng Communist Party of the Philippines, kay Arafat at maging kay Hashim Salamat na siyang nagtatag ng MILF.

*    *    *

Paano haharapin ang Hamas? Wala ito sa listahan ng mga grupong nagsusulong ng armadong pakikibaka. Hindi gaya ng Fatah (dating Palestine National Liberation Movement).

Ito ang madalas ipanakot sa mga nakikiisa sa panawagan para itigil na ang pambobomba sa Gaza: na teroristang organisasyon ang Hamas, kaya dapat silang tirisin.

*    *    *

“Children children children children of Gaza
Streets, markets, houses are full of children
Gaza is a giant by the shades of children fighting with foes
Children sing a song in the arms of death”
- Gaza, Metín Cengíz (salin ni Volkan Hac?o?lu)

*    *    *

Ginagawa lang daw human shield ang mga bata. Mga larawan ng mga patay na bata ang ipinakakalat ng Hamas, para maawa tayong lahat. Para sila ang kampihan natin.

*    *    *

Sa isang episode ng TV series na Tyrant, pinagbabaril ang mga binatilyong nakaisip na i-hostage ang manugang na babae ng presidente ng rehimeng Abbudin.

Mabuti na raw iyon, sabi ng army general. Kung papalayain ang mga binatilyo, lalaki lang silang mga terorista at baka ang mga lider pa ng rehimen ang mapatay.

*    *    *

“The difference between the revolutionary and the terrorist lies in the reason for which each fights. For whoever stands by a just cause and fights for the freedom and liberation of his land from the invaders, the settlers and the colonialists cannot possibly be called terrorist, otherwise the American people in their struggle for liberation from the British colonialists would have been terrorists; the European resistance against the Nazis would be terrorism, the struggle of the Asian, African and Latin American peoples would also be terrorism, and many of you who are in this Assembly hall were considered terrorists.”
- Yasser Arafat, talumpati sa 1974 UN General Assembly

*    *    *

Noong nakaraang buwan, sumakay sa mga subway train sa New York City ang grupong Librarians and Archivists with Palestine. Nagpamigay sila ng mga bookmark at bumigkas ng mga tulang Palestino para ipanawagan ang agarang pagtigil pagsalakay sa Gaza Strip.

*    *    *

Sa mga panahong nagagawa nating tulaan ang mga bituin, ang mga bulaklak; maging ang mga kaldero at ang naunsiyami nating pag-ibig, sigurado kong may lugar sa puso natin para mag-alay ng tula sa mga biktima ng patuloy na pagbomba ng Israel sa Gaza; isang dasal ng pakikiramay at pakikiisa.

‘Mga kongresistang nagbasura sa impeachment ni Aquino, tumanggap ng pondo mula DAP’

$
0
0
Mga kongresista ng mayorya na bumoto para ibasura ang reklamong impeachment laban kay Pangulong Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagtayo ng mga kongresista ng mayorya para bumoto sa pagbasura ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Aquino. Pher Pasion

Marami sa mga kongresistang kaalyado ng Palasyo na bumoto pabor sa pagbasura sa impeachment complaint ay nagbenepisyo sa mismong Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ang isiniwalat ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan),  isang araw matapos ideklarang “insufficient in substance” ng House Committee on Justice ang dalawang reklamong impeachment laban sa Pangulo sa pagpapatupad ng ilegal na DAP at isang reklamong impeachment sa paglagda sa kinukuwestiyong kasunduang militar ng US at Pilipinas na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

DAP ang lump-sum funds ng Pangulo na di-bababa sa P144-Bilyon na nagmula sa “natipid” na pondo ng iba’t ibang ahensiya’t tanggapan ng gobyerno.

“Nahihibang ang Malakanyang kung palagay nito na hustisya ang nakamit. Marami sa mga bumoto para patayin ang impeachment ay siya ring tumanggap ng (pondo mula sa) DAP noong nakaraan. Kasama rito sina (Neptali) Gonzales, (Miro) Quimbo, (Giorgidi) Aggabao, (Elpidio) Barzaga, (Reynaldo) Umali, at (Ben) Evardone,” sabi ni Reyes.

Pati si Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., tagapangulo ng House Committee on Justice, ay nakatanggap din umano ng pondo mula sa DAP. “Ganyan kabulok ang sistema,” dagdag ni Reyes.

Sa naturang pagdinig ng komite, inihayag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nakatanggap nga si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ng pondo mula sa DAP.

Ayon sa Bayan, batay sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism, kasama (pero di kumpleto ang listahan) sa mga kongresistang tumanggap mula sa DAP na nasa komiteng nagbasura sa impeachment:

Neptali Gonzales II, Liberal Party: P203-M
Giorgidi Aggabao, Nationalist People’s Coalition: P88.7-M
Ben Evardone, NUP/Liberal: P62.7-M
Rodolfo Farinas, Nacionalista Party: P46.8-M
Reynaldo Umali, Liberal Party: P15-M
Neil Tupaz Jr., Liberal Party: P12.5-M
Miro Quimbo, Liberal Party: P10-M

Sa naturang pagdinig ng Committee on Justice noong Setyembre 2, pinatutsadahan ni Evardone ang isa sa endorsers ng impeachment complaint na si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nakatanggap umano ng pondo mula sa DAP. Galit na sinagot ito ni Colmenares, na nagsabing wala siyang natanggap mula sa DAP. May isang proyektong inindorso niya na pinondohan umano ng Department of Budget and Management (DBM) na di niya alam na nagmula pala sa DAP.

Ang mahalaga, ani Colmenares, nang malaman niyang nagmula pala sa DAP ay mariin niya itong kinondena at inatras ang pag-endorso sa proyekto.

Mga kinatawan mula sa Makabayan bloc: Nadaig sa botohan ang impeachment, pero di pa tapos ang pagpapanagot kay Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Mga kinatawan mula sa Makabayan bloc: Nadaig sa botohan ang impeachment, pero di pa tapos ang pagpapanagot kay Aquino. Mula kaliwa: Kabataan Rep. Terry Ridon, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Neri Colmenares, at Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan. Wala sa larawan si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Pher Pasion

‘Double standard’

“Terible ang ginawa nila. Hindi ini-expect ng taumbayan na ganito kabilis nila ibasura ang impeachment complaint. Lalo na gustong gusto ng taumbayan na pumunta sa second stage at dapat mapasagot man lang si President Aquino. maipagpaliwanag siya, ‘saan ba talaga nanggaling yung DAP?’,” sabi ni Colmenares, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Sinabi ni Colmenares na malinaw na may “kumpas ng Malakanyang” ang pagbasura ng 54 kongresista.

(Basahin ang mga talumpati ng apat na kongresista ng Makabayan sa pagprisinta nila ng mga datos sa pagsasakdal sa Pangulo.)

“Talagang sa kanila, desidido na silang ibasura ito. Lalo pa, parang ang simple ng isyu rito, sufficiency ba ito ng substance,” sabi pa ni Colmenares. Sinabi pa niyang ang kailangan lang dapat sagutin ng komite sa antas na iyun ay kung may recital of facts lang. Sa susunod na atas pa mapagdedesisyunan kung may bigat ang mga paratang.

Sinabi naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na nakikita mismo nila na “nagkukumpul-kumpol” ang mga kongresista ng mayorya para diskartehan ang pagbabasura sa impeachment.

“Iba ang mga istandard na ginamit noong (impeachment kay dating Ombudsman) Merceditas Gutierrez. Ngayong si Aquino na ang ini-impeach, mahigpit sila. Hindi pareho ang standards. Kung kaaway (ng administrasyon), mabilis. Kung hindi kaaway at si Aquino, poprotektahan nila,” ani Ilagan.

Galit ng complainants

Piket ng mga complainant sa harap ng Batasan Pambansa habang nagaganap ang pagdinig ng House Committee on Justice. <strong>Pher Pasion</strong>

Piket ng mga complainant sa harap ng Batasan Pambansa habang nagaganap ang pagdinig ng House Committee on Justice. Pher Pasion

Samantala, galit na nagprotesta ang mga lumagdang complainant sa pagbasura ng naturang komite sa impeachment ni Aquino.

“Iyung dapat na diskusyon lang hinggil sa pagiging supisyente sa porma at sustansiya (sa pagdinig sa House Committee on Justice) ay naging pista ng papuri para sa Pork Barrel King. Kasuklam-suklam ang eksena ng mga kasabwat (ni Aquino) sa korupsiyon at patronage na humaharang sa paghahanap natin ng katotohanan at pananagutan,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Kasama si Labog sa mga complainant sa tatlong impeachment complaints na inihain sa Committee on Justice.

“Sa halip na desisyunan nang maayos ang pagiging supisyente sa sustansiya (substance) ng mga reklamo, napuno ang pagdinig ng Komite kahapon ng mga walang-kuwentang pahayag at himod-pundilyo mula sa bayarang mga tauhan at tagapagtanggol,” sabi ni Charlotte Velasco, tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS).

Mga kapwa complainant ni Velasco para sa ikalawang reklamong impeachment ang sumigaw ng “shame on you” (“mahiya kayo”) sa mga kongresistang bumoto para ibasura ang impeachment complaint bago matapos ang pagdinig ng komite noong Martes. Nagladlad din sila ng mga plakard na nananawagan ng pagbitiw ng Pangulo.

Piket ng progresibong mga grupo sa Quiapo, Manila para kondenahin ang pagbasura sa impeachment complaint, isang araw matapos ang naturang pagbasura. <strong>Kontribusyon</strong>

Piket ng progresibong mga grupo sa Quiapo, Manila para kondenahin ang pagbasura sa impeachment complaint, isang araw matapos ang naturang pagbasura. Kontribusyon

Samantala, sinabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela at isa rin sa complainants, inaasahan man nila ang pagbasura ng komite sa impeachment complaints, kasuklam-suklam pa rin ang anila’y lantarang pagbalewala sa katwiran para palusutin umano ang isang tiwaling Pangulo.

“Garapalan lang talaga. Akala mo, talagang gumulong na ang aktuwal na impeachment proceeding. Dapat pinatuloy nila ang impeachment complaint para madepensahan ni Aquino ang sarili niya sa lantarang (culpable) paglabag sa Saligang Batas at pagtaksil sa tiwala ng publiko–kung kaya niya,” ani Salvador.

Sinabi pa ni Labog na “direkta naming idudulog sa ordinaryong mga manggagawa at mamamayan” ang naturang mga kaso ni Aquino.

“May numero man si Aquino sa Kongreso pero naniniwala tayong kaya nating tipunin ang kritikal na bilang sa lansangan. Patuloy na itinutulak tayo ng mga krimen at iskema ni Aquino laban sa mga manggagawang Pilipino at mamamayan na panagutin siya. Pinanghahawakan pa rin natin ang posibilidad na mapuwersa si Aquino na magbitiw o mapatalsik,” ani Labog.

May ulat nina Pher Pasion at Darius Galang

‘Pondo sa pag-aayos ng MRT napunta sa DAP, korupsiyon’

$
0
0
Siksikang pila sa isang estasyon ng MRT-3. Larawan mula sa <strong>MRT: Mga kuwento ng Realidad sa loob ng Tren</strong> FB page

Siksikang pila sa isang estasyon ng MRT-3. Larawan mula sa MRT: Mga kuwento ng Realidad sa loob ng Tren FB page

Kinondena ng isang grupo ng mga komyuter ang “pagsuko” ng pondo ng Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng Metro Rail Transit (MRT) sa ilegal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino.

“Ikinagagalit namin ang katotohanang araw-araw na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga komyuter sa isang di-ligtas na sistemang railway dahil lang ninakaw ng gobyernong Aquino ang pondo nito at ginamit ito sa panunuhol at patronage politics,” sabi ni Sammy Malunes, tagapagsalita ng Riles Laan sa Sambayanan (Riles Network).

Noong pagdinig ng Senado hinggil sa aksidenteng nangyari sa MRT noong Agosto 13, isiniwalat ni Sen. Nancy Binay na isinuko ng DOTC ang P4.5 Bilyon na ibibili dapat ng bagong tren para sa MRT at inilagay sa DAP.

Idineklara ng Korte Suprema noong Hulyo 1 na labag sa Saligang Batas ang salik na mga bahagi ng DAP, na tinatawag ngayon ng mga kritiko ng administrasyong Aquino na “presidential pork barrel”.

