Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Bangkaroteng ‘reporma sa lupa’, gusto pang palawigin ng Kongreso

$
0
0
Bigo  ang implementasyon ng CARP, magsasakang Pilipino hindi pa rin malaya sa piyudal na pagsasamantala. PW File Photo

Bigo ang implementasyon ng CARP, magsasakang Pilipino hindi pa rin malaya sa piyudal na pagsasamantala. PW File Photo

Niraratsada ngayon ang panukalang batas na magpapahaba pa lalo sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Dalawang taon muli ang gustong iekstend ng mga kongresista sa pagpapatupad nito. Eksakto ito sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Aquino – ang kaanak ng angkang Cojuangco-Aquino na nagmamay-ari sa pinaka-kontrobersiyal na asyenda, ang Hacienda Luisita.

Kamakailan, sa botong 7-1, ipinasa na sa committee level ang House Bill 4296, na muling ekstensiyon ng CARP. Nais daw kasing tapusin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Mayroon pa raw na di naipapamahaging lupa na mahigit 700,000. Gayundin, may 260,000 pang ektarya na hindi pa nasaklaw ng notice of coverage.

May kahalintulad din na bersiyon sa Senado, ang Senate Bill 2188, na nasa committee level pa.

‘Ano’ng mapapala?”

Nitong Hunyo 30, sa pagtatapos ng Carper, (CARP extension with reforms), minamadali ang pagpasa sa muling ekstensiyon nito. “Minadali nila ang pagpasa sa komite para makaabot sa plenaryo bago magsara ulit ang sesyon ng kongreso,” sabi ni Hicap. Pinangunahan daw ni Tarlac Rep. Noel Villanueva ang pagpasa ng HB 4296 para lubusin daw ang pamamahagi ng lupa ng administrasyong Aquino.

“Ano’ng mapapala ng mga magsasaka sa mga notice of coverage ng DAR? Hindi garantiya na kapag nailagay sa notice of coverage ang lupa, pagmamay-ari ng mga magsasaka ito,” sabi ni Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), sa panayam ng Pinoy Weekly.

Karamihan nga daw sa mga nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) at Certificate of Land Titles (CLT) binabawi dahil hindi mabayaran ang amortisasyon bukod pa daw sa panlilinlang ng mga panginoong maylupa tulad ng nagaganap sa Hacienda Luisita.

At habang niraratsada ang pagpasa sa Kongreso ng ekstensiyon, minamadali din ang pangangamkam o rekonsentrasyon ng lupa sa mga panginoong maylupa at mga korporasyon. Laganap din umano ang ulat ng pagmamaltrato sa mga magsasaka, at pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga lumalaban. May mga ulat din ng pagpaslang.

Sabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na ang pagpasa ng HB 4296 sa komite ng Kamara ay katumbas na rin nang pagpapahaba sa paghihingalong nararanasan ng mga magsasaka.

“Sa loob ng 26 na taon, ginamit ng malalaking panginoong maylupa, higanteng kompanya ng real estate at lokal at dayuhang mga korporasyong agribusiness ang CARP sa maraming kaso ng exemption at exclusion, kumbersiyon at pangangamkam ng mga lupa sa kanayunan,” sabi ni Flores.

Giit ni Flores, bogus o peke ang CARP.

Kontra-magsasaka

Sa loob ng mahigit 40 taon, simula sa Presidential Decree 72 ni dating pangulong Ferdinand Marcos hanggang maging “centerpiece program” ni Corazon Aquino ang CARP noong 1988, hindi umano natinag ang monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa.

Ipinagmamalaki ngayon ng DAR na naipamahagi na nito ang 4,597,445 ektarya at ang Department of Environment and Natural Resources naman ay nakapagpamahigi ng 3,755,357 ektarya ng lupang publiko sa mahigit 5 milyong benepisyaryo.

Pero giit ng mga grupo ng magsasaka, walang signipikanteng pagbabago sa hanay nila. Walang lupa ang karamihan at lubog pa rin ang mayorya sa kahirapan.

Ayon sa KMP, lumala ang kawalan ng lupa at mas masahol ang pangangamkam ng lupa, hindi lamang ng tradisyunal na mga panginoong maylupa, kundi ng mga kompanyang agribusiness tulad ng malalaking plantasyon ng pinya, saging at palm oil sa Mindanao, at ekspansiyon ng taniman ng asukal sa Negros at iba pang lugar.

“Kalakhan ng ipinamahagi ay mga public land, hindi naman ginalaw ang mga asyenda at mga plantasyon,” paliwanag ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap.

Sinabi pa ng lider-pesante na mambabatas na isinampa ang panukalang batas sa CARP extension noon lamang Abril 10. Nakakagulat umanong agarang ipinasa ito sa unang pagbasa lamang sa komite.

“Ni-railroad ang pagpasa nito, kasama sa pursigidong ipasa ito si Rep. Noel Villanueva at pitong iba pa kongresista (tulad ni) Kaka Bag-ao ng Akbayan,” ani Hicap.

Ayon sa KMP, pinapaasa na lamang ng gobyerno ang mga magsasaka na magkakaroon pa sila ng lupa. Dagdag pa nila, niraratsada ng mga mambabatas na pabor sa CARP na ipasa ang ekstensiyon dahil malaki ang pakinabang ng mga ito.

Inihalimbawa nila si Villanueva na isang arriendador sa Hacienda Luisita. Mayroong mahigit 1,000 ektarya ito at nababalitaang ginagamit umano ang pamangking lalaki bilang dummy arriendador.

Mga magsasaka ng Hacienda Dolores na kasalukuyang nakakampo  bilang protesta sa harapan ng DAR Pampanga. Kontribusyon

Mga magsasaka ng Hacienda Dolores na kasalukuyang nakakampo bilang protesta sa harapan ng DAR Pampanga. Kontribusyon

“Sa kasalukuyan, ang halaga ng arriendo sa Hacienda Luisita ay hindi bababa sa P5,000 kada ektarya kada taon mula sa P10,000 kada ektarya bago maipaloob sa CARP,” sabi ni Flores.

Sa ilalim ng sistemang arriendo, maaring upahan ng lokal na mga opisyal ng gobyerno o dating mga manedyer at superbisor ng Hacienda Luisita Inc. ang lupa ng mga magsasaka.

“Ginamit ang sistemang arriendo ng pamilyang Cojuangco at mga kasabwat nila bilang maniobra noong 2005 para panatilihin ang produksiyon ng asukal at ang kontrol nila sa lupa. Lumaganap ito matapos ang depektibo at mapanghating tambiolo land reform ng Dar,” ani Flores.

Itinuturo rin si Virginia Torres na dating hepe ng Land Transportation Office sa mga arriendador sa Hacienda Luisita. Aabot o mahigit pa sa “dalawang daan ektarya ang lupang pinamamahalaan niya,” ayon sa KMP.

Sinabi pa ng grupo na hindi lamang ang karanasan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita napatunayan ang pagiging kontra-magsasaka ng CARP at Carper.

Nakikita rin ito sa Negros, na balwarte ng tradisyunal na malalaking panginoong maylupa tulad ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Libu-libong ektarya ng lupain ang nananatili sa kontrol ng mga asendero dahil sa mga iskema ng CARP na corporative scheme at stock-distribution option.

Aabot na sa 60% ang pagbawi o rekonsentrasyon ng lupain mula sa mga tinatawag na benepisyaryo ng CARP, ayon sa KMP. Kung kaya’t hindi raw garantiya na ipamamahagi ang lupa kapag nasaklaw ng notice of coverage, tulad sa Hacienda Ilimnan at Arloc sa Murcia, Negros Occidental.

“Lalo na at ang lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang kasabwat ng dambuhalang mga kompanyang multinasyunal gaya ng Dole (Philippines) sa pangangamkam ng lupa mula sa mga magbubukid,” sabi ni Flores.

Bukod sa Negros, hindi pa rin inaaksiyunan ng DAR ang sigalot sa Hacienda Dolores. Aabot sa 2,000 ektarya sa Porac, Pampanga ang sinasabing kinakamkam ng Leonardo-Lachenal-Leonio Holdings, Inc. (LLLHI) at FL Property Management Corp. (FL) na parehong may kaugnayan sa Ayala Land Inc.

Planong gawing Alviera eco-residential park ang 1,125 ektarya ng asyenda para sa mga imprastrakturang residensiyal, komersiyal, panturismo at industriyal ang nasabing lugar.

Sabi ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), pumasok ang mga kompanyang LLLHI at FL gamit ang exemption and conversion orders mula sa DAR. Dagdag pa ng grupo, na nakapaloob sa programang Public-Private Partnership ng administrasyong Aquino ang nasabing proyekto na pabor sa kompanya ng mga Ayala na nagbigay ng pondo sa kanyang kampanya noong eleksiyon.

DSC_3865

Ginagamit din ng mga panginoong maylupa at korporasyong agrikultural ang pribadong mga security agency para dahasin ang mga magsasaka. Kuha ang larawan sa Hacienda Luisita. PW File Photo / Macky Macaspac

Iba pa ang kaso ng Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas na kinakamkam naman ni Henry Sy. Mahigit 1,000 ektarya ng lupain ang planong gawing lugar panturismo ng Manila South Coast Development Corporation at Fil-Estate Lands.

Ayon sa Anakpawis, napailalim na sa iba’t ibang programa sa reporma sa lupa ang asyenda. Pinakahuli ay noong 1990 nang ibigay ng DAR ang kolektibong CLOA at emancipation patent sa mga magsasaka sa ilalim ng CARP. Sa kabuuan, nakapamahagi ang DAR ng 25 CLOA na sumasaklaw sa 3,981 ektarya.

Pero makalipas ang ilang taon, kinansela ng DAR ang mga sertipiko matapos ipagbili ng gobyerno sa ilalim ng Assets Privatization Trust (APT) sa MSDC sa halagang P215 Milyon.

“Napupunta na kay Henry Sy ang mga lupain ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita,” sabi ni Hicap.

Kasabay din ng pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka ang pandarahas sa kanilang hanay. Ilan na sa mga magsasaka ang napatay sa ilalim ng administrasyong Aquino. Marami sa kanila ang minaltrato, ilegal na kinulong at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso. Naganap ang mga ito sa Hacienda Looc, mga asyenda sa Negros, Hacienda Dolores at sa mismong bakuran ni Pangulong Aquino, ang Hacienda Luisita.

“Bakit kailangang bigyang pansin ng Kongreso na muling bigyan ng ekstensiyon ang CARP, samantalang sa 26 nang pagpapatupad nito, wala kahit isang asyendang naipamahagi sa mga magsasaka,” ani Hicap. Paniwala niya na bukod sa malaking pakinabang dito ng mga mambabatas na panginoong maylupa, interesado rin ang mga ito sa inilaang badyet para sa ekstensiyon ng CARP.

“Malaki ang badyet na inilaan, P150 Bilyon. Sabi nila, para raw sa support services ng mga magsasaka na mabibigyan ng lupa. Pero ano ba ang nangyari sa pork barrel, hindi ba’t napunta rin lang sa mga bulsa nila?” sabi pa ni Hicap.

Malaking porsiyento umano sa badyet ay maaaring ilaan sa kompensasyon ng mga panginoong maylupa. Tulad ito ng inilaan sa Carper na umabot sa P150-B mula 2009 hanggang 2014. Samantala, ang binayarang kompensasyon ng Land Bank mula 1972 hanggang 2005 ay umabot naman ng P41.6-B.

Iginigiit ng KMP at Anakpawis na dapat wakasan na ang “pekeng reporma sa lupa” at palitan ng isang tunay na reporma sa lupa. Mas makakabuti raw sa mga magsasaka ang panukalang batas na Genuine Agrarian Reform Bill ng Anakpawis kaysa palawigin pa ang buhay ng CARP na lalong magsasadlak sa mga magsasaka.

 

SIDEBAR

Pagkukumpara Sa GARB at CARP:

 

 

Genuine Agrarian Reform Bill Comprehensive Agrarian Reform Program
Scope and Coverage
It covers all agricultural landsit has no exemptions and exclusions. It depends on the Actual use of public and private lands Stock Distribution Option (SDO) is stillallowed or transformation from a plantation into a company to evade land reform. Other than this, leaseback arrangements and contract growing is encouraged.
Free land distribution to beneficiaries Beneficiaries need to pay monthly amortization every month for 30 yearThe land will be foreclosed if the beneficiary would not be able to pay for 3 cumulative months
Compensation is given only to lands not illegally acquired Compensation is given to all landlords regardless of how the land was acquired
State dictates compensation Landlord will dictate price of compensation
Beneficiariesall landless farmers
  • farmer-beneficiaries of PD 27 and RA 6657,
  • as amended by RA 9700, whose lands are not enough to sustain the economic needs of their families in relation to their available labor force

agricultural workers (informally employed in small farm units, commercial and agricultural farms regardless of employment status)

  • fishers occupying foreshore lands
  • settlers and tillers in alienable and disposable lands of public domain and settlement areas
  • internally-displaced farmers – farmers,
  • tenants and leaseholders who have left their land
  • who were harassed through use of threats,
  • intimidation, force and violence (sec. 35)
  • landowners who are entitled to 5 has. and
  • willing to till the land personally (sec. 37)
  • middle-income and higher-income farmers
  • and ofws who are in good stading and returned
  • to engage in farming (sec. 38)

 

Landlord will determine the beneficiaries

 


Protesta ng magsasaka vs CARP, ikinasa

$
0
0
Nanawagan ang grupong KMP sa pagpapatalsik kay Pangulong Aquino na diumano'y protektor ng pekeng reporma sa lupa.  Bulatlat

Nanawagan ang grupong KMP sa pagpapatalsik kay Pangulong Aquino na diumano’y protektor ng pekeng reporma sa lupa. Bulatlat

Kinondena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pag-utos ni Pangulong Aquino na gawing prayoridad ng Kongreso ang pagpasa sa dalawang taon na pagpapalawig sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na magtatapos sa Hunyo 30.

Sinabi ng grupo na walang dahilan ang grupo para madaliin ang pagpasa sa House Bill No. 4296, nais lang daw na kontrolin ng mga panginoong maylupa ang mga lupain tulad nang nagaganap sa Hacienda Luisita ng angkan ni Pangulong Aquino.

Death sentence para sa mga magsasaka ang pagbibigay ekstensiyon sa CARP,” ani Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP. Ayon pa sa grupo, ginamit na ng pamilyang Aquino ang CARP sa panahon ng dating Pang. Corazon Aquino para makaiwas sa na maipamahagi ang lupa.

Kaya’t hindi rin daw magpapatinag ang mga magsasaka sa ikinasa nilang mga protesta ngayong buwan ng Hunyo laban sa CARP at ang pagtatangka ng administrasyong Aquino na palawigin pa ito.

Magmumula ang mga magsasaka sa malalaking asyenda sa iba’t ibang probinsiya para sumama sa protestang tinaguriang Lakbayan ng mga biktima ng CARP para sa tunay na reporma sa lupa.

Sinabi ng KMP na lalahok sa lakbayan ang mga magsasakang inaagawan ng lupa mula sa Hacienda Luisita na kontrolado ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Kalahok din ang mga magsasaka sa Hacienda Looc sa Batangas ni Henry Sy; Hacienda Dolores sa Pampanga ng mga Ayala; at ang Hacienda Araneta sa Bulacan ng angkang Araneta na kamag-anak ni Interior Sec. Mar Roxas.

