Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Nailibing Na Si Tita Cory

$
0
0

PW-cory-aquino-plumat-papel-featured

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

dating presidente ng republika
dating asendera ng hacienda luisita
asawa ni ninoy na may monumento sa ayala
dahil lumaban sa diktadura
hanggang patayin ng mga pasista.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

ina diumano ng demokrasya
tagapagtanggol ng hustisya
ina rin ng artistang si cristeta
at amiga ng mga madyungera
sa mansiyon ng saya’t ligaya.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

sa ospital noon pa man
umalingawngaw mga dasal
pumailanlang mga misa
tinutukan ng kamera
mayayaman at elitista
sa mga simbahan at kapilya
dumagundong kabi-kabilang nobena
ng mga banal at santo-santita
“diyos naming mahabagin
buhay ng aming tita’y pahabain.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

matapos bumaha ng mga bulaklak
sa katedral ng maynila
matapos ulanin ng papuri, ng paghanga’t pagdakila
ng kung sinu-sinong nalawitan niya ng grasya
sa mabulaklak niyang paglalakbay sa lupa
mga alaala’y madamdamin ngang sinariwa
at nangalaglag mga talulot ng luha
sumabog sa maamo’t mabangong mukha
ng mga babaing kutis porselana
at may tapalodong sutla rin yata
mulang puklo hanggang balakang
mulang dibdib hanggang baywang
may mga daliring hubog-kandila
na mahihiyang isawsaw sa suka
o ilamas sa maputik na lupa
“o diyos na mahabagin
kaluluwa ng aming tita’y kalingain.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

sa kahabaan ng lansangan
hanggang sa huling hantungan
inihatid siya ng tanaw
ng nagtiis sa ulanan at arawan
na masang sambayanan
silang noo’y dumagsa sa edsa
para suportahan ang mga bida
silang iniwan ang mga labada
silang tumakas sa pabrika
silang hindi pumasada
silang mangingisda’t magsasaka
silang estudyante’t intelektuwal
na nakialam sa lipuna’t pulitika
silang alipin ng burukrasya
na pawang nagsakripisyo sa edsa
wakasan lamang ang diktadura.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

hanggang ngayo’y sinusuob siya
ng insenso at kamanyang
ng papuri at paghanga’t pagdakila
siyang mahinhin at relihiyosa
na laging lumulunok noon ng ostiya
siyang matulungin at mapagkumbaba
siyang mapagpatawad at mapagkalinga
siyang batbat ng kabanalan bawat salita
sabi tuloy ng mga hunyango
pambansang bayani siya
sabi ng mga ipokrito’t ipokrita
karapatdapat na santa siya
pero sabi ng makatang sumulat ng “gera”
paano mga magsasakang minasaker sa ,mendiola?
paano mga napatay sa hacienda luisita?
paano rin mga magsasaka
sa hacienda san antonio sa isabela?
paano ang mga isneg sa dumalneg?
paano ang mga taga-lupao sa nueva ecija?
paano mga katutubo sa marag sa paco valley?
paano rin ang “ora pro nobis” ni lino brocka?
paano, higit sa lahat,
bilyun-bilyong dolyar na pambansang utang
na maaari sanang di na bayaran
nang itatag niya rebolusyonaryong pamahalaan?
“o diyos na mahabagin
kaluluwa ng aming tita’y patawarin.”

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

mula noon hanggang ngayon
sa kabila ng ibinandilang diwa ng edsa
nakatunganga’t dayukdok ang masa
nilulunod sa ilusyon ng pag-asa
ng iilang hari-harian sa ekonomiya’t pulitika
tuloy ang laban… tuloy ang laban…
sigaw maging ng mapagkunwaring mga elitista
at tagapagtaguyod ng burges na demokrasya
tuloy ang laban hanggang makalaya ang masa
sa kabusabusan at inhustisya
tuloy ang laban hanggang mapatid
tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala
tuloy ang laban hanggang mapairal
lantay na hustisya sosyal
tuloy ang laban
hanggang maghari lipunang makatao
makabayan, progresibo at tunay na demokratiko.

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

“o diyos na mahabagin
kami naman ang iyong pagpalain.”
sa bawat madulang eksena
kaming masa’y laging mga ekstra
walang mukha ni pangalan
mga anino sa karimlan
at basura ng mga bida pagkatapos ng pelikula
sila ang laging pinagpapala
kaming masa ang laging kaawaawa
“o diyos ni abraham talaga bang mapapalad ang maralita
at kukumutan sila ng grasya’t kaluwalhatian
sa paraiso mo sa kalangitan?”
di bale nang magpasasa sa lupa
mayayaman mong nilikha
kahit pawis at dugo at laman
ng masang sambayanan
kanilang ;pinagpipistahan
sa mesa ng grasya’t kapangyarihan!

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.

tuloy pa rin ang laban… tuloy…
kaming masang sambayanan
araw-araw pa ring dinarahas at inililibing
sa inhustisya’t kaalipinan
sa gutom at karalitaan
sa dusa’t kapighatian
habang magarbong nagsasayaw
mga diyus-diyosan sa lipunan
at masigabong kumakalembang
kampana ng bawat simbahan!

nailibing na si tita cory
sa sementeryo ng mga pinagpala.


 


Handog ng makabayang mga musikero sa lipunang Pilipino

$
0
0

Isang gabi ng makabayang musika ang inihandog ng mga mang-aawit at kompositor na kabilang sa Lapis noong nakaraang Linggo ng Musikang Pilipino. Darius Galang

Noong nakaraang linggo na tinaguriang Linggo ng Musikang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, isang maliit, ngunit signipikanteng pagtatanghal ang natunghayan sa isang bar na nagngangalang My Bro’s Mustache sa Quezon City.

“Isang pahayag talaga ang gabing ito ng Lapis,” pauna ni Karl Ramirez, musikero at miyembro rin ng Lapis o League of Authors of Public Interest Songs.

Noong gabi na iyon, isinagawa nila ang “Bak-Tibak”. Kasama niya ang premyadong mga mang-aawit tulad nina Chickoy Pura ng The Jerks, Gary Granada, at ang tinaguriang “Tres Marias” na sina Cooky Chua, Bayang Barrios, at Lolita Carbon. Kasama rin ang iba pang grupo tulad ng mga mang-aawit mula sa Concerned Artists of the Philippines.

Layunin ng Lapis ang makabuo ng mga awiting makabuluhan, sumasalamin sa mga isyu ng lipunan, at anumang may interes ang publiko sa Pilipinas. Kasama rito ang seryosong panlipunang mga isyu tulad ng kawalan ng tunay na reporma sa lupa, karapatang pantao, nakabubuhay na sahod, at pangkalahatang kawalan ng tunay na pagbabago at mabuting paggogobyerno.

Lahat nang ito, hindi hiwalay sa mga adbokasiya na naririnig mula sa progresibong mga organisasyon. Batid ng mga miyembro ng Lapis ang ilang balakid, mula sa produksiyon hanggang sa kasalukuyang lagay ng industriya ng musika sa bansa. Binanggit ni Ramirez na isang balakid ang paghahagilap ng pondo, pagpapaunlad, pagrekord, hanggang production ng kanilang mga material.

“Ang binabanggit nga namin, talagang buhay ang OPM sa anyo ng makabayang mga musikero. Kasi marami ang output, pero limitado ang funds. ‘Yung tao ang resources niya, kaya kailangan naming mag-prioritize,” sabi pa ni Ramirez.

Isang karaniwang tema ng mga kanta ng maraming kabataang musikero na gustong sumikat ay tungkol sa musika. Pero sabi ni Bayang Barrios, madali lang makalikha ng awitin tungkol sa pag-ibig. “Iyon bang ‘masakit, nasaktan ako, hiniwalayan ako ng siyota ko,’ oo madali lang iyon. Pero itong pagbibigay ng awareness sa mga reyalidad kung ano mga nakikta or realities sa mga buhay-buhay natin, mahalaga na meron tayo. (Malagang) merong mga organization ng artists din na gumagawa ng ganitong mga klase ng aktibidad o itong musika na para magmulat, (at) mayroong educational (value)–hindi lang sa musikero, kundi para sa lahat,” ani Barrios.

Ano pa man ang kalagayan ng industriya ngayon, optimistiko sila na maipapabatid ang kanilang mga mensahe sa mga nakikinig. “Puwede tayong manggaya, puwede tayong gumawa ng mababaw. Pero mas maganda sana kung makagawa tayo ng mga musika na magiging mapag-isip ang nakikinig,” sabi pa ni Barrios. Dugtong naman ni Chickoy Pura, kailangang magbago rin ang timpla ng musika, maging ang mga pinatutugtog ng radyo. Aniya, nakabase lang ang mga nakikinig sa kung ano ang pinapatugtog ng radyo.

”Maging appreciative sila doon sa makabayang awitin, mga nakasentro sa mga isyu, at mga commentary. Kasi nakikinig tayo sa komentaryo hanggang sa radio announcer lang pero hindi natin pinakikinggan ‘yung musika,” paliwanag niya. Pinakamabisang sangkap, ani Pura, ang kultura sa pagpapayabong ng identidad ng bansa.

Aniya, isang parte ng pagbabago at pagpapaunlad ng isang lipunan ng isang bansa ang isang masiglang kultura, kasama ang nasyunalismo. “Dahil kung wala iyon, kahit anong talino mo, kung sa iba rin mapupunta ‘yung pinagtatrabahuhan mo, o kung anuman ang gawain na ginagawa mo, mapupunta pa rin doon sa ibang purpose,” sabi pa ni Pura. Gusto ng grupo na magkaroon ng taunang paglilikha ng bagong materyal.

“Sabi natin, ‘new harvest of public interest songs’ (ang pinasisimulan natin). So taunan ito,” sagot ni Ramirez sa tanong kung magiging taunang aktibidad ang “Bak-Tibak”. Tinutuntungan ng “Bak-Tibak” ang tagumpay na inabot ng kantang “Bayan Muna” sa pagbubuklod sa iba’t ibang musikero at kompositor sa ilalim ng Lapis. Pero bukod sa mga pagtitipon at pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino, nangangako silang ipagpapatuloy ang pagsusulat ng mga awiting sasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan at pangangailangan para sa tunay na pagbabago.

“Ang kabuluhan ng sining, mararamdaman mo lang kapag napapakinabangan ito ng ibang tao,” pagtatapos ni Pura.


 

Ang landas ng paglilingkod ni Neri Colmenares

$
0
0
Bayan Muna Rep. Neri Colmenares <b>PW File Photo</b>

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares PW File Photo

Ngayon pa lang, abala na ang tradisyunal na mga partido pulitikal sa paglalako ng mga pambato nito para sa eleksiyong 2016. May nag-aastang oposisyon, at may nangangakong ipagpapatuloy ang “daang matuwid” ni Aquino. Pero sa panahon ng kasalukuyang rehimen, may isang bloke sa loob ng Kamara na nagpakita ng tunay na paglaban para sa mga mamamayan at tumitindig bilang tanging tunay na oposisyon sa Kamara.

Ito siyempre ang tinaguriang Makabayan bloc. Binubuo sila ng mga party-list na Bayan Muna, Kabataan, Anakpawis, ACT Teachers at Gabriela. Pinangungunahan sila ngayon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na tumatayo ring Senior Deputy Minority Leader sa Kamara.

Sa halos pitong taon nang nakaupo sa Kamara si Neri. Kahit mga katunggali niya sa Kamara, hindi maitatangging maningning ang kanyang rekord sa pakikipaglaban sa korupsiyon, taas-presyo ng kuryente, tubig, gasolina, bigas at iba pang pangunahing bilihin, gayundin ang laban sa

paglabag sa mga karapatang pantao, panghihimasok ng gobyernong US sa Pilipinas, at pagyurak ng Tsina at iba pang dayuhang kapangyarihan sa integridad,

teritoryo at kasarinlan ng bansa. Pinatunayan ni Neri na siya ay tunay na matapat, marangal, makabayan.

Pinagmulan

Ipinanganak si Neri noong Disyembre 4, 1959 sa Libertad, Bacolod City.

Si Rene Colmenares ang kanyang tatay na nakatungtong ng ikatlong taon sa kolehiyo, pero agad na nakapagtrabaho sa isang bangko. Samantala, sekretarya naman ang nanay niyang si Lolita Javier at nagtrabaho sa City Council bilang clerk. Panganay si Colmenares sa limang magkakapatid.

Noong bata siya, mistulang inampon ng isang tiyahin si Neri. Maalwan ang naging buhay niya sa tiyahin. Pero hindi naman ipinagkait sa tunay na magulang si Neri. Walong taong gulang siya nang mamatay ang kanyang Tita Luz, at kinuha siya ng kanyang ina para muling makasama ang pamilya.

Sinanay ni Neri na hindi siya nag-iisa, dahil may apat na nakababatang kapatid na sina Loren, Tess, Rene Jr. at Jovanni. Lumaki silang magkakapatid na nagpapahalaga sa papel ng kababaihan sa pamilya. “Matriyarkal kami,” kuwento ni Neri. “Ang aking Tita Luz at ang Mama Lolita ay malalakas ang loob, mapagpasya at dumidiskarte.”

“Mabait ang aming mga magulang,” dugtong ni Neri, “Bagamat tahimik ang aming Papa Rene, nakuha namin sa kanya ang pagiging tapat at matapang. Kapag ginalit mo si Papa, lalaban ‘yun lalo na na kung siya ang nasa tamang katwiran.”

Si Neri at ang kanyang hilig na larong chess.

Si Rep. Neri at ang kanyang kinahihiligan na larong chess.

Estudyante’t aktibista

Nag-elementarya si Neri sa La Consolacion College. Hindi man siya outstanding sa akademya, laging “best in good moral character” at religion siya. Dahil tahimik si Neri, naging interes niya ang musika. Bata pa lang, nakasama na sa isang banda na tinawag nilang “The Peaches” na inaanyayahan sa probinsiya tuwing may kampanyang elektoral.

Naghayskul naman siya sa St. Joseph High School. Unang taon niya rito nang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar. Ramdam na noong mga panahong iyun ang kakaibang sitwasyon. Tahimik ang mga bahay, laging walang pasok, at limitado ang ?mga palabas sa TV.

Sa unang tingin, inakala?niyang mas tahimik ang bansa dahil sa Batas Militar. “Hindi ko akalain na ang binabanggit kong lipunan ang siya ring magdadala sa akin sa loob ng piitan,” alala niya. Palabasa ng libro si Neri, lalo na iyung tungkol sa batas. Ngunit nainip si Neri sa pag-aaral, kaya ibinaling niya ang sarili sa mga palaro. Naging football player siya at nakasama sa varsity ng paaralan.

May pagkarebelde rin siya. Hindi raw basta sumusunod si Neri sa mga patakaran kapag hindi niya ito nakikitang wasto. Sumasagot siya kapag hindi siya kumbinsido sa sinasabi ng kanyang guro. Lumipat si Neri sa West Negros College, pero tinapos niya ang hayskul sa La Castellana High School. Di niya nadaluhan ang graduation dahil lumahok si Neri sa isang chess competition sa Maynila.

Namulat si Neri ng isang kamag-anak na aktibista sa La Salle-Bacolod.

“Lagi kaming nagdidiskusyo. Kahit pagtingin sa ulan, pinaguusapan namin. Dahil sa haba ng aming pag-uusap tumatakbo na kaming pauwi para huwag abutan ng curfew. Kasi, huhulihin ka at ayaw namin na magupitan ng buhok ng Philippine Constabulary,” aniya.

Mulat na si Neri nang tumuntong ng kolehiyo. Una siyang pumasok sa University of Negros Occidental Recoletos. Taong 1977, naging tagapangulo siya ng Student Catholic Action (SCA)-Visayas at nagtayo sila ng Students for Democratic Rights (SDR). Sumunod na taon, nahalal siya sa National Council ng SCA. “Inihayag namin ang represyon sa bayan at pangangailangang isulong ang tunay na reporma sa lupa. Noon pa man, itinataguyod ko na ang karapatang pantao,” paliwanag ni Neri. Taong 1978, sa Negros ay naghirap at nagutom ang mga magsasaka, kung kaya’t nagtanim sila sa malalawak na lupain. Nagalit, siyempre, ang mga asendero. Nang mapag-alaman ito ni Obispo Antonio Fortich, sinikap niyang maglunsad ng diyalogo na dinaluhan ng 100 katao. Pero di pa nag-uumpisa, dumating ang mga militar. Kinulong ang lahat ng dumalo sa loob ng dalawang

buwan at dumanas sila ng tortyur.?“Nais kong tulungan ang mga nahuli, pero pinag-initan din ako at hinuli. Labing walong taon pa lang ako nang unang

nakulong at tulad ng iba’y nakaranas ng iba’t ibang porma ng tortyur na umabot nang anim na araw. Dalawang buwan din ako sa kulungan. Nang makalabas, tumuloy ako kay Tita Zenaida na kapatid ng aking ama at muli akong nag-aral ng isang semestre sa kursong Engineering,” kuwento pa ni Neri.

