Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Silang walang tahanan

$
0
0

Walong buwan na matapos ang unang malakihang okupasyon ng mga maralitang lungsod na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga pampublikong pabahay sa Pandi, Bulacan.

Sa kabila nito, tila hindi pa rin tinutupad ng gobyerno ang mga pangako nito sa mga maralita. Hindi pa rin nabibigyang katuparan ang pangako ni Pangulong Duterte na ipapamahagi na sa kanila—at sa maraming iba pa—ang libu-libong pampublikong pabahay na pinagawa ng gobyerno pero nanatiling nakatiwangwang at nabubulok.

Sa lakas ng kampanya ng Kadamay, natulak na maglabas ang Kamara ng House Resolution 15 at ang Senado ng Senate Resolution 7 na nagrerekomendang ipamahagi na sa mga maralitang walang bahay ang lahat ng nakatiwangwang na mga pampublikong pabahay.

Pero “resolusyon” pa lang ito, samantalang patuloy pa ring tumitindi ang krisis sa kalawang-pabahay ng milyunmilyong Pilipino.

Unang okupasyon

Madaling-araw ng Marso 8. Humigit-kumulang 6,000 yunit ng pampublikong pabahay sa Pandi ang inokupa ng mga miyembro ng Kadamay. Ang mga nag-okupa, pawang mga maralitang walang-bahay at mga relocatee na pinalayas mula sa kanilang mga bahay sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Matapos ang okupasyon, nakatanggap ang mga maralita ng mga banta ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Nagbanta ang lokal na gobyerno, gayundin ang pulisya at National Housing Authority (NHA). Samantala, halos naging regular ang panlalait ng ilang personalidad ng midya at trolls sa social media.

Pero kahit pa. Epektibong nabuksan ng okupasyon ng Kadamay ang isip ng madla: Sa isang banda, nariyan ang malawakang kawalan ng pabahay sa mga maralita at kakulangan ng empleyo o kabuhayan sa kanila. Sa kabilang banda, nariyan ang 49,411 yunit ng pampublikong pabahay sa mga pulis at militar na nakatiwangwang at nabubulok, hindi natitirhan.

Gaano ba kalala ang homelessness o kawalan ng tahanan sa mga maralita? Tantiya mismo ng gobyerno, sa Metro Manila pa lang, umabot sa 3.1 milyong katao ang walang sariling tahanan— mga pansamantalang naninirahan sa pampubliko mga lupain (tulad ng bakanteng lote, parke, kalsada) o kahit sa iilang pribadong lote, gayundin ang mga renter at/o sharer na rumerenta rin ng espasyo (kuwarto, maliit na lugar) o nakikitira sa mga tahanan ng kapwa nilang maralita.

Grabe ang lala ng kawalan ng tahanan sa bansa. Sabi pa mismo ng United Nations Commission on Human Rights o UNCHR, ang Metro Manila ang nangunguna sa buong mundo sa bilang ng mga maralitang walang tahanan.

Kaya makatwiran

Sa ganitong konteksto kaya kauna-unawa ang pagookupa ng mga maralita sa mga pabahay sa Pandi.

“Kalunus-lunos na hindi nagamit ang mga bahay na ito (mga pampublikong pabahay) para sa mga walang-tahanan. Pinatatagal ng mga delay ang paghihirap ng marami sa pinakamahihirap at walang-pribilehiyo ng bansa,” pahayag ng Kadamay.

Matapos ihayag ni Duterte ang pagpahayag na ipamahagi na raw sa mga nag-okupa nito ang mga pabahay sa Pandi, naglunsad ng serye ng “validation” (o pagtitiyak na kuwalipikado ang mga maralita) sa kanila ang NHA. Pero sa tagal ng inabot na panahon, duda na rin ang Kadamay sa kaseryosohan ng NHA at administrasyong Duterte na talagang kilalanin ang karapatan nilang manirahan doon.

“Taliwas sa mga pahayag ni Duterte, nagsasagawa ng validation ang mga opisyal (ng NHA) sa mga okupadong lugar hindi para magbigay ng tahanan, kundi para magdiskuwalipika, digawing- lehitimo, at kalauna’y palayasin ang mga nag-okupa,” sabi pa ng Kadamay.

Korupsiyon

Bakit pinababayaan ng NHA at pribadong mga kontraktor nito na matiwangwang at mabulok ang mga pabahay?

Para sa Kadamay, may kinalaman ito sa malaking pondo na inilaan noong nakaraan (at inilalaan pa rin ngayon) ng gobyerno sa (dapat sana’y) serbisyong pabahay nito. “May malakas na ebidensiya na na ang mga proyektong pabahay ay ‘elepanteng puti’ (white elephant) na ginagamit para kumita ang mga opisyal ng pabahay at mga kapartner nilang mga debeloper at kontraktor,” ayon sa grupo.

May kabuuang P112-Bilyong pondo ang gobyerno (noong nakaraang administrasyon) na inilaan para sa pampublikong mga pabahay na ito. Ang naitayo lang ng pondong ito: 190,000 pabahay. Kabilang sa kondisyon diumano ng kontrata ng mga debeloper ang garantiya ng NHA na mababayaran nang buo ito—matirhan man o hindi ang mga pabahay. Noong nakaraang taon, umabot sa P15.2-B ang ibinayad ng NHA sa mga debeloper.

Sa Pandi, Bulacan, ayon kay Ron Villegas, researcher ng Crispin B. Beltran Resource Center (CBBRC), umaabot sa P250,000 ang halagang pinababayaran ng NHA sa mga titira sa bawat bahay. Kung titingnan ang mga yunit ng mga pabahay (kabilang ang nasa Pandi, Bulacan), makikita na mababa-sa-istandard (substandard) ang naturang mga yunit. Kaya nga hindi kataka-taka na tumanggi ang mga pulis at militar na tumira sa mga yunit sa Pandi, gayundin sa iba pang mga pabahay, tulad ng sa Bustos at sa Bocaue, Bulacan.

Ani Villegas, dahil sa kawalan ng tugon ng gobyerno sa krisis sa pabahay ng mga maralita, hindi maiiwasan ang isa muling bigwas ng okupasyon ng mga maralita ang magaganap sa malapit na hinaharap.


Pagkilala ng Kongreso sa krisis sa pabahay

Dahil sa okupasyon ng Kadamay sa 6,000 pampublikong pabahay sa Pandi noong Marso, natulak ang mga mambabatas na tuunan ng pansin ang penomenon ng nakatiwangwang na mga pabahay, gayundin ang matinding kawalan ng tahanan ng mga maralita.

Sa Kamara, inaprubahan ang panukala ni Negros Occidental Rep. Alfred Benitez (na siya ring tagapangulo ng House Committee on Housing and Urbang Planning) na House Resolution No. 15. Sa Senado naman, inaprubahan na rin ang Senate Resolution No. 7 ni Sen. JV Ejercito.

Sa pinagkaisa o joint resolution na ito, inirerekomendang igawad na sa mga maralitang walang bahay ang mga pabahay na naunang iginawad na (at iyung hindi pa iginawad) pero nakatiwangwang na mga pabahay para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Corrections.

Kinikilala ng naturang resolusyon na “nabigo” ang programa ng gobyerno sa pabahay. Ayon kay Benitez, umaabot lang sa 8.09 porsiyento (o halos isa lang sa bawat sampung pampublikong pabahay) ang naookupahan ngayon ng mga benepisyaryo nito.

Dahil sa dami ng tiwangwang na mga pabahay, maaari na umanong magtukoy ang NHA ng alternatibong mga benepisyaryo tulad ng mga guro sa pampublikong mg apaaralan, mga empleyado sa lokal na gobyerno, mga empleyado ng barangay at mga maralita o informal settlers tulad ng mga miyembro ng Kadamay.


 


Bungkalan at hustisya sa Luisita

$
0
0

Mabuti kung sa bawat subo ng kani’y naaalala ang mga magsasakang nagtatanim ng palay pero walang maisaing. Pero mas mainam kung sasamahan sila sa kampanyang bungkalan. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita, 13 taon ang nakakaraan matapos ang masaker.

Daan-daang magsasaka sa Hacienda Luisita ang patuloy na ipinaglalaban ang kanilang lupa na nasa kontrol ng Luisita Land Corp. (LLC) at Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na pagmamay-ari ng mga asenderong pamilyang Cojuangco-Aquino at Lorenzo.

Ang may 200-ektaryang lupain sa paligid ng Barangay Balete at Cutcut ay binubungkal pa rin ng mga magsasaka at produktibong pinag-aanihan ng mga pananim tulad ng monggo, ampalaya, at iba pang pagkain. Ang 500-ektaryang lupain naman na kuwestiyonableng ibinenta ng LLC sa RCBC ay binakuran para hindi mataniman ng mga magsasaka sa asyenda.

Nagkaroon ng pag-asa ang mga magsasaka nang maging kalihim ng Department of Agrarian Reform si Rafael “Ka Paeng” Mariano. Tumaas ang diwa ng mga magsasaka, lalo na sa Hacienda Luisita, dahil galing sa uring anakpawis ang kalihim ng ahensiya ng repormang agraryo.

Para sa DAR na noo’y nasa pamumuno ni Mariano, labag sa batas ang land use conversion order na hinihingi ng RCBC at LCC para palitan ang gamit ng 500-ektaryang lupain sa loob ng bakod mula agrikultural pa-industriyal. Ibig sabihin, sa halip na taniman ng pagkain ang malawak na lupain, gagamitin ito ng RCBC sa anumang nais nilang industriya na itayo dito.

Ikinulong sa malawak na kongkretong bakod na may kuryente at barbed wire. Sa panulukan ng bakod, may matataas na guard tower na 24-oras na may bantay. Ayon sa mga magsasaka ng asyenda, ang malawak na lupai’y minadaling ibenta ng LLC sa halagang bilyun-bilyon bago pa lumamabas ang desisyon ng Korte Suprema sa pamamahagi ng lupain.

Ngayon, nakatiwangwang ang matabang lupang namumunga sana ng pagkain. Di-nagpapatinag ang mga magsasaka sa mataas na bakod at mahahabang baril ng mga guwardiya. Ilang beses nang binuwag ng mga magsasaka ang mga pader dahil alam nilang makatuwiran ang pamamahagi nito. Pero bakit wala pa ring lupa ang mga magsasaka?

Dahil bukod sa mga binibitawang salita tungkol sa galit umano niya sa mga “dilawan,” walang kongkretong hakbang si Pangulong Duterte para buwagin ang pader na itinayo mismo ng kanyang mga “kaaway” sa palibot ng asyenda.

Pumayag si Duterte, noong hindi pa natatanggal bilang kalihim ng DAR si Mariano, sa pagpapatupad ng dalawang taong moratorium sa land use conversion pero kailanman ay hindi ito naglabas ng executive order (EO) para maisabatas at panagutin ang lalabag dito.

Parang ningas sa tuyong dayami kung magpasiklab noong eleksiyon ng tirada si Duterte sa mga “dilawan,” mga kakampi at kaalyado ng dating Pres. Benigno Aquino III. Kasing-bilis din ng apoy kung kumalat sa kanyang mga tagasuporta ang binibitawan niyang salita. Naakit niya ang mga mamamayang galit at pagod na sa panloloko ng asenderong pangulo na si Aquino.

Pero hindi sapat ang salita, ang kailangan ng mga magsasaka’y lupa. Sa ika-13 taon ng masaker sa Luisita, lumabas na ang tunay na kulay ni Duterte. Maaaring iba ang timpla, pero hindi naman nalalayo sa dilaw.

Para sa mga martir na nagdilig ng dugo sa lupa ng Luisita, tuloy ang bungkalan sa asyenda.


Featured photo: Bungkalan sa Hacienda Luisita, larawan mula sa Luisita Watch FB Page

Ang tunay na ‘Justice League’

$
0
0

Hirap si Karl na itaguyod ang kanyang pamilya. Sanggol pa lang ang unang anak nila ng asawang si Jenny. Hindi sila makapagbayad ng renta sa bahay. Kahit ang kasambahay, hindi masahuran. Pero wala silang pagsisi. May misyon sa buhay sina Karl at Jenny.

Anak ng may-ari ng pabrika si Fred. Bahagi rin siya ng manedsment nito. Isang araw, tinipon ng kanyang ama ang mga manggagawa. Inusisa nito kung sino ang nanabotahe sa produksiyon. Nagsalita ang isang babae, hindi para sagutin ang usisa kundi para magtanong: Wala na bang halaga ang buhay nila sa mga amo? Noong nakaraang linggo lang, may manggagawang naputulan ng kamay. Sisante ang babae.

Ito ang ilan sa unang mga eksena ng The Young Karl Marx, isang pelikulang nasa wikang Pranses, Aleman (German) at Ingles (may subtitles na Ingles, para sa ating mga Pinoy na nakakaintindi sa wikang ito). Dinirehe ito ng isang Haitian, si Raoul Peck. Ang paksa nito, isang yugto sa buhay ng dakilang mga manunulat, pilosopo at rebolusyonaryong Aleman na sina Karl Marx at Friedrich Engels. Nagsimula ang pelikula sa pagkakakilala nila. Tumuloy sa paglahok sa organisasyon ng mga anakpawis sa Europa na League of the Just. Nagwakas ito sa pagkakasulat nila sa The Communist Manifesto.

Sa pelikula: sina Fred, Lizzie, Karl, Mary, Jenny at mga anak nina Karl at Jenny.

Sa pelikula: sina Fred, Lizzie, Karl, Mary, Jenny at mga anak nina Karl at Jenny.

Hindi mahirap tangkilikin ang kuwento ng pelikulang ito. Buo ang pagkatao ng mga karakter. Makikita nating ganap na tao sina Marx at Engels. Di maitatanggi, kahanga-hanga ang pagkatao nila, pati ni Jenny at manggagawang kasintahan ni Engels na si Mary Burns. Angat sa mga kakontemporanyo nilang intelektuwal sina Marx at Engels. Pero nasa konteksto ng tumitinding kontradiksiyon sa lipunang Europeo ang kanilang mga buhay. Nasa eksaktong panahon sila kung kalian nagsisimulang umusbong ang mga kilusang manggagawa at maralita para itulak ang radikal na mga pagbabago.

Bagamat kinikilala ng kuwento ang henyo ng dalawa, ipinamamalas din nito na iniluwal ng tumitinding kontradiksiyon ng mga uri sa lipunan ang pagkakabuo ng Marxistang pilosopiya. Ipinamalas din sa pelikula na nakatuntong ang ideya nina Marx at Engels hinggil sa katangian ng kapitalismo kapwa sa nakaraang mga pag-aaral ng naunang mga intelektuwal at sa nabubuo at lumalakas na mga kilusang masa sa Europa.

Sa mga aktibisitang Pinoy na maaaring makapanood sa The Young Karl Marx, magkakaroon ng mukha at boses ang dating nababasa at nakikita lang sa mga kuwadradong larawan ng “dakilang mga lider”. Sa kanila, lalong magiging kahanga-hanga sina Marx at Engels, hindi lang dahil sa katumpakan ng mga ideya nila bilang gabay sa pagkilos at pagrerebolusyon, kundi dahil nagiging buhay na halimbawa sila sa kataga ng isa pang “dakilang lider” – si Mao Zedong – na “hindi nahuhulog mula sa langit ang mga ideya hinggil sa mundo.”

May dagdag na pang-akit din ang pelikula: ang sensibilidad ng henerasyong milenyal (millennial). Hindi mahirap makita ng kabataan ang sarili nila kina Marx at Engels. Mapusok at mapangarap ang kabataan. Bukas sila sa mga ideya at sa pagtugon sa hamon ng paglahok sa panlipunang pagbabago.

Balakid para sa mga Pinoy, kahit sa mga aktibista, ang akses sa pelikulang ito. Malamang na walang balak ang distributors sa Pilipinas ng dayuhang mga pelikula na ipalabas ito rito. Pero may mga paraan para mapanood ito, lalo na sa Internet. Hadlang din ang dayuhang lengguwahe ng pelikulang tulad ng The Young Karl Marx. Pero kung kakayanin namang masabayan ang Ingles na subtitles, may pakinabang sa atin ang panonood ng, at pagmumuni sa, pelikulang ito.


 

Ang hiling sa DepEd ng kabataang Lumad

$
0
0

Ingay mula sa busina ng saksakyan at nagtataasang gusali ang bumubungad sa mga katutubong Lumad sa pagbukas ng kanilang mata. Malayo sa payapang lugar na kinagisnan nila, sila’y narito sa Kamaynilaan dala ang kanilang mga panawagan.

Kabilang si Rosielyn Yambanao, Grade 10, sa maraming batang Lumad na nasa Kamaynilaan ngayon. Narito siya dahil sapilitan silang pinaalis ng mga militar sa kanila mismong komunidad.

Sa murang edad, nasaksihan ni Rosielyn ang ilang pangaabuso at pandarahas ng Estado. Saksi rin siya sa pagpapasara at pambobomba sa kanilang paaralan at pagpaslang sa kanilang mga kamag-aral at mga lider.

“Gobyerno pa ang nagsasabi na lugar ng kapayapaan ang paaralan. Sila din mismo ang nagsasabi na karapatan ng mga estudyante ang mag-aral. Pero bakit ngayon kami mismo ang nagtayo ng paaralan na ni piso walang naitulong ang gobyerno, basta basta nila ipapasara, binobomba pa nila?” tanong ni Rosielyn.

Kinakalampag ng mga bata at child rights activists ang DepEd para kilalanin ang kanilang mga paaralan sa mga komunidad ng mga Lumad. <b>Eule Bonganay/Salinlahi</b>

Kinakalampag ng mga bata at child rights activists ang DepEd para kilalanin ang kanilang mga paaralan sa mga komunidad ng mga Lumad. Eule Bonganay/Salinlahi

Kasangkapan ng militar

Kamakailan, nagtayo ng kampuhan ang mga kabataang Lumad, mga guro at tagasuporta nila sa tapat ng tanggapan ng Department of Education (DepEd). Ipinapanawagan nila ang pagbasura sa DepEd Memorandum 221.

Ang DepEd Memo 221 o Guidelines on the Protection of Children During Armed Conflict ay mariing tinututulan ng grupong Save our Schools (SOS) Network. Ayon sa kanila, ito’y magpapalawig lang sa paglabag sa karapatang pantaong dinaranas ng mga katutubong estudyante.

“Ibasura na sana ang DepEd Memo 221 dahil iyon po ay nagbibigay laya sa mga kasundaluhan na pumasok sa silid-paaralan at sa pampublikong mga lugar. Ito po’y magdudulot lang ng paglabag sa karapatan ng mga bata,” ani Leah Sera, guro ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc.

Isa sa nais ng SOS Network at mga estudyanteng Lumad na sila’y harapin ni DepEd Sec. Leonor Briones at makiisa sa kanilang pagkondena sa tumitinding militarisasyon at pagpapalayas sa mga militar sa kanilang lugar. Ngunit sa nakalipas na ilang araw na pagkampo, walang anino ng kalihim o ng sino mang opisyal mula sa DepEd ang nais humarap at makipagusap sa kanila.

Kabilang pa sa bitbit nilang panawagan ang pagbibigay sa kanila ng kagawaran ng permit-to-operate. Tutal hindi naman naaabot ng gobyerno ang kanilang paaralan, ayon sa kanila, sila na mismo ang tutulong sa kanilang sarili.

Dagdag pa nila, kumpleto na sila sa requirements upang magpatakbo ng isang paaralan. Anila, patunay ito na hindi nakikinig ang gobyerno sa kanilang mga katutubo. Ang masama pa, kasabwat ang DepEd ng mga militar sa pagsupil sa kanila at patuloy na nagbibingi-bingihan sa kanilang panawagan.

“Hindi ko alam sa institusyong (DepEd) ito kung saan humuhugot ng lakas ng loob na magbingibingihan sa lakas ng ating mga panawagan,” sambit ni Kabataan Rep. Sarah Elago.

Samantala, sabik na ang mga batang tulad ni Rosielyn na makabalik sa kanilang komunidad. Pero paano sila makakauwi kung kabi-kabilang banta ng pagpapasabog sa kanilang paaralan ang naghihintay sa kanila? Ang hiling nila sana, suportahan man lang sila ng ahensiya ng gobyerno na dapat ay sumisiguro sa pag-aaral nila.

Ang hiling nila, suporta ng iba pang sektor na nakakaunawa at sumisimpatya sa laban nila para sa kapayapaan at kanilang kinabukasan.

Nakiisa si dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa pagsayaw ng kanta para sa kampanyang One Billion Rising, kasama si Monique Wilson, ang mga grupong Gabriela, Salinlahi, at iba pa, para bigyang suporta ang kampuhan ng SOS Network sa harap ng Department of Education. <b>KR Guda</b>

Nakiisa si dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa pagsayaw ng kanta para sa kampanyang One Billion Rising, kasama si Monique Wilson, ang mga grupong Gabriela, Salinlahi, at iba pa, para bigyang suporta ang kampuhan ng SOS Network sa harap ng Department of Education. KR Guda


 

Sinayang na tagumpay ng usapan

$
0
0

Tatlong araw na lang sana bago ang pormal – pero sikreto – na pagbubukas ng ikalimang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng administrasyong Duterte at rebolusyonaryong kilusan nang biglaang inanunsiyo ni Pangulong Duterte na hindi na siya interesado sa makipag-usap.