“Ipaparating ng libu-libong magsasaka na biktima ng CARP ang pinakamalakas na mensahe para kay Pangulong Aquino at sa mga nasa likod ng panukalang pahabain pa ang CARP, na sawa na kami sa kasinungalingang, panlilinlang at karahasan na dala ng pekeng reporma sa lupa,” ani Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP at dating mambabatas ng Anakpawis Party-list.

Binanatan din ni Mariano ang ginawang pagratsada (railroading) ng House Bill 4296 na magbibigay sa CARP ng dalawang taong ekstensiyon, gayundin ang pagpasa ng Committee on Agrarian Reform ng Kamara nitong nakaraang Mayo.

Sinabi pa ni Mariano na walang patutunguhan ang mga magsasaka sa panibagong ekstensiyon ng CARP at dapat na raw ilibing. “Sa bawat hakbang ng mga magsaska, ibabaon nila ang bogus na CARP,” sabi ni Mariano.

Isasabay din ng KMP ang protesta sa pagtutol sa nilulutong Charter Change (Cha-cha). Anila, malaking plano ang Cha-cha para ipamigay ang mga lupain sa dayuhang mga korporasyon.

“Itong Cha-cha at ekstensiyon ng CARP ang dahilan kung bakit lumalakas ang kontrol ng mga panginoong maylupa sa malalawak na lupain. Bukod sa binabakuran na nila ang mga lupa ng magsasaka, dumarami pa ang kanilang pribadong mga sundalo,” sabi pa ni Mariano.

Ibinigay na halimbawa ni Mariano ang ginawang pagbabakod ng pamilya ng Pangul0 sa Hacienda Luisita, gayundin ang karahasan at matinding militarisasyon sa Hacienda Looc, pagbabawal sa mga magsasaka ng Hacienda Dolores na makapasok sa kanilang sakahan at ang iligal na sarbey na isinasagawa sa lupain ng mga Araneta.

“Patunay ang mga kasong ito sa kapalpakan ng CARP,” aniya.

Nagbanta rin ang KMP na simula pa lang daw ang protesta ngayong Hunyo para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Aquino.

“Walang ibang paraan para mapigilan ang mga panlilinlang, pagpapaalis at pagpatay sa mga magsasaka, kundi ang patalsikin ang kinatawan ng mga panginoong maylupa na walang iba kundi si Aquino,” pagtatapos ni Mariano.

KMU, Gabriela nanawagan ng hustisya para sa mga obrerong biktima ng sunog

$
0
0
Ipinanawagan ng mga manggagawa na mabigyang hustisya ang kanilang walong kapwa manggagawa na nasunog sa loob ng isang bodega sa Pasay noong Biyernes. Kontribusyon

Ipinanawagan ng mga manggagawa na mabigyang hustisya ang kanilang walong kapwa manggagawa na nasunog sa loob ng isang bodega sa Pasay noong Biyernes. Kontribusyon

Nagsanib puwersa ang Kilusang Mayo Uno (KMU) at grupong pangkababaihan na Gabriela sa paniningil sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkamatay ng walong kababaihang manggagawa sa isang sunog sa Pasay noong Biyernes.

Bukod sa panawagang mabigyan ng hustisya ang mga biktima, dapat din daw na managot ang DOLE sa pagkabigo nitong maprotektahan ang mga manggagawa.

“Ang nangyari sa walong babaing manggagawa sa Pasay ay nagpapakita ng kalagayan ng libu-libong manggagawa na nasasadlak sa karumal-dumal na mga kondisyon sa paggawa,” sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ayon sa grupo, patunay daw ang insidente sa pagpapabaya ng DOLE at ng administrasyong Aquino sa kapakanan ng mga manggagawa.

“Sa ilalim ni Aquino, marami nang namatay na mga manggagawa sa loob ng pagawaan. Maituturing na nga itong masaker,” sabi naman ni Nenita Gonzaga, vice-chair for women’s affairs ng KMU.

Ibinigay na halimbawa ni Gonzaga ang mga insidenteng naganap sa mga nagdaang taon tulad sa Eton Towers noong 2010 (10 ang nasawi); Keppel noong 2011 (5); Ali Mall noong 2012 (4); Novo noong 2012 (17); at SPC Malaya Power Corp. noong 2013 (5).

Pawang lumabag sa mga istandard ng occupational health and safety ang mga kompanyang ito, ayon kay Gonzaga.

Dagdag pa ng kababaihang nagprotesta na taliwas daw sa ipinagyayabang ni Aquino sa World Economic Forum na nararamdaman ng bawat Pilipino ang pag-unlad ng ekonomiya na bansa.

“Ang pagkasunog ng walong babae sa loob ng bodega ay lantarang pagpapasubali sa mga kasinungalingan ni Aquino. Kalunus-lunos ang kamatayan ng mga manggagawa para lamang sa kakarampot na sahod. Samantala, interes ng malalaking negosyante ang pinoproteksiyunan ng gobyernong Aquino,” sabi pa ni Salvador.

Sinabi naman ng Institute for Occupational Health and Safety Development (Iohsad) na hindi ito ang unang insidente na may namatay na manggagawa sa nasusunog na bodega o pagawaan na nakakandado. Nagiging trend na ang ganitong paglabag sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.

Mga miyembro ng Gabriela na nagprotesta sa harapan ng DOLE. Kontribusyon

Mga miyembro ng Gabriela na nagprotesta sa harapan ng DOLE. Kontribusyon

“Hindi ito ang una at huli dahil may gobyerno tayo na hindi natututo mula sa ganitong trahedya, at hindi rin nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa,” sabi ni Noel Colina, executive director ng Iohsad.

Sinabi pa ni Colina na hindi raw sinunod ng Asia Micro Tech ang Rule 1943-03 na nagsasaad na dapat may dalawang exit sa bawat palapag ang anumang pagawaan para mabilis makalabas ang mga manggagawa sa oras na may sunog.

May kapabayaan din daw ang DOLE dahil nakalusot ang naturang negosyo sa batas.

Di rin nakaligtas sa grupo si Labor Sec. Rosalinda Baldoz na kanilang kinondena dahil sa mga pahayag niyang wala raw na problema ang mga manggagawa dahil itinataguyod daw ng gobyerno ang kanilang mga karapatan.

“Hindi maloloko ni Baldoz ang mga manggagawa. Nilalabag ng gobyernong Aquino ang karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon, pagwewelga at mismong ang kaligtasan ng mga ito sa loob ng pagawaan,” ani Gonzaga.

Sinabi pa ni Gonzaga na malaki ang utang na loob ni Baldoz sa mga malalaking negosyante at kapitalista, kaya hindi nakakapagtaka na lumobo ang yaman niya.

‘Lahat ng sangkot, dapat managot’

$
0
0
Press conference ng #AbolishPork Movement noong Hunyo 3. <strong>Kontribusyon</strong>

Press conference ng #AbolishPork Movement noong Hunyo 3. Kontribusyon

Nagkaisa ang iba’t ibang grupo para magprotesta kontra sa sistema ng pork barrel at pagkakasangkot dito ng administrasyong Aquino sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Sa pangunguna ng #AbolishPork Movement, inanunsiyo ng iba’t ibang lider at personalidad ang protesta para ihayag ang “galit at pagkasiphayo” sa kabiguan ng administrasyong Aquino na imbestigahan at usigin ang iba’t ibang opisyal, kabilang ang nasa gabinete ni Aquino, na sangkot sa multimilyong pisong pork barrel scam.

Nananawagan sila na magtipon ang mga mamamayan sa iba’t ibang pampublikong lugar para ihayag ang kanilang protesta.

Sa Maynila, magtitipon ang mga tao bandang alas-tres ng hapon sa Liwasang Bonifacio sa Hunyo 12. Magmamartsa sila tungong Bonifacio Shrine at Mendiola, sa paanan ng Malakanyang.

Hiniling pa ng #AbolishPork Movement ang pagbitiw sa puwesto nina Agriculture Sec. Proceso Alcala at Budget Sec. Florencio Abad na kabilang sa mga isinasangkot sa maanomalyang paggamit Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na pawang mga porma ng pork barrel.

10404438_497279427067402_6915695626823767287_nPork barrel ang tawag sa mga pondo na matataas na opisyal ng gobyerno tulad ng kongresista, senador at Presidente na siyang nagtatakda kung saan gagastusin ang pondo. Ang sistemang ito ng discretionary funds ay itinuturong isa sa pinakalantad at garapalang hitsura ng korupsiyon sa gobyerno.

“Matagal nang alam ni Pangulong Aquino na sangkot ang mga alyado niya sa pork barrel scam. Inamin mismo ng pangulo na nakita niya ang dalawang listahan ng mga benepisyaryo ng pork, ang isang lista ay binigay sa kanya mismo ng pamilya ni (pork barrel scam suspect Janet) Napoles. Matagal nang alam ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang pagkakasangkot sa scam ng mga alyado ni Aquino,” sabi ni Mother Mary John Mananzan, na siyang nagbasa sa pahayag ng grupo.

Sinabi pa ni Mananzan na kahit alam ni Aquino ang pagkakasangkot ng mga alyado niya sa naturang scam, pinangunahan pa umano niya ang cover-up dito sa pamamagitan ng pagdedepensa sa kanila sa publiko.

“Bilang taxpayer na maraming beses nang ninakawan, pinapanagot natin si Aquino sa pagkabigo niyang seryosong usigin at ipasailalim sa hustisya ang mga sangkot sa pork barrel scam,” sabi naman ni Monet Silvestre, musikero at isa sa convenors ng #AbolishPork Movement.

Dahil mukhang di na interesado ang Pangulo na pagpanagutin ang mga sangkot, kailangang kumilos ang mga mamamayan para igiit ang hustisya, sabi pa ni Silvestre.

Kabilang sa mga personalidad at lider na dumalo sa press conference ng #AbolishPork ang mga convenor nito na sina Mananzan at Silvestre; Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption; artistang si Mae Paner; Lito David ng Kapatiran Party; Sr. Mau Catabian ng Church People’s Alliance against Pork Barrel; ang law student leader na si Victor Villanueva para sa Youth ACT Now; manunulat na si Menchu Sarmiento ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala); ang whistleblower na si Col. George Rabusa; Dick Penson ng grupong ATIN; negosyanteng si Johnny Chang; at Concerned Citizens Movement.

Kasama rin ang mga lider-progresibo mula sa Kilusang Mayo Uno, RX Pork, UP Faculty vs Pork, TEACH vs Pork at sina Carol Araullo at Renato Reyes Jr. ng Bagong Alyansang Makabayan.

Tree-planting ng grupong makakalikasan mula UP, pinagbawalang magtanim sa Nueva Vizcaya

$
0
0
Ang mga estudyante taga-UP na nagpapahinga habang binabantayan ng mga guwardiya ng FCF Mineral Corporation. Kontribusyon

Ang mga estudyanteng taga-UP na nagpapahinga habang binabantayan ng mga guwardiya ng FCF Mineral Corporation. Kontribusyon

Hinarang at pinagbawalan ng mga armadong guwardiya ng isang minahan sa Nueva Vizcaya ang grupo ng mga estudyante at guro mula sa University of the Philippines-Diliman noong Mayo 31.

Ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE), sa loob ng anim na oras ay hinarang at pinigilan ng 13 guwardiya ng FCF Minerals Corp. ang grupo ng 12 estudyante ng UP kasama ang tatlo nilang guro.

Isasagawa sana ng grupo ang kanilang proyektong tree-planting sa Sitio Bit-ang, Brgy. Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya, na saklaw naman ng mining operation ng FCF Minerals Corporation.

“Papunta kami sa tree-planting site nang harangin kami ng mga guwardiya na armado ng malalakas na baril. Pinigilan at hinaras nila kami,” sabi ni Joan Manzano, guro sa UP at miyembro ng Taripnong-Cagayan Valley.

Sa mensaheng ipinadala ni Manzano sa Pinoy Weekly, sinabi niyang hinala nila na utos ng kompanya ng mina na harangin at pigilan ang kanilang grupo.

Sa kabila raw kasi ng paunang abiso ng grupo sa opisyal ng barangay na bibisita sila sa komunidad at magtatanim ng mga puno, pinigilan at sinabihan daw sila ng mga guwardiyang bawal ang pumasok sa Sityo Bit-ang dahil walang permiso. Iginigiit pa raw ng mga guwardiya na di-puwede magtanim sa Sitio Bit-ang kundi sa ibang Sityo na di-saklaw ng minahan.

Bukod sa mga guwardiyang kasama rin sa humarang at nagbawal sa kanilang ang limang pulis. Gayundin, pinagbawalan silang pumunta sa bahay ng isang lider-katutubo dahil daw sa tutol ang huli sa pagmimina.

“Limang pulis ang nandun na pinamumunuan ni PO1 Primo Valdez. Ganun din ang sinasabi: Pinabababa kaming lahat dahil bawal daw magtanim sa lugar. Wala raw kming permit,” sabi ni Manzano

Ikinakatwiran din daw ng mga pulis at guwardiya na hindi puwedeng magtanim sa mga saklaw ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ng FCF.

“Sa kasalukuyan,wala pang pagmiminang nagaganap sa Sityo Bit-ang. Plano pa lang na i-demolish ang buong komunidad para masimulan ang proyekto ng FCF,” ayon kay Manzano. Nauna nang minahin ng kompanya ang Sitio Tayab at Malilibeg; tanging ang Bit-ang na lamang ang hindi pa nasisimulan na may pinakamaraming residenteng tumututol sa pagmimina.

Halos kalbo na ang kagubatang saklaw nang pagmimina ng FCF Mineral Corporation sa Nueva Vizcaya.  Leon Dulce

Halos kalbo na ang kagubatang saklaw nang pagmimina ng FCF Mineral Corporation sa Nueva Vizcaya. Leon Dulce

Sinabi naman ni Noni Abao, miyembro ng Minggan-UP Diliman, na may itinatago ang kompanya ng mina kung kaya’t pinigilan ng mga guwardiya ang mga estudyante at guro na ituloy ang kanilang aktibidad.

“Makikinabang ang kompanya sa paglimita sa mga bisitang pumapasok sa Sitio. Maitatago nila ang tunay na isyu ng pagmimina sa publiko,” ani Abao.

Dagdag pa ng grupo, lumalabag na sa karapatang pantao ang FCF. Ayon sa grupo, noong 2009, nagsampa ng kasong harassment ang kompanya laban sa mga residente ng Brgy. Runruno dahil sa pagtanggi nilang ibenta sa kompanya ang kanilang mga lupain.

Marahas ding binuwag ng mga guwardiya ng FCF ang barikadang itinayo ng mga residente noong Disyembre 2012. Pinakahuling paglabag ang pagwasak sa mga bahay ng mga minerong nagsasagawa ng small-scale mining noong Hunyo 2013.

Sinabi pa ng Kalikasan-PNE na saklaw ang 3,000 ektarya sa naturang lugar sa FTAA ng FCF Minerals Corp., na nagsasagawa ng open pit mining para makakuha ng ginto. Pinapayagan din daw sa ilalim ng FTAA na alisin ang lahat ng istruktura sa mga lupang miminahin ng kompanya.

