Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Araw laban sa karahasan sa kababaihan, bata ginunita

$
0
0
Ginunita ng mga kababaihan ang International Day for the Elimination of Violence Against Women kahapon, sa pangunguna ng grupong Gabriela at ni Monique Wilson, global director ng One Billion Rising.  Macky Macaspac

Ginunita ng kababaihan ang International Day for the Elimination of Violence Against Women nitong Nob. 25 sa pangunguna ng Gabriela at ni Monique Wilson, global director ng One Billion Rising. Macky Macaspac

Ipinagdiwang ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (Idevaw) kasabay ng deklarasyon kamakailan ng Pilipinas na National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children ang Nobyembre 25 kada taon.

Ikinatuwa rin ng Gabriela ang hatol ni Judge Emily Gaspar Gito ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 5 na habambuhay na pagkakalulong kay Staff Sgt. Walter Candelaria ng Presidential Security Group (PSG) dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9208 o qualified trafficking in persons at RA 7610 o Child Abuse. Gayundin, nahatulan ng korte si Angel Murillo, barangay chairman ng Brgy. San Miguel, Manila dahil naman sa kasong child trafficking.

Pero sa kabila ng tuwa dahil sa hatol sa nambugaw at gumahasa kay “Rose” tatlong taon na ang nakararaan, ikinalungkot naman ng Gabriela na sa mismong araw ng Idevaw, inilibing ang isang menor-de-edad na pinatay matapos dukutin at gahasain sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa National Council of Churches in the Philippines (NCCP), aktibong kabataan ng simbahang Iglesia Filipina Independiente ang 14-anyos na biktimang si Denielle Evangelista Ferreria. Huling nakita si Evangelista noong Nobyembre 18, 2014 at natagpuan ang sunog niyang katawan makalipas ang dalawang araw.

We are appalled that our young people become prey to senseless violence that ultimately destroy their lives and their future. Denielle exhuded life and hope. She was a consistent honor student and spent time serving her church as youth, choir member and altar girl. Lamentably, that vibrant life and hope has been snuffed tragically,” pahayag ni Rev. Rex Robles, pangkalahatang kalihim ng NCCP.

Denielle deserves justice,nothing less,” sabi naman ni The Most Rev. Ephraim Fajutagana,Obispo Maximo XII ng IFI.

Sabi ng Gabriela, kailangan na humakbang at kumilos ang kabataan para supilin ang tumitinding karahasan sa kababaihan.

“Pabata nang pabata ang mga nagiging biktima. Ang ilan, walong taong gulang pa lang, biktima na at pinapatay pa. Mahalagang ituro sa kabataan na kailangang tumindig laban sa karahasan at panagutin ang gobyerno sa paglaganap ng mga krimeng ito, kasama na ang pagpapatuloy ng impunity (o kawalang pananagutan) sa ating lipunan,” sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Sumuporta sa panawagang wakasan ang karahasan sa kababaihan  ang  aktres  na si Megan Aguilar, na isa rin biktima ng VAW.  Macky Macaspac

Sumuporta sa panawagang wakasan ang karahasan sa kababaihan ang aktres na si Maegan Aguilar, na isa rin survivor. Macky Macaspac

Sa datos ng Gabriela, mula 5,180 noong 2012, naging 6,432 noong nakaraang taon. Naitala din ang 16,517 kaso ng violence against women and children sa bisa ng RA 9262 o Anti- Violence Against Women and Children Act noong 2013. Malamang daw na mas malaki pa ang bilang dahil maraming hindi nagsusumbong at naiuulat dahil na rin sa takot ang mga biktima.

“Nakakagulantang ang agwat ng paglaki: 43 porsiyento ang itinaas kumpara sa 2012,” sabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus.

Ang ikinababahala pa ng grupo ang pagdami ng nagiging biktima ng karahasan ng mga puwersa ng estado.

Binanggit ng grupo ang kaso ng isang 16-anyos na ina na pinasok daw sa bahay ng isang sundalo ng 84th Infantry Batallion ng Philippine Army habang wala ang kanyang asawa noong Nobyembre 17 sa Kitaotao, Bukidnon.

Sapilitan daw na kinuha ang kanyang anak na sumususo at ginahasa ang biktimang nakilala sa pangalang Julia.

Gayundin ang kaso ni “Sienna”, 16, na halinhinang ginahasa ng tatlong sundalo sa kanilang bahay sa Mindoro Occidental noong Mayo, 2013, na nagresulta sa pagkawala sa sariling katinuan ng biktima.

“Maaaring aabot pa sa daan-daan, kundi man libo ang babae at batang biktima, lalo na ng mga nasa kapangyarihan. Nakakalimutan na rin ang mga kaso, matapos ang makuha ang atensiyon ng midya,” dagdag ni Salvador.

Ayon pa sa Gabriela, daan-daang kababaihan at bata ang lumalapit sa kanilang opisina na humihingi ng payo at tulong para sa legal na laban.

“Karamihan sa kanila, nagsasabing wala silang ibang mapuntahan dahil binabalewala sila ng mga opisyal ng barangay, pulis at iba pang awtoridad ng gobyerno,” ani Salvador.

Dagdag pa niya, ang ilang biktima ng mga alagad ng batas ay nananahimik na lamang at hindi na nagsasampa ng reklamo dahil sa takot na may mangyari pa na mas malala sa kanila.

“Patunay ito na desperado ang mga biktima, at hindi nila pinagkakatiwalaan ang mga awtoridad. Totoong nagaganap ang impunity on violence against women sa panahong ito ni Pangulong Aquino,” ani Salvador.

Maagkabilang panig - Kasamang humarang sa mga miyembro ng Gabriela ang isang babaeng pulis sa harap ng Korte Suprema.  Nagkataon sa Idevaw ang oral argument ng korte sa sa petisyon laban sa Edca.  Ayon sa grupong Gabriela palalain ng kasunduan ang pang-aabuso sa mga kababaihan, tulad ng nangyari kay Nicole at Jennifer Laude.  Macky Macaspac<strong

HARAPAN. Kasamang humarang sa mga miyembro ng Gabriela ang isang babaing pulis sa harap ng Korte Suprema. Nagkataon sa International Day to End Violence against Women natapos ang oral argument ng korte sa sa petisyon laban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Ayon sa Gabriela, palalain ng kasunduan ang pang-aabuso sa kababaihan, tulad ng nangyari kay Nicole at Jennifer Laude. Macky Macaspac

Annual Comparative Statistics on Violence Against Women, 2004 – 2013

Reported Cases 2004   2005 2006 2007 2008 2009 2010 2011 2012 2013
Rape 997 927 659 837 811 770 1,042 832 1,030 1,259
Incestuous Rape 38 46 26 22 28 27 19 23 33 26
Attempted Rape 194 148 185 147 204 167 268 201 256 317
Acts of Lasciviousness 580 536 382 358 445 485 745 625 721 1,035
Physical Injuries 3,553 2,335 1,892 1,505 1,307 1,498 2,018 1,588 1,744 3,564
Sexual Harassment 53 37 38 46 18 54 83 63 41 196
RA 9262 218 924 1,269 2,387 3,599 5,285 9,974 9,021 11,531 16,517
Threats 319 223 199 182 220 208 374 213 240 426
Seduction 62 19 29 30 19 19 25 15 10 8
Concubinage 121 102 93 109 109 99 158 128 146 199
RA 9208 17 11 16 24 34 152 190 62 41 45
Abduction / Kidnapping 29 16 34 23 28 18 25 22 20 23
Unjust Vexation 90 50 59 59 83 703 183 155 156 250
Total 6,271 5,374 4,881 5,729 6,905 9,485 15,104 12,948 15,969 23,865

Source: Philippine National Police – Women and Children Protection Center (WCPC)


Tears Of Grief Of Our Race

$
0
0

in the few decades of our journey
in the forest of darkness and fear
we are shadows faceless and nameless
in the books of history
we are blood poured
on the yellowish blades of grass
we are skeletons embedded
on the wall of misery
we are notes and lyrics
of sonorous, rebellious hymns
in our crying, dolorous land.

but in every falling tears of grief
induced by iniquity and greed
of the exploitative class
our conjoined, protruding veins
will wriggle on the breast
of every unfortunate
while violently gyrating
blazing petals of fire
within our seething mind
raging always are the pupils
of our eyes which have seen
the stigma of sorrow and misery
of the oppressed class.

still continuously dropping
are our race’s tears of grief
hot as smoldering iron
on the anvil of sacred dreams
the crawling tears meandering
on the peasant’s haggard face
on the worker’s scrawny breast
on the demolished shanty
beside the pungent canal
on a prostrate lean body
in the sidewalk of despair.

yes, still springing
the tears of grief of our race
from every pulsating
bleeding heart
pierced by the debasing sword
of enslaving lords
of cruelty and injustices
when will the flaming fire’s tongue
lick and dry
the emanating tears of grief
from the abysmal eyes
of our beloved land?

(My English version of my ‘Luha Ng Dalamhati Ng Lahi’)

‘Aquino, di mapagkakatiwalaan sa coco levy fund’

$
0
0
Willy Marbella ng KMP, sa koprasang bayan sa Malakanyang noong Oktubre 19 para igiit ang pagbalik ng coco levy fund (Macky Macaspac)

Protesta ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas noong nakaraang taon sa Malakanyang para igiit ang pagbalik ng coco levy fund sa mga magniniyog. PW File Photo/ Macky Macaspac

Hindi dapat ipagkatiwala kay Pangulong Aquino ang pondo ng coco levy.

Ito ang tugon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa plano ng pangulo na maglabas ng executive order para sa kontrobersiyal na pondo, matapos makipagpulong (Aquino) sa isang grupo ng mga magsasaka mula sa Davao noong Miyerkules.

Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, kung nais tulungan ng pangulo ang mga magniniyog, dapat suportahan nito ang panukalang batas na magbubuo sa isang trust fund na kasalang sa Kamara.

“Hindi mapagkakatiwalaan si Aquino. Hindi dapat ipagkatiwala ng malilit na mga magniniyog ang kanilang pera sa pamangkin ng taong pangunahing nangurakot sa pondo,” pahayag ni Mariano.

Pamangkin si Aquino ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., na dating namuno sa Philippine Coconut Authority noong panahon ng diktadurang Marcos. Sinuportahan ni Cojuangco si Aquino noong eleksiyong 2010.

Sa panahon ng batas militar ni Marcos, kinolekta bilang buwis mula sa mga maliliit na magniniyog ang coco levy fund. Kalauna’y ginamit ni Cojuangco ang pondo para makakuha ng malaking sapi sa San Miguel Corp. gayundin sa United Coconut Planters Bank.

Noong nakaraang taon, nagdesisyon ang Korte Suprema na hindi pag-aari ni Cojuangco ang perang nasa UCPB.

Pinangangambahan din ng KMP ang kasabay na planong pagbenta sa UCPB. Ayon sa KMP, malaki ang implikasyon nito sa paghahabol ng mga magniniyog sa pondo kapag ibinenta ang bangkong mula sa coco levy fund.

Sinabi pa ni Mariano na hindi raw pondo ng gobyerno ang coco levy fund.

“Pera ‘yan ng maliliit na magniniyog na puwersahang kinolekta ng diktador na si (Ferdinand) Marcos at ng tiyuhin ni Aquino (na si Cojuangco),” giit ni Mariano.

Sabi naman ni Nestor Villanueva, tagapagsalita ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (Claim) na walang pinag-iba sa presidential decree ni Marcos ang planong executive order ni Aquino.

“Hindi namin tatanggapin ang kahit anong executive order. Bibigyan lang nito ng awtoridad si Aquino na dambungin ang pondo,” pagtatapos ni Villanueva.

Panawagan nila na kung totoong seryoso si pangulong Aquino na tulungan ang mga maliliit na magniniyog, dapat daw suportahan nito ang panukalang batas ng Anakpawis, ang House Bill House Bill 1327 o Genuine Small Coconut Farmer’s Trust Fund na isinampa ni Rep. Fernando Hicap noon pang Hunyo 2013.

“Kung talagang interes ng mga maliliit na magniniyog at industrya ng pagniniyog ang nasa isip ni Aquino, ibigay niya ang buong suporta niya sa pagpasa ng batas. Layunin naman nito na ibalik sa totoong nagmamay-ari ang coco levy fund,” sabi ni Hicap.

Larawan | Mamamayan ng Mindanao nangangalampag sa Maynila

$
0
0
Salubong
Nagsalubungan ang mga pambansang lider-progresibo tulad ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Luz Ilagan at mga pinuno rin ng Manilakbayan ng Mindanao, na mahigit isang linggo nang bumibiyahe mula Mindanao. Macky Macaspac
S.O.S.
Pagtatanghal ng mga batang Lumad para ipanawagan ang pagsagip sa kanilang mga eskuwelahan na kinahampuhan ng mga militar sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Macky Macaspac
'Tunay na kapayapaan'
Sa harap ng tanggapan ng malalaking kompanya ng mina, nanawagan ang mga batang kalahok sa Manilakbayan at Save Our Schools (SOS) Network ng "tunay na kapayapaan" sa Mindanao. Kontribusyon
Ritwal
Nagsagawa ng ritwal na pag-alay ng manok at babuy-ramo ang mga Lumad pagtapak sa Mendiola, Manila para anila'y itaboy ang "masasamang espiritu." Boy Bagwis
Kontra masasamang espiritu
Ritwal na pag-alay ng babuy-ramo para itaboy ang 'masasamang espiritu'. Macky Macaspac
Kinatay
Macky Macaspac
Dugo sa patalim
Ipinakita ng isang katutubong lider ang patalim niyang may dugo ng baboy na inialay sa ritwal. Boy Bagwis
Katutubong kababaihan
KR Guda
Laban sa karahasan sa kababaihan
Nakilahok ang ilang Lumad sa pagsayaw ng One Billion Rising sa Maynila bilang pahayag ng pagtutol sa karahasan sa kababaihan. KR Guda
Kawalang-hustisya
Nagpiket din ang mga "Manilakbayani" sa Department of Justice para ihayag ang pagtutol sa pagsampa ng mga kaso laban sa progresibong mga lider tulad ni Genasque Enriquez. Karapatan photo/Contribution
Kontra-militarisasyon
Noong Nob. 26, nagpiket ang mga Lumad at mamamayan ng Mindanao sa harap ng General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines para kondenahin umano ang pananakop at pang-aabuso ng mga yunit ng militar sa kanilang mga komunidad. Arkibong Bayan
Kalampag sa US embassy
Kabilang sa mga panawagan ng mga katutubo ang pag-alis ng mga tropang Amerikano, na umano'y sumasama sa mga operasyong militar ng AFP sa kanilang mga komunidad. Naggiit silang makalapit sa embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. Elijah Rosales
Lumad sa Maynila
Isang katutubong Lumad habang nagdadaan ang martsa sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila. Elijah Rosales
Kontra-pandarambong
Tutol ang mga Lumad sa pagmimina at iba pang proyektong nandarambong ng likas yaman sa kanilang katutubong lupain. Elijah Rosales

Pagkai’t kapayapaan.

