Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Kontraktuwalisasyon, patuloy sa mga kawani ng gobyerno

$
0
0

Kasama sa plataporma ni Pangulong Duterte noong kanyang kampanya ang pagtatapos sa praktika ng end of contract o endo, o kontraktuwalisasyon, at marami pang suliranin na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino.

Pero makalipas ang 100 araw ng kanyang panunungkulan, hindi pa rin natutugunan ang hiling ng mga manggagawa. Hinihintay pa rin ng mga kawani ng gobyerno ang pangakong pagbabago hanggang sa ngayon.

“Sa nakaraang 100 araw, wala pa kaming nakikitang pagkakaiba sa nagdaang administrasyon at sa administrasyong Duterte,” saad ni Santiago Dasmarinas, unang bise-presidente ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees.

“Bagamat may binitiwan na siyang mga salita, hindi pa rin naisasakatuparan (ang mga pangako niya). Ang panawagan nami’y siya pa ring panawagan noong nakaraan pang administrasyon na ipatupad na ang national minimum wage sa pampubliko at pribadong sektor. Panawagan rin namin na itigil na ang kontraktuwalisasyon, at iyong iba’t ibang anyo ng kontraktuwal na manggagawa ay gawin nang regular,” ani Dasmarinas.

Ngunit patuloy pa rin ang atake sa mga manggagawa. Nito lamang Oktubre 11, naglabas ng memorandum ang Department of Agriculture na nagsasaad ng pagbabawas ng 50 porsiyento ng job order employees epektibo noong Oktubre 1.

“Malinaw na tanggalan pa rin ito,” ani Dasmarinas. Paliwanag pa niya, nagpapakita lang ito na wala pa ring kaseguruhan sa trabaho maging sa hanay ng mga kawani ng gobyerno.

Mangyayaring tanggalan sa ilang ahensiya ng gobyerno, at tinututulan ito siyempre ng Courage. <b>Darius Galang</b>

Mangyayaring tanggalan sa ilang ahensiya ng gobyerno, at tinututulan ito siyempre ng Courage. Darius Galang

Dagdag pa ni Manuel Baclagon, tagapangulo ng Social Workers Employees Association of the Philippines-Department of Social Welfare and Development, hindi sang-ayon ang memorandum sa order ni Duterte na itigil ang kontraktuwalisasyon at pagreregularisa ng mga kontraktuwal.

Sa kanilang datos, sinabi ni Baclagon na isa sa tatlong kawani ng gobyerno ay nakakategorisa bilang kasuwal, kontraktuwal, o job order o contract of service na manggagawa. Aniya, bumibilang ito sa mahigit kalahating milyong manggagawa.

“Marami naman nang nagawa ang administrasyong Duterte lalo na sa usapang pangkapayapaan,” ani Baclagon. “Pero pansin pa rin namin ng mga kawani ng pamahalaan na wala pa ring nangyayari sa aming Collective Negotiating Agreement sa departamento.”

Dagdag pa niya na may mga balak pang “re-engineering” na magrersulta ng dagdag pang kawalan ng trabaho. Binanggit ni Baclagon na mayroong plano “to rightsize the bureaucracy” na ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno ay mangangahulugn ng retrenchment ng mga kawani ng gobyerno.

Nitong Oktubre 19, tumungo sa tarangkahan ng Batasan Pambansa ang mga kawani ng gobyerno, kasama ang mga manggagawa ng DSWD, ng National Food Authority, ng MMDA, at iba pang sangay ng gobyerno, maging mga kawani ng siyensiya at teknolohiya.

Patuloy ang panawagan nila sa makabuluhang dagdag-sahod, sa kaseguruhan ng trabaho, at pagtigil sa kontraktuwalisasyon, hindi lamang sa kanilang hanay, kundi maging pati sa pribadong sektor.


 


Panawagan para sa Araw ng Kamatayan (ng Imperyalismo)

$
0
0
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
slide
Mga larawan ng protesta ng Sandugo, mula Bonifacio Shrine hanggang US embassy, noong Oktubre 27. Marjo Malubay
PrevNext

Ilang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng mga Patay o Undas, ininanawagan ng mga lider ng mga pambansang minorya na magkaroon na ng Araw ng Kamatayan — ng imperyalismong Estados Unidos (US).

Mahigit isang linggo matapos marahas na idisersa harap ng embahada ng US, pinamunuan naman ng Sandugo, alyansa ng pambansang minorya sa Pilipinas, ang isang simbolikong “hukumang bayan” o people’s tribunal. Ang dininig nito: mga krimeng ginawa diumano ng gobyerno ng US sa Pilipinas.

Ang mga lider ng mga katutubo’t Moro ang nagsilbing hukom sa espesyal na hukumang bayan na ito. Isa-isang nagsalita sa harap ng mga hukom ang mga testigo na nagsalaysay ng mga pang-aaping naranasan nila mula sa mga sundalong Kano.

Panahon ng base

Ibinahagi ng kinatawan ng Central Luzon Aeta Association (CLAA) na si Sonny Serrano kung gaano katindi ang negatibong epekto sa kanilang pamumuhay ng presensiya ng mga sundalong Amerikano sa bansa noong may base militar pa ito.

”Dito sa Capas, Tarlac, nandiyan ‘yung lupa namin na pinaglulunsaran nila ng military exercises. Hindi kami makakuha ng saging, kamoteng kahoy, kamoteng-baging. ‘Yung aming mga manok sa aming mga kubo sa Tarlac ay kinukuha ng mga militar,” ani Serrano.

Nabalot ng takot ang mga pamayanang Aeta sa joint military trainings ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at tropang Amerikano nang mamatay ang kanilang kasamahan gawa ng mga pagsasanay na ito.

“Mayroon kaming karanasan, ‘yung mga katutubong Aeta ay nangangalap, tinamaan ng bala ng US [troops], ang sinabi nila napagkamalan nila, akala daw nila baboy-ramo.  Dito naman po sa Subic (Zambales) nandiyan ‘yung target range nila sa Magsasa, meron pong katutubong Aeta diyan na nahulugan ng bomba na halos di na makita ‘yung laman,” ani Serrano.

Krimen sa Bangsamoro, Lumad

Samantala, ibinahagi rin ng kinatawan ng mga mamamayang Moro na si Amirah Ali Lidasan ng Suara Bangsamoro ang mga masaker sa Bud Dajo at Bud Bagsak noong panahon ng direktang kolonyalismong Amerikano. Nitong nakaraan lamang ay naging usap-usapan ang bahaging ito ng kasaysayan nang banggitin ito ni Pangulong Duterte sa isa sa kanyang mga talumpati.

Nagpapatuloy umano ang pambibiktima sa mga Moro ng imperyalismong US sa pamamagitan ng “giyera kontra terorismo” nito. Sa giyerang ito na sinuportahan ng nakaraang mga administrasyon, tinarget ng AFP, sa tulong ng militar ng US, ang sibilyang mga komunidad sa Sulu at Basilan para sa malawakang pag-aresto noong 2001 at 2002.

Matagal na ring nagdududa ang mga grupong Moro tulad ng Suara na may kinalaman ang gobyernong US sa pagkakatatag at pananatili sa bandidong grupo tulad ng Abu Sayyaf.

Isa sa pinakahuling krimen ng militar ng US sa mga Moro ang pamumuno nito sa operasyon ng Special Action Force ng pulis sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015. Umabot sa 43 commandos ng SAF ang nasawi sa operasyon laban sa diumano’y mga terorista. Nabiktima rin ang ilang sibilyan, gayundin ang mismong mga komunidad na hanggang ngayon ay mapapasailalim sa matinding militarisasyon.

Samantala, biktima rin ang mga Lumad ng Mindanao sa dominasyon ng gobyernong US sa pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. Kabilang dito ang pagdidikta ng mga polisiyang neoliberal sa ekonomiya na nagbigay-daan sa pagpasok ng malalaking komersiyal na pagmimina sa kabundukan ng mga Lumad.

Sanay din sa US Counterinsurgency Guide ang AFP na nagsagawa ng kampanya ng teror laban sa mga komunidad ng Lumad sa ngalan ng giyera kontra-insurhensiya.

Suporta sa independiyenteng patakarang panlabas

“Sa totoo, hindi pa nananawagan ang ating pangulo na palayasin ang US troops dito, kaming mga mamamayang katutubo ay nananawagan na. Nagpapasalamat po kami na nagkaroon ng presidente na sumusuporta sa kapakanan ng mga mamamayan,” ani Serrano.

Ilan pa sa mga kasong inihapag sa hukom ay ang Mangulayon Case, Scorched Earth Policy, at ang sukdulang pagsira ng kalikasan dahil sa mga minahan at plantasyon.

Hinatulan ng “kamatayan” ng hukumang bayan ang imperyalismong US at saka nagsagawa ng isang sagradong ritwal ng pagkakaisa sa pamamagitan ng paggigilit sa leeg ng manok upang tumulo ang dugo nito sa espesyal na kasangkapang gawa sa dahong gawa ng mga katutubo.

Ipinahid nila ang dugo sa kanilang mga palad bilang “paglalagda” ng hatol ng kamatayan sa imperyalismo.

Pagkatapos, tulad noong nakaraang linggo, muling nagmartsa ang mga katutubo at tagasuporta nila patungong embahada ng US–para naman ibigay sa mga salarin ang kanilang hatol.


 

 ‘Paagahin ang Pasko para sa detinidong pulitikal’

$
0
0

Inaasahan ang pagpapalaya ng may 50 detinidong pulitikal sa mga susunod na linggo bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon sa Gobyerno ng Pilipinas (GRP), karamihan sa mga mapapalaya sa pagtatapos ng ikalawang round ng usapang pangkapayaan ay mga detinidong kababaihan, matatanda, may sakit, at mga nakakulong na ng matagal na panahon.

Nilinaw ng Karapatan, organisasyon ng mga human rights advocate, na 19 detinidong pulitikal pa lang ang napapalaya mula noong unang round ng negosasyon sa pagitan ng GRP at NDFP. Ito ay taliwas sa 71 na pahayag ni Pres. Peace Adviser Jesus Dureza na naiulat sa isang lokal na pahayagan.

Miradel Torres: Nagpapasusong ina. <b>Photo courtesy: Karapatan</b>

Miradel Torres: Nagpapasusong ina. Photo courtesy: Karapatan

“Karamihan sa mga napalaya ay mga konsultant sa usapang pangkapayaan. Si Jaime Soledad, konsultant ng NDFP, ay napawalang-sala sa mga gawa-gawang kaso laban sa kanya,” ani Tinay Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Ayon pa kay Palabay, ang iba pang detinidong pulitikal na napalaya sa pagkakakulong mula Hulyo hanggang Oktubre ay bunga ng lakas ng depensa ng kanilang mga abogado at mga kampanyang bayan.

Bukas-palad umanong tinatanggap ng Karapatan ang balita ukol sa pagpapalaya ng may 50 detinidong pulitikal, ngunit hindi dapat kalimutan na higit sa 400 pa ang bilang na kailangang mapalaya sa lalong madaling panahon dahil hindi makatao at walang basehan ang pagkakakulong sa mga ito.

Inihalimbawa ni Palabay ang kaso ni Miradel Torres, 27, na nanganak habang nasa kulungan. Hinuli si Torres noong 2014 habang papunta ito sa ospital para magpa-check up. Isang saksi umano ang “nakarinig ng buong pangalan at alyas [ni Torres] sa isang engkuwentro.” Nakapagpakita man ng katibayan si Torres na nasa handaan ito para sa kaarawan ng anak sa araw na naganap ang di-umano’y engkuwentro, nakulong pa rin ito sa kasong pagpatay.

Panawagan ng mga grupong pangkarapatang pantao: Unahing palayain ang mga maysakit na mga detinidong pulitikal. <b>Angge Santos/Karapatan</b>

Panawagan ng mga grupong pangkarapatang pantao: Unahing palayain ang mga maysakit na mga detinidong pulitikal. Angge Santos/Karapatan

Hindi rin umano makatarungan ang kaso ng mag-anak na sina Jesus at Moreta Alegre, 70 at 71, at ang kanilang anak na si Selman. Napag-initan umano ang mag-anak ng isang lokal na landlord dahil sa pag-oorganisa at pag-eeduka ng mga ito sa mga magsasaka ng Cadiz City, Negros Occidental.

“Sila ay kabilang sa mga detinidong pulitikal na inaresto ng walang basehan ng mga nakaraang rehimen at naghihintay sa pangakong kalayaan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Higit sa 400 ang ilegal na inaresto, tinortyur, at iki-nulong dahil sa mga counter-insurgency program ng mga nakaraang administrasyon laban sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP),” ani Palabay.

Huwag na umanong paabutin pa ng pasko ang pagpapalaya sa mga ito.


 

Planong pagpawi sa mga dyip sa kalsada

$
0
0

Pinakakilala na pampublikong sasakyan ang mga dyip dito sa Pilipinas at marahil maging sa daigdig. Taglay ng dyip ang kultura ng mga Pilipino sa pagiging malikhain at mapamaraan.

Pero nagbabantang burahin ang sasakyang ito sa mga lansangan sa Pilipinas upang palitan ng mas “modernong” sasakyang pampasada. Sinimulan ng dating rehimeng Aquino sa Public Utility Jeepney Modernization Program ng Department of Transportation and Communication (DOTC), nais itong ilusot sa emergency powers ni Presidente Duterte na kasalukuyang ipinapanukala.

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. <b>Mayday Multimedia</b>

George San Mateo ng Piston: Pinagkakaisa ang mga tsuper at operator laban sa jeepney phaseout ng gobyerno. Mayday Multimedia

Biyaheng negosyo

Sinasabi ng DOTC na layunin nito na tiyakin ang road worthiness ng mga dyip at pagtugon sa pangangalaga sa kapaligiran dahil sa climate change.

Pero sa pagsusuri ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), lumalabas na malaking negosyo ito. At mabibiktima nito ang mga drayber at opereytor ng mahigit 400,000 dyip sa Pilipinas.

“Ang isang bagong dyip na sinasabi ng gobyerno ay naglalaro sa halagang P1.2- Milyon hanggang P1.6-M. Kung papalitan ang 400,000 dyip, ilang bilyong piso ang aabuting halaga nito? Sinu-sino ang kikita dito? Ang mga supplier, bangko, korap na mga nasa gobyerno,” ani George San Mateo, tagapangulo ng Piston.

Hindi katulad ng mga taxi, UV Express, at mga bus, hindi ginawa ang mga dyip sa mga pabrika, ina-assemble lang ang mga ito sa mga talyer. Kaya naman isa ito sa nakikita ng Piston kung bakit nais palitan ang mga dyip para pagkakitaan ng mga korporasyon.

Kung road worthiness lang ang pag-uusapan, maaari namang pagandahin ang mga dyip na kailangang ayusin at hindi lahat ng dyip ay kailangan palitan ng bago, dagdag ni San Mateo. “Kung tutuusin, sa sinasabi nilang road worthiness at environment concerns, puwedeng puwede ang rehabilitation imbes palitan ng bago ang mga dyip. Basta may government subsidy.”

Pigang-piga na ang sektor ng transportasyon partikular ang mga dyip sa iba’t ibang buwis. Magmula sa buwis sa langis, road users tax, franchise tax, at iba pa, “anong masama kung mag-subsidize naman? Hindi naman lahat may problema.”

Tinatayang aabot lamang umano sa 50,000 hanggang 100,000 ang mga dyip na kailangan i-rehabilitate.

Neoliberal na atake

Maliban sa pagkakitaan sa pagpapalit sa mga dyip, mas nais umanong gawing monopolyo ang operasyon ng transportasyon sa Pilipinas ng iilan partikular ang mga dyip.

“Tingin nila, hindi namamaksimisa ang tubo sa dyip kapag maliliit na operators ang nagmamay-ari. Kaya nais nila itong ipasok sa fleet management,” ani San Mateo.

Sa fleet management, magiging sentralisado ang operasyon. Malaking banta ito, dahil gagawin na lang nilang manggagawa ang mga drayber: Ipapasok sila sa sistemang kontraktuwal. Kapag nahuli ng pasok, kaltas sa sahod. Mas makapagdidikta rin umano ng mas mataas na pamasahe ang mga ito. Tiyak, tatamaan ang mga pasahero.

Sa pag-phase out ng mga dyip, hindi lamang umano lumang dyip ang pinapalitan, kundi yung katangian ng industriya. Wawalisin nito ang maliliit na operator, at kapag nawalis ang mga operator na ito at napalitan ng mga korporasyon, mawawalis na rin ang mga asosasyon.