“Sinabi ng kompanya noong nagsagawa kami ng fact finding mission noong nakaraang taon na may karapatan daw ang FCF sa mga mineral sa ilalim ng mga pag-aaring lupain ng mga magsasaka at katutubo. Ang karapatang landag daw ng mga magsasaka ay sa ibabaw (surface rights) na maaari nilang alisin,” ani Leon Dulce, campaign coordinator ng Kalikasan-PNE.

Pinangangambahan ng grupo na tuluyang masira ang ekolohiya sa lugar. Tinatayang makakaapekto ito, hindi lamang sa mga residente, kundi maging sa mga magsasaka sa karatig probinsiya na umaasa sa tubig mula sa kabundukan ng Nueva Vizcaya.

“Aabot sa mahigit 500,000 ektarya ng probinsiya ang idineklarang watershed reserves, at idineklara pa nga ng National Economic and Development Authority na “watershed haven” dahil sa suporta ng probinisya sa 7 multi-million infrastructure projects para sa irigasyon at pangangailangan sa hydroelectric power generation, kasama na ang Magat Casecnan Hydroelectric Power Dams,” dagdag pa ni Manzano.

Pero sa kabila raw ng deklarasyong ito, pinahihintulutan naman ang FCF Mineral Corp. na magputol ng mga kahoy, dumihan ang mga pinagmumulan ng tubig at paalisin ang mga tao sa kanilang tirahan at kabuhayan. Sisirain din daw ng minahan ang biodiversity ng Sierra Madre mountain range, na kilala bilang isa sa nalalabing prontera ng bansa.

“Kung nagawa ng kompanyang FCF ang pagbawalan at takutin kaming mga taga-UP, paano pa kaya ang mga katutubong tumututol sa pagmimina at ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupang kanila naman talaga,” sabi pa ni Manzano.

Panawagan naman ng Kalikasan-PNE na dapat imbestigahan ng Commission on Human Rights ang insidente at hinamon ang lokal na mga opisyal ng Nueva Vizcaya na kanselahin ang permit ng FCF Mineral Corp.

‘Puwersahang’ paglipat kay Andrea Rosal sa piitan kinondena

$
0
0
Bantay sarado ng mga taga-BJMP si Andrea Rosal habang patungo ito sa burol ng kanyang anak. FFilephot/Macky Macaspac

Bantay sarado ng mga taga-BJMP si Andrea Rosal habang patungo ito sa burol ng kanyang anak. Macky Macaspac

Kinondena ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang diumano’y di-makataong pagtrato ng mga ahente ng gobyerno sa bilanggong pulitikal na si Andrea Rosal nang ilipat ito mula sa Philippine General Hospital pabalik sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.

Sinabi ng grupo na “halos kaladkarin” ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Rosal matapos ipalabas ang discharge order niya sa naturang ospital.

Si Rosal ang bilanggong pulitikal na kamakaila’y namatayan ng sanggol matapos pahirapan ng mga ahente ng gobyerno sa pagkakakulong. Pinagbibintangan siyang lider-rebelde, bagay na pinabubulananan niya at mga tagasuporta niya na nagsabing organisador sa hanay ng mga magsasaka si Rosal.

Siya rin ang anak ng pumanaw na tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Nakarating kay Rosal ang utos na palalabasin na siya noong Hunyo 4 nang alas-singko ng hapon. Pero bago pasado alas-sais ng gabi, ipinagpilitan na raw ng BJMP na ilipat na siya kahit hindi pa siya handa.

“Inaasahan ng mga kamag-anak niya na papayagan pa silang maghapunan, at maaaring ipagbukas na ang paglipat sa Bicutan dahil tapos na ang office hour. Aayusin pa kasi nila ang mga bayarin at kailangang abisuhan din ang mga abogado,” kuwento ni Rjei Manalo, pangkalahatang kalihim ng Gabriela-Southern Tagalog.

Sinabi pa ni Manalo na mistulang warzone ang kuwarto ni Rosal dahil sa dala-dalang malalakas na baril ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at BJMP.

“Kahit ang dalawang kasama ni Andrea, pinagbawalang basahin ang order,” sabi pa ni Manalo.

Dagdag pa niya, hindi rin sila pinayagang makatawag sa mga abogado at kinumpiska pa ang kanilang mga cellphone.

“Handa kaming sumama kay Andrea kahit sa kulungan. Sobra-sobra ang pag-alala namin, kinorner na lamang nila kami sa loob ng kuwarto at hindi na palabasin. Natakot kaming baka kung san siya dalhin, gabi na,” sabi ng isa sa mga bantay ni Rosal.

Sinabi pa ng grupo na “mistulang mga magnanakaw” ang mga miyembro ng AFP at BJMP na umaatake lamang sa gabi.

“Sobra-sobrang pagpapahirap ang ginagawa nila kay Andrea,” sabi ni Manalo.

PHOTOS | Workers continue protest vs union-busting electronics company NXP

$
0
0

Twenty-four of their leaders were dismissed and their union is under siege. Locked out and left out a month after their unjust dismissal, hundreds of protesting workers, forced their way through the industry park’s gates. Chanting “Manggagawang tinanggal, ibalik! Ibalik!” (Dismissed workers, reinstate! Reinstate!), the protesters, ushered in by dozens of fellow workers in motorcycles, marched a few kilometers toward the NXP plant. In a spectacular show of workers’ strength, and with cops and security personnel watching, the NXP workers called on the management, especially its general manager, Jose Miguel Orleans, to resume the talks for a collective bargaining agreement and end attacks on the workers’ right to a union.

NXP Semiconductors, formerly Philips Semiconductors, is an electronics company that provides semiconductors to companies such as Apple, among others.

Here are some of the photos of the protest action:

Workers from NXP Semiconductors, as well as from other unions, labor federations and advocates, gathered in front of the locked gates of Light Industry and Science Park (LISP) in Cabuyao, Laguna to protest the dismissal of the 24 NXP union leaders, and call for resumption of CBA talks. <strong>KR Guda</strong>

Workers from NXP Semiconductors, as well as from other unions, labor federations and advocates, gathered in front of the locked gates of Light Industry and Science Park (LISP) in Cabuyao, Laguna to protest the dismissal of the 24 NXP union leaders, and call for resumption of CBA talks. KR Guda

Cops quickly gathered in front of the locked gates to "maintain peace and order", but really, to protect private property and the business interests in LISP. <strong>KR Guda</strong>

Cops quickly gathered in front of the locked gates to “maintain peace and order”, but really, to protect private property and the business interests in LISP. KR Guda

Flags of the countries of corporations with plants in LISP wave side by side with the Philippine flag. LISP is a 173-hectare private "special economic zone" were multinational companies enjoy "fiscal incentives" such as tax discounts and holidays, as well as other perks from government. Meanwhile, these companies, with complicity from government agencies, press down wages and employ many, if not mostly, contractual workers. <strong>KR Guda</strong>

Flags of the countries of corporations with plants in LISP wave side by side with the Philippine flag. LISP is a 173-hectare private “special economic zone” where multinational companies enjoy “fiscal incentives” such as tax discounts and holidays, as well as other perks from government. Meanwhile, these companies, with complicity of government agencies, press down wages and employ many, if not mostly, contractual workers. KR Guda

The protesting workers break through the locked gates and march to the NXP plant. <strong>KR Guda</strong>

The protesting workers break through the locked gates and march to the NXP plant. KR Guda

NXP management contracted security personnel to man the barbed wire fences set up only recently. <strong>KR Guda</strong>

NXP management contracted security personnel to man the barbed wire fences set up only recently. KR Guda

The NXP union president, Reden Alcantara, speaks in front of the plant to once again call for the reinstatement of the 24 workers. Alcantara is one of the 24 dismissed union leaders. Labor rights advocates like the Ecumenical Institute for Labor Education and Reform and the Kilusang Mayo Uno denounced the dismissals as part of management efforts to crack down on the union. <strong>KR Guda</strong>

The NXP union president, Reden Alcantara, speaks in front of the plant to once again call for the reinstatement of the 24 workers. Alcantara is one of the 24 dismissed union leaders. Labor rights advocates like the Ecumenical Institute for Labor Education and Reform and the Kilusang Mayo Uno denounced the dismissals as part of management efforts to crack down on the union. KR Guda

The management claims that dismissed 24 union leaders skipped work on April 9, as well as April 17th and 19th, and planned to set up a strike against the management. But the workers said that the said dates were, in fact, legal holidays, that they have option to not work. April 9 is Araw ng Kagitingan (Valor Day), with April 17 and 19 are Maundy Thursday and Holy Saturday, respectively. <strong>KR Guda</strong>

The management claims that the 24 union leaders skipped work on April 9, as well as April 17th and 19th, and planned to set up a strike. But the workers answered that the said dates were, in fact, legal holidays, that they have option to not work. April 9 is Araw ng Kagitingan (Valor Day), with April 17 and 19 are Maundy Thursday and Holy Saturday, respectively. KR Guda

The protesting unionized workers, a majority of whom are women, demanded a an 8% wage hike increase. The union leaders argue that the said hike can easily be given by the management after the workers help reach record profits for the company. The management, headed by its general manager Jose Miguel Orleans, however, were willing to give only 3.5% raise. <strong>KR Guda</strong>

The protesting unionized workers, a majority of whom are women, demanded a an 8% wage hike increase. The union leaders argued that the said hike can easily be given by the management after the workers helped reach record profits for the company. The management, headed by its general manager Jose Miguel Orleans, however, were willing to give only 3.5% raise. KR Guda

Jerome Adonis, a labor leader from the Kilusang Mayo Uno, declared the labor center's all out support for the NXP workers' fight. <strong>KR Guda</strong>

Jerome Adonis, a labor leader from the Kilusang Mayo Uno, declared the labor center’s all out support for the NXP workers’ fight. KR Guda

The protesting workers call out two NXP executives, human resources head Monina Lasala and general manager Jose Miguel Orleans, who they said were among the most responsible for union-busting attempts in NXP Cabuyao. <strong>KR Guda</strong>

The protesting workers call out two NXP executives, human resources head Monina Lasala and general manager Jose Miguel Orleans, who they said were among the most responsible for union-busting attempts in NXP Cabuyao. KR Guda

Kolonyal at Elitistang Edukasyon

$
0
0

SAPAGKAT KINOPYA nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano ang ating edukasyon gayong hindi naman katugma ang ating ekonomiya ng industriyalisadong ekonomiya ng Estados Unidos, hindi nito matugunan hanggang ngayon ang mga pangangailangan ng bansa tungo sa kaunlaran at, sa halip, naging instrumento pa ito ng pang-aaliping pangkaisipan. Higit pang masama, mga korporasyong multi-nasyonal at dayuhang mga interes ang nakikinabang lamang sa talino at lakas-paggawa ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo na hindi naman tinutumbasan ng makatarungang suweldo.

Natural, dahil mga Amerikano ang naggiit ng kasalukuyang edukasyong Pilipino, isinalaksak sa ating utak ang mga pagpapahalagang maka-Amerikano kaya dinadakila natin hindi lamang ang kanilang lahi, wika, kasaysayan at kultura kundi maging ang kanilang mga produkto.  Ikinadena pa ang pambansang liderato, pinanatiling tagahimod ng kuyukot ni Uncle Sam kaya sunud-sunuran sa dikta ng mga diyus-diyosan sa Washington — pampulitika man o pangkabuhayan o anumang mga patakarang pabor lamang sa makasariling interes ng Amerika.

Samantalang umunlad, at patuloy na umuunlad, ang maraming bansa sa daigdig — tulad ng Alemanya, Pransiya, Rusya, Tsina at Japan — hindi sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Ingles sa kanilang edukasyon kundi ng kani-kanilang wika, banyagang wikang Ingles pa rin ang nangingibabaw sa ating edukasyon.  Umiiral tuloy, at isang malaking kahangalan, ang elitistang pananaw na “hindi edukado” at itinuturing nang bobo ang hindi mahusay sa lengguwahe ni Uncle Sam gayong ang sukatan ng katalinuhan ay wala sa wikang ginagamit kundi nasa laman ng isip.

Sa larangang pangkultura, ayon nga sa mananalaysay na si Stanley Karnow, lumikha tayo ng mga Pilipinong Elvis Presley, Frank Sinatra, Tom Jones o Michael Jackson, at iba pa.  Nagsulputan ang makabagong mga Donya Victorina ng Noli at Fili ni Rizal — nagpatangos ng ilong, nagpaputi ng kutis, nagpa-blonde ng buhok, nagpalaki ng suso at pabalbal na nagpipilit mag-Ingles kahit mga Pilipino ang kausap.  Kahit sa mga awitin at pelikula, malinaw na hinuhuwad natin ang kultura ng mga Yankee.

Sa halip na isulong ng walang gulugod na pambansang liderato ang siyensiya at teknolohiya tungo sa industriyalisasyon ng bansa, naiiwan tuloy ang Pilipinas sa larangang ito ng mga 50 taon kung ihahambing sa mauunlad na bansa sa Asya at mga 100 taon naman ng industriyalisadong mga bansa sa Kanluran.

Nakakainsulto tuloy na saranggola pa lamang ang kaya nating gawin gayong nagmamanupaktura na ng kanilang mga eroplano ang Tsina, Japan o Korea.  Rebentador lamang at dinamita ang nagagawa natin samantalang bomba atomika ang nalikha ng India.  May “ballistic missile” ang Hilagang Korea, ngunit tayo’y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit paitaas kung minsan.  Kung may “cosmonaut” at “astronaut” ang Rusya at Amerika na nakapaglalakbay sa kalawakan o nakararating sa buwan, mayroon daw naman tayong mga aswang at manananggal.  Samantalang gumagawa at nagbebenta ng mga sasakyan — bus man o kotse — ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng basurang mga makina at piyesa ng sasakyan upang lagyan ng kaha at maging mga behikulong pamasada.

Kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o karayom at bumibili pa ng lagari, pait, katam at martilyo mula sa ibang mga bansa, o ng iba pang mga produktong puwede namang tayo na ang lumikha.

Ano nga ba ang naidulot sa bansa ng edukasyong Pilipinong kinopya nang pira-piraso sa edukasyong Amerikano?

Malinaw na pinatindi lamang ng edukasyong ito ang kaisipang kolonyal at elitistang pananaw, pinanatiling atrasado ang bansa, at naging pabrika lamang ang pangmayamang mga kolehiyo at unibersidad ng henerasyon ng mga lider na mandurugas, makadayuhan at may kaisipang-alipin, walang pambansang damdamin o malasakit para sa pambansang kapakanan.

Sabagay, gusto namang talaga ng mga bansang industriyalisado — lalo na ng Estados Unidos — na manatiling bitukang agrikultural lamang nila ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang palaging umasa sa importasyon at maging tambakan ng sobra nilang mga produkto, lason man o gamot o pagkain, punglo man o baril, eroplano man o tangke.

Kung hinahangad din lamang na umunlad ang bansa at makita kahit anino ng industriyalisasyon, makabubuti marahil na ituwid muna ang ating kasaysayang kolonyal at ganap na wasakin ang balangkas o sistema ng umiiral na edukasyon at lipunan.  Lubhang napapanahon na, sabi nga, na pagsumikapang isulong at pairalin ang isang edukasyong tunay na maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko na makatutugon at angkop sa pambansang mga pangangailangan tungo sa tunay na kaunlaran, kalayaan at kasarinlan.