At hindi lang iyun: Sa harap ng midya, katabi ang mga oligarko tulad ng mga Ayala na dati niyang minumura, inanunsiyo rin niyang magkakaroon ng crackdown ang gobyerno laban sa legal na Kaliwa na binabansagan niyang kakampi ng rebolusyonaryong National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ilang araw matapos nito, inanunsiyo na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang matagal na nitong pinapatupad: ang paglulunsad ng all-out war o lahatang-panig na giyera ng gobyerno laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Hindi pa nakuntento, ilang araw pa matapos nito, nilagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 360 na nag-uutos sa pagwawakas sa usapan. Kinabukasan, nagpaliwanag pa si Duterte hinggil sa pag-atras ng rehimen niya sa usapan: gusto raw kasi ng NDFP ng koalisying gobyerno — bagay na pinabulaanan ni Jose Maria Sison, punong konsultant pampulitika ng NDFP. (Simpleng search sa Google sa Internet ang magpapakitang si Duterte ang unang nagmungkahi sa NDFP, pati sa Moro National Liberation Front o MNLF ng isang koalisyon, noon pang 2014.)

Pero ang totoo, nakatakda na sanang lagdaan ng dalawang panig ang kasuduan hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Bukod sa pagbibigay-daan sa isang sabayang unilateral ceasefire sa magkabilang panig, magbebenepisyo sana dito ang milyun-milyong Pilipinong magsasaka at manggagawa.

Kasama sa lalagdaan sanang Caser:

  • Libreng pamamahagi sa lupaing agrikultura para sa mga magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda;
  • Nakadakdang mabilis na ipapamahagi ang lupain sa mga benepisyaryong matagal nang pinagkakaitan ng karapatan nila sa lupa;
  • Lalawak ang sakop ng repormang agraryo para sakupin ang mga plantasyon at malalaking komersiyal na mga sakahan na sakop ng iba’t ibang iskema na pinatupad para iwasan ang repormang agraryo;
  • May mga hakbang na ipapatupad para ipagbawal ang mapagsamantalang pangungutang at pangangalakal sa agrikultura;
  • Magkakaisa sana ang NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GRP) sa pangangailangan para sa pambansang industriyalisasyon at pagpaplano para sa pagpapaunlad ng mga industriyang Pilipino;
  • Gagawa sana ng mga hakbang para masigurong matitigil ang mga dayuhang pamumuhunan na di-papabor sa pambansang ekonomiya;
  • Mapoprotektahan sana ang local na mga industrialist at maliliit na empresa;
  • Pahahalagahan sana ang pagsasabansa ng pampublikong mga yutitlidad tulad ng kuryente, tubig at langis;
  • Pumayag n asana ang dalawang panig na tumukoy ng susing mga industriya na iindustriyalisa;
  • Kikilalanin sana ang kahalagahan ng mga union at mga konseho ng mga manggagawa.

Matapos ang paglagda sa Caser, nakatakda na sanang pag-usapan ang mga repormang pampulitika at konstitusyonal.

“Buo ang responsabilidad ni Pangulong Duterte sa pagkabigo ng mga usapan sa mga repormang sosyo-ekonomiko dahil sa mabilis niyang pagtalikod at pagtindi ng pandarahas sa mga puwersang rebolusyonaryo at mga mamamayan,” sabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms.


 

Duterte, pasista

$
0
0

Kung pagpapakahulugan ang pasismo, ayon sa sikat na diksiyunaryo, paraan ito ng pag-organisa ng lipunan na pinamumunuan ng diktador na kumokontrol sa buhay ng mga tao. Ayon pa sa diksiyunaryong ito, ipinagbabawal ang anumang klase ng pagsalungat sa anumang hakbang na isagawa ng gobyerno.

Bilang pagpapalalim ng kahulugang ito, masasabing kinakatawan ng pasistang diktador ang interes ng mga naghaharing uri sa pamamagitan ng paggamit ng dahas laban sa mga mamamayang naghahayag ng pagtutol sa panunungkulan ng diktador at sa naghaharing sistema.

Inamin ni Pangulong Duterte na siya’y pasista. Pero simula’t sapul, naging polisiya na ng Pangulo ang pamamaslang sa mga sangkot sa ilegal na droga sa ilalim ng Oplan Tokhang o giyera-kontra-droga.

At ngayong itinigil na niya ang pakikipagnegosasyon sa rebolusyonaryong kilusan sa pangunguna ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), inaasahang paiigtingin lang ang pasistang atake ng rehimeng Duterte laban sa lumalabang mga mamamayan. Inanunsiyo na rin ni Duterte ang planong crackdown sa mga di-armado at legal na mga aktibista ng kilusang masa.

Ang layunin: Patahimikin ang pinaka-epektibong oposisyon sa kanyang pasistang rehimen.

Pangulong Duterte. Presidential Communications

Pangulong Duterte. Presidential Communications

Pasismo sa Mindanao

Ilang araw lamang ang nakalipas matapos lagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 360 na pagkansela ng usapang pangkapayapaan sa NDFP, tumindi ang mga pagpatay, panggigipit at ilegal na pag-aresto sa mga aktibista, katutubo, magsasaka at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Ayon sa Karapatan, sunud-sunod ang mga pag-aresto, pagdukot at pagpaslang sa ilang indibidwal, partikular sa Mindanao.

Isa na rito si Vivencio Sahay, lider-magsasaka sa Caraga. Binaril si Sahay ng di-kilalang armadong mga indibidwal sa Brgy. Calamba, Cabadbaran, Agusan del Norte noong Nobyembre 23. Tagapangulo si Sahay ng Unyon sa Mag-uuma sa Agusan del Norte (UMAN), organisasyon sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Noong Nobyembre 25, pinaslang ng hinihinalang mga miyembro ng 16th Infantry Batallion ng Philippine Army ang aktibong kasapi ng Anakpawis Party-list sa Davao City na si Apolonio Maranan noong nakaraang araw lang. Ayon sa asawa ni Maranan, lumabas lamang ang kanyang asawa upang bumili ng makakain nang may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril ilang minuto pagkalabas niya ng kanilang bahay.

Sa parehong araw, isa pang lider-magsasaka mula sa UMAN-KMP ang tinarget sa Caraga. Pinagbabaril ang bahay ni Imelda Gagap, 48, ng dalawang armadong kalalakihan na nakasakay ng motorsiko sa Brgy. Maraiging, Jabonga, Agusan del Norte. Nakatakas ang biktima at kanyang kaanak. Isa siya sa mga lider na nagkokondena sa mga pang-aabuso ng 29th IBPA sa kanyang komunidad.

Samantala, tumindi rin ang mga atake sa mga komunidad na pinagbibintangan ng militar na sumusuporta sa New People’s Army (NPA) – dahil lang lumalaban sila para sa karapatan sa lupaing ninuno at nagtatayo ng sariling alternatibong mga paaralan.

Sa Brgy. Diatagon, Lianga at Brgy. Buhisan, San Agustin sa Surigao del Norte, 12 komunidad ang lumikas dahil sa isinasagawang opearasyon ng mga militar.

“Bukod sa mga pagpaslang at pag-aresto, ang pinatinding operasyong militar ay laganap na rin sa ilang parte ng Mindanao na muling nagdulot ng sapilitang pag-bakwit ng ilang residente.” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Kabilang sa mga nag-bakwit (evacuate) ang 706 na estudyante mula sa eskuwelahang Lumad at 51 guro ang apektado rin sa insidente. Sa kanilang mga pamayanan, dumating ang tatlong sasakyang militar lulan ang mga sundalo. Namataan din ang palipad-lipad sa drone sa mga nabanggit na mga komunidad.

Apolonio Maranan, 64, pinaghihinalaang pinaslang ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion-Philippine Army noong Nob. 25.

Apolonio Maranan, 64, pinaghihinalaang pinaslang ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion-Philippine Army noong Nob. 25.

Buong bansa

Hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa tumindi ang mga atake sa mga sibilyan, lalo na sa mga miyembro ng legal na mga organisasyong masa.

Nitong Nobyembre 28, isang kagimbal-gimbal na balita ang pumasok: Tatlong miyembro ng isang fact-finding mission (FFM) ng Karapatan sa Negros Oriental ang nabiktima ng hinihinalang mga ahente ng Estado.

Ang mga biktima’y sina Elisa Badayos ng Karapatan-Central Visayas, si Elioterio Moises isang barangay tanod, at isang 23-anyos na miyembro ng Kabataan Party-list. Dalawa ang nasawi, samantalang ang huli nama’y nasa kritikal na kondisyon sa pagkakasulat ng artikulong ito.

Pinagbabaril sila ng di-kilalang armadong kalalakihan sa bandang hapon sa Brgy. San Ramon, Bayawan, Negros Oriental. Nadala pa ang dalawang namatay sa isang ospital sa Bayawan pero hindi na sila umabot.

Bago pa man mangyari ang insidenteng ito, hinaras na ng pribadong mga tauhan ng alkalde ang 30-kataong FFM. Hinarang sila at kinuwestiyon ng armadong kalalakihan. Tumungo sina Moises at Badayos sa isang estasyon ng pulisya sa lugar para magreklamo. Dito na sila tinambangan ng mga pumatay sa kanila.

“Mariin naming kinokondena ang atakeng ito sa mga nakikipaglaban para sa karapatang pantao. Maski ang ibang mga FFM sa Batangas, Negros, Mindanao at iba pang lugar ay nakararanas ng mga pandarahas mula sa mga puwersa ng Estado. Pero hindi kami titigil sa pakikibaka kasama ang sambayanang Pilipino laban sa mamamatay-taong rehimeng Duterte,” ani Palabay.

Mga miyembro ng fact-finding mission sa Negros.

Mga miyembro ng fact-finding mission sa Negros.

Noong Nobyembre 23, kinasuhan ng pulisya ng gawa-gawang mga kaso sa Bulalacao, Oriental Mindoro si Jerry Santiago, isang Mangyan.

Samantala, sa sumunod na araw, tatlong magsasaka ang dinakip ng mga elemento ng 20th IBPA sa Brgy. Osmena, Palapag, Northern Samar. Kinilala silang sina Richard Avino, Teny Gerbon at Arnel Aquino. Sunud-sunod na rin ang naitalang ilegal na pag-aresto sa ilang lider-magsasaka sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga kasong ito, ayon sa Karapatan, ang pinakahuli lang sa sunud-sunod na mga pag-aresto at atake sa mga aktibista at miyembro ng legal na kilusang masa—bago pa man ang deklarasyon ng crackdown ng administrasyong Duterte sa Kaliwa.

Isang malinaw na indikasyon ng tumitinding pasismo ang mayabang na pagpanawagan ng tagapagsalita ng AFP na si Maj. Gen. Restituto Padilla na palayain si retiradong Hen. Jovito Palparan. Hinuli si Palparan noong 2011 dahil sa pagkakaroon ng koneksiyon sa pagdukot sa dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Binansagang “berdugo” dahil itinuturo siyang utak ng serye ng pamamaslang sa mga sibilyang aktibista sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, gumugulong na ang plano ng mga tagasuporta para sa isang “rebolusyonaryong gobyerno” na magbubuwag sa Kongreso at Hudikatura, gayundin sa pagtutulak ng reklamong impeachment laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Sa ganitong konteksto, mailulugar ang isinasagawang crackdown ng rehimen: ang pagkokonsolida ni Duterte sa kanyang kapangyarihan. Sa madaling salita, ang kanyang pagtungo sa ganap na diktadura.

“Lalong inihihiwalay ni Duterte ang sarili niya, at lalong nabibigyang-katwiran ang paglaban ng publiko laban sa umaabanteng diktadura,” ani Palabay.


Talumpati | Kenneth Guda sa National Book Awards

$
0
0
Talumpati ng Pasasalamat
National Book Awards
Journalism category
para sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat
sa Panahon ng Digmaan at Krisis
2 Disyembre 2017

Maraming salamat, National Book Development Board at Manila Critics Circle sa pagkilalang ito!

araming salamat sa UP Press, mga kasamahan sa Pinoy Weekly, PinoyMedia Center at Altermidya, at aking kaanak at mahal-sa-buhay sa buong panahong pagsuporta sa akin. Hindi lang sa paglalathala ng libro, kundi sa aking gawain bilang progresibong mamamahayag.

Maraming salamat. Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, nakakapag-ambag tayo sa pagpapalakas ng pamamahayag na independiyente (o hindi nagmula sa tradisyon ng corporate news system). Ng pamamahayag na progresibo (o nagmula sa mayamang tradisyon ng pamamahayag na nagtataguyod ng at nakikisangkot sa, pambansa at demokratikong pakikibaka ng sambayanan). At ng pamamahayag na nasa porma ng naratibo, sa wikang Filipino.

Nakakagalak dahil napapanahon ang pagkilalang ito. Ang librong ito’y tumatalakay sa isang panahon ng krisis at digmaan – isang panahon na patuloy na umiiral sa ating bayan. Naglalaman ito ng mga naratibo hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao. Hinggil sa pagyurak ng mga mga naghaharing uri, mga nasa Estado-Poder at mga bahagi ng mapanupil na aparato ng Estado sa dignidad ng mga maralita. Tungkol din ito sa mga hakbang ng mga maralita para labanan ang pang-aaping ito at magtaguyod ng isang alternatibong kaayusang mas makatao at makatarungan.

Matapos mailathala ang Peryodismo sa Bingit, lalo lang tumindi ang krisis at digmaang ito. Nagpatuloy, dumarami at umiigting ang mga naratibo ng pang-aapi at pagsasamantala. Nagpatuloy, dumarami at umiigting din ang mga naratibo ng paglaban at pagpupunyagi.

Nitong nakaraang dalawang linggo, tila umabot sa bagong antas, kung hindi man kabanata, ang naratibo ng digmaan at krisis na ito. Idineklara ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang makipag-usap sa rebolusyonaryong National Democratic Front of the Philippines. Inutusan niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ituloy ang all-out war sa mga nagrerebolusyon. Nagbanta siya ng crackdown sa legal na mga organisasyong masa. Pinakahuli lang ito sa pagbabanta niya ng pagbusal, ng pagpatay, sa sinumang sumusuway o bumabatikos sa kanyang rehimen.

Hindi natapos ang linggo, pumasok ang mga balita ng sunud-sunod na atake sa mga mamamayan. Pagbomba at pag-atake sa mga komunidad ng mga Lumad at magsasaka sa Mindanao. Pagpatay sa mga lider-magsasaka. Pag-aresto sa development workers at human rights workers. Nitong Nob. 28, pinagbabaril ng pinaghihinalaang mga militar ang human rights workers sa Negros. Ang krimen nila, para sa militar: nag-iimbestiga sa iba pang kaso ng pang-aabuso. Dalawang human rights workers ang nasawi.

At Nitong Nob. 28, naging personal para sa akin ang naratibo. Ilang kakilalang aktibista na lumahok sa armadong pakikibaka ang nasawi sa Nasugbu, Batangas—sa kahina-hinalang mga sirkumstansiya. Hindi ko na dedetalyehin ang pangyayari, pero batay sa inisyal kong mga panayam, masasabi kong may mga paglabag sa kanilang mga karapatan at sa International Humanitarian Law.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na sang-ayon siya sa pamamaril ng mga sundalo ng AFP sa mga hinihinalang rebelde “na armado”. Pero alam natin ang isa sa tumatahing naratibo ng giyera kontra droga at nakaraang counter-insurgency programs: Kapag nasawi na ang kalaban ng mga sundalo o pulis, napakadali na lang nilang tamnan ng baril ang mga ito at paratangang “nanlaban” ang mga ito.

Ang librong kinikilala ngayon ay munting ambag sa pagsasalaysay ng naratibo ng sambayanan. Lumalala ang krisis, ang kahirapan at pagsasamantala, sa ating bayan. Pero ambag din ito sa pagpapaabot sa madla ng magandang balita: lumalaban ang mga mamamayan. May pag-asa.

Huwag po ninyong mamasamain, pero kami ang nag-aanyaya. Sa ganitong panahon, lalong kailangan ang peryodismo sa bingit. Kailangan ang panulaan, ang panitikan, ang paglilimbag ng aklat, ang pelikula, ang panulat sa bingit. Ngayon, lalong nagiging malinaw na hindi lang sila nasa bingit ng lipunan, sa harap ng banta ng diktadura at reyalidad ng pasismo, nasa bingit ang buhay ng marami sa atin. Mga manunulat at artista, paglingkuran ang sambayanan!

Iniaalay ko ang gawad na ito sa mabubuting anak ng bayan: kina Elisa Badayos at Elioterio Moises, nasawing human rights workers sa Negros; kina Josephine Lapira at iba pang nasawi sa Batangas; kina Guiller Cadano sa Nueva Ecija, Remy Beraye sa Iloilo, Wendell Gumban sa Mindanao, Recca Monte sa Cordillera, Christine Puche at Frankie Joe Soriano sa Sorsogon, at maraming iba pa na nag-alay ng kanilang buhay para sa pag-asang ito.

Maraming salamat po!


 

Speech | Karl Castro at the National Book Awards

$
0
0
36th National Book Awards
Book Design category
For “Colonial Manila, 1909-1912: Three Dutch Travel Accounts” (Otto van den Muijzenberg, translator and editor; Ateneo University Press, publisher)
2 Dec 2017, National Museum of Fine Arts Auditorium

Thank you, National Book Development Board – Philippines and MCC, for this recognition. This is a particularly interesting moment for me because in 2009, I won my first National Book Award for Design for “The Philippines Through European Lenses,” a book also authored by Mr Otto van den Muijzenberg and published by the Ateneo Press. So winning an award for the sequel to that book is rather mindblowing. Thank you to Mr van den Muijzenberg, Ms Karina Bolasco of the Ateneo Press, Ms Cristina Castro and all the staff of the press. A special thank you also to Cielo Castro, who helped design the inside pages of this book. No relation, but this book has been a very Castro effort.

The book “Colonial Manila, 1909-1912” gathers the travel accounts of three Dutch nationals (and forgive me if I massacre the pronunciation of their names): feminist doctor Aletta Jacobs, scholar Gerret Rouffaer, and ethnologist Hendrik Muller. Through their network of key personalities in government, elite, and expatriate circles, they were able to observe various aspects of the developing American colonial state.

In her account, Jacobs observes: “The Filipinos hate the Americans more than they ever did the Spaniards and don’t believe that they are being educated for self government.”

I wonder what she and her two fellow travelers will say, if they were here now to observe our state—Neocolonial Manila, 2017.

They would probably note that it has been 25 years since we rejected the presence of US bases in our lands in 1992, but if they went to Marawi, they would’ve seen US troops in the battle, and if they went to Aurora, they would see the continuation of the Balikatan exercises.

If they went to the NEDA, they would see the administration’s plans to allow 100 percent foreign ownership in key areas, including education, telecommunications, land ownership, and mass media.

I wonder what our three travelers would say if they were at the recent ASEAN summit, where our president Rodrigo Duterte upstaged Pilita Corrales to serenade the American commander-in-chief with a love song, “Ikaw.” Our president literally professed undying love to Donald Trump and everything he represents. Now THAT is a neocolonial spectacle.

If Aletta Jacobs, Gerret Rouffaer, and Hendrik Muller were able to revisit the Philippines, more than a century later, they would probably note the conceptual sameness in how the state is being run. On the one hand, there is the veneer of benevolence and prosperity. But on the other, more familiar hand, there persists notions of white supremacy, the discourse of assimilation, and the systematic disenfranchisement and underdevelopment for the majority.

But Jacobs, Rouffaer, and Muller are long dead. And this book wasn’t published by the Ateneo Press to glorify outsider opinions on our country. The author, Mr van den Muijzenberg, contextualizes and problematizes the ideological underpinnings of each traveler, emphasizing the need for critical assessment of narratives.

This book was published so we can get a clearer picture of our own history. This book was published so we can better understand the workings of colonial governance—and also, colonial thinking. Walter Benjamin, writing about history, said: “To articulate what is past does not mean to recognize ‘how it really was.’ It means to take control of a memory, as it flashes in a moment of danger.” And what historical moment can be more moribund, more dangerous, than today?

In Neocolonial Manila 2017, the challenge remains for all of us who reside in this country: to learn from history, to observe keenly and participate actively; to discern which narratives need to be allowed to develop, and which ones demand to be ended.

Thank you, and good evening.


 


Pagbawi ng nasawi sa Nasugbu

$
0
0

Halos hatinggabi na nang makarating sila sa St. Peter’s Funeral Home sa Nasugbu, Batangas. Tulad ng inaasahan, bukas pa ang punerarya. Pero hindi pangkaraniwan ang gabing ito. May di-bababa sa limang sundalo na nakabantay sa tarangkahan. May iba pang sundalo na umaali-aligid. May mga pulis din.

Walo silang dumating doon. Umaga na kasi ng Nobyembre 29 nang ibalita sa midya ang pagkamatay ng “15 miyembro ng New People’s Army” sa isang “engkuwentro” diumano sa haywey ng Sityo Pinamintasan, Barangay Aga sa Nasugbu, alas-otso ng gabi noong Nobyembre 28. Nag-usap-usap pa sila, naghanap ng masasakyan, bago nakapunta.

Ang apat sa kanila, mga paralegal at miyembro ng grupong pangkababaihan na Gabriela. Naibalita kasi sa midya, umaga ng Nobyembre 29, na isa sa mga nasawi si Josephine Lapira, 22, dating estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas-Manila at tumayong deputy secretary-general ng Gabriela-Youth sa naturang paaralan. Naalarma, agad na nagtipon ang grupong ito, kinontak ang kaanak ng nababalitang biktima, at tumungo sa Nasugbu.

Sa harap ng Nasugbu Police Station, Nob. 30 nang umaga. <b>Kontribusyon/Jane Balleta</b>

Sa harap ng Nasugbu Police Station, Nob. 30 nang umaga. Kontribusyon/Jane Balleta

Pinangunahan ang misyong ito ni Jane Balleta, dating bilanggong pulitikal na kagawad ngayon sa Services Department ng Gabriela. Kasama nila si Nanay Nena (di-tunay na ngalan), ina ni Maya (di rin tunay na ngalan), isa mga nasawi na dati ring miyembro ng Gabriela.