“Parang union-busting din ang gagawin dahil matatanggal din ang mga asosasyon ng mga dyip. Hindi na poproblemahin ng gobyerno kapag makikipaglaban ang mga drayber sa taas-presyo ng langis. Isang paraan ito para mapigilan pagkilos ng mga drayber,” pagtatapos ni San Mateo.


 

Aswang at ang kasaysayan ng pag-aaklas

$
0
0

Mula sa pagsasalindila ng matatanda hanggang sa mga pelikula ng bagong henerasyon, madalas ay konsentrado lamang ang pagtalakay sa aswang sa pisikal na anyo nito, klasipikasyon at pamamaraan ng pagpuksa.

Sa presentasyon ng mass media hanggang sa pagsikat ng kulturang horror at paranormal, hindi napagtibay ang beripikasyon ng pag-iral ng aswang. Lumikha lamang ito ng paradaym ng pag-uugali ng aswang, proseso ng pagpapalit-anyo at preperensiya sa pagkain, na sa huli ay siyang konstruksiyon sa sariling katatakutan.

Materyal vs Likhang-isip

Malaon nang pinaniniwalaan ang aswang ng higit na nakakaraming populasyon sa bansa. Sa katunayan, ultimo karumal-dumal na krimen ay ibinibintang sa aswang. Maaaring alinsunod ito sa moralistikong pananaw na hindi magagawa kahit pa ng pinakamasahol na tao ang pumatay nang karumal-dumal. Maging mga sakit na walang lunas o kakaiba tulad ng dystonia (o neurological movement disorder) ay ipinagkakamaling asal ng aswang. Isinakdal rin ang Antique, Capiz, Siquijor, Aklan at Iloilo bilang diumano’y mga pugad ng aswang.

Maiuugat ang ganitong pagsasakdal sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. Partikular sa Isla ng Panay, ginamit ng mga Espanyol ang konsepto ng aswang bilang panlipunang kontrol (“social control”). Nabatid ng mga kolonisador na ang awtoridad ng mga babaylan (manggagamot, ispiritwal na pinuno ng mga katutubo) sa mga komunidad na kanilang pinamumunuan ay sagabal sa pagpapatupad ng encomienda. Gamit ang kolonyal na kristiyanismo, pinaniwala ng mga kolonisador na ang panggagamot ng babaylan ay maihahalintulad sa “black magic” na nakukuha sa pagsamba sa demonyo at masamang ispirito.

Iba’t iba ang identipikasyon ng aswang. Gamit ang lisyang agham (pseudoscience) na crytozoology, nilikha ang personipikasyon mula sa tao tungo sa gawa-gawang nilalang. Halimbawa, nilikha ang konsepto ng manananggal upang sirain ang awtoridad at mahalagang papel ng babaylan at ng babae sa lipunan. Sa gayon, napalitan ng takot ang respeto sa pinuno. Sa paghamak sa katutubong paraan ng panggagamot ay itinampok ng kolonisador na Espanyol ang Kanluraning medisina. Sa ganitong layunin rin binuo ang imahen ng kapre upang takutin ang mga katutubong Pilipino na tumutulong sa mga aliping Aprikano ng Espanyol. Pinaratangan namang aswang ang mga katutubo sa Capiz upang puksain ang anuman namumuong rebelyon laban sa kolonyalismo. Gayong ang katotohanan ay umaatake ang mga katutubo sa gabi dahil wala silang armas na katumbas ng sa kaaway.

Depinidong epektibo ang pananakot upang kolektibong kontrolin ang isipan ng tao. Sa katunayan, ginawa rin itong estratehiyang pangmilitar ni Hen. Edward Landsdale ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos. Pinag-aralan niya ang kultura ng Isla ng Panay at binuo niya ang “aswang armies” bilang kontra-insureksyon, kampanya laban sa mga gerilyang Hukbalahap.

Pag-aaklas at iba pang pagpapakahulugan sa aswang

Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging popular sa Duenas, Iloilo si Tenyente Gimo. Kinilala siyang Teniente del Barrio na kumakain ng atay at puso ng tao. Maging sa negosyo ng bus operator, ginamit ang persona ni Tenyente Gimo. Pinagkakitaan ang kagustuhan ng mga taong makita siya. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ang persona ni Tenyente Gimo ay ginamit bilang panakot ng Ilonggo laban sa agresyon ng mga mananakop na Espanyol at Amerikano.

Sa “Project Aswang” ni Jordan Clark, tinagurian ng maralitang lungsod na aswang ang diktador na si Marcos. May mga effigy sina dating pangulong Gloria Arroyo at Noynoy Aquino na kawangis ng aswang. Naging representasyon ang aswang ng mararahas na burukrata, panginoong maylupa at imperyalista. Ang pagsusunog sa mga effigy ay simbolikal na aksyon laban sa mapang-api’t naghaharing-uri.

Sa kasaysayan ng pag-aaklas ng mga magsasakang Panayanon, ang aswang ay diyalektikal na manipestasyon ng naganap na malalakas na pag-aaklas sa rehiyon. Ika nga, malakas ang aswang kung saan malakas ang rebelyon.

Kaya hindi dapat maisantabi ang tunay at makauring konteksto sa pagkakabuo ng aswang. Kailangang maipatimo kung paanong ginamit ng dayuhang mananakop at ng lokal na naghaharing uri ang aswang upang lansihin, linlangin at sakupin ang mga mamamayan.


 

Duterte sa China, Japan: Mga panganib at pagkakataon

$
0
0
Cover ng print edition ng Pinoy Weekly ngayong linggo.

Cover ng print edition ng Pinoy Weekly ngayong linggo.

Hindi dapat mamili na lang tayo sa pagitan ng Maling at Spam. O kahit isama mo pa ang kung ano pa mang bersiyon ng luncheon meat mayroon ang bansang Japan.

Ang punto ng nagsasariling polisiyang panlabas o independent foreign policy, paliwanag ni Pangulong Duterte pero mas artikulanteng ipinaliwanag ng mga progresibo, ay ang paggiit ng bansa ng kakayahang tumindig sa sarili sa larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura. Sa pagbisita ni Duterte sa China, at noong nakaraang linggo, sa Japan, inaksiyunan niya ang dati’y mga pahayag lang ng pagbabanta na kumalas sa impluwensiya at presyur ng gobyerno ng Estados Unidos (US). Pinakita ng Pangulo na malayang makipagkaibigan ang Pilipinas sa sinumang bansa, kahit pa sa China na itinuturing ng US na karibal sa dominasyon ng Asya-Pasipiko.

Kahit ang mga komunista, tinitingnan ang bisita ni Duterte sa China bilang mas positibo at makakaambag sa makabayang hangaring kumalas na mula sa US.

“Sa pangkalahata’y positibo ang deklarasyong ito sa polisiya dahil iginigiit nito ang pambansang soberanya at independensiya ng bansa mula sa mga dikta at imposisyon ng US at nagbubukas sa mga potensiyal para sa mahahalagang sosyo-ekonomikong pagbabago at kaunlaran. Itinutulak ng deklarasyong ito ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan mula sa imperyalismong US,” ayon sa Communist Party of the Philippines (CPP), sa pahayag nito noong Oktubre 26 (Pinoy Weekly ang nagsalin mula sa Ingles).

Pero sinasabi rin ng CPP at ibang progresibong puwersa sa bansa na kailangan ding maging mapagbantay sa negatibong mga aspekto ng pakikitungo sa China. Kailangan ding suriin at punahin ang klase o uri ng relasyon na pinalalalakas sa Japan ng rehimeng Duterte.

Duterte (kanan): Red carpet welcome ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Beijing. <b>Presidential Communications</b>

Duterte (kanan): Red carpet welcome ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Beijing. Presidential Communications

Tagumpay sa China

“Produktibo” at “makasaysayan” ang pagsasalarawan ni mismong Duterte sa bisita niya sa China mula Oktubre 18 hanggang 21.

Pinakakagyat na nakamit umano ng bisita niya ay ang kasunduang panatilihing bukas ang South China Sea para sa mas malayang pangangalakal. Pinakaramdam ito ng mga mangingisda sa Scarborough Shoal. Noong nakaraang linggo sinabi nilang hindi na sila hinaharangan ng mga barkong pandigma ng China para makapagpalaot sa naturang lugar na mayaman sa isda.

Matapos ang biyahe, iniulat ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na nasa $24-Bilyon na pangakong investments at pautang ang ipinangako ng iba’t ibang negosyanteng Tsino at ng gobyerno ng China.

Kalaunan, isiniwalat sa midya na isa sa mga kompanyang Tsino, ang China Road and Bridge Corp., na lumagda sa memorandum of understanding para sa feasibility studies sa pagtatayo ng Bonifacio Global City-Ninoy Aquino International Airport segment ng Metro Manila Bus Rapid Transit-Edsa project ay dati nang na-ban ng World Bank dahil sa mga reclamation activities sa South China Sea. Sangkot din sa reklamasyon sa South China Sea ang kompanyang Tsino na CC Dredging Co., kumuha ng kontrata sa paggawa ng Cebu International and Bulk Terminal project.

Wala pang isang linggo ang nakararaan matapos ang bisita sa China, muling bumiyahe si Duterte patungong Japan.

Dahil malapit na alyado ng US ang Japan, inasahan ng marami, lalo na sa Kanluraning midya, na bahagyang babalik ang Pilipinas sa impluwensiya ng US. Pati si Prime Minister Shinzo Abe ng Japan, sinabi bago ang aktuwal na bisita ng Pilipinong pangulo na kakausapin niya si Duterte para hilutin ang relasyon nito sa US.

Pero sa mismong biyahe sa Japan, iginiit ni Duterte ang kanyang planong palayasin ang lahat ng dayuhang sundalo, lalo na ang mga Amerikano, sa loob ng dalawang taon. Nagbanta muli siyang ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US para makapagbase-militar ang mga Kano sa ating bansa.

Tulad ng biyahe sa China, ipinagmalaki ni Lopez ng DTI ang nalikom na pangakong investments at pautang ng bansang Japan at mga kompanya nito na nagkakahalagang $19-B.

Malugod ang pagtanggap ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa kay Pangulong Duterte sa pagbisita ng huli sa Japan noong nakaraang linggo. <b>Presidential Communications</b>

Malugod ang pagtanggap ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa kay Pangulong Duterte sa pagbisita ng huli sa Japan noong nakaraang linggo. Presidential Communications

Dayuhang pamumuhunan

Bahagi pa rin ba ang pagbisita sa Japan sa pagkalas ng Pilipinas sa impluwensiya at kontrol ng US? Posible, ayon sa mga progresibong tagasuri.

Bagamat malapit na alyado ng US ang Japan, malinaw na hindi iginiit ng Japan ang “pakikipagkasundo” ni Duterte sa mga Amerikano bago mangako ng investments at pautang. Bagamat siguradong binanggit ni Abe kay Duterte ang tungkol sa “pag-aalala” (“concern”) umano nila sa sumasamang relasyong Pilipinas at US, hindi ito naging hadlang sa maayos na pagtanggap ni Abe kay Duterte sa bisita ng huli.

Gayunman, malinaw din sa katangian ng pangakong investments na nakuha ni Duterte sa Japan (at kahit na sa China) na hindi pa ito ang sinasabi ng CPP na dapat sana’y makuhang “komitment” mula sa industriyalisadong mga bansa tulad ng dalawa na tulungan ang Pilipinas sa industriyalisasyon nito.

Silipin na lang ang klase ng pangakong investments ng mga kompanyang Hapon. Nariyan ang pangako ng Toyota Motor Corp. at Mitsubishi Motors na magtayo ng mga pabrika sa mga probinsiya ng Pilipinas para sa paggawa ng kanilang mga kotseng Vios at Mirage. Nagkakahalagang $1.85-B ang pangakong ito. Sabi pa ni Lopez, makakatulong daw ito sa pagbangon sa industriya ng automotive sa bansa.

Ipinagmalaki ni Lopez na sa kabuuan, aabot ng 250,000 trabaho ang inaasahang malikha ng naturang investments. Pero ano’ng klaseng trabaho? May mahabang rekord ang Toyota at Mitsubishi, gayundin ang iba pang automotive companies ng Japan, ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa nito.

Noong 2014, dati nang nagbanta ang Toyota at Mitsubishi na tuluyang ilipat ang mga operasyon nito sa Pilipinas patungo sa ibang bansa “na mas mura ang gastos ng operasyon.” Pinresyur noon ng naturang mga kompanya ang administrasyong Aquino na aprubahan ang planong bigyan pa ng karagdagang insentibo sa buwis (ibig sabihin, mas kaunti o halos walang buwis silang babayaran) silang nagmamantine ng mga planta ng sasakyan sa Pilipinas.

Malinaw na walang pagkakaiba ang klase ng pangakong investments ng mga kompanyang Hapon at Tsino sa dati nang investments na nakukuha ng nakaraang mga administrasyon matapos ang pagbisita sa ibang bansa.

Ang ibig sabihin lang nito’y kapos pa rin ang pagpapakahulugan ni Duterte sa kanyang independent foreign policy. Sa larangan ng pulitika at militar, malaking bagay na ang pinasimulan niyang pagkalas (o bantang pagkalas) sa kontrol at impluwensiya ng isang imperyalistang bansa tulad ng US.

Pero sa larangan ng ekonomiya — ang larangang pinakamahalaga at pinakaramdam ng ordinaryong mga mamamayan — tila ipinagpapatuloy lang niya ang ideolohiya ng neoliberal na economics na nagsasabing sa pamamagitan lang ng dayuhang pamumuhunan (direct foreign investment) makakamit ng bansa ang kaunlaran. Napatunayan ng karanasan ng lahat ng mahihirap na bansa sa mundo na pinuwersang magpatupad ng ganitong klase ng “kaunlaran” na lalo lang silang natatali sa kontrol at impluwensiya ng mga imperyalistang bansa.

Para sa CPP, may paraan naman para makatulong ang China at Japan sa industriyalisasyon ng Pilipinas. Pero kailangang igiit ito ng administrasyong Duterte: kailangan umanong masiguro na may technology transfer o mailipat sa lokal na mga kompanya at manufacturer ang teknolohiyang ginagamit ng dayuhang mga kompanyang may planta sa Pilipinas.

Kaya’t hangga’t hindi tayo makalikha ng sariling lata para sa sariling luncheon meat na tatangkilikin ng kapwa Pilipino, mananatiling limitado ang pagpipilian natin sa pagitan ng mga Maling at Spam.

Mabuti pa, sabi nga raw, piliin na lang ang adobo.


 

Oplan Tokhang, ginagamit sa pangangamkam ng lupa

$
0
0

Alas-kuwatro ng hapon noong Oktubre 6, pinasok ng armadong mga tauhan ng San Jose Del Monte City Police ang tatlong kabahayan sa Area 1 at B sa Sityo Carahome sa naturang lungsod. Pinasok nila ang mga bahay nina Alfredo Ravelo, Rowel Reola at Segundina Gaitero.

“Estilong Oplan Tokhang (sa simula’t sapul),” sabi ng isang fact-finding mission na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Pumasok ang mga pulis nang walang mandamyento-de-aresto at search warrant. Pinadapa ang mga sibilyan, kinapkapan, habang hinalughog ng mga pulis at armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet ang buong bahay nila. Tinangay pa ang kanilang mga cellphone, pera at iba pang personal na kagamitan.

“Ang malala, nakaumang ang mga baril ng mga pulis sa mga sibilyan at iginiit sa kanila na ilabas daw ang mga baril nila matapos akusahan silang mga miyembro raw ng New People’s Army,” ayon sa ulat ng misyon.

Mga lokal na lider ng KMP sina Ravelo, Reola at Gaitero.

“Pinagbantaan pang papatayin ng pulis ang isa sa mga biktima, si Rowel Reola, na ginulpi sa harap ng asawa niya,” sabi pa sa ulat.

Maraming kababaihan, bata at matatanda kasama ang walong-buwang sanggol ang nakasaksi sa reyd. Ayon sa Children’s Rehabilitation Center, sumailalim ang apat na bata sa isang psychosocial therapy para makaalpas sa trauma na naranasan nila sa pangyayari.

Inaresto ng mga pulis sina Reola, Ravelo at isang Lito Natural at kinasuhan ng paglabag daw sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. Kung noong nireyd ang kanilang mga bahay, inaakusahan silang mga miyembro ng NPA, pagdating naman sa presinto’y inaakusahan sila na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na drogang shabu.