Ito ang simpleng hiling ng mga mamamayan ng Mindanao na kinatawan ng mahigit 300 Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao. Naglakbay sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa teror ng iba’t ibang yunit ng militar. Target din ang kanilang mga lupain ng agresyon ng iba’t ibang malalaking kompanya ng mina at agricorporations.

Tinatayang may 55 combat battalions na nakapakat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao. Ibig sabihin, halos 60 porsiyento ng mga puwersa nito ay nakatutok sa mga lugar sa isla na ayon dito’y may malakas na presensiya ng paglaban ng New People’s Army. Pero ayon sa maraming grupong pangkarapatang pantao at katutubo, ang nabibiktima ng mga operasyong militar ay kalimitang ordinaryong mga mamamayan–sibilyang mga komunidad na lumalaban sa agresyon, pananakop at panunupil.

Sa taong 2014 lang, may 12 nang insidente ng paglikas ng mga komunidad ng Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Dahil ito sa pananakop ng militar sa kanilang mga komunidad. Nakaapekto ito sa 1,112 pamilya o 4,736 katao. Naging pang-araw-araw na pangyayari na ang mga pagbomba, shelling at pamamaril sa mga bahay at bukid na nagdulot ng paglikas o, mas masahol, pagkamatay ng maraming inosenteng sibilyan.

Kasabay nito, laganap ang pagsampa ng “gaw-gawang mga kaso” laban sa progresibong mga lider sa Mindanao. Kasama na rito ang lider-Manobo mula sa Surigao del Sur na si Genasque Enriquez, na nanguna sa Manilakbayan noong 2012.

Nasa Maynila sila, ayon sa mga lider ng Manilakbayan ngayon, para malaman ng mas maraming bilang ng mga mamamayan ng bansa ang nangyayari ngayon sa Mindanao.

‘Gobyerno, lumalabag sa karapatan ng katutubong kababaihan’

$
0
0
    Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola para iparating ang nararanasan sa ialim ng administrasyong Aquino. <b>Pher Pasion

Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola para iparating ang kanilang mapait na karanasan sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion

Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola sa Maynila para tutulan ang mga paglabag ng administrasyong Aquino sa kanilang mga karapatan sa lupaing ninuno.

Pinangunahan ng BAI, alyansa ng katutubong kababaihan, ang pagkilos na bahagi 16 na araw na pagkilos para wakasan ang karahasan sa kababaihan.

“Sila’y nasasalanta ng mga proyektong ‘pangkaunlaran’ kaakibat ng malawakang military operations. Sa mga katutubo sa Mindanao, nagpapatuloy ang paglikas ng kanilang pamilya kung kaya narito sila para ipahayag ang nangyayari sa Mindanao na gutom at kawalang kapayapaan,” ayon kay Kakay Tolentino, miyembro ng tribong Dumagat at national coordinator ng BAI.

Ayon kay Tolentino, gobyerno ang pangunahing lumalabag sa kanilang mga karapatan bilang katutubong kababaihan.

Pananakop

Ayon sa grupo, isa sa problemang kinakaharap ng katutubo ang kontra-insurhensyang polisiyang Oplan Bayanihan. Dahil sa tumitinding pananakop ng militar sa kanilang lugar, may sari-saring paglabag sa karapatan ng katutubo ang nagaganap.

Halimbawa nito ang naging pagpatay diumano ng 27th Infantry Batallion ng Philippine Army kina Juvy Capion at dalawa niyang anak noong Oktubre 18, 2012 sa Sityo Datal-Alyongm Barangay Danlag, Tampakan.

Nauna nang itinanggi ng militar ang akusasyon at sinabing engkuwentro ang nangyari sa pagitan nito at mga rebelde.

Aktibo sa paglaban sa operasyon ng Xstrata-Sagittarius Mines Inc (SMI) ang asawa ni Juvy na si Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan.

Sa kasalukuyan, nasa 46,000 hanggang 50,000 puwersang militar o tinatayang 60 porsiyento ng kabuuang lakas ng AFP ang inilagay sa Mindanao.

Sayaw sa dugo. Ganito simbolikong sumayaw ang mga katutubong kababaihan na may pinturang pula sa paa bilang simbolo ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>

Sayaw sa dugo. Ganito simbolikong sumayaw ang mga katutubong kababaihan na may pinturang pula sa paa bilang simbolo ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion

Ayon sa BAI, may 50 pamamaslang sa katutubo na gawa diumano ng AFP at mga grupong paramilitar ngayong panahon ni Pangulong Aquino. Sa 50 napaslang, anim ang katutubong kababaihan at pito naman ang katutubong bata.

“Magdudulot lang ng mas higit pang pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao ng katutubo at iba pang sektor ang militarisasyon sa Mindanao. Ginawang warzone ni Aquino ang isla sa halip na itulak ang tunay na kapayapaan sa Mindanao,” ayon kay Tolentino.

Kaunlaran sa iilan

Para sa BAI, malaki ang pananagutan ng administrasyong Aquino sa karahasang nararanasan ng kababaihang katutubo dahil sa mga polisiyang pang-ekonomiya nito.

Halimbawa dito ang pagpapasok ng administrasyong Aquino sa malalaking multi-nasyunal na kompanya ng mina na sumisira sa kalikasan at nagtataboy sa katutubo mula sa kanilang lupaing ninuno.

Hindi rin maihihiwalay ang militarisasyon sa operasyon ng large-scale mining sa bansa.

Ayon pa sa BAI, hindi bababa sa 100,000 katutubo mula sa 39 na tribo sa buong bansa ang maitataboy sa kanilang mga lupain o mawawalan ng kanilang kabuhayan dahil sa pagmimina sa mga lupaing katutubo.

“Ang malalaking negosyong ito na large-scale mining ang kalakhan ay sumisira sa pang-ekonomiyang sitwasyon ng mga komunidad ng katutubo. Dahil ang pagpapakain at pag-aalaga sa pamilya ay pasan-pasan ng katutubong kababaihan, sila ang pangunahing tinatamaan ng pagkawala ng kanilang lupain at kabuhayan,” ani Tolentino.

Para naman kay Gemma Danan ng Central Luzon Aeta Association (CLAA), hindi pag-unlad ang mga proyekto ng gobyerno tulad ng Balog-Balog Dam sa Tarlac dahil naaagawan ang katutubo ng lupaing sinasaka.

“Ibigay sa katutubo ang lupa dahil ang lupa’y siyang yaman na (aming) ibibigay sa aming salinlahi,” ani Danan.

Kinakaharap din nila ang pangangamkam sa lupa ng malalaking kompanya na kasosyo ng mga dayuhan gaya ng Aboitiz Power Plant sa Porac, Pampanga.

“Sa araw na ito, ang katutubong kababaiha’y bumabangon para sa hustisya. Hinaharap natin ang militarisasyon sa ating komunidad at paglabag sa ating mga karapatang pantao. Naghihirap tayo at walang matirhan dahil sa pandarambong sa ating mga lupaing ninuno. Ito ang pinakamalalang porma ng karahasan laban sa katutubong kababaihan na dapat wakasan,” pagtatapos ni Tolentino.

 

Inisyal na tagumpay para sa kanilang karapatan, nakamit ng immigrants sa US

$
0
0
Rali ng iba't ibang grupo ng mga Pilipino sa US. Mula sa <b>Nafcon FB account</b>

Rali ng iba’t ibang grupo ng mga Pilipino sa US. Mula sa Nafcon FB account

Resulta ng sama-samang pagkilos laban sa kriminalisasyon ng di-dokumentadong mga immigrant at migrante sa Estados Unidos (US) ang bagong lagdang Executive Action on Immigration dito.

Ito ang sabi ng Migrante International matapos lagdaan ni Pang. Barack Obama ng Estados Unidos (US). Pero ayon sa grupo, simula pa lamang ito ng laban para sa ganap na pagkilala sa karapatan ng immigrants at migrante, kabilang ang mga Pilipino, sa US.

Inanunsiyo ni Obama noong Nob. 20 ang naturang Executive Action na nagpapataw ng “istriktong mga rekisito” para di-madeport ang di-dokumentadong mga indibidwal mula sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Dahil sa mga limitasyon ng aksiyon ni Obama, pili lang ang maaaring makinabang dito, ayon sa Migrante.

Kikilalanin lang ng ng Executive Action ang isang immigrant sa US kapag pasok sa sumusunod na mga pamantayan: nanirahan siya sa bansa sa loob ng limang taon; ang mga anak ay mga mamamayan na ng US; pasado siya sa criminal background check; at sang-ayon siyang “magbayad ng karampatang buwis.”

“Tumugon si Obama sa ilan taon nang iginigiit ng ating komunidad, pero ang executive order na ito ay pansamantala lang at malayo para maging sapat. Dapat nating ipagpatuloy ang pagtulak sa relief na kailangan ng ating mga komunidad,” pahayag sa wikang Ingles ni Terrence Valen, presidente ng National Alliance for Filipino Concerns, o Nafcon, sa US.

Iginigiit ng maraming grupo ng mga immigrant, pati ng Nafcon at Migrante International ang panawagang “Legalization for All” o paglelegalisa ng lahat ng di-dokumentadong mga immigrant na natulak lang na pumunta sa US dahil sa krisis (pang-ekonomiya man o pulitikal) sa kanilang bansa.

Sa panawagang legalisasyon para sa lahat, di-batayan ang haba ng panahon na paninirahan, affiliation, o pang-ekonomiyang kalagayan ng indibiduwal para kilalanin ang legal na karapatan sa ilalim ng batas ng US ng immigrant o migrante.

Walang tao na ilegal. Ang pagiging di-dokumentado ay di-kailanman dahilan para pagkaitan ng batayang karapatang pantao,” sabi pa ng Migrante.

Tinutugunan ng mga di-dokumentadong manggagawa mula sa ibang bansa ang pangangailangang lakas-paggawa ng US. Sila rin umano ang pinaka-bulnerable sa pagsasamantala at mardyinalisasyon.

Malaki ang ambag nila sa mga ekonomiya ng host countries sa pamamagitan ng kanilang lakas-paggawa, palitang kultural, pang-ekonomiyang pangkonsumo, at pagbayad ng buwis sa pamamagitan ng mga bayarin, yutilidad at pamimili,” sabi pa ng Migrante.

Panandalian lang ang Executive Action at magiging epektibo lang sa isang takdang panahon sa 2015, kaya panawagan ng Migrante na magmatiyag ang mga immigrant at migrante sa US at maging sa ibang bahagi ng mundo.

 

Pagsagip sa kanilang mga pangarap

$
0
0
Nagprotesta ang mga batang Lumad sa harap ng Central Office ng Department of Education kasama ang SOS Netwrok at mga guro ng Alliance of Concerned Teachers. Panawagan nilang ibasura ng kagawaran ang DepEd Memo 221 na nagpapahintulot sa militar na pumasok sa kanilang eskuwelahan.  <strong>Macky Macaspac</strong>

Nagprotesta ang mga batang Lumad sa harap ng Central Office ng Department of Education kasama ang SOS Netwrok at mga guro ng Alliance of Concerned Teachers. Panawagan nilang ibasura ng kagawaran ang DepEd Memo 221 na nagpapahintulot sa militar na pumasok sa kanilang eskuwelahan. Macky Macaspac

Gaya ng karaniwang mga bata, may mga pangarap din si Jasmin Loyod, 15, katutubong Manobo ng Talaingod, Davao del Norte. Gusto lang niyang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya at mga katribu.

“Gusto kong maging guro. Gusto kong turuan ang mga batang mahihirap na katulad ko,” sabi niya. Mahiyain si Jasmin. Pero sa entablado, malaya niyang naihahayag ang saloobin at adhikain para sa sarili, pamilya at katribu.

Sa entablado, umaarte si Jasmin para ihayag ang simpleng pangarap ng tribu na mamuhay nang mapayapa. Pero gahiganteng hamon ang kanilang sinusuong ngayon. Dahil sa matagal na pagpapabaya ng gobyerno, matindi ang kahirapan at kawalan ng serbisyong panlipunan sa kanilang lugar. “Sa amin, kailangang magtrabaho para mabuhay,” aniya.

May sariling pagsisikap na ang kanilang tribu at mga tagasuporta para makamit ang simpleng mga pangarap. Pero may malalang problema sila na kinakaharap ngayon: ang pananakop sa kanilang komunidad ng mga puwersang militar — na tumutugis daw sa mga rebelde pero sila pang mga sibilyan ang nabibiktima.