Hindi pangkaraniwan ang gabing iyun. Hindi pangkaraniwang mga sundalo pa ng Philippine Air Force, mula sa 730th Combat Group nito na nakabase sa Nasugbu, ang nagbabantay sa isang punerarya. Siyempre, hinarangan ng mga ito ang pagpasok ng grupo. Kinausap sila ng isang pulis. Sa una, pumayag ang mga ito, basta tig-dadalawa bawat “claimant” ng bangkay. Tatawagan lang daw ang imbestigador ng pulis para sa clearance.

Pero maya-maya, ayaw na muli silang papasukin. “Malakas daw ang formalin,” kuwento ni Jane. Sabi ng superbisor ng punerarya, isinasailalim pa raw ang mga bangkay sa autopsy. “Iyung 15? Ilan ba ang nag-a-autopsy sa inyo?” tanong niya. Hindi makasagot ang bisor. Tumawag siya sa abogado ng Gabriela, at pinakausap sa bisor.

Mga trenta minutos pa, pumayag na ang punerarya at pulis na makita ng mga kaanak ang mga bangkay. Pero pinigilan ng pulis si Jane, na naglabas ng kamera. “Ano po ba kasi ang itinatago ninyo?” Pinayagan din siya.

Pumasok si Nanay Nena, kasunod si Jane. Pumasok din ang mag-asawang magulang ng isa pang biktima, si Kathy (di-tunay na ngalan), 24.  May kadiliman sa loob ng morge. Sa bungad ng kurtina, may dalawang bangkay ng lalaki. Nakasalanlan sa lapag. May basag ang mga mukha, sobrang dumi. Sa unahan nito, isang mesa na may dalawa pa. Lampas nito, isa pang mesa sa tabi ng malalaking lalagyan ng kemikal.

Sa mesang iyun—napadalawang tingin ni Nanay Nena. Parang anak niya. Pero tila nabura na ang kanyang nunal sa itaas-kanang bahagi ng labi. Kung nasaan ang kanyang kaliwang mata, may bulak na ngayon. “Lumuwa na ang mata,” sabi ng isang taga-punerarya. Ang kanyang braso, tila humiwalay na sa katawan. Ang isang braso, nakadikit na lang sa katawan sa pamamagitan ng forceps.

Bumulwak na ang luha ni Nanay. Samantala, sa unahan ng bangkay ng kanyang anak, sa tabi ng isang hagdan, may bangkay ng dalawang babae. Nakita ng mag-asawang magulang ni Kathy. Nakilala agad nila ang kanilang anak.  Nakanganga ito, labas ang ngipin–tila bakas ang paghihirap bago mamamatay.

“Hubad silang lahat,” kuwento ni Jane. Puting tela, na maiksi pa nga para sa buong katawan, ang nakatabing sa kanila. Ang isang bangkay—nakilala bilang si Daniel (di-tunay na ngalan), kasintahan ni Kathy—tila butas ang dibdib.

“Ano ang ikinamatay nila? Ilang tama ng bala?” tanong ni Nanay Nena sa taga-punerarya. “Basta maraming tama,” sagot nito. Lumalabas, hindi totoong isinailalim sa autopsy ang mga bangkay. Amoy formalin, pero namumuo pa ang mga dugo sa kanilang katawan. Si Daniel, butas ang dibdib. Si Kathy, buo pa ang mukha pero tila butas din ang batok.

Pagkalabas ni Nanay Nena sa punerarya, nakita niya ang mga sundalo. Hindi na niya natiis. Pinagmumura niya ito, buong lakas, buong tapang. “Anong ginawa ninyo sa anak ko? Bakit walang mga laman-loob? Ano kayo, mga aswang?!” Tahimik ang mga sundalo. Tahimik ang buong lugar, nakikinig sa nanginginig na sigaw ng isang nagluluksang ina.

Mga kaibigan at kasamahan ni Jo Lapira, nagbigay ng parangal sa kanya sa UP Manila. <b>Kathy Yamzon</b>

Mga kaibigan at kasamahan ni Jo Lapira, nagbigay ng parangal sa kanya sa UP Manila. Kathy Yamzon

Kinabukasan pa umano makukuha ang mga bangkay, ayon sa pulis. Alas-otso ng umaga darating ang hepe ng Nasugbu, si PCInp. Rogelio Pineda Jr. na makakatulong daw sa pagpapauwi sa mga bangkay. Napilitan pang pumunta sa isang otel ang grupo para palipasin ang gabi.

“Pasado alas-otso, nandun na kami sa Nasugbu Police Station,” ani Jane. Sa reception ng estasyon, kunwari pa’y tumatawag ang nakabantay na pulis sa hepe. Samantala, isang pulis na nakadamit-sibilyan ang nagmamando sa mga pulis. “Kapag pumasok ang mga iyan (grupo ng claimants), posasan ninyo!” pasigaw na utos nito sa mga pulis. Nang kumprontahin ito ng mga miyembro ng Gabriela, pumasok ito sa estasyon. Paglabas, nakauniporme na. Siya nga, si Pineda na hepe ng estasyon.

Matapos ang ilang minutong paggiit ng grupo na mapapayag ang pulisya na ibiyahe na ang mga bangkay, napapayag si Pineda. Pero nanermon pa sa mga kaanak: “Dati rin akong aktibista. Dati akong LFS (League of Filipino Students). Namundok din ako. Wala talaga silang mapapala diyan,” sabi diumano ni Pineda, patungkol sa mga aktibista, lalo na mga estudyante, na nagdedesisyong lumahok sa armadong pakikibaka para mag-ambag sa rebolusyonaryong pagbabago sa bansa. Maraming sinabi, pagpapa-blotter lang pala ang magagawa ni hepe para maiuwi ng kaanak ang mga labi.

Noong umagang iyon, dumating na ang magulang ni Daniel. Tinulungan din ito nina Jane na kilalanin ang labi ng anak, at makuhanan ng permiso na maiuwi ito.

Larawan ng labi ni Jo na ipinaskil ng militar sa isa sa mga FB pages nito. Kami na ang nag-blur sa kanyang mukha.

Larawan ng labi ni Jo na ipinaskil ng militar sa isa sa mga FB pages nito. Kami na ang nag-blur sa kanyang mukha.

Samantala, dahil sa pag-leak ng militar sa pangalan ni Jo Lapira, usap-usapan na sa madla ang pagkamatay ng estudyante ng UP Manila, siyang minsang nangarap maging doktor, pero namulat sa mga pampulitikang organisasyon sa pamantasan. Kalaunan, sa kanyang sariling pag-aaral at pagpasya, nakita niya na sa armadong pakikibaka siya kailangang lumahok.

Sa Facebook page na “Legal Army Wives,” pinaskil ng mga militar ang larawan ni Jo na wala-nang-buhay. Ang pakay, marahil, maging babala sa kabataan na huwag lumahok sa mga progresibong organisasyon at lalong mag-ingat na baka ma-“brainwash” ng mga komunista.

Pero nitong Disyembre 4, sa kampus ng UP Manila, nagtipon ang mga kaklase, kaibigan at kasamahan ni Jo para bigyang parangal siya. Mula sa mga opisyal ng pamantasan, hanggang sa mga propesor, hanggang sa mga kaibigan, kinilala at dinakila ang pag-ambag ni Jo (at nina Kathy, Maya, Daniel, at 11 iba pa) para sa makabuluhang pagbabago ng lipunan.

Tila hindi tumatalab ang pananakot at paninira ng militar.

 


*(Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nakakuha raw ang 730th Combat Group ng PAF ng impormasyon hinggil sa dalawang sasakyang lulan ng mga rebelde noong Nobyembre 28. Sinundan umano ng mga elemento nito at ng PNP ang dalawang sasakyan hanggang nakipagbarilan ang mga ito. Nasawi ang 15 “rebelde” at sugatan ang isang drayber na pinararatangan nitong rebelde rin. Ang isa, si Jo, tinakbo pa umano ng mga sundalo sa  ospital at doon nawalan ng buhay. Pero ang ospital—sa Fernando Air Base sa Lipa City—ay mahigit dalawang oras ang layo sa Nasugbu. May mga ospital naman sa Nasugbu. Samantala, nananawagan ng independiyenteng imbestigasyon ang kaanak ng ilan sa mga nasawi.)

**Tinago natin ang tunay na ngalan ng ilan sa mga taong nasa ulat na ito bilang pagsaalang-alang sa kanilang seguridad.

 

Batas militar, ikalawang kabanata

$
0
0

Matapos ang isang taon at limang buwan, mistulang nasa sukdulan na ang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng “pasistang” presidente na si Rodrigo Duterte.

Mula sa presidenteng nagsasabing may malasakit siya sa mga mamamayan at bukas ang isipan sa progresibong mga reporma, ang Pilipinas ngayo’y pinamumunuan ng lider na itinuturing na pasista at diktador na tumalikod sa pangangailangan ng mga mamamayan upang mapagbigyan ang interes ng iilan.

Kung tutuusin, simula’t sapul, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, nariyan na ang senyales ng pasistang tunguhin ng rehimen: ang madugong giyera kontra droga, at pagpapatuloy ng programang kontra insurhensiya ng nakaraang mga rehimen.

Bago pa man ikansela ang usapang pangkapayapaan, ilang paglabag na sa karapatan pantao ang naganap magmula sa hindi makaturang pag-aresto at ilang mga pagpatay ang naitala ng Karapatan. Umigting ito noong tuluyan nang ianunsiyo na wala nang usapang sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng gobyerno ng Pilipinas at itinuturing na raw ng gobyerno na “terorista” ang New People’s Army (NPA) at Communist Party of the Philippines (CPP).

Batay sa mga aksiyong ito ni Duterte, para sa mga progresibo, tuluyan nang namili ang pangulo kung saang panig, kung kaninong alyado at kung anong bihis ang ipapakita nito. At malinaw sa kanila na hindi ito para sa mga mamamayang Pilipno.

Masaker sa masa

Umpisa pa lang ng termino ni Duterte, dugo na ang bumalot sa mga eskinita at kakalsadahan sa Pilipinas dahil sa kanyang Oplan Tokhang sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

Naging talamak sa programang giyera kontra droga ang brutal na pagpaslang sa maraming pinaghihinalaang tulak at gumagamit ng droga ng ilang kapulisan at di-kilalang armadong indibidwal.

Sa tantiya ng Karapatan, mula 4,000 hanggang 14,000 na ang naiulat na biktima ng giyerang ito.

Hindi rin nakaligtas ang maraming kabataan sa kalupitan ng giyerang ipinapatupad ng gobyerno. Base sa pagsusubaybay ng Children’s Rehabilitation Center (CRC), higit na sa 31 kabataan ang napapaslang kaugnay ng isinasagawang operasyon ng kapulisan.

Sina Kian delos Santos,17, Carl Arnaiz, 19, at Reynaldo de Guzman, 14, ay ilan lang sa kabataang brutal na pinaslang ng kapulisan. Sa kabila ng matibay na mga ebidensiya na nagpapatunay laban sa PNP, patuloy pa rin ang brutal na pagpaslang sa mga biktima.

Pampulitikang pamamaslang

Nitong Dis. 3, muling nagimbal ang madla sa balita: Patay ang isang pari matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilang indibidwal sa Jaen, Nueva Ecija.

Napagalamang dating pari ng Guimba at coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines sa Gitnang Luzon na si Fr. Marcelito “Tito” Paez ang biktima ng nasabing pamamaril. Bandang alas-otso ng gabi nang pagbabarilin si Fr. Paez sa kanyang sasakyan. Naisugod pa ito sa ospital ng San Leonardo ngunit kalauna’y binawian rin ng buhay.

Ayon sa Karapatan, tumulong pala ito sa pagpapalaya ng bilanggong pulitikal at organisador ng magsasaka na si Rommel Tucay.

Samantala, isang araw bago paslangin si Fr, Paez, patay rin sa pamamril ang isang pastor na si Lovelito Quiñones, 57, habang pauwi ito sa kanilang tahanan. Hinihinalang elemento ng Regional Mobile Group (RMG) na noo’y nakikipagsagupaan sa NPA ang pumaslang sa pastor. Pinagbibintangan ng 203rd Brigade ng Army na miyembro ng NPA si Quiñones. Agad naman itong pinasinungalingan ng pamilya ng biktima.

Samantala, hindi rin nakaligtas sa mainit na gatik ng gatilyo ang maraming magsasaka at ilang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Nitong pagpasok ng Nobyembre, sunud-sunod ang pagpaslang sa mga lider-magsasaka ng ilang elemento ng militar at di-kilalang mga indibidwal. Halos lahat ng biktima’y pinaghihinalaang miyembro ng NPA, kundi man sumusuporta sa mga ito.

Tumataas din ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Ayon sa Karapatan, higit 121 na ang inaaresto sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa gawa-gawang mga kaso. Sa kabuuan, mayroon nang 449 na mga bilanggong pulitikal. Kabilang sa kanila ang matatanda, may sakit at mga menor-de-edad.

Sukdulan na rin ang kinakaharap ng maraming katutubong Lumad sa Mindanao. Lumala na ang militarisayong nagaganap sa kanilang lugar na naging dahilan upang muling magbakwit nila. Dumadanas din sila ng pandarahas sa mga militar at maging ang mga donasyong bigas at pagkain ay hindi hinayaang makaabot sa mga bakwit.

Nitong huling dalawang linggo, lalong tumindi ang mga atake. Dis. 3, pinagbabaril ang walong katutubong T’boli at Dulangan na pawang mga magsasaka ng pinaghihinalaang mga miyembro ng 27th at 33rd Infantry Battalion ng Army sa probinsiya ng Saranggani.

Bandang ala-una ng hapon, dapat sana’y mag-aani ng kanilang mga pananim ang mga Lumad nang pagbabarilin sila. Kinilala ang mga nasawi na sina Victor Danyan, Victor Danyan, Jr., Artemio Danyan, Pato Celardo, Samuel Angkoy,To Diamante, at Bobot Lagase, Matend Bantal. Samantalang sina pawang sugatan naman sina Luben Laod at Teteng Laod. Kabilang ang mga napaslang sa grupong lumalaban para sa kanilang lupang ninuno na inagaw ng kompanyang Consunji/DMCI sa mahabang panahon.

Nagsimula na ring magbakwit ang ilang B’laan (Lumad) mula sa ilang barangay sa Saranggani dahil sa walang humpay na pag-atake ng mga militar. Tinatayang nasa 210 na pamilya ang nagbakwit.

“Hindi nila pinapayagang makapasok ang mga pagkain mula sa ilang nagbibigay-tulong kahit kasama namin ang ilang opisyal ng gobyerno. Hindi rin nila pinapayagang makapasok ang mga estudyante at guro sa kanilang lugar kung saan matatagpuan ang evacuation center,” ani Chad Booc, boluntaryong guro ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development Inc. o Alcadev sa Surigao del Sur.

Samantala, sa kabila ng paghupa ng labanan sa Marawi sa pagitan ng gobyerno at sinasabing mga miyembro ng grupong Maute, nananatiling nawawala ang libu-libong residente—hindi matukoy kung lumipat sila sa ibang lugar o nasawi sa mga pagbomba at labanan.

Palit-kulay

Sa maikling panahon ng panunungkulan, mabilis na nagpalit kulay ang dating administrasyong Duterte. Mula sa ultimo’y kulay puti dahil sa magagandang pangako para sa bayan, biglaang bumuhos ng mala-dugong kulay sa kalsada, bukid at kabundukan.

Ang mga sunud-sunod na hindi magagandang pangyayari sa hanay ng katutubo, magsasaka, at maralitang lungsod ay naghudyat ng pagkaalarma ng ilang grupo lalo na’t nakaamba ang pagpapahaba ng basta militar sa Mindanao at pagpapalawak ng implementasyon nito sa buong bansa.

Sa pagdeklara rin ni Duterte na mga “terorista” na ang mga nagrerebolusyong kasapi ng CPP-NPA-NDF, pinangangambahan ang pagtindi ng mga atake sa mga sibilyang komunidad at indibidwal. Samantala, sa pagdeklara rin ng Pangulo ng crackdown sa legal at sibilyang mga organisasyong masa, mistulang tumtutungo na ang bansa sa mala-batas militar na hayagang pagsupil sa karapatan ng mga mamamayan.

“Maraming aktibista, progresibong organisasyon, at mga target na komunidad ay alam ang brutal at mapangabusong kakayahan ng Estado, at at kami ay nangangamba na rito,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Pero ipinapakita ng karanasan ng bansa sa batas militar noon na sa harap ng mga panunupil ay lalakas lamang ang kilusang masa, lalakas lamang ang boses ng mga mamamayan na gumigiit ng pambansang kalayaan at demokrasya.


 

Para sa Mabuting Anak

$
0
0

(para kay Jo Lapira at sa lahat ng mga kasamang napaslang)

Ipinagluluksa kita, anak, ipinagluluksa kita.
Ipinagluluksa’t ikinararangal,
pagkat mabuting supling ng bayan.

Inihahabilin kita kay Mebuyan, diyosa ng mga Bagobo,
diyosang maraming suso,
tagapagkalinga ng mga sanggol
na sa gatas ay gutom.
Inihahabilin kita, anak, pagkat sa maaga mong pagyao,
nais kong may ina rin na maghahatid sa iyo
sa dako pa roon, may tatanggap
sa katawan mong duguan, at may itim na ilog na maghuhugas,
sa iyong mga sugat.

Ipinagluluksa kita, anak, ipinagluluksa kita.
Ipinagluluksa’t hinahangaan,
ang iyong husay, ang iyong tapang.
Ang prinsipyong buong-buo mong niyapos,
Ang buhay na inihandog, sa lubos-lubusang paglilingkod.

Sa gitna ng hinagpis, sa ibang bahagi ng mito ako bumabalik.
Si Mebuyan, nagngangalit.
Niyuyugyog niya ang puno, hanggang ang mga bunga
ay mahulog sa lupa.
Itinuturo nito sa ating lahat,
na ano man ang ibanta ng pasista,
ano man sa atin ang ibansag o isumbat,
Hindi tayo kailaman, kailanman maduduwag.

Ipinagtitirik ka namin, naming lahat ng kandila,
at inuulit-ulit ang iyong ngalan at aming pagpugay
sapagkat walang kasama na nabubuwal nang mag-isa.
Anak ka na hindi ako ang nagluwal,
Ngunit wala sa dugo ang pagkamagulang.
Higit pa sa tali sa pusod ang sa atin ay nagbibigkis.
Supling kita, mahal kong kasama’t, kapanalig.
pagkat naging katuwang, sa ating himagsik.


Joi Barrios-Leblanc, BAYAN Women’s Desk
Ika-7 ng Disyembre, 2017

Leloy McCarthy

$
0
0

Since US President Donald Trump’s visit in early November, Philippine President Rodrigo Duterte has escalated his government’s attacks against the Philippine Left, whose support he tried to court in his 2016 presidential bid and the early part of his presidency. Indications show that he is unleashing the dirty tactics of his notorious “war on drugs” – a class war on the poor which has killed more than 10,000 suspected drug addicts and pushers – against the Left, the most vocal critic of his drug war and other policies.

It is in this context that academic and historian Lisandro “Leloy” E. Claudio discussed what he called “Responsible Anti-Communism” in his recent column. By “Communist,” he is rightly referring to the underground Communist Party of the Philippines which leads the National Democratic Front of the Philippines and the New People’s Army. In his column, he echoes Duterte and revives McCarthyist tactics in insisting that the label “Communist” should also refer to legal organizations being tagged as the CPP’s “legal fronts.”

The past few days saw tarpaulin banners calling the CPP, NPA and NDF “terrorist” proliferating along major thoroughfares in Metro Manila. This is part of a concerted effort to try to condition the public for more attacks against the said groups, as well as legal activist organizations. On social media, especially among the educated middle classes, Claudio’s most recent column functions as the counterpart of those tarpaulin banners.

For Claudio, “responsible anti-Communism” means being firmly against Communists but standing up for their human rights against the State’s attacks. It means harshly criticizing Communists while taking a stand against their “extermination” and the violation of their rights by the government.

He states only one reason for upholding Communists’ human rights: that “responsible anti-Communists” should not “sink to the level of the bloody dictators that [Communists] idolize.” This reason is most flimsy because he accuses “Communist dictators” in other countries of killing millions of people. Surely, “responsible” Filipino anti-Communists cannot sink that low, even if they support the killing of many Filipino Communists.

More importantly, his essay expounds on anti-Communism – on the supposed “bloody history” of Communism, which has been used to try to justify the killing and suppression of Communists and suspected Communists – more lengthily than on defending Communists’ human rights. Out of his 18 paragraphs, only three discussed upholding the human rights of Communists.

He may be on record opposing the killings and violation of Communists’ human rights, but he does more to incite the State to carry out such killings and human-rights violations. His essay is a thinly-veiled, or thinly-sugarcoated, death wish on Communists. He wants to hate on Communists, but he wants a clean conscience, too.

And Claudio is not unaware of the immediate context of his column: he cites Duterte’s cancellation of the peace talks with the NDFP and declaration that the CPP and NPA are “terrorist organizations.” He knows that the latter “augurs violence” and “can trigger repression reminiscent of the butcher Jovito Palparan.” (sic)

Despite his earnest posturing, he deserves no peace of mind. Make no mistake about it: distributed among top military officials, his essay will inspire them to kill and repress Communists, not respect the latter’s human rights.

Claudio tries to make his doctrine sound newfangled but it comes across as a poorly executed application of some US manual for Cold War propaganda. He says Communism is a “violent ideology” with a “bloody history,” that Communist leaders are “mass murderers” and “bloody dictators,” and so on and so forth. It comes as no surprise that he at some point would equate Communism with Nazism itself.