“Maling inakusahan ng mga pulis ang mga biktima ng pagbenta ng droga at nagplanta ng 16 transparent sachets ng sinususpetsahang metamphetamine (shabu). Isinailalim pa sa drug testing ang mga biktima pagdating sa estasyon ng pulis sa SJDM pero lumabas sa test na negatibo sila sa anumang bahid ng ilegal na droga,” ayon pa sa misyon.

Pinalaya nang walang kaso ang inarestong sina Segundina Gaitero, ang kanyang anak na si Mel Grace Gaitero, Valentin Salceso at Blas Gaitero. Hanggang sa pagkakasulat ng artikulong ito, nakadetine sina Reola, Ravelo at Natural sa San Jose Del Monte City Jail. Isa pang sibilyan, si Randy Sta. Maria, ang inaresto at nakakulong din.

Noong gabi naman ng Oktubre 19, isang araw matapos ang fact-finding mission ng KMP, isa na namang sibilyan, si Romy “Nonoy” Gaitero ang ilegal na inaresto at ikinulong ng pulisya sa SJDM. Kinasuhan din siya ng paglabag sa RA 9165 at illegal possession of firearms.

Ayon sa KMP, matagal nang tinatarget ng pangangamkam ang lupain ng Brgy. Carahome sa SJDM. Magmula 2014, inaangkin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 1,000 ektarya ng lupain. Nag-empleyo ito ng isang Raza Corp. para umano isarbey ang lupain, at ng mga goon at private security agencies para “isekyur” ang mga lupain sa Carahome.

Ilang beses na umanong nag-alok ang BSP sa mga residente ng Carahome na bilhin ang lupain, pero iginigiit ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa naturang mga lupaing agrikultural. Kung kaya, hinala nila, ginagamit ngayon ng BSP ang kampanya ng PNP kontra sa droga para supilin sila.


 

Serbisyong ginawang negosyo

$
0
0

Lumakas ang impluwensiya ng mga korporasyon sa pampublikong edukasyon sa bansa. Ito ang lumabas sa pag-aaral na kinumisyon ng Education International na isinagawa ni Curtis Riep sa Pilipinas.

Nangyayari na umano ito sa ibang mga bansa at malinaw na tinatahak na ito ng Pilipinas na pinahihintulutan mismo ng gobyerno na operasyon ng mga ito. Ang mas malala, dito na pupunta ang bilyung-bilyong pisong pondo ng gobyerno.

Korporatisasyon

Nabigo ang nagdaang mga rehimen na punan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon gaya ng mga klasrum, upuan, libro, guro, at maging ng mga paaralan, nagbubukas ng oportunidad ito para sa mga pribadong sektor na pasukin o pagkakitaan ang edukasyon.

Mas pinalala pa ito ng implementasyon ng programang K-to-12 na pinasimulan ng nagdaang rehimeng Aquino kahit walang kahandaang ipinatupad. Ang resulta, inaasa ito sa pribadong mga nagmamay-ari ng paaralan sa pamamagitan ng voucher system ang kakulangan ng gobyerno para pagkakitaan.

Kaya naman sa pambansang badyet ng 2017, tinatayang aabot sa P23.9-Bilyon ang pondong mapupunta sa pribadong sektor sa pamamagitan ng voucher system para sa senior high school mula sa P567.5-B pondong ilalaan sa sektor ng edukasyon. Mas doble ito mula sa P12-B pondong inilaan ngayong 2016.

Isa sa mga nakikinabang dito ang Affordable Private Education Center o APEC Schools na itinatayo ng Ayala Corp. at ng Pearson International Education Company. Ang 60 porsiyento nito’y pinagmamay-arian ng Ayala at 40 porsiyento naman ang sa Pearson.

Abril 24, 2013 nang makaroon ang mga kompanyang ito ng memorandum of agreement sa Department of Education (DepEd). Bahagi ito ng Private-Public Partnership ng dating rehimeng Aquino.

Tinatayang aabot sa P19,000 hanggang P32,000 kada taon, depende sa grade at lokasyon sa paaralan, ang gagastusin ng isang pamilya para sa matrikula. Para sa isang pamilya na hindi mahirap, aabot ito sa 17 hanggang 30 porsiyento ng kanilang taunang income.

Pero ayon sa pag-aaral ni Riep, wala sa standard ang pagpapatakbo ng APEC Schools. Nasa 70 porsiyento ng mga guro nito ang hindi lisensiyado, hindi angkop ang mga paaralan na nirentahan lang sa komersiyal na mga gusali, at scripted umano ang kurikulum na itinuturo sa mga mag-aaral.

“Bakit pinayagan ang APEC na mag-operate ang kanilang edukasyong pangnegosyo kung hindi sila sumusunod sa standards?” tanong ni Riep. Sa kabila nito, nais pang palawakin ng DepEd ang sakop ng voucher system at ang PPP sa edukasyon.

Itinutulak ng DepEd ang mga solusyong na nakaayon sa merkado sa halip na magtayo ng mas maraming paaralan ng gobyerno, ayon kay Riep.

Banta sa sistema

Para sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), malaking banta sa sistema ng edukasyon ang pagpapahintulot sa mga institusyong tulad ng APEC Schools sa Pilipinas.

Malinaw umano na isang porma ng korporatisasyon at komersalisasyon ng edukasyon ang umiiral sa sistema ng edukasyon sa bansa na pinahihintulutan ng mismong gobyerno.

Bukod pa rito, layon din nito na magluwal ng semi-skilled na mga manggagawa para pagkunan ng balon ng mga murang lakas-paggawa.

Higit na kailangan umano ang mas mataas na badyet para sa edukasyon upang maisakatuparan ng gobyerno ang Konstitusyunal na mandato nito na magbigay ng libre at kalidad na edukasyon para sa mga mamamayang Pilipino.


 


Ang misteryosong pagkamatay ni Irma Jotojot

$
0
0
Cover ng print issue ng PW sa susunod na linggo.

Cover ng print issue ng PW sa susunod na linggo

Maraming buwan ang hinintay ni Irma Jotojot para makaalis ng Pilipinas at makapagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia, kahit bilang domestic helper (DH). At para may souvenir, nakakuha pa silang mag-anak ng litrato sa airport—alaala ng mapait at matamis na pag-alis ni Irma.

Nakaakbay kay Irma ang asawang si Jonald sa tabi ng kanilang mga anak.

Matamis ang paghihiwalay na ito dahil sa wakas ay masisimulan na nila ang pangarap na hindi nila mabuo-buo sa karampot na sahod nilang mag-asawa. Bago mag-abroad, namasukan si Irma bilang housekeeper sa Makati nagtrabaho naman si Jonald sa pabrikang nagtutunaw ng bakal.

Nagyakapan ang magkakamag-anak, nagpaalam si Irma kay Jonald sa airport. Hindi nila inisip na iyon na pala ang huli nilang pagkikita.

Sampung araw mula nang sumakay si Irma sa eroplano, nakatanggap ng tawag mula sa isang Pinay na nars sa Saudi si Mayet Martinez, ang nag-iisang kapatid ni Irma.

Misteryoso

Irma Jotojot

Irma Jotojot

“Sabi nung nars ‘Ang ate mo, nandito maraming pasa, dinudugo,’” kuwento ni Jane Edloy, tiyahin ng biktima na siyang nakasagot sa tawag ni Mayet.

Ayon pa rin sa nakausap nilang nars, dalawang araw nang nasa ospital si Irma, hindi na makapagsalita, puro pasa ang katawan, at dinudugo. Dinala pa diumano si Irma ng kanyang amo sa opisina ng Alsayyar Recruitment, ang foreign recruitment agency nito sa Saudi at saka pa lang siya naisugod sa ospital.

Nakasaad sa medical report na inilabas ng King Salman Hospital, sinabi ni Irma na siya’y ginahasa.

Kalaunan, tatlong linggo lang matapos dumati sa Saudi, namatay sa ospital si Irma.

Agad na tinawagan ng pamilya ni Irma ang kompanyang nagrekluta sa kanya na Rejoice Employment International Corp. para ipaalam sa mga ito na naospital si Irma. “Pero hindi sila pinansin (nito),” kuwento ni Jane.

Kalauna’y sinadya na nila ang opisina nito sa Ermita, Maynila.

“Sabi nila (mga kinatawan ng Rejoice), gumawa na sila ng mga ulat, na para malaman na kung ano ‘yung mga karapatan ni Irma na ibibigay sa pamilya,” ani Jane.

Hindi umano nagustuhan ng pamilya ang pagtrato sa kanila ng Rejoice Agency noong araw na iyon. Sa halip na sa pamilya ipaliwanag ang papeles, sa mga kasama nilang staff ni Sen. Win Gatchalian ito nakikipag-usap. Pinakitaan pa sila ng makapal na mga papeles—patunay na inaasikaso daw nila ang kaso.

“Bakit may ganyan kayo kakapal na papel? Samantala nung mamatay na ‘yung pamangkin namin one week na naghihintay kami ng tawag niyo hindi kayo nakakatawag sa amin. Ngayon, dahil nalaman ninyo na pupunta rito ang isang (istap ni Sen.) Gatchalian at kasama namin, mayroon kayong nakahanda na mga parapernalia,” galit na buladas ng tiyahin.

Pasikat

Ang laman ng “paraphernalia” ng Rejoice Agency?

“Pagbasa ko sa unang pahina pa lang, ang agad na sabi, yung punerarya, sila raw ang kukuha. Sabi ko, hindi kayo puwedeng kumuha ng punerarya at kailangan namin magpa-autopsy. Hanggang sa pagkuha sa bangkay sa airport, pinag-aawayan namin ang pagkuha ng punerarya,” paglalahad niya.

Kahina-hinala kung bakit matindi ang kagustuhan ng Rejoice Agency na sila ang pumili ng puneraryang mag-aasikaso sa katawan ni Irma para sa autopsy at lamay.

Umabot pa sila sa diumano’y “gitgitan” sa airport sa araw ng pagdating ng mga labi ni Irma nang pilit na may pinapapirma ang mga representante ng Rejoice sa asawa ni Irma na si Jonald.

Tumigil lang ang pamimilit nang pumagitna si Labor Usec. Ciriaco Lagunzad III at sinabihan nito ang puneraryang pinili ng pamilya na huwag bubuksan ang pinaglagyan ng mga labi ni Irma hangga’t hindi dumadating ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation.

Sa listahan ng Philippine Overseas Employment Administration, lumalabas na suspendido ang istatus ng Rejoice Employment International Corp. na siyang nagrekluta kay Irma para pumunta ng Saudi. Pero kataka-takang nakakapagpalabas pa rin ito ng mga tao para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa tala lang ng Migrante, organisasyong nagtataguyod ng kapakanan ng overseas Filipino workers o OFW, mayroon nang 20 kaso ng paglabag sa batas ang Rejoice. Sa Facebook page na lang ng Rejoice ay pinuputakti ng mga tanong ang ahensiya tungkol sa kung sinu-sinong nadeploy ng ahensiya, habang ang iba nama’y nanghihingi ng tulong. Ang masaklap, walang nakukuhang tugon ang mga tao mula sa mga ito.

Nakipag-ugnayan din ang pamilya ni Irma sa Department of Foreign Affairs para sa mga kakailanganing dokumento sa pagsasampa ng kaso at magpatulong sa pagrekober ng mga bagahe ni Irma. Umaasa kasi ang pamilya na baka raw may naiwang sulat si Irma na maglilinaw kung ano ang talagang nangyari.
Hinarap sila ng isang nagpakilalang staff ng DFA. “Tinatanong niya kung ano raw ang kailangan namin. Ang sabi ko, ‘Ma’am, hindi po benefits ang kailangan namin dito. Ang kailangan namin, detalye at instruction doon sa case ng pamangkin ko—kung anong steps ang susunod gagawin. Ang sagot niya sa amin ay hindi nila alam,” paglalahad ng tiyahin.

Habang sinusulat ang artikulong ito, wala pang ni isang kopya ng mga dokumento ang pamilya ni Irma na kakailanganin sa pagsasampa nila ng kaso. Maging ang bagahe ni Irma ay hindi pa rin narerekober ng pamilya.

Ang tanong ng pamilya: Namatayan sila ng kadugo, bakit kailangan pa sila lalong pahirapan?

Sa libing ni Irma. <b>Kontribusyon</b>

Sa libing ni Irma. Kontribusyon

Isa lang

Isa lang si Irma sa napakaraming kaso ng mysterious deaths o misteryosong pagkamatay ng mga Pilipino habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isa sa bawat apat na OFW o 27.4 porsiyento ng lahat ng dokumentadong migranteng manggagawa ay nasa Saudi Arabia. Malaking bahagi nito, kababaihang DH na katulad ni Irma. Nakakabahala ito dahil sunud-sunod ang paglabag sa karapatang pantao ng mga Pilipinang DH sa Saudi kabilang na ang pisikal at seksuwal na pang-aabuso.

Sa sarbey ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapag-uwi ng P180.3-Bilyon ang mga OFW mula Abril hanggang Setyembre 2015. Walang duda, malaking bagay talaga ang inuuwing pera ng mga OFW sa bansa.

Ngunit ito’y isang bahagi lamang sa kuwento ng mga OFW. Ang kabilang mukha nito ay ang pagmamaltrato sa mga Pilipino sa dayuhang mga bansa na nag-eempleyo sa kanila. Tanindi ang dikriminasyon sa mga Pilipino ng mga lokal na amo o employer nila—porke “mababang” klase ng trabaho ang pinapasok nila at mahihirap sila.

Bulnerable sa seksuwal at pisikal na pang-aabuso, di-pagbibigay ng karampatang suweldo, at di-pagsunod sa napagkasunduan sa kontrata ang mga OFW. Pinakabulnerable ang kababaihang OFW tulad ni Irma.

Sa bahagi ng mga kapwa Pilipino, napagsasamantalahan din ang desperadong mga migrante. Talamak pa rin ang illegal recruitment, human trafficking, at pandaraya ng kontrata sa pribadong mga ahensiya. Masususpende kunwari ang mga ito kapag sinampahan ito ng kaso—pero mag-a-apply lang ito at magpoproseso ng mga papel, balik-operasyon na uli ito. Ang tunay na makakapal pa ang mukha ay tuluy-tuloy lang sa pagpapalipad ng mga OFW kahit paso na ang lisensiya.

Samantala, patuloy na nakasandig sa remitans ng milyun-milyong Pilipino sa ibang bansa ang ekonomiya ng Pilipinas. Ipinangako man ni Presidente Duterte na sa loob ng kanyang termino, target niyang mapawi ang dahilan kung bakit kailangan pang mangibang-bansa ang mga Pilipino—tila wala pa ring nakikitang katapusan ang pagmamaltrato sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Pagsubok sa administrasyong Duterte ang mga kasong katulad ni Irma—ang paghangad nila ng hustisya sa ibang bayan, at sa ating bayan na rin.


 

Pandarahas at paglaban sa Hacienda Luisita

$
0
0

“Ayaw ko (sanang) magpa-interview, dahil para akong nauubos na kandila. Pinakukuwento ninyo sa akin. Masakit. Masakit sa dibdib.”

Ito ang mga salitang sumasabay sa mga luha ni Violeta Basilio, 49, ina ng isa sa mga martir ng masaker sa Hacienda Luisita na si Jhavie Basilio, 20. Pero sinikap pa rin niyang ikuwento ang sinapit nang nag-iisa niyang anak na lalaki 12-taon na ang nakakaraan. Bawat pakikipanayam, pagbubukas ng sugat. Masakit pa rin, marahil dahil paghahanap pa rin siya — at maraming iba pa — ng hustisya.

Nananatili ang sugat sa mga mamamayan sa loob ng 6,453 ektaryang Hacienda Luisita sa Tarlac. Patuloy ang pag-aangkin at pandarahas ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Pero patuloy pa rin ang paglaban.

Labindalawang taon na ang nagdaan, pero tumatangis pa rin si Violeta. <b>Pher Pasion</b>

Labindalawang taon na ang nagdaan, pero tumatangis pa rin si Violeta. Pher Pasion

Gunita ng isang ina

Nang makapanayam ng Pinoy Weekly, ipinakita ni Violeta ang mga larawan ng anak niya. Larawan ito ni Jhavie nang maabutan ng ina ang labi ng anak sa punerarya. Iningatan niya ang mga larawan dahil siya lang ang may kopya nito.

“Nung makita ko nang nakaratay siya sa Ilagan (punerarya), hindi ko alam kung paano ko hahaplusin ang anak ko. Kitang-kita ko ang hirap niya,” ani Violeta.