Hinamon ng mga batang Lumad si Sek. Armin Luistro na tugunan ang kanilang reklamo.  Ilang ulit na daw silang nakikipag-usap pero hindi humaharap ang kalihim at mga undersecretary lamang ng Dep-ed ang nakikipag-usap. at hindi naman natutugunan ang kanilang mga reklamo. Macky Macaspac

Hinamon ng mga batang Lumad si Sek. Armin Luistro na tugunan ang kanilang reklamo. Macky Macaspac

Alternatibong paaralan

Bahagi si Jasmin ng grupo ng 12 estudyante at guro mula sa Salugpongan Ta’Tanu Igkanugon Community Learning Center, Inc. (Salugpongan, para mas maiksi) na lumuwas ng Maynila para sa isang cultural caravan.

Bahagi rin sila ng Manilakbayan ng Mindanao na binubuo ng mahigit 300 katutubo na naglakbay para iparating sa gobyerno at publiko ang kanilang panawagang “Food and Peace in MindaNow”.

Sa pamamagitan ng pagtatanghal, gusto ng mga batang Manobo na ipabatid sa mas nakakarami ang kalagayan nila. Kahit di sila propesyunal na mga artista, banaag sa kanilang pagtatanghal ang buhay at pakikibaka ng tribung Manobo.

Sa kanilang pagtatanghal, ipinakita ng mga batang Manobo ang pananakop ng militar sa kanilang mga eskuwelahan, tulad ng paaralan ng Salugpongan.

Sinikap tugunan ng mga paaralang tulad ng Salugpongan ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga katutubo. Malayo sa sentro ang kanilang mga komunidad, at tila kinalimutan na sila ng gobyerno. Ayon sa Save Our Schools Network (SOS Network), kalipunan ng mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pambata, matagal nang napabayaan ang edukasyon ng mga katutubo. Katunayan, siyam sa bawat 10 batang Lumad ang di nakakapasok sa eskuwelahan.

Sabik na makapag-aral ang mga batang Manobo tulad ni Jasmin at ang estudyanteng si Roland Dalin, 15, na nasa Grade 8 din. “May subject kami na science, math, values education at iba pa,” kuwento ni Roland tungkol sa mga pinag-aaralan nila sa Salugpongan.

Sa Memorandum No. 62 (Series of 2011) nito, binuo ng Department of Education ang National Indigenous People’s Education Policy Framework. Dito, kinilala raw ng DepEd ang kakulangan sa basic education ng mga katutubo. Hinikayat nito ang paglulunsad ng mga proyektong pang-edukasyon sa katutubo ayon sa balangkas ng “Education for All” at Millenium Development Goal 2015 ng gobyerno.

Ngayong taon, naglabas ang DepEd ng Memorandum No. 21, na kumikilala sa pagtatayo ng non-government organizations at pribadong mga institusyon ng alternatibong mga eskuwelahan. Naglaan pa ng milyun-milyong badyet ang DepEd para suportahan daw ang mga ito.

Pero bago pa ang memo ng DepEd, nagtayo na ng sariling eskuwela ang mga Manobo. Sa suporta ng Rural Missionary of the Philippines, nailunsad ang mga programang pang-edukasyon tulad ng Salugpungan. Ayon kay Kerson Fanagel, kagawad nito, aabot na sa 100 eskuwela ang kanilang naitayo. Umabot sa 28 ang elementarya, kasama na ang pre-school at lima ang hayskul. Sa Talaingod, may 12 eskuwelang naitayo. Sariling pondo ng mga organisasyon ang nagpapatakbo sa mga ito.

“Fully accredited sa DepEd ang mga eskuwelahan namin mula 2007,” sabi ni Fanagel. Matatagpuan na ang mga eskuwela ng Salugpongan sa apat na probinsiya at isang lungsod.

Bukod sa eskuwelahan ng Salugpungan, may iba pang eskuwela na itinayo ang iba pang progresibong organisasyon. Kabilang dito ang Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev) at Tribal Filipino Program na kapwa nasa Surigao del Sur, gadyundin ang B’laan Literacy School and Learning Center sa Saranggani. Aabot sa halos 200 alternatibong paaralan na ang itinayo para sa katutubong mga Lumad ngayon.

“Ang alternative schools na ito ay naitayo sa pagtutulungan ng mga katutubo, non-government organizations at institusyong simbahan dahil na rin sa kakulangan ng serbisyo sa edukasyon,” ani Madella Santiago, social worker at tagapagsalita ng SOS Network.

Sinabi ni Mabelle Historia, guro ng Salugpongan, ipinapatupad nila ang kurikulum ng K-12 (Kindergarten + 12 years) ng DepEd. Pero bukod sa siyam na asignatura, idinagdag nila ang sabdyek hinggil sa sustainable agriculture. “Itinuturo namin ang iba’t ibang paraan ng pagtatanim. May demo farm kami na pinagkukunan ng kakainin ng mga bata, guro at staff ng Salugpongan,” aniya.

Libre umano ang pag-aaral sa alternative schools na ito. “Ang hayskul namin, ang may boarding. Isang beses lang sa isang buwan umuuwi ang mga bata; sagot ng eskuwelahan ang gastusin nila kasama na ang personal toiletries,” ani Historia.

Sa kabila ng magandang layunin ng alternatibong mga eskuwelahang ito, napag-iinitan sila ng militar. Binabansagan ang mga paaralang ito na paaralan daw ng rebolusyonaryong New People’s Army.

“Sabik matuto ang bata, at talagang isinasabuhay nila ang kanilang natutunan. Kaya lang laging may takot sa kanila. Kahit sa aming mga guro,” sabi pa ni Historia.

“Sa totoo, ginagawa namin ang trabaho ng pagbigay ng edukasyon sa mga komunidad ng Lumad na di ginagawa ng gobyerno. Naniniwala kasi kami na dapat na may pag-asa (na makapag-aral) ang bawat batang Pilipino, lalo na iyung mga bata na nakatira sa liblib na mga lugar,” sabi ni Arlene Perez, istap ng Center for Lumad Advocacy and Services (Clans) na may dalawang eskuwelahan para sa tribung B’laan.

Atake sa edukasyon

Kamakailan, naantala ang pag-aaral nina Jasmin at Roland dahil sa presensiya ng mga militar sa kanilang komunidad. Ganito rin ang nararanasan ng iba pang estudyanteng Lumad sa ibang bahagi ng Mindanao at maging sa iba pang probinsiya sa bansa.

Gusto nina Jasmin na makapagtapos ng hayskul. Pero namamayani sa ilan ang takot. “Paano kami makakapag-aral nang mapayapa at makakatulong sa aming magulang at komunidad kung nariyan lagi ang militar na nagkakampo sa aming paaralan?” tanong ni Roland.

Ayon sa SOS Network, taliwas sa “Education for All” ng gobyerno ang nagaganap sa mga alternatibong eskuwelahan ng katutubo. Sa rehiyon ng Southern Mindanao, may 39 nang kaso na naitala ang grupo, ani Santiago.

"Laging naantala ang aming pag-aaral kapag pumapasok ang mga sundalo.  Natatakot lagi kami,  kasi pinagbibintangan kaming mga rebelde," sabi ni Jana. 15, estudyante mula sa Compostela Valley.  Macky Macaspac

“Laging naantala ang aming pag-aaral kapag pumapasok ang mga sundalo. Natatakot lagi kami, kasi pinagbibintangan kaming mga rebelde,” sabi ni Jana. 15, estudyante mula sa Compostela Valley.   Macky Macaspac

Kamakailan, sinunog ng mga grupong paramilitar ang isang eskuwelahan ng katutubo sa Surigao del Sur. Lumikas ang mahigit 1,000 katutubong Lumad, karamiha’y bata.

Sabi nga ni Perez ng Clans, sampal sa Millenieum Development Program 2015 ng gobyerno ang pag-atake ng militar sa alternatibong mga paaralan. “Layunin ng MDG 2015 na lahat ng bata ay nasa eskuwelahan at nag-aaral. Ano’ng nagyayari ngayon sa mga batang katutubo?” aniya.

Ayon sa SOS Network, dahil sa pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa Oplan Bayanihan, maraming bata ang napipinsala. Sa tala ng Children’s Rehabilitation Center, mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2014 ay may 52 kaso ng pag-atake ng militar sa mga eskuwelahan sa buong bansa.

Sinabi pa ng grupo na sa halip na proteksiyunan ng DepEd ang mga eskuwelahan, naglabas pa ito ng Memorandum No. 221 , Series of 2013 (Guidelines on the Protection of Children During Armed Conflict) na naging lisensiya ng militar para labagin ang karapatan ng mga bata.

Gabay daw ang Memo 221 ng mga opisyal ng mga eskuwelahan at suprebisor ng DepEd kung paano harapin ang militar na pumapasok o gumagamit sa mga eskuwelahan. Nakasaad din sa memo na kailangang humingi ng pahintulot ang yunit ng militar sa mga opisyal ng eskuwelahan bago gamitin o magsagawa ng anumang aktibidad dito.

Pero sa karanasan ng mga opisyal at guro ng mga eskuwelahang Lumad, walang pahintulot mula sa kanila ang paggamit o pagkakampo ng militar.

Sabi nga ni Anabel Campos, isang guro ng Alcadev, na may siklo na ang panghaharas at pag-okupa ng militar sa kanilang kampus sa Diatagon at Lianga, Surigao del Sur: “Mula 2005, paulit-ulit na ang panankot at pagkampo nila sa aming komunidad at eskuwelahan. Kung ang hinahanap nila’y NPA, bakit sila nandoon sa eskuwelahan. Kaming mga guro at aming mga estudyante ang tinatakot at sinasabihan pa na NPA,” aniya.

Nagpalabas din ng hiwalay na direktiba ang AFP batay sa Memo 221 ng DepEd: ang AFP Directive 25 or Guidelines on the Conduct of AFP Activities Inside or Within the Premises of School or Hospital. Nakasaad dito na hindi puwedeng maglunsad ng combat operation sa loob o malapit sa mga paaralan. Pero puwede raw magkaroon ng “civil military operations” sa balangkas ng Oplan Bayanihan.

Layunin daw ng Memo 221 at Directive 25 na proteksiyunan ang mga bata at pagtupad sa umiiral na mga batas kasama na ang pandaigdigang mga kasunduan tulad ng UN protocols.

Pero ayon sa SOS Network, parehong malabo ang dalawang memo. Taliwas din ito sa mga batas at kasunduan. “Inilalagay nito sa panganib ang mga bata. Binigyang lisensiya ng DepEd ang AFP na atakehin ang mga paaralang nasa mga komunidad na pinaparatangang tagasuporta ng NPA,” sabi ni Santiago.

Patunay daw na iba ang intensiyon ng Memo 221 at Directive 25 kung susuriin ang mga kasong kinasasangkutan ng militar.

Dagdag pa ng grupo, hindi lamang sa mga paaralang Lumad nagaganap ang pag-okupa sa mga paaralan. Nangyari din ito sa Lacub, Abra at Sadanga, Mountain Province sa Kordilyera, gayundin sa Maragondon, Cavite na mga pampublikong eskuwelahan ng gobyerno at simbahan.

Tugon ng DepEd

Sa diyalogo sa pagitan ng SOS Network at DepEd noong Nobyembre 28, ipinarating ng mga katutubong Lumad ang kanilang kahilingan.

Una na rito ang agad na pagbasura sa Memo 221. Pangalawa, maglunsad ng imbestigasyon sa mga kasong ipinarating nila sa kagawaran at parusahan ng DepEd ang mga nasasangkot na mga yunit militar. Panghuli, magbigay proteksiyon ang ahensiya sa mga paaralan ng katutubo.

Pero sa halip na matuwa ang grupo, nadismaya sila sa naging tugon ng DepEd. Bukod sa hindi humarap si Sek. Armin Luistro, pinakinggan lang ni Tonisito Umali, assistant secretary for legal and legislative affairs, ang testimonya ng mga guro, istap ng mga eskuwelahan at batang Manobo.

Walang malinaw na tugon si Asec. Tonisito Umali sa panawagan ng mga katutubo na nakipagdayalogo sa Dep-Ed.   Macky Macaspac

Walang malinaw na tugon si Asec. Tonisito Umali (kanan) sa panawagan ng mga katutubo na nakipagdiyalogo sa DepEd. Macky Macaspac

Sinabi ni Umali na hindi raw pinapahintulutan ng kagawaran ang mga militar na okupahin ang mga paaralan. “Kahit kailan, wala pong patakaran ang ating kagawaran na nagpapahintulot sa mga militar na magtayo ng kampo sa ating paaralan,” sabi ni Umali.

Ipinagmalaki naman ni Umali na hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin at gumagawa raw sila ng aksiyon hinggil sa mga pag-abuso ng militar. “Alam ninyo po, lahat po ng mga ulat ninyo, iniimbestigahan namin agad-agad,” ani Umali. Binanggit pa niya na inaksiyunan daw ng kagawaran ang pinakahuling insidente ng okupasyon ng militar sa Sityo Nasilaban, Brgy. Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte na naganap noong Abril 2014 at pinaalis daw nila ang militar.

Pinabulaanan naman ito ni Fanagel at sinabing hanggang sa kasalukuyan, nanatili pa rin doon ang militar.

Sinabi din ni Umali na gumawa na ng sulat ang isang undersecretary ng DepEd hinggil sa mga reklamong ipinaabot ng SOS. Pero wala namang maipakitang dokumento si Umali. Giit pa niya na hindi raw basta-bastang mababasura ang Memo 221 dahil hindi daw layunin ng memo na magbigay ng awtorisasyon sa mga militar na gawing kampo ang mga eskuwelahan.

(That) is to regulate activities of military, and very clearly military presence, combatant cannot enter our schools,” ayon kay Umali.