Nazism, however, aimed to elevate a group of people, the Germans, through a “reckoning” with, or elimination of, Jews and other people deemed inferior. It is, in its essential principles, violent. Communism, however, aims at the elimination of private property – from which monopoly of the means of production and therefore class division and exploitation spring. It recognizes the need for the violence of the oppressed classes in response to the violent defense of private property by the ruling classes led by the bourgeoisie and monopoly bourgeoisie. And the latter has never ceased being violent.

That means that violence for Communists is not directed at the working classes and the people. As Bertolt Brecht says in his “In Praise of Communism” [1932]: “It’s sensible / anyone can understand it / It’s easy. / You’re not an exploiter, / so you can grasp it.” When it comes to class, interest trumps ideas; the ruling classes cannot be convinced to surrender their wealth and power, their monopoly of the means of production and State power.

This does not, however, mean that violence will be used wholesale against all members of the ruling classes, either. Only people who will use violence against the revolution will be themselves targeted for violence. It is worth remembering that Pu-Yi, China’s last emperor, was later on recruited as a member of the Chinese Communist Party after the latter came into power.

The equation of Communism with Nazism and their presentation as enemies of democracy are common themes in anti-Communist thought. These are also present in “Duterismo, Maoismo, Nasyonalismo,” the essay contributed by Claudio and his mentor, the academic and historian Patricio N. Abinales, to the recently-published A Duterte Reader [2017]. They even applied this schema to the country’s experience with Martial Law, depicting the CPP and Ferdinand Marcos as both enemies of the country’s “liberal democracy.”

Claudio and Abinales present themselves as historians but are ahistorical, even anti-historical, when analyzing Communism, Nazism, and so-called democracy. To use an old-fashioned vocabulary, they fixate on the synchronic (the supposed general and common characteristics of Communism and Nazism) to the detriment of the diachronic (how Communism and Nazism emerged and interacted with each other in history). They embrace the simple-minded equation between two political philosophies which are seen as justifications for dictatorial rule.

Before Communism and Nazism, however, there was so-called democracy, which actually rests on the economic bedrock of capitalism and later on imperialism. It is the exploitation, poverty, hunger, wars, deaths and destruction caused by capitalism-imperialism which gave birth to Communism and hastened the latter’s increase in strength. It is also imperialism that bred fascism and Nazism, and it used the latter to try to destroy Communism.

In War and Revolution: Rethinking the Twentieth Century [2015] and other works, the intellectual Domenico Losurdo, who actually does historical research, provides many bases for this reading. He showed how the major imperialist countries of the 20th century supported the rise of fascism in Europe and Nazism in Germany, and how they hated Communism more than Nazism. How Germany’s concentration camps and other repressive measures drew inspiration not from Bolshevik Russia, but from European and American colonialism. How Nazism saw itself as an enemy of what it called “Judeo-Bolshevik conspiracy” – and for good reason, because Communism was animating and supporting the struggles of what Nazis called “inferior nations.”

Anti-Communists like Claudio and Abinales love to cite the Hitler-Stalin pact, or the German-Soviet Non-aggression Pact of 1939 as proof of the supposed blood ties between Communism and Nazism. The truth is that the Soviet government led by Stalin, hated by imperialist governments friendly to the Nazi regime, had to try to split its enemies. It tried to buy time in order to prepare for Nazi Germany’s inevitable and impending attack. And its tactical gamble paid off: when Germany attacked the Soviet Union in 1941, the latter was more prepared. It was the Soviet Union, not the US or any European country, which defeated Hitler’s army, at the cost of millions of lives.

The same schema is also true in the case of the Philippines. The crisis of the semi-colonial and semi-feudal system and its elite democracy helped the local Communist movement to grow. Marcos’ Martial Law, also a spawn of that system, was an attempt to weaken and destroy that movement – and it is that movement which sustained and led the struggle against Martial Law. It is no less than historical revisionism to depict Marcos and the CPP as engaged in some conspiracy against “liberal democracy” in the Philippines, the existence of which also needs further proof.

Instead of criticizing the fascism of the US-backed Duterte regime, Claudio chose to highlight the “bloody history” of Communists, the regime’s target. Beyond his essay’s “timing,” however, the greater problem lies in his one-sided and ahistorical understanding of killings supposedly done in the name of Communism. One-sided: he did not at least study how Communists and even some academic historians explain these deaths and instead simply parroted the US Cold War line on these. Ahistorical: he did not locate these supposed crimes and excesses in their proper historical contexts.

First, he fails to situate the struggles for Communism that he cites in the context of underdevelopment, people’s suffering and war. Second, he also fails to situate governments adhering to Communism in the context of the state of siege imposed by the US and other Western powers through wars, embargo, sabotage, and other measures. Imperialist policy on Communist governments is reflected by the order of then-US Secretary of State Henry Kissinger to weaken the democratically-elected socialist government of Salvador Allende in Chile in the early 1970s: “Make the economy scream.”

Let us be clear: these contexts do not excuse the deaths that occurred under the name of Communism, but they provide a better understanding of these. There were deaths that were committed by Communists in error, but it would be erroneous to remove all deaths in the Communist movement and Communist-inspired governments from their historical contexts and present them as evils of Communism.

Third, Claudio fails to recognize how Communist movements drew lessons and learned from errors committed in the past that resulted in the death of many. Fourth, if the number of deaths caused by a political and economic system is the standard by which it should be measured, then Claudio should have examined the immensely more numerous killings committed in the name of “liberal democracy” and imperialism – which include those who were killed in many a bloody anti-Communist campaign. Alas, Claudio always prefers the caudillo over the cadre.

He cites Robert Francis Garcia’s book To Suffer Thy Comrades [2001] as proof that local Communists are also murderous. The fact that the killings discussed in the book were committed in a small fraction of the Philippine Left’s more than 50-year history shows that the context of those killings is important.

Again, Claudio does not present that context: military adventurist errors committed by the NPA, heightened government intelligence and attacks, and errors in the NPA’s handling of alleged infiltrators. The fact that the said errors have not been repeated is proof that such killings are not integral to the principles of Communism. It is also proof that local Communists can sum up their experiences, correctly derive lessons from these, and hold on to those lessons in practice.

When Claudio says “It is the moral obligation of the historian in the Philippines to speak about Communism’s bloody history,” he wants that history extracted from its wider historical context. He refuses to study and engage with the best explanations that Communism has to offer for its own history, instead contenting himself with US Cold War propaganda.

It is telling that Claudio claims that Communism’s central principle is “from each according to his abilities, to each according to his needs.” This is central, but secondary to the abolition of private property. He betrays his failure to study Communism itself – in fact, its basic text, The Communist Manifesto – and his reliance on ready-made Cold War propaganda.

It is uncanny that Claudio speaks in terms of “moral obligation” when in the same essay he joins the chorus of the government and the military in tagging legal progressive organizations as “Communist fronts.” The government and the military will not listen to his faint appeals for Communists’ human rights, but their repressive campaign – already in motion carried out by dominant forces in society – will benefit from his demonization of Communists and alleged Communist fronts. It seems that for Claudio, historians and academics also have the moral obligation to lend a hand to the government and the military’s drive to kill and suppress suspected Communists.

Claudio always speaks with the arrogance of someone who thinks that he stands for democracy while his enemies, the Communists, stand for dictatorship. He even calls the CPP a “dictatorial organization.”

The strict equation that Claudio makes between democracy and liberal democracy exposes his ignorance. Wendy Brown clarifies: “liberal democracy, Euro-Atlantic modernity’s dominant form, is only one variant of the sharing of political power connoted by the venerable Greek term. Demos + cracy = rule of the people and contrasts with aristocracy, oligarchy, tyranny, and also with a condition of being colonized or occupied… The term carries a simple and purely political claim that the people rule themselves, that the whole rather than the part or an Other is politically sovereign [“We are all democrats now…,” 2011].

More importantly, in class societies, “Democracy and dictatorship are two sides of a coin,” said Francisco Nemenzo, Jr. [“Questioning Marx, Critiquing Marxism,” 1992]. In capitalist democracies, the democracy enjoyed by big capitalists is imposed as a dictatorship on workers and the people, whose only democratic participation is voting during elections. Socialist democracy is the dictatorship of the proletariat imposed on the big bourgeoisie, and since it is enjoyed by the majority beyond regular elections, it is a democracy that is deeper and more real.

In the end, Claudio’s anti-Communism coheres with the strategy summarized by American Marxist Fredric Jameson: “The substitution of politics for economics was always a key move in the hegemonic struggle against Marxism (as in the substitution of questions of freedom for those of exploitation) [“Sartre’s Critique, Volume 2: An Introduction,” 2009].”

Instead of fighting to change the exploitative, unequal, unjust and violent ruling system, anti-Communists like Claudio fight the very Communists who are risking life and limb for such change – using Communism’s “bloody history” as bogeyman. In more arrogant moments in his essays and social media posts, Claudio celebrates US influence over the country, the Philippines’ “liberal democracy,” and the Yellow faction of the ruling classes.

It is in this precise sense – anti-Communism defending the status quo and attacking those who want genuine change – that we can say: anti-Communism can never be responsible. It is always irresponsible. So are the academics and historians that peddle it.

14 December 2017

Featured image: From ‘Agraryo Marksismo’ by Federico Boyd Dominguez

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2017

$
0
0
May pagbabagong naganap sa ilalim ng gobyernong Duterte – ang pagbabago patungong lantarang pasismo at diktadura. Mainam na nakober ng dominanteng midya ang marahas na giyera kontra droga ng rehimen. Sa pangkalahatan, naging kritikal din ito sa giyerang ito.
Pero sa pagpihit ni Duterte tungo sa mas lantad na pasismo – na naghudyat sa pagdeklara sa Kaliwa bilang “terorista” kahit na malinaw na kabaligtaran ang totoo – tila may mga hindi nababalita o hindi naitatambol ba na mahahalagang istorya. Sa pamamagitan sana ng mga istoryang ito, makikita kung papaano tinalikuran ni Duterte ang mga pangako niya para sa progresibong pagbabago, tulad ng pagpawi sa kontraktuwalisasyon, pagpatupad ng independiyenteng polisyang panlabas, pagsagawa ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, pagkamit ng kapayapaang nakabatay sa hustisya, at iba pa.
Taun-taon, inilalabas ng Pinoy Weekly ang listahang ito ng mga istoryang sa aming palagay ay hindi sapat na naikober o napatambol ng dominanteng midya. Sa panahon ng paglaganap ng fake news, napapanahon muli ang paglabas nito.

‘Puso ng peace talks‘: Negosasyon para sa mga repormang sosyo-ekonomiko

Ibinalita at pinag-usapan sa midya ang pagpapatuloy/pagtigil ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gobyernong Duterte. Pinag-usapan din ang kawalan ng tigil-putukan matapos ang Pebrero na pagtigil ng usapan, gayundin ang mga bakbakan, lalo na ang mga atake ng New People’s Army (NPA). Pero ano nga ba ang pinag-uusapan? Paano nga ba matutugunan ng negosasyon ang pinakaugat ng armadong tunggalian?

Hindi binibigyan ng karampatang atensiyon ang sinasabing “puso ng usapang pangkapayapaan”: ang negosasyon hinggil sa mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya, o ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser).

Sa negosasyong ito, isinalang ng NDFP ang mga panukala nito para sa pang-ekonomiyang kaunlaran na pakikinabangan ng mayorya ng mga Pilipino. Kasama na rito ang libreng pamamahagi ng lupaing agrikultural sa mga magsasaka na nagpapayaman sa lupaing ito—bahagi ng tunay na repormang agraryo. Gayundin, pinag-usapan ang panukala ng mga rebolusyonaryo para sa pambansang industriyalisasyon, o ang pagtatatag ng batayang mga industriya tulad ng langis, bakal, atbp.

Nagkasundo na sana ang magkabilang panig; pormal na pirmahan na lang ang magaganap sa ikalimang round ng usapang pangkapayapaan nitong Nobyembre 25 sa Oslo, Norway. Pero ilang araw bago nito, biglang iniatras ni Duterte ang mga negosyador ng gobyerno. Walang pirmahang naganap. Binansagang terorista ang mga dati niyang itinuturing na “kaibigan”. Nagdeklara rin ng crackdown sa mga lider ng kilusang masa. Lahat nang ito matapos ang pagbisita ni US Pres. Donald Trump. Isinagawa pa ni Duterte ang anunsiyo sa presensiya ng pinakamalalaking burgesya komprador ng bansa, tulad ni Enrique Zobel de Ayala.


Batas militar sa buong Mindanao

Tuwang tuwa ang malalaking negosyante sa Mindanao sa batas militar ni Duterte. Nagamit kasi nila ang deklarasyong ito para atakehin ang mga manggagawang naggigiit sa kanilang mga karapatan sa paggawa. Katunayan, sa Compostela Valley, ginamit ng manedsment ng kompanya ng saging, ang Shin Sun, ang batas militar para puwersahang buwagin ang welga rito.

“Walang welga-welga. Martial law ngayon,” sabi diumano ng mga militar at armadong goons ng kompanya sa mga manggagawang bukid na nagwelga.

Samantala, ginamit din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang batas militar para buong lakas na bigwasan ang NPA sa mga komunidad na kontrolado nito—kahit pa noong hindi pa natitigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDFP. Batas militar ang nagbigay-katwiran sa mga pagbomba sa mga komunidad ng mga Lumad sa Timog Mindanao. Ito rin ang naging dahilan ng mga atakeng militar sa mga komunidad ng mga Lumad, kabilang ang pananakop at pagpapasara sa mga alternatibong paaralan ng Lumad sa Timog Mindanao, Caraga, Far Southern Mindanao, at iba pang rehiyon sa Mindanao.

Pero ang lumulutang na boses kaugnay ng batas militar sa Mindanao ay ang mga tulad nina Rep. Manny Pacquiao, na nagsabing “nakabubuti ang batas militar sa aming (mga taga-Mindanao).” Ito ang tinutuntungan ngayon ng pag-ekstend ni Duterte sa batas militar hanggang katapusan ng 2018.


Mga nawawala’t nasawi sa Marawi

Mistulang naging tagatambol ang masmidya ng kampanyang militar ng AFP sa Marawi.

Mula nang sumiklab ito noong Mayo 2017, di-maikakailang nasa panig ito ng mga atakeng kontra-Maute ng militar sa naturang lungsod. Pana-panahong lumalabas ang mga istorya hinggil sa krisis humanitarian sa lugar. Pero sa pangkalahata’y iniuulat na ginagawan ng gobyerno ng paraan para maibsan ang hirap ng mga bakwit.

Samantala, hindi na kuwestiyon kung may sapat na batayan ba talaga o wala ang mga pambobomba; o kung totoo talaga ang naratibong ikinukuwento ng militar para bigyan-katwiran ang mga operasyong militar at ang batas militar sa buong Mindanao.

Nang ideklara ni Duterte ang pagwawakas ng mga operasyong militar sa Marawi City, muling itinambol ng dominanteng midya ang “kabayanihan” ng mga sundalong kalahok sa mga operasyong militar. Pero tila natabunan ng mga balita ang pagpapatuloy ng krisis humanitarian sa lugar. Tila isinantabi rin ang mas seryosong pagbibilang sa mga nawawala—at posibleng nasawi na—na mga sibilyan sa Marawi.


Pagbobomba sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Bago pa man sumiklab ang giyera sa Marawi sa Mindanao, ilang lugar na sa bansa ang dumadanas ng pagbobomba ng AFP.

Mga mamamayan ng Abra ang mga unang sumalo ng bomba mula sa militar. Marso nang bombahin ng mga sundalo ng 24th Infantry Battalion, Philippine Army (IBPA) sa ilalim ng 7th Infantry Division (ID) ang bayan ng Malibcong sa Abra. Hindi rin nakaligtas sa pambobomba ang probinsiya ng Batangas. Nitong Setyembre, binomba ng 203d Infantry Brigade at 730th Combat Group ng Philippine Air Force ang Bundok Banoi sa Lobo, Batangas. Naging target din ng pagbomba ang Nueva Vizcaya.

Nasa konteksto ng pagpapatuloy ng giyera kontra-insurhensiya ang mga pagbomba. Subalit kahit buhay at pamayanan na ang nakataya, walang malalim na pagsusuri at pag-iimbestiga rito ang dominanteng midya.


Pagtalikod sa pangako sa kontraktuwalisasyon

Nitong Marso 2017, nilagdaan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang Department Order 174 na aniya’y magwawakas sa kontratuwalisasyon sa bansa. Pero naging bagong mukha lang ito ng kontraktuwalisasyon. Sa ilalim nito, magiging regular ang mga manggagawa hindi sa kompanya kundi sa ahensiyang hawak ng kanilang kompanya. Kaya kaya’t hindi malinaw sa mga manggagawa ang kanilang kahihinatnan sa oras na tapusin ng prinsipal na employer ang kontrata sa kanilang agency.

Isa pang anyo ng kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno: Noong Hunyo 15, 2017 inilabas ng Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC) ang Joint Circular No. 1. Tulad ng DO 174 sa pribadong sektor, mistulang pinagtitibay nito ang pagkuha ng kontraktuwal sa gobyerno.

Taliwas ito sa mga unang pahayag ni Pangulong Duterte na nagsasabing wawakasan niya ang kontraktuwalisasyon; mukhang tinalikuran na nga ng Pangulo ang pangako na nakakuha ng suporta sa maraming Pilipinong manggagawa.


Kampanyang bungkalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Sa pangunguna ng ilang grupo ng mga magsasaka, may mga harang man, tagumpay na naisagawa ang “kampanyang bungkalan” o ang pagbawi sa mga lupang inagaw sa kanila ng mga korporasyon at mga panginoong maylupa.

Ang bungkalan sa Hacienda Luisita ang isa sa pinakamalaking bungkalan isinagawa sa bansa. Ilang taon nang nagsasagawa ng bungkalan ang mga magsasaka ng nasabing asyenda upang mabawi ang kanilang lupain sa mga Cojuangco -Aquino. Kasunod nito, nagdaos din ng malawakang bungkalan ang ilang magsasaka sa Hacienda Gancayco sa Quezon, Lupang Almeda sa Occidental Mindoro at Lupang Kapdula sa Cavite.

Pero bahagi lang ito ng mahigit isang siglong pakikipaglaban para sa lupa. Patuloy pa ring naghahangad ang maraming magsasaka sa Pilipinas ng tunay na reporma sa lupa na ipinagkakait sa kanila.


Mga kaswalti sa sunog sa HTI

Kulang ng dalawang araw ang nangyaring sunog sa House Technology Industries Pte Ltd. sa Cavite, isang pagawaan ng mga kagamitang pabahay. Tatlong palapag, isang malaking engklabo, na nasunog sa oras na nakapasok na sa trabaho ang mga manggagawa.

Pinatahimik ni Gov. Crispin Remulla ang midya sa pagpipirisinta niya ng mga litrato na umano’y gumawa na ng pagsisiyasat sa kanyang pangunguna. Sa umaga matapos ang isang araw ng sunog, ibinida niya sa midya na may ilang bahagi ng nasunog na pabrika.

Nakapagtatakang sa ganoong kalaki at katagal na sunog, hindi malaman kung ilan talaga ang namatay. Oo, may inilabas na bilang ng nasugatan at nasawi sa mga dinala sa ospital. Pero hindi itinampok ang mga kuwento ng mismong mga manggagawa ng HTI na hindi sila naniniwalang walang namatay sa sunog. Naniniwala sila na maraming namatay, at may kaanak na naghahanap sa kanilang mahal-sa-buhay na nagtatrabaho sa pagawaan. Naniniwala silang dapat managot ang manedsment at gobyerno.

Hindi pa muling naiimbestigahan ang pangyayaring ito sa HTI. Hindi pa muling nababalikan kung ilan nga ba talaga ang namatay sa sunog sa engklabo. Nakakapangilabot isipin na maaaring mangyari ito muli, at gagamiting tuntungan ang karanasan na ito upang ikubli ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa lalo na sa panahon ng sakuna.


Migranteng Pilipino, nasa bingit pa rin ng bitay

Mahal umano ni Pangulong Duterte ang mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa. Sa katunayan, gusto na nga niyang umuwi sa bansa ang mga ito at dito na magtrabaho. Ngunit sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya at trabaho sa bansa, tila mahirap gawin ito. Kaya mananatili’t mananatili ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Karaniwan, makakarinig tayo ng mga kasong kinasasangkutan nila, na may pagkakataong umaabot sa death penalty.

Kasama ang Migrante International sa pinapurihan ng mga mambabatas sa pagkaka-walang sala ni Jennifer Dalquez noong Hunyo 19, matapos siyang maideklarang inosente ng korte sa Abu Dhabi na hindi na kailangang magbayad pa siya ng diyyah o blood money. Pero hindi pumutok nang husto ang mga kuwento ng mga Pilipinong nasa death row sa ibang bansa, sa mga kasong karamihan ay murder at may kinalaman sa droga. Mayroong 31 sa Saudi Arabia. Aabot sa 41 ang nasa Malaysia. Mayroon ding tig-dalawa na nasa death row sa China at US.

Tila tahimik ang midya sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga “bagong bayani” na sa kasalukuyan ay nakabingit ang buhay sa ibang bansa. Tila tahimik at walang ginagawang ingay ang gobyerno upang mapakilos ang mga mamamayan na magkaisa para sagipin sila, tulad ng nangyari sa kaso ni Mary Jane Veloso (na nasa death row pa rin sa Indonesia).


Mga batayan ng pagpigil sa mapanirang pagmimina—at pagbabalik nito

Tumatak ang mga nagawa ni Regina “Gina” Lopez bilang kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources. Agaran niyang nabago ang departamento, at agad na narepaso ang mga kontrata sa malawakang pagmimina.