Sabi ng mga saksi, buhay pa si Jhavie matapos tamaan ng bala sa hita. Pero binugbog muna siya nang damputin ng mga pulis at militar — at saka isinabit sa barbed wire at binaril sa dibdib.

“Yung mukha (niya), maraming pasa hanggang sa likod. Makikita mo, bugbog talaga siya,” ani Violeta.

Nagtatrabaho sa umaga si Jhavie sa asukarera sa Luisita sa umaga bago pumapasok sa kolehiyo sa gabi. Bago ang masaker, may ibang ikinabubuhay noon si Violeta. Ngayon, miyembro siya ng Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala). Siya rin ang pangalawang tagapangulo ng Anakpawis Party-list sa loob ng asyenda.

Ang masaker

Nobyembre 6, 2004 nang iputok ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu) at United Luisita Workers’ Union (ULWU) ang welga upang igiit ang kanilang karapatan sa araw ng trabaho at dagdag sa kanilang sahod. Umaabot lang kasi sa P9.50 kada linggo ang naiuuwi nilang sahod.

Dalawang beses ding tinangkang buwagin ang piketlayn sa Gate 1 ng Central Azucarera de Tarlac noong Nobyembre 6 at 8. Pero hindi sila natinag.

Pero hapon ng Nobyembre 16, 2004, tinangkang buwagin ang piketlayn ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Hindi muli nayanig ang welga. Dito na nagsimulang umuulan ng bala. Nasa pito ang agad na napatay: Juancho Sanchez, Jaime Pastidio, Jesus Laza, Adriano Caballero, Jessie Valdez, Jun David, at si Jhavie.

Sinasabi ng mga saksi na mayroon pang mga bangkay na ipinasok sa azucarera na sinunog at hindi na natagpuan. Daan-daan din ang sugatan. Daan-daan pa ang ikinulong.

Kung PNP ang paniniwalaan, nagmula raw sa mga nagwewelga ang putok. May mga miyembro raw ng New People’s Army sa mga welgista. Maging ang pamilyang Cojuangco-Aquino, sinabing pakana lang daw ng mga komunista ang kaguluhan. Pero malinaw sa lahat ng dokumentasyon: sa pulis at militar nanggaling ang mga putok.

Matapos ang masaker, pinagpapatay din ang mga lider ng mga mangagawang-bukid at tagasuporta nila.

Rey Ocampo, 55, nakatakas sa masaker. Hanggang ngayon, saksi at nakakaranas pa rin ng panggigipit ng pamilyang Cojuangco-Aquino. <b>Pher Pasion</b>

Rey Ocampo, 55, nakatakas sa masaker. Hanggang ngayon, saksi at nakakaranas pa rin ng panggigipit ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Pher Pasion

Bangis ni Noynoy

Sa pagkakaupo ni Benigno Aquino III bilang Pangulo noong 2010, ibayong hirap ang kinaharap ng mga mamamayan doon.

Sa kabila ng pagpabor ng Korte Suprema sa ilalim ni Chief Justice Renato Corona na dapat nang ipamahagi sa mga magbubukid, hindi ito naisakatuparan.

Sa ilalim ni Aquino, bogus ang pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng sistemang tambiolo. “Kung taga-Balete ka, tapos ang makukuha mong lupa ay sa Brgy. Mutrico pa. Ang layo noon. Tapos ang ibibigay sa iyo, hindi pa titulo. Certificate lang na xerox. Kailangan mo pang bayaran bago mapunta sa iyo,” ani Violeta.

Kaya napipilitang isangla ng mga benepisaryo ang kopya na Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Kadalasang tao ng mga Cojuangco-Aquino ang pinagsasanglaan.

Ang higit na masakit sa sistemang ito, kung sino pa ang tunay na mga benepisaryo, sila ang wala sa listahan at hindi kasama para makatanggap ng CLOA.

“Yung tatay ko, dito na ipinanganak, kasama niya ang lolo ko na naglinis ng lupa para tamnan. Matagal na nagtatrabaho ako rito sa asyenda. Pero wala sa master’s list ako, kasi lumalaban kami,” ani Rey Ocampo, 55, ng Brgy. Mapalacsiao.

Sinimulan din ang paglalagay ng bakod sa mga lupain ng Luisita na inaangkin ng RCBC at Tarlac Development Corp. sa Brgy. Balete. Isa sa pinakamasakit na nangyari ang paninira sa kanilang pananim. Pinagsusunog din ang mga kubo ng mga magsasaka.

Sa araw pa mismo ng inagurasyon ni Pangulong Duterte, nanira ng pananim ng mga magsasaka ang mga tauhan umano ng mga Cojuangco-Aquino.

Suporta, paglaban

Malinaw sa mga taga- Luisita kung kanino naglilingkod ang pulis at militar.

Ipinakita ni Violeta ang lawak ng pananim na sinira at binuldoser. Aniya, nag-spray ng kemikal na pagpatay sa kanilang pananim ang mga tauhan ng mga Cojuangco- Aquino.

“Nangungutang lang kami para sa ganoo’y may gugugulin kami sa bukid. Kapag sinira iyon, magtatanim na naman kami. Mangungutang. Kaya nahuhukay kami sa utang,” ani Violeta.

Pero sa halip na panghinaan, lalong nagkakalakas-loob ang mga mamamayan na lumaban. Mula sa usapin sa sahod, naiangat ang kanilang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa. Taong 2005, kolektibo na nilang inokupahan ang mga lupain para tamnan ito.

Sa kabila ng mga panghaharas sa kanila, matagumpay na naipagpa-patuloy ang pagtatanim.

Gayumpaman, malaking hamon pa rin ang kinaharap nila. Ikinagalak nila ang pagkakatalaga niya kay Rafael Mariano bilang Kalihim ng Department of Agrarian Reform. Nagkaroon umano sila ng paghinga sa pagtatanim.

“Nakapagpalusot kami ng isang ani mula nang maupo si Ka Paeng (Mariano) at walang nanira ng aming pananim. Pero malaki pa rin ang binabayaran namin sa mga sinirang tanim. Sana maalis na rin ang mga militar at Cafgu,” ani Violeta.

Para naman kay Francisco Dizon, 47, opisyal ng Ambala, bagamat nagagawa na nilang magsaka sa lupa, hindi pa nila maitodo ang potensiyal ng matabang lupa dahil sa kakulangan ng kapital para sa binhi, abono, patubig, at ibang gamit.

Nagsisikap man ang kanilang organisasyon na punan ang pangangailangan, sadyang kinakailangan nila ang malaking suporta. Ang laki ng Luisita’y tinatayang katumbas na pinasamang laki ng mga lungsod ng Makati at Maynila, at ng Ortigas Avenue.

Tuloy pa rin

Masasabing may katahimikan ngayon sa Luisita mula nang maupo si Duterte. Pero hindi masasabing mapayapa na rito.

Sa isang lipunang malapiyudal na nanatili ang tunggalian sa pagitan ng panginoong maylupa at uring magsasaka, tiyak na gagawa ng hakbang ang mga katulad ng mga Cojuangco-Aquino para mapanatili sa kanila ang lupain ng asyenda na pinagmumulan ng kanilang kapangyarihang pampulitika.

Para sa mga gaya nina Violeta, Rey, Francisco, at iba pang nakikibakang mamamayan sa asyenda, hindi lalaya ang uring magsasaka sa Pilipinas hangga’t hindi lumalaya ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Ang lahat ng nangyayari sa mga magsasaka sa buong bansa ay nangyayari sa Hacienda Luisita— pandarahas, pamamaslang, pananakot, pangangamkam at, higit sa lahat, ang nagpapatuloy na pagkakaisa at hindi magagaping layuning magtagumpay.


 

Salita sa Panalo ni Trump

$
0
0

Maraming nagulat sa pagkapanalo ni Donald Trump ng Republican Party sa kakatapos na eleksyong pampresidente sa US. Hindi inakala ng marami na ang bilyonaryong sumikat dahil sa reality show na The Apprentice at sa galit na linyang “You’re fired!” ang papalit kay Barack Obama sa White House.

Ang pagkagulat na ito siguro ang dahilan ng pagdagsa sa social media ng mga artikulong nagpapaliwanag kung bakit siya nanalo. At kung bakit natalo si Hillary Clinton – Secretary of State ni Obama, kandidato sa pagka-presidente ng Democratic Party, at idineklarang mananalo ng midya ng malalaking kapitalista.

Mula sa mga artikulong ito mahahalaw ang mga sumusunod na mga salita, na kung hindi man susi ay interesante sa pag-unawa sa panalo ni Trump.


Popular vote. Ang totoo, panalo si Hillary sa “popular vote” o aktwal na boto ng mga mamamayang Amerikano. Ayon sa pinakahuling balita habang isinusulat ito, nakakuha siya ng botong 63.4 milyon, lamang sa 61.2 milyon ni Trump. Pangalawa pa nga raw siya kay Obama sa pinakamataas na botong natanggap ng sinumang kandidato sa pagkapangulo ng US sa kasaysayan. Masasabi, batay sa boto, na hati ang mga mamamayang Amerikano.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos


Electoral college. Pero may sistema ang US sa paghalal ng presidente at bise-presidente na ang tawag ay “electoral college.” Dito, may nakatalagang “electors” ang bawat state na kasing-dami ng senador at representante nito; napupunta ang kanilang boto sa kandidatong nanalo sa popular vote sa kanilang state.

Ang mahalagang punto: pwedeng tinambakan ni Hillary si Trump sa popular vote ng ilang state na may kaunting elector; pero sa dulo, iyung bilang lang ng elector ng naturang state ang mapupunta sa kanya. Sa huli, 306 ang electoral college voters na nakuha ni Trump kumpara sa 232 ni Hillary. Panlima si Hillary na mga kandidato sa pagkapangulo ng US na panalo sa popular vote pero hindi sa electoral college at sa gayo’y hindi naging presidente. Marami ang kumukwestyon sa sistemang ito, lalo na ngayon, pero ito ang ginagamit ng US ngayon.


Upset win. Anu’t anuman, panalo si Trump, nang malakas dahil hindi inaasahan. Noong Hulyo, nang maging opisyal siyang nominado ng Republican Party, kinailangang magbabala ng progresibong direktor na si Michael Moore na seryosohin siya – patunay na hindi siya itinuring na malakas na kalaban ng mga Democrats. Nagkaisa rin ang mga huling sarbey sa US bago ang eleksyon, kasama na ang maka-Trump na Fox News: mananalo si Hillary. Ang mga mukha ng mga tagasuporta ni Hillary habang dumadating ang mga resulta, larawan ng kawalan ng kahandaang matalo.

Halos lahat ng mayor na pahayagan sa US, si Hillary ang inendorso. At sa lahat ng nabubuhay na dating pangulo ng US, kahit ang mag-amang George Bush, walang sumuporta kay Trump. Napakarami ring sikat na artista at mang-aawit ang sumuporta kay Hillary. Marami ring kilalang Republican ang hindi sumuporta kay Trump.

Marahil, patunay ang ganitong pagpapakita ng suporta kay Hillary ng nararamdamang lakas ni Trump, na pinilit nilang kontrahin. At lalong naging matindi ang dating ng panalo ni Trump dahil sa malawak na pag-endorso, direkta o hindi, sa kanyang kalaban.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos


White, white working class. Ang mga Puti, na bumubuo ng 69 porsyento ng lahat ng botante, ang pinakamalaking hanay ng bumoto kay Trump. Karaniwan man o mayaman, babae man o lalake – karamihan ng Puti ang bumoto sa kanya. Sa kabilang banda, bagamat nanalo si Hillary sa mga Latino, Aprikano-Amerikano at kabataang botante gaya ng estratehiya niya, mas mahina ang hatak niya rito kumpara sa naging hatak ni Obama sa nakaraang mga eleksyon.

Tawag-pansin ang panalo ni Trump sa hanay ng mga manggagawang Puti, lalo na ang pag-agaw niya sa mga dating bumoto kay Obama. May naglilinaw, gayunman, na ang tinutukoy ng “working class” sa US ay iyung mga may trabaho pero hindi kabilang sa mga propesyunal. Sa aktwal, ang kita at kabuhayan nila ay hindi mahirap kundi middle class, at ang pinaka-hangad nila ay istableng trabaho.

Ayon sa isang komentarista, mulat si Trump na manawagan sa “working class,” habang si Hillary ay nanawagan sa “middle class.” Positibo ang pagtingin ng mga botante ni Trump sa nakaraan, at pesimistiko ang kanilang pagtingin sa hinaharap. Hinahanap nila ang kinakalakhang kalakaran kung saan may istableng trabaho at nakabubuhay na sahod, gayundin ang matagalang katayuan sa isang istableng komunidad.


Promises. Ang pagbotong ito ng mga working class na Puti, at maging ng iba pang botante, kay Trump ang isa sa mga sinisikap ipaliwanag ng mga artikulo. Tawag-pansin ang mga pangako niya: pangunahin ang disenteng trabaho, de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan, “buhayin ang manupaktura sa US, magbawas ng buwis, pahusayin ang edukasyon, magbigay ng childcare, bawasan ang depisito, gapiin ang ‘radikal na terorismong Islamiko,’ pigilan ang imigrasyon,” at itayo ang isang pader sa pagitan ng US at Mexico para hadlangan ang pagpasok ng mga migrante.

Sa batayang nagdudulot ang “malayang kalakalan” ng pagkawala ng trabaho sa US, kinondena niya ang North America Free Trade Agreement o NAFTA at nagsabing ipapatigil niya ang Trans-Pacific Partnership o TPP. Inaprubahan ng US ang NAFTA noong pangulo si Bill Clinton, asawa ni Hillary, at isa si Hillary sa nagtulak ng TPP sa ilalim ni Obama, pero napwersa siyang sabihing tutol siya rito nang tumutol na si Trump.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos


Russia. Taliwas sa palaban, at paladigma pa nga, na tindig ni Hillary sa usapin ng Russia, isang bansang lumalakas at naggigiit ng soberanya laban sa US, nagpahayag si Trump ng kahandaang makipagmabutihan sa naturang bansa. Kinondena rin niya ang paggastos ng US sa mga hakbanging militar sa labas nito, tulad ng pagsuporta sa North Atlantic Treaty Organization o NATO – mga usaping dikit kay Hillary na kasalukuyang Secretary of State.


Neoliberalism. Ang punto, kinilala at sinamantala ni Trump ang masamang kalagayang pang-ekonomiya ng mga mamamayang Amerikano. Sumakay siya sa ngitngit nila sa kalagayang ito: tanggalan sa trabaho, kawalang trabaho, mababang sahod, mahal na serbisyong pangkalusugan at edukasyon, at iba pa.

Isama pa ang pagkawala ng bahay o halaga ng mga bahay kaakibat ng binansagang “Great Recession” na pumutok noong 2008. Gayundin ang matinding kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng 1 porsyento at 99 porsyento na ipinrotesta ng kilusang Occupy. At ang umano’y pagbangon ng ekonomiya nitong mga huling taon na mas pinapakinabangan ng mga maykaya at mayayaman.

Kalagayan itong iniluwal ng mga patakarang neoliberal na ipinatupad ng mga Republican at Democrat na pangulo ng US: ang paglipat ng mga pabrika sa mga bansang may mababang pasahod habang patuloy namang binabarat ang sahod sa US, ang pribatisasyon ng mga serbisyong panlipunan at ang paglobo ng mga bayarin sa mga ito, ang mga scam sa pinansya, at pagkaltas sa buwis ng mayayaman habang dinudurog ang unyon ng mga manggagawa.

Ipinapatanaw ng tema ng kampanya ni Trump na “Make America great again” ang imposibleng pagbabalik sa panahon bago ang neoliberalismo sa Amerika – panahon ng relatibong mas malakas na ekonomiya, regular na trabaho, mataas na sahod, at maayos na serbisyong panlipunan. Bukod pa sa kontrolado ang mga gera sa ibayong dagat at hindi tampok ang banta ng terorismo.


Racism, xenophobia, Islamophobia. Matagal nang tinatawag si Trump na rasista, xenophobic, at Islamophobic – at batay mismo sa mga pahayag niya. Nitong nanalo na siya, nagbabala si Bernie Sanders, “demokratikong sosyalista” na nabigong maging nominado ng Democratic Party, na lalabanan niya ang mga patakaran ni Trump na may ganitong mga tunguhin. Sinundan din ang panalo niya ng mga pandarahas at pahayag laban sa mga hindi Puti sa US.