Pero iginiit naman ng SOS na nangyayari ang mga pagkakampo at pag-abuso ng militar sa mga komunidad ng katutubo. Ayon pa sa grupo, ikaapat na beses na silang nakikipagdiyalogo, mula pa noong 2012, sa punong tanggapan ng DepEd at isinusumite ang mga reklamo. Pero lalong dumami ang kaso ng paglabag nang ipalabas ang memo.

“Sa halip na tugunan ang mga reklamo ng SOS, lalong tumindi, dumami ang mga kaso ng pag-okupa sa mga eskuwelahan. Sa halip na tugunan ang mga reklamo, Memo 221 ang tugon ng DepEd,” sabi ni Santiago.

Sa kanilang mga pagtatanghal, inihahayag nina Jasmin at Roland ang munti nilang mga pangarap. Pero dito, sa ngayon, inihahayag din nila ang pinaka-kagyat nilang hiling: ang mapaalis sa kanilang mga lugar ang militar at maipagpatuloy ang pag-aaral sa isang mapayapang komunidad.

 

Photo | Women’s groups light lanterns to honor women rights defenders

$
0
0
Macky Macaspac

Lanterns bear the call to for justice for all women human rights defenders as well as specific women activists like political prisoner Wilma Tiamzon as well as slain freedom fighter Recca Monte, among others.  Macky Macaspac

Filipino women’s groups lighted lanterns as a symbolic act to call for “justice for all women human rights defenders in Southeast Asia”.

The activity was initiated by an international network women’s rights advocates, JASS (Just Associates) in the Philippines, who said that it would like to make a statement against militarism that thrives in Southeast Asia.

“Every traditional and pro-capitalist government in the region sees opposition to its policies and programs as subversion and threats to its power. People who assert their rights are considered as enemies of the state. Southeast Asian governments, as if in one stroke wreak havoc against their people through massive militarization and human rights violations,” Jass stated.

The lanterns bore their calls for justice as well as names of women human rights defenders in the Philippines as well as in Southeast Asia.

The group also calls for the immediate release of political prisoners Marcion Montajes, Andrea Rosal, Miradel Torres, Wilma Tiamzon among others. They also call for the release of women political prisoners Kong Channtha in Cambodia and Eva Susanti Bande in Indonesia.


Larawan | Pag-alis ng militar sa kanilang lupain, muling hiniling ng mga lider-Lumad mula Mindanao

$
0
0
Sa isang press conference sa kanilang kampuhan sa Liwasang Bonifacio, Maynila, muling nananawagan ang mga lider-Lumad ng Manilakbayan ng Mindanao sa 55 batalyon ng militar na umalis na sa kanilang mga komunidad at itigil ang pagpoprotekta sa pamanira at malawakang pagmimina ng dayuhang mga kompanya. Nagdudulot umano ang militarisasyon ng malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao katulad ng pagpatay sa mga sibilyan, pananakot, pagkampo sa mga eskuwelahan at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider nila. Mula kaliwa: Datu Indao, Gemilo, Datu Guaynon, Lantao at Aba. <b>Boy Bagwis</b>

Sa isang press conference sa kanilang kampuhan sa Liwasang Bonifacio, Maynila, muling nananawagan ang mga lider-Lumad ng Manilakbayan ng Mindanao sa 55 batalyon ng militar na umalis na sa kanilang mga komunidad at itigil ang pagpoprotekta sa pamanira at malawakang pagmimina ng dayuhang mga kompanya. Nagdudulot umano ang militarisasyon ng malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang pantao katulad ng pagpatay sa mga sibilyan, pananakot, pagkampo sa mga eskuwelahan at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider nila. Mula kaliwa: Datu Indao, Gemilo, Datu Guaynon, Lantao at Aba. Boy Bagwis

‘Tuloy ang rebolusyon ni Bonifacio’

$
0
0
Tableau
Sa harap ng estatwa ni Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio, Maynila, nagtanghal ang ilang aktibista para ipakita ang anila'y nagpapatuloy na paglaban para sa tunay na pagbabago na pinasimulan ng Supremo. Darius Galang
Binoy bilang Supremo
Nakiisa ang aktor na si Robin Padilla sa mga nagrali sa araw ni Bonifacio. Gumanap si Padilla bilang Gat Andres sa isang pelikula hinggil sa buhay ni Bonifacio na ipapalabas sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre. Macky Macaspac
'Tunay na rebolusyonaryo'
Nagpalitrato si Robin Padilla kasama ang mga lider-progresibo na ayon sa kanya'y "mga tunay na rebolusyonaryo" na ikinararangal niyang makaharap noon. Macky Macaspac
'Patalsikin si Aquino'
Bahagi ng panawagang tunay na pagbabago ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino mula sa puwesto, ayon sa mga demonstrador. Macky Macaspac
Ka Satur bilang Katipunero
Ang beteranong aktibista at dating mambabatas na si Satur Ocampo, na nakabihis-Katipunero. Pher Pasion
'Ikaapat na henerasyon'
Sinabi ni Satur Ocampo, sa kanyang talumpati, na ang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryo at aktibista ay ang ikaapat na henerasyon mula nang ilunsad ang "bagong tipo" ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa pagtatag ng Kabataang Makabayan noong 1964. KR Guda
Martsa patungong Mendiola
Pagkatapos ng programa sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa ang libu-libo patungong Mendiola. Pher Pasion
Sagip-eskuwela
Kasama sa mga nagmartsa ang mga kabataang Lumad mula sa Save Our Schools Network at Manilakbayan ng Mindanao. Macky Macaspac
'Tuta ng Kano'
Noong rebolusyon ni Andres Bonifacio, nilabanan ng Katipunan ang mga dayuhang mananakop. Ngayon, "imperyalismong US" at lokal na naghaharing uri ang pinababagsak ng kasalukuyang rebolusyon, ayon sa mga nagprotesta. Pher Pasion
Kasama ang LGBT
Kasama sa mga nagmartsa ang mga miyembro ng komunidad ng Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender o LGBT sa ilalim ng grupong Kapederasyon. KR Guda
Pamana ni Bonifacio
Diwang makabayan sa bagong salinlahi umano ang pamana ng Supremo. Darius Galang
Panawagan ng Obrero
Bitbit ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno ang panawagang National Minimum Wage na P16,000 kada buwan sa mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor. Pher Pasion
Tagapagmana ng rebolusyon
Pinangunahan ang martsa ng mga lider-progresibo na anila'y mga tagapagmana ng pagtataguyod ng tunay na pagbabago na pinasimulan ni Bonifacio. Macky Macaspac
Paparating sa Mendiola
May hawak na mga tanglaw, nakarating ang martsa sa Mendiola. Darius Galang
Kuha ni KR Guda
Likhang sining na pamprotesta
Likhang sining na ginawang balatengga sa footbridge sa tapat ng Mendiola. Shannen Gasga
Bagong social-realism
Mural na nagpapakita ng paglaban sa imperyalismo at iba pang 'salot sa lipunan'. Shiela Gasga
Manilakbayan
Nakiisa ang mga kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao sa protesta sa Araw ni Bonifacio. Darius Galang
Kuha ni Pher Pasion

“Ikinararangal kong makaharap ang mga tunay na rebolusyonaryo.”

Ito ang sabi ng aktor na si Robin Padilla nang humarap siya sa humigit-kumulang 8,000 katao na nagtipon at nagprotesta sa Liwasang Bonifacio para sa ika-151 araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Mensahe ng mga nagprotesta: buhay ang diwa ng dakilang Supremo sa mga mamamayang lumalaban para sa “tunay na pagbabago”.

Suot ang umano’y damit ng Ama ng Rebolusyong Pilipino na binigyang-buhay ni Padilla sa kanyang bagong pelikula, binigkas ng aktor ang Kartilya ng Katipunan. Ito ang 14 na talata na isinulat ng noo’y kabataan na si Emilio Jacinto. Para kay Padilla at sa mga nagprotesta, buhay pa rin ang mga aral na ito para sa kanilang nagpapatuloy ng rebolusyong Pilipino.

“Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Sapagkat ngayong araw na ito, bubuhayin natin ang Katipunan!” hiyaw ni Padilla.

Pag-asa ng rebolusyon

“Ngayon ang kaarawan ni Andres Bonifacio na siyang namuno ng unang pambansa-demokratikong rebolusyon sa Asya, na inunsiyami ng pakikialam ng pagsulpot ng imperyalismong Amerikano,” maiksing baybay ni Satur Ocampo sa ambag ni Bonifacio sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Ocampo na “inagaw ang tagumpay ng rebolusyon ng Katipunan, at ibinalik iyong mga binawing lupa mula sa mga prayle at kaharian ng Espanya.” Kaya hanggang ngayon, tinatawag na pakikibakang anti-piyudal at pakikibakang para sa repormang agraryo at paglaban sa imperyalimong US ang nagpapatuloy na rebolusyon.

“Magkasabay sumulpot ang Amerika bilang imperyalistang kapangyarihan sa paglunsad ng rebolusyong Pilipino,” pagpapatuoy ni Ocampo sa kahalagahan ng umusbong na rebolusyon na aniya’y magpapabagsak sa mapang-aping sistema.

Nagsalita para sa mga delegado ng Manilakbayan ng Mindanao si Rev. Pio Mercado ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP. Aniya, tinitignan ng mga taga-Mindanao ang buhay ni Bonifacio bilang hamon at inspirasyon kung papaano isulong ng uring anakpawis ang pakikibaka para sa kalayaan.

“Ang ating mga katutubo ngayon, lalung lalo na iyong mga narating ng ating programa sa edukasyon, literasiya at numerasiya—ito nama’y ating tinuturuan ng progresibong pananaw sa kasaysayan upang…makita nila kung paano isinulong ni Andres Bonifacio ang kagalingan ng maliliit, kagaya ng ating mga Lumad. Kaya alam ng aming mga bata kung sino ang nararapat na tanghalin na pambansang bayani ng ating bansa,” sabi ni Mercado.

Samantala, nakiisa ang komunidad ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender) sa pagdiriwang at protesta.

Sabi ni Corky Hope Marañan, pangkalahatang kalihim ng Kapederasyon, hamon sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT na ipagpatuloy ang laban ni Bonifacio, ang tunay na kalayaan sa Pilipinas, at pakikiisa sa masa, dahil aniya’y matagal nang nahihiwalay ang LGBT sa masang Pilipino.

“Panahon na ngayon para makiisa sa laban ng bayan,” aniya. Kasama sa adbokasiya ng grupo ang paghangad ng hustisya para kay Jennifer Laude, miyembro ng LGBT na diumano’y pinaslang ng isang sundalong Amerikano sa Olongapo City noong Oktubre.

“Hindi tunay ang tagumpay at hindi tunay ang kalayaan sa Pilipinas (kung) hindi lalaya ang sektor ng LGBT,” saad ni Marañan. “Kaya kung tinatanong nila kung pasok, well, pak na pak ang ipinaglalaban ng LGBT sa ipinaglalaban ni Andres Bonifacio.”

Kamanggagawa

Sinabi naman ni Ferdinand Gaite, tagapangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, “Kung inyong tatanungin, mismong mga kawani ng pamahalaan noong panahon ng Espanyol ay kasama ng rebolusyon na isinulong nina Bonifacio sa ilalim ng Katipunan.”

Halimbawa umano nito si Teodoro Plata, at iba pang manggagawa sa loob ng pamahalaan na nakiisa sa rebolusyon. Bilang paggunita sa kanilang kabayanihan, kinikilala rin ang araw na ito bilang isang bahagi ng kasayaysayan ng pakikibaka ng mga mamamayan kasama ang kawani at manggagawa sa loob ng pamahalaan, sabi pa ni Gaite.

Lumahok din siyempre ang iba’t ibang grupo ng manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno, mga pederasyon at unyon. Kinikilala nila ang Nobyembre 30 bilang araw ng manggagawang anakpawis.

Sabi ni John Estabaya ng Samahan ng mga Manggagawang Kontraktuwal o Sama-Ako, nagpapatuloy ang paghahapi ngayon, katulad ng pananakop ng mga Espanyol, sa uri ng mistulang pananakop ng US sa Pilipinas .

“Malaking bagay (ang paglahok sa protestang ito), kasi dito namin naipapahayag ang pakikiisa, at ang kasalukuyang nararanasang pang-aabuso ng kapitalista. Dito namin maipapahayag ito,” ani Estabaya.

Hindi rin magpapahuli ang mga tinaguriang bagong bayani, ang migranteng Pilipino, sa pakikiisa sa kaarawan ni Bonifacio. Kahit pa nasa labas ng bansa ang ating mga kababayan, saad ni Sol Pillas, tagapagsalita ng Migrante International, alam at dama nila ang mga nangyayari dito sa Pilipinas.

“Kaya napakahalaga na ipaalam sa kanila at malaman nila na ipinagpapatuloy ang diwa ng rebolusyon ni Bonifacio,” ani Pillas.

Sabi ni Estelita Bagasbas ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, walang ginagawa si Aquino para matugunan ang kanilang karapatang mabuhay.

“Nakita namin na wala kaming maayos na tirahan, tinataboy kami sa malalayong relokasyon na nagdulot na ito ng kamatayan para sa amin doon sa relokasyong pinagdalhan sa amin. Kaya itong araw na ito’y dakilang paggunita dahil ito ang isinusulong ni Gat Andres Bonifacio, ang Araw ng Kalayaan tungo sa pambansa-demokratikong Pilipinas,” sabi ni Bagasbas.

Maliban sa kanila, nagsalita sa Liwasang Bonifacio ang iba’t ibang lider ng kilusang kontra-korupsiyon at kontra-pork barrel tulad nina Sr. Mary John Mananzan ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala), ang aktres na si Mae Paner ng Scrap Pork Network, Carol Pagaduan-Araullo na tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at iba pa.

Nandoon din ang iba pang mga grupong kaisa sa laban para sa malinis na pamahalaan tulad ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at iba pang lider at miyembro ng Scrap Pork Network.

