Quantcast
Channel: Pinoy Weekly
Viewing all 2319 articles
Browse latest View live

Binabarat, Nagrerebolusyon: Sarbey sa Mayo Uno

$
0
0
Mga manggagawa at iba pang progresibo sa aksiyong protesta noong Mayo Uno. <strong>Pher Pasion</strong>

Mga manggagawa at iba pang progresibo sa aksiyong protesta noong Mayo Uno. Pher Pasion

PW social iconPaano ipapaliwanag sa isang salita lang ang pagsasamantala ng kapitalista sa mga manggagawa? At papaano–sa isang salita rin–wawakasan ang pagsasamantalang ito? Binato ng Pinoy Weekly sa humigit-kumulang 100 sa libu-libong manggagawa at aktibistang dumalo sa kilos-protesta noong Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, ang mga tanong na ito.

Isang ehersisyo ito sa kung papaano simpleng (wala nang sisimple sa isang salita lang) ipinapaliwanag ang isang kumplikado (at minsan, di lantay) na reyalidad ng pagsasamantala sa mga manggagawa ng iilang lokal at dayuhang kapitalista.

Ipiniprisinta namin ang sarbey na ito sa pamamagitan ng tag cloud. (Iklik ang tag cloud para sa mas malaking imahe.)

Sa isang salita, papaano mo isasalarawan ang pagsasamantala ng kapitalista sa mga manggagawa?

Workers' exploitationSa isang salita, papaano wawakasan ang pagsasamantala ng kapitalista sa mga manggagawa?

Workers' exploitation - wakasan

Kayo, papaano ninyo ilalarawan ang pagsasamantala sa manggagawa ng kapitalista, sa isang salita? Sa isa ring salita, papaano ba ito mawawakasan?


Kumpisal (Part IV)

$
0
0

(Basahin ang Part I, Part II at Part III)

PAGBALIK ko sa lumang impyerno tuluyan na akong ipinaghele ng hika. Marahas ang sakit ko. Sa isang banda’y naging dahilan ito para tantanan ako ng mga bantay. Palagay ko’y pati hapunan ay pinalampas ko. Kinabukasan na ako nagising. 

Pagong ang ikalawang araw sa lumang impyerno. Hindi nagmamadali. Samantalang ako’y paspas sa pakikipag-unahan sa bawat higit ng balikat at paglalaway sa kaligtasan. Pero ang bawat hakbang ng sandali ay isang paulit-ulit at walang katapusan lamang na palitan ng gwardya, interogasyon, pang-uuyam, kasa ng baril, dalirot ng baril, putok ng baril (sa firing range?), take-off at landing ng eroplano, tsug-tsug ng tren, daing-aray-iyak ng mga binubugbog, lagapak ng padlock sa pintong bakal kapag may inilalabas-masok. Mga hiyaw na “Guard! Iinom!” “Guard! Pasindi!” “Guard! Tatae!” “Ser, wala akong kasalanan! Magsasabong lang ako!  Maawa kayo, maliliit pa ang mga anak ko!”

Lahat ito’y matipid na sinasagot ng “Putang ina! Wag kayong maingay!”

O kaya’y katahimikan. Hanggang manawa kami sa kasisigaw.

Ikinagulat kong may kasama na ako nung umagang ‘yun sa loob ng selda. Dumadaing siya’t habol ang singhot. Tinawag nya ako’t nagpakilala siya. Lalo akong nagtaka dahil ang alam ko’y lima lamang kami. Hindi namin kasama ito nung dukutin kami.

Paliwanag nya’y una pa raw syang dinampot sa amin. Nung umaga raw bago kami dukutin ay hawak na raw sya ng mga humarang sa amin. Nandun din daw sya sa van. Nakagapos at bugbog-sarado. Pinilit raw s’yang umamin na NPA s’ya. S’ya rin daw ang gagawing testigo laban sa amin. Mahirap daw tumanggi o mangatwiran habang sinusuputan s’ya ng plastik sa ulo at pinapalo. Kung hindi raw siya sasang-ayon ay hindi s’ya titigilan nang pagpapahirap.