“Kinokondena namin ang DOTC sa pagiging kakutsaba ng paggawa ng gobyernong Aquino ng krimen laban sa mga mamamayang Pilipino. Nagamit sana para maibsan ang araw-araw na hirap ng mga komyuter ng MRT ang bilyong pondo na hinuthot ni Aquino para sa di-konstitusyonal na DAP,” sabi pa ni Malunes.

Piket ng Riles Network sa harap ng tanggapan ng DOTC noong nakaraang buwan. <strong>Kontribusyon</strong>

Piket ng Riles Network sa harap ng tanggapan ng DOTC noong nakaraang buwan. Kontribusyon

‘Laganap na korupsiyon sa operasyon ng MRT’

Sinabi pa ng grupo na di-umuunlad ang operasyon ng MRT dahil sa “laganap” na korupsiyon dito.Kabilang sa mga kaso ng korupsiyon ang pagkakasangkot ni dating MRT General Manager Al Vitangcol III at iba pang opisyal ng MRT sa kinukuwestiyong pagbigay ng kontrata sa maintenance sa maliit na kompanyang Philippine Trams Rail Management & Services and Comm Builders & Technology Inc. (PH Trams-CB&T).

Kontrolado ang PH Trams ng financier ng Liberal Party na si Marlo dela Cruz at uncle-in-law ni Vitangcol na si Arturo Soriano. Pinagbitiw ni DOTC Sec. Joseph Abaya si Vitangcol noong Mayo matapos lumabas sa midya ang naturang kontrobersiya.

Sa mga kolum ng mamamahayag na si Jarius Bondoc sa Philippine Star, isiniwalat niya ang maanomalyang kontrata na pinasok ng DOTC at MRT Corp. (MRTC) sa PH Trams. Kinuwento ni Bondoc kung papaano diumano’y inareglo nina Abaya, DOTC Undersec. Jose Perpetuo Lotilla at Vitangcol na makuha ng PH Trams ang maintenance contract sa pasilidad ng MRT.

Sa nasabing kolum, sinabi ni Bondoc na inireklamo na ng kompanyang dating may kontrata sa maintenance ng MRT-3 na Sumitomo na may “seryosong spare parts shortage” ang naturang linya ng tren at nagkakaroon ng overloading dahil sa pagsakay ng aabot sa 540,000 pasahero araw-araw. Inirekomenda ng Sumitomo ang pansamantalang pagtigil ng operasyon ng MRT-3 para ayusin ang mga problema at para maiwasan ang seryosong mga aksidente o pagkamatay.

Sinabi pa ni Bondoc na pagpasok ng PH Trams, walang naganap na inventory ng spare parts ng tren tulad ng nakasaad sa kontrata. Umaabot na sa 560,000 hanggang 630,000 ang sumasakay na pasahero sa MRT-3 araw-araw.

Gatasan na ang MRT ng korap na mga opisyal nito na napupuno ang mga bulsa, sa kapahamakan ng mga komyuter. Pinatatakbo ni DOTC Sec. Joseph Abaya sa nakakasuklam na malawakang nepotismo, patronage at korupsiyon ang MRT,” sabi pa ni Malunes.

Naunang anomalya

Samantala, kasama rin sa mga kaso ng korupsiyon sa MRT ang tangkang pangingikil ng $30 Milyon diumano ng mga opisyal ng MRT, kasama si Ballsy Aquino na kapatid ng Pangulo, sa isang kompanyang Czech. Isiniwalat ito ng embahador sa Pilipinas ng Czech Republic na si Josef Rychtar noong 2013.

Sa Kamara, sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na tila nag-aalangan ang mga kongresistang miyembro ng Liberal Party na ituloy ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa mga alegasyon ni Rychtar dahil baka umano mabukas ang “mga lata ng uod” (“can of worms”) sa naturang anomalya.

Nababanggit kasi ang ilang miyembro at personalidad na nadidikit sa Liberal Party sa tangkang panunuhol na isiniwalat ni Rychtar.

Dahil sa serye ng mga anomalya sa operasyon ng MRT, at sa kabila ng aksidente sa MRT-3 noong Agosto 13 at ulat ng pumapalyang mga pinto sa naturang linya ng tren, hinihiling ngayon ng Riles Network ang pagbibitiw ni Abaya.

“Lahat ng sangkot, dapat managot. Lahat ng sangkot sa hol-DAP sa pondo ng mga mamamayan ay dapat managot lalo na ang DOTC at mga opisyal ng MRT na naglalagay panganib sa buhay ng mga konyuter,” pagtatapos ni Malunes.

Dokumentaryong bidyo ng mga intern ng PMC hinggil sa nararanasang mga problema sa MRT at Light Rail Transit (LRT):

Lumuluha Tayo’t Nananaghoy

$
0
0

lumuluha tayo’t nananaghoy
hindi dahil ipinagdaramdam natin
ang sarili nating mga kasawian
o dinudurog ang sarili nating mga puso
ng mga dagok ng karalitaan
lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil napagmasdan natin
ang mga aninong walang masulingan
at mga katawang ginagahasa ng karimlan
sa mga gabi ng ating paglalakbay at paglalamay
sa paghahanap ng liwanag sa gubat ng dilim at sagimsim
lalo’t walang kumikindat ni isang bituin
sa papawirin ng ating sagradong mithiin
lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil patuloy na binubukalan ang ating mga mata
ng mga luha ng dalamhati ng lahi
habang naglilingkisan sa telon ng balintataw
mga eksena ng malagim na pelikula
sa ating pinakasisintang la tierra pobreza.

lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil hitik sa matimyas na pagmamahal ang ating mga puso
hindi para sa ating sarili
hindi para sa ating sikmura’t katawang dinudusta
sa maalindog na mga templo’t palasyo ng mga pinagpala
bawat araw, namumukadkad ang pagmamahal
sa himaymay ng ating laman
dahil mga ugat nati’y karugtong ng mga ugat
ng mga sawimpalad, ng uring dayukdok at binubusabos
silang walang habas na ikinakadena
ng mga diyus-diyosan sa bilangguan ng dalita’t dusa
lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil dugo nila’t dugo nati’y nagmumula sa iisang batis
ng sagradong mga pangarap at adhikain
at kapwa natin nakikita ang mabining pagdausdos ng hamog
sa dila ng naninilaw na mga damo
sa burol man o sabana ng pakikibaka
oo, tigib ng pagmamahal ang ating mga puso
para sa laya’t ligaya ng bayang pinakasisinta.

oo, lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil hitik ang ating puso sa matimyas na pagmamahal
dinadaluyan ng malasakit at pakikiramay
sa lahat ng naglalagos ang mga titig
sa mga bubong na pawid sa kabukiran
sa inaagiw na mga eskinita sa kalunsuran
at nagdarasal na mga barungbarong
sa balikat ng nagbalatay na estero
mulang tripa de gallina hanggang canal de la reina.

lumuluha tayo’t nananaghoy
dahil bumubulwak sa ating mga puso
matimyas na pagmamahal
ngunit nag-aalab ang ating mga utak
habang nagdiriwang sa mesa
ng karangyaan at mapagsamantalang kapangyarihan
silang mga diyus-diyosan ng balintunang lipunan
at titiguk-tigok naman ang lalamunan
ng gumagapang na masang sambayanang ibinubulid
sa kumunoy ng kahimahimagsik na karalitaan
oo, lumuluha tayo’t nananaghoy
ngunit ito’y hindi magpakailanman
kapag tuluyang naglagablab ang mga apoy
ng sigang sinindihan sa ating dibdib
ng mga aninong kalansay na ngayon
magbabanyuhay rin ang lahat
bawat patak ng ating luha’y huhulmahin
sa pandayan ng layang dakila
at magiging mga palasong itutudla
sa puso’t lalamunan ng uring baligho
para sa ganap na katubusan
ng uring alipin at dayukdok
at ganap ding kasarinlan
ng lugaming la tierra pobreza!

PMC STATEMENT | House Bill 4807: An Intrusion on Press Freedom

$
0
0
Cameras laid down the ground in front of Batasan Pambansa as photojournalists' sign of protest against House Bill 4807. <strong>Kodao Productions</strong>

Cameras laid on the ground in front of Batasan Pambansa as photojournalists’ sign of protest against House Bill 4807. Kodao Productions

STATEMENT icon

We join photojournalists, photographers, videographers, filmmakers, and ordinary citizens who are appalled at the House of Representatives’ passage on second reading of House Bill 4807 or the Protection Against Personal Intrusion Act, also called as the “Anti-Selfie Act.”

Ludicrous as the moniker, or popular name, of the said bill may sound, it is actually an indicator of how overly broad and vague the provisions of HB 4807 are. The bill makes it unlawful “to capture, any type of visual image, sound recording, or other physical impression of any individual, personal or family activity for commercial purposes.” It is supposedly meant to protect an individual’s privacy by punishing those who use cameras and other recording devices to capture private moments, even if it is done on public property (or even if there is “no physical trespass” on private property).

HB 4807 is another repressive media law in-the-making, one that masquerades as being for the protection of individual privacy, but actually serves as a tool to inhibit freedom of expression and of the press. It has no place in a society that claims to be democratic, and especially in an age when digital information communication devices are now part of the everyday lives of citizens, and are being used as valuable tools for self-expression and active participation in society.

Like the Right to Reply Bill that came before it, and the Anti-Cybercrime Act that was treacherously passed by the president and Congress in 2012, HB 4807 criminalizes acts of expression and reportage. It is unnecessary and prone to abuse. It would create a “chilling effect” on media practitioners and ordinary citizens alike.

There is reason to believe that HB 4807 is motivated by the desire of corrupt public officials to shield themselves from the watchful eyes of the media and the public. These past two years, citizens especially have been very successful in exposing the extravagant lifestyles of individuals and public officials involved in the pork barrel scam. Photos of officials, including the president himself, with Janet Lim-Napoles in so-called private gatherings have surfaced. Are these the kinds of “intrusion to privacy” that our legislators are trying to prevent? We cannot help but think so.

Let the public be reminded that too many repressive media laws already exist–libel, including online libel, remains a criminal offense under the Revised Penal Code and the newly-passed Anti-Cybercrime Act. The killings of journalists remain unabated. Furthermore, the Aquino administration continues to twit and pressure the media, including citizen media, whenever it reports on issues and realities that challenge the government’s rhetorics on change and progress.

It is the citizens and the media who must protect themselves against such legislation that intrude onto our most cherished freedoms and rights. Junk HB 4807! Uphold freedom of expression and of the press! No to repressive media laws!

 

pmc2

*PMC is publisher of Pinoy Weekly and Pinoy Weekly Online


Pinalayas sa dating tirahan, pinapalayas ulit sa nilipatang pabahay

$
0
0
Tinangkang akyatin ng kababaihan ang bakod ng NHA sa isang protesta ng relocatees na pinapalayas ng NHA sa kanilang tahanan. <strong>Macky Macaspac<strong>

Tinangkang akyatin ng kababaihan ang bakod ng NHA sa isang protesta ng relocatees na pinapalayas ng NHA sa kanilang tahanan. Macky Macaspac

Matindi ang hinaing sa administrasyong Aquino ng mga residenteng inilipat sa Northville.

Isa na rito si Julieta Abergas, residente ng Northville 1 sa Bignay, Valenzuela. Dating nagtitinda siya ng diyaryo at nakatira sa tabing-riles sa tulay ng Malinta. Pero kasama siya sa libu-libong tao na napalayas sa kahabaan ng riles ng Philippine National Railways noong 2004 para bigyan-daan ang isang North South Rail System. Nailipat sila, nagsiksikan, sa tatlong relokasyon ng Northville.

Sa Northville 1, maglalako ng karyoka si Aling Julieta. Ang P100 ang kinikita niya sa isang araw, pinagkakasya na niya sa pagkain ng anak at apo. “Wala kaming kuryente. Gasera ang gamit namin. Ang tubig binibili namin, P2.50 kada container,” sabi niya.

Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng nakabubuhay na trabaho, hindi sila regular na nakakabayad sa hulugang P200 hanggang P350 kada buwan sa pabahay. Ngayon, dumating na ang mga demand letter ng National Housing Authority (NHA), at nanganganib silang muling mapalayas sa tahanan.

Naalala pa ni Aling Julieta ang pangako ng NHA na pabahay noong pinalayas sila sa Malinta. “Kung hindi maibibigay sa amin ang bahay na ipinangako nila, ibalik na lang nila kami sa tabing-riles, sa ilalim ng tulay,” aniya.