Pero natigil uli dahil muli siyang mag- organisa.

Nang bumalik ng Negros para dumalaw sa pamilya, muling dinampot si Neri sa kasong rebelyon, at nakulong pa ng isang taon. Nakalaya siya at na- dismiss ang kaso sa tulong ng abogadong si Francisco Cruz ng Free Legal Assistance Group. Dalawang buwan matapos makalaya, tumimo sa isip ni Neri ang isang eksena. “Minsang sumama ako kay Mama Lolita sa Plaza. Nakita ko ang isang batang nagbebenta ng yosi, tumatawid at muntik nang nasagasaan. Naisip ko: anong lipunan ito na hinahayaang mapasama ang mga bata?” aniya.

Ito ang nagtulak kay Neri upang bumalik sa kilusang masa. Nagpunta siya ng Maynila at muling nag-organisa sa loob ng dalawang taon. Kasabay nito, nabuksan sa kanya ang gawaing internasyunal at unang nakahalubilo ang mga estudyanteng Iranian. Matapos ang dalawang taon, nakita ni Neri ang kahalagahang bumalik ng probinsiya. Kaya unang bahagi ng 1983, nag-organisa naman siya sa Ilocos at tumulong sa pagtatayo ng mga konseho at mga pahayagan ng mag-aaral. Muli, sinampahan ng kasong rebelyon si Neri sa Cagayan at nakulong. Nakalaya lang siya matapos ang pag-aalsang EDSA noong 1986.

Sa kabuuan, limang taon siyang nakulong sa ilalim ng Batas Militar.

Pinakiusapan si Neri ng kanyang Mama Lolita na magtapos ng kanyang pag-aaral. Taong 1986, pumasok siya ng isang taon sa Philippine Christian University, nagtayo ng chapter ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) doon, at nag-organisa rin sa San Beda. Gayunman, noong 1987 hanggang 1992, nagpasya si Neri na isabay sa pagkilos ang kanyang pag-aaral at nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Economics sa San Beda.

Sa yugtong ito, tumuloy si Neri sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman para sa abogasya. Gumradweyt siya noong 1996 at agad na kumuha ng bar exam noong 1997. Nakasabayan pa niya sina Miro Quimpo at Neil Tupaz na ngayon ay kapwa niyang mga kongresista.

Abogado ng masa

Pagkapasa sa bar, kasama ng mga kaibigan, itinayo ni Neri ang ‘Los Lobos’ o ‘The Balloons.’ Ito’y isang law firm na tumakbo ng dalawang taon.

Taong 1999 nang maging bahagi si Neri ng pagtatayo ng Bayan Muna; noo’y tatlong taon pa lang siyang abogado, pero naging kauna-unahang legal counsel siya ng Bayan Muna. Liban sa pagdepensa sa Bayan Muna sa Commission on Elections, nakita rin ang talas at talino ni Neri sa mga oral argument para idiskuwalipika ang Lakas-NUCD, NPC, LDP, NP, Liberal Party kabilang ang National Federation of Sugarcane Planters, Mamamayang Ayaw sa Droga (MAD) at iba pang pekeng party-lists.

“Isang major challenge ito. Umabot ng limang oras ang aking pakikipag- argumento (natin) pero nanalo pa rin tayo sa ating posisyon at na-disqualify ang halos 150 pekeng party-lists noong 2009. Umani rin halos ng 1.7 milyong boto ang Bayan Muna,” aniya. Kinalaunan, nahirang si Neri na umupo na bilang isa sa mga kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara.

Sa Kamara, pinangunahan niya ang pagpapanalo ang kaso ng kompensasyon para sa Martial Law victims. “Nagpunta ako ng Hawaii; hindi natin sinang- ayunan ang pagbibigay ng $150-Milyong settlement sa pamilyang Marcos malinis lamang ang kanilang pangalan. Hindi matatapatan ng anumang halaga ang dignidad ng mga biktima ni Marcos,” sabi pa ni Neri.

Dahil sa ipinakitang galing sa laban para sa Marcos compensation, inimbitahan si Neri sa Australia upang magsalita,

at binigyan ng grant para sa Doctor of Philosophy (PhD). Pero hindi niya ito natapos dahil bumalik siya sa Pilipinas at binuhos ang buong panahon sa pagtatanggol sa Bayan Muna laban sa sistematikong pagpatay sa mga lider at kasapi nito na umabot ng higit 130, tangkang pagdiskuwalipika at pampulitikang panunupil ng administrasyong Arroyo.

Mahalaga rin ang papel ni Neri sa pag-oorganisa ng mga abogadong aktibista. Nang tumindi ang extra-judicial killings, kasama si Neri sa nagtatag ng Counsels for the Defense of Liberties (Codal) noong 2005. Sinundan ito ng pagkakatatag ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) noong 2007 at nahalal siya rito bilang pangkalahatang kalihim. Libreng serbisyo ang ibinibigay ng mga abogado sa mahihirap sa mga isyung katulad ng demolisyon, illegal dismissal sa trabaho, at iba pang kaso ng mga inaapi at mahihirap.

Kasama ang kanyang asawa at anak: Si Rep. Neri para sa pamilya at sambayanan.

Kasama ang kanyang asawa at anak: Si Rep. Neri para sa pamilya at sambayanan.

Buhay-pamilya, buhay para sa bayan

Kasama ni Neri Colmenares sa buhay ang kabiyak na si Shalimar Vitan na tubong Punta, Sta. Ana, Manila.

Kapwa manggagawa ang magulang ni Shali. Dating nagtrabaho si Shali sa nongovernment organization na Oxfam pero nagretiro na siya para magtayo ng sariling negosyo. Unang nagkasama at nagkakilala si Neri at Shali sa isang kumperensiyang kontra US Military Bases noong 1991. Umabot na sa 23 taon silang namumuhay nang simple kasama ang anak na si Bien Carlo, 9.

Hindi umano malaking bagay ang paggampan ni Neri ng gawaing bahay lalo ang pagluluto.

“Paborito kong ulam ang adobong baboy. Sa katunayan, ‘yan ang specialty kong lutuin. At ang gawaing bahay, naku, ine-enjoy kong gawin ‘yan basta may oras,” aniya. Hilig din ni Neri ang magmaneho ng sasakyan, kumanta, manood ng mga pelikula at maglaro ng chess.

Sa pagtatapos ng kanyang termino bilang kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso, lalong naging mahalaga kay Neri ang kilusang masa.

Anuman ang gawin ng progresibong mga kinatawan sa Kongreso, kung walang tugon ang kilusang masa, wala ring mararating ang pagdadala nila ng mga isyu. Kaya sa kilusang masa pa rin siya humahalaw ng lakas at inspirasyon. Sa masa rin niya nakukuha ang tamang posisyon sa mga isyu.

“Kapag nahiwalay ka sa masa, sa kalagayan at interes nila, hindi mapagkakaiba ang ating tindig sa makitid at sakim na interes ng iba,” ani Neri.

Para sa kanya, 10 taon mula ngayon, pangunahing dapat pagtuunan ng pansin ang pagkakamit ng pambansang industriyalisasyon. “Pangarap ko ito para sa bayan. Hindi nga simple, pero kaya ito kung gugustuhin. Mahirap, dahil dapat baguhin ang sistema at maraming sanga- sangang isyu ang nakaugnay dito tulad ng problema sa lupa at iba pa. Marami pang progresibo ang dapat makaupo sa Kongreso, pero wala rin kaming magagawa kung wala ang malakas na kilusang masa,” paliwanag pa niya.

Sa bahagi ng kilusang masa, maugong ang panawagang muling subukan ng Makabayan ang paglahok sa eleksiyon para sa Senado. At siyempre, walang ibang nangungunang posibleng kandidato para sa kanila kundi si Neri.

Mabigat, magastos, masaklaw, at kumplikado ang labanan patungo sa Senado. Pero walang imposible kapag ginusto ng masa. At walang pag- aalinlangan si Neri kung ito ang gusto ng masa. Ang kailangan na lang ay ipaalam sa pinakamarami na may isang Neri Colmenares na maaasahan ng masa na magtataguyod sa interes nila.

At kapag ginusto ng masa, sila na mismo ang gagalaw para dalhin si Neri sa Senado.


 

Bangsamoro Basic Law: ‘Palpak na eksperimento’ muli?

$
0
0
Mga kabataan ng Mamasapano, Maguindanao, kasama ang ilang human rights defenders mula sa Suara Bangsamoro at Children's Rehabilitation Center, noong Pebrero 2015. <b>KR Guda</b>

Mga kabataan ng Mamasapano, Maguindanao, kasama ang ilang human rights defenders mula sa Suara Bangsamoro at Children’s Rehabilitation Center, noong Pebrero 2015. KR Guda

Desidido ang administrasyong Aquino na maipatupad na ang Bangsamoro Basic Law. Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, ibinabandera nito ang BBL bilang batas na magpapasimula sa mapayapang pamumuno sa lupain ng mga Bangsamoro.

Pero tutol dito ang progresibong mga grupong Moro. Para sa kanila, hindi tinataguyod ng naturang batas ang tunay na hangad ng mga mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya at progresibong pagbabago. Nananatili umanong tapat ito sa pang-ekonomiya at pampulitikang programa ni Aquino.

Para sa Suara Bangsamoro, grupong nagtataguyod ng karapatan ng mga Moro, inuulit lang ng BBL ang “palpak na eksperimento” ng nakaraang mga kasunduan sa pagitan ng mga Moro at gobyerno, tulad ng Organic Act at Republic Act 9054 na naging batayan ng pagtatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ito’y dahil nakabalangkas pa rin sa Saligang Batas ng Pilipinas ang BBL.

“Nangangamba kami na titindi ang kahirapan at mas maraming bulnerableng mga komunidad ang aalsa mula sa pinakahuling kasunduang pangkapayapaan na ito sa pambansang gobyerno,” sabi ni Amirah Ali Lidasan ng Suara Bangsamoro.

Pinag-aralan nila ang iba’t ibang bersiyon ng BBL — katulad ng House Bill 4994 at Senate Bill 2408 — at masasabi nilang iba ito sa naging resulta ng mga konsultasyon sa mga mamamayang Moro. Masasabi umanong labis na na- waterdown o napalabnaw ang pinakahuling bersiyon ng BBL. Kasama sa mga lumabnaw ang pag-alis sa kamay ng gobyernong Bangsamoro ng kontrol sa mga rekurso nito para bigyan-daan ang pandarambong nito ng lokal at dayuhang mga negosyante.

Armadong guwardiya ng Moro Islamic Liberation Front sa kampo nito sa Darapanan sa Sultan Kudarat. <b>KR Guda</b>

Armadong guwardiya ng Moro Islamic Liberation Front sa kampo nito sa Darapanan sa Sultan Kudarat. KR Guda

“Sine-set-up nito ang gobyernong Bangsamoro para mapanatili, hindi lang ang hawak ng pambansang gobyerno sa rehiyunal na gobyenro, kundi pati ang hawak ng pambansang pampulitikang mga partido sa pamamagitan ng isang parlamentaryong porma ng gobyerno,” paliwanag pa ni Lidasan.

Mahihinuha umano sa naging mga diskusyon sa Kamara at Senado hinggil sa BBL na hindi handa ang gobyerno na baguhin ang tunay na sitwasyon ng mga mamamayang Moro.

Nakakalinlang ang BBL, ani Lidasan, dahil sa unang tingi’y binibigyan- kapangyarihan at pang-ekonomiyang lakas ang mga Moro pero makikita na nililimita lang nito ang kapangyarihan at prebilehiyo ng mga Moro. Malinaw umano na pakay lang ng B B L ang pagwakas sa armadong pakikkibaka ng mga Moro para sa sariling pagpapasya.

Si Amirah Ali Lidasan (kanan) ng Suara Bangsamoro, sa Camp Darapanan noong Pebrero 2015. <b>KR Guda</b>

Si Amirah Ali Lidasan (kanan) ng Suara Bangsamoro, sa Camp Darapanan noong Pebrero 2015. KR Guda

“Sinuri namin sa Suara Bangsamoro ang internal security program ng gobyerno ng Pilipinas na kinopya sa 2009 Counter- Insurgency Guide (US COIN) ng gobyernong US,” ani Lidasan. Sa kanilang pag-aaral, nakita nilang kinopya ng Framework Agreement on the Bangsamoro (nilagdaan ng Moro Islamic Liberation Front at administrasyong Aquino noong 2012) at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ang programang demobilization, disarmament, and rehabilitation/reintegration ng US COIN Guide para pahinain ang mga nag-aalsa sa estado.

Sa planong ito, inoobliga ang rebolusyonaryong mga grupo tulad ng MILF na isuko ang kanilang mga armas. Binibigyan sila ng katiting na mga pabuya para mahimok na isuko ang armadong laban. Pero hindi natutugunan nito ang ugat ng armadong tunggalian. Hindi nito natutuganan ang malaganap na kahirapan, kawalan ng repormang agraryo at kawalan ng serbisyong panlipunan sa mga Moro.

Ang masama pa, nakakaharap ang Mindanao sa malawakang pandarambong ng malalaking dayuhang negosyo. “Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng ARMM sa ilalim ng mga service contract para sa Sulu Sea Basin at iba pang eksplorasyong mina sa rehiyon. Mayroon ding mga inareglong pagpasok ng mga plantasyong agrikultural,” ani Lidasan.

Sa pakikipagsosyo ng malalaking dayuhang negosyo, tanging yumayaman ay ang lokal na mga Moro elite at hindi ang malawak na bilang ng mga mamamayang Moro.


 

Tatlong buwan na walang katarungan sa mga biktima ng Kentex

$
0
0
Nagmartsa patungong Department of Labor and Employment ang mga pamilya ng biktima kasama ang Kilusang Mayo Uno para patuloy na manawagan ng hustisya sa ikatlong buwan ng trahedya. <strong>Pher Pasion</strong>

Nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Labor and Employment ang kaanak ng mga biktima ng sunog sa Kentex, kasama ang Kilusang Mayo Uno para patuloy na manawagan ng hustisya sa ikatlong buwan ng trahedya. Pher Pasion

Iniwan ni Ammied Mangarin, 33, ang pagsasaka sa Romblon at nagtungo sa Maynila para humanap ng ikabubuhay. Kinuha rin niya ang tatlo pa niyang kapatid para makipagsapalaran dito. Pero hindi niya inakala na dalawa sa kanyang kapatid ang masasawi sa trahedya sa pabrika ng Kentex Manufacturing Corp. sa Valenzuela City tatlong buwan na ang nakararaan.

Kasama si Ammied, at iba pang pamilya ng mga biktima ng trahedya na sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para markahan ang ikatlong buwang ng kawalang katarungan para sa mga biktima ng trahedya.

“Mahirap pa rin, dahil tatlong buwan na pero wala pa ring hustisya. Kung ikaw ay indibidwal na tao at makapatay ka ng isang tao kulong ka agad. Pero dito, 74 na manggagawa wala pa rin (katarungan). Kawawa ang ibang biktima na walang mahingan na tulong,” ani Ammied.

Dati ring manggagawa ng Kentex si Ammied. Nakaligtas ang isa pa niyang kapatid na si Katherine Rivera, 30, sa nasabing trahedya. Silang apat na magkakapatid, naging kontraktuwal sa Kentex.

Nag-iipon sila at balak sana nilang umuwi sa Disyembre para magkasama-sama muling magpapamilya. Pero ayon kay Ammied, hindi siguro ito matutuloy pa.

Wala pa ring napapanagot

Hindi kailanman naging madali para kay Marilyn Yco, 49, na tanggapin ang sinapit ng anak na si Frederick Yco, 24. Isang linggo pa lang kasing nagtatrabaho si Frederick sa nasabing pabrika.

“Masama sa kalooban namin na wala pa rin ang hinihingi hustisya. Binabalewala nila (kami) dahil maliliit lang kaming tao. Masakit para sa isang magulang na ganoon ho ang nangyayari. Siya lang ang inaasahan ng pamilya namin,” sabi ni Marilyn.