Aniya, kailangang kanselahin ang 75 Mineral Production Sharing Agreements o MPSA sa watersheds. Aniya pa, kailangang magbukas ng trust fund account na nagkakahalagang P2-Milyon ang bawat kompanya ng pagmimina upang mapahintulutang maalis ang tambak ng kanilang namina at magkaroon ng export permit. Ani Lopez, kailangang ipasara ang 28 kompanyang nagmimina dahil lumabag ang mga ito sa mga batas ng bansa.

Hindi sapat na nakober ng midya ang malalim na mga batayan ng pagsuspinde ni Lopez sa mga proyekto ng malawakang pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaugnay rin nito, hindi rin sapat na nakober ang pagbaligtad ng DENR sa naging mga desisyon ni Lopez matapos mabasura ang pagtalaga sa kanya at maipalit ang isang retiradong heneral, si Roy Cimatu.


Progresibong nagawa ng dating mga miyembro ng gabinete

Hindi maipagkakaila ang laki ng naiwan nina Judy Taguiwalo, Rafael Mariano, Liza Maza at Lopez sa kani-kanilang puwesto bilang bahagi ng gabinete ni Duterte.

Malinis, at walang-bahid na korupsiyon ang rekord ni Taguiwalo sa Department of Social Welfare and Development. Siniguro niyang hindi magagamit sa patronage na pulitika ang pondo ng ahensiya sa uri ng pork barrel. Naisagawa naman ni Mariano sa Department of Agrarian Reform ang mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law. Napasuspinde naman ni Lopez ang mga operasyon ng mga malawakan at nakasisirang pagmimina.

Pero hindi sapat na naibalita ito sa midya. Tanging ang pagiging “Kaliwa” at iba pang ibinatong putik sa kanilang apat ang naging sentro ng usapan—na ginawang dahilan ng Commission on Appointments para tanggalin ang tatlo sa kanila sa puwesto. Hindi mapagkakaila na malaki ang naiambag nina Taguiwalo, Mariano, Maza at Lopez sa kani-kanilang mga posisyon. Ramdam naman ito ng mga mamamayan. Kailangan lang talaga ng mga naghaharing uri na mapanatili sa kontrol nila ang mahahalang posisyong ito.


2017: Landas patungong pasistang diktadura

$
0
0

Nagsimula ang taon nang puno ng pangako. Nagtalaga si Pangulong Duterte ng mga progresibo sa gabinete. Nagdeklara siya ng “pagkalas sa Amerika,” habang tinatahak ang isang tunay na “independiyenteng polisiyang panlabas.” Umuusad ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Nangako siyang wawakasan ang kontraktuwalisasyon, habang pag-iisipan ang pagpapatupad ng isang pambansang minimum na sahod sa mga manggagawa. Sinuportahan niya ang libreng edukasyon sa kolehiyo. May moratoryo sa mga demolisyon habang walang relokasyon.

Pero simula’t sapul, si Duterte mismo ang naglatag ng batayan sa pagtungo niya sa lantarang pasismo. Sa kabila ng walang-tigil na pamumuna ng progresibong kilusan kontra sa kanyang Oplan Tokhang na bumiktima sa libu-libong maralita, pinatindi lang ito ng kanyang rehimen. Nagtalaga siya ng economic team na tumatahak pa rin sa landas ng neoliberal economics – o ang bigong mga polisiya sa ekonomiya na lalong nagpahirap sa mga mamamayan sa nakaraang mga administrasyon. Unti-unti siyang nagtalaga ng mga retiradong heneral at opisyal sa sibilyang mga posisyon sa gobyerno. Samantala, hindi talaga siya nagputol ng ugnay sa US; ipinagpatuloy niya ang mga ehersisyong militar na Balikatan. Patuloy naman ang banat niya sa independiyenteng mga institusyon ng gobyerno tulad ng Hudikatura, habang kinokonsolida ang kontrol sa Kongreso.

Unang pihit ng rehimen: ang pagputok ng digmaan sa Marawi, sa tulong ng mga tropang Kano. Panahong ito, biglang umatras si Duterte sa ikalimang round ng usapang pangkapayapaan. Nagdeklara siya ng batas militar sa buong Mindanao. Matapos nito, di sinuportahan ni Duterte sina Judy Taguiwalo at Rafael Mariano sa Commission on Appointments. Samantala, pangalawang pihit: Matapos bumisita si US Pres. Donald Trump sa panahon ng Asean Summit noong Oktubre, dineklara muli ni Duterte ang pagtigil sa pakikipagnegosasyon sa NDFP. Dineklara niyang terorista ang New People’s Army at Communist Party of the Philippines, at nagbanta ng crackdown sa mga miyembro ng legal na progresibong mga organisasyon. Nitong nakaraang mga linggo, iniutos niya ang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao hanggang 2018, at ipinasa ang “reporma sa buwis” na magpapataas sa batayang mga bilihin ng mga maralita.

Sa pagtatapos ng taong ito, kumpleto na ang pagpihit ni Duterte tungong pasismo at diktadura. Nagdeklara na siya ng giyera sa buong sambayanang Pilipino. Iigting ito sa susunod na taon. Maghanda.



Mga larawan: Dambuhalang kilos-protesta noong Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao (Kuha nina KR Guda, Jaze Marco, Pher Pasion, Abie Alino, at Darius Galang

Pasko-Pandi

$
0
0

Pasko-Pandi-Pasko-Pandi. Nakakapilipit ng dila. Katulad, marahil, ng pilipit na mga sabi-sabi hinggil sa mga taong nag-okupa ng mga pampublikong pabahay sa Pandi sa Bulacan–mga tamad, magnanakaw, walang modo, mang-aagaw ng bahay, marumi. Mahigit siyam na buwan matapos ang unang okupasyon sa pangunguna ng Kadamay, kung anu-ano na ang binansag sa mga maralita na naggiit lang ng kanilang karapatan sa Pandi. Nagbakasakali silang maralita na sana, ngayong Pasko, maituwid ang pilipit na mga pag-iisip–hinggil sa kanilang umokupa, hinggil sa karapatan ng lahat sa pabahay, hanapbuhay at serbisyo, hinggil sa tunay na lagay ng tiwangwang na mga pabahay ng gobyerno. Hinggil sa mga dahilan kung bakit kinakailangang magkaisa at gumiit.

Samantala, sa ginawang pamayanan ng mga nag-okupa, sa “pinalayang purok” ng Atlantica, tuloy ang Pasko, kahit papaano. Bawat kanto ng kalsada, napapalamutian ng simbolo ng Pasko. Christmas tree, parol, may snowman pa. Belen. Kuwento ng pamilyang walang pagsisilungan at pagsisilangan, kumatok sa bawat bahay pero pinagsarhan. Nag-okupa ng sabsaban at tinawag nilang tirahan.

Sa mga kalsadang ito, naglalakad ang mga batang pauwi galing paaralan, sa huling araw ng pasukan. Noong dumating sila, tinanggihan din sila ng mga eskuwela. Pero nagkaisa ang mga magulang na igiit ang kanilang karapatang makapag-aral ang mga bata. Matapos ang eskuwela, tumutulong ang mga bata sa paghahanda para sa isang pista. May hihiranging Lakambini. May pa-raffle. May exchange gifts. Para sa mga bata raw ang Pasko. Buong sayang ipinamamalas ito sa pamayanan ng sanlaksang pamilya nag-okupa sa sabsaban ng Pandi.

Kuha mula sa cellphone camera

Natatanging Progresibo ng 2017

$
0
0
2009 | 2010 | 2011 | 2012 | 2013 | 2014 | 2015 | 2016
Maaalala sa hinaharap ang 2017 bilang panahon ng tuluyang pagpaling ni Rodrigo Duterte sa pasistang pamumuno. Sa simula pa ng termino ni Duterte, nagbabala hinggil dito ang progresibong mga grupo: may posibilidad na maging progresibo ito, pero malakas ang hatak ng pasismo. Dahil nagbukas ito (sa porma ng mga diyalogo sa kilusang masa, sa appointments nito sa gabinete, at lalo na sa usapang pangkapayapaan), sinusugan ng mga progresibo ang posibilidad na ito. Pero sa kadulu-duluhan, mas malakas ang hatak ng tukso ng kapangyarihan, ng pagyuko sa imperyalismo, ng pasismo. Kalagitnaan pa lang ng taon, tila naladlad na sa publiko ang pasistang katangian ng rehimeng nag-aambisyong maging diktadura.
Sa kabila nito, naging saksi rin ang taong ito sa progresibong mga pagtindig laban sa tiraniya at pasismo. Nagpalakas ang kilusang masa, nagpalapad ang mga organisasyong masa, nagpalaki ang mga organisador ng mga pagkilos. Nahimok ang dumaraming bilang ng mga mamamayan na tumindig at lumaban. Naging inspirasyon at aral ang nakaraang batas militar ni Marcos para pag-ibayuhin ang paglaban sa maagang yugto ng batas militar ni Duterte. Sa kabila ng konsolidasyon ng kapangyarihan ng nakaupong pangulo, marami ang nanindigan para sa kanilang mga karapatan at para sa interes ng sambayanan.
Taun-taong naglalabas ng listahan ng Natatanging Progresibo ang Pinoy Weekly. Dito, itinatala namin sa kung sino o ano sa aming palagay ang nagkaroon ng natatanging ambag sa progresibong adhikan ngayong taon. Marami sa mga nasa listahan, dati nang kinilala noong nakaraang mga taon. Pero mayroong bago. Mayroon ding dati naming kinilala na ngayong tao’y maaaring masama na sa listahan ng Natatanging Reaksiyonaryo o Natatanging Pasista.
Narito ang pagkilala namin ngayong taon.

Natatanging Progresibong Pagkilos

Occupy Pabahay. Madaling araw ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, mahigit 10,000 maralitang homeless o walang bahay—karamihan sa kanila’y kababaihan—sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang organisadong umokupa sa mga pampublikong pabahay sa Pandi, Bulacan. Walang nakatira o tiwangwang ang mga pabahay na ito na orihinal na pinagawa para sa mga pulis at militar (pero nauna na nilang tinanggihan). Pinagtangkaan ng pasistang panunupil ang okupasyon. Nang hindi ito tumalab, sinira-siraan sa midya ang kampanyang tinaguriang #OccupyPabahay. Sa kabila nito, nanaig ang mga maralita; natulak si Pangulong Duterte na ideklarang ipapamahagi na lang ang mga pabahay sa mga maralita (hanggang ngayon, naghihintay pa rin sila na tupdin ni Duterte ang deklarasyon niya). Samantala, naipamalas sa kampanyang ito na (1) epektibo ang sama-samang pagkilos ng mga maralita; (2) may matinding krisis sa pabahay sa bansa, habang (3) nasasayang ang pondo ng gobyerno sa nakatiwangwang na mga proyektong pabahay na pinagkakakitaan ng pribadong mga debeloper.

Honorable Mentions: Tigil-pasada ng mga jeepney operator at tsuper noong Oktubre; Lakbayan ng Pambansang Minorya sa pangunguna ng Sandugo; Lakbay Magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas; protesta kontra sa Asean Summit at pagbisita ni US Pres. Donald Trump; kampanyang bungkalan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at iba pang lupain. Mga dambuhalang kilos-protesta noong State of the Nation Address o SONA ni Duterte at anibersaryo ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos noong Setyembre 21.


Natatanging Progresibong Organisasyong Masa

Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Epektibong napamunuan ng Kadamay ang #OccupyPabahay. Taliwas sa sinasabi ng maraming komentarista sa dominanteng midya tulad ng matapobreng si Mike Enriquez, hindi simpleng kaguluhan o anarkiya ang okupasyon ng Kadamay, kundi organisadong paggiit ng kanilang mga karapatan sa pabahay at serbisyong panlipunan. Samantala, hindi nagpatinag sa mga paninira ang Kadamay. Aktibong lumahok ang lumalaking kasapian nito sa mga kampanyang pambayan, mula sa kampanya kontra-pasismo sa mga lupain ng mga Lumad sa Mindanao at iba pang lugar, hanggang sa pagkondena ng imperyalismong US noong bumisita sa bansa si Trump. Ipinamalas ng Kadamay na kung mulat at organisado, kayang makatanaw ang mga maralita ng higit sa kanilang interes. Kaya nilang yakapin at pangunahan (bilang bahagi ng uring manggagawa) ang laban ng sambayanan.

Honorable Mentions: Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston, sa pamumuno nito sa kampanya kontra sa pekeng “modernisasyon” sa sistema ng transport at pag-phaseout sa mga jeepney; Ugatlahi Artist Collective, sa paglikha ng napakahusay na mga effigy at likhang-sining noong Setyembre 21, noong Asean Summit at pagbisita ni Trump noong Oktubre, Nobyembre 30 at Disyembre 10 na epektibong naglarawan sa kritika ng kilusang masa sa rehimeng Duterte at nakakuha ng interes ng pandaigdigang midya.


Natatanging Progresibong Lider-Masa

George San Mateo. Naging mukha si San Mateo, hindi lang ng mga tsuper at operator ng jeepney na nahaharap sa kawalan ng kabuhayan dahil sa matapobreng jeepney phaseout ng rehimeng Duterte, kundi ng buong kilusang masa. Matalino at matalas ang mga paliwanag niya hindi lang sa mga dahilan kung bakit dapat tutulan ang jeepney phaseout. Matalino at matalas ding naiugnay niya ang isyung ito sa iba pang isyu ng mga maralita—at bakit dapat lumahok ang mga mamamayan sa pagtutok sa naturang plano ni Duterte. Sukatan ng pagiging epektibo niya ang pagsampa ng walang-kuwentang kaso laban sa kanya ng LTFRB; Si San Mateo ang unang lider-masa na sinampolan ng dineklarang crackdown ng rehimen kontra sa mga progresibo. Pero sa kabila nito, hindi inatrasan ni San Mateo ang mga laban.

Honorable Mentions: Bea Arellano, tagapangulo ng Kadamay; Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela; Einstein Recedes ng Anakbayan.


Natatanging Progresibong Alyansa o Koalisyon

Movement Against Tyranny o MAT. Eksakto ang timing ng pagkakatatag ng network na ito. Nabuo ang MAT sa panahong unti-unting nalaladlad na sa madla ang pasistang katangian ng rehimeng Duterte at ng pangulo mismo. Tinipon ng MAT ang mga personalidad—mga aktibista, artista, pulitiko, relihiyoso, at iba pa—na nais makikiisa sa paglaban sa tiraniya. Malakas na pahayag ng pagtutol sa tiraniya ng rehimen ang inorganisa nitong pagkilos sa Luneta noong ika-45 anibersaryo ng batas militar ni Marcos.

Honorable Mentions: Sandugo; Save Our Schools (SOS) Network; Kilos Na! Manggagawa, No To Jeepney Phaseout Coalition, Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo o Saka; Voices of Women for Justice and Peace o VOW; at Let’s Organize for Democracy and Integrity o Lodi.


Natatanging Progresibong Desisyon, Polisiya o Rekomendasyon (sa loob) ng Gobyerno

Pinagkasunduang burador para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o Caser. So near, yet so far. Abot-kamay na sana, nawala pa. Si Pangulong Duterte mismo, marahil sa isang iglap ng kaliwanagan ng kanyang pag-iisip, ang nagtulak na tahimik na ituloy ang mga pulong para sa pagbubuo ng Caser. Matagal nang nabuo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang burador nito, na naglalaman ng batayang mga sangkap para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya na tatamasain ng karamihang Pilipino: pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo (kasama ang libreng pamamahagi ng lupaing agrikultural sa mga magsasaka). Pero tatlong araw bago ang sikreto pero pormal na pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, biglang inanunsiyo ni Duterte na aatras na siya sa usapan, idedeklara na niyang mga “terorista” ang mga komunista, ang mga gerilya ng New People’s Army, at kahit ang mga nasa legal na kilusang masa. Hindi lang ito epektibong pagtalikod sa peace talks at sa NDFP na matapat na nakikipagnegosasyon sa rehimen, epektibong pagtalikod din ito sa pangako ng tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino na kinakatawan sana ng paglalagda ng Caser.

Honorable Mentions: House Resolution 15 / Senate Resolution 7 na nagrerekomenda ng paggawad ng nakatiwangwang na mga pabahay ng militar at pulis sa “iba pang benepisyaryo”; Universal Access to Quality Tertiary Education, batas na nagdedeklarang dapat na walang kinokolektang matrikula sa state colleges and universities.


Natatanging Progresibong Opisyal ng Gobyerno

Chief Justice Maria Lourdes Sereno (pangatlo mula kaliwa), kasama ang ilang lider-kababaihan na bumubuo sa Voices of Women for Justice and Peace. <b>Larawan mula sa FB account ni Mae Paner</b>

Chief Justice Maria Lourdes Sereno (pangatlo mula kaliwa), kasama ang ilang lider-kababaihan na bumubuo sa Voices of Women for Justice and Peace. Larawan mula sa FB account ni Mae Paner

Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tiningnan ni Duterte si Sereno bilang isa sa pangunahing banta sa kanyang tiraniya. Marka ng isang diktador ang pagkamuhi sa isang patas (co-equal) na sangay ng gobyerno na independiyenteng kumikilos sa Ehekutibo. Pinamalas ni Sereno ngayong taon na hindi siya basta susunod sa dikta ni Duterte, na may checks and balances pa rin, kahit papaano, sa gobyernong ito. Pinakita ni Sereno ang independensiya noong nakaraang taon pa, nang paalalahanin niya si Duterte sa pangangailangang idaan sa tamang prosesong legal ang pag-aresto sa mga suspek sa giyera kontra ilegal na droga. Magmula noon, naging target na ng rehimen ang Punong Mahistrado. Pinatindi lang ngayong taon ni Duterte ang banat sa kanya, hanggang umabot sa reklamong impeachment na itinutulak ng mga alyado ng Presidente sa Kamara. Idagdag pa rito ang hayagang pagsabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat na umanong magbitiw si Sereno dahil sa reklamong impeachment. Paniwala ng Punong Mahistrado–at napakalinaw namang ganito nga ang kaso–na si Duterte mismo ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa kanya mula sa Korte Suprema.

Honorable Mentions: Kinilala namin noong nakaraang taon, pero kalahati pa rin ng 2017 ay nasa gabinete sila: Sina Gina Lopez, dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources; Judy Taguiwalo, dating kalihim ng Department of Social Welare and Development; at Rafael Mariano, dating kalihim ng Department of Agrarian Reform. Kasama rin sa dapat kilalanin ang progresibong ambag ni Sec. Liza Maza, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission.


Natatanging Progresibong Mambabatas

Sen. Grace Poe (kaliwa), kasama si George San Mateo ng Piston. <b>Mula sa FB account ni San Mateo</b>

Sen. Grace Poe (kaliwa), kasama si George San Mateo ng Piston. Mula sa FB account ni San Mateo

Sen. Grace Poe. Naging kasangga ng mga progresibo si Sen. Poe sa ilang mahahalagang isyung pambayan, mula sa paglaban para sa kapakanan ng mga manggagawa (“Nakamamatay ang sobrang trabaho,” sabi niya) hanggang sa pagdepensa sa interes ng mga tsuper, operator ng jeepney at mga komyuter nito. Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Public Services, aktibong hiniling ni Poe ang odyens ng Piston para pakinggan ang paglalahad nito sa kalagayan ng sektor ng transport na pinagbabantaan ng programang “modernisasyon” o pag-phaseout sa mga jeepney. Nang arestuhin si George San Mateo ng Piston, kinuwestiyon ni Poe ang aksiyong ito ng pulisya. Sinabi noon ni Poe na nakakapaghinala ang timing ng pag-aresto kay San Mateo, sa araw na mismong magpoprotesta ang Piston at mga drayber ng jeep at operators kontra sa pag-phaseout ng rehimeng Duterte ng kanilang hanapbuhay.

Honorable Mentions: Taun-taong kinikilala, ngunit hindi na isinasama sa pinagpipilian dahil sa konsistensi ng kanilang mga tindig, ang mga kinatawan ng progresibong mga party-list na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis, Kabataan, at ACT Teachers na sina Reps. Carlos Zarate, Emmi de Jesus, Arlene Brosas, Ariel Casilao, Sarah Elago, France Castro at Antonio Tinio. Sila ang mga bahagi ng iisang blokeng tagapamandila ng progresibong mga adhikain sa loob ng Kamara, ang Makabayan Bloc.


Natatanging Progresibong Midya

Alab – Alternatibong Balita (online newscast). Muli, isang breakthrough ang nakamit ng Altermidya – People’s Alternative Media Network ngayong taon: ang paglulunsad ng isang regular na programang newscast na tumatalakay sa mahahalagang isyung pambayan at internasyunal–mula sa progresibo o maka-mamamayang perspektiba at interes. Propesyunal ang produksiyon at magaang ang presentasyon. Ang bawat episode, pinangungunahan ng dalawang news anchors na sina Neen Sapalo at Jane Biton na maikukumpara sa sinumang mahusay na brodkaster sa dominanteng news networks. Pero ang tunay na halaga ng Alab ay sa unang pagkakataon, nakapagprodyus ang alternatibong midya sa Pilipinas ng regular na programang nasa porma ng pamilyar na newscast ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon, opinyon at analisis na di nabibigyan-diin ng dominanteng midya. Sa panahon ng fake newsinfotainment sa dominanteng midya, hindi matatawaran ang ambag nito.

Honorable Mentions: Samantala, may iba pang breakthrough programs ang Altermidya: Alab Analysis ni Inday Espina-Varona; Yan ang Totoo, kasama sina Prop. Luis Teodoro at Edge Uyanguren; at ang politikal na comedy show na Serious Na, kasama si Benjie Oliveros, at, nitong huling episode, si Janess Ellao. 