Noong Setyembre 4, kasama siya sa laksa-laksang mga residente mula sa iba’t ibang Northville relocation sites ng NHA—sa Caloocan, Valenzuela, Meycauyan at Marilao, Bulacan—gayundin ang mga residente ng Katuparan Housing sa Vitas, Tondo, na sumugod sa tanggapan ng NHA sa Quezon City. Galit sila, at humiling ng diyalogo sa pamunuan ng NHA.

Pero pinagsarhan muli sila ng pinto at tinapatan ng pangharang na may barbed wire. Nang nag-ingay na lang ang mga residente at nagtangkang akyatin ang gate saka pinapasok ang kanilang mga lider para makipagdiyalogo.

Silang pinabayaan ng gobyerno

Isa rin si Aling Vangie Morante sa mga sumugod sa NHA. Pinaalis siya sa kanyang barung-barong na tirahan sa Caloocan, boundary ng Maypajo at Sangandaan. Nakatira ngayon sa Northville 2B sa Bagumbong, Caloocan, hirap na hirap silang makapaghanap-buhay.

Vendor kami sa Baclaran. Maliit lang ang kita namin. Dati, ang pamasahe namin P30 lang. Pero ngayong nasa Northville kami, P100 na. Paano naman kami mabubuhay?” aniya. “Gutom kami sa relokasyon.”

Dagdag pa ni Aling Vangie, napakalayo ng pampublikong ospital sa relokasyon. Pinakamalapit na ang ospital ng Tala. “Meron namang ospital, kaso pribado. Ang klinika sa barangay, hindi naman mapakinabangan dahil madalas (na) walang gamot,” sabi niya. Kaya hindi raw masisisi ng gobyerno kung ibenta ng mga residente ang kanilang bahay lalo na tuwing may nagkakasakit na kaanak.

Parehong kuwento ang inihayag ng mga residente ng Northville 3 sa Meycauyan, Bulacan. Dating palaisdaan ang lupang binili ng NHA na tinabunan ng lupa at tinayuan ng mg bahay sa Northville 3. Kaya naman, sa kaunting ulan, binabaha na ang lugar. “Lumulubog paunti-unti ang mga kabahayan sa lugar, baha lagi at malapit din sa dagat,” ani Aling Thelma Milo.

Ipinakita rin niya ang eviction notice na galing sa NHA. Ang mga residente sa Northville 1, 2 at 3, karamihang pinalayas sa sinasabi ng gobyerno na “danger zones”, o mga lugar na mapanganib tirhan, tulad ng mga tabing-ilog at tabi ng riles. Pero sa mga relokasyong inilaan ng NHA, may panganib pa rin. “Mabuti na lang ang bahay ko at natapat sa dating pilapil. Pero ang mga kapitbahay ko, lalo na ‘yung mga nasa gitna, lumulubog ang lupa. Bitak-bitak na nga ang mga flooring ng mga bahay,” sabi ni Aling Thelma.

Pangamba ng relocatees mula sa Northville 1, 2 at 3 na muli silang magiging informal settlers dahil sa bantang ebiksiyon  ng NHA. <strong>Macky Macaspac </strong>

Pangamba ng relocatees mula sa Northville 1, 2 at 3 na muli silang magiging informal settlers dahil sa bantang ebiksiyon ng NHA. Macky Macaspac

Pinagkukuwartahan pa

Sa Northville 1 nakatira ang mga maralita na itinaboy noong 2004 mula sa riles sa Malinta.

Nabigyan naman daw sila ng P11,000 bilang tulong pinansiyal nang sila’y ilipat. Ang problema, walang bahay; lote lang ang relocation site na ito noon. At para makapagpatayo ng bahay, nagpautang ang NHA ng P50,000 para sa materyales.

Matapos ang dalawang taon, nagsimulang maningil ang NHA ng P200 kada buwan sa loob ng limang taon. Sa ikaanim na taon, pinatungan na ito ng 6 porsiyentong interes na bayarin. Kung susumahin, aabot sa P100,000 ang babayaran ng mga taga-Northville 1 sa loob ng 30 taon, ayon sa Gabriela, organisasyon ng kababaihan na may kasapian sa naturang relocation sites.

Ayon pa sa grupo, malaking problema ng mga residente ang kawalan ng hanapbuhay sa mga relokasyong ito. Sa kabila nito, namimilit daw ang NHA sa mga residente na magbayad, at pinagbabantaan sina Aling Julieta na paaalisin sa pamamagitan ng puwersahang ebiksiyon o pagkandado sa mga bahay.

Ganito rin ang sistema sa Northville 2B at Northville 3: Tataas din sa P350 sa ikaanim na taon, at P450 makalipas ang 10 taon, ang bayarin nila. Nagkakahalaga ang bawat yunit ng P175,000 na babayaran nila sa loob din ng 30 taon.

Bukod dito, pinangakuan ang mga taga-Northville 2 at 3 na bibigyan sila ng NHA ng halagang P25,000 para sa tulong pangkabuhayan. Pero ayon sa mga residente, hindi naibigay ang P25,000 tulong pangkabuhayan hanggang sa kasalukuyan.

Pinalala pa ang kanilang sitwasyon ng kuntsabahan daw ng Manila Electro Co. (Meralco) at NHA sa pagpapakabit ng kuryente. Kailangan daw na bayaran muna ang bahay bago kabitan ng kuryente. “Kailangang kumuha ng sertipikasyon sa NHA bago kami kabitan ng kuryente ng Meralco, ” ani Aling Thelma. Kaya ang marami sa kanila, tulad ni Aling Julieta, walang kuryente.

Pagpapalayas sa Tondo

Samantala, tulad ng mga taga-Northville, nahaharap din sa eviction ang libu-libong residente ng Katuparan Housing sa Vitas, Tondo. Maralita rin sila mula sa iba’t ibang lugar noong dekada ’90 na tinipon sa isang tenement housing sa paanan ng dating tambakan ng basura na tinawag na Smoky Mountain.

Walang renobasyon o pagmamantine sa mga bilding–at wala rin namang pera na pagpapaayos nito ang mga residente. Dekada ’90 pa nang ideklara ng lokal na pamahalaan ng Manila na “condemned” o dapat sirain ang 12 sa 27 na gusali rito.

Nagsagawa ang Department of Public Works and Highways ng isang rebound hammer test kamakailan at nakitang matibay pa ang pundasyon at mga biga ng mga gusali. Pero kailangan pa raw ng hiwalay na structural evaluation test para malaman kung maaari pa nga itong tirhan.

Pangamba ng mga residente, muli silang magiging informal settler kapag itinuloy ang paggiba sa Katuparan. “Dati na naming nilabanan ang demolisyon sa piyer noong 1991. Pumayag kami na mailipat (dito sa Katuparan) at in-award sa amin ang mga yunit. Ngayon, paaalisin kami?” ani Agnes Mondejar, na halos 25 taon nang nakatira sa Building 13.

Dagdag pa ni Aling Agnes, sapat na ang ilang taong pagbabayad nila para maging kanila ang mga yunit na tinitirhan ngayon. “Iba-iba nga ang halagang sinisingil sa amin,” aniya. Kuwento niya, P200 hanggang P1,000 ang sinisingil ng NHA kada palapag–pinakamahal ang nasa ibaba.

Kaya’t ipinagtataka ng mga residente kung bakit hindi namantina ang gusali sa loob ng mahigit dalawang dekada. “Dapat i-rehabilitate ang Katuparan at hindi dapat wasakin. Napakaraming pera ang napunta sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na para raw sa mga maralita, bakit hindi ayusin (ng gobyerno) ang in-city relocation?” sabi pa niya.

At kung ipipilit daw ng NHA at lokal na pamahalaan ng Manila na gibain ang Katuparan, handa sila na muling lumaban. “Muli kaming magbabarikada, kung kailangan,” paninindigan ni Aling Agnes.

Hawak ng isang residente ang isang kopya ng demand letter mula sa NHA. <strong>Macky Macaspac</strong>

Hawak ng isang residente ang isang kopya ng demand letter mula sa NHA. Macky Macaspac

DAPat para sa maralita

Nababalitaan nina Aling Agnes sa midya ang hinggil sa DAP, na mistulang pork barrel ni Aquino. Nagtataka sila na di man lang mapondohan silang mga maralitang pinangakuan ng pabahay at kabuhayan, habang bilyun-bilyon ang inilalaan sa naturang lump sum funds ng Malakanyang.

Sa panukalang badyet ng administrasyong Aquino para sa taong 2015, mahigit P1 Bilyon ang nakalaan para sa Human Development and Poverty Reduction Cluster sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG). Para raw ito sa pabahay ng mga maralita sa mga tabing-ilog na tinaguriang “danger zones.”

Dagdag pa ito sa P10-Bilyon na sinasabi ng administrasyong Aquino na inilabas daw para sa in-city relocation sa ilalim ng DAP ng Pangulo.

Pero tanong ng mga maralitang tagalungsod: Bakit hindi nila nakikita ang kinahihinatnan ng malaking pondo? At bakit sila pang mga relocatee ngayon ang nanganganib na mawalan muli ng tahanan?

Hanggang sa kasalukuyan, itinatayo ang mga relokasyon sa labas ng Kamaynilaan tulad sa Rizal, Laguna at iba pang lugar, o kung tawagi’y off-city relocation. Noon ding 2001, inilabas ng DILG ang pag-aaral na nagsasabing hindi magandang ilipat ang mga informal settler sa off-city relocation sites dahil hindi pabor sa mga mahihirap ang programang ito.

Hinikayat ng ulat ang in-city relocation sites.

Diyalogo

Dahil sa pagsiwalat ng mga balita hinggil sa DAP at sa mga banta ng eviction sa kanila, galit ngang sumugod sa NHA Main Office sina Aling Julieta, Vangie, Thelma at Agnes, at iba pang maralitang relocatees.

Sa diyalogong kaharap ang ilang opisyal ng ahensiya sa National Capital Region, inihapag nila ang mga problemang hinaharap ng mga residente. Kasama rito ang kawalan ng ilaw, tubig, substandard na mga imprakstraktura ng relocation site, kasama na ang mga kalsada. Inihapag din nila ang tungkol sa kawalan ng kabuhayan, mataas na interes sa bayarin sa bahay, at panggigipit at pagbabanta na palalayasin ang mga hindi nakakabayad.

“Marami po ang nagtatanong, ano ba ang NHA? Ito ba ay developer, realtor, o ahensiya ng gobyerno upang tumulong sa maralitang tagalungsod? ” direktang tanong ni Rey Mangarang, isang opisyal ng Home Owners Association sa Northville 1 na humarap sa diyalogo. Partikular na tinutukoy niya ang ipinataw na 6 porsiyentong interes sa mga lupang nakuha sa NHA.

Paliwanag ng opisyal ng NHA, ang house (P100,000) and lot (P75,000) package noong 2005 ay nagkakahalagang P175,000. Ang subsidyo na ibinibigay ng gobyerno kada pamilya ay P35,000 lamang. Kaya pumapatak na may loan o utang ang bawat pamilya sa NHA ng halagang P140,000. At ang 6 porsiyentong na dagdag sa bayarin ay “para (raw) sa lote”.

Six percent lamang po sa lote. Kaya P75,000 lang ang may charge ng six percent. Sa bahay, zero percent. Kaya kapag in-average, mas mababa pa (ito) sa minimum na charge natin na 4.5 percent. Kaya kung i-average, nasa three percent lang po ang tsina-charge ng NHA. Hindi po talaga diretso na six percent,” ayon kay Victor Balba, group manager ng NHA-NCR.

Pero ayon kay Mang Rey, natapos na ang 30 taong nakasaad na kontrata ng maraming residente, pero hindi pa nila nabubuo ang bayad. Walang linaw kung paano mapapasakanila ang tinitirhan. Sagot ng NHA, kailangan daw magkaroon ulit ng panibagong diyalogo.

Sinabi naman ni Cherrylyn Isidro, isang residente ng Northville 2B, na hindi rin daw malinaw sa kasunduan kung sila ba ay borrower o awardees.

Tugon ni Balba, loan borrower daw sila sa kontrata dahil ang kasunduan ay sa pagitan ng developer at sa mga residente, pero awardee sila naman daw sila ng NHA. Paliwanag pa ng NHA, parang inutang sa NHA ang kabuan ng bayad sa lote at bahay, at kapag nabayaran, mapupunta sa mga residente ang anilang  binayarang lupa at bahay.

Loan borrower po kayo doon sa kontrata, pero awardee po kayo ng NHA.  (Kung) mabayaran n’yo po iyon, magkakatitulo po kayo… Loan agreement po ito. Ang ginastos sa bahay at sa lote, sa developer po iyun. Inutang po n’yo (iyan) sa amin,” sabi ni Balba.