Sumigaw si Ammied Mangarin para humingi ng katarungan sa kanyang mga kapatid na nasawi sa trahedya sa Kentex. <b>Pher Pasion</b>

Sumigaw si Ammied Mangarin para humingi ng katarungan sa kanyang mga kapatid na nasawi sa trahedya sa Kentex. Pher Pasion

Para naman sa Kilusang Mayo Uno (KMU) na kasamang nagprotesta ng mga pamilya ng biktima, inilatag umano ng administrasyong Aquino ang mga hakbangin para pagkaitan ng lubos na katarungan ang mga manggagawa ng Kentex. Tinutukoy nila ang pagtanggi ng gobyerno na kasuhan ang matataas na opisyales ng DOLE at Bureau of Fire Protection sa nangyaring trahedya.

“Malinaw namang pinayagan ng DOLE na mag-operate ang Kentex sa pagbibigay rito ng certificate of compliance sa kaligtasan at karapatan ng mga manggagawa noong Setyembre 2014. Malinaw namang hindi man binigyan ng BFP ang Kentex ng Fire Safety Inspection Certificate, hindi naman nito ipinasara ang kumpanya,” ayon sa KMU.

Masakit din sa loob ni Ammied na walang kongkretong aksiyon ang gobyerno pagkatapos ng sunog sa Kentex.

“Ang tagal nang nag-o-operate ng Kentex ngayon lang sila nag-ikot. Hinintay pang magkatrahedya. May sunog na naman noong nakaraan na pabrika may namatay na naman. Anong klase yan? Nasaan ang gobyerno natin?” ani Ammied.

Wala pa ring sapat na tulong

May nauna na umanong naipamigay ang DOLE ng P10,000 bilang tulong sa ilang biktima. Pero para sa mga pamilya, hindi ito kailanman sasapat, dahil hindi mapapalitan ang buhay ng kanilang kaanak.

Hindi pa nakakakuha si Marilyn, pero hindi umano sapat ang anumang materyal na bagay na kapalit sa buhay ng kanyang anak. Hustisya para sa kanya na managot ang lahat ng may pagkakasala sa nasabing trahedya.

“Dapat bigyan nila ng atensiyon para hindi na dumami ang mamatay uli. Dahil hindi basta-basta ito, dahil buhay ang (ipinaglalaban naming dito),” sabi ni Marilyn.

Para naman kay Sydney Bartoniko, 22, hindi sapat ang tulong na ibinigay sa kanila. Lalo na ngayon, wala silang trabaho at may sanggol pa siyang pinagagatas.

Pinagsasampal ng tsinelas ng mga pamilya ng biktima ang larawan ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz na kanilang pinagbibitiw sa puwesto. <strong>Pher Pasion</strong>

Pinagsasampal ng tsinelas ng mga pamilya ng biktima ang larawan ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz na kanilang pinagbibitiw sa puwesto. Pher Pasion

Namatay ang kapatid ni Sydney na si Vincent Bartoniko, 28, na dalawang lingo pa lamang sa Kentex noon. Paalis na sana patungong Holland si Vincent. Siya sana ang inaasahang makatutulong sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Masakit para sa mga pamilya ng biktima ang mawalan ng kaanak sa trahedya. Pero dagdag na sakit at galit ang kanilang nararamdaman na makitang walang pa ring nanagot sa trahedya habang abala na sa kampanya ang gobyernong inaasahan dapat nila.

“Kung sa pamilya niya (Aquino) ito nangyari, ano’ng mararamdaman nila sa sarili nila? Sasabihin lang ba nila na disgrasya na lang? Hindi ganoon. Maraming kapabayaan kaya nadisgrasya. May kailangang managot dito,” sabi pa ni Ammied.

Hindi umano sila bibitiw sa laban para sa hustisya.


 

 

The War Rages On

$
0
0

Screen Shot 2015-08-14 at 5.06.28 PM

As a Filipino activist committed to radical social change, I like JacobinMag.com, the magazine that introduces itself as one “of culture and polemic.” Well, despite the lapse in judgment that spurred this missive (which we’ll get to shortly), I still do. I like the fact that its articles are short, direct-to-the-point, and relatively free of jargon. Its articles on the struggle of the workers and people of Greece against austerity, for example, are enlightening.

Jacobin’s publication of “The War Is Over” by one Alex de Jong, however, is a low point for the website. Despite its attempt to feign even-handedness, de Jong’s article clearly demonizes the underground Communist Party of the Philippines (CPP) and the open national-democratic umbrella organization Bagong Alyansang Makabayan (Bayan, which means “nation” in Filipino) before an international audience.

While admitting that the CPP and Bayan constitute “the strongest current on the Philippine Left,” the article downplays the vast difference in strength between these Reaffirmist groups on the one hand and so-called Rejectionist groups on the other. In fact, it tries to project parity of strength between the two camps. It also accuses the CPP and Bayan of “intellectual stagnancy” and “violence,” implying that other groups of the Philippine Left are intellectually vibrant and, well, peaceful.

De Jong defines the thrust of his article as that of tracking down the reasons why the CPP and Bayan remain the strongest formations on the Philippine Left. This way, he can zero in on the two groups’ negative points, broadly conceived, while ignoring the more glaring faults and weaknesses of other Left formations. He ends with the vague and unsubstantiated metaphoric conclusion that the Philippine Communist movement is being “worn down by the passage of history,” and thus, doomed.

What does de Jong fail to say in his article?

First, that despite the nuances and qualifications that he highlights in their history, the CPP and Bayan have consistently been the strongest Left formations in the Philippines since they were founded, with CPP leading in the armed struggle and Bayan in urban protests and parliamentary struggle. This, despite facing severe and non-stop political repression from the Philippine State, committing major ultra-left and rightist errors in the 1980s, being targeted by the ringleaders of the major errors of the 1980s with wrecking operations in the 1990s, and grappling with neoliberal policies and counter-insurgency campaigns that take them as targets. In the last two regimes alone, around a thousand of its legal activists have been killed or forcibly disappeared, and hundreds more unlawfully detained.

Tens of thousands of protesters under Bayan begin their march from Luzon-Commonwealth to begin the protest action against President Aquino's State of the Nation Address. <b>Darius Galang</b>

Tens of thousands of protesters under Bayan begin their march from Luzon-Commonwealth to begin the protest action against President Aquino’s State of the Nation Address. Darius Galang

In the cities, the groups contributed significantly to urban protests that culminated in the ouster of Philippine presidents Ferdinand Marcos in 1986 and Joseph Estrada in 2001. They have been sworn enemies of successive regimes subservient to US imperialism and representing the local ruling classes. Whenever there are large protests in the Philippines, it’s the flags of Bayan and its member organizations that are flying high.

In the countryside, militarization and other forms of political repression intensify, but the New People’s Army, led by the CPP, continues to fight and gain strength in many areas of the country. It has been actively implementing land reform, building the organized strength of peasants, and waging armed struggle. It has been in the news, backing farmers in fighting landgrabbing by big landlords and international mining companies. Only this year, despite the grave threat of military retribution, the funeral march of fallen Communist commander Leoncio ‘Ka Parago’ Pitao saw thousands of supporters marching on the streets of Davao City, a grand display of love, mourning, and strength unprecedented in recent memory.

Collectively, the struggles and victories of the Filipino masses and people together with the CPP and Bayan are touchstones in Philippine history, concrete manifestations of a nation pushing forward.

The July 27 State of the Nation Address that de Jong talks about? He seems to have confined his view to Quezon City, where the Bayan protest numbered almost 30,000 while the other Left forces could muster no more than a few hundreds. De Jong fails to observe that Bayan simultaneously held big rallies in key towns and cities all over the Philippine archipelago. Meanwhile his description of the rally of a few hundreds as “broad” could only be laughable. In order to to come up with “presentable” photos of their Quezon City rally, its organizers took shots that were so tight, they might as well have taken selfies. And yet de Jong has the gall to try to paint the flawed picture where Reaffirmists “are equal in number to all the [Rejectionist] groups put together.”

Second, de Jong cites groups “from the Maoist [Marxist-Leninist Party of the Philippines] to the social-democratic Akbayan party and the Revolutionary Party of Mindanao” as if they are notable. These groups, however, are in reality scattered, distant from the Filipino masses and people – and, to be frank about it, negligible in Philippine politics. Apart from Akbayan which participates in elections, the names of these groups catapulted to newfound prominence by de Jong have never been heard of before in the Philippine scene; they are introduced to Filipino readers of his article for the first time.

The self-appointed spokespersons of these alleged groups have constantly presented them as emergent formations in the Philippine Left: fresh, exciting, on the way forward. But more than 20 years after they have broken ranks with the CPP and Bayan, what organizational or intellectual strength can these groups show? Not much. They have by and large remained leaders and writers without any significant mass membership. This, despite receiving ample financial and material support from various factions of the Philippine ruling classes, international funding agencies, and international solidarity networks.

Leaders and writers of groups like Akbayan have focused their intellectual energies on analyzing-attacking the CPP and Bayan, yet have shunned making honest-to-goodness Marxist assessments and summations of their own organizations’ histories. They have always tried to answer the question “Why do the CPP and Bayan remain strong?” but have refused to recognize, let alone answer, the question “Why do other Left formations remain very, very weak?” Their glaring lack of experience, skill and sharpness in assessing and summing-up their own history is clearly reflected in the haphazard manner with which they approach the histories of the CPP and Bayan.

They claim that their movements are intellectually vibrant, but that is never in the sense of enriching the unity of thought and action or the praxis of arousing, organizing and mobilizing the Filipino masses and the people for genuine social change. No wonder they proudly claim that they are “peaceful,” and that the imperialists and the Philippine ruling classes are only happy to agree.

Of course, mere numbers are not an absolute proof of a movement’s correctness. But the long and continuous existence of these organizations – more than 45 years for CPP and 35 for Bayan – and the victories that they have gained despite the various hurdles that they faced, show that they are the only Left formations which have successfully advanced – and continue to forward decisively – the Filipino masses’ and people’s struggle for genuine social change. On the other hand, the lackluster performance of Akbayan, and other Left formations in the Philippines, despite the various odds favoring them, shows that most of what they do is talk, criticize the CPP and Bayan, and ally with various factions of the Philippines’ ruling classes.

The experience of Akbayan, the most “successful” of the lot, is most instructive. Despite continuing to talk about its so-called “reform agenda,” the group has of late thoroughly exposed itself as a stooge and apologist of the neoliberal and fascist regime of Pres. Benigno Simeon Aquino III. Even Walden Bello, the group’s erstwhile representative in Congress and a left-lite anti-globalization activist, was forced to distance himself from the group for condoning the crimes of the corrupt and anti-people Aquino. Government reports released just this month show that the group’s top officials occupying positions in government have been given huge salaries and other perks.

Which brings us to the fundamental issue: What kind of “Left” politics are these groups trying to advance? Do they sharply analyze the socio-economic system prevailing in the Philippines and struggle for the correct radical solution? National-democratic activists have every reason to believe that the source of these groups’ weakness lies in their incorrect political line, whether consciously formulated or not. And that these groups’ incorrect political line stems ultimately from their incorrect ideological line.

I won’t go into detail addressing de Jong’s criticisms of the CPP and Bayan. The groups have their own websites (www.philippinerevolution.net and www.bayan.ph) and have done a better job of defending themselves against such weakly-founded accusations.

The New People's Army in Mindanao, ever increasing, despite the Armed Forces deploying more than half of its units in the island. <b>KR Guda/PW File Photo</b>

The New People’s Army in Mindanao, ever increasing, despite the Armed Forces deploying more than half of its units in the island. KR Guda/PW File Photo

One thing is clear: de Jong’s article is aimed at the international progressive audience. It is not the first time the Rejectionist bloc has exploited a respectable international publication into being a platform for vilifying CPP and Bayan. And by publishing his article, Jacobin has fallen into the same mistake already committed by other publications: lending its hard-earned global prestige among progressives to commentators on the Philippines who are associated with groups that are hyperactive on the internet but dormant in the grassroots, or who mistake activity in social media as sufficient participation in social struggles, and who attack movements that are in reality doing a fine job at strengthening the struggles of the masses and people of the Philippines. And that, I believe, is a disservice to the latter.

Communists and national democrats are often maligned as orthodox and close-minded while New Left groups or new groups of the Left like to project themselves as open-minded and free from dogma. But any intelligent or discerning Left group should be able to recognize who’s truly exemplary in wielding Marxism and progressive theory in general to strengthen mass struggles and movements in various countries. Let there be no doubt about it: in the Philippines, it’s the Communists and national democrats.

“The War Is Over,” proclaims de Jong via Jacobin. “The CPP and Bayan are in decline,” he claims. That is definitely not true, but that is music to the ears of imperialists and the ruling classes of the Philippines.

13 August 2015

The author is a national-democratic activist in the Philippines. He has been writing about Philippine politics and the Left since 2005. This is one of the few times that he was forced to write in English.

Why I’m Here | U.G. Naguit, Thomasian and student leader

$
0
0
U. G. at the University of Sto. Tomas. <b>Darius Galang</b>

U. G. at the University of Sto. Tomas. Darius Galang

By U.G. Naguit

As freshmen, walking through the Arch of the Centuries during the yearly Thomasian Welcome Walk, Thomasians are challenged to embody the core-values of compassion, competence, and commitment. In my experience as a Thomasian, I dared to make a difference by not limiting these values to mere lip-service and labels. I dared to make a difference by taking on the responsibility of practicing these values in responding to the plight of the the poor and the oppressed in our society.

As Pope Francis exhorted during his visit in our country: “[All people are enjoined] by the duty to hear the voice of the poor. It bids us break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring and indeed scandalous, social inequalities.”

UG in a protest action against tuition and other fee increases at Mendiola. <b>Darius Galang</b>

UG in a protest action against tuition and other fee increases at Mendiola. Darius Galang

In 2013, when I finally decided to end my sixth formation year in the seminary and transfer to the University of Santo Tomas, my eyes opened up to the inhumane conditions of our society. I was given a chance to integrate with workers in factories and both farmers and urban poor in their communities in the countryside and the city, respectively.

I myself witnessed the prevalence of oppression and injustice in our society. In order for the privileged few in authority to introduce so-called “development” in the country that ultimately benefit them, rights of the basic masses are taken for granted. This so-called development results in a fraudulent program of agrarian reform, demolition of urban poor communities, and implementation of neoliberal policies that further the exploitation of our workers’ labor.

As a Thomasian, I also encountered forms of oppression and injustice. I observed the worsening of the educational crisis in our country. Education, instead of being accessible to the masses, has become a commodity controlled by the elite because of the commercialization schemes and policies of Aquino such as tuition and other school fees increase (TOFI).

Despite being a “non-stock and non-profit” institution, UST has accumulated more than PhP6.4 Billion in net assets from the previous years. In fact, this academic year’s tuition has again unjustifiably increased by 2.5 percent to 5.3 percent and has become a burden to the majority of the UST students who come from the middle class.

As a compassionate, competent, and committed Thomasian, I believe that I am called to serve my fellow Thomasians and take a stand against TOFI. This issue is not isolated from the overall conditions of poverty and inhumanity in our society that our fellow brothers and sisters experience daily. The fight for a nationalist, scientific, and mass-oriented education  that truly serves the interests of the masses and not of the privileged few must be pursued.

As long as there is oppression, injustice, and inequality in our society, the struggle for genuine change and emancipation persists.


 

Depensa ng guro sa wikang pambansa

$
0
0

Hindi na marahil bago ang kuwento ni Arlan Camba sa karamihan: mula sa mahirap na pamilya pero sinikap na makapagtapos ng pag-aaral. Gusto sana niyang kumuha ng kursong electrical engineering, pero di kaya ang matrikula, kaya isang-taong kurso sa practical electricity sa Samson Institute of Technology na lang ang kanyang kinuha. Pero hindi ito ang tunay na hilig ni Arlan, kaya muli, sinikap niyang mag-aral. Filipino ang kursong kinuha niya, sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Propesor ngayon sa naturang pamantasan si Arlan. Pero may kinakaharap siyang bagong hamon: sa panahong ito ng pagpapatupad ng programang Kindergarten-to-12 years (K-to-12) ng administrasyong Aquino, aabot sa 78,000 silang mga guro sa Filipino, sa panitikan, kasaysayan o paggogobyernong Pilipino, na nanganganib na mawalan ng trabaho. Kaugnay ng K-to-12, naglabas din ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memorandum No. 20 Series of 2013 na nagtatanggal ng ilang asignatura sa kolehiyo gaya ng wikang Filipino, Literatura, at Philippine Government & Constitution.