Sa tabi ng programa, nakatayo pa rin ang kampuhan ng mga Lumad, magsasaka at iba pang sektor mula sa Mindanao. Tinaguriang Manilakbayan ng Mindanao, naglakbay ang mahigit 300 katao mula Timog hanggang sa kabisera ng bansa para ihayag ang laganap na paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao at panganib ng malawakang komersiyal na pagmimina at plantasyong agro-industriyal doon.

Matapos ang programa sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa ang mga demonstrador patungong Mendiola Bridge, sa paanan ng Malakanyang, para muling irehistro ang panawagan para sa tunay na pagbabago.

Ipinapanawagan din nila ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino.

Ika-50 anibersaryo

Kaalinsabay ng kaarawan ng Suprema ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan (KM), ang unang pambansa-demokratikong organisasyon ng kabataan na tinatag ni Jose Maria Sison noong 1964.

Pinamunuan ng KM ang pagpapalaganap ng makabayang kasaysayan at kultura noong dekada ’60 hanggang maitatag ang Partido Komunista ng Pilipinas noong 1968 at mailunsad ang “bagong tipo” ng pambasa-demokratikong rebolusyon na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

“Iyong mga naghahari, walang pagdiriwang ngayon at wala silang paggunita ngayong araw na ito. Ang taumbayang api ang naggugunita sa araw na ito dahil sa araw na ito’y hinahasa ng mga mamamayang api ang tabak na itatarak nila sa mga naghahari sa mga panahon ng panangumpay ng pakikibaka,” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan, na nagdiriwang din ng anibersaryo sa araw na iyon.

Sa kanyang talumpati sa Mendiola, pinasalamatan ni Crisostomo ang mga tagapagtatag at naunang mga miyembro ng KM, gayundin ang lahat ng bayani at martir ng kilusang kabataan.

Sa Mendiola, inirehistro ng mga nagprotesta ang panawagang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino.

Pinaghalawan din ng inspirasyon ng mga modernong makabayan ang asawa ni Bonifacio at kapwa niyang rebolusyonaryo na si Gregoria de Jesus.

“Si Gregoria ang tipikal na babaing bayani na hindi pahahalagahan sa mga libro. Pero alam natin na napakalaki ng kanyang ambag sa rebolusyon sa pagsulong ng totoong kalayaan at demokrasya ng mga Pilipino. At kung hindi sinuportahan ni Andres si Gregoria, hindi rin natin makukuha iyong halimbawa na hinahanap natin sa ating mga bayani,” sabi ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.

Ipinakita ng mga nagprotesta na may bagong kahulugan ang rebolusyon ni Bonifacio sa kasalukuyan: ang pagpapatalsik kay Aquino. Pero higit dito, isinusulong din umano nila ang tunay na pagbabago: pagpapabagsak sa kasalukuyang mapang-aping sistema at pagpalit ng bagong makabayan at demokrating sistema na pamumunuan ng mga mamamayan.

Sabi nga ni Ocampo, “Ang tungkulin ng kasalukuyang henerasyon, ang ikaapat na henerayon ngayon, ay tapusin ang sinimulan ni Andres Bonifacio.”

Mga bata, gurong Lumad na nakipagdiyalogo sa DepEd, dismayado sa tugon ni Luistro

$
0
0
Inawit ng mga batang Lumad ang Pambansang Awit ng Pilipinas bilang pagpapasimula ng kanilang klase sa harapan ng Dep-Ed. Macky Macaspac

Inawit ng mga batang Lumad ang Pambansang Awit ng Pilipinas bilang pagpapasimula ng kanilang klase sa harapan ng DepEd. Nagpasya ang SOS Network na sa harapan ng kagawaran ilunsad ang klase bilang protesta sa pananakop daw ng mga militar sa kanilang mga paaralan sa Mindanao.  Macky Macaspac

Dismayado ang mga bata at guro ng alternatibong mga paaralan ng Lumad sa Mindanao na di kaya umano sila kayang proteksiyunan ni Education Sec. Armin Luistro mula sa mga atake ng militar.

Sinabi ng Save Our Schools (SOS) Network, grupong nangangampanya para sa proteksiyon ng mga paaralan mula sa atake ng militar, na tila nag-aatubili si Luistro na proteksiyunan ang mga bata. Muli pa umanong hinihingal sila ng mga ulat ng pang-aabuso ng mga sundalo sa kanilang mga komunidad at eskuwelahan.

Nakipagdiyalogo kahapon, Disyembre 2, ang SOS Network kay Luistro hinggil sa pagbabasura ng department memo na ginagamit umano ng militar para okupahin ang kanilang mga eskuwelahan. Pero ayon kay Madella Santiago, tagaapgsalita ng SOS Network, tila pareho lang ang takbo ng pakikiapg-usap nila kay Luistro sa pakikipag-usap ng grupo kay Assistant Sec. Tonisito Umali noong isang linggo.

“Ito ang unang pagharap ni Sec. Luistro sa amin, matapos ang dalawang taon na pakikipag-usap sa mga opisyal ng DepEd. Pero nakakadismaya na sabihin niyang kailangan pa naming ulit ibigay sa kanya ang mga reklamo ng pang-aabuso ng militar sa mga paaralan sa Mindanao,” sabi ni Santiago.

Sa diyalogo, pinakinggan ni Luistro ang reklamo ng mga guro at istap mula sa Tribal Filipino Program, Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev), Salugpongan Tatanu Igkanugon Learning Center at ang Rural Missionaries of the Philippines na may mga eskuwelahan sa Mindanao.

Muling ipinanawagan nila na paalisin ang militar sa mga paaralan ng mga katutubo sa Mindanao o makumbinsi si Pangulong Aquino na paalisin o pagbawalan man lang ang militar na gamitin ang mga paaralang Lumad.

“Subukan kong iparating ang usapin pero hindi ko alam kung papakinggan ako,”  tugon ni Luistro sa grupo.

Sinabi rin niya na Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dapat sumagot sa isyu ng pagbabansag na paaralan ng rebeldeng New People’s Army ang alternatibong mga eskuwelahan ng mga Lumad

Hinikayat din ng kalihim na ayusin ang dokumentasyon ng mga reklamo at mabigyan sila ng kopya. Magpapatawag din daw siya ng espesyal na pulong ng Inter-Agency Committee on Children in Armed Conflict (IAC-CIAC) para ihapag at pag-usapan ang mga reklamo.

Binuo noong nakaraang taon ang IAC-CIAC, sa bisa ng Executive Order 138, para matutukan daw ang mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga bata na sa panahon ng armadong tunggalian.  Binubuo ito ng mga ahensiya ng gobyerno kasama ang AFP at DepEd, pero nasa pamumuno ng Council for the Welfare of Children.

Ayon kay Luistro, ito raw ang tamang ahensiya para resolbahin ang mga kasong inihahapag ng SOS Network.  “Ang aming kasunduan (SOS Network), pangungunahan ng DepEd at magiging tulay kami para mailahad ang lahat ng kanilang mga dokumento at mga salaysay at idudulog namin ito sa (komiteng) inter-agency,” aniya sa midya.

Humarap si Sek. Armin Luistro sa mga batang Lumad na kasama ng grupong SOS Netwrok.  Nangako ang kalihim na tutugunan daw niya ang mga reklamo ng mga ito.  Macky Macaspac

Humarap si Sek. Armin Luistro sa mga batang Lumad na kasama ng SOS Netwrok. Nangako ang kalihim na tutugunan daw niya ang mga reklamo nila. Macky Macaspac

Iginiit din ng kalihim na hindi kailangang magkaroon ng panibagong memorandum. Kailangan lang daw na magdagdag o mag-amyenda para maging mahigpit ang pagpapatupad sa Memorandum 221.

Actually, hindi siya bagong memo, kasi meron tayong Memo 221 (dahil) inilalahad doon ang basis: Unang-una, walang eskuwelahang pribado, NGO, o kaya ay public na nakakapasok ang mga lalaki, military uniformed personnel na hindi sinusunod ang ating guidelines,” sabi ni Luistro.

Pero may exemption daw para sa “non-military activities” tulad ng  “brigada eskuwela” at kailangan nakaayon pa rin sa guidelines.

Para sa SOS Network, malabo raw ito dahil bahagi ng kontra-insurhensiyang programa ng gobyerno ang “brigada-eskuwela” at iba pang civilian-military operation.  Mistulang inabandona raw ng DepEd ang  responsabilidad nito na proteksiyunan ang mga bata.

Ayon naman sa pagkakatiwalaang source ng Pinoy Weekly na ayaw pabanggit ng pangalan, matagal na raw nabigyan ng kopya ng dokumentasyon ng mga reklamo ang komiteng inter-agency. Sa katotohanan daw, nagpulong ang komiteng inter-agency noong Oktubre at kasama na sa naihapag ang kaso ng Salugpongan.

Gayundin, may hiwalay na mekanismo ang United Nations Children’s Fund (Unicef) para imonitor ang “six child rights violations” na inilahad ng UN at nakapaloob din sa Memo 221. Ayon sa naturang impormante, nabibigyan daw  ng kopya nito ang IAC-CIAC.

Ipinagtataka ng mga organisasyong nagtataguyod ng karapatan ng mga bata kung bakit hindi naaksiyunan at paulit-ulit ang tugon ng DepEd sa mga kaso.

“Nakapanlulumo ang mga sinabi ni Sec. Luistro sa dialogue. Matapos niyang pakinggan nang personal ang karaingan ng mga bata at guro, idadaan niya sa proseso ng burukrasya ang pagresolba nito,” ani Gabriela Rep. Emmi de Jesus, na umupo rin sa diyalogo.

Makeshift classroom ng mga batang Lumad sa harapan ng Dep-ed.  Macky Macaspac

Makeshift classroom ng mga batang Lumad sa harapan ng DepEd. Macky Macaspac

Sinabi pa ni De Jesus na kailangang agad na harapin ni Luistro ang usapin dahil nakataya ang seguridad ng mga bata at  guro na humarap sa diyalogo.  Hindi raw kasi ginarantiyahan ni Luistro ang kaligtasan ng mga ito sa pagtanggi niya na paalisin ang militar sa komunidad.

“Dapat ipakita niya ang kanyang lakas bilang kalihim ng DepEd, na ang para siya sa kagalingan ng bata. We will hold him accountable and his department kung may mangyari pa sa mga batang ito,” aniya.

Idinagdag naman ng SOS Network na bagamat dismayado sila, ipapasa nila ulit sa kagawaran ang dokumentasyon ng mga paglabag ng mga miilitar at iginiit ang pagbasura ng Memo 221.

“Gagawin namin ang bahagi naming at inaasahan namin na gagawin din ni Sec. Luistro ang kanyang commitment at huwag niyang ipasa sa ibang ahensiya ng gobyerno ang pagresolba sa problemang inhahapag naming sa kanya,” ani Santiago.

Bahagi ang SOS Network ng Manilakbayan ng Mindanao, ang kampanya ng mga grupong Lumad at grupong pangkarapatang pantao sa Mindanao na dalhin sa Kamaynilaan ang isyu ng malawakang paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao.

Kasakuluyang nakakampo ang mahigit 300 Lumad na naglakbay mula Mindanao sa Liwasang Bonifacio hanggang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao sa Disyembre 10.

Komunidad ng LGBT, duda sa tinatakbo ng pre-trial hearing sa kaso ni Laude

$
0
0
ipinawagan ng Progay ang mabilisang imbestigasyon sa pagkamatay ni Jennifer Laude at ang pagabsura sa VFA. Macky Macaspac

Ipinawagan ng grupong LGBT na Progay Philippines ang mabilisang imbestigasyon sa pagpatay ni Jennifer Laude. Ipinanawagan din nila ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement sa pagitang ng US at Pilipinas. Macky Macaspac

Nagladlad ng higanteng rainbow banner ang mga miyembro ng Progressive Organization of Gay Men and Women in the Philippines (Progay Philippines) malapit sa Embahada ng Estados Unidos (US) noong Lunes para ipakita ng galit sa tinatakbo ng preliminary hearing sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer Laude.

Nagpanawagan din ang Progay sa gobyerno ng Amerika na ibigay na sa Pilipinas ang kustodiya sa suspek na si US Marine Joseph Scott Pemberton. Nanawagan din sila sa gobyerno ng Pilipinas na itigil ang “manipulasyon ng mahahalagang ebidensiya sa kaso”.

“Nakakagalit itong mga maniobra ng embahada na nabuking natin na nanghaharbat (kumukuha) ng ebidensiya ng DNA testing. Bakit hindi binibigay ang kopya ng test report sa kamag-anak ng biktima? Napaghahalata tuloy na may bonggang pasabog ang mga Kano para mabilis na mapawalang-sala ang halimaw na si Pemberton,” ani Japs Laude, miyembro ng Progay at kamag-anak ni Jennifer Laude.

Sa resulta ng DNA na inilabas kamakailan, hindi daw tugma ang DNA sample ni Pemberton sa DNA mula sa condom na nakuha sa hotel kung saan naganap ang krimen. Pero sinabi naman ng abogado ng pamilyang Laude at ng piskalya na hindi raw makakaapekto sa kaso ang resulta ng DNA.

Nakatakdang ilabas ng prosecution panel sa Disyembre 15 ang resolusyon kung uusad ang kaso o hindi.

Kasabay din ng protesta ng Progay ang ika-20 anibersaryo ng Pride March na pinangunahan ng grupo noong 1994 at kauna-unahang political protest ng LGBT sa Pilipinas at Asya.

Dinala ng grupo hindi lamang usapin ng pagkakapantay-pantay ng kasarian kundi maging ang mga patakaran ng gobyerno na nakakaapekto sa kanila tulad ng kawalan ng tarabaho, mataas na buwis, kawalan ng pondo para sa mga programa laban sa HIV/AIDS.