Dito nagtaka ang mga residente: Kung sila’y awardee na, bakit pinagbabantaan sila na palayasin kapag hindi nakabayad o nahuhuli sa bayad? Pero todo-tanggi ang NHA na may pinapaalis na sila ngayon. Wala pa raw. Sa ngayon.

“Maganda (kayo) magsalita, pero ‘yung mga tao ninyo ang nagbibigay ng banta. Kapag hindi raw nakabayad ng bahay, ikakandado (nila ang bahay). Papalayasin sila. Inatake (sakit sa puso) po ang tatlo sa amin,” sabi pa ng sa isang lider.

Ayuda: pangakong napako

Ipinangako rin ng NHA ang livelihood assistance sa kanila noong sapilitang pinalayas sa kanilang dating mga tirahan ang mga residenteng maralita.

“Ako sa nakapirma sa livelihood (assistance), hindi namin nakatanggap. Ikinatuwa sana namin ‘yun. Kaya lang, umabot ng ilang taon (di pa nabibigay). Siyam na taon na kaming nandiyan, pero wala pa kaming nakuhang livelihood,” ani Melinda Ramos, na nailipat mula sa riles noong 2005.

Sabi pa ni Aling Melinda, kahit na nasa riles lamang sila noon, di hamak daw na mas maganda ang kanilang buhay doon dahil malapit ito sa kanilang trabaho, eskuwelahan, at palengke.

Itinanggi ng NHA na nangako sila ng pera para sa livelihood. Ang mayroon daw sila, livelihood trainings. Kinakausap din nila ang malalapit na mga pabrika para mapasukan ng mga inilipat na residente. Pero wala pa ring kabuhayan ang mga pinalikas. Sabi pa ng NHA, iyung P10,000 na dapat ibigay sa mga residente, ibinawas na sa P175,000 na “utang” nila na bayad sa lupa at bahay sa Northville.

“Wala po kaming ipinangako na P10,000 financial assistance. Ang binibigay po na assistance ay P1,000 lang po. Ito ‘yung subsistence allowance for three days. Wala po kaming sinabi at wala po talagang ibinibigay ang NHA na P10,000,” giit ni Balba.

Nagharap sa isang diyalogo ang mga lider ng mg residente at opisyal ng NHA. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagharap sa isang diyalogo ang mga lider ng mg residente at opisyal ng NHA. Pher Pasion

Serbisyo-sosyal, nasaan?

Siyempre, hindi rin pinalagpas ng mga residente na singilin ang NHA sa kawalan ng maayos na serbisyo-sosyal sa mga relokasyon, lalo na ng tubig at kuryente.

“Noon, nang bagong likas, pinaliwanag sa amin kung ano ang dapat namin ma-avail, tulad P25,000 para sa umpisang kabuhayan, tapos may tubig, ilaw. Natuwa po kami. Pero noong dumating kami sa Northville 2B, may ilaw pero walang tubig. Kapag natanggalan ng ilaw, hindi bibigyan ng clearance ng NHA hangga’t hindi makabayad sa upa sa bahay. Pinagmumulan ng sunog dahil sa nakikikabit sa kabila, nagkaka-short circuit, nagkasunog po (sa amin),” ani Aling Ella Mamaril, presidente ng Home Owners Association sa Northville 2B.

Nais ipatanggal ng mga residente ang certificate mula sa NHA para makabitan sila ng ilaw.

“Puwede tayo magkompromiso. Puwede ba na we will issue the necessary certification, magbibigay ng promissory note sa amin, at least one month or two month payment lang, gawin n’yo naman yun? Promissory note with at least two months payment then we will issue the certification. Ganoon lang. Mapagbigyan namin kayo, mapagbigyan n’yordin kami,” sabi ni Balba sa mga residente.

Sa problema ng sirang mga imprastraktura gaya ng mga kalsada, hugas-kamay muli ang NHA. Lokal na gobyerno na raw ang may responsalidad kung ang mga relokasyon ay na-turn over na sa nauna.

Danger zones tungong death zones?

Naghugas-kamay din ang ahensiya sa problema ng pagbaha sa ilang relocation areas. Muli, lokal na gobyerno raw ang namili ng lugar at kasama pa raw ang mga residente.

Hinggil naman sa hinaing ng mga residente ng Tondo, naghihintay pa raw ang NHA sa desisyon ng DPWH bago sila magkaroon ng pagkumpuni sa mga gusali. Nais din kasi ng NHA na manatili ang nasabing mga gusali.

Sa 27 gusali sa Katuparan, nasa 12 ang sinasabing condemned o hindi na ligtas tirhan. Nais ng mga residente na magkaroon ng rehabilitation imbes na alisin sila sa nasabing gusali. “Nakipag-usap kami ng building officials, at sabi namin: P’wede bang i-reconsider ang kanilang desisyon? Unang una, dahil preliminary inspection n’yo pa lang, sinasabi nang ganito. So nagkaroon ng agreement,” ani Balba.

Dagdag pa ni Balba, “’Yung 27 buildings, maski 12 pa lang ang na-declare, kasama na rin yung 15. Hangga’t hindi nila sinasabi na okey, sige ipa-repair, puwede na iyon. Naghihintay kami ng desisyon doon.”

Tila takot na mabuntunan ng sisi ang mga opisyal ng NHA; hinikayat nila ang mga residente ng Tondo na kalampagin naman ang DPWH at lokal na gobyerno ng Manila para di-buwagin ang Katuparan Housing. Kasi, iyung dating malapit na tenement building na Diosdado Macapagal Building, pinasira ng NHA noong 2011 dahil condemned daw. Pero kahit ang kontraktor, hirap na sirain ang bilding dahil “matibay ang pundasyon.” Ibig sabihin, di naman kailangang wasakin ang bilding.

May hawak na muling pangako mula sa gobyerno sina Aling Julieta, Vangie, Thelma, Agnes, Melinda, Cherrylyn at Ella, at iba pang maralitang relocatees. Pero di tulad ng dati, mas mulat at mapagmatyag na sila.

Babantayan nila ang mga pangako. Patuloy silang maniningil—sa NHA man o sa mismong Pangulong Aquino na patuloy na ipinagtatanggol ang pag-aangkin ng pondo na para sa kanilang maralita.

Matapos ang pamamaril sa Pangasinan, dagdag-suweldo muling giniit ng mga guro

$
0
0
Protesta ng libu-libong guro sa harapan ng Kamara sa pagdinig ng badyet para sa Department of Education.<strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng libu-libong guro sa harapan ng Kamara sa pagdinig ng badyet para sa Department of Education. Pher Pasion

 Bagamat parehong guro si Rosalito Palatan at ang kanyang asawa, pareho silang baun sa utang.

Labing tatlong taon nang nagtuturo si Palatan sa Makati Science High School. Nasa P18,000 lamang ang kanyang netong naiuuwi sa pamilya, samantalang ang kanyang asawa naman ay may naiuuwing P12,000. Pero hindi pa rin ito sapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

“Kung mayroon mang kailangang itrabaho pa sa Sabado at Linggo, gagawin (ito) ng isang ama, para matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga anak,” ayon kay Palatan.

Isa siya sa libu-libong guro sa ilaliim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagmartsa sa harapan ng Kamara sa araw ng pagdinig sa P365.1 Bilyong panukalang badyet ng Department of Education (DepEd) para sa 2015 ng Committee on Appropriations.

Wala na naman kasing inilaan ang administrasyong Aquino ni singko para sa badyet upang madagdagan ang sahod ng mga guro. Mula nang maupo si Pangulong Aquino noong 2010, wala na umanong natanggap na anumang dagdag-sahod ang mga guro.

Sagka ang pangulo

Martsa ng mga guro patungong Kamara para sa dagdag na sahod.<strong>Pher Pasion</strong>

Martsa ng mga guro patungong Kamara para sa dagdag na sahod.Pher Pasion

Naibalita sa midya noong Setyembre 1 ang pagpatay sa tatlong guro at pagkakasugat ng apat na iba pa (at isang kolektor ang namatay) sa Pangasinan National High School matapos mamaril ang isang pulis na naniningil umano ng utang sa mga guro na di agad makapag-bayad.

Para sa mga guro na dumalo sa kilos-protesta, katulad din nila ang mga napaslang na guro: baun sa utang dahil di-sumasapat ang suweldo sa pang-araw-araw na gastusin.

Katulad ni Palatan, baun din sa utang si Flody Fernandez mula sa Ramon Magsaysay Cubao High School. Nasa P10,000 ang netong naiuuwing sahod niya para sa pamilya. Kulang na kulang umano ito para sa pang-araw-araw na gastusin nila para sa pagkain, pamasahe, kuryente, tubig, at upa sa bahay.

Sa ngayon, nagsisimula pa lamang ang pamilya ni Fernandez. Kasalukuyan niyang tinataguyod ang kinabukasan ng sampung buwang-gulang na anak.

Kapos na kapos at pangungutang din ang pantawid ng pamilya ni Potenciana Abion, na 30 taon nang guro mula sa Melencio M. Castelo Elementary School. Natapos na niya umanong pag-aralin ang kanyang mga anak pero hindi rin umano biro ang kanyang pinagdaanan sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.

Pero sa kasalukuyan, nakikita umano ni Abion ang hirap ng mga kapwa niya guro. Dahil dito kaya sumama siya sa panawagang dagdag-sahod.

“Wala na akong pinag-aaral, pero may mga pangangailangan pa rin. Loan dito, loan doon din ako noon. Kahit sa private (lender), nangungutang ako. Dapat talaga dinggin nila (ang dagdag-sahod),” ayon kay Abion.

Para sa ACT, hindi lamang ang pulis na namaril sa mga guro ang pumatay sa mga ito kundi ang mismong sistemang nagpapahirap sa kalagayan ng mga guro.

“Ang teachers dahil sa kakulangan ng suweldo, napipilitan mangutang. Napipilitang magsangla ng ating ATM cards. (At) ang nangyari nga sa Pangasinan National High School, kahit sa 5/6 (klase ng pautang) pinapatulan na natin,” ayon kay France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Bukod pa sa kulang na sahod na natanggap ng mga guro, kinakaharap din nila ang iba’t ibang polisiyang nagpapahirap sa kanila gaya ng Results-based Performance Management System, Learners’ Information System, at iba pa na pawang dagdag na trabaho sa mga guro. Bukod pa rito, hindi pa rin natatanggap ng mga guro ang kanilang performance-based bonus.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, tanging si Aquino lang ang hadlang sa dagdag-sahod ng mga guro dahil malaki na ang suporta ng mga kongresista at senador para sa House Bill 245 na panukalang batas para sa dagdag-suweldo ng mga guro.

Isinumite ni Tinio sa Kamara ang HB 245 na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga kawani (P9,000 tungo P15,000) at guro (mula P18,500 tungong P25,000). Nagkaroon na ito ng counterpart sa Senado tulad ng ipinasa ni Sen. Grace Poe, Sen. Loren Legarda, at Sen. Serge Osmena III.

“Kung Senado at Kamara ang tatanungin, okey na ang salary increase. Ang bara talaga, kay Aquino na. Kahit na narito tayo sa Kongreso, ang tunay nating pinararatingan natin ng ating mensahe ay si Aquino,” ayon kay Tinio.

Higit na ikinagagalit ng mga guro ang pagkakaroon ng bilyung-bilyong pondo para sa pork barrel na sumambulat sa harapan ng publiko gaya ng presidential pork barrel sa anyo ng Disbursement Acceleration Program ni Aquino. Pero wala umano ni singko para sa dagdag-suweldo ng mga guro.

Nakahanda sa mass leave

Panawagan ng mga guro na isabatas ang House Bill 245 na naglalayong taasan ang kanilang mga sahod.<strong>Pher Pasion</strong>

Panawagan ng mga guro na isabatas ang House Bill 245 na naglalayong taasan ang kanilang mga sahod.Pher Pasion

Dahil sa wala na namang matatanggap na dagdag sa kanilang mga sahod mula sa administrasyong Aquino, nakatakdang magsagawa ng malawakang pagliban ang mga guro o mass leave.

“Hindi lamang sa pansarili kundi para sa pangkalahatan (kung bakit ako lalahok sa mass leave). Kaya kailangan talaga nagkakaisa,” ayon kay Abion.