Sa totoo lang, maaari namang lumipat na lang ng karera si Arlan. Ganoon din ang maraming guro. Tutal, nakapag-aral naman siya ng practical electricity. Pero ang isyu, aniya, ay hindi lang ang panganib sa kanilang mga trabaho. Mahal niya ang pagtuturo ng wikang Pambansa. Alam niya ang halaga nito sa kabataang kanyang nagiging estudyante.

Kapag naging praktikal ka, iyong passion mo mawawala. Ang tanong, masaya ka ba?” aniya.

Si Prop. Arlan Camba, sa FreeVerse, isang pagtitipon para sa pagpapalaya sa detinidong pulitikal na si Sharon Cabusao, kamakailan. <b>Ima Ariate</b>

Nagbasa ng tula si Prop. Arlan Camba sa FreeVerse, isang pagtitipon para sa pagpapalaya sa detinidong pulitikal na si Sharon Cabusao kamakailan. Ima Ariate

Ugat ng problema?

Mistulang pag-aalsa kontra sa K-to-12 at CHED Memo 20 ngayon ang inilulunsad ng maraming guro at edukador ng wikang Filipino, gayundin ng kasaysayan, paggogobyernong Pilipino at panitikan.

Sa ilalim ng grupong Tanggol Wika, kasama si Arlan sa maraming guro na naglunsad ng iba’t ibang programa para lumikom ng suporta laban sa pagtanggal sa wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo. Serye ng mga porum, pagtitipon at kilos-protesta ang isinagawa ng grupo, katuwang ang iba pang grupo tulad ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at mga oraganisasyon ng kabataan tulad ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS).

Dumulo ang kanilang mga aksiyon sa pagsusumite sa Korte Suprema ng petisyon na kumukuwestiyon sa sa CHED Memo 20. Nilagdaan ang petisyon ng mahigit 70 manunulat, propesor, estudyante at personalidad, sa pangunguna ng manunulat sa wikang Filipino at Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Bienvenido Lumbera, gayundin ang mga kinatawan ng grupong party-list. Noong nakaraang buwan, naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa naturang memorandum ng CHED.

Binanggit sa petisyon ang mga batas na nilabag ng nasabing memorandum at pagsira umano nito sa nasyunalismo at kultura ng kabataang pilipino. “Dapat, mas palawakin pa ang wika, kultura at pananaw ng kapwa nating mga Pilipino sa halip na kitlin ito,”ani Marvin Arriola ng PUP Tanggol Wika at Samahan ng mga Dalubhasang Guro ng Pilipinas (Sadapil), isa sa mga petisyuner.

Pistang protesta

At dahil dineklarang Buwan ng Wikang Filipino ang Agosto, pinaiigting ng makabayang mga manunulat at propesor ang pagtatangol sa wikang pambansa.

Kahit nakapaglabas ng TRO ang Korte Suprema, hindi umano bumibitaw ang Tanggol Wika sa paglaban. Hangga’t hindi tuluyang naibabasura ang memorandum, wala silang kaseguraduhang sa susunod na tao’y makakapagturo pa ang mga guro ng Filipino sa kolehiyo.

Bilang paghahanda sa anumang aksiyon na gagawin ng CHED kaugnay ng TRO, nagsagawa ang grupong Tanggol Wika ng mga pagkilos na tinawag nilang “Pistang Protesta”. Laman ng pagkilos na ito ang iba’t ibang aktibidad na naglalayong maipalaganap ang kaalaman tungkol sa isyung kinakaharap ng sistema ng edukasyon dahil sa memorandum na inilabas ng CHED.

Dudulo ang kanilang mga aktibidad sa isang malakihang pagkilos ngayong Agosto 25 na lalahokan ng mga guro, estudyante, manunulat, at propesyunal na apektado ng nasabing memorandum.

Para kay Arlan at sa marami pang propesor sa wikang Filipino, hindi na lang kabuhayan ang ipinaglalaban nila. Laban ito para ipagtanggol ang wikang pambansa at kinabukasan ng kabataan, at kontra sa sistema ng edukasyong nakadisenyo para tugunan ang pangangailangan ng mga dayuhan.


 


Legal na ayuda sa mga unyonista’t aktibista na inaatake ng Estado

$
0
0
Miyembro ng Courage, Salinlahi, at Children Rehabilitation Center, sa harapan ng Korte Suprema nang sila ay magsumite ng petisyon para sa Writ of Amparo at Writ of Habeas Data. <strong>Pher Pasion</strong>

Miyembro ng Courage, Salinlahi, at Children Rehabilitation Center, sa harapan ng Korte Suprema nang sila ay magsumite ng petisyon para sa Writ of Amparo at Writ of Habeas Data. Pher Pasion

Tatlumpong taon nang kawani sa Metro Manila Development Authority si Tess Gonzales. At bilang opisyal ng unyon, hindi na bago sa kanya ang mga harasment at panunupil.

Nitong Abril naitala ang pinakahuling harasment sa kanya, pero hindi siya nag-iisa. Nakaranas ang iba’t ibang opisina ng mga unyon ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ng harasment mula sa pinaghihinalaang elemento ng estado.

Dahil sa sistematikong pag-atake sa mga unyonist at aktibista, nagpetisyon sa Korte Suprema ang 22 miyembro ng Courage, kasama ang Children Rehabilitation Center at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, na biktima ng mga panghaharas. Hiniling nilang maglabas ng writ of amparo at writ of habeas data ang Korte Suprema laban sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Nitong Agosto 5, pinaboran ng Korte Suprema ang kanilang petisyon–hudyat ng isang antas ng kanilang paglaban. Dahil marahil sa malakas na pag-iingay ng mga petisyuner sa kalsada, mabilisan ang pagdesisyon ng Korte.

Ito rin ang may pinakamalaking bilang ng mga nagpetisyon para sa writ of amparo at writ of habeas data na pinaboran ng Korte Suprema sa kasalukuyan.

Tulong at problema

Pinasimulan ang paglalabas ng Korte Suprema ng writ of amparo noong taong 2007 ni dating Chief Justice Renato Puno. Panahon ito ng sunud-sunod na mga pampulitikang pamamaslang sa mga aktibista–pawang mga militar ang suspek, sa ilalim ng programa ng rehimeng Macapagal-Arroyo na pagtarget sa mga lumalaban sa rehimen.

Layon ng pagpapakilala ni Puno ng konsepto ng writ of amparo na mabigyang proteksiyon ang mga magiging biktima ng mga ahente ng estado. Legal na proteksiyon ng hudikatura ang amparo sa mga indibidwal na nahaharap sa matinding banta sa kanilang seguridad.

Pinangunahan ng abogadong si Minnie Lopez ng National Union of People's Lawyers ang pagsumite noon ng petisyon sa Korte Suprema para sa Writ of Amparo at Writ of Habeas Data. <strong>Pher Pasion</strong>

Pinangunahan ng abogadong si Minnie Lopez ng National Union of People’s Lawyers ang pagsumite noon ng petisyon sa Korte Suprema para sa writ of amparo at writ of habeas data. Pher Pasion

Ang writ of habeas data naman ang nagbibigay pahintulot na ibukas o ilabas ng militar at pulisya ang kanilang mga rekord o dokumento o anumang datos na esensiyal sa imbestigasyon.

Nasa Court of Appeals (CA) na ang kaso at binibigyan ang respondents ng nasabing petisyon ng 15 araw para tumugon o masumite ng “return”. Matapos ang 30 araw mula sa paglabas ng petisyon, magsasagawa ng pagdinig ang CA.

Kabilang sa respondents sina Pangulong Aquino (bilang punong kumander ng AFP), Voltaire Gazmin (kalihim ng Department of National Defense), Lt. Gen. Hernando Iriberri (chief of staff ng AFP), Maj. Gen. Virgilio Hernandez (deputy commander for intelligence ng AFP), at iba pang mga opisyal.

Ayon kay Minerva Lopez, abogado ng mga nagpetisyon na mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), bagamat malaking tulong ang desisyon ng Korte Suprema, hindi dito natatapos ang laban. Napakaganda umano ang nilalaman ng writ of amparo at writ of habeas data, pero hindi pa rin ganoon kaepektibo kung titingnan sa praktika.

“May mga kaso na kahit na naglabas ang writ of amparo at writ of habeas data, hindi ito garantiya na nakakamit na ang hustisya o matatapos ang mga harasment. Hindi nito natatapos ang panghaharas, pagdukot, at maging ang pamamaslang,” ani Lopez.

Inihalimbawa niya ang mga kaso nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, dalawang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas na dinukot sa Bulacan noon pang 2006. Naglabas ng desisyon para sa writ of amparo ang korte, pero nananatili pa ring desaparecido ang dalawa–ganoon din ang hustisya.

Halimbawa rin ni Lopez ang writ of habeas corpus o kautusan para sa isang institusyon ng estado na ilabas ang isang taong nawawala o dinukot na pinaniniwalaang nasa kanilang kustodiya. Hindi natapos ng nasabing writ ang pagdukot at pagkawala ng mga aktibista.

Ganito ang kasalukuyang nararansan  ni Manny Baclagon, 55, lider-unyonista sa Department of Social Welfare and Development. Isa siya sa mga nagpetisyon sa Korte Suprema, pero hanggang sa kasalukuyan, nakakaranas pa rin siya ng surveillance.

Ipinakita ni Ferdie Gaite, tagapangulo ng Courage, ang desisyon ng Korte Suprema pabor sa mga nagpetisyon para sa Writ of Amparo at Writ of Habeas Data. <strong>Pher Pasion</strong>

Ipinakita ni Ferdie Gaite, tagapangulo ng Courage, ang desisyon ng Korte Suprema pabor sa mga nagpetisyon para sa writ of amparo at writ of habeas data. Pher Pasion

Aniya, sinusundan pa rin si Baclagon at may kahina-hinalang mga tao na nagpupunta sa paligid ng kanyang tirahan. Una na siyang binigyan ng sulat na nagsasabing kilala daw siya at kanyang pamilya at alam ang kanyang katungkulan sa “kilusan.” Isa rin siya sa mga ginawan ng pekeng Facebook account sa Internet para sila siraan sa social media.

“Sa naunang mga kaso, nakikita natin ang kahinaan ng mga (legal na rekursong) ito. Pero sa ngayon, kailangan pa rin nating imaksimisa kung anong maitutulong nito sa atin. Positive development na inayunan ng Supreme Court ‘yung writ at ni-require niya (ng Korte Suprema) ang mga respondent ng mag-file ng return,” aniya.

Sinabi pa ni Lopez na inaasahang magiging mabilis ang mga pagdinig at desisyon dahil sa sitwasyong may konkretong banta sa seguridad ng mga nagpetisyon.

Hindi kampante

Sinabi naman ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage, na natutuwa ang mga kawani sa desisyon na ito ng Korte Suprema. Pero hindi sila magiging kampante sa sitwasyon.

Inaaral pa nila sa kasalukuyan ang iba pang kaso na nakalap na nararanasan ng kanilang mga miyembro.

Naniniwala si Gaite na may kinalaman ang Oplan Bayanihan, o ang kontra-insurhensyang programa ng administrasyong Aquino, sa panghaharas sa kanilang organisasyon.

“Sa disenyo ng Oplan Bayanihan, ginagamit daw (ang puwersa ng Estado) sa mga rebelde na lumalaban sa gobyerno. Pero ginagamit ito sa lehitimong mga organisasyon tulad ng Courage. Hindi nila pinag-iiba ang armado at hindi armado,” ani Gaite.

Positibo umano na agad na nakapagdesisyon ang Korte Suprema dahil sa pagtindi ng mga panghaharas. Bahagyang napahuma umano ang sitwasyon dahil sa desisyong ito.

Pero naniniwala ang Courage na hindi natatapos ang mga panghaharas at panunupil sa kanilang hanay, lalo pa’t tumitindi ang kanilang mga laban. Inaasahan nila na sa pagtindi ng kanilang mga laban sa nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at iba, titindi rin ang mga panghaharas at panunupil.

Para naman kina Gonzales at Baclagon, wala silang nakikitang dahilan para sila tumigil at maging kampante. Anila, sa ganitong panahon ng panunupil, lalong higit na kailangang buo ang loob at maging mas matalas dahil malaking mga laban ang nakasalalay para sa mga katulad nilang unyonista.

Si Tess Gonzales (kaliwa), sa piket-protesta labans a panunupil at harassment sa mga aktibista. <strong>Pher Pasion</strong>

Si Tess Gonzales (kaliwa), sa piket-protesta laban sa panunupil at panghaharas sa mga aktibista. Pher Pasion

“Ang pinakadepensa mo pa rin ay ang mga mamamayang pinaglilingkuran natin. Nais nila tayong pahinain o pagwatak-watakin, pero nagkakamali sila. Hindi na sila natuto na hindi sa mga panghaharas, pagdukot, o pagpatay natitigil ang laban ng mga mamamayan,” sabi pa ni Gonzales.

Ganito rin ang nakikita ni Lopez sa sitwasyon na positibong tumutugon ang legal na laban. Aniya, higit na kailangan ang lakas ng mga mamamayan dahil hindi tamang iasa na lang sa legal na diskurso ang laban.

“Tuloy pa rin ang kampanya natin. Huwag tayong umasa lang sa legal dahil isang aspekto lamang ito ng laban. Ang kampanyang masa pa rin ang mapagpasya–ang patuloy na political at mass actions natin,” ayon kay Lopez.


 

Kalokohan Sa Pagdiriwang Ng Buwan Ng Wika

$
0
0
Imahen mula sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Imahen mula sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Napasigaw ako ng PUNYETA nang mabasa ko ang paksa o tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na bukod-tanging sa ating bansa lamang yata mayroon. “Wikang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.” Aywan ko kung may kulaba ako at hindi ko mabanaagan ang sinasabing pambansang kaunlaran. Sa anong larangan nga ba tayo maunlad: sa doble-karang demokrasya’t hustisya, sa patuloy na pagsasamantala ng iilang hari-harian sa pambansang pulitika’t ekonomiya sa nakararaming dayukdok na masang sambayanang “kulang sa kanin, kulang sa ulam, kulang sa pera, kulang sa damit, walang bahay, walang lupa, walang-wala” at, natural, laging titiguk-tigok ang lalamunan?

Kung tutuusin, at malinaw ang katunayan, napakaatrasado nga ng pampublikong mga serbisyo — transportasyon at telekomunikasyon, kuryente at tubig, ospital at mga paaralan, at mabisa’t maayos na paglilingkod sa mga mamamayan ng kinauukulang mga ahensiya ng gobyernong nakaugalian nang pahirapin ang madali sa pamamagitan ng santambak at nanganganak na mga rekisitos. Di nga kasi, maunlad tayo sa panggagaya o pangongopya sa mga dayuhan sa edukasyon man o kultura kaya dominante pa rin sa bansa ang kaisipang kolonyal at patuloy na nagpapakatuta ang pambansang liderato sa mapandambong na interes ng dayuhan nilang mga amo, lalo na nga sa mga Amerikano .

Maaaring tahakin nga ng bansa ang landas ng kaunlaran kung maipatutupad muna ang tunay na reporma sa lupa na lubhang kailangan para maisulong ang pambansang industriyalisasyon. Natural, kailangan ding pagtuunan ng panahon sa larangan ng edukasyon ang siyensiya’t teknolohiya dahil, sa pagsusuri ng mananalaysay na si Stanley Karnow, naiiwan tayo ng 50 taon ng kanugnog na mga bansa natin sa Asya sa siyensiya at teknolohiya, at ng 100 taon naman ng industriyalisadong mga bansang Kanluranin.

Hindi na tuloy katakataka kung bakit saranggola pa lamang ang kaya nating gawin, gayong nagmamanupaktura na ng sarili nilang mga eroplano ang China, Japan at Korea; rebentador at dinamita ang kaya nating gawin, samantalang bomba atomika ang nalikha ng India; may ballistic missile ang Hilagang Korea, ngunit tayo’y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit paitaas kung minsan; kung may cosmonaut at astronaut ang Rusya at Amerika, mayroon daw naman tayong mga aswang at manananggal; kung gumagawa na’t nagbebenta ng mga bus at kotse ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng basurang mga makina at piyesa mula sa ibang bansa para lagyan ng kaha at gawing behikulong pamasada, at kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o karayom, lagari kaya, pait, katam at martilyo. Anak ng kuwago’t kabayo!