Sa anibersaryo ng CARP, mga magsasaka nanawagan ng pagbasura sa ‘pekeng reporma sa lupa’

$
0
0
Ilang taon nang ipinapatupad ang repormang agraryo, pero hanggang sa kasalukuyan wala pa ring lupa ang mga magsasaka.  Macky Macaspac

Ilang taon nang ipinapatupad ang repormang agraryo, pero hanggang sa kasalukuyan wala pa ring lupa ang mga magsasaka. Macky Macaspac

Nagkagirian ang mga guwardiya ng Kongreso at ilang nagpoprotestang magsasaka nakapuslit sa loob ng Batasan Pambansa habang nagprotesta naman ang iba’t ibang grupo sa labas.

Nanawagan silang tuluyan nang ibasura ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nasa ika-26 na taon na ngayon, sa halip na bigyan pa ito ng palugit na dalawang taon. Nanawagan din sila sa mga mambabatas na salungatin ang utos ni Pangulong Aquino na bigyang prayoridad ang muling ekstensiyon ng CARP hanggang 2016.

Sinabi ni Rafael Mariano, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), na hudyat sa mga mambabatas ang utos ni Aquino para ratsadahin ang pagpasa sa House Bill 4296. Naipasa na ang naturang panukalang batas sa committee level noong nakaraang buwan.

“Hinahamon namin ang mga mambabatas na sumalaungat sa kagustuhan ni Aquino para bigyan pa ng ekstensiyon ang bogus na CARP. Bigung-bigo ang CARP na bigyan ng lupa ang mga magsasaka,” ani Mariano.

Ayon pa sa lider-magsasaka, nais lamang ni Aquino na panatilihin ang kontrol ng kanyang angkan sa Hacienda Luisita, gayundin ang iba pang asyenda tulad ng Hacienda Looc, at Hacienda Dolores na pilit inaagaw ng mga negosyanteng sina Henry Sy at Ayala.

Napuslitan ng ilang magsasaka ang mga guwardiya ng kongreso at nakapaglunsad ng sitdown protest sa loob KMP photo

Napuslitan ng ilang magsasaka ang mga guwardiya ng kongreso at nakapaglunsad ng sitdown protest sa loob. KMP photo

Taliwas din sa ipinagyayabang ng Department of Agrarian Reform na 4.49 milyong ektarya  mula sa dapat ipamahaging 5.36 milyong ektaryang lupa ang naibigay sa mga benipisyaryo, daan-libong kaso ng kanselasyon ng mga naipamahaging lupa ang nagaganap ayon kay Mariano.

Dahil daw sa exemption at land use conversion ng mga lupain mula sa agrikultural tungong industriyal, residensiyal, komersiyal at panturismo. “Kasama pa riyan ang mining operations,” dagdag pa ni Mariano.

Sinabi pa ng KMP, batay sa datos ng Ibon Foundation, na sa loob ng 26 na taon hindi nagkaroon ng kaseguruhan na magkakaroon ng karapatan ang mga magsasaka sa kanilang mga lupang sinasaka. Dumami ang nangungupahang magsasaka (leasehold), mula sa 555,232 noong 1988 tungong 1,216,430 noong 2012. Sa ilalim daw ng leasehold arrangements dumami rin ang lupang pinapaupahan, mula sa 582,476 ektarya noong 1988 tungong 1,740,345 ektarya noong 2012.

Samantalang milyong magsasaka ang nasa ilalim ng mga contract agreement sa mga plantasyon at korporasyong agribusiness. Dagdag pa daw ang halos 1.2 milyong ektarya na nasa ilalim ng kontrata ng agribusiness.

“Karamihan ng kontrata hindi pabor sa interes ng mga mangsasaka at manggagawang bukid,” sabi ni Mariano.

Tiniyak naman ng progresibong mga mambabatas sa ilalim ng koalisyong Makabayan na haharangin nila ang pagpasa ng nasabing panukalang batas. “Parang patay na kabayo na ang CARP na kailangang ilibing para mabigyang buhay ang bagong batas para sa tunay na repormang agraryo,” ani Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Iginiit din ni Colmenares na ang solusyon sa kakulangan ng pagkain at ang naiuulat na posibleng matinding epekto ng El Niño na tatama sa bansa ay ang agarang pagpasa at pagpapatupad sa Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) or House Bill 252.

“Kaya’t sa natitirang mga araw ng sesyon ng Kongreso, igigiit namin an gaming pagtutol sa CARP o kaya ang pagbibigay ekstensiyon ng Carper. Itutulak namin na maaprubahan ang GARB,” sabi ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap sa kanyang privilege speech.

Idinagdag naman ng grupong pangkababaihan na Gabriela na patunay daw ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, gulay at iba pang produktong agrikultural na hindi na halos kayang bilhin ng mga konsyumer.

Halos kaladkarin ng mga guwardiya ang mga miyembro ng KMP palabas ng Kongreso. Macky Macaspac

Halos kaladkarin ng mga guwardiya ang mga miyembro ng KMP palabas ng Kongreso. Macky Macaspac

“Dahil hindi pag-aari ng magsasaka ang lupa, nananatiling atrasado ang agrikultura. Malaki ang gastos ng magsasaka, binabarat ng mga negosyante at madaling namamanipula ang presyo sa merkado,” ani Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Mas gugustuhin daw ng grupo na maipasa ang batas na papabor sa mga magsasaka para sa katiyakan ng suplay ng pagkain na abot kaya.

“Tama na. Dapat nang ilibing ang bogus na repormang agraryo,” ani Hicap.

Aquino, binatikos ng mga propesor ng UP sa pagkunsinti sa mga promotor ng pork barrel

$
0
0
Sa press conference ng mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, binatikos nila ang di-mapagpasyang pagtugon ng Pangulo sa pork barrel scam. <strong>Pher Pasion</strong>

Sa press conference ng mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, binatikos nila ang di-mapagpasyang pagtugon ng Pangulo sa pork barrel scam. Pher Pasion

Di epektibong natutugunan ng administrasyong Aquino ang isyu ng pork barrel scam. Ang masama, pinagtatakpan lamang nito ang isyu, ayon sa mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Sa inilabas na timeline ng UP Faculty Against Pork Barrel o UP FacPork, sa isinagawang press conference sa Vinzons Hall sa UP Diliman, lumalabas na malaki pa rin ang hindi nareresolba sa isyu na unang sumulpot noong nakaraang taon.

Kaya naman hindi nakapagtataka na nagpapatuloy ang mga protesta kontra sa pananatili ng sistema ng pork barrel o discretionary funds sa Ehekutibo ng gobyerno.

Pagpapanagot

Kinasuhan kamakailan ang tatlong senador na sangkot umano sa pork barrel scam ng Sandiganbayan. Pero para sa mga propesor, kailangang managot ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam.

Ayon kay Gerry Lanuza, propesor ng sosyolohiya at tagapangulo ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy, hindi umano sinsero ang administrasyong Aquino sa pagbasura sa sistema ng pork barrel at pagpapapogi lamang ang nagaganap na pagkakaso sa mga senador.

“Mismong si Aquino, ayaw bitiwan ang sarili niyang pork barrel (Disbursement Acceleration Program). Pawang pagtatakip sa mga nasa administrasyon ang ginagawa sa mga kaalyado nito at ang pang-aaresto sa tatlong senador ay para pabanguhin lamang ang kasalukuyang gobyerno,” ani Lanuza, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Prop. Gerry Lanuza (kanan). <strong>Pher Pasion</strong>

Prop. Gerry Lanuza (kanan). Pher Pasion

Ayon kay Lanuza, matapos sabihin ni Aquino na hindi siya aalis sa Tacloban City hangga’t hindi naaayos ang lugar, agad naman itong nagbalik ng Maynila nang magdesisyon ang Korte Suprema na ilegal ang DAP. Gayundin mabilis na pinagtatakpan nito ang mga kaalyado kagaya nila Sec. (Butch) Abad ng Department of Budget and Management, at ni Sec. (Proseso) Alcala ng Department of Agriculture sa naturang isyu.

Paliwanag pa ni Lanuza, kapag isinuko ni Aquino ang DAP nito, para na rin niyang tinanggalan ang sarili ng kapangyarihan para makapanuhol o makontrol ang iba pang mga politiko o nasa gobyerno.

Ganito din ang paliwanag ni Bebot Sanchez, propesor ng UP Cebu, dahil sa katangian ng mga pulitiko sa bansa na magkaroon ng personality benefits sa kanilang tinutulungan para makapanatili sa posisyon.

Kaya naman pagdating umano sa mga serbisyo para sa tao, mas gusto nilang lumalapit sa kanila ang mga tao kaysa pondohan ang mga ahensiyang dapat magbigay ng serbisyo-publiko tulad sa edukasyon at kalusugan.

“Hindi magkakaroon ng asset redistribution hangga’t may political dynasties. They (politicians) themselves extract the resources from the state,” ayon kay Sanchez.

Sinabi naman ni Joyce Cuaresma, propesor sa College of Public Administration and Governance sa UP, na higit na kailangan tignan at pag-aralan ang special audit report ng Commission on Audit (COA) dahil sa opisyal ang dokumentong ito.

“Mahaba ang listahan at hindi lamang tatlo. Hindi lamang dapat tayo magpokus sa tatlo kundi sa buong audit report ng COA dahil ito ang opisyal na dokumento,” sabi ni Cuaresma.

Dagdag niya nasa P80 Bilyon ang kailangang habulin sa COA Report at hindi lamang P10-B. Kailangan din umanong habulin at busisiin mabuti ang presidential pork at Malampaya funds.

Ilaan sa serbisyo

Pagkondena sa mga alyado ni Aquino na sangkot sa pork barrel. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagkondena sa mga alyado ni Aquino na sangkot sa pork barrel. Pher Pasion

Hindi lamamg krisis sa moralidad ang nangyayaring eskandalo sa pork barrel kundi konkreto umano ang epekto nito sa mahihirap na mga mamamayan, ayon sa UP FacPork.

Sa pagsiwalat sa pork barrel scam, lalong umigting ang panawagan ng mga guro na ilaan ang discretionary funds para sa serbisyo-publiko tulad ng kalusugan at edukasyon.

“Malaking usapin ang mababang sahod ng mga guro at kulang sa benepisyo. Sino ang magsasabi na walang pera? May malaking pondo na napupunta sa pork barrel pero sa batayang serbisyo patuloy na naghihirap,” ayon kay Ramon Guillermo, propesor sa College of Arts and Letters ng UP Diliman at tagapangulo ng All UP Workers’ Union.

Nakatakdang sumali ang mga guro sa nalalapit na protesta laban sa pork barrel sa Hunyo 12 sa Liwasang Bonifacio at Mendiola.

“Ang pagsasawalang kibo at hindi pakikisangkot ay pag-aambag sa paglubog ng bayan sa korupsiyon at katiwalian,” pagtatapos ni Lanuza.

 

Mga Amerikanistang Taksil sa Bayan

$
0
0

MATAPOS ideklara ni Hen. Emilio Aguinaldo ang sinasabing kasarinlan ng bansa noong Hunyo 12, 1898 sa balkonahe ng kanyang mansiyon sa Kawit, Kabite — makaraang makalaya sa kolonyalismong Kastila — at nang luminaw ang gahamang layunin ng Amerikang sakupin at pagsamantalahan ang Pilipinas, marami agad ang bumalimbing sa uring ilustrado’t elitista, ipinagkanulo ang kapakanan ng masa, pinagtaksilan ang pambansang soberanya at naging garapalang Amerikanista.

Pinangalagaan ang oportunistang mga interes, humimod agad sa tumbong ng Amerika ang mga ilustradong nakapaligid at nang-uto kay Aguinaldo sa Kongreso ng Malolos, gaya nina Pedro Paterno, Benito Legarda, Pardo de Tavera, Jose Luzuriaga, Cayetano Arellano, Felipe Buencamino, Florentino Torres, Victorino Mapa, Macario Adriatico, at iba pang patuloy na itinuturing na mga “makabayan” at nakabalandra pa nga magpahanggang ngayon ang mga pangalan sa mga kalye, paaralan at pampublikong mga lugar.

Sa kanilang mga pahayag sa Schurman Commission sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sinalaula nila’t ipinampunas ng paa at puwit ang dignidad ng mga Pilipino at walanghiyang ipinahayag ang labis na pamamanginoon agad sa dayuhang mananakop. Halimbawa, nang tanungin ng Schurman Commission si Arellano kung kaya na ng mga Pilipinong magsarili at pamahalaan ang bansa, tuwirang sinabi ng Kapampangang si Arellano:

“May bahagyang kakayahan ang ilan. Sa ilang lalawigan, halimbawa ang Pampanga, ang mga mamamayan ay may sapat na kaalamang magpalakad ng kanilang pamahalaan ngunit hanggang doon lamang; hindi sila maaaring magsarili.”

Bilang pagsisipsip agad sa mga Amerikano, sinabi naman ni Tavera: “Pagkatatag ng Kapayapaan, lahat ng ating pagpupunyagi ay dapat iukol sa ating pagiging maka-Amerikano; kinakailangang palawakin at gawing panlahat ang kaalaman sa salitang Ingles upang maangkin natin ang kanilang ugali at kabihasnan sapagkat ito lamang ang ating ganap na katubusan.”

Higit na nakasusuka ang sinabi ni Buencamino: “Ako’y isang Amerikano at lahat ng salapi ng Pilipinas sampu ng hangin, liwanag ng araw ay aking ipinalalagay na Amerikano.”

Hindi nasiyahan sa mga pahayag lamang, lubusan silang nakipagsabuwatan sa Pamahalaang Amerikano, nagtatag ng mga partidong lubos na kikilala sa kapangyarihan ng mga Amerikano at, kung maaari, gawin nang isa sa mga estado ng Estados Unidos ang Pilipinas. Ito ang Partido Federal, Partido Conservador at Asociacion de Paz na pinangunahan nina Pedro Paterno, Macario Adriatico, Gregorio Singian, Justo Lukban, Enrique Barredo, Leon Ma. Guerrero, Felipe Buencamino, Rafael Palma, Pascual Poblete, Nazario Constantino, Joaquin Lara at iba pang ilustradong nagsipagtaksil sa masa ngunit, sa kabilang banda, dinakila pa rin ng mga hindi mulat sa tunay na kasaysayan ng bansa bunga ng mga aklat pangkasaysayang sinulat ng mga historyador na nakukubabawan ng utak-kolonyal.

Mga "Amerikanistang taksil" (mula kaliwa): Emilio Aguinaldo, Felipe Buencamino, Jose Luzuriaga, Pedro Paterno, Victoriano Mapa at Florentino Torres.

Mga “Amerikanistang taksil” (mula kaliwa): Emilio Aguinaldo, Felipe Buencamino, Jose Luzuriaga, Pedro Paterno, Victoriano Mapa at Florentino Torres.