Natatanging Progresibong Pagtatanghal

Pagsambang Bayan – The Musical at Buwan at Baril sa Eb Major. Tinuturing na makasaysayan o groundbreaking na dulang pampulitika ang Pagsambang Bayan noong panahon ng batas militar ni Pang. Ferdinand Marcos. Sinulat ni Bonifacio Ilagan at unang dinirehe ni Behn Cervantes, itinuturing ang dulang ito bilang isa sa pinakaunang produksiyong panteatro na tahasang lumaban sa diktadurang Marcos. Hinubog sa porma ng simbang Katoliko–ibig sabihin, sa porma rin ng buhay, pakikibaka at kamatayan ni Hesus bilang pampulitika at radikal na lider at biktima ng pampulitikang panunupil at pamamaslang. Ngayong taon, sa pangunguna ng Tag-ani Performing Arts Society at sa direksiyon ni Joel Lamangan, pinrodyus ang Pagsambang Bayan bilang isang musical. Nilikha nina Joed Balsamo at Lucien Letaba ang musika, habang sinulat ni Ilagan ang libretto. Masasabing dapat lang na naging musical ito; hindi ba’t puno ng musika rin naman talaga ang pagdiriwang ng misa ng mga Katoliko? At, kasinghalaga nito, hindi ba’t puno rin ng musika ang epiko ng pakikibakang Pilipino?

Samantala, napapanahon din ang makapangyarihang restaging ng isa pang obrang panteatro na produkto ng pakikibakang kontra-Marcos: ang Buwan at Baril sa Eb MajorSinulat ni Chris Millado at unang itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA) Kalinangan Ensemble noong Marso 1985, nasa porma naman ng konsiyerto (sa Eb Major) ng musikang klasikal ang pagkakahati ng limang eksena. Pero wala sa musika (bagamat mahusay ang musika sa restaging na ito ngayong taon na dinirehe ni Andoy Ranay) ang kapangyarihan ng pagsasadulang ito. Sa apat na kuwento ng Buwan at Baril, ipinakita ang punto-de-bista ng ordinaryong mga mamamayan na lumahok, sa iba’t ibang antas at dahilan, sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Bukod sa makapangyarihang naratibo, napakahusay din ng mga pagtatanghal. Espesyal na tumatak ang pagtatanghal nina Angeli Bayani bilang bakwit na katutubong Itawis at Mayen Estañero (kahalili si Cherry Pie Picache) bilang asawa ng nasawing rebolusyonaryo.

Honorable Mentions: Game of Trolls ng PETA; Tao Po; Oktubre: Gulong ng Daigdig, musical ng Sining Banwa; at Aurelio Sedisyoso ng Tanghalang Pilipino. Saludo rin sa cultural night ng Lakbayan ng Pambansang Minorya noong Setyembre 18 sa UP Theater na pinamagatang Hugpungan at pagtatanghal ng 100-miyembrong choir para sa selebrasyong sentenyal sa Pilipinas ng rebolusyong Oktubre


Natatanging Progresibong Pelikula o Bidyo

Tu Pug Imatuy at Respeto. Nilikha ang Tu Pug Imatuy sa gitna ng mga operasyong militar na kontra-insurhensiya sa Mindanao. At ang mga lumikha (at nagsipagganap) nito ay mismong mga kalahok sa kampanya kontra sa mga atakeng militar na ito. Dinirehe ni Arbi Barbarona, hango ang pelikula sa tunay na karanasan ng mga Lumad sa Timog Mindanao. Kuwento ito ng aktuwal na dinaranas ngayon ng mga katutubong komunidad na sinasalakay ng mga militar sa ngalan ng pagtugis sa rebolusyonaryong New People’s Army (pero sa totoo’y tangkang panunupil lang sa anumang klase ng pagtutol sa napanakop ng dayuhan at komersiyal na interes sa lupaing ninuno). Ang kapangyarihan ng pelikula ay nagmumula sa direkta at walang kurap na pagpapamalas nito na reyalidad ngayon sa giyera ng rehimeng Duterte ngayon kontra sa rebolusyonaryong kilusan. Sekundaryo, pero mahalaga rin, ang pagpapakita nito na nananatili (lumalakas pa nga) ang rebolusyon dahil nananatili pa rin ang mga pang-aapi at pagsasamantala sa mga mamamayan, lalo na mga katutubo.

Samantala, mahalaga rin ang pagpapalabas ng Respeto na dinirehe ni Treb Monteras II. Gamit ang rap battle at pamilyar na naratibo ng coming-of-age at pagpasa ng baton mula sa isang henerasyon ng manunula tungo sa bago, epektibong ipinamalas ng pelikula ang kontekstong kinasasangkutan ngayon ng madugong giyera kontra droga ng rehimeng Duterte. Buo ang pagkakakuwento, pero direkta at walang kurap din ang kritika: na mga maralita ang nabibiktima ng madugong giyerang ito. At, higit pa rito, sintomas lang ang giyera kontra droga ng mas malaki, mas malala, at mas matagal nang giyera ng mga makapangyarihan kontra sa mga mahihirap, lalo na sa mga lumalaban–kontra sa tiraniya man ni Marcos o ni Duterte.

Honorable Mentions: History of the Underground (Sari Dalena at Keith Sicat): lahatang panig na eksplorasyon sa kasaysayan ng underground na pagkilos ng Kaliwa kontra sa batas militar ni Marcos. Pagkilala rin sa dalawang dokumentaryong pelikula na nilikha mula sa hanay ng alternatibong midya: Ang Truth Tellers ni Ilang-Ilang Quijano (tungkol sa kababaihang mamamahayag na sina Inday Espina-Varona at Kimberlie Quitasol); at Han-ayan ni JL Burgos (tungkol sa mahigit isang taon na paglaban ng mga Lumad sa Lianga, Surigao del Sur kontra sa militarisasyon); gayundin ang short film ng Mayday Multimedia hinggil sa kontraktuwalisasyon na pinamagatang Kontrata.


Natatanging Progresibong Artista

Mae Paner. Sa puntong ito, tila permanenteng presensiya na ng parlamento ng lansangan si Mae Paner. Kasama siya sa mga nagtanghal at nagmartsa-protesta noong panahon ni Gloria Arroyo. Kasama rin siya sa mga protesta kontra kay Noynoy Aquino. At ngayon, kasama pa rin siya. Pero bukod sa mga pagtatanghal (at pagganap sa personang “Juana Change“), aktibo na rin si Paner sa mga pormasyon o alyansang naglalayong magtipon ng maraming personahe para labanan ang tiraniya–sa Movement Against Tyranny o MAT, sa Let’s Organize for Democracy and Integrity o LODI, at lumahok sa Voices of Women for Justice and Peace o VOW.

Honorable Mentions:  Tumatak sa madla ang mapanghamig at matalas na talumpati ni Pen Medina noong Setyembre 21 sa Luneta; mistulang hall-of-famer na sa pagiging progresibong artista ang pintor at musikerong si Federico “boyD” Dominguez.


Natatanging Progresibong Libro

Wars of Extinction at Lenin’s Imperialism in the 21st Century. Mahalagang ambag sa pormal na pag-aaral sa kalagayan at pakikibaka ng mga Lumad sa Mindanao ang librong Wars of Extinction. Sinulat ni Arnold Alamon at inilimbag ng Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR), malinaw na tumitindig ang libro pabor sa pakikibaka ng Lumad at umaapela para sa pagsuporta sa pakikibakang ito. Pero sa kabila nito, hindi nagkukulang ito sa matalas at masinsing pag-aaral sa aktuwal na karanasan ng Lumad, gayundin sa mga historikal at sosyolohikal na ugat ng pang-aapi (at paglunsad ng wars of extinction) sa mga katutubo.

Samantala, napapanahon ang paglathala ng Ibon Books ng updating sa ika-21 siglo ng pagsusuri ni V.I. Lenin sa penomenon ng modernong imperyalismo. Sa ambag na kritikal na mga sanaysay ng iba’t ibang manunulat, aktibista, akademiko at rebolusyonaryo, nailugar ng Lenin’s Imperialism in the 21st Century sa kasalukuyang kontra-imperyalistang pakikibaka sa daigdig.

Honorable Mentions: Cherish, libro ng mga larawan ng New People’s Army ni Boy Bagwis; Bungkalan: Ang Karanasan ng mga Manggagawang-Bukid sa Hacienda Luisita sa Organikong Pagsasaka at Pakikibaka Para sa Tunay na Reporma sa Lupa ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA at UP Sentro ng Wikang Filipino; The Nation in Our Hearts: Essays on Mindanao  ni Arnold Alamon; Mining Ills: Poor Health and Inequities in the Philippines ng Ibon Books; New Media at Mga Sanaysay sa Platitude ng Bagong Objek ng Media at Mediasyon sa Filipinas ni Rolando B. Tolentino3 Baybayin Studies nina Ramon Guillermo, Myfel Paluga, atbp.; ProBernal AntiBio nina Jorge Arago, Ishmael Bernal at Angela Stuart-SantiagoInterrogations in Philippine Cultural History ni Resil Mojares; Una Furtiva Lagrima ni Edel Garcellano; at marami pang iba.


Natatanging Progresibong Sining-Biswal


Fascist Spinner (Ugatlahi Artist Collective). Tumatak sa pandaigdigang midya at hinangaan pa nga ng mga mamamayang Amerikano (salamat sa pagbibida rito ng sikat na Amerikanong talk show host na si Jimmy Kimmel) ang effigy na ito na likha ng Ugatlahi para sa dambuhalang protesta kontra sa pagbisita ni US Pres. Donald Trump kaalinsabay ng Asean Summit noong Oktubre. Pumabor dito, siyempre, ang napakasahol na reputasyon ni Trump bilang konserbatibo, matapobre, kontra-migrante, utak-pulbura at pasistang presidente ng US. Pumabor din sa pagsikat nito ang paggamit ng imaheng pamilyar at nauuso sa mga bata–ang fidget spinner na laruan–na kinorteng swastika na simbolo ng pasistang paghahari ni Adolf Hitler at ng Nazi Party sa Germany noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Pumabor din sa pagtampok nito ang mahusay na pagkakagawa ng effigy, at saktong pagkasunog nito habang nakikipagmabutihan si Pangulong Duterte sa kinamumuhiang presidente ng nangungunang imperyalistang bansa sa daigdig.

Honorable Mentions: Rody’s Cube ng Ugatlahi; eksibit na Dissident Vicinities (Lisa Ito, curator) sa Bulwagan ng Dangal Heritage Museum sa UP Diliman; eksibit na Green Go Home (Tomas Vu at Rirkrit Tiravanija, collaborators) sa UP Vargas Museummural ng Lakbayan ng Pambansang Minorya sa Sitio Sandugo.


Natatanging Progresibong Agaw-Eksena

Protestang-iglap ng Save our Schools (SOS) Network kontra kay Education Sec. Leonor Briones noong Nobyembre 28, at protestang-iglap ng Sandugo at Kalikasan kontra sa Mining Philippines 2017 Conference ng Chamber of Mines of the Philippines sa Sofitel noong Setyembre 6. Nalusutan ng mga katutubong miyembro ng Sandugo, kasama ang mga maka-kalikasan ng Kalikasan People’s Network for the Environment, ang mga guwardiya at barikada sa Sofitel para iprotesta ang kumperensiya ng malalaking kompanya ng mina–ang itinuturong pinakamalaking mandarambong ng lupaing ninuno ng mga katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Samantala, matagal nang nakakampo ang mga batang Lumad sa pangunguna ng SOS Network sa harap ng tanggapan ng Department of Education. Pero hindi sila hinaharap ni Briones. Nang malaman nilang magsasalita si Briones sa isang event ng Rappler.com, nagdesisyon na silang komprontahin dito ang kalihim.  

Honorable Mention: Lightning rally ng kabataang aktibista ng Anakbayan, League of Filipino Students, at iba pa, sa harap ng Philippine International Convention Center noong Nobyembre 11 para iprotesta ang Asean Summit at pagbisita ni Trump.

Dishonorable Mention: Biglaang pagsalita ni Pangulong Duterte sa entablado ng protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at buong kilusang masa kontra sa kanyang State of the Nation Address o SONA.


 

Ang maikli’t mabuting halimbawa ni Jo Lapira

$
0
0
(Basahin ang una sa serye: Pagbawi ng nasawi sa Nasugbu)

Wala pang isang buwan pero nahulog agad ang loob ni Ela. Sa mga kasama. Sa lugar. Sa mga bata. Sa mga gawain. Andami niyang kuwento. Gusto niyang ikuwento sa mga kaibigang naiwan sa Maynila. Gustong ikuwento ni Ela kay Emil.

Araw-araw sinulatan ni Ela si Emil. “Ang hirap makahanap ng panahon para sulatan ka,” ani Ela, noong Agosto 8, unang linggo niya doon. Pero gusto, kaya nagagawan ng paraan. Nakapagsulat siya noong Agosto 10 habang nakatayo at nagtuturo sa mga bata. Nakapagsulat siya noong Agosto 13, kahit bawal ang malakas na ilaw sa kampo, at kinailangan niyang ibalot ng malong ang flashlight na kagat-kagat niya para makita ang sinusulat. Nakapagsulat siya noong Agosto 14 habang nakaposte. At noong Agosto 16, habang nasa gubat para makaiwas sa “kaaway” (militar), nakapagsulat din siya.

“Kagabi ay literal nang muntik akong mamatay kung hindi pa ako sinagip ng kalikasan at ng mga kasama. Naka-mobile kami, at may bababaan sa gubat,” sulat niya kay Emil noong Agosto 17. “Malambot ’yung lupa at gumuguho habang inaapakan. Matarik din at malalim. Nung pababa na ako, nadulas at na-slide pababa. Huhu.”

Noong Agosto 20, tinuruan siya ng arnis. Tinuruan siyang umagaw ng baril at iba pang pagdepensa sa sarili. “Lagi nilang sinasabi na mataray ako. Haha. Dahil nagpupuna ako palagi sa macho nilang joke o pahayag. May isang kasama pa dito na nagdrowing ng malaswang picture ng babae! Nasungitan ko talaga sila lalo’t walang umamin tas nakangisi pa. Pero nagpuna rin naman (sa sarili) yung gumawa kaya okay na.”

Bawat sulat, nagwakas sa “Mahal kita!”

Pero hindi napadala kay Emil ang mga sulat. Nasa pag-iingat ito ni Ela noong nasawi siya kasama ang 15 iba pa sa sinasabing engkuwentro raw ng mga gerilyang New People’s Army (NPA) at mga sundalo ng Philippine Air Force noong Nobyembre 28. Ayon sa militar, si Ela raw ay si Josephine Anne “Jo” Lapira, 22, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila.

Inilabas ng militar sa publiko ang mga liham. Ang gusto nitong mensahe: Huwag tularan ang batang sinayang ang buhay. Sa isang Facebook Page ng militar, pinaskil ang mga sulat. Panakot ba.

Pero lalong nagkaroon ng buhay sa sinumang magbabasa nito si Ela—o Jo, kung totoo man ang sinasabi ng militar. Nagkaroon ng dahilan ang desisyon ng 22-anyos na estudyante na mamundok at magrebelde. Hindi inaasahan ng militar, pero pinatunayan ng mga liham na hindi “brainwashed” si Jo, kundi kusang nagdesisyon, kusang nakita ang katuturan ng pagrerebolusyon. Kusang nakita ang kalagayan ng mga magsasaka, ang pagpapabaya ng Estado sa kanila, ang epekto ng karalitaan sa mga bata.

Sa mga sulat, “nagtitimbang” si Ela/Jo kung magtutuluy-tuloy na siya o babalik pa ng Maynila. Pero kuwento ng mga kaibigan niya, di nagtagal matapos maisulat ang mga liham na ito, nagdesisyon na si Ela/Jo. Pagtuntong ng Setyembre, doon na siya sa kanayunan mamumuhay, maninirahan at kikilos.

Imahe ng isa sa mga sulat ni Ela kay Emil na ipinaskil ng militar sa isa sa mga pahina nito sa Facebook.

Imahe ng isa sa mga sulat ni Ela kay Emil na ipinaskil ng militar sa isa sa mga pahina nito sa Facebook.

* * *

“Mabilis siyang matuto,” kuwento ni Annie (di-tunay na ngalan), kaibigan, kasamahan sa Gabriela-Youth sa UP Manila. Siya rin ang nagrekrut kay Jo sa nasabing organisasyon ng kababaihang kabataan. “Noong gusto niyang matuto ng ukelele, inaral niya. Studious si Ela.” Magaling din siya sa Math.

Taong 2012 pa raw narekrut sa Gabriela-Youth si Jo. Nagkaroon ng diskusyon hinggil sa karahasan laban sa kababaihan sa kanilang organisasyon sa UP Development Society. “Mahilig siya sa purple,” kuwento pa ni Annie. “Bukod sa may pagka-feminist talaga.” Marahil, may kinalaman din dito ang pagtatapos niya ng hayskul sa St. Scholastica’s Academy sa Marikina. Doon pa lang, nakita na niya ang halaga ng paglaban para sa karapatan ng kababaihan.

Pero tiyak na hindi naging madali para sa tulad ni Jo ang maging aktibista. Diumano’y anak siya ng isang accountant sa isang multinational corporation. “Naghaharing uri. Malaking burgesya-kumprador,” ani Annie. “Mataas ang burgis na pamumuhay. Weekly, nagkakape nang sosyal, (umiinom ng) milk tea, (kumakain ng) cheesecake. Pangarap nilang magkakaibigan noon na kainan ang lahat ng restaurants sa Robinson’s Manila bago sila gumradweyt.”

Malumanay magsalita si Jo. “Yung tumatabingi talaga yung (dila). Tapos Inglesera siya. Bulul siya sa (pagbigkas ng) Gabriela-Youth. Hindi niya mabigkas ang ‘r’ sa Gabriela. Puro ‘l’,” natatawang naalala ni Annie. Kaya nang masabak si Jo sa room-to-room na pagpapaliwanag hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan, sa bandang dulo inilagay ang tungkulin ni Jo. “Para humingi ng donations at magrekrut,” ani Annie.

Epektibo siya. Dumami ang rekrut sa Gabriela-Youth. “Mga kikay sila, maliliit, cute,” kuwento pa ni Annie hinggil kay Jo at mga ka-batch niya noon. Hulyo 2013, unang beses nakalabas si Jo sa UP Manila—para sa programang Tulong-Eskuwela sa mga bata sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila. “Noon, ang naisip pa niya, tatapusin niya ang pag-aaral para makatulong,” sabi pa ni Annie. Kalaunan, lumipat siya ng kurso, mula Development Studies, nag-enrol siya sa kursong Biochemistry dahil gusto niyang maging doktor.

Taong 2015 nang mahimok siyang tumakbo sa student council bilang kinatawan ng College of Arts and Sciences. “Siya ang may pinakamalaking nakuhang boto sa kasaysayan ng CAS. Kaya source of pride niya iyun,” ani Annie. “Gabriela-Youth lang ang makinarya niya. Pero nanalo siya dahil din sa kanyang katangian na mapagkaibigan, sociable.” Sa konseho, mabilis siyang natuto sa mga isyung pampulitika.

Matapos ang tungkulin sa konseho, tila naghahanap na si Jo ng mas malalim na komitment. Hunyo 2017 na noon. “Nawala siya nang tatlong araw. Nag-deactivate ng Facebook,” kuwento pa ni Annie. “Pagkatapos, nagpakita sa amin, humihingi ng pasensiya. Nag-isip-isip daw siya. Ayaw na niyang mag-aral. Gusto na niyang kumilos bilang buong-panahon o full time na organisador ng Gabriela-Youth. Kaya kumuha siya ng gamit sa bahay, nag-iwan ng sulat sa mga magulang at nagpalit ng cellphone number.

“Hindi pa siya nakaranas noon ng dispersal sa rali. Wala siya tuwing may gitgitan,” kuwento pa ni Annie. Kaya magkasabay na nagulat at natuwa sila sa desisyon ni Jo.

Pero pakiramdam ni Jo, may mas malalim pa siyang maiaambag. Walang isang buwan, nagpaalam muli siya sa mga kasamahan. Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka, makita ang kanilang pakikibaka, ang kanilang rebolusyon.

Mabilis ngang matuto si Jo.

Si Jo, sa isa sa speaking engagements niya bilang bahagi ng Gabriela-Youth. Larawan mula sa Facebook page ng <b>Gabriela-Youth</b>

Si Jo, sa isa sa speaking engagements niya bilang bahagi ng Gabriela-Youth. Larawan mula sa Facebook page ng Gabriela-Youth

* * *

Kung pagbabatayan ang mga paabot niya sa naiwang mga kaibigan sa eskuwela, isang buwan pa lang si Jo sa piling ng mga magsasaka sa Batangas nang magdesisyon na siyang doon na siya sa kanayunan mamuhay—bilang rebolusyonaryo.

Lampas tatlong buwan matapos makarating ng Batangas, nasawi si Jo at ang 14 na iba pa.

May ipinasang bidyo sa Pinoy Weekly ang isa sa mga kaibigan niya. Galing daw ito sa isang kakilala na miyembro ng isang kapatirang may miyembrong militar. Tumanggi nang sabihin ng kakilala kung saan niya nakuha ang bidyo. Ang bidyo, kuha sa pinangyarihan ng “engkuwentro.” Doon nakita ang mga diumano’y rebelde, bulagta sa kalsada. Ang isa, dumidilat pa, hawak ng isang rumesponde ang ulo. Naririnig sa background: “Iyan ba si Ela?” Oo raw. Lumalabas sa bidyo, natanong o nainteroga na sa puntong iyon si Jo. Kaya nabigay pa niya ang kunwa’y pangalan na “Ela Rodriguez.”