Para naman kay Palatan, nakakasama umano sa kalooban sa isang guro na ang inaasahan na tutulong lamang sa kanilang kalagayan ay ang gobyerno. Pero gobyerno mismo ang nagsasabi na di nito maitataas ang kalidad ang kanilang suweldo para maitaas ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

“Taus-puso naming sinusuportahan ang mass leave. May mga guro na nagpapahayag ng suporta para rito, kaya amin na itong pag-uusapan,” ayon kay Palatan.

Para sa mga guro, hindi lamang kakulangan sa suweldo ang hinihiling nila sa gobyerno. Higit pa rito, kailangan din nilang maramdaman na makatao silang tinatrato ng pamahalaan sa pamamagitan ng dagdag-sahod at pagpapabuti ng kalagayan ng buong sistema ng edukasyon sa bansa.

Sinabi nga ni Benjie Valbuena, presidente ng ACT, “Hindi kami mga kalabaw, kung gayon, hindi dapat kami itinuturing na pambansang hayop.”

Military used civilians as shield in Abra encounter, rights group says

$
0
0
Engr. Fidela Salvador

Engr. Fidela Salvador. Contributed Photo/CPA

Progressive groups in the Cordillera denounced the military for allegedly using civilians in a spate of encounters in Abra against the New People’s Army (NPA).

The group said in a statement that 24 civilians in Lacub, Abra were coerced and used as human shields  by the 41st Infantry Battalion on September 5.

According to the Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), civilians Fidela Salvador and Noel Viste were part of the 24 allegedly coerced by the military as human shields in the conduct of their operation.  The two died during the encounters and were brought by a military helicopter in Barbarit, Lagangilang, Abra.

Another civilian, Nicasio Asbukan was turned over to the local police in Lacub, but was in  a state of shock.

CHRA insisted that Salvador, an engineer by profession, as well asViste, were not NPA combatants but civilians.  Salvador was a staff of the Center for Development Programs in the Cordillera (CPDC) and Cordillera Disaster Response and Development Services (CorDis-RDS), according to Audrey Beltran, secretary general of CHRA.

“Engr. Delle (Salvador’s nickname) was on a monitoring visit for various socio-economic projects implemented by CORDIS in Lacub when she was killed. Engr. Delle is a civilian and a non-combatant. She dedicated most of her life, skills and expertise in bringing much-needed services to the neglected, far-flung communities in the Cordillera. She was a staunch advocate of indigenous peoples’ rights, (and) a strong believer in peace and human rights,” stated Beltran.

In news reports, military officials claimed that least five NPA combatants were killed, one of them a certain Arnold Jaramillo allegedly the secretary of the Abra Provincial Party Committee and several others.  The military also recovered several high powered firearms.

The initial encounter happened on September 4, according to the military. After that, government troops and guerrillas supposedly had another encounter the next day.

CHRA said that the 41st Infantry Battalion of the Philippine Army and the Northern Luzon Command of the Armed Forces of the Philippines should be accountable for the killings of Salvador and  Viste, as they call for a stop to the military operations in Abra, beacause that civilian communities suffer the most during their operations.

“We continue to appeal to the local government units and government officials of Abra to call for a stop to the military operations and pullout of the 41st IB in Abra and troops of the Northern Luzon Command. We appeal to everyone who believes in peace, in human rights and life to support these calls,” said Beltran.

Flame of Recca

$
0
0

Isa siyang magaan, masaya at maliwanag na presensya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa kanyang mga magulang, na dumulog at namanata kay Sto. Niño para sa kalusugan niya. Sa kanyang ate, na lubos ang suporta sa kanya mula pagiging aktibista hanggang pamumundok. Sa kanyang mga batchmates sa Manila Science High School, na noong pabiro niyang sinabing “Hindi na ako aalis basta ibili ninyo ako ng franchise ng French Baker” ay sumang-ayon, pero nabigong pumigil sa kanya. Sa kanyang mga kapwa-aktibista sa kampus na giliw na giliw sa kanya, na ang ilan, kapanalig na’t lahat, ay pumigil rin sa kanyang umalis. “What about friendship?” tanong ng iba sa kanila.

Kakaiba siyang karakter, at napakarami ng alaala sa kanya ng mga napalapit. Nakilala siya ng isang kapwa-aktibista sa debut ng isang kaibigan nila pareho, sumasayaw ng “Miami” ni Will Smith at “Sweetheart” ni Mariah Carey. Masayahin siya, bungisngis, at malambing magsalita. Maganda siya, pero hindi iyung tawag-pansin, kundi iyung tumitining sa pagtagal. Maaliwalas ang mga ngiti at ngumingiti rin ang mga mata. Huwag kang magkamaling pindutin ang ilong dahil hahabulin ka niya at sasapakin nang paulit-ulit sa balikat, na ikinakatuwa ng marami niyang tagahanga. Parang lagi siyang may matamis na cologne. O iyung paligid lang ba iyun kapag dumadaan siya?

Mahilig siya sa musika at magaling kumanta. Nakikipag-usap siya sa isang kaibigan nang maghapon tungkol sa musika – na tipong “jologs” para sa iba. Paborito niya si Patti Austin, at isa sa unang hinanap niya sa Youtube ang “Through the Test of Time” sa isang dalaw. Kapag may videoke, nakikipag-duet siya ng “Especially for You” ni Kylie Minogue, at kapag wala, ng “I’m Real” nina Jennifer Lopez at Ja Rule. Romantik para sa kanya ang “Underneath the Stars” ni Mariah Carey at pinakamalungkot naman ang “The Day You Went Away” ni Wendy Matthews. Malinaw niyang nasabi sa isang kaibigan na gusto niyang mapatugtog ang “Breathless” ng The Corrs sa burol niya.

Kakatwa iyun, ang hilig niya at mga kaibigan niyang aktibista na pag-usapan ang kani-kanilang burol. Biruan nila ang pagkakaroon ng “parangal picture” kapag maganda ang isang larawan. Kung ano ang mga kantang papatugtugin at tema, pati kung sinu-sino ang dapat magsalita. Parang may unawaan na magandang parangal lang ang kagyat na maibibigay ng isa’t isa sa mamamatay, at ang bawat isa’y mamamatay nang kasimbigat ng Sierra Madre, wika nga. Pero may isa pa silang katuwaang pangarap: Sama-samang magretiro sa kung saang palayan, may maggagantsilyo, magpapakain ng manok. Sobrang mahal nila ang isa’t isa, gusto nilang makita ang isa’t isa na tumanda.

Kaya noong natanggap ng isa sa kanila ang tawag ng isa pa na umiiyak at nagsabing patay na si Recca, hindi agad makapaniwala ang tinawagan. Kahit noong sinabing pupunta na ang pamilya para kunin ang bangkay, umasa ang tinawagan na mistaken identity lang, hindi si Recca ang patay. Naisip pa niyang pagtatawanan nila ni Recca ang kwento sa hinaharap. Pero hindi nagtagal at bumuhos ang text, mensahe sa Facebook, at maging larawan. Sa dulo, napagtanto niyang hindi pala talaga niya naisip na mamamatay si Recca – na puno ng buhay, puno ng kapasyahan at lakas, at puno ng saya. Lagi niyang iniisip na magkikita pa sila ni Recca at magkakasama nang matagal.

Pero hindi man handa ang mga kaibigan niya, handa si Recca. May pagdadalawang-isip man siyang ipinakita, malinaw ang pagpapasya niya. Mula pa sa pagiging malambot ang puso at minsa’y mababaw ang luha pagdating sa mga maralita at nangangailangan. Sa pagiging masigasig na propagandista, organisador, at edukador sa kampus. Sa masaya at matalas na pakikipagpulong para sa pagsusulong ng pakikibaka. Sa walang takot na pangunguna sa mga protesta, kahit may banta ng dispersal at pag-aresto. Sa paglubog sa masang manggagawa at magsasaka. Sa pagsuong sa maraming sakripisyo at pagpapakumbaba. Sa pagtitiwala sa masa at optimismo sa pakikibaka.

Hanggang sa noong 2003, nagpasya si Recca na sumapi sa New People’s Army o NPA. Bisaya siya, pero ni hindi naging usapin na sa Kordilyera siya pupunta. Sa kanyang pana-panahong pagdalaw simula noon, ipinakita niya ang isang pagpapasya na lalong tumitibay. Naging matatas siya mag-Ilocano at natuto na rin ng tabako at nganga ng mga katutubo. Kaya niyang magreklamo nang todo sa hirap ng kalupaan – sa taas ng mga bundok, tarik ng mga palusong, at posibilidad ng kamatayan kapag nabagsakan ng puno – at maging sa tindi ng lamig. Hinarap niya kahit ang hirap ng pagiging ina, at kabiyak ng isang rebolusyonaryo. Pero sa lahat ng ito, wala siyang bahid ng pagsuko.

Ikinwento niya ang tindi ng kahirapan ng mga pambansang minorya at ang laki ng yaman ng kalikasan na ninanakaw sa kanila. Nahahabag man siya sa kalagayan nila, namamangha siya sa kasaysayan at kakayahan nilang lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga komunidad – kahit wala ang NPA pero lalo’t naroon. Pinatotohanan niyang napalayo man siya sa kanyang sariling pamilya ay niyakap siya ng maraming maraming pamilya. Kung may naibubulong man siyang kakulangan, iyan ay nasa larangan ng mga dapat at maaaring gawin para isulong at isulong pa ang mga gawain sa armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo, at pagbubuo ng baseng masa.

Tiyak na marami pang lalabas na kwento kung paano si Recca bilang si Ka Tet ng NPA sa Kordilyera. Pero sa pauna pa lang, makikita nang kahit doon, naging kagiliw-giliw na presensya at pwersa siya sa mga kasama niya at sa masang katutubo. Nahalal siyang S-4 ng yunit, tagapag-ingat ng suplay, tulad din ni Erica Salang noon sa Bicol, nangangailangan ng paghawak sa patakaran at malasakit sa mga kasama. Nang hinarap niya ang pinakamatinding problema niya habang naroon, may panahong ayaw niyang kumain. Nang umabot sa masa ang balita, tinambakan nila si Recca ng paunti-unti ng masasarap na pagkaing kinakaya nila, bagay na tiyak na hindi niya inasahan.

Minahal ng marami si Recca, at sa pamamagitan niya, marami ang nagmahal sa kanyang pangarap at adhikain para sa bayan – ang matapos ang gutom at hirap sa bansa nating maraming yaman na ninanakaw ng iilan. Isang simpleng pangarap na nangangahulugan na mga maralita at ang sambayanan mismo ang humawak ng kapangyarihan, hindi ang iilang mayaman at makapangyarihan. Na maaaring tingnang paglubos sa prinsipyo ng demokrasya pero tiyak na pagbaklas sa hindi demokratikong kaayusang gumagamit sa demokrasya bilang ilusyon. At nangangahulugan ng paghawak ng armas, dahil hindi isusuko ang kapangyarihan ng mga nakikinabang.

Sa dulo, isa si Recca Noelle Monte (1981-2014) sa mga iskolar ng bayan na pumiling ialay ang talino at talento sa sambayanan, at hindi tumanggap ng yaman, pagkilala o kapangyarihan kapalit. Isa siya sa may maalwang buhay at maaaring mariwasang hinaharap na pumiling talikuran ang mga ito para sa isang hinaharap na walang mahirap. Isa siya sa pinakamamahal ng mga kaanak, kaibigan, at kasama sa kalunsuran na nagpasyang tumungo sa kanayunan dahil sa pagmamahal sa sambayanan. Tulad marahil ng panghalina ng mga mata at ngiti niya sa mga kakilala, ang buhay niya ay imbitasyon sa lahat na kilalanin at yakapin ang kanyang mga prinsipyo at pakikibaka.

Pinakamataas na pagpupugay!

12 Setyembre 2014

MGA LARAWAN | LFS, nagrali sa embahada ng US bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo nito

$
0
0

Sumugod sa embahada ng Estados Unidos (US) ang kabataan sa ilalim ng League of Filipino Students (LFS) bilang protesta sa patuloy na pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyong Aquino sa dikta ng gobyerno ng US.

Ginunita rin ng grupo ang ika-37 taong anibersaryo ng LFS, na kilala bilang “anti-imperyalistang organisasyon” ng kabataang estudyante sa bansa na itinatag noong 1977.

Ayon sa grupo, nagpapatuloy ang “dominasyon ng Amerika sa ekonomiya at pilitika ng bansa” lalo na sa ilalim ng administrasyong Aquino. Isa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa mga patunay ng pagiging sunud-sunuran umano ng administrasyon sa kagustuhan ng US. Pagsuko umano ito sa soberanya ng bansa.