Minana ng sumunod na pambansang liderato ang pagiging Amerikanista. Sa panahon lamang nina Quezon, Osmena at Roxas, nagkasunud-sunod ang mapaminsalang mga tratadong pabor lamang sa mga Amerikano, gaya ng Parity Rights, Bell Trade Act, Kasunduang Laurel-Langley, at iba pa. Maging sa sumunod na mga rehimen mulang kay Quirino hanggang kina Marcos, Aquino at Ramos, hitik ang kasaysayan ng bansa sa pagtatraydor ng mga lider-pulitiko sa tunay na pambansang kapakanan. Sa rehimen ni Erap, isinalaksak sa lalamunan ng sambayanan ang kontrobersiyal na VFA (Visiting Forces Agreement) na ginawang tuntungan ngayon ng mga pagsasanay-Balikatan dahil sa walang habas na suporta ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa bawat plataporma at teroristang pakana ni Presidente George W. Bush ng Amerika.

Lubusan mang mapinsala ang kapakanan ng bayan at ibenta man ang kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon, agad na ipinalulunok sa sambayanan ng pambansang lideratong nakaugaliang maging palagiang tagahimod ng tumbong ng Estados Unidos ang mapandambong at mapang-aliping globalisasyon, liberalisasyon, pribatisasyon, kontraktuwalisasyon, at iba pang maka-Amerikanong programang tuluyang lalamon sa pambansang ekonomiya at tuluyang maglulubog sa bansa sa malaganap na karalitaan.

Hindi na tuloy katakataka, at lohikal na isipin, na iaangkop lamang sa interes ng Amerika ang isinusulong na muling pagbabago sa Konstitusyon ng bansa o Cha-Cha. Malamang kaysa hindi, tuluyan nang ibenta ng mga Amerikanista ang pambansang soberanya at ipagahasang lubusan ang kabuhayang-bansa at, gaya nang iginigiit na noong panahon pa ni Erap, pahihintulutan ang kapitalistang mga Amerikano na makapagmay-ari dito ng mga lupain, makapagpatakbo ng mga serbisyo publiko gaya ng tubig at kuryente, transportasyon at telekomunikasyon, at makapagmay-ari din ng media, mga kolehiyo at unibersidad. Sa maikling salita, buung-buong ipalalamon ng mga Amerikanista ang bansa sa mapambusabos na dayuhang interes.

Pero, sa aba naming palagay, hindi natutulog ang kasaysayan at patuloy na isusumpa ng mulat, makabayan at progresibong mga mamamayan ang mga Amerikanistang taksil sa bayan.

PW SPECIAL ISSUE | Independence Day 2014 Magazine issue

$
0
0

PW ESPESYAL NA ISYU - MAGAZINE - 2014-06-12 NOYNOY PORK OUST cover-smallBasahin sa itaas ang Pinoy Weekly ngayong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, ng espesyal na magazine issue. Pangunahing laman ang analisis sa pagkanlong ni Pangulong Aquino sa mga alyadong sangkot sa pork barrel scam at pananangutan niya sa bayan. Laman din ang sumusunod: EDCA at Araw ng Kalayaan; Monopolyo sa lupa at CARP; Pagdepensa ng mga Manobo kontra sa militarismo at agresyon; Di-makataong pagtrato kay Andrea Rosal; Kolonyal at elitistang edukasyon; at Usapang pangkayapaan at mga bilanggong pulitikal. (Iklik ang anumang pahina para lumaki.)

Maaaring ma-download ang isyu dito (i-right click at save).

Photos | Citizens march vs tree cutting for Laguna road project

$
0
0

 Los Baños, Laguna - Around 40 people, including photographers, artists, NGO workers, and students, marched to the site of the road widening project along Mt. Makiling Ecological Garden Road in Los Baños, Laguna on June 8. They were alarmed by numbers painted on some 300 trees along the road, fearing that these might be cut down next.

 Some 29 trees–said to be more than 50 years old–have already been cut and a portion of the road already widened, but the project has been put on hold after the Department of Public Works and Highways received flak for cutting the trees.

 Passing by where the trees used to stand.<strong>LJ Pasion</strong>

Passing by where the trees used to stand.LJ Pasion

One of the marchers draws a heart around the number painted on one of the roadside trees.<strong>LJ Pasion</strong>

One of the marchers draws a heart around the number painted on one of the roadside trees.LJ Pasion

Artist Chino Santos gives an environmental talk to the children.<strong>LJ Pasion</strong>

Artist Chino Santos gives an environmental talk to the children.LJ Pasion

Mga Larawan | EDCA at pork barrel, patunay ng ‘kawalan ng kalayaan’ sa ilalim ni Aquino

$
0
0

Nitong Hunyo 12, ipinakita ng rehimen kung papaano nito ipinagdiriwang: sa pamamagitan ng pagkumpiska ng simbolikong mga baril ng mga Katipunerong nagsasagawa ng street play malapit sa embahada ng Amerika. Sa parehong umagang iyon, inaresto ng Presidential Security Group ng Pangulo ang isang estudyante, ang 19-anyos na si Pio Emmanuel Mijares ng Ateneo de Naga University, matapos sumigaw siya ng “Walang pagbabago, sa ilalim ni Aquino!”, “Aquino, patalsikin!” at iba pang islogan na dapat sanang hinahayaang iparinig sa Pangulo sa isang malaya at demokratikong lipunan.

Ito naman kasi ang mismong mensahe ng mga nagprotesta, na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) malapit sa embahada ng US sa umaga, at malawak na alyansang kontra-pork barrel na #AbolishPork Barrel Movement sa hapon: Hindi tunay na malaya ang bayan na pinangingibabawan ng isang dayuhang (at imperyalistang) bansa sa pulitika at ekonomiya, at pinamumunuan ng isang gobyerno na nagkukunsinti ng malawakang pangungurakot sa porma ng sistemang pork barrel.

Ipinagkita ng dalawang pagkilos ang direktang pagkakaugnay ng dalawang problema, ng imperyalismo at ng sinasabi nitong burukrata-kapitalismo. Malawak ang hanay ng mga lumalaban sa pork barrel; kahit mga alyado ng Pangulo at mismong si Aquino, nagsasabing kontra sila sa pork barrel (kahit pinananatili ang sistemang ito sa ilalim ng 2014 Badyet at sa pagpapanatili ng Disbursement Acceleration Program o DAP na kontrol mismo ni Aquino). Pero sa mga progresibong lumahok (aabot ng halos 10,000, sa tantiya ng marami) sa protesta noong umaga at hapon, hindi magkahiwalay ito. May nangingibabaw na dayuhang interes, na siya namang nagkukunsinti sa mga katiwalian ng lokal na elite para patuloy na mapasunod ito. Samantala, matindi pa rin ang monopolyo sa lupa ng lokal na mga elite, at di pa rin malaya ang mayoryang magsasaka na pagyamanin ang lupa.

Iyan, sa maikling salita, ang Pilipinas. Iyan, sa maikling salita, ang kawalan ng kalayaan, mula 1898 hanggang sa kasalukuyan.

Mga larawan nina Macky Macaspac, Pher Pasion, LJ Pasion, at Ilang-Ilang Quijano:

Mistulang street theater ang bumungad sa mga pulis sa protesta ng Bayan sa embahada ng US: ang lider-obrero na si Sammy Malunes bilang Andres Bonifacio, kasama ang mga Katipunerong lumaban para sa kalayaan ng bayan noong rebolusyong 1896. <strong><p class=Pher Pasion” width=”695″ height=”436″ /> Mistulang street theater ang bumungad sa mga pulis sa protesta ng Bayan sa embahada ng US: ang lider-obrero na si Sammy Malunes bilang Andres Bonifacio, kasama ang mga Katipunerong lumaban para sa kalayaan ng bayan noong rebolusyong 1896. Pher Pasion
Nakaumang ang mga

Macky Macaspac” width=”720″ height=”521″ />

Nakaumang ang mga “baril” na props sa pagsasadula ng mga aktibista sa rebolusyong 1896, sa harap ng mga pulis sa embahada ng Amerika. Nasa kaliwa si Gabriela Rep. Emmi de Jesus bilang Katipunera / Inang Laya. Macky Macaspac
Pinuwersang kunin ng mga pulis ang props na

Pher Pasion” width=”720″ height=”480″ />

Pinuwersang kunin ng mga pulis ang props na “baril” ng mga nagpoprotestang aktibista. Pher Pasion
Tuloy ang protesta kahit malakas na bumuhos ang ulan. Nasa larawan si Garry Martinez ng Migrante International. <strong><p class=Pher Pasion” width=”612″ height=”413″ /> Tuloy ang protesta kahit malakas na bumuhos ang ulan. Nasa larawan si Garry Martinez ng Migrante International. Pher Pasion
Pinatutukuyan ng KMP ang Comprehensive Agrarian Reform Program na nabigo umanong mapagpasyang buwagin ang monopolyo sa lupa ng iilan, kung kaya wala pa ring tunay na kalayaan sa mga magsasakang Pilipino. <strong><p class=Macky Macaspac” width=”720″ height=”490″ /> Pinatutukuyan ng KMP ang Comprehensive Agrarian Reform Program na nabigo umanong mapagpasyang buwagin ang monopolyo sa lupa ng iilan, kung kaya wala pa ring tunay na kalayaan sa mga magsasakang Pilipino. Macky Macaspac

LJ Pasion” width=”720″ height=”480″ />

“Ikulong ang mga mandarambong!” LJ Pasion
Muling dala ng Bayan sa protesta ng #AbolishPork Movement, hapon noong Hunyo 12 sa Liwasang Bonifacio, ang

LJ Pasion” width=”720″ height=”480″ />

Muling dala ng Bayan sa protesta ng #AbolishPork Movement, hapon noong Hunyo 12 sa Liwasang Bonifacio, ang “Golden Baboy” na mistulang sinasamba umano ng mga pulitiko na sangkot sa eskandalo ng pork barrel sa bansa ngayon. LJ Pasion
Mga baboy sa kulungan. <strong><p class=Pher Pasion” width=”720″ height=”480″ /> Mga baboy sa kulungan. Pher Pasion
Kontra-baboy na salad ng mga maka-kalikasan, sa protesta sa Liwasang Bonifacio. <strong><p class=Macky Macaspac” width=”720″ height=”482″ /> Kontra-baboy na salad ng mga maka-kalikasan, sa protesta sa Liwasang Bonifacio. Macky Macaspac
Sina Dante JImenez ng Volunteers Against Crime and Corruption, Archbishop Emeritus Oscar Cruz at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino. <strong><p class=Macky Macaspac” width=”720″ height=”482″ /> Sina Dante JImenez ng Volunteers Against Crime and Corruption, Archbishop Emeritus Oscar Cruz at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino. Macky Macaspac
Bungo na simbolo ng kamatayan ng kalayaan ng bansa ang paglagda umano ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. <strong><p class=Ilang-Ilang Quijano” width=”599″ height=”804″ /> Bungo na simbolo ng kamatayan ng kalayaan ng bansa ang paglagda umano ng Enhanced Defense Cooperation Agreement. Ilang-Ilang Quijano
Mang-aawit na si Monet Silvestre ng #AbolishPork Movement: Nabigyan na ng maraming pagkakaton si Aquino na gawin ang tama. <strong><p class=Macky Macaspac” width=”720″ height=”522″ /> Mang-aawit na si Monet Silvestre ng #AbolishPork Movement: Nabigyan na ng maraming pagkakaton si Aquino na gawin ang tama. Macky Macaspac
Martsa patungong Mendiola. <strong><p class=Macky Macaspac” width=”720″ height=”482″ /> Martsa patungong Mendiola. Macky Macaspac
Martsa ng libu-libo patungong Mendiola. <strong><p class=Ilang-Ilang Quijano” width=”599″ height=”737″ /> Martsa ng libu-libo patungong Mendiola. Ilang-Ilang Quijano
May maskarang baboy at karatula hinggil sa kawalan ng kalayaan ang demonstrador na ito. <strong><p class=LJ Pasion” width=”720″ height=”480″ /> May maskarang baboy at karatula hinggil sa kawalan ng kalayaan ang demonstrador na ito. LJ Pasion
Kasalan (sa kulungan) ng mga sangkot sa pork barrel scam. Kasama si Aquino. <strong><p class=Pher Pasion” width=”720″ height=”464″ /> Kasalan (sa kulungan) ng mga sangkot sa pork barrel scam. Kasama si Aquino. Pher Pasion
Mga mukha ng sangkot sa pork barrel scam, kasama si Aquino at mga alyado niya, sa plakard ng mga nagmartsa patungong Mendiola. <strong><p class=Ilang-Ilang Quijano” width=”720″ height=”341″ /> Mga mukha ng sangkot sa pork barrel scam, kasama si Aquino at mga alyado niya, sa plakard ng mga nagmartsa patungong Mendiola. Ilang-Ilang Quijano

Balligi ti Umili: Pagtatanghal sa Politika ng Karahasan, Kapayapaan at Katarungan

$
0
0
Pagkamit ng makasaysayang yugto ng kilusang mapagpalaya sampung taon mula ngayon ang mapangahas na mensahe ng dulang Balligi ti Umili (Tagumpay ng Mamamayan) na itinanghal ng Dap-ayan ti Kultura iti Kordilyera (DKK) katuwang ang Cordillera People's Alliance (CPA). (Contributed photo)

Hindi simpleng pagbalik-tanaw sa mahigit 30 taong karanasan ng Kilusan para sa Sariling Pagpapasya ng mga katutubong mamamayan sa Kordilyera ang dulang Balligi ti Umili, kundi pagsilip sa isang maningning na bukas. (Contributed photo)

Pagkamit ng makasaysayang yugto ng kilusang mapagpalaya sampung taon mula ngayon ang mapangahas na mensahe ng dulang Balligi ti Umili (Tagumpay ng Mamamayan) na itinanghal ng Dap-ayan ti Kultura iti Kordilyera (DKK) katuwang ang Cordillera People’s Alliance (CPA) sa ika-30 Aldaw Kordilyera (Cordillera Day) na ginanap sa Pasil, Kalinga noong Abril 24-26, 2014.

Hindi simpleng pagbalik-tanaw sa mahigit 30 taong karanasan ng Kilusan para sa Sariling Pagpapasya (Self-Determination) ng mga katutubong mamamayan sa Kordilyera at Ilokandia. Bagkus, ang dula ay pagsilip sa isang maningning na bukas para sa ahitasyon ng mamamayang nakikibaka.

Sa pamamagitan ng dula sa loob ng dula, naging bahagi sa pagdiriwang ang mahigit 3,000 Kaigorotan kasama ng iba pang katutubo mula sa Ilokandia, Mindanao, Gitnang Luson, Visayas at NCR maging ng mga nakikiisang katribu mula sa ibang bansa gaya ng Taiwan, Panama, Bangladesh, India, Nepal, Indonesia, Fiji, Estados Unidos, Canada, India, Malaysia, Ecuador, Kenya, Japan, Switzerland at Belgium.

Sa unang eksena, buong kagalakang idineklara ni Bugan (Elder Woman na ginampanan ni Aisa Mariano) ang isang pattong bilang pagpunyagi sa Cordillera Day 2024: Araw ng Pagkamit ng Sariling Pagpapasya. Habang ang community dance na pattong ay mistulang isang tradisyunal na paraan ng pagbukas sa isang espesyal na araw sa kabundukan ng Kordilyera sa pormang tradisyunal na sayaw at sa saliw ng katutubong gangsa ng tanso at ginto, hatid nito ay indayog ng pag-asa.