Higit sa lahat, paano uunlad ang bansa kung nananatili ang napakasamang balangkas ng lipunan? Lumilitaw na 15% ng populasyon ang namumuwalan ang bibig sa 50% ng pambansang kita (national income) at 60 pamilya lamang (hindi po kasama rito ang pamilya Ordonez) ang lubos na nakikinabang at mahigpit na kumukontrol sa pambansang pulitika’t ekonomiya. Idagdag pa nga rito ang walang habas na pagpapakasangkapan ng pambansang liderato sa dayuhang mga interes sa kapinsalaan ng bansa’t masang sambayanan kaya nananatiling bitukang agrikultural lamang ang Pilipinas ng imperyalistang mga bansa, lalo na nga ang Estados Unidos ng Amerika.

Sa ano nga bang larangan nagkaroon ng pambansang kaunlaran? Oo nga po pala, naduran at siningahan ang ating pambansang wika ng rumaragasang Taglish sa komunikasyong pangmadla (mass media) at ito na nga ang naging wikang pambansa ng mga konyo’t elitista at, asahan na, magiging tuluy-tuloy na padaskul-daskol ang paggamit sa ating sariling wika ng mga alagad ng Amerikanisasyon.

O, makapangyarihang Diyos ni Abraham… mapayapa at mabunyi po sanang maipagdiwang ang Buwan ng Wika ng mga katotong Indio!


 

Armas nukleyar at ang US

$
0
0
Hiroshima, Japan matapos ang pagsabog ng bomba atomiko noong Agosto 6, 1945. Pinirmahan pa ang larawan ni Col. Paul Tibbets, ang piloto ng B-29 "Enola Gay" na nagbagsak ng bomba sa Hiroshima. <b>Wikimedia Commons</b>

Hiroshima, Japan matapos ang pagsabog ng bomba atomiko noong Agosto 6, 1945. Pinirmahan pa ang larawan ni Col. Paul Tibbets, ang piloto ng B-29 “Enola Gay” na nagbagsak ng bomba sa Hiroshima. Wikimedia Commons

Nitong Agosto 6, 2015, ginunita ang ika-70 anibersaryo ng pagbomba sa Hiroshima, Japan noong 1945.

Nasa huling yugto na ng World War II, at pasuko na ang bansang Japan nang magpasya ang imperyalistang US, gamit ang mga B-29 bomber planes, na ihulog sa matataong siyudad ng Hiroshima at Nagasaki ang mga bomba atomikong dinebelop ng mga siyentistang Amerikano sa tinaguriang Manhattan Project sa Los Alamos, New Mexico.

Ginamit na dahilan ng US ang pagpapasuko sa Japan upang bigyan-katwiran ang walang singlupit na krimeng ito sa sangkatauhan. Pero ang totoo: naging bahagi ang pagpapaunlad ng mga teknolohiyang armas nukleyar sa pagkamit ng US ng ambisyon nitong magign pinaka-makapangyarihang bansa sa daigdig.

Inilarawan ng nuclear physicist na si Joan Hinton ang naging trabaho nila sa paglikha ng bomba atomiko sa librong Silage Choppers and Snake Spirits. Di nagtagal, umalis si Hinton sa proyekto nang malamanang naging epekto ng bomba sa Japan. Nagpunta siya sa China at doon nakipamuhay bilang ordinaryong mamamayan sa panahon ng sosyalistang kontruksiyon sa bansang iyon.

Isa sa daan-daanlibong Hapones na biktima ng pagbomba sa Hiroshima. Makikita sa kanyang mga sugat ang pattern ng damit ng kanyang suot na kimono bago ang pagbomba. <b>Wikimedia Commons</b>

Isa sa daan-daanlibong Hapones na biktima ng pagbomba sa Hiroshima. Makikita sa kanyang mga sugat ang pattern ng damit ng kanyang suot na kimono bago ang pagbomba. Wikimedia Commons

Matapos niyang masaksihan, kasama ang iba pang siyentista, ang testing ng nalikha nilang gaheto—isang bomba mula sa pinagsanib na uranium at plutonium, “…nalaman ng mga siyentistang nakalikha sila ng isang tunay na kahindik-hindik na bagay…sa kanilang pagtingin, maaaring hindi na ito magagamit dahil papasuko ba ang Japan, pero iba ang tingin ng US military…na hindi na nito makita ang resulta ng kanilang pinakabagong armas sa mga matataong lugar bago matapos ang giyera.”

Tatlong siyudad sa Japan ang pinroktektahan mula sa tradisyunal na mga pagbomba at atake-militar para lang makita ang kumpletong epekto ng bomba atomiko. Ang tatlong siyudad na ito ay siyang magiging target ng bomba atomiko: Hiroshima, Nagasaki at Kokura. Hindi lang nakita ng piloto ang target kaya hindi nabomba ang Kokura dahil sa sobrang usok na nalikha ng pambobomba sa katabing mga siyudad.

Sabi pa ni Hinton: “Sa buong panahon ng giyera, walang pambobomba, pamamaril o saturation sa Hiroshima; sa pagtatapos ng giyera, bigla na lang sialng binagsakan ng bomba.”

Ang resulta: 187,000 katao ang namatay sa dalawang siyudad; ang iba ay naabo nang tamaan. Higit na malaking bilang ang napinsala at marami sa kanila ang patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasalukuyan. Marami rin ang ipinanganak na di-normal sa susunod na mga henerasyon.

Isang bahagi lang ito sa mahabang listahan ng mga krimen ng imperyalistang US laban sa sangkatauhan. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga biktima ng naturang mga pambobomba. Sa sumunod na mga dekada, nagpatuloy ang mga programa ng US sa pagtuklas ng mga mapamuksang teknolohiyang pandigma.

Kinakastigo nito ang mga bansang may plano umanong magpaunlad din ng mga armas nukleyar, samantalang ito ang mayroon nang natatanging rekord ng paggamit ng naturang weapon of mass destruction. Patuloy itong nagpapaunlad ng iba pang mga teknolohiyang maaaring gamitin o ginagamit na laban sa mga mamamayansa iba’t ibang panig ng daigdig.

BIDYO SA ITAAS: Documentary film hinggil sa epekto ng pagbagsak ng bomba-atomiko ng US sa mga siyudad ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan noong Agosto 1945.


Capitulation no substitute for national liberation

$
0
0
(EDITOR’S NOTE: Pinoy Weekly publishes another critique of the now-infamous Jacobin Magazine online article on the Philippine revolutionary movement–this time written by Dutch activist Thomas van Beersum. Beersum, of course, is known to some Filipinos as the “foreigner” who heckled a policeman during a protest action against the State of the Nation Address in Manila some years ago. For his involvement in solidarity work and protest actions in the Philippines, Van Beersum was held overnight at the airport when he was to depart for The Netherlands, and subsequently deported and blacklisted by Philippine immigration officials. Despite the experience, he continues to be actively involved in the Philippine solidarity movement in The Netherlands.)

komentaryoWho does this Alex de Jong think he is? Either he has not studied the Philippine revolution, or he has deliberately distorted facts to fit his own warped sectarian view. In his article, published by Jacobin Magazine, he tries to paint a picture of the Communist Party of the Philippines (CPP) as “orthodox Stalinist monsters marching towards irrelevance”. He echoes the same malicious allegations which the reactionary Philippine state has been spouting for the last 46 years.

In reality, the Philippine revolutionary forces are strong and vibrant. Having outgrown without their former “left” and right opportunist elements, they continue to make headway in advancing towards the seizure of state power. This is a result of the Second Great Rectification Movement that criticized and repudiated the handful of opportunist elements that had degenerated under various bourgeois influences, including neoliberalism, revisionism and Trotskyism.

The CPP continues to build organs of political power among millions of workers and peasants in thousands of Philippine villages, in accordance with the strategic line of Protracted People’s War. The general line of People’s Democratic Revolution with a socialist perspective has generated a strong party of the revolutionary proletariat with 200,000 members, the New People’s Army with 10,000 full-time red fighters, tens of thousands of people’s militia, hundreds of thousands of men and women in self-defense units, and millions of people in the 18 organizations of the National Democratic Front of the Philippines.

Yet de Jong has the audacity to proclaim “the end” of a rich and dynamic national liberation movement shaking a base of imperialism in Southeast Asia, despite the fact that his own organization pales in comparison to the organizational strength and capacity of the organizers of the Philippine national democratic movement active in his own country, the Netherlands.

De Jong tries to make it appear as if the only reasons the CPP play a leading role in the Philippine struggle are simply because of the worsening conditions in the country and because of the armed struggle’s “romantic” appeal. This is an insult to the proletarian intellect of the millions of supporters of the national democratic revolution in the Philippines, who are rooted among the most oppressed and exploited sections of the people.

This is a ridiculous paternalistic presumption from someone whose “left” chauvinist group believes that the “international communist revolution” has to be politically led by and oriented towards the Fourth International, the “strategic censor” based in Paris, France.

As a way to “prove” that the CPP is “being worn down by the passage of history”, de Jong exaggerates the size and significance of the CPP-splinters even as he decries their self-destructive status and course. These grouplets, whose legitimacy in the eyes of the international progressive community is becoming smaller day by day, are running out of their “revolutionary prestige” and hence need to use people like de Jong to make unfounded boisterous claims about them.

The question of primary importance for the revolutionary movement in the Philippines is still: Who are our enemies, and who are our friends? And let’s be clear, the “broad” and “ideologically heterogeneous” left composed of CPP-rejects are no alternative for the CPP, and they should in no way be conceived of as ‘friends of the people’.

Sneaky tricks

Many of the claims de Jong makes about the CPP are contradictory and reveal his shallow understanding of facts on the ground.

The national democratic (ND) line is, according to him, “strangely out of time”, but he also acknowledges that the national democrats remain by far the strongest current on the Philippine left.

De Jong accuses the CPP of branding everyone who does not follow a Maoist line as an “enemy of the revolution”, but at the same time he also accuses the CPP of violating revolutionary principles by engaging in united fronts and alliances, and decries the fact that the mass movement’s membership is based on a national democratic line rather than a strict ideologically socialist or communist one.

Furthermore, he also admits that the CPP ideology remains the dominant tendency and that alternative interpretations of socialism are almost nowhere to be found. If that is the case, how can he also claim that few people in the (ND) mass movement discuss socialism or Marxism?

Even when he slanders the CPP, de Jong feels the need to also praise their undeniable achievements. He even has to admit that the communists and NDs by far are the most relevant, that they are able to reach out to and organize millions of Filipinos around their political line, that they retain strong civilian support, that their means and infrastructure overshadow those of the other left groups, and that their ideology remains very influential even among the mainstream.

To show his thorough disdain for the revolutionary forces in the Philippines, his article could actually put them in danger. De Jong shows no respect for the distinction between the legal national democratic mass organizations and the different underground revolutionary groups. Due to the anti-communist political climate pushed by the reactionary state, when someone is branded as a communist it creates the ground for them to get abducted and/or killed. De Jong “outs” several organizations as being fronts for the CPP, and he even goes as far as naming a left-wing personality who is out in the open as being the rumored new chief of the Party. This “red-baiting” technique is frequently made use of by the Philippine military and its “left” lackeys.

"Ang Gerilyang Kampo" (The Guerrilla Camp), painting by underground revolutionary artist <b>Parts Bagani</b>. Topmost image: Detail from "Panawagan" (Call) by Bagani.

“Ang Gerilyang Kampo” (The Guerrilla Camp), painting by underground revolutionary artist Parts Bagani. Topmost image: Detail from “Panawagan” (Call) by Bagani.

Rectification

De Jong’s claim that the CPP- and ND-aligned left are equal in size to the other left groups put together is laughable and unsupported. But before countering that claim, we should examine how the split between the CPP and the grouplets originated. To do this, we must look back at the Second Great Rectification Movement which launched in 1992.

The Second Great Rectification Movement was a huge ideological and educational initiative inside the CPP that criticized and repudiated the subjectivist line that the Philippines was no longer semi-colonial and semi-feudal and that the line of Protracted People’s War was wrong, as well as the “left” opportunism and right opportunist lines which arose from such subjectivism.

The left opportunist line had variations. The CPP leadership of Rodolfo Salas put forward the “strategic counter-offensive” line of leaping over from the strategic defensive to strategic counter-offensive without developing the strategic defensive and strategic stalemate stages fully. (For those less familiar with military-political strategy, I suggest reading On Protracted War by Mao Zedong.)

But the main target of the Second Great Rectification Movement was the worst case of self-destructive left opportunism, which at the time was prevalent especially in Mindanao. Several high-level cadres of the party there tried to improve and adopt a line that tried to deviate from the strategic line of Protracted People’s War. They wanted to ‘finish the fight quickly’ using adventurist methods.

Their idea was to use urban insurrection by the spontaneous masses as the leading, politico-military force, while depreciating the people’s army as a mere military force to be reorganized into concentrated companies. This would have been a detrimental strategy for the seizure of political power in a country like the Philippines. They neglected mass work and isolated themselves from the masses. Because of this erroneous line, the Party, the peoples’ army and the revolutionary machinery became particularly vulnerable to tactical attacks by enemy forces.

The militarist line was easily overcome by the enemy. But instead of criticizing themselves, they blamed their failures on “deep penetrating agents” or “DPAs”. The wrong line ignited a hysteria in the organization that they would call “Kampanyang Ahos”, a campaign that resulted in the torture and killing of hundreds of party members, activists and allies without due process.

Kampanyang Ahos was not a “bloody purge”; it was a gigantic anti-communist and anti-people crime, not just a tactical error and not even merely an ideological-political-organizational matter internal to the Party. At the time of the campaign, the founding chairperson of the CPP, Jose Maria Sison (“Joma”), was in maximum security prison and held no official position in the Party. Still, he was one of the first people who called for an investigation into the “Ahos” campaign. In Joma’s book, The Philippine Revolution: The Leader’s View, he already exposed and condemned the crime back in 1988.

The Second Great Rectification Movement caused a split within the national democratic movement. Those who reaffirmed the Maoist line became known as the Reaffirmists (RAs), and those following a different line who were either expelled or bolted out of the party themselves were known as the Rejectionists (RJs).

(For those interested in the theoretical contributions, the significance and necessity of the rectification movement, I advise everyone to at least read its basic documents: Reaffirm Our Basic Principles and Rectify Errors, General Review of Important Events and Decisions from 1980 to 1991, and Stand for Socialism Against Modern Revisionism.)

The grouplets

Let’s take a look at this “heterogeneous left” that de Jong is so supportive of. What has really become of these anti-CPP grouplets? Let’s go through the most relevant ones (relevant for this article, that is) one by one.

Akbayan

Each president in the Philippines has effectively utilized (or perhaps, neutralized) “its own” left. These “left” groups portray themselves through their “critical” aesthetic on the outside, but in essence they serve only as an extension of the power of the reactionary ruling classes.

The most successful at gaining high positions in the reactionary government usually evanesce as retired successful crooks after their presidential patrons step down from power. Examples are the Popular Democrats (PopDems) Horacio Morales Jr. as secretary of the ironically named Department of Agrarian Reform and Edicio De La Torre as Tesda director under the Estrada regime; Mike Defensor of Sanlakas who became the close political advisor to Gloria Macapagal-Arroyo, and the social-democratic Akbayan cronies who became the backbone of current president Aquino’s own criminal administration.

De Jong’s own organization maintains close links with Akbayan up to this day; perhaps this is why he downplays Aquino’s human rights violations (which according to him apparently only continue under a “decreased” level during his presidency).

Akbayan or “Akbayan Citizens’ Action Party” was an active participant in international social-democratic alliances such as the “Socialist International” and the “Progressive Alliance”. These international affiliations were at the time centered around the imperialist politics of the “left-wing” war parties such as the PvdA in the Netherlands and the Labour Party in the UK.

Many Akbayan leaders have enjoyed opportunistic and anti-communist political careers. Joel Rocamora, Walden Bello, Etta Rosales and Ricardo Reyes were all leaders of Siglaya, a coalition of former national democrats linked to the Fourth International. Part of Siglaya joined with the social-democrats headed by Ronald Llamas (who is now the presidential political affairs advisor of Aquino) to form Akbayan, the “progressive” anti-CPP attack dog of the Aquino regime. Through Akbayan, those who previously called themselves liberal communists only to become Trotskyites have been able to get high positions in Aquino’s cabinet.