Sa isang Facebook Page na pinamagatang “Legal Army Wives,” pinaskil naman ang wala-nang-buhay na larawan ni Jo. Nananakot ang post. Huwag daw kasi paloloko sa mga organisasyong katulad ng nilahukan ni Jo sa UP Manila.

Sa midya noong Nobyembre 29, sinabi ni Maj. Engelbert Noida, kumander ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force na nagsagawa ng operasyon kontra sa mga rebelde, na tinakbo raw ng mga militar si Jo papunta sa ospital noong gabi ng Nobyembre 28. Pero binawian na siya ng buhay kinabukasan, umaga ng ika-29. Kung titingnan ang larawan sa “Legal Army Wives,” gayunman, masasabing nasa kalsada pa lang si Jo nang mawalan siya ng buhay.*

Sinabi rin ni Noida at sa mismong pampublikong mga pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinakbo ng mga sundalo si Jo papunta sa ospital ng Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. Doon na raw si Jo binawian ng buhay. Mahigit dalawang oras ang layo ng Lipa sa pinangyarihan ng engkuwentro sa Nasugbu. Samantala, sa mismong Nasugbu, mayroong di-bababa sa limang ospital. Bawat isa rito, di-hamak na mas malapit kaysa sa Fernando Air Base.

Nang mapanood ang bidyo, malinaw para kay Annie ang nangyari: “Na-interrogate pa siya. Alangan namang alam na ng militar ang pangalan niya [Ela]. Bagu-bago pa lang siya doon.”

Bagung-bago pa lang, pero dinakila na siya—ng mga kaeskuwela niya sa UP Manila, ng mga Student Council sa buong UP System na naglabas ng resolusyon kamakailan na nagpaparangal sa kanya, ng iba’t ibang organisasyong progresibo, ng mismong rebolusyonaryong kilusan na kinabilangan niya sa maikling panahon. “Tinahak ni Jo ang landas na minsang tinahak nina Edgar Jopson, Lean Alejandro, Wendell Gumban at marami pang iba. Hanga tayo sa kanyang katapangan, at inspirasyon sa atin ang kanyang pagpursiging lisanin ang mga ginhawa ng buhay-burgis, gaano man kahirap ito,” pahayag ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP o Kasama sa UP, sa wikang Ingles noong Disyembre 1.

Para sa kanila, dakila ang hangarin ni Jo na maglingkod at makipamuhay sa mga magsasaka ng Batangas. Maikli ang panahon, pero ganun din naman si Jo—sa maikling panahon, mabilis na natuto, mabilis na nakapag-ambag, mabilis na tumatak.

“Sobrang saya rito. Sa kabila ng pagod, mga dapa at pasa, init sa umaga at lamig sa gabi, dito ko lang naramdaman ang saya ng pagrerebolusyon,” sinulat ni Ela kay Emil noong Agosto 17. “Marami pa akong gustong gawin at matutunan dito.” Hindi na tumagal si Jo para tumangan at matuto ng iba pang gawain. Pero sa kanyang pagyao, may ginagampanan at tinuturo siya sa maraming nakakaalam ng kuwento niya: ang mabuting halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod.


*Dahil dito at sa ilan pang detalye na nakakapagbigay-duda sa bersiyon ng militar sa pangyayari, nanawagan ang Gabriela ng independiyenteng imbestigasyon—kung may nalabag ang mga sundalo na karapatang pantao ng mga nasawi. Kahit pa sabihing mga rebelde sila, sumusunod dapat ang mga operasyong militar sa International Humanitarian Law. Nakasaad dito na hindi na dapat sinasaktan o pinapatay ang mga combatant na hors de combat na, o wala nang kakayahang lumaban. Obligado ang katunggaling armadong puwersa na bigyan ng atensiyong medikal ang mga sugatang hors de combat.

Buhay-bulkan

$
0
0
Unang lumabas ang sanaysay na ito sa Philippine Collegian halos 17 taon na ang nakararaan–noong Agosto 1, 2001. Inedit nang kaunti ang bersiyong ito.
Nitong Enero 2018, muling pumutok ang bulkang Mayon. Muli, libu-libong magsasaka at mamamayang Albayano sa may paanan ng bulkan ang lumikas. Samantala, daan-daanlibong (baka umabot na sa milyong) turista ngayon ang dumagsa sa naturang probinsiya.
Ang awtor ay lumaki sa Legazpi City, Albay.

Minsan naiisip ko: Kung ano ang turing ng mga Pilipino kay Jose Rizal, parang ganun din ang turing ng mga Albayano sa Bulkang Mayon.

Sa aming probinsiya sa Albay, kung anu-ano ang ipinapangalan sa bulkan—tulad ng kung anu-anong gamit, produkto at kompanyang ipinapangalan sa pambansang bayani (hal. Rizal Bank, Rizal na posporo, Rizal Park). Sa buong probinsiya, may hotel, resthouse, restaurant, t-shirt, grocery, at di mabilang na tindahan na kapangalan ng bulkan. At tulad ni Rizal, kumbaga’y mistulang bayani rin ng mga Albayano ang Mayon.

Malaking bahagi ng pangkulturang buhay ng mga tao sa lugar ang bulkang ito. Malaking bahagi ng ekonomiya ng Legazpi City ang nakabatay sa turismo. Ang attraction na ito’y nakapagpapasok ng malaking revenue mula sa mga turistang nabibighani sa misteryosong ganda ng halos-perpektong hugis-apa ng Mayon.

Katok sa putok

Humigit-kumulang sa isang dekada ang pagitan ng pagputok ng Mayon. Tuwing nangyayari ito, dagsaan ang mga turista, marami’y dayuhan.

Sa pag-usok at pagliyab ng bunganga ng bulkan, nabubuhayan ang siyudad. Punung-puno ang five-star hotel na Mayon International Hotel. In demand ang abaca products na binebenta sa mga bangketa. Lumalago ang industriya ng paglilitrato sa dami ng mga bisitang gustong makakuha ng litrato ng pagputok ng bulkan tuwing gabi. Kung anu-anong t-shirt ang binebenta sa kalye—basta may nakasulat na “Mayon Volcano” o “Legazpi City.” At tuwing gabi, gising ang mga tulog kapag umaga: magdamag ang tagayan sa Albay Park, at siyempre ang mga naglalako ng aliw sa Penaranda Park at sa kung saang madilim na sulok ng siyudad.

Baka di-normal na nakikita ang masayang eksenang ito sa isang lugar na dumadaan sa matinding sakuna. Pero para sa lokal na mga opisyal ng gobyerno, parang nagkakaroon ng dagdag na kahulugan ang kasabihang “In every dark cloud, there is a silver lining.”

Halimbawa nito ang komersiyo sa Cagsawa Ruins. Ito ang dating simbahang natabunan ng landslide sa pagputok ng bulkan noong 1814, at ngayo’y posibleng pinakasikat na puntahan ng turista sa Albay. Marami ang nabaon nang buhay sa loob ng simbahan. Pero ngayo’y sikat itong destinasyon ng mga turistang tila di-takot sa mga kuwentong nagmumulto raw ang mga natabunan doon. Katunayan, mayroon pang itinayong restaurant malapit sa Ruins, ang “1814” – isa sa pinakasikat na restaurant sa Albay na dinadayo pa ng mga sikat na artista at personalidad sa Maynila.

Halimbawa rin ang nakita ng ilang negosayante na pagkakataong kumita sa kakulangan ng mga dust mask para sa mga residente ng Legazpi. Nabasa ko sa Manila Bulletin noong Hulyo 27, 2001: “Garment manufacturers in Metro Manila, perhaps, can immediately fill the need for dust mask, and with these, they can earn instant cash and provide instant employment.”

Ayon pa sa balitang ito, “The products must have different designs that may suit classes of buyers like students, professionals, and the ordinary man in the streets, or even farmers.” Para bang may pakialam pa ang gumagamit ng dust mask sa Albay kung aaayon sa propesyon niya ang disenyo nito.

Village people

Samantala, maging ang ilang magsasakang residente sa paanan ng Mayon—na siyang pangunahing nabibiktima tuwing pumuputok ang bulkan—tinangkang maksimisahin ang trahedya. Namumulot sila ng mga batong mula sa lava o ashfall para ibenta sa mga turista.

Sila mismo iyung noong Huwebes lang, kasama sa aabot sa 10,000 pamilya o 53,000 katao na nagsilikas mula sa kanilang mga bahay matapos ang biglaang pagputok ng bulkan. Karamihan dito’y mga pamilya ng mga magsasakang nakatira sa paanan ng Mayon. Maraming magsasaka rito, dahil mataba ang lupa.

Tuwing may banta ng pagputok, sila mismo iyung pinakaunang pinalilikas ng lokal na gobyerno. Pinapatira sila sa mga evacuation center – mga klasrum ng public elementary schools sa siyudad. Doon, lagi’t laging kalunus-lunos ang kanilang kalagayan. Kuwento nga ng nanay ko na guro sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City, aabot sa 15 pamilya ang pansamantalang nakatira sa kanyang klasrum. Pangkaraniwan lang ang laki ng klasrum na ito, kaya siksikan ang mga pamilyang natutulog sa desk ng mga estudyante o kaya sa semento. Tulad ng inaasahan, walang maayos na kubeta para sa kanila. Kuwento ng nanay ko, grabe na ang panghi ng klasrum niya.

Karamihan sa mga magsasakang evacuee sa mga eskuwelahan ay bumabalik sa “danger zone” tuwing umaga upang tingnan kung hindi nasira ng ashfall ang kanilang mga pananim. Sa kabila ng pagtutol ng lokal na mga opisyal ng gobyerno sa pagbalik ng evacuees, hindi pa rin nila ito mapigilan. Tanging sa pagsasaka lang kasi nakasandig ang kabuhayan ng mga tao rito. Para sa kanila, katumbas din naman ng pagkamatay sa landslide o pagkasunog sa uson ang pagkawala ng kanilang kabuhayan.

Kaya minsan, napapaisip ako: Para bang hindi maganda, kundi masamang tanawin ang ipinupunta ng mga turista sa Albay. Kumbaga, natutuwa sila sa trahedya, namamangha sa view. Samantala, ang mga apektado, hayan na nama’t lumilikas mula sa pumuputok na bulkan. Kapag nangyayari iyun, di ko maiwasang isipin na hindi bayani sa buhay ng mga residente ang bulkan.

Samantala, tuloy ang pag-akit ng magandang Mayon sa mga turista, kahit pa maraming buhay at kabuhayan ang nasisira sa bawat ragasa ng “maganda” niyang pananalasa.


Featured image: Larawan ni Ciriaco Santiago III

Pagharang sa Train

$
0
0

“Puro kangkong na lang bibilhin ng mga namamalengke.”

Linggu-linggong namimili si Aling Nene sa palengke ng Tandang Sora sa Quezon City. Nagluluto siya sa bahay para sa pamilya, pero nagluluto rin para sa mga katrabaho sa isang opisina ng NGO sa Quezon City. Tulad ng maraming namamalengke, pansin niya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pagtuntong ng Enero ngayong taon.

“Umabot sa P220 na ang baboy. Ang nagtaasan talaga, mga gulay,” ani Aling Nene. Iyung dating itinuturing na pagkain ng mahihirap—gulay at mga isdang katulad ng galunggong—napansin niyang grabe ang itinaas.

Madali namang matanto ang dahilan ng mga pagtaas. Nagtaasan kasi ang mga produktong langis pagtuntong ng Enero ngayong taon. Ang petroleum, tinatayang P8 kada litrong dagdag-presyo ang itinaas. Ang deisel at kerosina naman, nagtaas ng P2.50 hanggang P3 kada litro. Tumaas naman ng piso kada litro ang LPG.

Kung kaya, pansin ni Aling Nene na iyung mga namamalengke na kapos ang badyet, mas madalas na bumibili na lang ng kangkong—na nagkakahalagang P10. “Grabe ang itinaas ng pipino. Ganun din ang ampalaya.” Siyempre, nagmahalan din ang dati nang mas mahal na mga gulay tulad ng broccoli.

Sagasa ng Train

Ang salarin, siyempre, ay ang pagpatas ng excise tax (o buwis sa paglikha ng mga produkto) na iniutos ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law, o ang Republic Act No, 10963.

Maliban pa sa excise tax sa langis, nagpapataw rin ang Train Law ng excise tax sa mga produktong may asukal at high fructose corn syrup (tulad ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin). Nagpapataw rin ito ng dagdag-buwis sa estate, donor at documentary stamp tax. Samantala, dineklara naman ang exemption o hindi pagbubuwis sa mga sumasahod ng P250,000 pababa kada taon (o P20,833 pababa kada buwan).

Nauna nang ibinunyag ng blokeng Makabayan ang pagragasa ng administrasyong Duterte sa mga proseso ng Kongreso (tulad ng presensiya ng quorum o simpleng mayorya sa botohan) para ipasa ang Train Law noong Disyembre 2017. Nakadagdag ito sa suspetsa ng mga mamamayan na ayaw pagdebatehan ng administrasyon ang Train dahil malinaw na matindi ang epekto nito sa mga mamamayan—magsisitaasan ang presyo ng mga bilihin.

Dahil sa mga agam-agam ng publiko, nag-isponsor kamakailan ang mga organisasyong estudyante, sa pangunguna ng UP Praxis sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman ng porum hinggil sa Train Law. Sa porum na ito, nakumbida ang Department of Finance (DOF)—na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng Train Law, sa suporta siyempre ni Duterte—para magpaliwanag.

Isang technical assistant to the undersecretary lang ang dumating. Isang Jayson Lopez ang nagsalita, at inilarawan niya ang mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin bilang moderate” o katamtaman lang. Ang sabi pa niya, madali namang makakaagapay ang mga manggagawa sa pagtaas na ito dahil “90 porsiyento ng minimum wage earners” ay makakauwi ng mas malaking take home pay gawa ng exemption o di kaya’y mas mababang income tax.

Aniya, ayos lang ito, dahil ang kapalit naman ay dagdag na badyet para sa “mga serbisyong panlipunan.” Tampok sa mga serbisyong babadyetan: ang programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte, o ang planong pagtatayo ng malalaking imprastraktura tulad ng dagdag na mga kalsada, sistema ng tren, paliparan, at iba pa.

Di-totoong paratang

Sa naturang porum, buung-buong pinabulaanan ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang sinabi ng kinatawan ng DOF.

(Ang Ibon Foundation ay isang kilalang independiyenteng institusyon na masusing nag-aaral ng mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya mula sa punto-de-bista at kapakanan ng ordinaryong mga mamamayan.)

Unang una, ani Africa, malinaw na hindi katamtaman o moderate lang ang epekto ng dagdag-presyo ng mga bilihin sa ordinaryong mga mamamayan. “Sa mayaman, halimbawa, walang halaga sa kanya ang P1,000. Pero sa mahirap (napakabigat nito),” aniya. Ang batayang problema ng Train Law, ani Africa, ay hindi ito nakabatay sa aktuwal na reyalidad ng Pilipinas—kung saan mayorya ng mga mamamayan ay naghihirap, walang trabaho o kundi ma’y may mababang sahod sa trabaho o walang regular na trabaho.

Sinusugan ito ni Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Sa naturang porum din, sinabi niyang malinaw sa datos noong 2017 hinggil sa lakas-paggawa ng bansa na karamihan ng manggagawang Pilipino ay naghihirap na—wala pa mang Train Law.

“Sa datos noong 2017, labor force ay 61.1 milyon. Sa loob nito, 38 milyon ang nakaempleyo. Sa nakaempleyo, 24.6 milyon ay pawang mga kontraktuwal,” ani Adonis.

Sa mga manggagawang nakaempleyo, aniya, tinatayang aabot lang sa 46 porsiyento ang sumasahod ng minimum wage: sumasaklaw mula P255 kada araw (para sa agricultural workers) sa Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM (na may pinakamababa), hanggang P512 kada araw (para sa nonagricultural workers) sa National Capital Region o NCR (na may pinamakataas).

54 porsiyento ang hindi sumasahod ng minimum,” dagdag pa ni Adonis. “At karamihang (empresa), kahit minimum wage, vina-violate.”

Kahit pa hindi nagbabayad ng income tax ang mga manggagawa na sumasahod ng P250,000 kada taon pababa (malinaw, ito ang mayorya), malinaw umanong malaki ang ikinakapos ng minimum na sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa.

“Karamihan sa mga manggagawa, nangungupahan (ng bahay),” paliwanag ni Adonis. Kaya, sabihin na nating nagrerenta ang isang manggagawa na sumasahod nang minimum at may pamilya ng P2,000 sa bahay kada buwan. “Ang buwanan na mga bayaran: ang tubig, sabihin na nating P300. Sa kuryente P500.”

Sa pagkain, sabihin na natin sa pamilyang anim ang miyembro, hindi ko alam kung katanggap tanggap ‘yung P100 per head per day,” aniya. Kung kaya, sa P600 kada araw, sa loob ng 30 araw—mahigit P18,000 kada buwan ang gastos.” Malinaw na kapos na kapos ang minimum na sahod na P512 kada araw o P13,312 (sahod sa 26 na araw sa isang buwan).

Wala pa riyan ang gastos sa pamasahe, gastos sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pagpapaaral sa mga anak.

“Kaya nga, marami sa mga manggagawa, sinasanla na ang mga ATM card nila,” sabi pa ni Adonis.

“Nag-uusap tayo rito na wala pang Train Law,” sabi pa niya. “’Yan din ang nagpapaliwanag kung bakit marami sa mga manggagawa, hindi nanakakapagaral ang mga anak. At kung may nagkakasakit, hindi makapagpagamot. malnourished ang mga anak.”

Hindi sa serbisyo

Kinatawan ng Department of Finance, si Jayson Lopez, sa porum hinggil sa Train Law sa UP kamakailan.

Kinatawan ng Department of Finance, si Jayson Lopez, sa porum hinggil sa Train Law sa UP kamakailan.

Pero sabi ng DOF, para naman sa serbisyong panlipunan ng mga mamamayan ang Train Law. Totoo ba ito?

Pinabubulaanan ito ni Africa. “Sa 2018 (General Appropriations Act, o ang taunang badyet ng gobyerno), ang pinakamataas na pagtaas ay sa imprastraktura. Tama ba na sinasabi nila na para sa mga serbisyong panlipunan ang Train kung 69 porsiyento ng badyet sa pabahay ay binawasan? (Umabot sa) 5.2 porsiyento lang ang itinaas sa social welfare na katulad noong nakaraang taon? (Umabot sa) 6 porsiyento lang ang itinaas sa edukasyon—pangunahing para sa mga sahod pa at hindi sa pagpapalawak sa mga eskuwelahan natin? (Umabot sa) 9 porsiyento lang ang dagdag sa kalusugan?”
Katunayan, ani Africa, binawasan pa ang badyet ng mga pampublikong ospital nang P1.5-Milyon. Ang preventive health program naman ay tinanggalan ng P16.7-M.

Pansinin din ang mga programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte. Nakasentro ang mga flagship na programang pang-imprastraktura sa dati nang mayayamang probinsiya, ani Africa, at hindi sa pinakamahihirap na mga probinsiya.

“Lumalabas,” aniya, “na iyung nagbabayad para sa mga proyektong ito (mga mahihirap) ay hindi makikinabang dito.”

Kung kaya malinaw na hindi para sa mga manggagawa at mahihirap ang makokolekta mula sa Train Law. Sa kabilang banda, dahil sa pagbaba ng sinisingil sa income tax dahil sa batas na ito, lalaki ang income ng mga maalwan na sa buhay—o ang mayayaman.

Malinaw, ani Africa, na ginawa ang Train Law para padaliin ang pangongolekta ng gobyerno ng buwis sa mahihirap. “Nakakakita tayo ng pagpihit mula sa direktang income taxes tungo sa consumption taxes (o buwis sa mga ginagastos). Takot ang gobyerno at mga mambabatas na taasan ang buwis ng mga mayayaman. Mabubuwisan din kasi sila personally, at ang kanilang backers (sa naghaharing uri), hindi na susulpot sa susunod na eleksiyon (kung bubuwisan ang mga iyon.”

Pero ang pagdagdag mismo sa buwis ng mga may grabeng yaman na mula sa naghaharing uri ang dapat gawin ng gobyerno, ani Africa.

Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang iba't ibang grupo ng paggawa tulad ng Kilusang Mayo Uno, Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, at Nagkaisa, para makipagdiyalogo kay Pangulong Duterte at igiit sa pangulo na lagdaan ang inihanda nilang executive order na wawakas sa lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon. Hindi ito nilagdaan ng pangulo. <b>Mayday Multimedia</b>

Buwisan ang yaman

Kung sana, ganito na lang, aniya: “Paano kung bubuwisan ang pinakamayamang 150,000 pamilya sa bansa? Kung buwisan na lang nang 20 porsiyento ang taunang income nila, kikita ang gobyerno ng P71-Bilyon. Kung bubuwisan naman nang 10 porsiyento ang sunod na 171,000 mayayamang pamilya, makakakuha ang gobyerno ng karagdagang P20-B.”

Kung bubuwisan lang ang 321,000 pinakamayayamang pamilya sa bansa nang 10-20 porsiyento, makakakuha ang gobyerno ng mahigit P90-B. Di hamak na mas malaki ang kikitain nito kaysa sa Train,” ani Africa.

Ang batayang prinsipyo rito: buwisan ang yaman.

“Lahat ng gobyerno o Estado, kailangan talaga ng buwis. Anumang gobyerno—maging NPA (New People’s Army), NDF (National Democratic Front) o MILF (Moro Islamic Liberation Front) man iyan sa kanayunan, o kahit gobyerno ng Pilipinas, kailangan mo ng buwis para sa operasyon. Pero kung magbubuwis ka, batay sa reyalidad ng Pilipinas.”