Sa kanilang protesta sa harapan ng nasabing embahada, muling pinatibay ng mga miyembro ng LFS ang “anti-imperyalista at makabayang mga adhikain.” Kanila ring inialay ang pagdiriwang sa mga naging martir nilang kasapi at gayundin sa mga nag-alay ng sariling buhay para sa kalayaan ng bansa.

Martsa ng LFS patungong Embahada ng Amerika.<strong>Pher Pasion</strong>

Martsa ng LFS patungong embahada ng US. Pher Pasion

Panawagan ng LFS na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at panagutin si Pres. Benigno Aquino III sa pagbebenta umano ng soberanya ng bansa.<strong>Pher Pasion</strong>

Panawagan ng LFS na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement at panagutin si Pangulong Aquino sa pagbebenta umano ng soberanya ng bansa. Pher Pasion

Simbolikong sinunog ng mga miyembro ng LFS ang watawat ng Amerika bilang simbolo ng kanilang paglaban sa imperyalismo.<strong>Pher Pasion</strong>

Simbolikong sinunog ng mga miyembro ng LFS ang watawat ng US bilang simbolo ng paglaban sa imperyalismo. Pher Pasion

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

 

 

Mga obrero sa Estado, galit sa ‘diktadurang dilaw’ ni Aquino

$
0
0
Nakarating ang mga kawani ng gobyerno sa Mendiola Bridge para kondenahin ang anila'y dilawang diktadura ng kasalukuyang pangulo. <strong>Darius Galang</strong>

Nakarating ang mga kawani ng gobyerno sa Mendiola Bridge para kondenahin ang anila’y dilawang diktadura ng kasalukuyang pangulo. Darius Galang

Bitbit ang kulay na pula at itim, tinungo ng mga kawani ng gobyerno ang paanan ng Malakanyang sa Mendiola para muling irehistro ang anila’y nabubuong “diktadura ni Pangulong Aquino.”

Sa naturang pagkilos, inihayag nila ang disgusto sa pagkaltas sa kanilang mga benepisyo, dagdag-buwis at tanggalan sa mga ahensiya ng gobyerno—kasabay ng pagkontrol umano ni Aquino sa malaking bahagi ng badyet ng gobyerno at sa dapat sana’y independiyenteng mga institusyon tulad ng hudikatura at lehislatura.

Lumahok ang mga kawani ng gobyerno mula sa National Food Authority (NFA), Mines and Geosciences Bureau, National Housing Authority, Department of Social Welfare and Development, MMDA, at Department of Agriculture (DA), maging ang mga kawani ng hudikatura sa ilalim ngJudiciary Employees Association (Judea).

“Tama na,” ani Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employee (Courage), “sa diktadura ni Aquino, sa pagkaltas ng sahod ng mga kawani, sa pagbubuwis at tanggalan sa trabaho, na dinaranas ng mahigit 1.4 milyong kawani ng gobyerno sa nakaraang apat na taon sa ilalim ng administrasyon ni BS Aquino.”

Nakabubuhay na sahod, trabaho, at karapatan ng mga kawani ng gobyerno, ang kolektibong sigaw ng mga kawani. Pero sabi nila, hindi pinakikinggan ng kasalukuyang Pangulo ang kanilang mga hinain, bagkus ay abala ito sa pagkokonsolida ng kapangyarihan.

Mistulang pagsasapribado

Kasama sa pangamba ng mga kawani ang tinatawag na de-coupling, o ang paghiwalay ng regulatory function sa marketing o proprietary function ng mga ahensiya ng gobyerno. Ayon kay Santiago Dasmariñas ng pangalawang pangulo ng Courage at presidente ng National Federation of Employees’ Associations of the Department of Agriculture(Nafeda), napupunta ang proprietary function sa pribadong entidad, at tumutungo sa pribatisasyon.

Kasabay nito, sabi ni Roman Sanchez ng NFA-Courage, walang-humpay din ang balakin na pagtanggal ng mga kawani sa pamahalaan na magiging sanhi ng mass lay-off.

“Tulad namin sa NFA, 15 taon na naming tinututulan itong patakaran dahil walang naidulot na kabutihan ito sa mga mamamayang Pilipino, tulad ng pagsasapribado sa Napocor, Petron, at MWSS (dating pampublikong mga entidad),” sabi pa ni Sanchez.

Dagdag pa niya, nangangamba sila na kapag isinapribado ang NFA sa pamamagitan ng de-coupling at ihiwalay ang regulatory function nito, mangyayari sa ahensiya ang tulad ng nangyari sa Energy Regulatory Comission (ERC).

ERC ang ahensiya ng gobyerno na dapat sana’y nagreregularisa sa serbisyo ng kuryente pero wala na ngayong ngipin para ipatupad ang mga rekomendasyon.

“Inutil lang ‘yung regulatory power sa grains industry, at patuloy na tumataason a monthly basis, or on a weekly basis ang presyo ng mga bilihin sa pamilihang-bayan, lalung lalo na ang bigas,” paliwanag pa ni Sanchez.

Habang nananatiling mababa ang sahod ng mga kawani, pinapatawan naman sila ng bagong mga buwis. <strong>Darius Galang</strong>

Habang nananatiling mababa ang sahod ng mga kawani, pinapatawan naman sila ng bagong mga buwis. Darius Galang

Di-nakabubuhay ang suweldo

Itinuloy ni Gaite ang matagal nang ipinapanawagan nila ang nakabubuhay na suweldo para sa mga kawani. Aniya, panawagan ng mga kawani ng gobyerno mula pa noong 2009 ang magkaroon ng P6,000 na dagdag sa minimum pay.

“Sa totoo lang, 5 years ago pa iyon. Ibig sabihin nga, dapat mai-adjust ang halaga dahil napakalayo ng minimum na sahod sa sinasabing nakabubuhay na antas,” diin niya.

Binanggit ni Gaite na sa kasalukuyan, ang pinakamababang antas sa gobyerno, ang Salary Grade 1 sa national government agencies ay tumatanggap ng P9,000 lang kada buwan.

Sa National Capital Region, sinasabing nasa P32,000 kada buwan, o mahigit P1,000 kada araw, ang tinatawag na cost of living, o halagang kailangan para mabuhay sa NCR. “Obvious na kung P9,000 ang sahod mo kada buwan, pero P32,000 ang kailangan mo, kahit tatlong ulit na palakhin ‘yung suweldo, hindi pa aabot doon sa cost of living,” sabi pa ni Gaite.

Pangamba pa niya na iilang opisyal lamang ng gobyerno ang makikinabang sa panukalang pagkakaroon ng Salary Standardization Law 4 bilang kapalit ng katatapos na SSL3. “Sa ilang panukala na narinig namin kay Sen. Antonio Trillanes III, iminumungkahi niya na itaas ang sahod ng P16,000 mula P9,000. Pero maghihintay ng limang taon bago mapunuan iyong dagdag na iyon,” batid ni Gaite.

Kasabay ng pagtanggi ng administrasyong Aquino sa dagdag-suweldo ng mga kawani, ipinapatupad naman nito ang dagdag-buwis sa kanilang natitirang mga benepisyo.

DAP, galing sa pondong pang-empleyado

Sinabi pa niya na sa P144 Bilyon na Disbursement Acceleration Program (DAP), mahigit kalahati nito’y nanggaling sa miscellaneous personnel benefits fund ng iba’t ibang ahensiya.

As defined, ito dapat ‘yung benefits na napupunta sa mga empleyado. Pero bunga ng implementasyon ng DAP, malaking bahagi ng DAP na iyon ay nanggaling sa pondo na sana’y ginawang benepisyo ng empleyado,” sabi pa ni Gaite.

Malaking bagay naman para sa mga kawani ng hudikatura ang kanilang benepisyo. Matatandaang umalma sila sa pagbabanta ni Aquino na tanggalin ang Judiciary Development Fund na pinagkukunan ng benepisyo ng mga kawani sa ahensiya.

Naganap ang pagbabanta matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang malaking bahagi ng DAP.

Kaya naman panawagan ni Mar Aguilar, bise-presidente ng Judea, na huwag nang pakialaman ng Aquino ang hudikatura, lalo na sa ginawang pagdedesisyon ng SC sa DAP.

“Nais pa ata niya na i-clip ang kapangyarihan ng Supreme Court dahil sa napipintong plano nila na magkaroon ng Cha-cha (Charter Change). Kaya kapag nagkakaroon ng Cha-cha, alam namin na magagalaw din ang kapangyarihan ng hudikatura na mawawala na ang checks and balance,” sabi pa ni Aguilar.

Definitely, wala na kaming inaasahan sa pamahalaang ito,” dugtong ni Gaite. “Dismayado ang mga kawani lalo na sa tinidg nito sa sinasabing pagtanggal daw o pag-alis ng korupsiyon. Lumalabas na mismong si Aquino ang tagapagdepensa at tagapagtaguyod ng pork barrel sa ilalim ng PDAF at DAP.”

Sinabi pa ni Gaite na sa kabila ng 13-0 na desisyon ng Korte Suprema sa DAP, iginigiit pa rin ng administrasyong Aquino ang gusto nito sa pamamagitan ng pagsumite ng motion for reconsideration at pagbago sa pagpapakahulugan ng “savings” sa 2015 badyet.

Kami’y kabilang na sa dumadaming bilang ng mga mamamayan na nananawagan na siya’y magbitiw, mag-resign,” pagpapatuloy ni Gaite. “Iyong (pagbabasura ng tatlong) impeachment (complaints) ay kitang kita na maniobra ng mga kasapakat nito sa Kongreso, na tulad ng panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo ay ginamit ang bilang ng mga tagasuporta ni Arroyo noon at ni Aquino ngayon para tiyakin na ibabasura iyong impeachment proceeding.”

“Pero mayroon pa ring alas ang mga mamamayan,” pagtatapos ni Gaite, “at iyon ay ang pagpapatalsik sa mga bulok at kurap na mga pinuno sa ating bansa.”

Sipa at Sumpa ng ‘Suhi’ sa Mindanao

$
0
0
Ang Komadrona sa Suhi. Larawan ng <strong>IPAG</strong>

Ang Komadrona sa Suhi. Larawan ng IPAG

Sa labas ng Rizal Mini-Theater ng Mindanao State University (MSU)-Iligan, Hilagang Mindanao, mapapansin ang upuan ni Salvador Dali na animo’y sumulpot sa kung saan: Perpekto ngunit nakabaliktad; di tunaw, ngunit tumpak ang pagkabitin sa tabi ng pintuan ng manonood, habang sa likod nito’y ang mata ng Komadronang testigo sa dalawang dekadang gera at animo’y naaagnas na kaharian.

Para sa mga estudyante at guro ng MSU Iligan, naging pamilyar ang upuang ito sa installation sa kampus bago ang pagbukas ng dula noong ika-8 ng Agosto 2014. Sa loob naman ng mala-Tanghalang Batute, muling matunghayan ang mga upuang nakalambitin nang patiwarik sa palibot ng ulunan ng manonood habang sa gitna ang istruktura ng organong pamproduksiyon ng babae tungong bahay-bata.

Pinatingkad ng disenyo nina Vicmar Paloma, Hermi Dico at Tres Roldan Cartera ang mahihinuha ng manonood mula sa dula: ang ugnayan ng Ina at Anak at ng Tagapagmanang Anak sa Lipunan.

Sa dula-sayaw na Suhi, naranasan ng manonood ang transcreation ni Steve Fernandez sa Oedipus Tyrranos, isang klasikong trahedya ng Gresya na sa sa tantiya ng mga historyador ay unang itinanghal noong 429 BCE. Tanyag din bilang Oedipus Rex o Oedipus the King, ipinapahayag ng dula sa panulat ni Sophocles (496 BCE – 406 BCE) na ang “gawang kamalian ng tao ang siya ring magdudulot ng pagbagsak o ikasasawi nito.”

Naranasan ito ni Oedipus, ang hari ng Thebes (matatagpuan sa Boeotia ng modernong Hilagang Gresya) na sa kanyang limot na malay ay pinatay ang kanyang amang si Hari Laius at pinakasalan ang sariling ina na si Reyna Jocasta. Sinasabing ang ‘di niya matanggap na buhul-buhol na pagkakamali’y isang propesiyang sa lumang paniniwala ng cosmic order ay ‘di maaaring suwayin ng tao.