Etta Rosales, former Akbayan president, was the chief of the Human Rights Commission under Aquino until she retired last May. Aside from being active in other schemes, she engaged in whitewashing the human rights violations by reactionary military and police officers. Previous to that, she collaborated with US lawyer Robert Swift in removing thousands of human rights claimants from the list of those who initiated and won the human rights case against Marcos in the US.

Joel Rocamora, former Akbayan president and ideologue, being so against poverty, has been enriching himself further as head of the National Anti-Poverty Commission under Aquino. When Rocamora was still a co-director of the Transnational Institute (TNI), he submitted falsified reports on progressive ND-allied groups to funding agencies in Europe to expose the “Stalinist CPP fronts” the agencies had been supporting.

Ricardo Reyes, who was one of the leaders of Akbayan before he had a falling out with red-baiter Walden Bello, ordered the so-called Mindanao Caretaker Committee to carry out the Kampanyang Ahos witch-hunt, resulting in the arrest of 1500 party members and allies and in the torture and execution of more than 300 party members and allies.

Former Akbayan leader Nathan Quimpo also actively led and participated in the torture and murder acts of Kampanyang Ahos. To distract from this grievous crime, Ricardo Reyes and Nathan Quimpo became prominent in exaggerating and denouncing the Salas central leadership of the CPP for their boycott policy in the rigged 1986 snap presidential elections. When he was in The Netherlands as a political refugee, Quimpo was one of the witnesses in the case against Joma, and made a sworn statement for the Dutch state against the latter.

The right opportunist line in the CPP already arose (almost at the same time as the left opportunist line) in 1981 and became fully articulated in 1982. Its basic line was to take out the working class leadership in the united front and in effect yield leadership to the liberal bourgeoisie supposedly in order to attract more people.

The right opportunists were small and weak before the fall of Marcos, but after his fall, the so-called Popular Democrats arose to promote the line of capitulation and seeking jobs in the reactionary government. Their line was reinforced by former left opportunists like Reyes and Quimpo who had swung to the right. It was further reinforced by real DPAs like Joel Rocamora who engaged in wrecking operations in conjunction with Trotskyites from the Paris-based Fourth International.

Even when these politicians ascended to power with Aquino, you saw them splitting over attempts to bolster their own individual power. Akbayan has been splitting again with Reyes and then with Bello, who recently gave up the Philippine House of Representatives membership in congress as Akbayan, criticizing its collaboration with Aquino… after almost 5 years of his own blatant collaboration. Something about rats abandoning a sinking ship.

RPM-P/RPA-ABB

Sanlakas was a party-list group (an electoral formation in the Philippines) set up by  Filemon “Popoy” Lagman in 1993. It was based on an ultra-left commandist, workerist line (inspired by Ernest Mandel) that gave no decisive value to the worker-peasant alliance and was based on the pernicious assumption that waging revolution is simply a matter of a workers’ uprising in the cities.

Although Lagman (who instigated the “June Breakthrough” and “Operation Missing Link” paranoia campaigns in Southern Tagalog) had his own rascality when it came to killing people without evidence, his insurrectionist opportunism should be seen as distinct from the opportunism in Mindanao.

The death squad group centered around Arturo Tabara (who led the biggest breakaway with arms from the CPP in Negros) eventually became part of Lagman’s group. But after some time this alliance went down, they became enemies, and Tabara became part of the launching of the Revolutionary Workers Party-Philippines (RPM-P).

Lagman also had a breakup with Nilo Dela Cruz of the armed Alex Boncayao Brigade (ABB) over the bribe money from the Amari Real Estate Company in 1998-99. The Lagman-ABB group was bribed to push the eviction of the poor inhabitants of Freedom Island in Manila to make way for a casino. 80 million pesos was left in the bank. Lagman and Dela Cruz fought over the money, eventually the son-in-law of Dela Cruz (who was under the command of Lagman) was able to get the money, and in the end Lagman had to pay with his life.

One year after Tabara leading his RPA (Revolutionary Proletarian Army) into the RPM-P, the metro Manila-based ABB led by Nilo Dela Cruz joined this new party. The ABB was the name of the Manila-Rizal Armed City Partisans under the CPP and NPA during the Martial Law years until early 1990s. It was named after trade union leader Alex Boncayao, after he was martyred by the fascists during martial law. After the Popoy Lagman clique usurped command over it and used it for criminal activities, it was condemned by the CPP and even by the Boncayao family in 1992-1993.

The RPM-P/RPA-ABB became active in killing legal personalities of the left movement, such as Bayan Muna leader Romeo Sanchez, and the group has openly admitted to having coordinated with the Philippine Army’s 61st Infantry Battallion in attacking an NPA camp in Negros. It has also been implicated in the killing of Romeo Capalla, a civilian and brother of Archbishop Fernando Capalla.

The RPM-P/RPA-ABB has received millions of pesos from the Philippine government, due to its “peace” deal. Progressive human rights group Karapatan has covered the extent of the human rights abuses of the RPM-P (harassment, murder, arson, rape).

In Negros Occidental, the RPA became the hacienda guards of reactionary big landlord Eduardo Cojuangco and received payments as an anti-NPA and anti-CPP paramilitary adjunct force of the reactionary armed forces under the Estrada, Arroyo and Aquino regimes.

Arturo Tabara was even one of the special guests of Philippine National Police Director-General Hermogenes Ebdane at the 12th founding anniversary of the National Capital Regional Police Office. Another special guest there was Romulo Kintanar, another CPP-reject and active “Ahos” participant, who served as a “resource person” of the Department of National Defense and the Armed Forces of the Philippines. Kintanar was also the designated project officer in an assassination plot (in collaboration with the Estrada government) against Joma in The Netherlands in 2000.

When ABB tried to expand and organize its own units in the cities of Negros and Panay Islands, it caused resentment from RPA over turf and loot from robbery and extortion. The RPA split with ABB and RPA itself split into different factions. The Tabara-Paduano faction of the RPM-P has been effectively disarmed in 2013 due to a peace deal with the government and is now the Kapatiran para sa Progresong Panlipunan (Brotherhood for Social Progress – KPP). Paduano represents the party-list “Abang Linkod” in the reactionary Congress.

The ABB is now a handful of elements based in Muntinglupa, Rizal, engaged in criminal activities (such as killing for hire) and espionage work for the reactionary armed forces. It practically does not exist anymore. The size of the gang fluctuates between 10 and 20. Their value as intelligence assets has dwindled. The ABB is now headed by a son of Nilo Dela Cruz (who had a split with his father over money matters), who seems to be more aggressive than the father in conducting criminal activities and attacking the NPA.

RPM-M/RPA

Ike de los Reyes was with the RPA but in 2002 formally split with them over differences on the RPM-P’s peace pact with the government and other organizational and ideological matters. His new party which was based in central Mindanao became known as the Revolutionary Workers Party of Mindanao (RPM-M). The RPM-M renamed its armed group the Revolutionary Peoples’ Army, to distinguish it from the RPM-P’s Revolutionary Proletarian Army.

At the beginning, what became the RPM-M was able to usurp command over one of the platoon remnants of the NPA in Cotabato, but this platoon has now disintegrated. For some time, they were together with Gov. Mujiv Hataman of the Autonomous Region in Muslim Mindanao who is now identified with Aquino. The RPM-M has been pretending to have an active army to negotiate with the reactionary government in order to get payments from them as an anti-NPA organization. It signed a formal ceasefire with the government in 2005, and shifted its focus to doing ‘peace and development work’. Its support base is marginal.

The RPM-M is a regular and active member of the Fourth International since 2003. The inactive website of the RPM-M is hosted by the Dutch ‘Grenzeloos’ (Borderless), de Jong’s group.

PMP

Lagman had a break over strategy with Sanlakas and its yellow workers’ union BMP, and initiated the Filipino Workers’ Party (PMP) in 1999. This was done together with several other small remnants from the CPP. In 2002, several factions merged with the PMP, such as the Democratic Proletarian Party (PPD) of Manjette Lopez (who took over the leadership of the PMP after Lagman’s death) and the Socialist Party of the Philippines (SPP) of Sonny Melencio. After some time this party practically disintegrated because the factions could not come to agreement on many issues, and while remaining under the PMP banner for some time, the groups used their respective names in issuing statements and have kept their respective alignments with international Trotskyite formations.

MLPP-RHB

The few personalities identified with the Marxist Leninist Party of the Philippines (MLPP) supported the rectification movement at first, but questioned it later. This group was founded in 1998. The MLPP formed the Revolutionary People’s Army (Rebolusyonaryong Hukbo ng Bayan, RHB), a tiny armed extortionist group with only a handful of members operating in small parts of Bataan and Zambales in Central Luzon.

PLM

In 1998, Lagman’s “theoretician” Sonny Melencio started the Socialist League which later became the Socialist Party of Labor. In 2005 a coalition of CPP-splinters called Laban ng Masa (Struggle of the Masses) was founded and Melencio became its chief spokesperson, but due to big ideological differences between the different RJ groups it went down again. Melencio was also reportedly taking many unilateral initiatives not backed by the other organizations.

In 2009, Melencio started the Partido Lakas ng Masa (Party of the Laboring Masses, PLM), the political party still linked to Sanlakas Party-list. Sanlakas dwindled and the PLM has not done any better in electoral politics. This group is linked to the Australian Trotskyite formation “Democratic Socialist Perspective” and is able to hold a rally of 100 to 200 every now and then in Manila.

Conclusion

All those splinters or grouplets that persisted in committing “left” and right opportunist errors have only splintered further and become nil or close to nil. There are many individuals and groups, but none of them seem to have a mass base (except for the Akbayan cronies who enjoy a sizeable petty-bourgeois following due to their blatant puppetry).

These groups have become either the backbone and whitewashers of the reactionary state, criminal syndicates and bodyguards for the big landlords, or small fragmented groups whose main focus still is to echo the black propaganda of the police and military elements against the communist movement.

If the Rejectionists had their way, for sure it would’ve been the end of the CPP.

Not the war, but left opportunism is over

After the Second Great Rectification Movement, the CPP, the protracted people’s war, and all legal patriotic and progressive forces have been rejuvenated, have accumulated strength and are again advancing towards strategic stalement against the US-led reactionary state.

So why does Alex de Jong insist that the war is over? There is not a single piece of evidence in his article which proves this. The main thrust of the article is ill-wished and unsupported. De Jong thinks that he and some fragmented groups are acting in a different way but in fact they are doing the work of the ruling system.

If the war is over, then who are the victors? Why is he saying this and what are the political implications? To say that the war is over, isn’t that endorsing the winners and praising the pseudo-left who have for a long time already exposed themselves as servants of the ruling classes?

Our solidarity should lie with our comrades from the Philippines and India, who at this point pioneer the World Socialist Revolution. Not with the eclectic “left-wing” lackeys of comprador reactionaries and its “progressive” armchair supporters in the West.

Long live the revolution in the Philippines!


Tula | Kanino Ko Ibubulong?

$
0
0

PW-for-roger-poem-featured

kanino ko ibubulong
alimura ng utak na kumukulo
at himagsik ng pusong nagdurugo?

kanino ko ibubulong
himutok at pagdaramdam
ng mga katawang inilugmok ng karimlan
sa mga bangketa ng kalunsuran?

kanino ko ibubulong
hinagpis ng bitukang nabalumbon
tagulaylay ng mga matang luhaan
lagi’t laging nakatitig sa kawalan
ng papawiring walang hanggan?

kanino ko ibubulong
lagutok ng mga buto
ng pawisang katawan ng obrerong
inalipin ng kasakiman?

kanino ko ibubulong
daing ng butuhang mga bisig
ng sakadang nakaluhod sa tubuhan
at magsasakang naninimdim sa palayan?

kanino ko ibubulong
hinagpis ng munting mga daliring
nagkakalkal ng basurahan
para magkalaman ang tiyan?

maririnig kaya ito
ng diyos ni abraham
o ng uring mayamang walang pakiramdam?
maulinigan kaya ito ng binging lipunang
namanhid na yata ang budhi’t isipan?

kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng lahing sumisiksik sa kamalayan
at mga eksena’y nagmamartsa sa kaisipan?

ibulong ko na lamang kaya
sa naglilingkisang cadena de amor
sa limot na’t ulilang libingan
sa ragasa ng marahas na habagat
sa madawag na kaparangan
sa lagaslas ng mga ilog
sa dibdib ng kabundukan
sa mahamog na mga bulaklak
sa pusod ng kagubatan
sa dagundong ng alon
sa naninimdim na pasigan
sa tungayaw ng kulog
at sagitsit ng kidlat
sa makulimlim na kalawakan?

kanino ko ibubulong ang lahat-lahat?
sa singasing ba ng mga punglo
upang malinaw na marinig, maunawaan
ng uring gahaman at tampalasan
litanya ng dusa’t bagabag
ng nakabartolinang mga sawimpalad?

kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
walang pakialam sa kinabukasan
ng bansang hinuthot angking kayamanan?
tiyak mga bulong ko’y mauunawaan
ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa
sa kalbaryo ng dusa’t dalita
walang hinahangad kundi makalaya
sa tanikala ng pagkatimawa
laging bumabangon sa pagkagupiling
upang milyong sulo ay paglagablabin!

oo, mga kauring sakbibi
ng dusa’t dalita…
“ang daing ng maralita
ay maririnig lamang
ng kapwa maralita.”

Bakit #ZeroRemittanceDay sa Agosto 28

$
0
0
Migrante Party-list pickets the office of the Bureau of Customs to protest Aquino administration's policy of inspecting balikbayan boxes and taxing goods in those boxes. <b>Pher Pasion</b>

Migrante Party-list pickets the office of the Bureau of Customs to protest Aquino administration’s policy of inspecting balikbayan boxes and taxing goods in those boxes. Pher Pasion

Bakit nga ba? Ito ang ilan sa mga dahilan.

1. Nanatili ang P600-Milyong target na koleksiyong ipinataw ng administrasyong Aquino sa Bureau of Customs (BOC) mula sa ating mga balikbayan box.

Ipinatigil ng gobyerno ni Aquino ang pagsasagawa ng random inspection sa mga balikbayan box at ito ay maituturing na panimulang tagumpay para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa rin ang atas ni Aquino sa Bureau of Customs (BOC) na abutin ang P600-M target na kikitaing buwis mula sa ating mga balikbayan box.

Matatandaan na ang P600-M target na ito ang ginawang dahilan ni BOC Commissioner Alberto Lina para ipatupad ang garapalan at lapastangang paghahalughog sa mga balikbayan box. Matapos ang matagumpay na protesta ng migrante at pamilya laban dito, nanatiling tahimik ang gobyerno at bigong ilatag ang plano kung paano nila kokolektahin ang nasabing halaga mula sa mga diumano’y “smuggled” o “non-declared goods” sa mga balikbayan box.

Kaya’t habang nananatili ang atas ni Aquino na abutin ng BOC ang P600-M target, naniniwala tayo na pakitang-tao at palusot lamang ang pagpapatigil sa random inspection at walang ibang layunin ito kundi buhusan ng malamig na tubig ang malawakang galit ng migrante at pamilya. Ang ating panawagan ay iatras ni Aquino ang P600-M target na koleksiyon mula sa ating mga balikbayan box.

2. Tiyak ang direktang epekto sa mga OFW ng pagtaas ng singil ng BOC sa clearing fees sa lahat ng mga container van na papasok sa mga pier ng Pilipinas mula P100,000 tungong P120,000 kada container.

Ano kaya ang dahilan sa likod ng biglaang pagpapataw ng karagdagang kita na P600-M mula sa ating mga balikbayan box, ilang buwan bago magsimula ang panahon ng eleksiyon? Nagtaas na ng P40,000 ang singil ng BOC noong Hulyo 27 at nakaamba ang susunod na pagtaas pagdating ng Oktubre 1.

Ang P100,000 pagtaas ay magiging katumbas ng US$7 o P325 dagdag-bayarin kada balikbayan box. Isa na naman itong dagdag-pahirap sa migrante at pamilya. Kung hindi makukuha ang target na pondo para sa eleksiyon sa random inspection, kukuhanin naman ngayon sa taxation.

3. Hindi smuggler ang mga OFW!

Kailangan ngayong magpaliwanag ng BOC at administrasyong Aquino sa mga migrante at mamamayan. Kailangang sagutin nila ang matagal nang tanong ng mga migrante at mamamayang Pilipino tungkol sa kabiguan nilang sawatain ang pagpupuslit ng kalakal ng big-time smugglers. Dapat nilang habulin ang big-time smugglers at hindi ang mga migrante na araw-araw nagsusumikap para lamang tiyakin ang pagpapadala ng kanilang pinaghirapang remittances at balikbayan boxes sa bansa.