Kinilabutan ako nang maamoy ko ang lansa ng sariwang dugo mula sa kanya. Nasilip ko sa ilalim ng piring ang mapulang karne ng sugat n’ya sa binti at braso. Dumurugong-daliri na nabebendahan sa hinalalatong kuko. Hindi ko itinanong kung paano niya nakuha ‘yun. Ayaw kong alamin. Bago pinutol ng pagdating ng rantso ang bulungan namin nasabi pa n’yang pasensya na raw. Kung hindi raw siya makikipagtulungan ay mamamatay kaming lahat. A, kung bakit nga ba sadyang kayhirap tanggapin ang kamatayan para sa iba.

Noong umaga ring ‘yun, nag-roll call ulit ako. Kumpleto na kami. Maige naman. Dahil mga bagong kain at nakapanigarilyo pa, nagawa naming maglakas-loob na mag-usap kahit hiyawan mula sa kanya-kanyang selda. Kumustahin ang kalagayan. Kumparahan ng karanasan.  Matataas pa ang aming diwa. Maya-maya’y bumirada na naman ang aming song leader, “Okey boys, ol tugeder naw!”  Kahit kay haba ng lalakbayin, daang tag-araw man ang humagupit… Saglit na naging parang entablado ng mga progresibo at rebolusyonaryong awitin ang lumang impyerno. Pang-finale ang Sulong Bayan! Tayo’y magwawagi… na tuwing darating sa koro ay umaalingawngaw  sa buong selda ang Sumulong ka Bayan! Tayo ngayo’y lalaban! Pauyam na pumapalakpak, sumisipol at nagmamartsa ang mga bantay sa konsyerto namin. Pero hindi namin ‘yun pinansin. Desidido kaming pangibabawin ang tatag ng paninindigan sa pamamagitan ng mga awiting nakalaaan sa diwang di-mapapasuko.

Gusto pa sana naming bumirit ng encore kaya lang ay nilamon na ang boses namin ng musikang di-mawawaan na sinadya ng mga bantay na patugtugin nang ubod-lakas mula yata sa isang karaoke. Kasabay rin nito ay inilabas sa selda ‘yung nakasama ko. Nagmamakaawa sya. Lagabog sa dibdib ang ibinigay sa kanya. Papalayo na ang iyak n’ya habang papalakas naman ang tunog ng maingay na musika. Maghapon nilang hinayaang ngumawa nang ngumawa ang elektronikong halimaw.

*****

INILABAS na naman ako para iinteroga. Malamang ay makatanghali noon. Tirik ang araw at ramdam ko ang init sa balat nang ilabas ako. Sa airconditioned room na naman kami. Mortal kong kaaway ang pekeng lamig lalo na’t galing ako sa impyerno. Habol ko ang hinga habang nakasalang sa panel interview. Tatlong magkakaibang boses ang nagpapalitan ng pagtatanong sa akin. Ang topic: laptop at rali ng obrero  kinabukasan.

Hindi raw makakarating si Badong sabi nung isa sa akin. Pero kung may kailangan daw ako o kaya’y may importanteng sasabihin ay sa kanila ko lang banggitin at sila na ang bahala. Kako ay wala akong kailangan at wala rin akong importanteng sasabihin. Tulungan ko na lang daw sila dahil hindi nila mabuksan ang laptop ko. Kailangan daw nila ng password. Muntik na akong matawa. Paano’y sa hinaba na nang usap namin ang tantya ko sa tono ng pagsasalita at diin ng pagtatanong nila ay mga computer literate at technician kundi man wizard itong mga kaharap ko. Ginagago ako ng mga ito. Syempre ay hindi na nila kailangan pa ng password para mabuksan ang isang iha-hack na computer. E di i-bypass ang password kung meron talaga. Kaya nga iha-hack. Mga tamad. O nagtatanga-tangahan. Sila na lang. 