Ayon sa mga kritiko, kaakibat ng pangako ni Trump na lumikha ng trabaho sa US ang pagpapalayas sa mga dayuhang migrante, tampok ang mga Mexicano at Hispanics, at paghadlang sa pagpasok nila sa US. Laman naman ng maraming progresibong babasahin ang silbi ng rasismo, xenophobia, Islamophobia at iba pang katulad para sa malalaking kapitalista sa buong mundo: ang itago sa mga manggagawa at mamamayan ng daigdig ang ugat ng problema, na nasa sistema mismo ng monopolyo-kapitalismo.


Dog whistle. Maraming komentarista ang gumamit ng praseng “dog whistle” para ilarawan ang paraan ni Trump ng paghahatid ng mensaheng rasista, xenophobic o Islamophobic. Hindi lantaran o pasabog para sa lahat, kundi pasimple pero tiyak na mauunawaan ng mga may katulad na paniniwala.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos


Liberal feminism. Sa kabilang banda, kinatawan ni Hillary ang pagpapatuloy sa mga patakaran ng rehimen ni Obama. Na pagpapatuloy naman ng mga patakaran kahit ni George W. Bush na nauna sa kanya. Gusto ng mga Amerikano ng pagbabago, kahit binaluktot ni Trump ang kahulugan nito, at kinatawan ni Hillary ang dating gawi.

Laban sa mga sexistang pahayag ni Trump, pinatampok niya ang kampanyang magkaroon ng unang pangulong babae ang US. Ipinanawagan niya sa mga botante ang pagbasag sa “glass ceiling” – ang hindi nakikitang hadlang sa pag-angat ng mga babae sa lipunang Amerikano tungo sa pinakamataas. Halimbawa ito ng feminismong liberal – nagagalak sa pagtaas ng katayuan ng mayayamang kababaihan sa sistemang kapitalista, sa halip na baguhin ang katayuan ng nakakaraming kababaihan sa pamamagitan ng pagbago sa naturang sistema.

Tinuligsa rin ng kampanya niya ang rasismo, xenophobia at Islamophobia ng kampanya ni Trump, pero hindi tinumbok ang pang-ekonomiyang kalagayan ng mamamayang Amerikano na siyang dahilan kung bakit may kagat ang mga ito.


Democratic Party. Kaakibat at dagdag sa lahat ng ito ang pagiging mayorya ng Republican Party sa parehong Kongreso at Senado ng US.


Imperialism. Sa dulo, si Trump na ang pangulo ng imperyalismong US. Naging pangulo siya ng US sa panahong binabayo ito ng iba’t ibang krisis. Sabi ng isang komentarista, “Ang Amerika ay isang bansang imperyal, at maaaring nakikita na ngayon ang pagkabulok nito. Ang kapangyarihan na naghatid ng napakaraming pakinabang sa bansa – para sa mga Puti – ay kinakapos ngayon ng kakayahang ibigay ang naturang mga pakinabang sa mga Puti.”

Anuman ang kanyang mga ipinangako para manalo sa eleksyon, tiyak na mas papasunurin siya ng kalakarang pang-ekonomiya at pampulitika ng imperyalismo. Mas malamang, babalewalain niya ang mga positibong pangako niya sa mga mamamayang Amerikano, habang isinusulong ang reaksyunaryong interes ng imperyalismo, katuwang ang kanyang rasismo, xenophobia, Islamophobia at sexismo.


Left organizing. Sa harap ng panalo ni Trump, malakas ang panawagan ng mga maka-Kaliwa sa US na isulong ang iba’t ibang laban ng mga manggagawa at mamamayang Amerikano at palakasin ang pag-oorganisa sa hanay nila. Matagal na ring pinupuna ang mga progresibong grupo sa US dahil sa kanilang pagpapailalim at pagbuntot sa Democratic Party, lalo na nang maging pangulo si Obama.

Sa pagiging pangulo ni Trump, lantad at kagyat na ang banta, at lalong wala nang ilusyon para hindi ibayong mag-organisa ang Kaliwa at lumaban ang mga manggagawa at mamamayan ng Amerika.


14 Nobyembre 2016

Ang mga larawan ay pawang kuha ni Jo Abaya-Santos, at bahagi ng eksibit na “If You See Something, Say Something” na nasa The Oarhouse Pub (1688-B Jorge Bocobo Street, Malate, Manila) hanggang Disyembre 5. Kasama niya sa naturang eksibit ang kapwa-potograpo na si Little Wing Luna. Kinuhanan ni Abaya-Santos ang mga larawan sa New York noong tag-araw ng 2016, bago ang eleksyong pampresidente sa US. Isang sentro ng pulitika at ekonomiya ng US ang New York kung saan naging senador si Hillary Clinton. Tampok sa mga larawan ang mga likhang-sining, ugnayang ng mga lahi at uri, at kalagayang pang-ekonomiya na kaugnay ng kakatapos na halalan.

 

Sistemang pangkalusugan sa Cuba, hamon sa mga Pilipino

$
0
0

Kung sa sosyalistang bansa gaya ng Cuba ka tamaan ng sakit, maaaring katakutan mo ang sakit dala ng tusok ng karayom pero hindi kailanman ang babayaran dito.

Maliban sa libre ang pagpapagamot sa bansang ito, libre rin ang konsultasyon sa mga doktor, at iba pang serbisyong medikal. Malayung-malayo sa sistema ng Pilipinas at Estados Unidos (US).

Ilan lang ito sa mga tinatamasa ng mga Cubano pagdating sa serbisyong panlipunan, kuwento ni Ibete Fernandez-Hernandez, embahador ng Cuba sa Asya, sa isang porum sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila na katuwang na inorganisa ng Health Alliance for National Democracy (HEAD).

Kalusugan sa Cuba

Bagamat naging mahirap sa Cuba ang ipinataw na embargo ng US sa loob ng 56 taon, hindi naging imposible sa kanila ang pagtayo sa sariling paa at magbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan nito.

Katunayan, isa ang Cuba sa pinakaabante pagdating sa pag-aaral sa kalusugan at may pinakamataas na literacy rate (99.8 porsiyento) sa Latin Amerika.

Nagsimula ang Cuba, matapos ang kanilang rebolusyon noong 1959, sa tatlong unibersidad, iisang paaralan sa medisina, at nasa 6,286 na mga doktor sa mga siyudad lamang. Nasa 60×1000 ang kanilang infant mortality rate. Nasa 40 porsiyento lang ang literacy rate.

Sa kasalukuyan, mayroon na silang 500,294 manggagawang pangkalusugan sa 451 polyclinics, 151,462 pampublikong ospital na may 45,000 higaan, 138 maternity homes na may 3,000 higaan, 589,247 elders home, 143 nursing homes na may 13,533 higaan, at 13 research institute.

“Mayroon kaming istruktura sa aming bansa, na gumagawa ng community work kasama ang doktor at nars ng pamilya,” ani Hernandez. Ito ang pumupunta sa mga tahanan ng mga Cubano para regular na check-up sa mga mamamayan.

Mayroon din silang isang doktor para sa 160 indibidwal, isang dentista para 671 indibidwal, isang nars para sa 123 indibidwal. Ang kanilang infant mortality rate ay 4.2 per life births na lamang, at 99.9 na porsiyento ng panganganak ay isinasagawa sa mga ospital.

“Hindi dapat matakot. Kung nais talaga ng pagbabago, kailangan ng radikal na pagbabago at kailangan talaga gawin ito base sa kondisyon ng inyong bansa,” ani Hernandez.

Hamon sa Pilipinas

Mahalaga ang papel ng political will sa paghuhubog sa kahit anumang pag-unlad lalo na kung para sa taumbayan. Nagawa ito ng Cuba ng kanilang mapagtagumpayan ang kanilang rebolusyon sa kanilang sariling pagpapasya na walang dayuhang bansa na nagdidikta sa kanila.

“Ang sistemang kalusugan ay naka-angkla sa isang sistemang tunay na malaya at demokratiko. Hindi ka puwedeng magkaroon ng mataas na antas na kalusugan kung ang lipunan mismo ay hindi malaya o malakolonya ng ibang bansa,” ani Gene Nisperos, doktor at bise-presidente ng HEAD.

Maganda ang layunin ng administrasyong Duterte na tahakin ang independent foreign policy, pero wala namang pinagbago sa nais tahakin ng health agenda ng administrasyon na naglalaman ng neoliberal na mga polisiya ng nagdaang mga administrasyon.

Kaya hamon ito sa administrasyon na isakonkreto ang isang sistemang pangkalusugan na malaya at demokratiko.


 

Rebolusyon sa entablado

$
0
0

Nasa tugatog ngayon ng buong komunidad ng teatro sa Estados Unidos ang musical play na Hamilton: An American Musical. Sinulat ni Lin-Manuel Miranda, tungkol ito sa isa sa mga tagapagtatag (founding fathers) ng kanilang bansa at unang Secretary of Treasury o ingat-yaman ng bansa. Pangkaraniwan na sa Broadway ang mga pagtatanghal ng mga dula hinggil sa kasaysayan. Pero kaiba ang Hamilton: gumamit ito ng hiphop at R&B bilang pangunahing pangmusikang panlasa ng musical play na ito. At hindi lang iyan, pangunahing ginanap ang mga karakter ng mga puti o Caucasian na founding fathers ng mga artista mula sa iba’t ibang lahi (hal. Aprikano, Asyano, Latino).

Pero higit dito, tila nakuha ng Hamilton ang timpla ng panahon ngayon sa Amerika. Seksista, konserbatibo at rasistang si Donald Trump ang nagwaging presidente. Tumitindi ang karahasan ng pulisya laban sa mga Itim o Aprikano-Amerikano—habang muling lumalakas ang kilusang masa laban dito na tinaguring Black Lives Matter. Samantala, nagpapatuloy ang mga giyerang interbensiyon ng US sa Syria, Afghanistan, Iraq, Libya, Pakistan, Yemen, Somalia, at iba pa.

Parang si (William) Shakespeare si Miranda,” palaging sinasabi ngayon ni Oskar Eustis, artistikong direktor ng New York Public Theate kung saan unang itinanghal ang Hamilton. “Parang siya si Shakespeare sa paraang ginamit niya ang boses ng pangkaraniwang tao at inangat ito sa antas ng sining.” Sa marami ring panayam, sinabi ni Eustis na ang pagkakuha ng Hamilton sa zeitgeist o timpla ng panahon ay sa puntong ipinakita nito “kung ano dapat ang Amerika” o kung ano ang pinangarap ng mga tagapagtatag nito para sa Amerika.

Eksena sa dulang 'Hamilton' sa Richard Rodgers Theater sa Broadway, New York City, USA.

Eksena ng rebolusyonaryong digmaan sa Amerika sa dulang Hamilton sa Richard Rodgers Theater sa Broadway, New York City, USA.

Malamang na alam ni Eustis ang sinasabi niya: dramaturg din siya ng Hamilton. Sa maraming panayam at sulatin, tinuturing ni Eustis ang sarili bilang “sosyalista,” at sa maraming pagkakataon, ipinakita niya ito—mula sa pagprodyus sa makasaysayang dulang Angels in America ng kapwa sosyalistang si Tony Kushner hanggang sa paglahok sa mga protesta kontra giyera ng Amerika. Kahit ang institusyon niyang pinamumunuan (NY Public Theater), nangunguna sa nonprofit theater sa Amerika, nagpapalabas ng libreng mga pagtatanghal, at itinatag ni Joseph Papp na noo’y binansagang komunista ng mga pulitiko at makapangyarihang mga tao ng New York.

Hindi pangkaraniwang bayani ng mga Amerikanong liberal si Alexander Hamilton. Bilang tagapagtatag ng sistema ng pinansiya ng US na ginagamit pa rin ngayon, mas kilala siya bilang bayani ng Wall Street, o ng mga kapitalista. Pero tama si Christian Parenti, sa kanyang sanaysay sa Jacobin noong 2014: nabuhay si Hamilton sa panahon ng “burgis” na rebolusyon, at matapos lumahok sa aktuwal na pagpapalaya mula sa kolonyalismo ng Britanya ay pinangunahan ang industriyalisasyon ng kanyang bansa.

“Nilikha (at sa kalakha’y pinatupad) ni Hamilton ang plano para sa pang-ekonomiyang kaunlaran na pinamumunuan ng gobyerno sa paraan na gagawin din sa kalaunan ng maraming bansa (lalo na sa Silangang Asya) na sumailalim sa mabilisang industriyalisasyon,” ani Parenti.

Rebolusyonaryo ang uring burgesya sa Amerika noong ika-18 siglo; nagkaroon ito ng sapat na lakas at pagkakaisa para mapatalsik ang armadong puwersa ni King George III sa “Bagong Mundo” (new world). Napalahok sa rebolusyon maging ang malalaking panginoong maylupa (tulad nina George Washington at Aaron Burr, na kapwa karakter sa play) na nagmamay-ari ng mga alipin. Matapos mapatalsik ang mga Ingles, nagpatuloy ang rebolusyong Amerikano sa uri ng pakikidigma para pawiin ang sistemang alipin, buwagin ang malalaking landholdings at iba pang aspekto ng sistemang piyudal. Samantala, lumakas ang burgesya sa pamamagitan ng industriyalisasyon ng bansa. Ipinanganak ang kapitalismo sa US.

Mahalaga ang puntong ito dahil ang sinasabing zeitgeist ng Amerika ngayon na nasapol ng Hamilton ay hindi lang nga dahil sa hiphop, R&B at mga bidang artista na nagmula sa iba’t ibang lahi. Dahil ito sa paniniwala ng mga Amerikano na ang kuwento ng kanilang bansa ay hindi nagsimula sa imperyalismo at pandarahas sa sariling mamamayan tulad ng nangyayari ngayon. Minsan nang nagrebolusyon ang mga Amerikano laban sa mapang-aping sistema. At matapos patalsikin ang kolonyal na paghahari ng Britanya, sinusugan nito ang burges na rebolusyon sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga reporma sa lupa, pagpawi sa sistemang alipin (bagamat ramdam pa ang legacy nito hanggang ngayon), at pambansang industriyalisasyon.

At ang kuwentong ito ng Amerika, ipinakita sa pamamagitan ng isang karakter, isang lider, na dayo o immigrant mula sa isla ng Nevis sa West Indies. Indibidwal na pagpapasya, indibidwal na lakas-ng-loob at talino ni Hamilton ang nagdala sa kanya mula sa Carribbean patungong New York, patungong pamumuno ng rebolusyon (sa likod ni Washington) at patungong pamumuno ng gobyerno matapos ang giyera.

Kinakatawan niya ang rebolusyonaryong Amerika noon (“I’m just like my country / I’m young, hungry and scrappy…”, sabi ng karakter niya sa dula). Ngayon, kinakatawan ng dulang Hamilton ang Amerika na hinahanap-hanap ng mga Amerikano sa mga lider nila—sa mga katulad nina Obama, Trump at Clinton. Pero matagal nang nagbago ang kanilang Amerika. Naglaho na ang bata, gutom at madiskarteng Amerika, at lumaki na para maging imperyalista.

Les Miserables na tinanghal sa Maynila nitong Marso hanggang Mayo 2016.

Les Miserables na tinanghal sa Maynila nitong Marso hanggang Mayo 2016.

Paano ba isasadula ang kasaysayan at gagawing napapanahon at mahalaga sa kasalukuyan? Ipinakita ng Hamilton na bukod sa porma (hiphop, R&B), nariyan ang paghahanap ng mga naratibo sa mga pangyayari sa kasaysayan na sasapol sa zeitgeist ng panahon—na siyempre’y dinidikta ng pang-ekonomiya at pampulitikang sitwasyon ng lipunan.

Noong 1985, nakaranas din ng kahawig na pagkayanig ang komunidad ng teatro sa London, Britanya, nang unang itanghal ang musical play na Les Miserables na pinrodyus nina Cameron Mackintosh, sinulat nina Claude-Michel Schonberg, Alain Boublil at Herbert Kretzmer. Sa maraming panayam, sinabi rin ni Mackintosh na palagay niya, bukod sa dramatikong musika nito, tila nagkakaroon ng halaga sa kasalukuyang karanasan ang Les Mis.

Hindi maikakaila ang rebolusyonaryong diwa nito. Minsan nang sinipi ng unang co-director na si Trevor Nunn ang awtor ng pinagbatayang libro na si Victor Hugo: “Maaari nating tanungin ang ating sarili: Darating pa ba ang bukas? (Mariin ang pagsagot niya rito.) Sa kabila ng lahat ng ebidensiya na hindi, ang diwa ng tao—kung saan natin inilalagay ang optimismo natin—ay mabubuhay at hindi nanganganib na mawala tulad ng bituing sagpang ng ulap.”