Aniya, dapat lang na maningil ng buwis sa mga mamamayan nito. Ang problema, kung iyung mga mamamayang mahihirap—na may maliit na sahod o may kaunti o walang kabuhayan—pa ang pumapasan ng buwis. Samantala, ang pinakamayayaman sa bansa, bumebenepisyo pa sa pagbawas sa kokolektahing income tax.

Sinabi ni Adonis na dahil sa Train Law, lalong mahalaga ngayon ang paglaban para sa national minimum wage—o pagkakaroon ng pantay-pantay na pambansang minimum na sahod sa buong bansa. Nangangahulugan ito ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa—dahil pare-parehod din naman ang batayang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya, sa kanayunan ka man o sa lungsod.

Paiigtingin din ng KMU ang paggiit na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa bansa, na direktang atake sa karapatan ng mga manggagawa na igiit ang kanilang karapatan.

Mahalaga ang paglabang ito, habang inaasahan pa ang pagpapatuloy ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. Dahil kung hindi magkakaisa at lalaban ang mga manggagawa, hindi malayong umabot sa panahong kahit kangkong, hindi na kakayanin ng kanilang kakarampot na sahod.


 

From ‘Marawi’ with love, atbp. kuwento ng pag-ibig

$
0
0
(Una sa serye: Pagbawi ng nasawi sa Nasugbu)
(Pangalawa sa serye: Ang maikli’t mabuting halimbawa ni Jo Lapira)

Disyembre 28, 2017. Sa ibabaw ng puntod ni Dondon, nagtipon sila—mga kamag-anak at kaibigan, ka-org at tropa.

Dala nina Kat at Nanay Baby ang abo ni Kamil. Pinagtabi nila ang urna at lapida. Sa wakas, muling nagkasama sila. Ang kanilang mga pangalan, kapwa nakaukit sa marmol: Camille A. Manangan sa urna, at Engr. Julieto C. Pellazar Jr. sa lapida. Kapwa Setyembre 18 ang araw ng kapanganakan: 1993 kay Kamil, 1991 kay Dondon. Pareho ang araw ng pagpanaw: Nobyembre 28, 2017.

“Hindi na naman puwedeng ikasal sila,” natatawang sabi ni Anne (di tunay na ngalan), malapit na kaibigan ni Kamil sa Gabriela Youth. Pero tiyak, iyun ang gusto nila. Sa araw na iyun, isang buwan na matapos masawi sina Kamil, Dondon, at 13 iba pang rebolusyonaryo sa Nasugbu, Batangas. Sa araw na iyun, kung hindi nangyari ang nangyari sa kanila, nagtitipon sana ang lahat sa isang masukal na gubat sa nasabing probinsiya. Sa harap ng bandilang pula, sa piling ng mga saksing magsasaka, pinag-isang-dibdib sana ang dalawa. Pero hindi na nga.

Sa halip, mula sa sementeryo, umuwi sila sa bahay nina Dondon. Pinanood ang bidyo ng dalawa: nagbabakasyon sa beach, kumakain sa kung saan-saan, nagkakasama sa mga rali. Nagbibidyoke. “Bakit Ngayon Ka Lang”. Sa dulo ng bidyo, mga larawan ng dalawa na magkatabi sa isang duyan, napapalibutan ng mga bata. Sa sonang gerilya.

Late 2012, may nanliligaw kay Kamil,” kuwento ni Kat. “Pero hindi nag-work out.” May ipinakitang larawan si Kamil sa kapatid: “Ate, ito na lang ang i-bet mo (para sa akin).” Kinikilig siya. Katrabaho ng nanligaw sa kanya. Si Dondon.

One time, tumawag si Kamil,” kuwento pa ni Kat. Nangungumusta siya. “Sabi ko sa kanya, ‘Uy, baka nandiyan na ‘yung Don ha, kasama mo.’ Nandun na pala. Magkasama sila. Hindi pa sila, pero sabay na naglalaba.”

Mga Hulyo 2013, alaala ni Anne, nag-date ang dalawa. Sa Luneta. “Tawang tawa sila sa isa’t isa,” kuwento niya. Mahilig magbato ng makukulit na tanong si Dondon: Bakit ang dolphin may paling sa ulo, ‘yung whale, wala? “Mga ganung tanong, mga nonsense,” sabi pa ni Anne. Pero si Kamil, sineryoso ang pagsagot sa mga tanong ni Dondon. Biro o hindi, pasensiyoso siyang nagpaliwanag. Pero natatawa rin siya. Swak ang humor ng dalawa.

Tawang tawa si Kamil na “seryosong” sinasabi ni Dondon na gusto niyang maging artista. Siyempre biro lang, pero tuwang tuwa siyang sinasakyan ito. Kaya marami silang bidyo. Pati pagbidyoke, binibidyo. Minsan, kunyari reporter si Dondon. Si Kamil ang magbibidyo. Lakas ng tawa nila sa ganitong mga trip.

Ganoon si Dondon, lalo na sa kanyang mga kaibigan. May tropa sila: “Senyoritos” ang tawag. Wala namang kahulugan, kulitan lang. Magkakabata sila, napalahok sa progresibong kilusan dahil sa eleksiyong barangay sa kanilang lugar noong 2007. “Mula noon, lagi na kaming sumasama sa mga kilos-protesta at aktibidad na kahit na pumapasok (si Dondon) sa kolehiyo ay lagi siyang sumasama rito,” kuwento ni Momoy, kaibigan ni Dondon at kabahagi ng Senyoritos.

“Ang nagustuhan talaga ni Kamil kay Don, yung pagiging komedyante at korni niyang tao,” ani Momoy. Si Don naman, bilib na bilib kay Kamil magsalita sa mga rali at pampublikong mga pagtitipon. Lider na siya noon ng Gabriela Youth. Siyempre, gandang ganda rin siya kay Kamil.

Matapos maging sila, pumasok si Dondon sa isang progresibong organisasyon ng mga propesyunal sa computers. “Gusto niyang i-practice ang profession niya (bilang enhinyero),” sabi ni Anne.

Tulad ng maraming nagtatapos ng engineering, malakas ang hatak sa kanya ng pagtatrabaho sa malalaking kompanya. Dun nga napunta si Dondon noong 2014. “Struggle ito kay Kamil,” ani Anne, dahil gusto niyang buong panahon sanang kumilos si Dondon sa progresibong kilusan. Kailangan dito ng mga enhinyero, pero mas kailangan ng mga aktibistang nag-oorganisa sa mga komunidad, naghihimok sa mga maralita na magbuklod at kumilos para sa panlipunang pagbabago.

Hindi binitawan ng kanyang mga katropa si Dondon. Palagi pa rin siyang naiimbitahang sumama sa educational discussions hinggil sa mga isyung pambayan. Kahit si Kamil, napapasama si Dondon sa mga aktibidad ng Gabriela Youth.

“Dahil sa sobrang solid nila, kami yung naging Mildonatics. Si Yaya ‘Mil at si Aldon Ricardo,” alala ni Anne.

Buong panahon, sinikap ni Kamil paliwanagan si Dondon: Hindi naman nila kailangan ng burgis na pamumuhay. Kaya nila ang simpleng buhay, habang puspusan ang pakikibaka. Samantala, nakaramdam na rin si Dondon na hindi talaga siya liligaya sa pagtatrabaho sa malaking kompanya. Nakita niya si Kamil, ang buhay ng pakikibaka na pinili nito. Na-inspire siya. Matapos ang isang taon, nagbitiw siya sa trabaho.

Tumulong si Dondon sa pangangampanya ng Bayan Muna Party-list noong eleksiyong 2016. Matapos ito, kasama siya sa mga direktang naghanda para sa pagbubuo ng People’s Agenda, o ang talaan ng mga panawagan ng kilusang masa kay Pangulong Duterte para maipatupad ang tunay na makabuluhang pagbabago sa bansa.

Samantala, nagbukas ng usapang pangkapayapaan ang administrasyong Duterte sa National Democratic Front of the Philippines, ang pampulitikang organo na kumakatawan sa rebolusyonaryong kilusan. Lalong na-inspire si Dondon. Nag-volunteer siyang maging istap ni Alan Jazmines, isa sa mga konsultant ng NDFP.

Noong panahong ito, katapusan ng 2016, unti-unti namang napagtanto ni Kamil: May maiaambag siya sa rebolusyonaryong kilusan. Hindi niya alam kung papaano, pero gusto niyang makita ang rebolusyon sa kanayunan. Sa pamamagitan ng mga kontak dito, napunta si Kamil sa Batangas. Nakilala niya ang mga gerilya. Mahirap ang buhay, pero natuwa siya. Bumalik pa siya sa Maynila. Gusto niyang isama si Dondon sa sonang gerilya.

Sa puntod ni Dondon. Larawan mula kay Anne.

Sa puntod ni Dondon. Larawan mula kay Anne.

Sa kabilang dako ng bansa, sa ibang panahon, minsang naharap din ang pamilyang Pacaldo sa sangandaan sa buhay. Davao City, taong 1987 noon. Katatalaga pa lang ni Pang. Corazon Aquino na OIC o officer-in-charge ng Davao si Rodrigo Duterte. “Pero hindi pa siya sikat,” kuwento ni Nanay Elay Pacaldo.

Aktibista siya noon sa Davao at ang asawa niyang si Glenn. Umiikot si Glenn kasama ang grupong pangkultura na Busilak, para magtanghal sa mga magsasaka at manggagawa sa Mindanao. Noong taong iyon, matapos mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos, tumindi ang kampanyang kontra-insurhensiya ng gobyerno. Target sa mga komunidad sa Davao ang mga aktibista. Isang grupong paramilitar ang nabuo: ang Alsa Masa. Tinuturo ang grupong ito (na suportado ng militar) sa maraming pagpatay sa mga aktibista.

“Nagdesisyon kaming lumabas ng komunidad. Gabi noon,” kuwento ni Elay. Ang problema, maliliit pa ang mga bata. Mag-iisang taon si Erwin, at sanggol pa si Joy. “Ayaw sa amin ipasama ang mga bata ng (mga kasamahan sa komunidad),” aniya. “Balikan na lang daw namin. Pero makakabalik pa ba kami?”

Hudyat iyun ng mahabang panahon ng paglipat-lipat ng mga tirahan: Sa mga kamag-anak sa Leyte at Cebu, sa isang nongovernment organization sa Maynila, sa Naga sa rehiyong Bicol. Samantala, lalong lumaki ang pamilya. Ipinanganak na si Lean. Taong 1994, si Ciela naman.

Habang nasa probinsiya ang kanyang pamilya, muling nakipagsapalaran sa Maynila si Elay. “Wala eh, kailangang (pumunta ng Maynila). Hindi kayang makabuhay sa pamilya ang trabaho dun.” Iba-iba ang pinasok na trabaho niya. Taong 2004, may nakapagsabi: naghahanap ang Gabriela ng istap. Hindi simpleng trabaho, dahil hindi naman ito burgis na opisina. Gusto na ring bumalik sa aktibismo si Elay. Sumunod sa kanya si Glenn, na nagtrabaho sa mga konstruksiyon sa Maynila. Kalaunan, unti-unting sumama na ang mga anak.

Mistulang lumaki si Ciela, at ang nakababatang kapatid niyang si Betchay, sa Gabriela. “Sumasama sila sa mga aktibidad. Kaya kahit papaano, may alam din sila sa kung ano ang ipinaglalaban,” kuwento pa ni Elay. Sinikap nilang ipakita kay Ciela na ang pagmamahal sa bayan ay di hiwalay sa pagmamahal sa pamilya.

“Pamilya Von Trapp” ang tawag ng mga taga-Gabriela sa mga Pacaldo—dahil magagaling kumanta, tumugtog ng gitara, magtanghal. Natural na may talento si Ciela, kung kaya kinuha siya sa Sining Lila, grupo ng mga mang-aawit ng Gabriela. Kalaunan, nakapasok si Ciela sa isang NGO na nagtataguyod ng karapatan ng mga bata. Taong 2016 na.

Ciela Mae Pacaldo. Mula sa kanyang Facebook account

Sa kabila ng karanasan ng kanyang pamilya, pangkaraniwan pa rin ang kabataan ni Ciela. Maaga siyang natigil mag-aral. “Tinatamad,” ani Elay. Sa bahay, naging busy sa pakikipagkilala sa mga tao online. Nahilig sa Wattpad.

Tulad ng maraming social media platforms, naging espasyo ang Wattpad para magkakilala ang iba’t ibang tao. Kung magkakapareho ang binabasa ninyo sa Wattpad, posibleng mas madali kayong magkakilala. Dito, nakilala niya niya si Dina (di tunay na ngalan).

Enero 13, 2015. Natisod lang si Dina sa profile ni Ciela. Naakit siya. “Ni-stalk ko talaga siya noon,” kuwento ni Dina. “Nagkaroon ako ng interes (sa kanya, kahit) knowing (na) sa mga website maraming hindi naglalagay ng tunay na mukha.” Naglakas loob si Dina na kontakin ang dalaga. “May common friend kami na nagkagusto sa kanya. Para siyang nahihirapan kung paano i-turn down ‘yung tao,” ani Dina. Nagpayo siya kay Ciela. Kalaunan, sila mismo, nagkalapit na.

Mabilis ang pagliligawan sa Internet. “One time, kinulit ko siya na maggitara. Kinanta niya ‘yung ‘Harana’ ng Parokya ni Edgar. Ang ganda ng boses niya.” Enero 30, naglakas-loob agad si Dina na sabihing “I love you dre”. Nailang nang kaunti si Ciela, pero pagdating ng Pebrero 2, sila na.

Maraming tanong si Ciela kay Dina. “I know, marami ang di-gusto ang same sex relationship. Paano kung ma-discriminate kami? (Pero) ako, wala akong pakialam. Kasi alam ko, kakayanin ko.” Samantala, matagal namang tanggap na nina Elay ang piniling kasarian ng anak. “Wala kaming problema riyan.”

Pero pinayuhan pa rin ni Elay ang anak. “Maraming napahamak na diyan sa social media,” sabi ni Elay. “Kapag nagsabing mag-eyeball eyeball, ‘wag ka talagang magpakita diyan.”

Pero noong Marso 19, 2015, nagkita na nga sila. “Doon ako naniwala sa magso-slow ang mundo mo kapag nakita mo na siya. Anlakas ng tibok ng puso ko. Nasabi ko sa sarili ko, siya na talaga,” ani Dina. Mabilis silang nagkakilala. Nakatulong, siyempre, na tahimik lang si Ciela, habang palakuwento si Dina. “Napakabait niya, hindi siya selfish na tao. Good listener,” aniya. “Pero matigas ang ulo.”

Humigit-kumulang isang buwan matapos ito, nakilala nina Elay si Dina. “Galing Japan (si Dina). May negosyo na parang inuman.” Pinayuhan niya muli si Ciela: Baka gawin kang dancer niya. Pero kumpiyansa si Ciela sa pagkakakilala kay Dina. Kalaunan, bumisita rin siya kina Dina sa Bulacan. Si Dina naman, napapsama rin ni Ciela sa mga aktibidad ng NGO. Paminsan-minsan din, nahahatak na sumama sa rali. Pinag-awayan nila ito, pero kalauna’y nakumbinsi si Dina na nasa tama ang puso ni Ciela.

Agosto 2017, nagpaalam si Ciela sa kasintahan. “Pupunta akong Marawi,” aniya. Matindi pa ang mga operasyong militar noong panahong iyon. Hindi naman malayo sa reyalidad, kasi talagang nagseserbisyo ang NGO na pinagtatrabahuan niya sa mga batang biktima ng giyera.

Pero hindi pa rin agad napaniwala si Dina. “Hindi ko sineryoso ‘yung sa Marawi siya pupunta,” ani Dina. May kutob na siya, na hindi na sa NGO ang pag-alis ni Ciela. Palaging nagkukuwento ito ng tungkol sa pang-aapi sa mga magsasaka. “Alam kong NPA (New People’s Army) talaga ang sasamahan niya.”Nag-away sila.

Dalawang linggo bago umalis ng bahay nila, biglang dumating si Dina. Nakikipagbati na si Dina. Pinayagan na niyang umalis si Ciela, basta babalik bago ang anniversary nila sa Enero. “Niyakap niya ako nang mahigpit…Hinalikan niya ako. Minsan lang niya gawing maunang humalik sa akin. May kakaiba sa halik niya noon. Full of love and promises. Parang sinasabi sa aking huwag akong mag-alala.”

Setyembre 7, umalis na si Ciela sa kanilang bahay. May mga kontak siya sa rebolusyonaryong kilusan. Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka ng Bulacan.

Sa isang maliit na pagtitipon ng mga kaibigan sa Maynila noong Agosto 2017, bumangka si Kamil sa kuwentuhan.

Kinukuwento niya ang mga karanasan niya sa hanay ng mga magsasaka sa Batangas, kasama ang mga gerilya ng New People’s Army. “Heaven ang lugar na iyun sa akin,” pagsisimula ni Kamil. (Nirekord ng mga kaibigan niya ang pagkukuwento ni Kamil.) “Pero ang mindset ko, anim na buwan lang. Gusto (kong) maranasan ang buhay bilang hukbo.”

Nakita niya iyun—at higit pa. Nakasama siya sa pagdiriwang ng mga magsasaka at hukbo ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines o CPP noong Disyembre 26. Noong Enero, nagkaroon ng pagsasanay-militar. Noong katapusan ng buwan, nagkaroon ng taktikal na opensiba ang yunit ng mga gerilya na sinamahan ni Kamil.

“Hakbang pamamarusa kay Henry Sy,” ani Kamil noon. “Security agency ito na itinayo para paalisin ang mga tao para sa mga resort niya.” Sa Pico de Loro Resort ito sa Nasugbu. Ilang araw pa lang ang nakalipas, nasa naturang resort ang mga kandidato ng Miss Universe. Nakausap ng mga gerilya ang mga magsasaka sa lugar: gusto nilang parusahan si Henry Sy at mga guwardiya sa pangangamkam sa kanilang lupain. May mga magsasakang gustong patayin ang mga guwardiya. “Pinaliwanag naman natin na hindi kaaway-sa-uri ang mga guard. Hanggang agaw-armas lang bilang parusa.”

Dalawa ang opisina ng security agency. Pareho, pinasok ng mga gerilya. Kinuha ang armas, at ipinaliwanag sa mga guwardiya at empleyado kung bakit ginawa ito ng NPA. “Sa kasaysayan ng probinsiya, iyun ang pinakamaraming armas na nakuha. Apatnapu’t apat (44) ang nakuha.”

Naging matunog sa buong Batangas ang pamangahas na aksiyon ng NPA kontra kay Henry Sy. “Nabuhay ang diwang palaban (ng mga tao roon)–na kaya pala ng hukbo,” kuwento pa ni Kamil. Maraming lugar ang humiling sa mga gerilya na puntahan din sila. Dumarami ang dumudulog sa NPA para tumulong sa mga problema nila sa lupa.

Tulad ng inaasahan, matapos nito, sunud-sunod ang malulupit na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Naiulat ng mga grupong pangkarapatang pantao ang aerial bombings. Walang puknat ang mga operasyon ng militar. Napalaban ang yunit na nasamahan ni Kamil. “Walang nakapansin, madaling araw. Kinubkob kami. May isang namatay. Iskuwad lider,” ani Kamil. Unang bugso ng putukan, nabitawan ni Kamil ang baril niya. Pero nakatakbo siya. Nahiwalay siya at dalawang sugatang gerilya sa pangunahing grupo. “Sobrang sirit yung dugo niya. Nabitbit ng isa ang bag, kaya may first aid kit pang nagamit.

Dito, aniya, nakita niya na literal na “masa ang tunay na bayani.” “Atrasan na. Nakalimang bahay kami bago kami mapapasok. Pero sa bawat bahay, tumulong din. (Di sila nagpapapasok) kasi ayaw lang ang militar. Sa unang bahay, binigyan kami ng cellphone. May nagbigay ng pamasahe. Sa ikalima, halos ayaw din. Pero dahil ako na lang ang may kakayahang magpaliwanag, ako na ang nagpaliwanag. Pinapasok kami. Gabi na nang sunduin. Limang minuto nalang, mahuhuli na kami. Handa na sana kami,” kuwento ni Kamil.

“Dito ko na-realize na ito pala ang digmaan,” aniya. “Yun ang turning point sa akin. Ang masa dun, alam nilang armado (kami, pero) tinatanggap nila.”

Matapos noon, at matapos makadugtong sa malaking bahagi ng yunit ng mga gerilya, muling napalaban sila. Pero mas handa silang nakaatras. At si Kamil, kumbinsido na: doon na siya.

Samantala, nangulila si Dondon sa kasintahan. “Yung dadalhing damit ni Don para kay Kamil, lagi niyang tinitiklop at inaamoy kahit maayos ito,” kuwento ni Momoy. Umuwi si Kamil noong Agosto 2017 para magpaalam sa mga magulang—at para magpaalam na rin sa kanila na magpapakasal na sila ni Dondon. Bumalik din agad si Kamil. Si Dondon naman, sumunod kay Kamil noong Setyembre. “Gusto niyang i-celebrate nila doon (sa sonang gerilya) ang birthday nila pareho,” ani Anne. Bumalik din ng Maynila si Dondon.

Unang linggo ng Nobyembre 2017 nang bumalik si Dondon sa Batangas. Kasama na niyang pumasok sa lugar si Ciela. Naghihintay sa kanila sa sonang gerilya sina Kamil at Jo Lapira—rebolusyonaryong tumibok ang puso para sa mga aping magsasaka at sambayanan, kababaihang nagmahal nang higit sa sarili at kasintahan.

Sabay-sabay na tumigil ang pagtibok ng kanilang puso noong Nobyembre 28, 2017.



Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>