Dapat isapubliko ng BOC ang kumpletong ulat tungkol sa lahat ng sinasabi nitong mga kaso ng ilegal na mga kontrabando at ipaliwanag kung ano na ang nagawa nila para tugisin at ikulong ang big-time smugglers, kasama na ang mga nasa loob mismo ng BOC.

Dapat ding isapubliko ng BOC ang buong ulat tungkol sa balikbayan boxes na kanilang binuksan at hinalungkat, at ang resulta ng kanilang inspeksiyon. Marapat ding pagbayaran at humingi ng tawad ang BOC sa LAHAT ng may-ari ng mga balikbayan box na kanilang arbitraryong binuksan at hinalungkat.

4. Ang P600-M target na kita mula sa mga balikbayan box ay malayong-malayo kumpara sa halaga ng pondong inilalaan ng gobyerno para sa direktang serbisyo sa mga migranteng Pilipino.

Halimbawa na lamang ang Legal Assistance Fund (LAF) at Assistance to Nationals Fund (ATN). Alinsunod sa Republic Act 8042 o Migrant Workers Act of 1995, P100-M ang inilalaan kada taon para sa LAF, habang P100-M lang din ang nakalaan para sa ATN. Manapa, ang panukalang badyet sa mga serbisyong ito ay nagkataon at kagulat-gulat na hindi makita sa inihaing 2016 National Expenditure Program (NEP).

5. Matagal nang itinuturing ng gobyernong Aquino ang migranteng Pilipino bilang mga gatasang-baka.

Bukod sa “legalisadong kotong” sa mga balikbayan box, notoryus ang administrasyong Aquino sa pagpapatupad ng mga ilegal, labis-labis at dagdag-pasakit na mga bayarin at buwis na ipinapataw sa mga migrante — tulad ng pagtaas ng bayarin sa ePassport at Philhealth premium, ang sapilitang paghuhulog ng kontribusyon sa PagIbig Fund, P550 terminal fee, Affidavit of Support at iba pang di-makatwirang consular fees.

Serbisyo, hindi negosyo! Proteksiyon, hindi koleksiyon!

August 28 ay Zero Remittance Day.


 

The Church is not an island: Lessons from the INC rallies

$
0
0

“Separation of Church and State” was the catchphrase of the controversial Iglesia ni Cristo rallies of late. The INC argues that the state should not meddle in “internal matters,” that is, the rift within INC which sprang internally from a social media campaign. For the Church, this resulted in excommunications, and for the State, a non-bailable case of serious illegal detention.

The INC has reason to be bothered. Such a seemingly small (and in their view, internal) concern was suddenly elevated to national importance, handled personally by the Department of Justice (DOJ) via Justice Sec. Leila de Lima herself. Why is there a suspiciously speedy and specialized handling of the issue, when, as the INC argue in their rally, no substantial action has been taken on more grave cases like the Mamasapano incident, which claimed the lives of many combatants and civilians alike? Certainly, there is an irregularity here.

However, there are many irregularities which surround–and, to the general public, complicate–the issue. After all, when you tackle the Church and the State, both institutions wracked with too many irregularities, it is bound to boggle the pedestrian mind.

The INC has garnered the ire of the general public, mainly because of the apocalyptic traffic jams caused by their mobilizations at Padre Faura Street in Manila and around the EDSA Shrine in Mandaluyong. That, however, is small-minded of its detractors. Such inconvenience, no matter how exhausting after a long workday, is a small price to pay. Democracy is founded on the sacrosanct freedom to assemble, mobilize, and speak out–and yes, this includes the right to rant on social media. It is everybody’s right, members of INC included, to do so.

For religious freedom? Pedestrians walk along a footbridge near Shaw Boulevard and EDSA as INC protesters march on. <b>Gabby Pancho</b>

For religious freedom? Pedestrians walk along a footbridge near Shaw Boulevard and EDSA as INC protesters march on. Gabby Pancho

If any, the INC has merely been the whipping-boy for long-standing public rage against the general horror of traffic and public transportation in the Metro, of which the government (and by government that includes certain private individuals like the cronies of Mar Roxas and Joseph Abaya) is at fault. It is not the INC’s fault that ordinary citizens have to endure traffic and inefficiency, though they could certainly have been more sensitive in the conduct of their mobilizations given the dire situation.

Let it be clear that the recent rallies are a political, and not religious, intervention. The exercise of religious belief and the freedom to organize are political rights, and the defense of such rights is a political act. It is the right of the INC to stage political mass actions should they feel that their freedoms are being threatened.

In the public arena, however, what is off-putting is the INC’s selectiveness in applying this right. Numerous major issues emerged in the past year alone, but the silence of the INC on such issues in the public sphere has been deafening, though tacitly accepted by the public because of the INC’s firm doctrine which disallows participation in political actions, labor unions, and so forth. In the eyes of the public, the INC simply doesn’t meddle in such affairs; that is their choice, and as much as they have a right to speak out, it is also well within the INC’s rights to be silent.

This week’s INC rallies, unprecedented in recent history since the INC-backed pro-Estrada EDSA Tres, broke that silence in grand fashion, true to the style of an organization with massive resources and influence. For the general public, it is eyebrow-raising to say the least. So many major issues of public interest have emerged, and these affect INC members too, like contractualization, low wages, soaring prices of basic commodities, corruption, landlessness among peasants, the privatization of public transport like the MRT and LRT. (Some of these issues even have facets particular to the INC: contractualization, for example, sees greedy employers like Henry Sy’s SM specifically exploiting INC doctrine for profit by preferring INC members for their workforce, simply because of their disavowal of unionism, thus less likely to assert workers’ rights.)

'Peaceful' agreement? INC evangelist Bienvenido Santiago announces the end of protests after successful negotiations with the Aquino cabinet. Details of the negotiations were not divulged. (Screengrab from video of INC TV FB account)

‘Peaceful’ agreement? INC evangelist Bienvenido Santiago announces the end of protests after successful negotiations with the Aquino cabinet. Details of the negotiations were not divulged. (Screengrab from video of INC TV FB account)

And yet, there has been no public participation by the INC in these crucial issues. That they are suddenly at the forefront defending a particular rightone among many that need to be defendedgives the impression of being self-serving, as if religious freedom is the only issue that needs urgent and widespread political action. The message, whether intentional or not, is that other national issues do not seem compelling enough for the INC’s participation, but the Church is quick to mobilize an action of EDSA proportions on an issue stemming from an internal matter. This selectiveness can easily be perceived as an affront, albeit indirectly, to those who have tirelessly defended the public interest on many other important issues plaguing the country.

Furthermore, there is a perceived shortsightedness, or perhaps even complicity, regarding the INC’s unspoken political privilege. Public officials (and 2016 wannabes) are doubling over backwards to pander to the INC. Politicians are obviously careful in their choice of words and actions so that they may not offend the INC, a formidable bloc-voting force in the upcoming polls. This kid-gloves treatment is a stark irregularity; other groups are afforded little of that regard. Just for the INC, the local governments of Manila and Mandaluyong have speedily issued permits to rally, allowing them to protest for days plus extensions. Some officials even offered police escorts and transportation. No police phalanx, no barricades, no violent water-cannon dispersals. In comparison, the anti-pork barrel rally in Luneta last year was merely granted a permit to protest for a few hours. This year’s SONA rally along Commonwealth Avenue was not even granted a permit (neither accepted nor denied, simply ignored by the local government) even if the request was filed days in advance. The peaceful SONA rally was met with container vans, concertina wires, and thousands of deployed policenone of which were to be seen in the INC’s more spontaneous EDSA rally. Yes, INC members are merely exercising their freedoms, but it is an exercise that is unevenly applied, and they themselves should be able to recognize that irregularity.

One thing is clear: with this week’s rallies, the public has seen the INC awaken from its political passivity. We are now aware (painfully, for commuters) of the Church’s speed, efficiency, and power when it comes to the defense of its rights. We have seen them affirm the value of political mass action in the public sphere. The challenge to INC is to wield its power more effectively, and channel it for the good not just of its membership, but of the larger public. Perhaps it is time for the INC to emerge from its exclusivist bubble that hinders it from engaging in resolutions which transcend its membership. Perhaps with a more responsible and judicious use of its power on larger issues, the INC can develop more empathy and solidarity from the general population. Many issues of public interest remain unresolved, and we hope to see the INC’s participation, with the same urgency and decisiveness, in our collective struggles. The Church is separate from the State, but it is not separate from the people.



Why I’m Here | Neen Sapalo, iskolar ng bayan and advocate for indigenous people

$
0
0
Chummy pose, even in the front lines of a rally. (Photo from Neen Sapalo's Facebook account)

Chummy pose, even in the front lines of a rally. (Photo from Neen Sapalo’s Facebook account)

By Noreen Paige Sapalo

Growing up an only child of parents who separated early in their marriage definitely has its ups and downs. On the upside, both parents ensure that you are happy as a child, with transient cartoon collectibles and stuffed toys, grand birthday parties at restaurants of your choice, and TLC (tender loving care) during dates with either parent.

The downside, though, varies. For me, it was the perpetual avoidance of long-term commitments, both in friendships and romantic relationships. It was partly due to mistrust of the authenticity of relationships, but mostly because I refused to suffer the pain of experiencing things not working out again. It was only in high school that I was able to establish enduring friendships, and only in college that I was able to commit deliberately to a life-long calling: activism.

Neen now works for Sulong Katribu Party-list, a party-list group advocating for indigenous people's rights.

Neen now works for Sulong Katribu Party-list, a party-list group advocating for indigenous people’s rights.

After I enrolled in University of the Philippines (UP)-Manila as a Development Studies major, my worldview took a 360-degree turn. Under the tutelage of renowned progressive professors and after becoming a member of the League of Filipino Students, I set off to start the best long-term commitment; one which I am bound, not just to a specific friend or barkada, but to my alma mater, the University of the Philippines. Or, even better, the University of the People: ang lansangan, which, I found provided better lessons than our usual classrooms offer.

My stint in the University Student Council also did my perspective a huge favor. It was during my term that Kristel Tejada, a UP Manila Behavioral Science freshie, took her own life, allegedly because of shame borne out of the inability to pay her tuition. This calamity caused by skyrocketing tuition and other exorbitant fees imposed on students is but one of the many atrocities nipping at everyone’s dream of a decent and dignified life.

During that time, our council voted against calling out the inhumane education system hounding the youth, despite our party’s indignation. Imagine my frustration as part of a voting minority. A life lost wasn’t enough to move the student council to speak up and act. How could an Iskolar ng Bayan openly disregard the right to education of a poor but otherwise deserving constituent? This was the first time in my entire life that I felt the need to hide in a bathroom cubicle to cry. It was also my last time to think of activism as a mere passing phase of college life.

Activism, I found, was the best relationship you can ever be in – for the long-haul. It is a relationship with the world, where you are an agent of social change, and also where you, in the process, are also transformed. It is a relationship with yourself, pushing to the limits of your timid, mediocre and distrustful self. Thus you become something that can be likened to an oblation: ready to live a life of service and struggle, gleaming with hope for a better future to come.

Why am I here? Because in a world of highly-commercialized and fleeting relationships, activism is one of the few things that I can genuinely be proud of committing to.

Neen in a protest action against political repression in Mendiola.

Neen in a protest action against political repression in Mendiola.


Neen has recently completed her undergraduate degree in Development Studies from UP Manila. She works as Sulong Katribu Partylist and is a radio jock for Mellow 94.7.

Newsreel | Activists condemn Lianga killings

$
0
0

President Aquino’s counter-insurgency program, Oplan Bayanihan, continues to victimize ordinary citizens, especially indigenous people and peasants, in Mindanao.

Its most recent victim was Emerito Samarca, executive director of lumad school Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development (Alcadev), as well as Dionel Campos and Bello Sinzo. He was found by residents dead in one of Alcadev’s classrooms in Sitio Han-ayan, Brgy. Diatogon, Lianga, Surigao del Sur, around 4 in the morning of September 1. He was found hogtied, his throat slit and his body stabbed several times.

Also killed were Dionel Campos, chair of Mapasu (a Lumad people’s organization), and his cousin Bello Sinzo. Witnesses reportedly point to elements of the paramilitary group Magahat/Bagani force and members of 36th Infantry Battalion of the PhilippineArmy as perpetrators.

Manobo residents of Han-ayan now in fear for their lives, and began evacuating their communities.

In Quezon City, several candle-lighting activities and protest actions were done in condemnation of the recent spate of killings in Mindanao. The newsreel is an interview with Cristina Palabay, secretary-general of human rights alliance Karapatan, who participated in a candle-lighting activity in E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Videography and editing for PinoyMedia Center by JL Burgos 

Ang bagong mundong umuusbong sa Han-ayan

$
0
0
Mga estudyanteng hayskul sa Alcadev. Larawan mula kay <b>Jayson Fajarda</b>

Mga estudyanteng hayskul sa Alcadev. Larawan mula sa Alcadev

Ilang araw na rin akong balisa at agitated mula nang mabalitaan ko ang pagpaslang kina ‘Tay Emok at Kuya Dionel, at sa pinsan niyang si Bello Sinzo. Minsan ko lang silang nakadaupang-palad nang bumisita ako noong 2009 at 2010 sa Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev), isang alternative agricultural school ng mga Lumad sa pusod ng kagubatan ng Andap Valley sa Surigao del Sur.

Hindi naman kaila sa akin na nagpapatuloy ang ganitong karahasan at pamamaslang dahil ilang kaibigan at kakilala na rin ang naging biktima na ng pandarahas ng Estado sa nagdaang mga taon. Kahit na batid kong halos taun-taong nagbabakwit ang mga mag-aaral ng Alcadev at ang mga pamayanan sa paligid nito dahil sa operasyon ng mga elemento ng militar sa Andap Valley, may bahagi pa rin sa akin na hindi lubos na magagap ang karumaldumal na karahasang sinapit ng mga nakasama sa Alcadev.

Sa spin ng militar, ipinapalabas na tribal war ang ugat ng mga pamamaslang. Pero kung isasakonteksto ang masaker sa serye ng pandarahas sa mga Lumad sa Mindanao—bakwit sa Haran, masaker ng mga Lumad sa Bukidnon, kampuhan ng militar sa mga paaralan at komunidad sa Talaingod—hindi maikakaila na bahagi ito ng sistematikong panunupil sa mga organisador na Lumad at sa kanilang mga pamayanan. Ang pagpaslang kina ‘Tay Emok, Kuya Dionel at Bello Sinzo ay may kinalaman sa mga gawain nila sa Alcadev at sa pagpapaunlad ng pamayanan ng Han-ayan.

Kabataang Lumad, tinuturuan ng abanteng agrikultura sa Alcadev. <b>Jayson Fajarda</b>

Kabataang Lumad, tinuturuan ng abanteng agrikultura sa Alcadev. Jayson Fajarda

Nito lang Hulyo, ipinagdiwang ng Alcadev ang ika-10 taon ng pagkakatatag nito. At bahagi na ng 10 taong pag-iral ng Alcadev ang pana-panahong pangha-harass ng mga elemento ng AFP, katuwang ang mga grupong paramilitar na sila rin naman ang nagbuo. Pero bakit nga ba mainit sa mata ng militar ang mga paaralan ng mga Lumad gaya ng Alcadev?

Nasaksihan ko, sa sandaling pagbisita sa Alcadev, kung paanong hinuhubog ng paaralan ang mga batang Lumad sa hayskul para maging agriculturist, health worker at para-teacher ng kani-kanilang komunidad. Pinakatampok na programa sa alternatibong curriculum ng Alcadev ang agrikultura at literacy para maging katuwang ang mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng mga sakahan at kabuhayan sa kani-kanilang pamayanan. Pinalilibutan ang mga klasrum ng experimental farms na nagsisilbing laboratoryo ng mga mag-aaral. Ang mga ani mula sa experimental farms ang siya ring pinagkukunan ng pagkain ng mga mag-aaral sa araw-araw.

Itinuturing na mga agriculturist ng kani-kanilang pamayanan ang mga alumni ng Alcadev. Ibinibahagi ng mga mag-aaral ng Alcadev sa kanilang mga magulang ang natutunan nilang pamamaraan ng pagsasaka. Dahil dito, unti-unting nag-convert ang mga magsasakang Lumad mula sa nakasanayang sistemang kaingin, patungo sa mas sustenable na organic na pamamaraan ng pagsasaka.