Sa Pilipinas, sa mas maliit na saklaw noong 2015, gumuhit din sa popular na kamalayan ang isang likhang-sining na may pinagbatayang pangyayari at personalidad sa kasaysayan. Ito, siyempre, ang pelikulang Heneral Luna na dinirehe ni Jerrold Tarog. Mula katatawanan at mahusay na pag-arte, hanggang karakterisasyon kay Luna bilang rebolusyonaryong lider na malayo-sa-perpekto, palaaway at palamura, at tunay na makabayan, maraming aspekto ng pelikula ang nag-ambag para makuha ang atensiyon at interes ng kabataan. Napapanahon din ito: papalapit na ang eleksiyong pampangulo sa Mayo 2016. Nakakatuksong sabihin na posibleng nakaambag ang pelikula sa pagkahalal kay Rodrigo Duterte, dahil sa lantad na magkakahalintulad na mga katangian ng pinelikulang Luna at ng pampublikong persona ni Duterte.

Pero kahit pa hindi ito totoo, hindi maikakailang napapanahon si Luna sa panahong niyayanig ngayon ni Duterte ang matagal na “pagkakaibigan” ng US at Pilipinas.

Sa kabilang banda, noong nakaraang taon din, ipinalabas ng Tanghalang Pilipino sa Cultural Center of the Philippines ang musical play na Mabining Mandirigma (libretto ni Nicanor G. Tiongson, musika ni Joed Balsamo), na pumaksa naman sa buhay ni Apolinario Mabini. Isa ring matinik na anti-imperyalista ang tunay na Mabini, at mahusay na ikinuwento ng dula ang masalimuot na relasyon ng nasabing bayani sa iba pang karakter ng kasaysayan, tulad nina Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio, at ang mga “Amerikanistang taksil” tulad nina Pedro Paterno, Felipe Buencamino (dalawang karakter na nasa Heneral Luna rin) at iba pa.

May ilang eksperimentasyon ang mga mandudula na tila nakabawas sa potensiyal nito. Pangunahin na marahil ang paggamit ng estilong steampunkna maaaring ikatuwa ng ilang nakakaalam sa artistikong estilong ito, pero tiyak na hindi nakuha ang halaga ng mas maraming manonood, lalo pa ng madla sa labas ng teatro. Siyempre, hindi kasalanan ng CCP at TP, pero napakaliit pa ring bilang ng mga tagapagtangkilik ng teatro (at kakapiranggot ng publiko) ang nakapanood sa Mabining Mandirigma para magkaroon ng pagkakataong gumuhit sa popular na kamalayan. (Muling itatanghal ito sa CCP sa Disyembre.)

pw-mabining-mandirigma-01

Eksena sa Mabining Mandirigma na muling tinanghal nitong Pebrero 2016. Si Liesl Batucan ang gumanap na Mabini. Larawan mula sa irarenas.wordpress.com

Gayumpaman, katulad ng Hamilton at Heneral Luna, kahanga-hangang pagsisikap ito na iugnay ang kasaysayan sa kasalukuyan. Hindi lang iyan, pagsisikap ang tatlo para gumamit ng historikal na naratibo para ipakita ang isang aspekto ng proseso ng panlipunang pagbabago. Sa kaso ng Hamilton, kung papaano naimpluwensiyahan ng isang matalino, matapang at ambisyosong immigrant ang rebolusyong Amerikano. Sa kaso ng Heneral Luna at Mabining Mandirigma, kung papaano nakaambag sa pagguhit ng anti-imperyalistang tindig (kahit di sila nagwagi) sa loob ng rebolusyonaryong gobyernong Pilipino ang dalawang lider gamit ang kanilang talino, tapang, at determinasyon.

Pero, iyun nga, isang aspekto lang ng panlipunang pagbabago ang ipinapakita ng mga ito—ang aspektong indibidwal, ng rebolusyonaryong mga lider, na nagpursigi, sa kabila ng kanilang mga kahinaan at gamit ang lahat ng talino at tapang na kaya nilang likumin sa sarili, para maipagtagumpay ang laban.

Ang isa pang aspekto, na sabi ng Amerikanong historyador na si Howard Zinn ay siyang mas mapagpasya, ay ang kilusan ng mga mamamayan. Silang nagtipon sa ilalim ng kumand nina Hamilton at Luna (iyung ipinakita sa pelikula na napilitan lang sumama sa laban dahil kung hindi i-a-Artikulo Uno sila), silang sumuporta at lumahok sa Katipunan, mula nang itatag ito ni Bonifacio hanggang agawin ni Aguinaldo ang pamunuan, silang mga magsasaka at alipin ng mga panginoong maylupa sa Amerika, na lumahok sa rebolusyon sa pangakong palalayain sila mula sa pagkaalipin. Nasaan ang mga musical tungkol sa kanila?

Kaya bang makuha ang interes ng kabataan at publiko ng isang dula na ang bida’y hindi lang isang karakter, kundi isang grupo ng mga mamamayan, isang kilusan? Dahil hindi naman ito lumang problema, marami na ang nagtangka. Tampok sa nagtangka ang teatro ng China noong pangkulturang rebolusyon nito, taong 1966 hanggang 1976. Bilang kultural na kampanya ng Estado na baguhin ang kaisipan ng mga mamamayang Tsino, itinulak nito ang tinaguriang “modelong mga opera”—walong rebolusyonaryong opera tulad ng The Legend of the Red Lantern at ang ballet opera na Red Detachment of Women na nagpapakita ng iba’t ibang aspekto ng rebolusyonaryong pakikibaka, pagtatatag ng sosyalistang lipunan at pagbabago ng kaisipan ng tao sa lipunang ito.

Pero sa kabila ng malinaw na pampulitikang tunguhin ng mga operang ito, may mga karakter pa rin ang mga kuwento rito. Nagsisimula pa rin ang dula sa pagkukuwento ng indibidwal na mga tao na lumahok o namuno sa panlipunang pagbabago. Marahil, ang pagkakaiba lang, lantad sa model operas ang ideya na bagamat pinapakita nito ang indibidwal na mga kuwento, malinaw na bahagi lang ito ng isang mas enggrandeng naratibo na nangyayari sa lipunan. Kinakatawan nito ang kabuuan. Ineengganyo ang manonood na lumahok sa kabuuan.

May tradisyon din ang rebolusyonaryong teatro ang Pilipinas. Naging inspirasyon nito ang rebolusyonag pangkultura sa China, pero sa pangkalahata’y inangkupan nito ang kalagayan na nasa kalagitnaan ng pakikibaka ang mga mamamayan, nasa minorya pa lang ang mga rebolusyonaryo, at tungkulin ng rebolusyonaryong teatro na palahukin dito ang mas marami pa.

Pagtatanghal ng 'Red Detachment of Women'. Larawan mula sa <b>National Ballet of China</b>

Pagtatanghal ng Red Detachment of Women. Larawan mula sa National Ballet of China

Ipinakita ng mga likhang-sining tulad ng Hamilton, Les Miserables at Heneral Luna na sa pagsapol ng zeitgeist ng partikular na yugto ng kinabibilangan nitong lipunan, makukuha nito, una ang suporta ng kapital, at pangalawa ang publiko matapos magamit ang kapital sa pagpapalaganap nito.

Tama lang, ani Eustis, na maksimisahin ang akses sa kapital na nililikha ng pagkakataon. “Ganito pa rin ang kalakaran ng lipunang kinabibilangan natin,” sabi niya. Sa isang panel discussion, para bigyan-diin ang puntong ito, sinipi ni Eustis ang The Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte ni Karl Marx: “Ginagawa ng tao ang kasaysayan, pero hindi nila ito ginagawa sa mga kondisyong napili nila.”

May punto siya. Tama lang na umangkop ang teatro sa kondisyon ng kasalukuyan: kung sa kaso ng Hamilton, sa komersiyal na pagtatanghal sa Broadway maaabot ang pinakamalawak na odyens, hindi dapat mangimi ang mga artista na pasukin ito. Pero matapos ang tagumpay ng Hamilton, Les Miserables, Heneral Luna at iba pa, panahon na siguro para sikapin ng mga artista sa teatro na isadula ang tunay na mga bayani ng rebolusyon: ang masang sambayanan na naorganisa para kumilos at baguhin ang kanilang abang kalagayan.

Interesante ang pagsipi ni Eustis sa The Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte dahil ang punto mismo ni Marx sa librong ito’y hindi nakadepende ang pag-inog ng kasaysayan sa kadakilaan ng iilang lider, kundi sa tunggalian ng mga uri ng lipunan sa isang partikular na yugto ng kasaysayan.

Mahalaga ang indibidwal sa rebolusyon, pero mas mahalaga ang masa. Ito ang pinakamahalagang maipakita sa entablado ngayon.


#MarcosNoHero | Kabataan, mulat sa paglaban sa tiraniya

$
0
0

Nagsalita ang kabataan. Walang duda, ang bulto ng mga dumagsa sa Luneta Park sa Maynila nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 25, ay mula sa iba’t ibang eskuwela, iba’t ibang komunidad, at sinamahan ang iba’t ibang sektor ng lipunan. Depende sa tumataya, mula 15,000 hanggang 20,000 ang dumalo. Bitbit ang malikhaing mga plakard, silang mga tinaguriang “millennial” ang nagbigay ng bagong mukha sa mahaba at makulay na tradisyon ng pampulitikang protesta sa bansa.

Ang totoo, walang “eksperto” sa telebisyon at radyo ang nakahula na mga kabataan, mga millennial pa, ang mangunguna sa pagkondena sa paghirang sa nasirang diktador na si Ferdinand Marcos bilang bayani. Pero napatunayan ng kabataan na ipinagpapatuloy lang nito ang aktibong pakikilahok ng mga anak ng bayan sa paghubog ng pampulitikang buhay ng bansa–mula pamumuno sa paglaban sa kolonyalismong Espanyol at Amerikano, hanggang paglaban sa diktadura (kabataan ang namuno sa kilusang makabayan noong dekada ’60) at sa susunod na mga rehimen (lumahok ang kabataan sa Edsa Dos, mga pagkilos kontra kina Arroyo at Aquino).

Sa mga sumubaybay sa kasaysayan, hindi nakakapagtaka ang kanilang paglahok noong Biyernes.

Mga larawan ng protesta sa Luneta, sa ibaba:


slide
Protestang millennial: Liwanag ng mga gaheto, tanglaw sa karimlan ng tiraniya. JL Burgos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Sid Natividad
slide
Kanya-kanyang gawa ng plakard. Cindy Aquino
slide
Kuha ni Cindy Aquino
slide
Ilan sa maraming malikhaing plakard. Sid Natividad
slide
Kuha ni Jaze Marco
slide
Kuha ni Jaze Marco
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Cindy Aquino
slide
Kuha ni Cindy Aquino
slide
Kuha ni Cindy Aquino
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Kuha ni Jo A. Santos
slide
Sa entablado, nagpupuyos ang mga damdamin laban sa mga krimen ng nasirang diktador. Cindy Aquino
slide
Ferdie Gaite ng Courage. Cindy Aquino
slide
Kuha ni Cindy Aquino
slide
Kalahok siyempre ang mga beterano at biktima ng batas militar ni Marcos. Cindy Aquino
slide
Mae Paner bilang Imelda, at ang effigy ng diktador na nasa kabaong. Sid Natividad
slide
Halik ng kamatayan. Cindy Aquino
slide
Kuha ni Cindy Aquino
PrevNext
Tampok ang mga larawan nina Jo A. Santos, Cindy Aquino, Jaze Marco, Sid Natividad at JL Burgos.

 

 Pagtupad ng pangako sa obrero

$
0
0

Skilled welder si Dario Reyes sa kompanyang Philippine Dong Yun Plate Making Corp.

Matatagpuan sa isang exclusive economic zone na Filinvest Technology Park sa Calamba City, Laguna ang Philippine Dong Yun na pag-aari ng mga negosyanteng Tsino. Ang ginagawa nila, mga cylinder na ginagamit sa de-kalidad na pag-iimprenta na tinatawag na rotogravure printing. Mahusay si Dario sa trabaho niya; hindi naman siya tatagal nang 12 taon kung hindi. “2003 nung ako’y nag-umpisa (sa Dong Yun),” kuwento ni Dario, sa panayam ng May Day Multimedia. “2004 na ako naging regular (sa trabaho)–mahigit isang taon.” Suwerte siya, dahil mahigit isang taon lang siyang kontraktuwal. Pero kuwento ni Dario, maraming manggagawa sa Dong Yun na umaabot ng anim o pitong taon na kontraktuwal. Iniikutan ng kompanya ang mga batas para manatiling mababa ang sahod ng mga manggagawang kontraktuwal.

“Sumasahod kami ng P366 (kada araw) – hindi sapat sa mga gastusin, lalo na’t tumataas ang mga bilihin,” ani Dario. Pero masahol pa umano ang mga kontraktuwal, na sumasahod ng P250 kada araw. Samantala, napag-alaman din nina Dario na di maayos na nagreremit ang kompanya ng mga kontribusyon sa SSS at Philhealth ng mga manggagawa. Laganap din ang di-pag-apruba ng mga sick leave kahit malinaw na may sakit ang empleyado.

Problema rin umano ang kalagayan ng pabrika – ang pagiging kulob nito habang regular na nalalanghap ng mga manggagawa ang mga kemikal na ginagamit sa mga silindro. Wala pang company clinic.

Matindi rin ang panggigipit na dinanas nina Dario sa kompanya. Isa na rito ang pamimilit sa kanila na mag-overtime kahit na pagod na sila at panahon ito ng pagpapahinga. “ Bawal magreklamo. Pero dahil dumarami ang reklamo ng mga manggagawa sa manedsment, nagdesisyon ang mga ito na magtatag ng unyon noong 2015.

Magmula noon, nagsimula ang panghaharas sa kanila. “Kaming mga opisyal (ng unyon na Samahan at Ugnayan ng mga Manggagawa sa Phil Dong Yun o Sumaphi-DY-Naflu-KMU), nilipat sa mahihirap na gawain, akala nila magbibitiw na kami,” kuwento niya. At noong Disyembre 10, sinibak na si Dario, na tumayo nang presidente ng unyon.

Nagprotesta ang mga miyembro ng unyon, at ang naging reaksiyon ng manedsment ay lalong pagsibak sa mga manggagawa ng Sumaphi. Walang ibang pagpipilian ang mga manggagawa kundi maglunsad ng welga.

Dario Reyes ng <b>Mayday Multimedia</b>

Dario Reyes ng Dong Yun. Mayday Multimedia

Kompromisado

Halimbawa ang mapait na karanasan ng mga manggagawa ng Dong Yun sa laganap na gawain ng dayuhang mga kompanya na nag-ooperasyon sa iba’t ibang engklabo ng bansa katulad ng sa Calamba City.

Mababa ang sahod, sobrang istrikto (para mamaksimisa ang pagtrabaho ng mga manggagawa) na manedsment, at laganap ang kontraktuwalisasyon, at pinipigilan ang pag-uunyon ng mga manggagawa. Hindi lang sa Dong Yun ang mga ito nangyayari, kundi sa libu-libong kompanyang naaakit sa mga pabuya ng mga engklabo na mababang buwis at murang lakas-paggawa.

Nakatanaw ng pag-asa ang mga manggagawa sa pagkapanalo ni Pangulong Duterte nitong Mayo. Nangako kasi siyang papawiin sa bansa ang praktika ng kontraktuwalisasyon, lalo na ang “endo” o end-of-contract—ang paggawad ng kontrata sa mga manggagawa nang maiksi sa anim na buwan (na ire-renew na lang) para lang maiwasan ang probisyon sa batas na kailangang iregularisa ang isang manggagawa matapos ang anim na taon ng pagtrabaho.

Kaya lang, sa kabila ng pangako ng pagpawi sa kontraktuwalisasyon, sinabi rin ni Duterte sa kanyang pangangampanya noon na pabor siya sa pagtatag ng mga engklabo (naisip pa iya, mga isla na mala- Singapore na dudumugin ng dayuhang mga kompanya). Samantala, sa kabila ng pagtalaga niya kina Silvestre Bello III bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at militanteng lider-obrero na si Joel Maglunsod bilang undersecretary ng DOLE, nananatili ang malakas na impluwensiya ng mayayamang employer sa naturang ahensiya. Napuna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagtalaga sa kilalang management lawyers sa ilang susing posisyon sa DOLE.