Ayon kay Gigi Montehermoso, tagapagsalita rin ng Progay, nagsimula ang militanteng pagkilos ng komunidad ng LGBT sa Pilipinas bilang paggunita sa Stonewall Riots sa New York noong 1969.

Ang Stonewall Riots ay pag-aalsa ng mga miyembro ng komunidad ng LGBT sa New York dahil sa mga pagsalakay ng mga pulis sa mga gay bar. Iprinotesta din ng grupo ang mga giyerang inilunsad ng US sa bansang Vietnam at Cambodia.

Sabi pa ni Montehermoso na hangga’t nagpapadala ng mga tropa ang US sa Pilipinas sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement, patuloy daw ang pag-abuso sa mga LGBT at iba pang sektor.

“(Kung totoo ang) lahat ng sinasabi ni Pres. (Barack) Obama na ang kanyang administrasyon ay para sa pagkakapantay-pantay ng LGBT, sampal sa mukha niya ang kaso ni Laude. Hindi kaibigan ng LGBT ang gobyerno ng US saan mang bansa sa buong mundo,”ani Montehermoso.

Public Service Advertisement | Killings as Ritual, Stop Oplan Bayanihan

$
0
0

 

A Lumad ritual depicts the state of human rights in the country. A public service advertisement by PinoyMedia Center.

Altermidya Pooled Editorial | Fight for genuine freedom of information law

$
0
0

ALTERMIDYA_LOGO finalThere is no reason to rejoice over the recent approval of the consolidated bill on Freedom of Information (FOI) in the House, and the approval of the Senate version earlier this year.

We, alternative media practitioners united under Altermidya, believe that the FOI versions restrict rather than enhance public access to information.

The consolidated bills, both in the Lower House and the Senate, fail to meet the minimum international standards set by Article 19 for an FOI law to be effective. These include, among others, the following:

• a strong presumption in favor of disclosure (the principle of maximum disclosure);
• broad definitions of information and public bodies;
• positive obligations to publish key categories of information;
• clear and narrowly drawn exceptions, subject to a strong harm test and a public interest override; and
• effective oversight of the right by an independent administrative body.

Both FOI bills adopted all of the exceptions proposed by Malacañang in its own version. Contrary to Palace claims that these are necessary, the list institutionalizes the absence of transparency and accountability.

PW-editoryal-thumbExempting from public access the minutes, drafts of resolutions, orders, memoranda etc., including drafts of bilateral and multilateral agreements from public scrutiny, precludes citizen participation in decision-making on issues of public interest.

Subjecting access to income tax returns, and statement of assets, liabilities and networth (SALN) of public officials to existing laws, rules and regulations further undermines efforts to curb corruption.

The provision exempting from disclosure matters involving national security is also so broad that it could be used to hide cases of human rights violations perpetrated by state agents.

With regard to the public interest override, both bills state that “The President, the Supreme Court, the Senate, the House of Representatives, and the Constitutional Commissions may waive an exception with respect to information in the custody of offices under their respective supervision or control, when they deem that there is an overriding public interest in disclosure.” (Emphasis supplied)

This provision does not provide a mechanism for checks and balance. In both bills, no independent administrative body that will have effective oversight of the right to information will be created.

Journalists and ordinary citizens have been demanding enactment of a genuine freedom of information law. We cannot settle for a law that will make truth telling even more difficult: a bad law is worse than no law at all.

#RubyPH | Reds prepare for Typhoon Ruby

$
0
0

The Communist Party of the Philippines (CPP) said it placed its revolutionary forces on full alert  for possible emergencies that may arise as a result of Typhoon Ruby (Hagupit).

Revolutionary groups held   assemblies and marches to celebrate CPP's  45th founding anniversary. (PW file photo)

Revolutionary groups held assemblies and marches to celebrate CPP’s 45th founding anniversary. (PW file photo)

The CPP ordered its forces to respond and  mobilize all resources and carry out necessary operations to secure people in areas that will be affected by the typhoon.

According to Philippine Atmospheric, Geophysical & Astronomical Services Administration (Pagasa), as of 5 AM, of December 6, Typhoon Ruby was located at 245 km East Northeast of Borongan, Eastern Samar.

Ruby, with maximum sustained winds of 195 kph near the center and gustiness of up to 230 kph, is expected to make landfall in Eastern, Samar this weekend. Pagasa listed 47 provinces that might be affected by the typhoon Ruby’s 600 kilometer diameter.

“All units of the New People’s Army (NPA) operating in areas in the path of typhoon Ruby, specifically those in Eastern Visayas, Panay, Central Visayas, Negros, Bicol and Southern Tagalog regions, are on alert to immediately respond to possible emergencies that may arise as a result of the typhoon,” said the CPP.

The group said that they were mobilizing their barrio revolutionary committees and standing organs of political power to carry-out preventive evacuation in areas deemed geologically hazardous, “to ensure their safety,” the CPP said.

It also ordered to its forces that special attention to the elderly, children, pregnant women, single parents and others requiring special assistance should be given.

“The barrio revolutionary authorities must be able to account for the village population before and after the storm and carry out rescue operations when necessary,” the revolutionary group said. It added that local militia will serve as civil defense units and tasked to assist the people in preparing evacuation areas, securing their homes, properties, work animals, fields and sources of livelihood.


#RubyPH |‘Di-maayos’ na paglikas sa mga maaapektuhan ng bagyo, binatikos

$
0
0
"Kalunus-lunos" ang kalagayan ng mga evacuee sa isang unibersidad sa Ormoc, ayon sa People Surge. Photo Courtesy: <b>People Surge</b>

“Kalunus-lunos” ang kalagayan ng mga evacuee sa isang unibersidad sa Ormoc, ayon sa People Surge. Photo Courtesy: People Surge

Sa paghahanda ng lokal at pambansang pamahalaan sa pagdating ng bagyong Ruby (pandaigdigang ngalan: Hagupit) sa bansa ngayong araw, may nagrereklamo nang umano’y di maayos na pagpapalikas at pagsisilid sa mga residente mula sa iba’t ibang komunidad na inaasahang dadaanan ng bagyo.

Iniulat ng People Surge, organisasyon ng mga survivor ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas, ang umano’y “kalunus-lunos na kalagayan” ng mga nagsilikas na residente sa Ormoc City, Leyte.

“Inirereklamo ng 168 pamilya galing ng Brgy. 37 Reclamation Area (sa Eastern Visayas State University sa Ormoc) ang kanilang nakapanlulumong kalagayan. Ayon sa mga kinauukulan ng unibersidad, nanatiling nakakandado ang mga silid-aralan para mapangalagaan ang mga kagamitan lalo iyong mga nasa laboratoryo kaya sa mga pasilyo na lamang nagtitiis ang mga tao doon. Dagdag pa nito, wala pa rin silang natatanggap na kahit anumang tulong mula sa pamahalaan,” sabi ng People Surge sa kanilang Facebook account.

Inireklamo din ng grupo na maaaring bulnerable ang mga residenteng nagsilikas sa pagdating ng bagyo dahil walang tabing ang mga pasilyo at malayang humahampas dito ang malalakas na hangin.

Sa Tacloban City, umalma rin ang grupong Kalipunan ng Damayan ng Mahihirap (Kadamay) sa anila’y pagdemolis ng mga stall sa paleknge na pag-aari ng mga maralitang pamilya na lumikas na bago dumating ang bagyo. Samantala, anila, bantay sarado ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang malalaking mall at establisimyento sa lungsod.

“Nakakasuklam ito. Brutal, patraydor at di-tama ang ginawang ito ng gobyernong panlungsod ng Tacloban, sa pagdemolis sa aming mga kabuhayan habang abala ang mga mamamayan sa pagsalba sa sarili,” pahayag ng Kadamay.
Paghahanda ng gobyerno

Sa bahagi ng gobyerno, inanunsiyo ng Malakanyang na pinulong umano ni Pangulong Aquino ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa koordinasyon ng mga paghahanda para sa bagyong Ruby.

Kabilang sa paghahanda umano ng gobyerno: 100,000 family food packs ng Department of Social Welfare and Development; inihahandang dalawang eroplanong C-130 at mga helikopter para sa transportasyon ng relief at tao kung kailangan; pag-standby ng Engineering Battalions ng kasundaluhan; at pagtakda ng Office of Civil Defense ng first responders sa panahon ng emergency.

Itinakda ni Aquino ang Department of Interior and Local Government, sa pangunguna ni Sec. Mar Roxas, bilang overall na tagapangasiwa sa paghahanda.

Matatandaang naging sentro ng batikos sa publiko at sa midya si Roxas noong nakaraang taon dahil sa di-mabilis umanong pagresponde sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Mga evacuee sa Leyte National High School. Photo courtesy: <b>People Surge</b>

Mga evacuee sa Leyte National High School. Photo courtesy: People Surge

‘Photo-ops’ lang

Binatikos ng grupong pangkabataan na Anakbayan ang administrasyong Aquino sa anila’y “photo-op response” sa pagdating ng bagyong Ruby.

“Maliban sa inareglong ‘briefing sessions at mga press conference ng Liberal Party na nakakatulong sa eleksiyon nito, ano ba talaga ang ginagawa ng gobyerno para maghanda at siguruhin ang kaligtasan ng mga taong dadaanan ng bagyo? Mukhang walang totoong pagbabago sa kung paano nila hinaharap ang mga kalamidad,” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Sinabi pa ni Crisostomo na dahil bigo ang planong relief and rehabilitation ng administrasyong Aquino matapos ang Yolanda, “mas bulnerable ngayon sa bagyo ang mga mamamayan ng Visayas.”

Sa kabila nito, sinabi ni Crisostomo na nagtutulung-tulungan din ang iba’t ibang people’s organizations para sa pagpapalaganap ng napapanahon at mahalagang impormasyon. “Dapat imaksimisa natin ang social media para sa koordinasyon, pagtugon sa kalamidad, relief at suporta,” sabi pa ni Crisostomo.

No Cream Nor Sugar Is My Coffee

$
0
0

(My English version of my KAPE KO’Y WALANG KREMA NI ASUKAL)

no cream nor sugar is my coffee
black as the grieving night
when thick, rolling clouds
kiss the saucer moon
bitter as the miserable lives
of people franz fanon called
“the wretched of the earth”
what maxim gorky said
dwell “in the lower depths”
yes, bitter as my coffee
their lives oppressed
jailed forever under the bridge
or genuflecting, dreaming
on the putrid shoulders
of tripa de gallina
and canal de la reina
or in murky, cramped slum areas.

black is the night
like my dark coffee
in the narrow streets of despair
in the sty and barungbarong
beside some forsaken garbage dumps
in the dimly-lit parks
where fallen bodies
cling to the eternal
elusive hope on the grass
black is the night
in the breakwater of life
as angry waves pound
on the heaving, mournful breasts
of lingering, everlasting miseries.

bitter is life
like my coffee, unsugared, uncreamed
bitter in the lips of a child
whose abdomen swells
though in it only air dwells
bitter in the black nipples
of a praying, emaciated wife
bitter in the mouth
of a cursing father
whose flesh devoured
by grease and machine
in hungry factories of greed
bitter in the hatred-filled eyes
of a sad, lonely man
whose blood is being sucked
by the parched earth not his
so the grains of palay
in fields of enslaving gloom
would glitter like gold
on the horizon of discontent
and the sugarcanes would vomit
sweet, delicious, sticky saps
amidst the cries of the working class.

when will my coffee be sweet?
when will its black color fade?
when will cream and water
make love and mix?
yes, my coffee has no cream nor sugar
bitter as the lives
of those crucified by tears of grief
yes, my coffee tastes
like grounded vile
in a rotten society
paradise of a chosen few
but rebellious shadows in the night
will not cease rekindling the fire
till the flames engulf the demigods
and, yes, at last.
our coffee will be sugared and creamy
alas, at last,
it will then taste like honey!

Letter | Brace ourselves for ‘Typhoon Noynoy’

$
0
0
Leaders of Manilakbayan ng Mindanao, with leaders of survivors of typhoons Pablo in Mindanao and Yolanda in Eastern Visayas. <b>Boy Bagwis</b>

Leaders of Manilakbayan ng Mindanao, with leaders of survivors of typhoons Pablo in Mindanao and Yolanda in Eastern Visayas. Boy Bagwis

Three years ago it was Sendong, then Pablo and Yolanda, now it’s Ruby. While a new super typhoon is getting closer to make a landfall in the Philippines, we, contingent of the Manilakbayan ng Mindanao, have already evacuated from our camp in Liwasang Bonifacio to different hospices offered by church people in Manila.

We don’t want to experience again the wrath brought by disasters as most of us are survivors of previous typhoons that hit Mindanao. More than 130 lakbayanis were typhoon Pablo survivors from Compostela Valley and Davao Oriental while around 30 individuals came from Northern Mindanao who were affected by typhoon Sendong.

LIHAM iconThe Pablo and Sendong tragedies have haunted us since we have been experiencing evacuations way back home.  We are victims of a twin disaster — natural calamities which are aggravated by the unabated destruction of the environment through large-scale mining and big logging operations, and man-made disaster brought by militarization in our communities.

Typhoon Sendong claimed 1,268 lives of our loved ones in Northern Mindanao while Pablo killed over 1,901 individuals in Southern Mindanao. Most of them were farmers and lumads.  While taking the whip of evictions due to these calamities, the survivors are further deprived of their abodes due to intensified militarization.

Data gathered say that there are already more than 12 incidents of forcible evacuation of 39 Lumad communities in Mindanao, affecting more than 1,112 families with over 4,735 women, men and children in 2014. The Armed Forces of the Philippines’ aerial bombings, artillery bombardments and strafing of homes and farms have also displaced thousands and killed civilians, including Moro residents during the infamous Zamboanga Siege.