Sa mata ng pamahalaang binulag ng yamang nakaw, maaaring ang inangking tagumpay na ito bilang ani ng mga katutubo gawa ng masikhay na pakikipaglaban para sa kanilang karapatan ay isa lamang konseptong katatawanan at hibang. Sa tainga naman ng mga sundalong biningi ng mensenaryong pampasabog, isa itong tipo ng balitang maaaring ikayayanig halimbawa ng 41-Infantry Battalion na tinuturo ng mga katutubo bilang may kinalaman sa masaker ng pamilyang Ligiw sa Abra gayun din ng mga berdugong pumatay sa lider ng ili (pamayanan) at tagapagtanggol ng karapatang pantao na si William Bugatti ng Ifugao noong Marso.

Festibal na maituturing ang bawat paggunita ng Aldaw Kordilyera dahil sa katangian ng pagtitipon at gayak na nalilikha nito ngunit kaiba sa makulay o artipisyal na festibal ng Department of Tourism, seryosong usapin ang tampok sa Cordi Day.

Una, ginugunita ang kabayanihan ni Apo Macli-ing Dulag (1930-80) at ng iba pang banwar, mga martir ng bayan na nag-alay ng buhay upang depensahan at ipaglaban ang lupaing ninuno. Maalalang si Apo Macli-ing ay pinaslang ng mga sundalo ng diktaduryang Marcos dahil sa kanyang paggigiit sa kalinangan ng lahat ng tribo laban sa dambuhalang Chico Dam ng World Bank.

Pangalawa, okasyon ito para pag-usapan ang problema ng mga katutubo sa ilalim ng isang pamahalaang nangunguna sa paglabag sa Free, Prior and Informed Consent (FIPC) at may ganang mangamkam ng lupaing ninuno gamit ang Mining Act of 1995. Matapos ang halos dalawampung taong pagbibigay-laya sa mga dayuhang namumuhunan at korporasyong multinasyunal, nararanasan ngayon ang mapanirang epekto ng large-scale mining gaya ng landslide at pagbaha, pagkatuyo ng mga ilog sa rehiyon at kabawasan sa matabang lupa dahil sa lason ng mine tailing.

Ikatlo, ang Aldaw Kordilyera ay isang ritwal ng sanduguan (solidarity / pagkakaisa) ng iba’t ibang tribong may iisang luha at kaaway. Dito, pinag-aaralan at pinagkakasunduan ang gagawing aksyon para sa mga luma at bagong hamon.

Ikaapat, ito ay ay palitang-sining sa pagitan ng mga tribo gaya ng chant/awit, sayaw, kwento, tula at dula bilang pagpunyagi sa mga tagumpay ng kilusan sa rehiyon sa mga isyung politikal, pang-ekonomiya at kultural.

Tagumpay ang pambungad at pangwakas ng palabas ngunit walang pagpapanggap na ito ay makakamit nang madalian at di marahas.

Sa pamamagitan ng flashback, inilahad sa mga sumunod na eksena ang masalimuot at madugong mga realidad sa pagsuway sa kapritso ng mga naghahariharian. Sa kontemporaryong sayaw, maunawaan ang monologo ni Procopio (Oyen Pangket) bilang respetadong pangat (pinuno) ng ili na isang araw ay nawala at nakita na lamang na bangkay. Malinaw na ang distorsyon ng kanyang katawan ay sanhi ng bugbog at sangkatutak na klase ng tortyur.

Ang kasunod na awit ni Wanay (Cherel Killip) ay hinagpis ng isang ina para sa dinuduyang sanggol na nawalan ng ama. Ang awit naman ng Taumbayan ay pagkilala sa isang amang “matapang, malakas ang loob / at masigasig sa pag-oorganisa / para sa pagkakaisa at kalayaan / para sa bayan at kinabukasan”.

Pinukaw ng mga awit sa tono ng kullilipan (solong pambabae) at salidummay (pangkorus / community singing) ang alboroto sa dibdib ng mga manunood sa pagpanaw ng mga mahal sa buhay gaya nina Makoy, Alice, Pepe, Chadyaas, Kamareg, Doton at Romy na pawang nagmana sa paninindigan ng dakilang pangat na si Apo Macli-ing. Kabilang sina Markus Bangit, Alice Claver, Pepe Manegdeg, Etfew Chadyaas, Johny Kamareg, Jose Doton at Romy Sanchez sa mga biktima ng extra-judicial killing kung saan ang karamihan sa mga sangkot na militar, pulis at para-militar na tropang Ambo Balweg o ang traydor na Cordillera People’s Liberation Army ay nanatiling malaya para maghasik ng lagim.

Nagluluksa ang mga bata’t matatanda, gayundin ang lupa, palay, ibon at mga sanga ngunit sa isang ellalay (chant) na “kailangang ipagpatuloy ang laban”, nangingibabaw ang likas na pagnanais ng mamamayan na tumindig para sa katarungan.

Sa kabilang banda, makatotohanan namang pinakita ang naramdamang takot ni Wanay sa puntong nais niyang ilayo sa kanilang bayan ang kanyang anak na si Kawil (Edong Dacoscos) at tuluyang mamuhay nang “tahimik” sa Baguio. Ang ganitong pagbabakwet ng mag-ina ay maisasalamin sa penomena ng malawakang paglikas gawa ng paghaharing-militar sa iba’t ibang nayon laluna kung saan may korporasyong balak ng pagmimina, pagtrotroso, pagpapa-dam o kaya pagpa-planta.

Ang talunang aparato ng sistematikong pananakot ay nagdudulot ng dislokasyon maging ng kalooban ng indibidwal man o ng buong komunidad ngunit batay na rin sa kasaysayan, sa isang panig ay lalo lamang nitong pinapatibay ang kawastuhan ng pananaw ng mga katutubo hinggil sa kabuloktutan ng sinasabing mga proyektong pangkaunlaran gaya ng mga plantang hydro at geotermal ng Chevron maging ng minahang Makilala-Free Port McMoRan ng Phoenix, Arizona.

Mismong sa Pasil na lunan ng pagtatanghal, iginiit ng tribong Guinaang sa pamumuno ng Indigenous Farmers Association of Guinaang, Pasil, Inc. (IFAGPI) ang paglunsad ng pagtitipon sa kabila ng mga bantang pagkitil ng buhay mula sa militar at mga ahente ng Makilala Mining Company na balak sirain ang mahigit 3,000 ektarya ng lupaing ninuno.

Sa harap ng ganitong hamon, kailangan ng isang pinunong may bakal na determinasyon: di natutunaw ng alok na salapi, ginto o CADT (Certificate of Ancestral Domain Title) ng NCIP (National Commission on Indigenous Peoples). Higit na kinakailangang pagtibayin ang sintido-komong Katutubong Batas (Customary Law) hinggil sa lupa kung saan “ang tao ay kinikilalang tagapaglinang at kung sinuman ang may ganang manira ay kailangang parusahan”. At sapagkat mapanghati ang pamamaraang pag-unlad ng kasalukuyang pamahalaan kasakapat ang mga dayuhang korporasyon, higit na kinakailangang buhayin ang isang unity/peace pact gaya ng Tomangan.

Sa gabay ni Apo Konao (Bernard Banao), ganito pinanghawakan ng mga katribung naiwan sa baryo ang kanilang lupang pamana. At sa bawat paglaban ay ang panawagan sa mga kabataan upang kumilos, isang alingawngaw ng bundok na pumagting hanggang sa pansamantalang pamamahay sa lungsod ng mag-inang Wanay at Kawil.

Sa kanilang naranasang diskriminasyon, demolisyon at pagkasira ng katutubong kultura, binasag ng dula ang konseptong iskapismo habang pinatunayan din ang lapot ng dugong Igorot. Si Kawil ay lumaking puno ng tanong at sa kanyang kagustuhang mahanap ang sagot ay muling inaral ang mga awit at sayaw ng kanyang lupang sinilangan. Sa isang digdigwi ay naitanghal ang kanyang simpatiya sa nararanasang paghihirap ng kanayon mula sa simpleng pandaraya sa presyo ng gulay at bulaklak hanggang kawalan ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon maging sa pagdukot at pagpaslang ng kanilang kamag-anak.

Sa awit na Fétad! Entay Epanawagan (Fétad! Ating Ipanawagan), mauunawaan sa kasabay na masigabong palakpakan na si Kawil ay sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA). Ito ang huling mensahe sa flashback.

Maaaring may impresyong iglap ang solusyong pamumundok ni Kawil laluna kung di mo kabisado ang ritmo ng hininga at galaw ng mga kamay at paa ng mga katutubong malaon nang isinasantabi. Ang transisyon ay naganap mismo sa tauhan nang magkaroon ito ng bagong pananaw.

Hindi sapat ang dalawang oras upang mailahad ang epiko ng pakikibaka ng katutubong mamamayan sa Kordilyera at Ilokandia maging ang pagkamit ng tagumpay nito mula panahon ng kolonyal na pananakop. Gayunpaman, malinaw ang ipinakitang tunggalian sa dula at ang lohika ng pasyang pag-aarmas ng kabataang tauhan.

Sa huling chant ng isang Babaeng Pinuno (Ani Bungaoen), binanggit niya ang halaga ng kasaysayan at pag-alaala sa mga aral “hindi lamang ng rehiyon kundi maging ng buong bansa sa kung paano nakamit ang isang lipunang malaya”. Ang pagsulong kung gayon para sa Sariling Pagpapasya ay sang-ayon sa perspektiba ng isang pambansa-demokratikong rebolusyon.

Balik-Tanaw sa Dulang Macli-ing

Noong 1988, itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ang dulang Macli-ing sa panulat ni Malou Jacob. Binuksan ng dula ang diskurso hinggil sa katahimikang nakabatay sa hustisya laban sa tipo ng katahimikang bunsod ng eskimang pangangayupapa ng isang estado gaya ng nangyaring kutsabahan ng Tropang Balweg at Pamahalaang Corazon Aquino.

Ang kabalintunaang “Ang tunay na mandirigma ay alagad ng kapayapaan”  ay isinambit ng Taumbayan sa talastasan ng gagawing tugon hinggil sa mensahe ni Apo Macli-ing para sa katuparan ng katarungan para sa kanya at sa kanilang ili sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga katutubo at maging sa suporta ng iba’t ibang sektor sa bansa.

Si Apo Macli-ing ay kinilalang tagapagtakwil ng tribal war bilang labi ng kolonyal na taktika ng divide and rule na naranasan ng kanilang mga ninuno laluna sa ilalim ng kolonyal na panghimasok ng Amerikano (1898-1946). Sa halip ay itinaguyod niya ang tradisyong mapagkaisa: ang bodong sa pagitan ng dalawang tribo at sa malaon ay sa pagitan ng maraming tribo (inter-tribal). Ang bodong kung gayon ay naging daan upang mapalalim ang pag-unawa ng mga katutubo maging ng mga naninirahang Ilokano sa patag hinggil sa kung sino ang tunay na kalaban ng mamamayan: silang nagtaguyod ng mapanira at mapaghating proyekto gaya ng Chico River Dam na pinangambahang magpapalubog sa kanilang ili.

Naging popular din ang mga pahayag ni Apo Macli-ing sa harap ni Pangulong Marcos at ang kroni nitong si Manuel Elizalde bilang repleksyon ng prinsipyo ng mga katutubo hinggil sa kanilang lupaing hindi pagmamay-ari ninuman sapagkat ito ay pahiram lamang ni Kabunian (Bathala / Tagapaglikha) sa tao upang kalingain at pagyamanin. Sa katutubong paniniwala kung gayon, “ang lupa ay hindi simpleng pagmamay-ari kundi bahagi ng pamanang lahi na nararapat lamang alagaan”. Taliwas ito sa kapitalistang konsepto ng pribadong pagmamay-ari at pagsasamantala sa ngalan ng malaking tubo na siyang pinamalas ng pamahalaang Marcos alinsunod sa patakaran ng World Bank. Samantala, ipinagmamalaki ng mga katutubo na sa kanilang pamanang lupain, “dito sila isinilang, dito sila nabuhay at namulat at dito rin mamamatay” gaya ng sinasambit sa Ti Daga Nagtaudan na awit ng DKK.

Sa karumaldumal na panahong batas militar, naranasan ng mga katutubo ang pagbomba sa komunidad, panununog ng kabahayan, pag-salvage at panggahasa sa mga kababaihan. Ngunit hindi nasiraan ng loob si Apo Macli-ing gaya ng nais mangyari ng kanilang kalaban. Sa halip, pinatawag niya ang buong ili: bata, matanda, kabataan, kababaihan at kalalakihan at nanawagan sa pamamagitan ng chant at sayaw ng isang Fétad! (paglaban).

Subalit umigting rin ang pasistang pamamalakad ng pamahalaan. Umabot sa puntong ang karamihan sa mga kalalakihan ay dinala sa piitan ng mga militar. Sa kabilang banda, ang iba ay aktibong nakidigma sa hanay ng NPA. Samantala, ang mga naiwang kababaihan naman sa baryo ay aktibong lumahok sa mga aksyong protesta o civil disobedience gaya ng pagdistrungka sa mga sasakyan ng mga kagamitan para sa pagtayo ng dam maging sa pagsira ng mga tent ng mga sundalong nagkakampo sa kanilang ili.

Ang mga kababaihan ay hindi nagpatinag sa mahahabang baril ng mga militar at sa halip ay matapang nilang hinarap ang mga ito bilang pagdepensa sa kanilang lupain. Nangyaring nagsimulang magtanggal ng saplot ang isang Bakét (Elder Woman) upang tigilan ang mga militar. Sa tradisyon ng senyales ng Fétad!, sumunod na naghubad ang iba pang kababaihan habang ang isang Nanay ay nagpasirit ng gatas upang mapahiya ang mga militar na pawang kalalakihan. Matandaang sa Ikatlong Akto, ang mga kababaihan sa ili ay nakaranas ng panggahasa bilang sukdulang pagyurak sa kanilang karapatan bilang babaeng ina, anak, kapatid, kamag-anak o kababayan. Kung kaya, sa kasaysayan ng Kaigorotan, ang aksyong ito ay itinuring na matagumpay sapagkat sa huli ay napahiya, umatras at tuluyang umalis ang mga nagkampong militar. Sa pagtapos ng dula, inimbitahan ang mga manunood sa isang pattong na maaya namang nilahukan ng mga manunood.

Malaking elemento ng dula ang karahasan bilang halaw ito sa buhay ni Apo Macli-ing sa panahon ng batas militar ni Marcos. Bukod dito, ang pinangyarihan ng dula sa kabundukan ng Kalinga ay isang lokasyon kung saan ang paglulunsad ng mga katutubo ng armadong labanan ay hinihiling ng kondisyong nasa panganib ang kanilang lupaing ninuno, kabuhayan, kultura at ang susunod na salinlahi. Ang animasyon ng kanilang pagiging mingor (warrior) sa kontemporaryong panahon ay pagpapahayag rin ng kanilang panawagan para sa sariling pagpapasya kung saan umiiral ang sustenableng pamumuhay at sanduguan.