Ang resulta, hindi naipatupad ang pagpawi sa kontraktuwalisasyon, maging ang Department Order 18-A na itinuturo ng mga manggagawa na pag-insitusyonalisa sa kontraktuwalisasyon. Kamakailan, nauwi rin si Bello sa pagpapalusot: Ang tunay daw na tinututulan ni Duterte ay ang “ilegal na kontraktuwalisasyon”.

“Kung mayroon kang (kompanyang) gumagawa ng barko…Pangkaraniwa’y gumagawa ka nang may 300 hanggang 500 manggagawa…Pero kung may order ka na kakailanganin ng 10,000 manggagawa, ano ang gagawin mo? Kukuha ka ng mga empleyadong kontraktuwal. Puwede ‘yun,” sabi ni Bello, sa press conference sa Malakanyang nitong Nob. 22.

Sinabi pa ni Bello na ang pinagbabawal lang ng Labor Code ay ang labor-only contracting at hindi ang job contracting, na halimbawa ang nabanggit sa itaas.

Pero para sa organisadong mga manggagawa, dapat lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon ay mapawi. “Lahat ng iskema ng kontraktuwalisasyon ay labag sa karapatan ng mga manggagawa at tinatapakan ang dignidad nila bilang tao at sa gayo’y dapat ideklarang labag sa batas,” sabi ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, sa position paper na iprinisinta nito sa DOLE sa isang labor summit noong Oktubre.

Binatikos din ni Labog ang “win-win solution” daw ng DOLE na ipasa sa mga ahensiyang nagkokontrata ng lakas-paggawa para sa mga kompanya ang obligasyon na iregularisa ang mga kontraktuwal. Aniya, nawawala ang relasyong employee-employer sa pagitan ng manggagawang kontraktuwal at kompanya. Sa huli, labag ito sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon at magkaroon ng seguridad sa trabaho.

Ani Bello, nabigo man sa “win-win solution” ay umaasa pa ang DOLE na makakahanap din ng solusyon ito na tatanggapin ng sektor ng paggawa at mga employer. Pero para sa KMU, kailangang kilalanin muna ni Bello at DOLE na dapat mapawi ang buong praktika ng kontraktuwalisasyon.

Mga manggagawa: Hangad pa rin ang ibasura ang kontraktuwalisasyon. <b>Kontribusyon/KMU</b>

Mga manggagawa: Hangad pa rin ang ibasura ang kontraktuwalisasyon. Kontribusyon/KMU

Nagsasarili?

Samantala, noong nakaraang buwan din, idineklara ni Duterte ang pagtahak ng isang independiyenteng ugnayang panlabas (independent foreign policy). Reaksiyon ito sa pangingialam diumano ng gobyernong US sa kanyang giyera kontra droga. Ang plano ng Pangulo, palakasin ang ugnayan sa mga bansang karibal ng US sa negosyo at dominasyon sa mundo – ang China at Russia.

Sa pagbisita ni Duterte sa China (at sa Japan), ipinagmalaki niya ang mga nakuhang komitment na dayuhang pamumuhunan. Kung titingnan nang maigi, makikitang marami sa mga ipinangakong pagtayo ng pabrika sa Pilipinas ay nangangahulugan ng pagpapatuloy ng murang lakas-paggawa at kontraktuwalisasyon.

Ibig sabihin, mas maraming katulad ng Dong Yun ang inaasahan ng rehimeng Duterte na maaakit nito (kahit sa inaasahang pakikipag-usap sa Russia sa hinaharap). Ayon sa maraming progresibong tagamasid, malayo ito sa diwa ng nagsasariling ugnayang panlabas—dahil patuloy na matatali ang bansa sa neoliberal na mga polisiya tulad ng kontraktuwalisasyon na itinakda ng imperyalistang mga bansa gaya ng US. Patuloy na magiging mistulang alipin ang manggagawang Pilipino sa dayuhang mga kapitalista—mababa ang sahod, walang kaseguruhan sa trabaho, walang karapatang mag-unyon.

Sa paglulunsad ng welga sa Dong Yun, pinapakita ng mga manggagawa ang kanilang lakas kapag nagkakaisa. Hindi na sila maghihintay sa DOLE o sa Pangulo. Sa kanilang pagwelga at sa iba pang pagkilos ng manggagawang Pilipino, nais nilang itulak ang rehimeng Duterte na maging makatotohanan sa mga pangako nito at pumanig na sa wakas sa tunay na naglilikha ng yaman ng bansa.


 


5 paraan para itaguyod ang independent foreign policy 

$
0
0

Sabi ni Pangulong Duterte, gusto niya ng independent foreign policy, o nagsasariling ugnayang panlabas. Ang ibig sabihin lang nito, gusto ng Pangulo na tahakin ang polisiya sa pakikitungo sa iba’t ibang bansa ng daigdig nang walang kontrol o di-makatwirang impluwensiya ng isang makapangyarihang bansa tulad ng Estados Unidos (US).

Hindi kaila kay Duterte na simula’t sapul sa kasaysayan ng Republika, may napakalakas na impluwensiya ang gobyerno ng US sa gobyerno ng Pilipinas. Sa deka-dekada nitong “pagtatanim” ng mga burukrata o opisyal ng gobyerno at pulitiko na sinanay sa pagkiling sa US, sinabi mismo ni US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel na kahit na kontra sa kanila ang presidente ng Pilipinas, marami namang naitanim na relasyon ang gobyernong Amerika sa iba’t ibang opisyal at makapangyarihang indibidwal sa loob at labas ng gobyerno ng Pilipinas. Matitiyak pa ring masusunod ang dikta nila.

Pero ano kaya ang maaaring gawin pa ng gobyernong Duterte para totoo ngang tahakin ang independent foreign policy – higit pa sa pagtitiyak na mapaalis ang mga tropang Amerikano sa bansa? Marami rito, may kaugnayan sa pang-ekonomiyang impluwensiya at kontrol ng US sa bansa.

  1. Ibasura ang Charter Change

Gusto ni Duterte idaan sa Constitutional Assembly ang pagpapalit ng Saligang Batas para bigyan-daan ang kanyang panukalang gawing Pederal ang porma ng gobyerno ng bansa. Pero dahil sa malakas na impluwensiya ng US sa pulitika ng bansa, tiyak na ipapasok din sa pagrerepaso ng Konstitusyon ang pagpapayag ng 100 porsiyentong pag-aari ng dayuhang mga korporasyon sa mga lupain, negosyo at kahit sa midya ng Pilipinas. Kung maitutuloy ito, lalong mapapasailalim ang ekonomiya ng bansa sa kontrol ng dayuhang mga monopolyo-kapitalista.

  1. Ibasura sa kontrak-tuwalisasyon, itaas ang sahod ng obrero

Ipinangako ito ni Duterte noong tumatakbo pa siya sa pagkapresidente noong eleksiyon 2016. Itinalaga niya si Labor Sec. Silvestre Bello III na may “marching orders”, aniya, na itigil na ang “endo” o end of contract at kontraktuwalisasyon. Pinaaaral din sa Department of Labor and Employment ang makabuluhang dagdag-sahod ng mga manggagawa. Pero dahil naiiimpluwensiyahan pa ng malalaking lokal na kapitalista ang naturang ahensiya, hirap itong ipatupad ang “marching orders” ng Pangulo. Isang neoliberal na patakaran ang kontraktuwalisasyon na lalong nag-aalipin sa mga manggagawa at nagpapanatili sa kanila sa karalitaan. Dikta ng imperyalistang mga bansa ang murang lakas-paggawa. Kung gusto ni Duterte ng independent foreign policy, kailangang puspusin na niya ang pagpawi sa kontraktuwalisasyon.

  1. Siguruhing di-dehado ang Pinas sa dayuhang ‘investments’

Kasabay ng pagdeklara ni Duterte sa independent foreign policy ang pagdeklarang palalambutin ng kanyang administrasyon ang relasyong diplomatiko sa bansang China (na karibal ng US sa dominasyon sa pandaigdigang ekonomiya). Pagbalik niya galing China at Japan, inanunsiyo niya ang bilyun-bilyong dolyar na “investments” ang ipinangako ng mga kompanya sa mga bansang ito. Pero anong klase ang investments at iba pang pangakong pinansiyal na ito? Mayroong mga utang, na tiyak na may kondisyon (pagbibigay-prayoridad sa kanilang negosyo sa bansa). Mayroong investments na walang pinag-iba sa dati nang “portfolio investments”. Mayroong pangako na magtayo ng mga planta – sa kondisyon, siyempre, na mananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa. Tiyak, mananatili ang kontraktuwalisasyon.

  1. Itigil ang impunity sa bansa, itigil ang Oplan Bayanihan

Ipinapaubaya ni Duterte ang pagsugpo sa problema ng droga sa bansa sa mga institusyon (militar at pulisya) na napatunayan nang kompromisado o sistematikong kurap at bangkarote. Inamin mismo ni Duterte at PNP Chief Bato dela Rosa na sangkot ang maraming heneral ng pulisya at militar sa sistematikong pagkalat ng ilegal na droga sa bansa. Kaya naman hindi nakapagtataka ang lantarang paglabag sa karapatang pantao ng mga sinususpetsahan pa lamang na drug users at pushers. Sa “pagsugpo” naman sa rebelyon, hindi pa iniaatras ni Duterte ang Oplan Bayanihan ng nakaraang presidenteng Aquino. Nakapadron ang Oplan Bayanihan sa Counterinsurgency Guide ng US. Samantala, pulisya at militar ang tumatanggap ng pinakamalalaking suporta mula sa gobyernong US – kaya di nakapagtataka na militar din ang pinakamalapit sa US.

  1. Siguruhin ang tagumpay ng usapang pangkapayapaan, palayain ang mga bilanggong pulitikal

May kongkretong mga panukala ang National Democratic Front of the Philippines para sa kaunlaran sa ekonomiya ng bansa na matatamasa ng mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Pangunahin na rito ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Nasa interes ng imperyalistang mga bansa tulad ng US ang pananatili ng monopolyong kontrol ng iilang pamilya sa mga lupaing agrikultural ng bansa.

Samantala, ipinapanu-kala rin ng NDFP ang pambansang industriyalisasyon, o ang pagmomodernisa ng batayang mga industriya ng bansa.

Kaugnay ng usapang pangkapayapaan, kailangan ding tupdi ng rehimeng Duterte ang pangako nitong pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal – mga bilanggong pulitikal na matagal nang ipinaglaban ang pambansang kalayaan at demokrasya ng bansa.


 

Biktima ng Yolanda’t gobyerno, naniningil

$
0
0

Mahigit tatlong taong hirap at nagtitiis ang mga biktima ng bagyong Yolanda matapos itong manalasa sa Eastern Visayas noong Nob. 8, 2013. Ibayong pagdurusa pa ang kanilang naranasan sa panunungkulan ng dating administrasyong Aquino.

Sa ilalim ngayon ng gobyernong Duterte sila maniningil ng hustisya mula sa kriminal na kapabayaan ng nagdaang rehimen. Sa kanilang pagtulak sa Maynila mula Eastern Visayas nais nilang ihatid sa publiko na nananatili ang kahirapang ito dulot ng bagyong Yolanda at patuloy na kabagalan ng gobyerno sa pagtulong sa kanila.

“Yung pinakakampanya namin patuloy na kagutuman at militarisasyon sa Eastern Visayas. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang kakulangan ng tulong ng gobyerno. Ang kriminal na kapabayaa’y hindi pa natutugunan at papanagutin ang dating administrasyon,” ani Efleda Bautista, tagapangulo ng People Surge, organisasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Isa ang bagyong Yolanda sa pinakamalakas na bagyong nanalasa sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa Ibon Foundation, grupo ng mga mananaliksik, tinatayang 19,000 ang namatay at nawawala, nasa 28,690 ang sugatan, at 4,095,280 ang nawalan ng tirahan. Apektado ang 16.1 milyong mamamayan sa anim na rehiyon. Umaabot sa P39.8 Bilyong halaga ng mga inprastraktura at agrikultura ang nasira.

Piket ng mga survivor ng Yolanda malapit sa bahay ng mga Aquino para igiit ang pananagutan ni dating pangulong Benigno Aquino III sa pagpapabaya sa kanilang mga biktima. <b>Pher Pasion</b>

Piket ng mga survivor ng Yolanda malapit sa bahay ng mga Aquino para igiit ang pananagutan ni dating pangulong Benigno Aquino III sa pagpapabaya sa kanilang mga biktima. Pher Pasion

Kabagalan o kapabayaan?

Naging saksi ang marami sa kabagalan ng dating rehimeng Aquino sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa kabila nang pagsasabi nito dati na handa ang gobyerno sa magiging epekto ng bagyo, kabaliktaran ang nangyari at nauwi pa nga ito sa pamumulitika.

Sa kabila ng mga donasyon sa loob at labas ng bansa gayundin ang pondong inilabas ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar, tila hindi pa rin malinaw kung saan napunta o napupunta ang perang ito.

Sa pag-aaral ng Ibon sa datos mula sa gobyerno, halimbawa ang National Economic Development Authority (NEDA), nasa P144.4-B ang alokasyong ng gobyerno para sa rehabilitasyon, rekonstruksiyon, at ayuda para sa Yolanda hanggang Hunyo 2016. Bagamat nailabas na ang 71 porsiyento nito, nasa 53.4 porsiyento pa lamang ang nadi-disbursed ng mga ahensiya ng gobyerno. Nasa 40 porsiyento lamang ang kabuuang nagawa or pisikal na nakumpletong mga proyekto mula sa pondong inilabas, nasa 27.7 porsiyento naman ang kasalukuyang isinasagawa, at 33 porsiyento ang hindi pa rin nasisimulan.

Mababa din ang kabuuang antas na nagawa ang mga ahensiyang nakatalaga para sa pagpapatupad ng pundamental na kailangan ng mga biktima gaya ng pabahay, pagkain, kabuhayan, at tubig. Lumalabas sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM) na nasa 12.3 porsiyento pa lamang ang kabuuang nagagawa ng Ang National Housing Authority (NHA) na nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon na P39.2-B. Nasa 45 porsiyento ang kasalukuyang isinasakatuparan at 42.6 porsiyento naman ang hindi pa nasisimulan.

Nasa 14.1 porsiyento lamang ang kabuuang nagagawa ng Department of Agriculture na nakatanggap ng P1.2-B alokasyon. Nasa 11.6 ang kasalukuyang isinasakatuparan at 74.3 porsiyento naman ang hindi pa nasisimulan. Nasa 2.9 porsiyento lamang ang kabuuang nagagawa ng Local Water Utilities Administration, nasa 2.5 ang kasalukuyang isinasakatuparan, at 94.6 porsiyento ang hindi pa nasisimulan sa kabila ng P737-Milyong alokasyon dito.

Nakatanggap naman ang Department of Social Work and Development at United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ng P1.17-B donasyon at US$865 milyon sa dayuhang mga organisasyon para sa mga nasalanta ng Yolanda.

Tanong ng mga mamamayan at mga biktima: Nasaan ang pondong ito at ano ang balak ng bagong administrasyon dito?

May dapat managot

Hindi pa man nakakabangon partikular ang mga magsasaka sa Eastern Visayas mula sa iba’t ibang bagyo matapos pa kay Yolanda at mga peste na sumira sa kanilang mga pananim gaya ng cocolisap, nahaharap din sila sa nagpapatuloy na militarisasyon sa kanilang lugar.

“Dahil si Presidente (Duterte) nag-open ng peace talks, inaasahan namin na magkakaroon ng tunay na kapayapaan, nasa gitna pa rin ang mga magsasaka ng militarisasyon. May mga barangay na hinaharas, tinatakot, at hina-hamlet,” ayon kay Bautista.

Nais paalalahanin ng People Surge ang gobyerno ni Duterte ang mga pagkukulang pa sa mga biktima lalo higit ang mga pondong nawawala.

“Magpapatulong din kami sa Kongreso at Senado na ibalik ang mga ginawa nilang resolutions na imbestigahan yung mga korupsiyon sa emergency shelters assistance lalo na na nawawala ang mga pera,” ayon kay Bautista.

Gayundin nais nilang managot ang tinaguriang Gang of 5 ng dating administrasyon na sina Noynoy Aquino, Mar Roxas, Dinky Soliman, Jericho Petilla, at Ping Lacson na itinuturong may direktang pananagutan sa kapabayaan sa mga biktima ng Yolanda.

Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan nang magsimula ang kanilang trahedya. Tatlong taong mahigit na rin silang patuloy na nananawagan ng tulong at hustisya sa gobyerno ng Pilipinas mula sa kriminal na kapabayaan ni Aquino at ngayon umaasa sila ng pagbabago sa ilalim ni Duterte.