Ang unibersal na diskusyon sa dula gaya ng kapalaran, kapangyarihan at kapasyahan ay salik sa popularisasyon ng dula at pagsalin nito sa pelikula man o entablado sa iba’t ibang bansa. Sa Pilipinas, ilan sa kilalang salin ay tinanghal ng Dulaang UP, Tanghalang Pilipino, Tanghalang Ateneo at Philippine Educational Theater Association.

Mula nang itinatag ang Integrated Performing Arts Guild (IPAG) noong 1978 sa pangunguna nina Steve Fernandez at Ligaya Fernando-Amilbangsa, ang mga dulang transcreation ay siya nang bumubuo ng repertoire ng organisasyon. Nakabase na ngayon sa Antipolo si Amilbang bilang artistikong direktor ng AlunAlun Dance Circle habang nagpapatuloy sa paglikha ng mga transcreation si Fernandez sa pamamagitan ng pananaliksik, pagsusulat at pagtatanghal bilang artistikong direktor ng IPAG.

Sa transcreation, “umiiral ang malikhaing proseso ng pagsasalin sa panahon at espasyo ng tektsong pampanitikan at pangdulaan.” Hinihiling nito ang transpormasyon at transplantasyon ng mga teksto, galaw, musika, tunog at iba pang kumbensiyon sa paglikha upang mag-anak ng isang adaptasyong maaaring angkinin ng isang komunidad o lipunan.

Sa muling paglikha ng kuwentong Oedipus, inilahad ni Fernandez ang ilang pulitikal at kultural na aspekto ng kalapit na probinsiya ng Maguindanao. Isang produkto ng pagsasanay sa pagsulat noong 2010, ang Suhi ay nabuo mula sa iskets ng Ampatuan Masaker na isang konkretong larawan ng pag-iral ng masangsang na eleksiyon sa ngalan ng tiwaling dinastiya.

Sa Impuni-Tree ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, nakatala ang 58 kababaihan at mamamahayag na pinatay sa munisipalidad ng Ampatuan noong Nobyembre 23, 2009. Hanggang ngayon, bulag ang Kagawaran ng Katarungan sa ehemplong ito ng paglabag sa karapatang pantao para sa pamamahayag at para sa buhay.

Iba-iba ang pagtanggap ng mga Pilipino sa suhing sanggol. Para sa ilan, ay suwerte. Para sa ilan, ito ay malas. Para sa mga nanay at doktor, ito ay hamon.

Para kay Fernandez, isang kasuhian ang naganap sa Maguindanao: kasuklamsuklam na kapangitan. Hindi binanggit ang Ampatuan Masaker sa dula, maging sa mga tala nito sa inilimbag na programa, ngunit sa mga karakter at wikang Binisaya-Tagalog ay maunawaan ang magkabilaang reyalidad ng karangyaan-kahirapan, ng kapangyarihan-kamangmangan at ng warlordismo-nasalaulang prosesong pangkapayapaan.

Gaya ng mga Koro sa Thebes, ang Taumbayan sa bangsa ng Adin ay iniiyak-inaawit ang kanilang matinding kalagayan sa gitna ng labanang Datu Udin (Michael Lagura) at Sampulna (absent actor). Sinasaad sa pambungad pa lamang na ang kinasadlakan na pamayanan na gutom, takot, sakit at kamatayan ay kaugnay ng nabubulok na pamahalaan.

Ang napatalsik na diktador na si Sampulna ay nagbantang salakayin ang puwersa ni Datu Udin upang magbalik sa puwesto. Nag-ipon siya ng lakas sa paniniwalang ang asawa ni Datu Udin na si Bai Mayi (Lara Espiritu/Elaine Baulete) ang siyang pumatay sa dating datu na si Layos. Samantala, ang paghiling niya ng pantubos/kolateral ay humantong sa paghahanap ng sanggol na anak ni Bai Mayi.

Nagkaroon ng interogasyon sa Komadronang (Jerrah Apelado) bitbit ang mahigit dalawang dekadang malupit na alaala sa pagpaslang kay Datu Layos sa araw din ng kapanganakan ng suhi. Marahas ang trahedyang Griyego, ngunit maingat ito sa pagpapakita ng karahasan sa entablado. Sa direksiyon ni Fernandez, tahasan namang ipinakita ang kalupitan sa Komadronang nagpatunay sa kaligtasan ng sanggol nang itinakas niya ito at ipinasa sa pangangalaga ng Saksi (Sheila Cañete). Ang pagbugbog at paglibak sa kanya ni Datu Udin, kasama nina Bai Mayi at Heneral (Christopher Lagos), ay pamilyar sa naratibo ng mga ikinulong sa panahon ng Batas Militar at maging sa kasalukuyang presong mahirap at o kaya mga may pampulitikang paninindigan.

Mahusay ang mala-babaylan na pagganap ni Apelado sa karakter ng matandang nagladlad ng sumpa. Mahinuha ni Datu Udin sa huli na ang kanyang inang-asawa’y siya ngang pumatay sa dating datu, samantalang ang kanyang malupit na kaaway ngayo’y siya mismong ama nito.

Gawa ng kahinaan sa pagsambit ng mga salita, maging sa pagtangan sa mga diyalogo sa tamang emosyon at pulso ng ilang aktor sa ilang eksena, maaaring di agad maunawaan ng manonood ang komplikasyong ito at sa huli’y umuwing lito kung “Bakit may mga babaeng naka-itim?”, “Sino nga ba ang suhi?, “Bakit sila nag-aaway?”, “Sino kung gayon ang ama ni Datu Udin?” at “Sino ang rebelde?”.

Maaaring masagot ang ilang tanong ng mas mahusay na teknik sa bolyum at intonasyon ng mga aktor at sensibilidad nito sa malapitang espasyo. Maaari rin itong masagot ng musika (Fernandez) na di lamang maghatid ng tunog-Maguindanao kundi’y makatulong upang higit na pumagting ang mga rebelasyon sa mga eksena na nakaapekto sa swabeng pag-unawa at pakidalamhati ng manunood sa mga karakter.

Kongkreto sa dula ang away-pamilya ng naghaharing-uri na bumibiktima sa pamayanan. Lumalabas din na ang kanilang bansa ay binubuo ng mga “rebelde” sa magkabilaang panig, sang-ayon sa aplikasyon ng salita sa sariling karanasan ng indibidwal at pagturing ng iba sa kanila.

Ang henchman na si Udoy (Miguel Joven Perfecto) ay nagrebelde noon sa pamamahala ni Sampulna kaya’t nakipagtulungan ngayon kay Datu Udin. Si Datu Udin naman ay dating aktibistang (“rebelde”) nanguna sa pagtuligsa kay Sampulna habang si Sampulna naman ay nagrerebelde ngayon sa pamamahala ni Datu Udin. Tanging si Bai Mayi ang may tangan ng talino kung bakit naganap ang ganitong salimuot samantalang ang banal na konsehong si Pandita (Julius Hechanova) ay tumayong tagapagitan.

Maaari ring pagtakhan kung bakit wala ang tipo ng “rebelde” mula sa Koro/Taumbayan. Sa isang palagay, hindi ito hiniling ng aksiyon sa dula, sapagkat hindi natumbok ang ugat ng “pagrerebelde” gaya ng usapin sa lupa/teritoryo lampas sa emosyonal na pagkariwara ng mga indibidwal. Kung gayon, maaari lamang tuldukan ng dula ang problema ng indibidwal pero hindi ang panlipunan. Bagamat sa kamalayan ng manonood, tiyak na kaugnay ng mayamang lupain sa bansa ang pag-iral ng nakakabaliw na dinastiya sa pulitika ng Pilipinas.

Dahil masakit ang katotohanan, binitay ni Bai Mayi ang sarili gaya ni Reyna Jocasta sa ilang bersiyon ng orihinal na teksto. Sang-ayon sa prinsipyadong pamumuno, isa itong aksiyon na magandang pagnilayan ng mga trapo kung ayaw nilang piliing magbago.

Hindi naman tinusok ni Datu Udin ang sariling mata gaya ni Oedipus. Pero nilabas nito ang baril. May kalabuan din kung ito ba’y pahiwatig ng pagpakamatay o tuluyang pakikipag-away kaya sa kanyang amang “diktador”. Sa parehong resolusyon, hindi nangangahulugang matatapos ang pasakit, katiwalian at kaguluhan.

Mahalagang banggitin ang mga namutawing ideya mula sa palabas ayon na rin sa mga manonood: “Walang sikretong hindi mabubunyag”; “Mananaig ang katotohanan”; “Ang pagtraydor ay nagdidiklap ng labanan”; “Ang kasakiman ay may karampatang parusa”; “Ang sinumang pinuno ay dapat lamang matino mag-isip at magdesisyon”; “Ang sinumang pinuno ay dapat dalisay ang pagsilbi sa taumbayan nang walang pansariling interes”; “Ang katumbas ng pagbigay-kapangyarihan sa maling tao ay karahasan/kahirapan”; “Matuto sa seryosong pakikinig sa panahon ng negosasyon”; at “Mas mainam pang mamatay nang may dignidad kaysa mabuhay na ulol”.

Sa bahagi naman ng paggalaw at pagsambit, mainam na mabanggit ang pinamalas ng Taumbayan/Koro na binuo nina Dianne Clemente, Blecy Cece, Kassandhra Suazo, Lauro Villanueva Jr., Veniza Yamomo, Gaspar Cortez Jr. at Trixcel Emborong. Nakapanghihinayang na hindi lubusang makalipad ang koryograpiya ni Leilani Fernandez gawa ng maliit na espasyo.

Kaugnay nito, sa 37 taong pag-ambag ng IPAG sa pagiit ng dulaan sa Mindanao at pag-unlad ng kasaysayan ng dulang Pilipino/Asya sa kabuuan, karapat-dapat sa organisasyon ang magkaroon ng mas malaking tanghalan at ibayong pagbubukas ng teatro sa mahahalagang usaping pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura gaya ng matinding militarisasyon at Muslim terrorist scare.


Kababaihan, nagtipon para labanan ang korupsiyon

$
0
0
Samu't saring aktibidad, tulad ng mga laro at kantahan--lahat may ugnay sa paglabans a korupsiyon--ang isinagawa ng kababaihan at mga bata sa Mehan Garden. <strong>Darius Galang</strong>

Samu’t saring aktibidad, tulad ng mga laro at kantahan–lahat may ugnay sa paglabans a korupsiyon–ang isinagawa ng kababaihan at mga bata sa Mehan Garden. Darius Galang

Pagbangon, pagpirma, pagsayaw, at masayang pagtitipon ang isinagawa ng kababaihan para irehistro ang nagkakaisang tinig nila laban sa korupsiyon, lalo na sa pork barrel system.

Nagtipon at nagprograma ang mga grupo ng kababaihan sa Mehan Garden noong Biyernes, Setyembre 12. Pinangunahan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala), Gabriela, Gabriela Women’s Oarty at One Billion Rising ang okasyon, sa tinaguriang “Women Rising Against Corruption.”

Festival siya, pero ang tema ay may koneksiyon sa pagbangon ng kababaihan,” paliwanag ni Gertrudes Libang ng Babala.

Sumama sa programa sina Sandra Cam, mga propesor at estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan at eskuwelahan. Maging ang pangkulturang mga grupo mula sa mga pamantasan tulad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay naghandog ng musika at talento para sa kasiyahan ng kababaihan at kabataan na dumalo. “Marami tayong speakers diyan na talagang ang sinasabi nila ano ang tingin nila sa nangyayari especially when it comes to the pork barrel,” sabi ni Libang.

Nakipag-usap si Monique Wilson sa mga mamamahayag pangkampus na nasa Mehan Garden. <strong>Darius Galang</strong>

Nakipag-usap si Monique Wilson sa mga mamamahayag pangkampus na nasa Mehan Garden. Darius Galang

One Billion Rising sa 2015

Kasabay ng naturang pagtitipon, inisyal na inilunsad naman ng mga grupong pangkababaihan ang One Billion Rising (OBR). Sa ikatlong taon ng kampanya para wakasan ang lahat ng klase ng karahasan sa kababaihan, dadalhin ng OBR sa 2015 ang temang “Rebolusyon”. Sa konteksto ng Pilipinas, nangangahulugan ito ng pagbabago ng sistema sa pulitika, ekonomiya at kultura.

Kasi ‘yung gusto nating makamit ay systematic change na talaga,” diin ni Monique Wilson, global director ng OBR at miyembro ng Gabriela. “Hindi lang justice kundi change na rin ng sistema.”