Binibigyang-pansin ang linyang “Ang tunay na mandirigma ay alagad ng kapayapaan” dahil mayroon itong dalawang mukha ayon sa kung sino ang nagsambit nito: (1) batay sa tauhang nakakilala kay Apo Macli-ing na nagpasimuno sa pagtigil ng tribal war o ang walang kapararakang ubusang-lahi ng tribong Igorot laban sa isa pang tribong Igorot dahil sa mga tunggaliang ayon kay Ama Macli-ing ay maaaring mapag-usapan; at (2) batay sa tauhang kumakatawan kay Marcos, ang kroni nitong si Manuel Elizalde, ang sunud-sunurang Kapitan at ang mga militar.

Sa unang pananaw, binibigyang-linaw na ang mandirigmang gaya ni Apo Macli-ing ay naniniwala sa pagpanaw ng tipo ng tunggaliang labi ng kolonyal na pamamaraan ng pagwasak sa pagkakaisa ng kanilang ili. Magaganap ang pagpanaw na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa problemang kinakaharap ng pamayanan at sa pagkilala kung sino ang tunay na magkakampi at magkalaban sa napakamahalagang usapin ng lupa.

Sa ikalawang pakahulugan, ang linya ay naka-angkla sa layunin ng pangangayupapa ng mga katutubo nang sa gayon ay kusa nilang pabayaan ang pagpapatayo ng dam sa lupaing saklaw ng kanilang lupaing ninuno. Ang paghahalo ng balat sa tinalupan ay nagiging aparato ng estado sa ibayong panloloko sa mamamayan. Samantala, ang gera at ang pakikisangkot dito ng mga mamamayang hangad ay kapayapaan sa kanilang ili ay isang katotohanang kinagisnan na ng mga ina at anak ng iba’t ibang tribo at angkan sa Kordilyera. Sa isang banda, sa pag-iral ng kasaysayan ng mapagpasyang paglaban, ang gerang ito ay inilulunsad lamang dahil kailangan.  Para sa mga katutubo, ang kabundukan ay tangi nilang tahanan. Kinakalinga nito ang lahat ng kanilang pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, hangin at edukasyong pangsiyensa at pangkultura.

Kaya naman hangga’t may sintomas ng pagsalaula ng kanilang tahanan, ang kanilang pamayanan ay nakahandang sumugod at makipaglaban sa isang panawagan lamang ng Fétad! mula sa kanilang pangat. Sa literal, ito ay tumutukoy sa terminong laban o sugod. Sa tradisyon ng Kaigorotan, ito ay senyas ng Tribal War ngunit sa pag-unlad ng pampolitikang kamulatan ng mga katutubo mula sa inisyatibang bodong ni Apo Macli-ing, nagkaroon ng panibagong pakahulugan ang Fétad! tungo sa progresibong panawagan ng isang People’s War na nakabatay sa usapin ng lupaing ninuno at demokrasya. Sa esensya, para sa mamamayan ng Kordilyera, ito ay deklarasyon ng digmang bayan.

Maitatalang ang finale na awit na Ili Mid ay popular din sa mga komunidad na inoorganisa ng NPA at ng Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) sapagkat ang buhay ni Apo Macli-ing at ang laban sa Chico River Dam ay bahagi ng kontemporaryong epiko ng Kordilyera. Nalikha din sa rebolusyunaryong hanay ang mga salidummay na nagsasalaysay sa bahaging ito ng kasaysayan sa rehiyon.

Walang patutunguhan ang Usapang Pangkapayapaan kung hindi sinsero ang gobyerno na isakatuparan ang mga demokratikong hinaing ng mga katutubo. Ito ang deklarasyon ng mga Apo at Bakét noong Aldaw Kordilyera 2011 kung saan naganap din ang Joint Peace Consultation of Cordillera Indigenous People, Government of the Philippines (GPH) at ng NDF. Samantala, may pag-aalinlangan ang mga katutubo sa kagaganap lamang na Peace Agreement sa pagitan ng GPH at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ibang usapin ang pagkaroon ng pag-uusap. Ibang usapin pa rin ang pagpatupad sa mga napag-usapan laluna hinggil sa hinaing ng mga katutubo.

Kung gayon, nananatiling mahalaga ang pagpapakita sa dalawang dula ng armadong pakikipaglaban bilang isang realidad sa rehiyon. Batay sa tradisyon, ang bawat isinilang na katutubo ng Kordilyera ay tinuturing na isang mingor at inaasahang siya ay magiging palaban. Sa kanilang paglaki, nakasanayan nila ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa o kaya sa pagmimina bilang mga armas na dapat nilang tanganan.

Kung kaya, sa kanilang malay ang pag-aarmas para bantayan ang kanilang lupaing ninuno ay isang mahalagang bahagi ng kultura. Sa ganitong perspektiba mahusay na maihatid sa tanghalan ang representasyon ng marahas na pakikipaglaban ng mga katutubo alang-alang sa inaasam na kapayapaan at tunay na awtonomiyang (Genuine Regional Autonomy) kundi man matamasa sa kasalukuyan ay matatamasa ng susunod na salinlahi.


Kabisoteng Edukasyon

$
0
0

ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.  Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin ng Isang Guro).  Sa nasabing kabanata, sa wikang Kastila tinuturuan ang mga bata gayong hindi pa naman sila nakakaintindi ng wikang iyon.  Dahil hindi nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag  ng mga bata ang kanilang aralin.  Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote.

Kaugnay nito,  isang sulat noong nabubuhay pa si Dr. Nemesio E. Prudente, nakilalang makabayan, makatao, progresibong intelektuwal at edukador, at naging Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang tinanggap namin mula sa kanya.  Ayon sa kanya, ang iginigiit na wikang Ingles agad ang gamiting wikang panturo sa elementarya pa lamang ay “sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal.”

Niliwanag at binigyang-diin ni Dr. Prudente ang pagtutol niya sa nabanggit na patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng rehimen ni La Gloria.  Dahil wikang Ingles nga ang ginagamit na panturo sa elementarya pa lamang, napakaliit na porsiyento tuloy ng mga nagsipagtapos sa Grade VI ang pumapasa sa pambansang pagsusulit para matanggap sa mataas na paaralan.  Kinailangan tuloy ipanukala ng diumano’y henyong mga opisyal ng naturang kagawaran ang napakakontrobersiyal na “bridge program” na tandisan nang tinututulan hindi lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro sa pampublikong mga paaralan.

Unang-una, sa punto ni Dr. Prudente,  “repleksiyon ng mababang kalidad ng pamumuhay sa bansa ang sistema ng edukasyon,” gayundin ng “kolonyal na mentalidad, kainutilan at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno at ng burukrasya.”  Natural, kapos ang badyet para sa edukasyon na niwawaldas pa nga’t kinukurakot ng mga kinauukulan kaya kulang na kulang din sa mga paaralan, mga pasilidad, at may sapat na kakayahang mga guro.  Bukod dito. binigyang-diin niya, “isa sa pinakamalaking problema nga ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa elementarya.  Pinipilit ng mga may kaisipang kolonyal na matuto ng pagbasa, matematika at siyensiya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Ingles, isang dayuhang wikang nagsisimula pa lamang nilang pag-aralan.”

Batay sa mga pagsusuri sa Amerika at Canada, sabi niya, lima hanggang pitong taong ipinaiilalim sa mga programa sa pag-aaral ng wika ang mga estudyante bago maabot ang kahusayang pang-akademiko.  Tinututulan tuloy ng progresibong mga edukador doon na ipailalim sa gayong programa sa loob lamang ng tatlong taon ang migrante o dayuhang mga estudyante bago pahintulutang isabak sa iba’t ibang asignatura.  Dahil tatlong taon nga lamang, at hindi pa ganap na humuhusay sa banyagang wikang Ingles, sarisari ang nagiging problema ng dayuhang mga estudyante — pangwika man o pangkultura.

“Isang malaking kabobohan, samakatuwid, ng mga oplsyal ng edukasyon,” binigyang-diin niya, “na gamitin ang Ingles na  wikang panturo agad sa mga mag-aaral sa elementarya na tinuturuan pa lamang ng Ingles bilang ikalawang wika o ikatlong wika sa mga rehiyong di-Tagalog.”  Sa naturang antas, dapat na wikang Filipino ang gamitin kaagapay ang katutubong diyalekto bagaman,   ayon nga sa kanya, mulang Grade I hanggang Grade VI, dapat ding ituro bilang isang asignatura (subject) ang Ingles tulad din ng wikang Filipino.  Kaya, sa nabanggit na mga grado, sa Filipino dapat ituro ang siyensiya at matematika na maaaring salitan ng katutubong diyalekto sa mga rehiyong di-Tagalog.  Sa hayskul na simulan, sabi niya, ang paggamit sa Ingles bilang wikang panturo (medium of instruction).  Hindi ito nangangahulugang kakaligtaan na ang Ingles, ayon pa rin sa kanya, kaya nga dapat na isa itong asignatura sa lahat ng antas ng pag-aaral mulang elementarya hanggang kolehiyo.

Inihalimbawa ni Dr. Prudente ang sistema edukasyonal ng  Japan, China at Korea na sariling wika ang ginagamit na panturo sa lahat ng asignatura — kabilang ang matematika at siyensiya — at, bunga nito, taun-taon, laging nangunguna sa Silangan at Timogsilangang Asya sa mga pagsusulit ang kanilang mga estudyante at nangungulelat ang mga tinuruan agad sa Ingles gaya ng ating mga estudyante.  Katunayan, binigyang-diin niya,  sa nasabing mga bansa, lumikha pa sila ng mga “calculator” at “computer” na nasa sarili nilang wika bagaman ginagamit din sa kolehiyo  ang nasa wikang Ingles.

Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika.  Ayon sa kanya, dapat na magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag na “pilot schools” na wikang Filipino — katulong ang katutubong mga diyalekto — ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo na’t sa nabanggit na dalawang araling akademiko.   Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan.

Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa mundo — Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Aleman sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit — bukod tangi ngang nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.  Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitista’t may kolonyal na kaisipan na “hindi edukado” at “bobo” ang sinumang hindi marunong o mahina sa Ingles at “nasisiraan na ng ulo.” ayon noon sa isang Max Soliven sa isang kolum niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?)  kapag niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles.

Ano nga ba ang narating ng edukasyon sa bansang ito sa pamamagitan ng wikang Ingles?  Lumilitaw ngang pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.  Nang suriin ang uri ng mga kolehiyo at unibersidad sa Asya, hindi pa napabilang sa unang 40 ang pangunahing mga pamantasan sa bansa tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo University, De La Salle at Unibersidad ng Santo Tomas.  Higit na masama, maliwanag na bangkarote ang kasalukuyang edukasyon — sapagkat kinopya nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano –  kaya, sa kabilang banda,  hindi naman nito matugunan ang pambansang mga pangangailangan at problema para pasukin ang daan ng kaunlaran tungo sa kinakailangang industriyalisasyon.

“Kung susumahin,” ayon kay Dr. Prudente, “ang problema’y nasa sistema at balangkas:  elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan.”  Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, “hindi na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon.  Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na.”  Ayon tuloy sa kanya, “sa ilalim ng kasalukuyang sistema — at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon — halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak, nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang mayayaman.”

Dahil nga sa makadayuhang mga  patakarang pang-edukasyon — bukod sa iba pang larangan — na idinidikdik ng gobyerno, lumilinaw tuloy ang idinidikta noon pa man ng IMF-World Bank at ng mga instrumento ng imperyalismong Amerikano na isapribado ang mga paaralang pampubliko, lalo na ang mga SUC (State Universities and Colleges) sa bansa ngayon upang mapasok ng salanggapang na mga kapitalistang nakabalatkayong edukador na matagal nang nagsisipaglaway sa negosyong edukasyon.  Katunayan, napasok na ng kilalang malalaking negosyante ang larangang ito:  kontrolado na ni Lucio Tan ang UE (University of the East), ni Emilio Sy ang CEU (Centro Escolar University), ni Alfonso Yuchengco ang MIT (Mapua Institute of Technology), at ni Henry Sy ang Asia-Pacific College.

Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso — lalo na mula sa kampo ng Simbahan — sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng edukasyon.  Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang mga anak-anak ng karaniwang mga manggagawa, magsasaka’t mangingisda o nabibilang sa hukbo ng mga walang-wala).

Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan.  Sapagkat balintuna’t makadayuhan  pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, “lubhang napapanahong sama-samang kumilos,” sabi ni Dr. Prudente, “ang lahat ng makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan.”  Sa punto niya, “kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon.  Maaaring gawing makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa.”

Sa kabuuan, at sa alinmang punto tingnan at suriin, lubhang napapanahon na ngang baligtarin naman ang sistema — ang wikang Filipino naman ang gawing wikang panturo sa halos lahat ng asignatura tulad nang ginawa, at patuloy na ginagawa, ng mauunlad na mga bansang nagmamahal sa sarili nilang wika at kultura.   Maliwanag, patuloy lamang ibinubulid ng umiiral na elitista at kolonyal na edukasyon ang bansa sa kumunoy ng kamangmangan at kaatrasaduhan.  Panahon na ngang buwagin ito at igiit ang isang edukasyong makabayan, makatao, mapagpalaya at siyentipiko.

Taas-presyo ng bigas, isinisi ng mga magsasaka sa Malakanyang

$
0
0
Isinisi ng grupong KMP sa kartel ng bigas ang paanibagong taas presyo ng bigas. Macky Macaspac

Isinisi ng grupong KMP sa kartel ng bigas ang panibagong taas presyo ng bigas. Macky Macaspac

Umani ng pagbatikos ang tagapagsalita ni Pangulong Aquino na si Presidential Communications Operations Office Sec. Herminino “Sonny” Coloma Jr. na nagsabing kailangan daw pagtiisan daw muna ang publiko ang taas-presyo ng bigas.

“Napaka-insensitive naman ng ganitong pahayag at halatang hindi alam ng mga taga-Malakanyang kung gaano kahirap ang buhay ng ordinaryong Filipino…(H)indi naman tumataas ang sahod pero tumataas naman lahat ng bilihin mula sa pagkain, pamasahe, gasolina at kuryente,” sabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Sinabi ni Coloman na pansamantala lamang daw ang pagtaas ng presyo ng bigas, at sa loob ng dalawang buwa’y maaari nang umayos ang presyo nito kapag nagsimula na ang pagtatanim at anihan na magsisimula sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ng Malakanyang na hindi rin daw kukulangin ang suplay dahil parating ang inangkat na bigas ng National Food Authority. Sa kasalukuyan, pumapalo na sa abereyds na P42 ang presyo ng well milled rice samantalang P40 naman ang regular milled-rice.

Pero sinab ni Colmenares na hindi makakatulong ang inihahaing mga solusyon ng gobyerno, kabilang ang solusyong rolling store ng gobyerno, “Limitado naman ang mga ito at sa totoo lang, showcase ng gobyerno ito para sabihin na may inaaksiyunan nila ang pagtaas ng mga bilihin,”sabi ni Colmenares.

Ipinaliwanag naman ni Rafael Mariano, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, na resulta ng labis na importasyon ng bigas ang patuloy na pagtaas ng presyo nito. “Dahil ito sa patakarang importasyon na sanhi ng liberalisasyon ng kalakalan, gayundin ang kawalan ng regulasyon at pagkontrol sa presyo ng gobyerno,” aniya.

Pinabulaanan ng KMP na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa tumaas din ng presyo ng palay.