With all these figures, the Aquino administration doesn’t learn. This is why we are here in Manila to bring to the broadest public’s attention our sufferings and struggles in Mindanao. As long as the government will remain sticking its bias to big foreign companies and continue its poor performance in relief and rehabilitation for disaster-affected areas, we would rather expect that Ruby just like other typhoons would again result to displacements and a large number of deaths.

Until now, hundreds of communities in Mindanao are still vulnerable to natural disasters due to the proliferation of large-scale extractive industries being promoted by Aquino through its existing government policies and programs such as the Mining Act of 1995.

We hold the Aquino administration and its capitalist masters as accountable for all the crimes they committed to all the victims of typhoons Pablo and Sendong. We also strongly demand for the termination of large-scale mining and other multinational operations and the scrapping of all the liberalization policies by the government as we demand reparations from these companies for all the victims or more aptly, their victims.

The Aquino administration has further committed a crime by intensifying its counter-insurgency program Oplan Bayanihan to pave the way for multinational companies and to suppress the growing resistance to it.  Aquino has deployed 55 combat battalions of the AFP in Mindanao to protect the interest of foreign and local businessmen with its investment defense unit while recruiting lumads and other rural villagers to be part of their paramilitary groups.

We do not need to be met with bombs and guns. What we need from President Aquino is for him to make concrete actions to our legitimate demands. We are already in Manila for two weeks now but all we got were harassment and violent dispersal by the police armed with truncheons and nightsticks.

And for the nth time, we reiterate our demands to the Aquino government:

  • Pull out military troops from schools and civilian public places in the community and prevent further AFP deployment to Mindanao.
  • Stop the recruitment of armed paramilitary groups and disband existing ones. Investigate local warlords, private corporations and AFP battalions that provide logistical support and actively instigate the violation of human rights by these paramilitary groups.
  • Dismiss Strategic Lawsuits Against Public Participation (SLAPP) charges.
  • Investigate and suspend the operations of notorious mining corporations for the environmental plunder and blatant violation of the comprehensive human rights of communities, organizations and individuals that are adversely affected by their operations.
  • Immediately revoke Department of Education Memorandum Order 221.
  • Pull out US troops in Mindanao and investigate US enclaves in military camps in Mindanao.

We have gone this far. The heavy rains, winds, and waves of water with mud brought by typhoons had tested our unity. The military’s bullets and bombs have made us stronger and more fearless to face sacrifices.

Even Hagupit nor typhoon Noynoy cannot stop us until we get what we deserve:  justice.

Jomorito Goaynon
Spokesperson, Manilakbayan ng Mindanao

Pandaigdigang konteksto ng mga paglabag sa karapatang pantao

$
0
0

 

 

 

Likhang sining ni Pablo Picasso noong 1951, pinamagatang “Massacre in Korea”, hinggil sa pagmasaker ng mga maka-US at kontra-komunistang mga puwersa ng South Korea sa mga mamamayan ng isang bayan sa North Korea. Imahe ng painting mula sa <b>pablopicasso.org</b>

Likhang sining ni Pablo Picasso noong 1951, pinamagatang “Massacre in Korea”, hinggil sa pagmasaker ng mga maka-US at kontra-komunistang mga puwersa ng South Korea sa mga mamamayan ng isang bayan sa North Korea. Imahe ng painting mula sa pablopicasso.org

ANALYSIS ICONBakit laganap ang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang bahagi ng daigdig? Ano ang pinoprotektahan ng mga militar at pulis (o tinaguriang state security agents) kaya sila gumagamit ng dahas para supilin ang paglaban ng mga mamamayan? Bakit hindi lang “isolated incidents” ang mga pang-aabuso?

Ito ang iniugat ni Prop. Jose Maria Sison, tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS), sa talumpati niya sa International Conference on Human Rights and Peace in the Philippines noong Hulyo 2013.

Kabilang sa ipinunto niya:

I. Neoliberalismo bilang Atake sa Karapatang Pantao

Binuo ng burges na mga intelektuwal na sina Alexander Rustow, Ludwig von Mises at Friedrich Hayek noong 1938 ang neoliberalismo o “bagong liberalismo”. Pinakahulugan nila ito na pagtaguyod sa “malayang empresa o free enterprise”, o sistema ng kompetisyong di pinakikialaman ng Estado. May invisible hand daw ang merkado; sa pamamagitan nito matutugunan ang pangangailangan ng taumbayan.

Pero ang di nila sinabi, wala namang “malayang kompetisyon” sa pagitan ng kapitalistang mga empresa pagsapit ng ika-20 siglo. Monopolisado na ng iilang kapitalista ang mga merkado.

Sa pag-abante nila ng neoliberalismo, itinuturing nina Rustow, von Mises at Hayek na sagrado ang karapatan sa pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa produksiyon. Itinatanggi nila na lakas-paggawa ang tunay na naglilikha ng yaman sa lipunan. Di umano dapat makialam ang Estado sa kompetisyon, pero dapat nitong bigyan ng oportunidad ang malalaking kapitalista na kumita at makapagkamal pa ng kapital.

Itinulak ni Milton Friedman ang neoliberalismo bilang polisiyang pang-ekonomiya ng imperyalismong US. Noong dekada ‘80, sa ilalim nina Pres. Ronald Reagan sa US at Margaret Thatcher sa United Kingdom, ginamit ang neoliberalismo para bigyan-katwiran ang panunupil sa mga manggagawa. Samantala, pinaliit nila ang buwis ng mga miyembro ng monopolyo burgesya, habang binibigyan ang mga ito ng oportunidad na lalong magkamal ng kita.

Noong 1989, kinilala ang polisiyang ito bilang Washington Consensus: Ipinapatupad ito ng International Monetary Fund, World Bank at US Treasury Department. Kasama dito ang World Trade Organization mula dekada ’90.

Pinresyur nina Reagan at Thatcher ang mahihirap na bansa na ipatupad ang neoliberal na mga polisiya. Nasangkot ang “papet” ng imperyalismo na mga bansa sa sistematikong paglabag sa mga karapatang pantao. Sa pagtindi ng pandaigidigang krisis sa ekonomiya, tumitindi rin ang panunupil at paglabag sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan ng mundo.

Torture technique ng mga sundalong Kano laban sa mga Pilipino noong Philippine-American War.

Torture technique ng mga sundalong Kano laban sa mga Pilipino noong Philippine-American War.

II. Krisis sa Imperyalismo, Nagdudulot ng Panunupil at Giyera

Pagkatapos ng World War II, US na ang numero unong imperyalistang bansa. Ito lang kasi ang imperyalistang bansa na di nakaranas ng malawakang pagkasira. Sangkot ito sa paglikha ng mga kagamitang pandigma at pagsupil sa mga kilusan para sa pambansang kalayaan at pagkontra sa sosyalistang mga bansa.

US ang gumawa ng pinakamalulupit na paglabag sa karapatang pantao. Kabilang sa mga ginawa nito ang pagpaslang sa tatlong milyong tao sa Korea (pagpatay sa mga sibilyang sumusuporta sa Komunistang gobyerno sa North Korea), di-bababa sa apat na milyong katao sa Vietnam, at iba pa. Sinuportahan din nito ang pagpatay sa tatlong milyong sibilyang Komunista at tagasuporta sa Indonesia, na nagbunsod ng diktadura ni Suharto. Tinatayang aabot sa anim na milyong katao ang nasawi sa sikretong mga giyera nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Samantala, tumindi ang stagflation sa US. Isinisi nito ang krisis sa ekonomiya sa mga manggagawa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paggastos sa mga serbisyong panlipunan.

Sa pagpatupad ng mga polisiyang neoliberal noong dekada ’80, pinaigting din ng US ang paggawa ng high tech na kagamitang pandigma. Ikinatuwa nito ang pananaig ng burgesya sa China noong 1979, pagbagsak ng rebisyunistang mga rehimen sa Silangang Europa at pagbagsak ng Soviet Union noong 1989-1991. Ipinagkalat nito na magiging mapayapa na ang mundo. Kabaliktaran ang naganap.

Naglunsad ito ng giyerang agresyon sa Balkans, Central Asia at Middle East para makontrol ang suplay ng langis at gas. Kamakailan, sinuportahan nito ang pagpapabagsak sa mga rehimen sa Middle East at Africa, tulad kay Qaddafi sa Libya at Assad sa Syria para lumakas ang posisyon sa lugar at mapahina ang mga mamamayang Arabo at Palestino.

Nagpatuloy ang kontrol nito sa Washington Consensus at UN Security Council. Noong nakaraan, kakuntsaba nito ang China’t Russia para sa pagpapatupad ng neoliberal economics. Pero lumalakas ang sariling inisyatiba ng dalawang bansa, at naghahanda na muli ang US sa kumprontasyon kontra sa dalawa. Ginagamit ngayon ng US ang Trans-Pacific Partnership Agreement para ipresyur ang China na isapribado ang pampublikong mga empresa. Sinusuportahan nito ang maka-US na “kilusang demokratiko” sa China para labanan ang makabayang posisyon ng naghaharing rehimen sa China.

Sa Asya-Pasipiko, nagmamaniobra ang US para sa kumprontasyong nito sa China. Kasabwat nito ang administrasyong Aquino sa Pilipinas, na pumayag sa di-pantay na kasunduang Enhance Defense Cooperation Agreement para patindihin ang presensiyang militar ng US sa Pilipinas at sa rehiyon.

III. Epekto sa Karapatang Pantao, Kapayapaan sa Pilipinas

Malupit na atake sa pambansang soberanya at karapatan ng mga mamamayang Pilipino ang polisiyang neoliberal sa ekonomiya.

Nagresulta ang mga polisiyang ito sa pandarambong sa likas-yaman ng bayan, habang sinisira ang produksiyong agrikultural ng magsasaka para paboran ang dayuhang mga plantasyon na nagluluwal ng produktong pang-eksport at para sa produksiyong biofuel.

Napapalayas din nito ang mga magsasaka at katutubong mamamayan sa kanilang lupain, dahil sa malawakang komersiyal na pagmimina at pagmantine ng plantasyon ng agri-corporations. Nagdudulot din ito ng pagkasira ng kalikasan na nag-aambag sa pagbabago sa klima (climate change). Samantala, inaatake ng neoliberal na mga polisiya ang karapatan ng mga manggagawa, kabilang ang karapatang mag-unyon, nakabubuhay na sahod at benepisyo.

Nagaganap ang sistematikong mga paglabag sa karapatang pantao para depensahan ng Estado ang interes ng iilang naghaharing uri sa bansa at ng imperyalistang US.

Bigo ang giyera kontra sa taumbayan

$
0
0
Mga katutubong Manobo sa Talaingod, Davao del Norte noong Mayo 2011. Matapos ang isang buwan ng pagbakwit (evacuate), dahil sa sama-sama nilang pagkilos para tutulan ang pananalakay ng militar ay nakabalik sila sa kanilang mga komunidad. <b>KR Guda</b>

Mga katutubong Manobo sa Talaingod, Davao del Norte noong Mayo 2011. Matapos ang isang buwan ng pagbakwit (evacuate), dahil sa sama-sama nilang pagkilos para tutulan ang pananalakay ng militar ay nakabalik sila sa kanilang mga komunidad. KR Guda

Bawat administrasyon, may inilulunsad na “giyera kontra sa insurhensiya”, na sa totoo’y giyera kontra sa lumalabang mga mamamayan.

Sa kaso ni Pangulong Aquino, ito ang Oplan Bayanihan. Bawat administrasyon, mistulang hinihigitan ang pagka-brutal ng sinundan nitong administrasyon. Sa kaso ni Aquino, hinigitan niya ang pagka-brutal ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi pa man nareresolba ang malalang mga paglabag sa karapatang pantao ng nakaraang rehimen, pinaigting na ni Aquino ang pananalakay ng militar sa mga komunidad sa kanayunan, at ipinagpatuloy ang pamamaslang at pagdukot. Tumindi rin ang pagtugis niya sa sibilyang mga aktibista at lumalabang mga mamamayan, sa pamamagitan ng pagsampa ng gawa-gawang mga kaso at pagpapakulong sa kanila.

Bawat administrasyon na naglunsad ng giyera kontra sa mga mamamayan, nabigo. Ngayong taon, sa pagsisimula ng ikalawang yugto ng Oplan Bayanihan ni Aquino, sinasabi ng mga grupong pangkarapatang pantao na mabibigo rin ito.

Nakiusap ang isang human rights worker sa mga militar sa Compostela Valley na lisanin ang komunidad ng mga magsasaka doon. Tumanggi siyempre ang mga sundalo. Kuha ito noong Enero 2014. Videograb mula sa <b>Kilab Multimedia</b>

Nakiusap ang isang human rights worker sa mga militar sa Compostela Valley na lisanin ang komunidad ng mga magsasaka doon. Tumanggi siyempre ang mga sundalo. Kuha ito noong Enero 2014. Videograb mula sa Kilab Multimedia

Bagong plano, lumang taktika
Nang ilunsad ni Aquino ang Oplan Bayanihan noong 2011, sinabi niyang kakaiba ito sa nakaraang “counter-insurgency programs“.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) noon, bibigyan-diin ng Oplan Bayanihan ang mga estratehiyang di-pakikidigma (non-combat strategies) para ilayo ang mga mamamayan sa landas ng paglaban sa kasalukuyang bulok na sistema ng pulitika at ekonomiya. Binibigyan-diin umano ng programa ang “pagpapagawa ng mga daan, pagtayo ng mga eskuwela at pagdeliber ng mga serbisyong panlipunan (tulad ng edukasyon at batayang pangangailangan)”. Ang kataga pang pinauso ng AFP sa Oplan Bayanihan ay “ipagtagumpay ang kapayapaan, hindi lang talunin ang kaaway”.