Naniniwala si Wilson na hindi maihihiwalay sa violence against women ang isyu ng korupsiyon. “Iyong economic violence, na pinakamatinding violence sa ating kababaihan, 80 porsiyento sa kababaihan natin ay wala nang makain at napupuwersa nang mangibang bansa para magtrabaho,” aniya.

Ang hindi natin naririnig madalas sa midya ay ano ba ‘yung particular effects sa kababaihan natin ng korupsiyon,” dugtong pa niya.

Nangolekta ng lagda ng mga rehistradong botante ang Gabriela at Gabriela Women's Party. <strong>Darius Galang</strong>

Nangolekta ng lagda ng mga rehistradong botante ang Gabriela at Gabriela Women’s Party. Darius Galang

Pirma kontra kurakot

Dahil dito, sinusuportahan ng mga Gabriela, gayundin ng OBR-Philippines ang paglikom ng pirma para sa People’s Initiative to Abolish the Pork Barrel System (PIAP). Layon ng inisyatiba na makalikom ng anim hanggang sampung milyong lagda ng opisyal na mga botante sa Pilipinas para makapagpasa ng isang panukala para sa isang plebisito na magbabasura sa sistema ng lump sum appropriations o pork barrel.

Continuing naman ang efforts natin para sa pagbangon ng kababaihan sa maraming isyu na kanilang kinakaharap,” dugtong ni Libang. “Kaya sa sa mga komunidad na naroon ang Gabriela, palaging magkakaroon ng sign-up. Ganoon din ang mga lugar na maabot ng organisasyong Babala, at palagay ko kahit ang network ng One Billion Rising, kalahok sila sa gawaing ito.”

Ito ang unang pagtitipon na inorganisa ng mga grupo ng kababaihan. Pero ani Libang, maaaring sundan pa ito sa iba pang lugar. “Maaari ring magkaroon ng ganito sa ibang mga lungsod,” pagtatapos niya.

Ang whistleblower na si Sandra Cam, nakiisa sa pagtitipon ng kababaihan kontra korupsiyon. <strong>Darius Galang</strong>

Ang whistleblower na si Sandra Cam, nakiisa sa pagtitipon ng kababaihan kontra korupsiyon. Darius Galang

Palparan transfer to military camp proves gov’t coddles rights abusers, groups say

$
0
0
Bring back Palparan to a regular jail calls activists as they held a protest in front of Camp Aguinaldo.Contribution

Bring back Palparan to a regular jail calls activists as they held a protest in front of Camp Aguinaldo. Contribution

Human rights and progressive groups are up in arms over the Malolos court’s decision to transfer former General Jovito Palparan to the Philippine Army Custodial Center in Fort Bonifacio, Taguig City.

The groups called for the detention of Palparan in Bulacan Provincial Jail.

Citing supposed threat to the ex-general’s security, the Regional Trial Court Branch 14 granted Palparan’s petition to be detained in the custody of Philippine Army. This despite objection from the prosecution team that argued that transferring Palparan to the custody of his former subordinates in the Army constituted special treatment.

Edre Olalia, lawyer and secretary-general of the National Union of People’s Lawyers (NUPL), said that the decision will set a bad precedent and that the threat poised by Palparan’s counsel was speculative.

“(It) does not answer the question, ‘Why should a civilian be detained in a military facility?’ (And) why, for heaven’s sake, will Palparan be detained, in all places, his old stomping grounds in the headquarters of the Army?” said Olalia.

Concepcion Empeno, mother of missing UP student Karen, was in tears after the hearing. She said, addressing the ex-general, “You’re in a better position, Gen. Palparan. You’re in jail. Your children and your wife can visit you. How about my daughter, where is she now?”

“The basis of the decision is unclear. The police warden of Bulacan Provincial Jail Col. Flamenco admitted in court that his basis for the so-called threat to Palparan’s life is purely speculative,” Lorena Santos, secretary general of Desaparecidos said.

Rights groups said that the decision proved that the government and the military have coddled Palparan, adding fuel to speculations that his arrest was just a grand design.

“The Aquino regime and the AFP (Armed Forces of the Philippines) will never ever allow the likes of Palparan to be jailed. (It is) because the arrest and jailing of Palparan is an indictment of the whole AFP, which abounds with Palparan clones,” said Cristina Palabay, secretary-general of Karapatan.

Palabay added that the Aquino administration did not have in mind safety and security of its citizens “not only in terms of the pervading criminality but also in terms of the continuing rights violations.”

Progressive groups, meanwhile, said that the transfer of Palparan amounts to a homecoming for a “notorious human rights violator”.

“It is a grave insult to the families of the victims of extrajudicial killings, human rights abuse, torture and disappearances,” said Vencer Crisostomo, Anakbayan national chairperson.

Elmer Labog, Kilusang Mayo Uno chairperson, said that workers are “enraged” that “a mass murderer is set loose and allowed to continue his reign of terror inside the comforts of an AFP camp”.

“Palparan’s transfer from a regular jail to the custody of the commander-in-chief and the military further contributes to the climate of impunity in the extra-judicial killing of political activists,” Antonio Flores of the Kilusang Magbubukid said.

During Palparan’s stints as commander in different military units across the country, scores of civilians and activists allegedly became victims of human rights violations, from harassment and torture to enforced disappearance and extra-judicial killing.

Two of Palparan’s co-accused, Col. Felipe Anotado and S/Sgt. Edgardo Osorio are also at the Philippine Army Custodial Center. Palparan is facing charges of kidnapping with serious illegal detention for the disappearance of Karen Empeno and Sherlyn Cadapan.

Multo ng nakaraan

$
0
0
Nora Aunor bilang babaing may dementia.

Nora Aunor bilang babaing may dementia.

Rebyu ng Dementia, pelikulang dinirehe ni Perci Intalan, mula sa iskrip nina Perci Intalan at Jun Lana, tampok sina Nora Aunor, Jasmine Curtis Smith, Yul Servo, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, at Althea Vega. Na-test screen noong Setyembre 10, 2014 sa Greenhills Theater Mall, San Juan City

Hindi ko inaasahang isang horror-suspense drama ang Dementia. Wala man lang kasi akong nabasang anuman o napanood na trailer tungkol dito.

Kaya ang akala ko ang istorya ay iikot sa kung paano pakikitunguhan ang pagiging ulyanin. Hindi pala.

Pero sa salitang “dementia” mataas na kaagad ang ekspektasyon ko sa pelikula lalo’t si Nora Aunor ang bida. Kaya maaga pa’y sumugod na ako sa Greenhills Theater Mall, kung saan ginawa ang test screening, noong Setyembre 10.

At hindi ako nabigo. Dinala ni La Aunor ang pelikula. Kay Nora, di na masyadong kailangan ang diyalogo, dahil sa mata pa lang ay may drama na. Lahat ng emosyon ay ipinakita at ipinadama niya – lungkot, galit, takot, gimbal. Kulang na lang na tawagin ko ang pelikulang ito ng “The Eyes.”

Liban dito, bawat kilos at galaw ni Nora ay kapani-paniwala. Hahatakin at hahatakin niya ang manonood sa mga eksena, na para bang kasama ka na niya sa telon. Hindi pilit. Hindi garapal. Subtle, ika nga sa Ingles.

Kung masaya siya napapangiti ka, kung malungkot nag-aalala ka, kung nagigimbal natatakot ka. Kaya para lamang makita kung gaano siya kahusay na artista, sapat nang panoorin ang pelikula.

At manonood na mismo ang magsasabing isa siyang tunay na pambansang artista.

Samantala, medyo kakaiba ang istorya ni Jun Lana. Kuwento ito ng isang may edad na babaing may dementia na iniuwi sa Batanes ng pinsang si Bing Loyzaga. Balikbayan si Bing, na inalagaan ni Nora, at sa pagmamahal ni Bing ay isinama si Nora na dumalaw sa probinsiya.

Pagkakita pa lamang sa lugar, sa mga talampas at alon, at sa bahay na bato, alam mong dito’y may maaalala si Nora.

Pero tulad ng isip na isang taong may dementia, gayundin muna tumakbo ang istorya – flashes of memory na hindi mabuo-buo ang kuwento. Unti-unti ang pagluluwal ng istorya at madalas hinahanap mo sa isip kung saan ka ba talaga dadalhin ng kuwento. Suspense, ika nga, na mahusay namang natahi bandang huli, tulad ng pagkakabuo ng pieces of puzzle na ginagawa ni Nora.

Lamang, kapansin-pansin ang pagluwag sa characterization. Halimbawa’y hindi naging malinaw kung bakit galit si Nora kay Yul Servo, na asawa ni Bing sa pelikula, gayong ipinapakitang mabait na bata naman si Nora na nag-alaga pa ng isang baliw. Hindi rin malinaw kung paanong naging pinsan ni Nora si Bing, gayong adopted lang si Nora. O paano sumulpot sa buhay ni Nora si Bing.

Kung baga, may mga bahaging hindi consistent sa mga tauhan.

Pero consistent ang ganda ng cinematography. Nahuli nito ang nakamamanghang kalikasan ng Batanes, at ang katahimikan at kalagayang parang pinag-iwanan ng panahon ang lugar ay umakma sa mood ng pelikula at sa katayuan ni Nora na may dementia.
Sabihin pa, mahusay na naiugnay ang paligid sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Nora.

Kung ito naman ang unang pelikula ni Percival Intal bilang direktor, bagaman may mga bahaging dragging at napabilis at napaigsi pa sana, ito ay magandang simula na. Isang pelikula ito na irerekomenda ko sa aking mga kaibigan, hindi lamang dahil kay Nora kundi dahil may gems sa pelikula. Hindi ko nga lang masasabing gem ang musika. Maganda sana ang tunog pero sa sobrang lakas nakakatulig na sa tenga at umaagaw na sa mga eksena.

Gayunman, pinakagusto ko ang huling eksenang nagsusulat si Nora sa ospital at pilit inaalala ang mga nakaraan. Sa huling talata, binura niya ang salitang “itinulak” at pinalitan ng “tumalon.” ‘Yun na ‘yon. ‘Yung single scene na ito ang nagtahi at nagpaliwanag ng maraming katanungan sa buong istorya.

Nang lumabas ako ng sinehan, hindi ko maiwasang mapangiti na rin. Sumagi sa aking isip na sana, ang mga bulok na pulitiko sa ating bayan, ay multuhin ng kanilang mga nakaraan sa mga kasalanang ginawa nila sa bayan. Sa gayon, may nagagawa rin pa lang buti ang dementia.

Photos | Aquino visit to Belgium met with protest by Filipino migrants

$
0
0
Brussels -- Members of Migrante Europe held a protest rally yesterday outside castle Val Duchesse where Pres. Aquino met with business leaders in Belgium. The protesters, led by Pastor Cesar Taguba, chairperson of Migrante Europe, called for the solidarity of European friends in asking foreign governments to stop political support and aid to the Aquino regime, which they branded as corrupt and oppressive. (Jon Bustamante)

Brussels — Members of Migrante Europe held a protest yesterday outside the castle Val Duchesse where Pres. Aquino met with business leaders in Belgium. They called for the solidarity of European friends in asking foreign governments to stop political support and aid to the Aquino regime, which they branded as corrupt and oppressive. Jon Bustamante

Members of Migrante Europe in Brussels called Pres. Benigno Aquino III a "human rights violator" and urged the Belgian government to withdraw support to his administration. (Jon Bustamante)

The protesters were led by Pastor Cesar Taguba, chairperson of Migrante Europe, who called Pres. Benigno Aquino III a “human rights violator.” Jon Bustamante

 

ESKINITA Episode 5 | #Throwback Kabataan

$
0
0

 

Eskinita 5 posterSa #Throwback Kabataan, inusisa ng Eskinita host na si Noel Colina kung ano na nga ba ang pag-asa ng mga kabataan na makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang mga pangarap. Sa panayam sa mga kabataang tipikal at di-tipikal, makikita ang alternatibong mga pananaw sa edukasyon at pagsisilbi sa bayan.

 
 
 

Host: Noel Colina

Direksiyon: JL Burgos

Cinematography: King Catoy, JL Burgos, Ilang-Ilang Quijano & Eric Tandoc

Production Management: Victoria Domingo

Editing: JL Burgos & Kamuning

Motion graphics: Karla Ujano

Script: Michael Andrada & Ilang-Ilang Quijano

Additional Online Editing & Sound Mix: King Catoy

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>