Sa probinsiya ng Isabela at Quirino, nasa P17 hanggang P18 kada kilo ang bilihan ng bagong aning (basa) palay. Ang tuyong palay naman ay nasa P20 hanggang P22 kada kilo, ayon sa KMP.

“Taliwas sa sinasabi ng Malacanang na kasalanan ng mga magsasaka, dahil sa average na P17 kada kilo ng palay na bilihan, hindi ito magiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas,” sabi ni Maariano.

Idinagdag pa ni Mariano na bukod sa patakaran ng gobyernong mag-angkat ng bigas, nakikinabang daw ang kartel ng bigas sa patuloy na pagtaas ng presyo.

“Ang mga malalaking panginoong maylupa at tiwaling traders ang tanging may kakayahan na magtago ng suplay ng palay. Sila ang pangunahing may gawa sa pagsirit ng presyo ng bigas,” aniya.

Panawagan nila na itigil na ng gobyerno ang importasyon ng bigas na idinidikta ng patakarang liberalisasyon at kagyat na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa, para malutas ang problema sa pagkain.

“Kailangang ayusin at palakasin ng gobyerno ang sektor ng agrikultura, mula sa pagtatanim hanggang sa mga kagamitan para sa pag-aani, kasama na ang rehabilitasyon ng sistema ng patubig. Hindi naman uubra na puro noodles at pancit canton lang ang kakainin ng mamamayan natin,” sabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Hinamon naman ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap si Aquino na huwag nang banggitin ang rice self sufficency ng bansa sa darating na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

“Laging nasa SONA ni Pang. Aquino ang rice self-sufficiency, pero hindi na niya maipagyayabang ang problemang ito ngayon.Mapapahiya siya sa SONA. Habang sinasabi niya na maaabot na ng bansa ang rice self-sufficiency, lalo namang dumarami ang nagugutom na Pilipino,” sabi ni Hicap.

Tiamzon couple stays in Camp Crame

$
0
0
Progressive groups held protest in front of the Manila Regional Trial Court to press for the release of Tiamzon couple and other NDF peace consultants. Karapatan photo

Progressive groups held protest in front of the Manila Regional Trial Court to press for the release of Tiamzon couple and other NDF peace consultants. Karapatan photo

A Manila court ruled out Criminal Investigation and Detection Group’s (CIDG) request to transfer the detention of  Wilma Austria and Benito Tiamzon, alleged top leaders of the Communist Party of the Philippines, from Camp Crame Custodial Center to a Bureau of Jail Management Penology prison facility.

In a hearing this morning for charges of multiple murder against the couple, Judge Thelma Medina of Regional Trial Court Branch 32 and in consonance with three other courts at issued commitment orders, ruled that  Tiamzon couple should be detained at Camp Crame General Headquarters of the Philippine National Police for being high value prisoners.

The CIDG argued that the PNP does not have the capacity to secure the Tiamzon couple and should therefore be transferred to the detention facility where the cases against them are filed. But this was strongly opposed by the couple’s legal counsel.

The couple’s counsel said that the claims of the CIDG contradicts the ‘elaborate’ preparations being made for high profile personalities involved in the pork barrel scam.

“The prospective jail cells for sitting senators in spanking new individual jail cells measuring 32 square meters each is in stark contrast to the cramped, humid and squalid separate cells of Benito Tiamzon and Wilma Austria Tiamzon barely measuring half this size,” said lawyer Edre Olalia, secretary general of the National Union of Peoples Lawyers (NUPL) and one of  Tiamzon couple’s legal counsel.

While human rights group Karapatan called on the Aquino government to stop the double standard treatment of prisoners.

“Peace consultants and other political prisoners as well as petty common crime prisoners are drawn to inhumane prisons to make way for a red carpet jail for senator criminals and other plunderers,” said Marie Hilao-Enriquez, Karapatan chairperson.

The group also called for the immediate release of Tiamzon couple and other political detainees.

The Tiamzons are also facing what human rights groups call “fabricated charges” of kidnapping with serious illegal detention at the Quezon City RTC, murder and frustrated murder in Laoang, Northern Samar and illegal possession of explosives in Toledo, Cebu.

Kawani ng kalusugan, sumugod sa Korte Suprema, DBM vs pribatisasyon

$
0
0
Kawani sa kalusugan sa tapat ng Korte Suprema.<strong>Pher Pasion</strong>

Kawani sa kalusugan sa tapat ng Korte Suprema.Pher Pasion

Muling sinugod ng mga kawani sa kalusugan ang Korte Suprema para sa agarang pagpigil sa pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC).

Hindi pa umano nagbibigay nang ano mang desisyon ang Korte Suprema apat na buwan matapos magsumite ng Certiorari and Prohibition with the Application for the Issuance of Writ of Preliminary Injunction at maging ng Temporary Restraining Order (TRO) ang mga kawani sa kalusugan para pigilan ang ano mag porma ng pagsasapribado ng (POC).

“Hindi natin maintindihan kung ano ba ang nagiging sagka kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin naglalabas ang Korte Suprema na kahit TRO man lamang?” ayon kay Jossel Ebesate, tagapangulo ng Alliance of Health Workers (AHW).

Kasalukuyang sumasailalim ang POC sa iskemang build-operate-transfer, isang porma ng pribatisasyon na magpapaubaya sa pagpasok ng pribadong sektor (gaya ng Megawide-World Consortium sa kaso ng POC) para patakbuhin ang nasabing ospital.

Tulak din ito ng private-public partnership na programa ng administrasyong Aquino na naglalayong isapribado ang 72 pampublikong ospital sa buong bansa.

Nanawagan si Ebesate huwag sanang magpaimpluwensya ang mga hukom ng Korte Suprema sa Malakanyang at malalaking negosyante at pumanig sa kung ano ang tama at makabubuti lalo na sa mga mahihirap.

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

“Inaakala namin na ang Korte Suprema ang nakapamandila ng katarungan at matuwid. Umaasa tayo na di tayo makakakuha ng hustisya, pero sa paglipas ng panahon mabilis na dumidilim ang ating pag-asa. Justice delayed is justice denied. Ikamamatay natin itong (pribatisasyon) lahat,” ayon kay Sean Velchez, isang nars at tagapangulo ang unyon sa POC.

Higit na kailangan

Kaugnay nito, sumugod din ang mga kawani sa kalusugan sa Department of Budget and Management para manawagan ng karagdagang badyet para sa kalusugan.

Ayon sa AHW, dapat ilaan ng DBM ang karagdagang badyet para sa kalusugan imbes na ilaan ito sa pork barrel na bulnerable sa korapsyon.

“Bakit pinagkakaitan ang pampublikong mga ospital natin ng pondo sa gitna ng multi-bilyong pisong eskandalo ng pork barrel?” ani Ebesate.

Ayon kay Velchez, nasa P5.6 Bilyon lamang ang kakailangan para modernisahin ang POC na kaisa-isang ospital na espesyalista sa buto sa bansa kung dito ilalaan ang di umano’y P10-B pork barrel scam ni Napoles.

Kawani sa kalusugan sa tapat ng Department of Budget and Management laban sa pork barrel.<strong>Pher Pasion</strong>

Kawani sa kalusugan sa tapat ng Department of Budget and Management laban sa pork barrel.Pher Pasion

Sa taong 2014 naglaan lamang ang Department of Health (DOH) ng pondo sa 72 publikong ospital ng P16.6-B (o 21 porsiyento ng P80-B badyet ng DOH). Ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ang may pinakamalaking parte na P35.29-B (o 43 porsiyento ng badyet ng DOH).

Pero hindi nakikitang solusyon ni Wilma Talledo,35, kasalukuyang tumuloy sa Pampanga para sa pagpapagamot ng kanyang anak sa Philippine General Hospital na may sakit sa bituka, ang Philhealth, sa panayam ng Pinoy Weekly.

“Kahit may Philhealth ako, hindi ko magamit dahil sa bagong policy daw nila. Sa ngayon pabalik-balik ako dito mula Pampanga para sa check-up ng anak ko dahil hindi ko pa alam kung kailan sya maooperahan,” ayon kay Talledo.

Wala umanong kasiguraduhan kung maooperahan ang kanyang anak. Kaya para kay Talledo, mas mainam pa na direktang ilaan na lamang ang pondo sa mga publikong ospital kesa sa ginagawa niyang paglapit na tila nanlilimos sa mga politiko.

 

 

Ang Hindi Magmahal

$
0
0

Bumanat na naman si Lisandro “Leloy” Claudio, ang anti-Kaliwa at maka-Akbayang akademiko. May nagpadala sa akin ng link ng pinakabagong artikulo niya sa Rappler — na tila naging publikasyon na ng Akbayan dahil may mga artikulo rin nina Sylvia Estrada-Claudio at Joel Rocamora, mga komentarista ng naturang grupo. Ang lahat ng artikulo nila, syempre pa, ay kampi kay Pang. Noynoy Aquino. Sa “CHED is not targeting Filipino language instruction,” sinagot ng batang Claudio ang mga kritisismo sa Commission on Higher Education (CHED) Memo Order No. 20, series of 2013.

Laman ng memo ang mga bagong alituntunin sa General Education sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. Lumalabas na may sapat na kaalaman — at marahil ay kita rin — si Claudio sa naturang mga alituntunin dahil, batay sa pag-amin niya, siya’y “tumutulong magdisenyo” ng isa sa mga kurso ng CHED sa General Education. Ang sentral na argumento niya: Hindi “tinarget” ng memo ang wikang Filipino dahil inalis man ang pagtuturo nito sa kolehiyo, inilagay naman ito sa sekundaryang edukasyon. Katunayan, aniya, dumami ang mga yunit sa naturang asignatura at kasama nito ang wikang Ingles.

Banggain natin nang direkta ang punto ni Claudio: Tinarget o inatake ng memo ang wikang Filipino. Ang kahit anong aralin, magkaiba ang pagtuturo sa sekundaryang edukasyon at pagtuturo sa kolehiyo. Mahalaga ang pareho, pero may natatanging halaga ang pagtuturo sa kolehiyo. May kakaibang paggagap ang mga estudyante sa kolehiyo sa mga aralin at may ibang epekto ang mga ito sa mga magiging landas nila sa buhay. Ang pag-alis sa pagtuturo sa wikang Filipino sa kolehiyo ay pag-atake rito. At hindi dahilan na kasama naman nito ang wikang Ingles, dahil iba ang pagpapahalaga sa huli sa bansa.

Ano ngayon ang problema? Nasasaling lang ba ang ating nasyunalismo? Na tila irasyunal at sentimental lang para kay Claudio? Higit pa diyan. Ayon mismo sa kanya, “Hindi mauunawaan ang memo ng CHED labas sa konteksto ng K-12.” At ano ang problema sa K-12? Pinapatampok nito ang dalawang tunguhin ng edukasyon sa bansa: ang magprodyus ng una, murang lakas-paggawa at ikalawa, elite na nakapagkolehiyo. Hindi na bago ang pagkakahati, na tinalakay na ng iskolar na si Bienvenido Lumbera sa “Edukasyon para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita (1972).”

Sa K-12, karamihan sa mga bagong-tapos sa pinalawig na hayskul ay edad 18 — ibig sabihi’y ligal nang magtrabaho. Kaya nga ipinasok na rin sa hayskul ang mga araling teknikal at bokasyunal. Hindi na nila kailangang magkolehiyo — na inirereserba sa mga “seryoso” sa pag-aaral, kayang magbayad sa harap ng pagtataasan ng matrikula at ng pagtakas ng gobyerno sa tungkuling pondohan ang edukasyon. Ang resulta: dagat ng murang lakas-paggawa sa isang banda at elite na nagkolehiyo sa kabila. Mas nakatipid ang mga naghaharing uri sa paglikha ng dalawang grupong pagsasamantalahan nila.

Ano ang problema sa magiging pwesto ng wikang Filipino sa kalagayan ng K-12? Lumalabas na sintomas lamang ito ng mas malalaking usapin. Ang pagkapunta nito, kasama ng wikang Ingles, sa hayskul ay bahagi ng paglikha ng murang lakas-paggawa: kailangang marunong sa komunikasyon sa amo at sumunod sa mga instruksyon sa paggawa, halimbawa. Ang pagkaalis nito sa kolehiyo ay bahagi ng pagkahiwalay ng mga magkokolehiyong elite sa komunikasyon sa nakakaraming Pilipino at karaniwang tao, ng pagkagumon nito sa espesyalisasyon, at ng pagkalulong nito sa sariling sirkulo.

Kung susuriin ang pinag-uugatang pananaw ni Claudio sa edukasyon, lalabas na mababaw na liberal ito: nagpapasya batay sa umano’y mahuhusay o magagandang asignatura. Walang pag-unawa sa pangkalahatang lugar, silbi at oryentasyon ng edukasyon sa bansa para sa mga naghaharing uri. Diyan siya nahulog sa kakaiwas niya sa nasyunalista o makabayang pananaw — na sa Pilipinas ay mahigpit na kaugnay ng pananaw na progresibo o maka-Kaliwa. Hindi lang sa ipinagtanggol niya ang dominanteng tunguhin ng edukasyon sa bansa, naging bahagi na siya ng paglikha nito.

Kaya nga simple lang, para kay Claudio, ang solusyon sa pagkatanggal sa trabaho ng mga guro sa kolehiyo dahil sa K-12: Eh di lumipat sila sa pagtuturo sa hayskul. Kung titingnan sa usapin ng numero ng trabaho at may-trabaho, walang problema sa panukala. Pero sa perspektiba natin bilang bayan, hindi ba’t may problema? Tampok na porma ng neoliberalismo ang denasyunalisasyon, at hindi ba’t nawawalan ng yaman ang bansa sa pagbitiw ng mga guro sa kolehiyo sa kanilang kakayahan at paglipat sa hayskul? Ang kakayahan nila sa pagtuturo sa mga mas abanteng asignatura sa kolehiyo, isusuko.

“Hindi ka iiwasan ng kasaysayan kahit iniiwasan mo ito.” Isa iyan sa mga sikat na islogan ni Fredric Jameson, progresibong intelektwal na Amerikano. Ganito rin siguro ang isang pagsagot kay Claudio kaugnay ng nasyunalismo: Iwasan man niya, ang lakas-paggawa ng mga Pilipino ay pinagsasamantalahan bilang may mga katangiang “Pilipino.” Ang call center na ipinagyayabang ng gobyerno, nakabatay sa umano’y husay sa Ingles at nyutral na accent ng mga Pinoy. Ang elektroniks na numero unong eksport ng bansa ay nakabatay sa umano’y maliliit at malalambot na daliri ng ating kababaihan.

Sabi ng historyador na si Ambeth R. Ocampo, ang nagsabing “Ang hindi magmahal sa kanyang salita / mahigit sa hayop at malansang isda” ay hindi ang bayaning si Jose Rizal. Pwedeng isa raw sa mga makatang sina Herminigildo Cruz o Gabriel Beato Francisco. Anu’t anuman, nagpapakita ang bantog na sipi ng pagkutya at pagmamaliit sa mga Pilipinong hindi nagmamahal sa sariling wika. Kahalintulad siguro ang masasabi sa mga tulad ni Lisandro Claudio: Ang hindi magmahal sa kanyang salita, nagiging kapanig ng pagsasamantala ng iilang naghahari sa lakas-paggawa ng nakakarami sa bansa.

20 Hunyo 2014
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live