Soft approach” o “pagpapakita ng maamong mukha” ang taktika umano ng AFP at Philippine National Police (PNP). Ang dating Special Operations Teams o SOTs na dinedeploy nito sa mga komunidad sa kanayunan (ito rin ang inakusahan ng malalang mga pang-aabuso noong panahon ng Oplan Bantay Laya), ginawa nitong Peace and Development Teams o PDTs. Pero sa kabila ng sosyo-sibikong mga aktibidad ng AFP sa mga komunidad, laganap pa rin ang mga pang-aabuso. Nariyan ang mga kaso ng tortyur, pananakop at pagkampo sa siiblyan na mga pasilidad tulad ng eskuwelahan, kabahayan at mga barangay hall, at maging panghaharas at panggagahasa sa kababaihan at menor-de-edad.

Matindi ang batikos na natanggap ng nakaraang administrasyong Arroyo sa laganap na paglabag nito ng karapatang pantao. Sa ilalim ng sarili nitong “giyera kontra insurhensiya” na Oplan Bantay Laya (na nagkaroon ng dalawang yugto), tumindi ang pamamaslang at pagdukot sa mga sibilyan, pananakop ng militar sa mga komunidad at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga lider-progresibo.

Binatikos ng United Nations, European Union, international human rights groups, at iba pang pandaigdigang mga institusyon ang gobyerno ni Arroyo sa mga pang-aabuso nito sa karapatang pantao. Kaya pagpasok ni Aquino noong 2010, nangako siyang pangangalagaan niya ang karapatang pantao. Kaya raw niya inaprubahan ang Oplan Bayanihan.

Sa halip na magdiwang para sa kapistahan ni San Isidro Labrador, nagmartsa at nagprotesta ang mga magsasaka mula sa probinsiya ng Quezon upang kondenahin ang diumano'y malawakang paglabag sa karapatang pantao na idinudulot ng matinding militarisasyon. (Macky Macaspac)

Martsa ng mga magsasaka mula sa probinsiya ng Quezon upang kondenahin ang diumano’y malawakang paglabag sa karapatang pantao na idinudulot ng matinding militarisasyon. Macky Macaspac

Talo
Pero sa unang yugto pa lamang, mula 2011 hanggang 2013, malinaw nang walang gaanong pinagkaiba ang Oplan Bayanihan sa nagdaang mga “giyera kontra insurhensiya”.

Kung isasama pa ang pagpapalawig ni Aquino sa implementasyon ng Oplan Bantay Laya II (mula Hulyo hanggang Disyembre 2010), umabot na sa 169 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang mula 2010 hanggang katapusan ng 2013, ayon sa Karapatan. Umabot din sa 19 ang dinukot, o biktima ng enforced disappearance. Umabot sa 86 ang naitalang kaso ng tortyur, 179 ang biktima ng frustrated extra-judicial killing (o tangkang pagpaslang)at 570 ang ilegal na inaresto at kinulong.

Sa kabila nito, inamin mismo ng AFP na bigo ang Oplan Bayanihan.

Hulyo 2013, sinabi ng noo’y magreretiro pa lamang na si AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na ano mang pagbawas ng bilang ng mga miyembro ng rebolusyonaryong New People’s Army (NPA) dahil sa Oplan Bayanihan ay napapalitan din dahil sa dami ng bilang ng mga narerekluta nito sa iba’t ibang probinsiya ng bansa.

Sinabi ni Bautista na nagsimula ang Oplan Bayanihan na umaabot ang mga NPA sa 4,384 (na napakaliit na bilang at di-totoong repleksiyon ng lakas ng NPA, ayon sa maraming eksperto). Noong Hulyo 2013, sinabi ni Bautista na “mahigit 4,000″ pa rin ang miyembro nito.

Si Bautista ang isa sa mga arkitekto ng Oplan Bayanihan.

Paliwanag ng Karapatan, malinaw sa mga mamamayan na may batayan ang paglaban sa kasalukuyang naghaharing sistema at rehimen. Laganap pa rin ang kahirapan, matindi ang pagsasamantala sa mga magsasaka at manggagawa ng iilang panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador. Pinangingibabawan pa rin ng imperyalismong US ang ekonomiya at pulitika ng bansa.

At dahil sa pampulitikang panunupil, lalong natutulak ang mga mamamayan na lumaban–ipagtanggol ang sarili at isulong ang interes nilang inaapi at pinagsasamantalahan.

Pagsosona ng mga sundalo ng Philippine Army sa isang komunidad ng maralitang lungsod sa Palo, Leyte, ilang araw bago ang unang taong anibersaryo ng pagragasa ng bagyong Yolanda. <b>KR Guda</b>

Pagsosona ng mga sundalo ng Philippine Army sa isang komunidad ng maralitang lungsod sa Palo, Leyte, ilang araw bago ang unang taong anibersaryo ng pagragasa ng bagyong Yolanda. KR Guda

Bagong yugto kuno

Kahit na malinaw ang pagkakabigo, sinabi ni Bautista–bago siya nagretiro–na nakatakdang makamit ng gobyerno ang target nitong lubusang pahinain ang rebolusyonaryong kilusan sa 2016.

Kung kaya, sa pagpasok ng 2014, sa ilalim ng bagong AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., pinaiigting ng mga puwersa ng Estado ang giyera nito “kontra insurhensiya”.

Pagpasok ng 2014, sunud-sunod ang pampulitikang pamamaslang. Isang manggagawa sa Sorsogon, isang magsasaka sa Hacienda Dolores sa Pampanga (kung saan may sigalot sa lupa ang mga magsasaka at Leonardo-Lachenal Holdings at Ayala Land), at isang aktibistang kontra sa malawakang pagmimina sa Compostela Valley ang pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar.

Tinukoy ng AFP ang Sorsogon at Compostela Valley bilang ilan sa mga priority area ng Oplan Bayanihan.

“Naghahabol ng dedlayn ang gobyerno ni Aquino at ang AFP,” sabi noon ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan. Magmula noong unang kuwarto ng taon, at kasabay ng pagtatapos ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF), binuhusan ng tropang militar ng AFP ang naturang mga priority area.

Piket ng mga grupong pangkarapatang pantao sa harap ng Kampo Aguinaldo para kondenahin ang pagkanlong diumano ng Armed Forces sa "berdugong" si Gen. Jovito Palparan. Photo courtesy: <b>Karapatan</b>

Piket ng mga grupong pangkarapatang pantao sa harap ng Kampo Aguinaldo para kondenahin ang pagkanlong diumano ng Armed Forces sa “berdugong” si Gen. Jovito Palparan. Photo courtesy: Karapatan

Partikular na pokus ng mga operasyong militar ang iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Mayroong limang dibisyon at 55 batalyon ang AFP sa Mindanao–o mahigit kalahati ng buong puwersa ng AFP. Nakasentro ito sa Timog Mindanao, Caraga, Far South Mindanao at Hilagang Mindanao. Kasangga pa nla ang mga grupong paramilitar, tulad ng Citizens Armed Forces Geographical Units, Almara at iba pang private army at armadong grupo na ginagamit ng militar sa pakikidigma.

Para sa mga grupong pangkarapatang pantao, sa naturang priority areas din nagkataong may malalaking mining applications o planong malawakang pagmimina ang dayuhang mga kompanya. Kung kaya nagsisilbing proteksiyon ang AFP sa large-scale mining companies at iba pang malalaking agricorporations tulad ng Del Monte at Dole na inaakusahang gumagamit ng nakalalasong kemikal sa mga plantasyon at nang-aagaw ng mga lupaing katutubo.

Sa kabila nito, ipinapakita ng katutubo at magbubukid na mga mamamayan sa Mindanao na handa silang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Ipinakita ng nagsilikas na daan-daang Manobo mula sa Talaingod, Davao del Norte noong Mayo 2014 na di ito magpapatakot sa malawakang militarisasyon sa kanilang mga komunidad. “Handa kaming ipaglaban ang aming lupain at kabuhayan. Kahit pa makaluma ang aming mga sandata,” sabi ni Datu Guibang Apoga, lider ng mga Talaingod Manobo, sa panayam ng Pinoy Weekly noong Mayo. Tinutugis ngayon ng militar si Apoga dahil sa kanyang pamumuno sa paglaban sa mapanirang pagtotroso sa Pantaron Range, isang virgin rainforest sa may bahaging nasa Talaingod.

Noong Marso 2014, ipinaliwanag ni Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF)-Mindanao, na tiyak ang kabiguan ng Oplan Bayanihan sa Mindanao. Sinabi pa niya, “Dahil sa pagpuwesto ng 60 porsiyento ng mga puwersa ng AFP sa Mindanao, may may oportunidad na ang mga rebolusyonaryong puwersa sa Visayas at Luzon na sumulong, at tulad ng fire truck na pumapatay ng sunog, mapupuwersa (ang AFP) na muling ideploy ang mga tropa nito sa Visayas at Luzon para patayin naman ang sunog sa mga rehiyon dito,” ani Oris.

Sa proseso ng “pagpatay ng sunog”, tumitindi ang mga paglabag sa karapatang pantao, aniya.

Pagguhit ng isang batang Lumad. Jaze Marco

Ginuhit ng isang batang Lumad ang kanyang pangarap na mapayapang komunidad. Jaze Marco

Malayong lakbay

Sa harap ng tumitinding mga pang-aabuso, naglunsad ang iba’t ibang komunidad ng mga katutubo, katuwang ang mga organisasyong pangmasa sa Mindanao, ng “Manilakbayan ng Mindanao”.

Ito’y isang mahabang karaban o biyahe ng mga katutubo, magsasaka at iba pang organisadong sektor mula sa Mindanao patungong Maynila. Pakay ng Manilakbayan na bigyan ng atensiyon ng publiko ang matitinding pang-aabuso ng militar sa Mindanao.

Kasama rito ang pagpaslang kay Henry Alameda sa Sityo Cabalawan, Brgy. San Isidro, Lianga, Surigao del Sur noong Oktubre 24. Sa tapat ng kanyang bahay, kinaladkad ng armadong kalalakihan si Alameda at pinagbabaril. Ayon sa mga saksi, nakita nila ang mga elemento ng 2nd Scout ranger Batallion ng Philippine Army na nagpapatrulya sa lugar.

Aktibong miyembro ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (Mapasu), isang grupo ng mga Lumad, si Alameda. Pinangunahan ng Mapasu ang paglaban sa mga operasyong pagmimina at kumbersiyon ng lupa sa Caraga.

Sa araw na pinaslang si Alameda, pinaslang din ng pinaghihinalaang militar ang isang residente ng Brgy. San Lorenzo sa parehong lugar.

Bago nito, noong Oktubre 12, pinatay din ang isang katutubo at anak niya sa New Bataan, Compostela Valley. Inamin ng Eastern Mindanao Command ng AFP na nagpagkamalan nilang rebelde sina Rolando Dagansan, 43, at anak niyang si Juda, 15.

Naghudyat ang mga pagpatay na ito ng pagtindi ng pananakop ng militar sa mga komunidad ng mga katutubong Manobo sa Lianga. Noong Oktubre 22 hanggang 27, napuwersang lumikas ang 378 pamilya rito dahil sa mga operasyong militar.

Pinakahuli ang kaso sa Lianga sa 83 kaso ng pagpatay sa mga aktibista, lider-katutubo at tagapagtaguyod ng kalikasan noong Setyembre at Oktubre lang. Maliban pa ito sa halos 500 sibilyan na kinasuhan ng “gawa-gawang mga kaso” ng iba’t ibang yunit ng militar at korporasyon.

Dala ng Manilakbayan ang mga kasong ito bilang patunay ng kalupitan ng Oplan Bayanihan. Sa mahigit isang linggo ng biyahe ng mahigit 300 katao mula Mindanao hanggang Maynila, dumaan sila sa Eastern Visayas, kung saan nakararanas din ang mga komunidad ng matinding militarisasyon sa harap ng paggiit nila ng hustisya at rehabilitasyon isang taon matapos rumagasa ang bagyong Yolanda.

Tutol ang mga Lumad sa pagmimina at iba pang proyektong nandarambong ng likas yaman sa kanilang katutubong lupain. Elijah Rosales

Tutol ang mga Lumad sa pagmimina at iba pang proyektong nandarambong ng likas yaman sa kanilang katutubong lupain. Elijah Rosales

Dumaan din ang Manilakbayan sa Bicol at Southern Tagalog, na kabilang din sa mga priorty area ng Oplan Bayanihan.

Sa rehiyong Bicol, may 52 kaso ng pagpatay sa mga aktibista at sibilyan ang naitala ng mga grupong pangkarapatang pantao. Dahil dito, naglunsad din sila ng sariling kampanya kontra sa militarisasyon. Tinaguriang “Kadena Bicolandia,” naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang mga grupong pangmasa sa Bicol para bigyan-pokus ang mga pang-aabuso ng militar doon.

Pagdating sa Bicol ng mga kalahok sa Manilakbayan, naglunsad din sila ng iba’t ibang aktibidad at aksiyong protesta para iugnay ang nagaganap sa Mindanao at Bicol.

Samantala, pagdating sa Timog Katagalugan, nagprotesta ang mga kalahok sa Manilakbayan, kasama ang mga organisasyong pangmasa at pangkarapatang pantao, sa harap ng himpilan ng Southern Luzon Command (Solcom) ng AFP sa Lucena City. Pinamumunuan ngayon ang Solcom ni Gen. Ricardo Visaya, kilalang dating tauhan ni Gen. Jovito Palparan Jr., ang itinuturong mastermind sa malawakang paglabag sa mga karapatang pantao noong panahon ng rehimeng Arroyo.

Sa proseso ng paglalakbay mula Mindanao hanggang Maynila, ipinapakita rin nila na bigo ang “giyera kontra insurhensiya” sa pagsupil sa lumalabang mga mamamayan.

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>