 

Hinaing ng maralitang lungsod, Dapat pakinggan

$
0
0

Makatwiran ang maningil sa gobyerno. Ito ang mensahe ng maralitang tagalungsod sa paglulunsad nila ng isang Lakbayan para irehistro ang kanilang mga hinaing sa kalagayan ng kanilang mga kabuhayan at pabahay.

Ayon sa pananaliksik ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, ipinapakita ng 2014 datos mula sa National Statistics Coordinating Board na isang kapat (1/4) ng mga Pilipino ay nasa ilalim ng poverty line, 78 porsiyento pagtaas mula 2013. Dagdag pa, ipinapakita ng 2015 datos mula sa Philippine Statistics Authority na 8.1 porsiyento ng Pilipino ay nasa matindi o subsistence poverty, o isang-kahig-isang-tuka.

Di maitatanggi, kalunus-lunos ang kalagayan ngayon ng mga maralitang tagalungsod. Sa gitna ng kanilang ambag sa iba’t ibang industriya, sila ang isa sa pinagsasamatalahang sektor. Napakaliit na ng sahod nila, mataas pa ang kawalan ng trabaho at kabuhayan. Kung trabahador man, mas madalas ay kontraktuwal at hindi nabibigyan ng mga benepisyo. Isasagad pa ng kawalan ng akses sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan, maging ng  kabi-kabilang demolisyon na umaayon lamang para sa mga pribadong entidad.

Isang Lakbayan ang kanilang ikinasa upang mairehistro sa gobyernong Duterte ang kanilang mga panawagan.

Pangunahin sa kanilang panawagan ang libre at pangmasang pabahay. Mahabang panahon na ang binuno ng maralitang tagalungsod sa kabi-kabilang demolisyon sa kanilang mga komunidad, at patuloy ang panawagan nilang hindi demolisyon ang solusyon sa kanilang hinaing, bagkus para lamang ito sa interes ng mga mayayaman.

Kaakibat ng panawagan sa pabahay ang kanilang laban para sa regular na trabaho, at P750 National Minimum Wage. Malaki ang maiaambag nito sa kanilang kalunus-lunos na kabuhayan sa lungsod.

Mainit ang kanilang sigaw na itigil na ang pamamaslang sa ilalim ng giyera kontra droga, dahil ang malaking bilang ng mga nasawi rito’y nagmumula sa maralitang tagalungsod. Panawagan rin nila ang paglayas ng militar sa mga komunidad ng mahihirap.

Higit pa sa pabahay at regular na trabaho, malaki rin ang maitutulong ng tunay na reporma sa lupa, maging ang pambansang industriyalisasyon. Kalakhan naman ng tumungo sa kalunsuran ay nagmula sa kanayunan sa pag-asang mas mataas ang magiging kabuhayan nila sa lungsod.

Sa darating na Disyembre 5, tutungo sila sa National Housing Authority. Magkakaroon naman ng martsa tungong Mendiola sa Disyembre 6.

Kailangan mairehitro ng maralitang tagalungsod ang kanilang mga hinaing. Kailangan na itong marinig.

 

Libing ni Marcos Pagkatapos

$
0
0

Eksakto ang salitang “panakaw” para ilarawan ang paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani nitong Nobyembre 18: palihim noong una, paspasang ginawa, at hindi sinasang-ayunan ng marami. Pero hindi pa rin napigilan ng ganitong paraan ang reaksyon ng marami: ang kapal ng mukha!

Bago ang araw na iyun, may mga usap-usapan nang mabilisang ililibing ang dating diktador sa LNMB. Nagising na lang ang bansa na nagkalat ang kapulisan at militar sa Kamaynilaan. At naalarma na lang ang marami nang nabalita noong umagang iyun na inililipad na ang bangkay ni Marcos mula Ilocos Norte patungong Kamaynilaan. Noong hapon, naglabasan na ang mga larawan at bidyo ng pagpaparangal at paglilibing sa bangkay ng pamilya Marcos.

Bago nito, syempre pa, nagdesisyon ang Korte Suprema noong Nobyembre 8 nang pabor sa naturang libing. Nag-apela ang mga tutol, pero inilagak na ang bangkay sa LNMB kahit wala pang desisyon sa naturang apela. Kaakibat nito ang tuluy-tuloy, walang atras, at wala sa katwiran na pagdadahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa hakbangin.

Larawan ni <b>Jo A. Santos</b>

Larawan ni Jo A. Santos

Malawak na galit at pagkondena, at malalaking protesta ang naging tugon ng sambayanan. Agad na naging malinaw na hindi lang ito isang maliit na pagkakamali ng gobyerno o presidente. Kahanay ito ng iba’t ibang isyu sa nakaraan na nagpahina, kundi man nagpatalsik, ng mga dating pangulo.

Mula nang ilibing si Marcos, agad nagkaroon ng sunud-sunod na malalaking protesta sa Kamaynilaan at buong bansa. Tumampok ang mga kabataang estudyante, ang mga “millennial” na kamakailan lang ay kinukutya ng ilan dahil raw lulong sa sariling mundo, walang pakialam sa mga isyung panlipunan. Parang anunsyo ng pagdating nila sa pulitika ang galit na wika ng kanilang mga plakard, sariwa at nakikita lang noong una sa social media.

Sa Facebook at social media, humantong ang mga trolls na maka-Marcos at maka-Duterte sa lantarang panghaharas na sekswal – sa layuning pigilan ang ispontanyong pagpapahayag ng galit at pagtutol ng mga karaniwang tao, kasama ang kababaihan. Tila karugtong ng patalastas sa midya ni Marcos noong eleksyong 1986 na pangkama at pambahay lang ang mga babae. Nitong huli, inatake na ng mga trolls ang mga personal na account ng mga tutol at tumutuligsa, tampok ang sa mamamahayag na si Inday Espina-Varona.

Sa Kamaynilaan at buong bansa, ang namumuno ng protesta ay ang pambansa-demokratikong Kaliwa. Hindi naging hadlang ang mabubuting hakbangin at pangako ni Duterte para maging napaka-kritikal nito sa libing-bayani kay Marcos, sa alyansa ni Duterte sa mga Marcos, at kay Duterte mismo; katunayan, naulapan ang naturang mga hakbangin at pangako ng kawalang-hiyaan ng libing sa LNMB. Hindi man nito pinapalusot ang pananagutan ng mga naunang rehimen, ng US at mga naghaharing uri sa muling pagpapalakas sa pamilya Marcos, na matagal nang nagaganap, malinaw ritong naging susi si Duterte sa libing-bayani kay Marcos.

Sabi ni Satur Ocampo ng Bayan Muna, kailangang “muling pag-isipan” ng pambansa-demokratikong Kaliwa ang “taktikal na alyansa” kay Duterte dahil sa nangyari, at kung magtutuluy-tuloy ang ganitong mga hakbangin. Kinwestyon ng Communist Party of the Philippines kung tunay ngang maka-Kaliwa si Duterte gaya ng sinasabi nito at binansagan itong “bulok na trapo.” Sabi naman ni Prop. Jose Maria Sison, tagapagtatag na tagapangulo ng CPP, bunsod ng libing-bayani at ng tinakbo ng mga unang buwan ng administrasyon, na magiging mas malinaw sa darating na anim na buwan ang direksyon ng gobyernong Duterte.

Ang pambansa-demokratikong Kaliwa ang namuno sa noise barrage sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan noong tanghali, at sa protesta sa Unibersidad ng Pilipinas, Miriam College, Ateneo de Manila at buong bansa noong hapon at gabi ng Nobyembre 18. Kasama rin ito sa mga namuno ng malalaking protesta sa Luneta at buong bansa noong Nobyembre 25 at sa Mendiola at buong bansa noong Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio. Tiyak na nagpapalakas ito para sa mga susunod na labanan.

Sa kabilang banda, namumuno rin ng mga protesta ang pangkatin ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Mula sa tuluy-tuloy na pagtuligsa kay Duterte at hindi rito pagbibigay man lang ng tsansa simula’t sapul, mas madiin na ang kanilang pagkondena ngayon, at lumalaro na sa panawagan ng pagpapatalsik. Ang akala ng mababantot na personalidad ng gobyerno ni Aquino ay bumango na sila dahil sa isyu, kaya nagpapakita na sa mga protesta.

Sila ang namuno sa protesta sa Edsa Shrine noong Nobyembre 18 at 30. Lehitimong lunsaran ng protesta ang lugar, pero kilala rin ito sa pagpapatalsik sa pangulo. Mamamayan ang bida sa protesta sa Edsa pero, sa kasaysayan, bahagi ito ng panawagan sa militar na tanggalin ang suporta sa presidenteng nakaupo. Simbolo ng paglaban sa diktadurang US-Marcos ang Edsa, pero ginagamit din ito ng mga Aquino para palakasin ang inaangkin nilang prangkisa sa naturang paglaban.

Tila sinisikap ng pangkatin ni Noynoy Aquino na makuha ang suporta ng US para sa pagpapatalsik kay Duterte, lalo na kung itutuloy nito ang pagsusulong ng “independyenteng patakarang panlabas” gaya ng ipinangako nito. Sintomas ang sagad-sagaring mga pahayag sa social media ni Leah Navarro, dating mang-aawit, pinunong troll ng mga Aquino, at anti-Kaliwa. Imbes na himukin ang paglakas ng lahat ng protesta laban sa libing-bayani kay Marcos, nanawagan siyang huwag daluhan ang mga protesta ng pambansa-demokratikong Kaliwa, dahil umano’y maka-Duterte ito.

<b>Cindy Aquino</b>

Kuha ni Cindy Aquino

Hindi nakakakumbinsi ang mga palusot ni Duterte sa libing-bayani para kay Marcos. Halatang mababaw na palusot lang ang mga ito para sikaping bigyang-matuwid ang paglilibing sa dating diktador at pampulitikang alyansa niya sa mga Marcos. Pinatampok ang naturang kababawan ng sinabi niyang walang pelikulang nagdidiin sa Batas Militar kaugnay ng mga krimeng inaakusa rito.

Ang tiyak, may utang na loob si Duterte sa mga Marcos, dahil tumulong sila sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo, bukod sa iba pang posibleng dahilan. Tiyak na pambayad-utang niya ang libing-bayani sa dating diktador, at iba pang hakbangin marahil. May alyansa siya ngayon sa mga Marcos, kahit pa mas kailangan siya ng mga ito kaysa kailangan niya sila.

Itinulak ni Duterte ang paglilibing kay Marcos sa LNMB sa loob ng unang anim na buwan ng termino niya, habang popular pa siya at pwede pang mabawasan, sa tantya niya marahil, ng pampulitikang kapital.

Ngayon pa lang, malinaw: Talagang nababawasan ang kanyang popularidad at pampulitikang kapital dahil sa libing-bayani para kay Marcos. At magtutuluy-tuloy ito kung patuloy siyang papabor sa masasamang pangkatin sa bansa – sa mga Marcos, kay Gloria Macapagal-Arroyo, hanggang sa mga haciendero, malalaking kapitalista at sa US. Kaalinsabay, tuluy-tuloy ang mulat na pagsasamantala ng pangkating Aquino sa sitwasyon para patalsikin siya sa pwesto.

Nagpakita si Duterte ng pagiging bukas sa mga ideyang hindi pinanghahawakan ng mga dating pangulo. Kailangang niyang maunawaan na sinuportahan siya ng maraming Pilipino sa kabila ng, hindi dahil sa, alyansa niya sa masasamang pangkating ito. Kailangan niyang maunawaan na naghahanap ng tunay na pagbabago ang sambayanang Pilipino, hindi ng dating gawi pabor sa mga imahen ng tradisyunal na kalakaran ng pulitika at ekonomiya sa bansa. At ibang antas talaga ng kasalanan ang pagpabor sa mga Marcos at maging kay Arroyo.

Malinaw ang pagbasa ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan: para sa mga Marcos, hindi katapusan ang libing-bayani para sa dating diktador. Bahagi lang ito ng mga hakbangin para bumalik sa kapangyarihan, partikular sa Malakanyang, bago ang 2022 o sa taong ito. Bahagi ang libing-bayani ni Marcos ng pagrebisa at pagbaluktot sa kasaysayan pabor sa kanya at kanyang pamilya at sa kanilang ambisyon. At panimula pa lang ito; tiyak, sa maitim na puso nina Imelda, Bongbong, Imee, Ireene at kaanak, pumipintig ang kasabihang isinusulat ang kasaysayan ng mga nagwawagi sa labanan.

Kagyat at nag-aalab ang panawagang “Never again!” Nakatakda na ang susunod na protesta sa Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Hindi na muli sa mga Marcos at sa Batas Militar!

04 Disyembre 2016

 

16 na bagay na dapat mong malaman tungkol sa MMFF

$
0
0
  1. Ang kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay isinagawa noong Setyembre 21, 1975 bilang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng pagpataw ng Martial Law, para pabanguhin ang diktadura.
  2. Ngunit paglao’y naging lunsaran ito ng mga pelikula na direkta at hindi-direktang umaatake sa Martial Law at sa mga problemang panlipunan ng bansa.
  3. Aksiyon, drama at sexy na mga pelikula ang madalas na nagbabakbakan noon sa MMFF.
  4. Nitong nagdaang mga taon, halos walang pelikulang aksiyon at dramahan. Mas nangibabaw ang comedy, fantasy, romantic comedy (RomCom), horror, at drama dahil sa agawan ng asawa.

    screenanarchy-die-beautiful-tiffjp2016-thumb-860xauto-63427

    “Die Beautiful”

  5. Taong 1976 nang unang ganapin sa Disyembre ang MMFF. Sinanay na ang manonood na ituring itong bahagi ng Pasko. Dahil bakasyon, mas marami raw oras na puwedeng gastusin ang Christmas bonus.
  6. Iba-iba ang layunin ng MMFF sa paglipas ng panahon, depende sa bumubuo nito. Mula sa pagiging instrumento ng diktadura ni Marcos hanggang sa pagiging instrumento para magkamal ng kita. Minsan, may nakakalusot na mga pelikulang pulitikal tulad ng Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976) at Himala (1982).
  7. Para sa 2016 MMFF, isa sa namuno sa pagpili ng entries ang dating dekano ng UP College of Mass Communication na si Prop. Nicanor Tiongson. Nais ng selection committee na bigyan ng mas malaking puwang ang indie films at de-kalidad na mga pelikula.
  8. Ang depinisyon nila ng indie at de-kalidad ay mga pelikulang hindi produkto ng malalaking komersiyal na movie corporations, at tumatalakay sa mga alternatibong isyu ng bansa. Bagama’t kapansin-pansin na dalawang pelikula ang produkto ng diumano’y independent film outfits na Tuko Film Productions at Buchi Boy Films. Naroon pa rin ang higanteng Star Cinema.
  9. Huwag mabahala kung wala sina Bossing Vic, Vice Ganda at mga Tsinoy ni Mother Lily ngayong 2016 Metro Manila Film Festival. Hindi lang sila ang Star ng Pasko.
  10. Hindi totoo ang sinasabi ng may-ari ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde na ang indie films ay hindi para sa MMFF. Hindi rin totoo ang sinasabi nina Vice Ganda at Vic Sotto na hindi ibinibigay ng MMFF sa manonood ang gusto ng manonood.

    14732253_1415907261760430_623191876082088787_n

    “Saving Sally”

  11. Dalawa ang comedy sa MMFF entries – ang Die Beautiful at ang Ang Babae sa Septic Tank 2. Romcom naman ang Vince & Kath & James. Romance animation naman ang Saving Sally.
  12. Dalawa ang drama: ang Kabisera at ang dokumentaryong Sunday Beauty Queen. Political thriller naman ang Oro habang horror naman ang Seklusyon.
  13. Sa taong ito, pinayagan ang mga pelikulang nagwagi na ng international awards tulad ng Die Beautiful. Kung kinikilala sa ibang bansa, dapat ring mabigyang-puwang sa mismong pinagmulang bansa.
  14. Magbigay puwang sa kritikal na pag-iisip habang nanonood. Ano ba ang transgender? Bakit gumagamit ng paramilitary groups ang gobyerno? Ano ang tunay na dahilan bakit may horror? Paano nabubuo ang love sa panahon ng internet?
  15. Kung mapapanood ninyo ang mga pelikula sa MMFF 2016, papag-isipin kayo nito: Bakit pulitikal ang paglikha ng pelikula?
  16. Huwag sambahin ang MMFF. Hindi dito nagsimula at hindi dito magtatapos ang pelikulang Pilipino. It is only as good as it gets.

 

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>