Sa ulat noon nina ‘Tay Emok at Kuya Dionel nang makapanayam ko sila para sa gawain sa nongovernment organization (NGO) na kinabibilangan ko noon, naging mas masagana ang mga ani at mas naging produktibo ang sakahan ng mga komunidad na tinutulungan ng Alcadev. Naging mas resilient ang mga sakahan sa mga kalamidad at nabawasan ang panahong taggutom kahit naiiwan ang mga sakahan sa pana-panahong pagbabakwit.

Sa pagpapayaman ng mga sakahan at pagpapaunlad ng mga pamayanan, mas niyayakap at pinapahalagahan ng mga lumad ang kanilang “yutang kabilin” (ancestral land). Batid nila na nakatali sa yutang kabilin ang kanilang kabuhayan at kultura bilang mga Lumad, at dahil dito, mas ipaglalaban nila ito sa anumang tangka ng pananakop at pananamantala.

Ang karanasan ko sa Alcadev ang agad na naisip ko nang una kong mabasa ang sikat na quote ni Arundhati Roy na: “Another world is not only possible, she is on her way. On a quiet day, I can hear her breathing.” Ang mga abstraksiyon, slogan at konseptong natutunan natin sa unibersidad at lansangan—gaya ng empowerment, self-determination at sustainable development—sa Alcadev, sila’y solido at kongkretong konseptong naisasabuhay, nahahawakan at naaamoy na tila alimuom sa pagdating ng tag-ulan matapos ang mahabang tagtuyot.

At sa pagpaslang sa mga Tatay Emok, Dionel at Bello sa iba’t ibang pamayanang Lumad sa Mindanao, ang nais talagang kitilin ng Estado ay ang posibilidad ng panibagong mundo na inilalatag ng Alcadev at iba pang paaralang Lumad. Ngunit batid natin sa kasaysayan ng mga inaapi na hindi masusupil ang kolektibong aspirasyon, ng mga Lumad man o ng iba pang sektor sa laylayan ng lipunan, para sa isang mas maunlad, matiwasay at maaliwalas na kinabukasan.

Larawan mula kay <b>Jayson Fajarda</b>

Poem | Glorify

$
0
0

PW-poetry-ordonez-sir-emok-01

In memoriam of the victims of repression and brutality of the forces of evil and darkness

Glorify

glorify
those who were shot in the mouth
those whose tongues were cut
because they revealed
the secrets and hocus pocus
in the palace of the crooks.

glorify
those whose hands were smashed
those whose fingers were bashed
because they wrote
scathing truths
against the worm-ridden society.

glorify
those whose eyes were gouged-out
those whose ears were slashed
because they saw the face of injustice
and clearly heard the voice
of greediness and exploitation.

glorify
those whose knees were sawed-off
their bones crushed
because they refused to kneel
at the alluring altar
of corrupt false gods.

glorify
those whose balls were electrocuted
those whose nipples were bitten-off
those who were forced to drink urine
and heads shoved into the toilet bowl
because they refused to kowtow.

glorify
those who were beheaded
whose severed heads kicked and rolled
down the mountain slopes
because seething were their brains
against the exploitative ruling class.

glorify
those who were cemented in drums
fed to the ocean’s navel
because they would not stop struggling
for a peaceful, progressive
sweet-scented democratic society

yes, glorify them all
those who sacrificed blood and life
in the time of their perilous journey
those who felled in the pitch-dark night
while the fireflies kept vigil
and lamenting was the gold plated moon.

glorify, yes, glorify
those whose aims were honorable
those whose dreams were sacred
those who desired to eradicate
the scourge of misery and sorrow
and the onslaught of darkness and fear.

glorify them all
blazing petals of fire are their memories
that will illuminate our hearts and minds
they are like diamonds glittering forevermore
or brilliantly shining billion stars
enkindling our paths
until the enveloping darkness dies
and from the slit-open belly of the exploitative class
social justice, progress and genuine democracy
soon will be brought forth
to prevail in our beloved land!


Pinagdiskitahang balikbayan boxes at iba pang panghuhuthot sa OFW

$
0
0
Pagkilos ng Migrante sa harapan ng Bureau of Customs laban sa pagbubukas ng balikbayan boxes. <strong>Jaze Marco</strong>

Pagkilos ng Migrante International sa harapan ng tanggapan Bureau of Customs sa Maynila. Ipinrotesta nila ang pagbubukas ng balikbayan boxes at pagbubuwis rito. Jaze Marco

Mahigit isang buwan nang hinihintay ng kaanak ni Gilda Banugan, 30, ang balikbayan box na naglalaman ng mga damit, sapatos, tsokolate, at kung anu-ano pa, na ipinadala niya noon pang Hulyo 22.

Excited pa naman siyang makarating agad ito. Tulad ng ibang overseas Filipino worker sa Taiwan, inaabot ang pag-iipon ng Gilda ng di-bababa sa walong buwan para sa isang balikbayan box. Karaniwang nagpapadala sila ng isa hanggang dalawang beses sa isang taon.

Sabi ng kanyang pinagpadalhang courier company, aabutin lang nang dalawa hanggang tatlong linggo bago ito dumating sa Maynila. Pero nang i-follow up ni Gilda ito, sinabi ng kompanya na nakarating na raw ang kahon sa Maynila. Pero di pa rin daw ito makarating sa kaanak niya dahil sa paghihigpit at pag-iinspeksiyon na ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) sa Pilipinas ngayon. Di alam ng kompanya kung kailan darating sa kaanak ni Gilda ang balikbayan box.

“Nakakagalit. Una pa lang, nagagalit na kami (overseas Filipino workers o OFW) sa sinasabing ipapataw na dagdag-tax. Nang malaman naming binubuksan nila ang mga kahon namin, siyempre lalong nakakagalit at nakakagigil. Napakabigat sa loob namin na ilang buwan naming inipon para sa pamilya namin, iba ang makikinabang,” ani Gilda.

Isa si Gilda sa milyun-milyong OFW na nagpahayag ng galit sa BOC at administrasyong Aquino matapos ianunsiyo ni Customs Commissioner Alberto Lina na magkakaroon ng random inspection sa mga balikbayan box noong nakaraang buwan. Sabi ni Lina, ginagamit daw kasi sa smuggling ng ilegal na droga at baril ang naturang mga kahon mula sa mga OFW.

Matapos lang ng matinding protesta ng mga OFW, sa lansangan, sa social media, at sa pamamagitan ng #ZeroRemittanceDay, saka inanunsiyo ni Pangulong Aquino ang pag-atras sa random inspection. Humingi na rin ng dispensa si Lina sa mga OFW.

Pero di kumbinsido si Gilda sa mga paliwanag ni Lina, ng BOC, at administrasyong Aquino. Nananatili ang kanyang galit, at ang galit ng mga OFW, sa patuloy umanong “paghuhuthot” ng gobyerno sa kanilang mga migrante. Pinakahuli lang ang pagdiskita ng mga ito sa kanilang balikbayan box.

Si Gilda Banugan (nakapulang damit sa gitna), kasama pa ang mga miyembro ng Migrante-Taiwan. <strong>Kontribusyon</strong>

Si Gilda Banugan (nakapulang damit sa gitna), kasama pa ang mga miyembro ng Migrante-Taiwan. Kontribusyon

Ikinahong pagmamahal

“Punung-puno ng pagmamahal” ang bawat balikbayan box. Ito umano ang dahilan kung bakit matindi ang galit ng mga OFW na pinagdidiskitahan ito ng administrasyong Aquino.

Ikinuwento ni Gilda ang sarili niyang pamamaraan para makabuo ng balikabayan box: Iniipon niya sa walong buwan (o mahigit pa) ang anumang kagamitang napupundar sa pinagtatrabahuang bansa. Kung may “buy one-take one” na bibilhin, ang isa’y inilalagay niya sa balikbayan box. Kung minsan, ‘yung itatapon ng amo nila na sa tingin nila puwede pa naman, ilalagay rin sa kahon.

“Yung pakiramdam mo na inipon mo ng pagkatagal-tagal, nagtitipid ka, nagtitiis ka kung hindi mabuti ang amo mo para lang may maipadala sa mga pamilya mo. Pagkatapos mababalitaan mo bubuksan lang ng Customs, mawawala yung ibang laman,” sabi pa ni Gilda.

Napaatras man sa ngayon ang administrasyong Aquino sa pagbubukas ng balikbayan boxes, sinabi ni Gilda na di pa rin umano sila tinatantanan ng gobyerno na singilin ng iba’t ibang bayarin. Mula sa kanilang pag-alis ng bansa hanggang sa pag-uuwi ng kanilang balikbayan boxes, may patong na bayarin sa gobyerno.

Ayon sa Migrante International, kahit na iniatras na raw ng administrasyong Aquino ang random inspection sa mga balikbayan box, hindi pa rin nito iniaatras ang P600-Milyong target na makuha mula sa pagbubuwis dito.

Kinumpirma ito sa pagdinig ng Committee on Ways and Means sa Senado noong nakaraang linggo. Dito, sinabi ni Sen. Ralph Recto na plano ng BOC na magpataw ng dagdag-singil sa buwis sa bawat container na naglalaman ng mga balikbayan box. Mula P80,000-100,000, plano umano ng BOC na gawing P180,000 ang singil nito sa Oktubre.

Ani Recto, mistulang tinarget pa ng BOC na magtaas ng singil sa containers ngayong paparating ang Kapaskuhan, kung kailan mas marami ang nagpapadalang OFW sa kanilang kaanak. “(Ang mga taas-singil) ay pupuwersa sa mga OFW na magbayad ng karagdagang P250 kada kahon. Kung sino man ang magpapadala ng balikbayan box para sa Pasko, malamang maabutan na ito ng dagdag na singil,” sabi pa ng senador.

Mistulang pampalubag-loog na lang ang di-pagsagawa ng BOC ng random inspection. Sa halip, gagamit na lang daw sila ng x-ray machines para masilip ang laman ng balikbayan boxes. Kung makakita sila umano ng kahina-hinalang laman, saka nila bubuksan ang naturang mga kahon.

Si Sherrie Macmod, sa protesta sa harapan ng Bureau of Customs. <strong>Jaze Marco</strong>

Si Sherrie Macmod, sa protesta sa harapan ng Bureau of Customs. Jaze Marco

Maraming reklamo

Bilang tagapangulo ng Migrante sa Taiwan, nakakatanggap na si Gilda ng di-bababa sa 40 reklamong mula sa kapwa mga OFW sa Taiwan dahil sa pagkaantala ng kanilang balikbayan boxes na maiuugat sa matagal na pag-iinspeksiyon ng BOC.

Isa na sa mga nagrereklamo si Sherrie Macmod, apat na taon nang OFW sa Taiwan. Aniya, masakit sa kanila na paratangan silang smugglers, samantalang ibayong hirap ang kanilang nararanasan sa ibang bansa.

“Hindi lang po kami basta-basta manggagawa sa ibang bansa. Nakakaranas po kami ng pagmamaltrato, wala po kaming day-off, wala kaming pahinga, 24 hours kaming nagtatrabaho. Sana bigyan kami ng maayos na proteksiyon. At huwag gawing negosyo ang OFWs,” sabi pa ni Sherrie.

Kuwento pa ni Gilda, marami ang katulad ni Sherrie na nakakaranas ng pagmamaltrato sa trabaho. Nasa apat hanggang limang reklamo umano ang natatanggap niya kada araw sa kapwa OFWs sa Taiwan. Kasama sa mga reklamo ang mga kaso ng pagmamaltrato, hindi pagpapasuweldo, seksuwal na pang-aabuso, at iba pa.

Ramdam umano nila na parang “mayayaman o may pera” ang tingin sa kanilang nagtatrabaho sa ibang bansa. Pero kung tutuusin, lubog na sa utang bago pa man makaalis ng bansa ang isang OFW sa dami ng babayaran sa mga ahensiya ng gobyerno. Pagdating sa ibang bansa, hindi pa sila agad pinasasahod at halos walang makuhang tulong sa mga embahada ng Pilipinas.

“Hindi n’yo alam kung ano ang dinaranas namin. Tapos, sasabihin ng consulate natin, doon muna kami sa mga amo namin at magtiis-tiis muna kami. Parang walang pakialam sa mga OFW na dumadanas na ng sakripisyo. Lahat-lahat na, tapos gagawin pang gatasan,” kuwento pa ni Sherrie.

Ayon mismo sa BOC, nasa 1,500 containers ng balikbayan boxes ang pumapasok sa bansa kada buwan. Katumbas ito ng 18,000 kada taon o umaabot sa 7.2 milyong balikbayan boxes. Pero, ani Gilda, ikumpara ang kinikita ng gobyerno rito sa ibinibigay nitong tulong sa mga OFW. Nasa P100-M lamang ang legal assistance fund na inilaan ng administrasyong Aquino para sa mga OFW sa buong mundo.

Samantala, sa datos mismo ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Abril, nasa 88 ang bilang ng mga Pilipinong nakaambang bitayin sa iba’t ibang bansa, kabilang na si Mary Jane Veloso.

Idinikit ng Migrante sa harapan ng Bureau of Customs ang mga galit na post ng mga OFW mula sa Facebook. Jaze Marco

Idinikit ng mga miyembro ng Migrante sa harapan ng Bureau of Customs ang galit na Facebook posts ng mga OFW. Jaze Marco

Patuloy na gagatasan

Hindi na ikinagulat nina Gilda ang mga pahayag ng Malakanyang at DFA sa kanilang pandaigdigang protesta noong Agosto 28, ang #ZeroRemittanceDay, na nanawagan sila sa lahat ng OFW na di magpdala ng pera sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas sa loob ng araw na iyon.

Taliwas sa pagmamaliit ng Malakanyang, umabot sa US$26.93-Bilyon ang personal remittances ng mga OFW sa bansa noong 2014. Tumaas ito mula sa US$25.35-B noong 2013, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa US$12.7-B, tumaas din umano nang 6.2 porsiyento ang personal remittances ng OFW sa unang hati ng taong 2015 kumpara sa noong nakaraang taon.

“Alam ng gobyerno kung gaano kalaki ang ipinapasok na pera ng mga OFW sa bansa kaya gagawa at gagawa ng mga paraan, iskema, o ano man ang gobyerno para patuloy silang gatasan. Ang balikbayan boxes ay isa lamang sa maraming pinapasan ng mga OFW,” ani Sol Pillas, pangkalahatang kalihim ng Migrante International.

Sinabi ni Pillas na sasa P32,000 ang halaga ng binabayaran ng isang OFW sa pagsasaayos ng kanyang papeles para makaalis ng bansa mula sa pagkuha ng barangay clearance, police clearance, passport, at iba pa. Nasa 6,092 (datos ng Department of Labor and Employment) ang umaalis na Pilipino kada araw para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Naniniwala rin ang Migrante na malaki ang kinalaman ng nalalapit na pambansang halalan sa 2016 sa P600-M target ng BOC, at hindi lang basta smuggling ang nais nitong sugpuin. “Hindi kami laban sa gusto nila na sugpuin ang smuggling. Kaisa kami sa laban na ito. (Pero) laban kami sa pagbubukas ng balikbayan boxes na sa tingin namin ay ilegal,” ayon kay Pillas.

Dapat umanong pagtuunan ng pansin ng BOC ang malalaking smugglers at hindi ang mga maliliit na kahon ng mga OFW. Mas malaki umano ang nawawala sa gobyerno mula sa mga smuggled na bigas, luxury cars, at maging smuggled na basura. “Nasa kanila ang lahat ng resources para tugisin ang smugglers. Hindi ang basta na lamang sila magbubukas (ng balikbayan boxes). Ang daming paraan eh, pero gusto lang talaga nilang mailusot ang tax,” dagdag ni Pillas.

Samantala, patuloy ang pagbabanat ng buto nina Gilda at Sherrie, at milyun-milyong OFW, sa ibang bansa. Patuloy silang magpapadala ng balikbayan boxes, habang magmamatyag sa anumang para-araan ng administrasyong Aquino na lalong huthutan sila.

May ulat ni Jaze Marco


Nakapanayam ng manunulat na ito si Sol Pillas ng Migrante International bago niya danasin ang malalang stroke kamakailan. Hiling ng PW ang agarang paggaling–at pagbalik sa pakikibaka–ni Sol.
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live