Sa kapipilit, kakukulit at kauulit nila para ibigay ko ang password kung bakit ba ang naisagot ko’y hindi ko na matandaan. Hindi umubra ang joke ko. Hindi sila natawa. Pero mahaba ang pasensya ng mga ito sa akin. Matiyaga pa rin silang nagtanong nang bakit ko naman daw agad malilimutan. Baka rin daw kaya kong alalahanin. Masusubukan yata ang pagiging pikon ko sa mga ito. Maagap ang sagot ko na kasi ho ninenerbyos ako. Kako ay sila man ang nasa katayuan ko tiyak papalya rin ang memorya nila. Pati nga kako sense of time at direction ay wala ako. Para patibayin ang depensa ko, ika ko’y pangalan nga ng nanay ko noong unang itanong sa akin ay nakalimutan ko rin. “Pailang araw na ho ba kaming nawawala?” urirat ko pa. Unang mapikon ay talo.

Marami naman talaga akong nakalimutan noon. Katunayan, sa loob-loob ko’y pinipili ko na munang kalimutan ang mahahalagang detalye sa buhay ko mula pa noong dukutin kami. Wala akong planong mag-iwan ng souvenir sa mga taong hindi ko kakilala. Kahit sunugin ako, desidido na akong hinding-hindi mangangamoy ng kahit na anong impormasyon ang binarbekyu kong buto. Isinemento ko na sa dibdib ko ang parang lapidang may nakaukit na kung mapapahamak ako sa oras na iyon ay ako na lamang. Wala nang iba.

Biglang may nag-ring na telepono. Si Badong daw ang tumatawag at kinukumusta ako. Ulul. Kaharap daw noon ni Badong ang laptop ko. Ano raw bang encryption software ang ginagamit ko. Ulul talaga. Noong una’y hindi mabuksan ang laptop dahil walang password. Tapos magtatanong ng tungkol sa laman ng laptop. Pinili ko na ulit mag-ulyanin saka ko sila hinamon na kung gusto nila ay iharap nila ako sa computer at bakasakaling maalala ko ang gusto nilang malaman. Buti at hindi nila ako pinayagan kundi’y dalawa kami ng laptop kong tiyak na magka-crash. 

Binago na nila ang paksa.

Saan ba raw ang tagpuan ng May 1 rally. Ilan daw ang inaasahang dadalo, saan ‘ika ang main program.  Ano raw mga organisasyon ang pupunta.  Sinagot ko na ring lahat ng tanong nila tutal ay malamang na narinig at nabasa na rin nila sa mga anunsyo sa TV, radyo at dyaryo ang tungkol sa rally. E sino naman ‘ika ang mga guest speaker. Inilitanya ko na rin ang mga pangalan ng national leader ng mga pangmasang samahan. Ikinagulat ko sa bandang huli ng tanungan ang bago nilang script.

Nagpaalaala iyon na nasa isang pelikula nga pala ako. At controversial ang plano nilang story line.  Kung papunta raw pala kami sa rally malamang ay isa ako sa magko-command. Kadre raw kasi ako, singit nung isa. Sino pa raw ang iba? Sabi ko’y hindi ko alam dahil dinukot na nila ako at wala naman ako sa rally. Kung didiretso raw ba ang rally sa Mendiola. ‘Ika ko’y, oo. Paano naman raw ang plano kapag bobombahin na namin ang Mendiola. Hindi ko napigilang matawa nang mahina. Bakit naman kako namin pasasabugan ang sarili naming rally. E yung Magdalo soldiers naman daw paano ang coordination sa amin at kailan e-entrada. Paano raw namin gagawin ang kudeta. At sino raw ang kontak namin sa mga rebeldeng sundalo. Lalo na akong napatawa. Pero pigil pa rin. Wala nang kwenta ang mga tanong nila. Nabuo sa isip ko na ang tyempo nang pagkakadukot sa amin ay para iprisinta kaming tropeyo ng sindikatong may hawak sa amin. Para sa kanilang latest accomplishment.

Destabilization plot ng NPA at mga rebeldeng sundalo, nabuking. Bakyang-bakya. Desperado. Luma at gasgas na tugtugin. Lalangawin ito sa takilya. Basta’t huwag lamang kami ang lalangawin. Lalong tumindi ang kagustuhan kong mabuhay.

(Abangan ang huling bahagi ng kwento)

*****

ikanga.saamin@gmail.com

Kumpisal (Part IV)

Simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka nina Benito at Wilma Tiamzon

$
0
0
<strong>Childhood sweethearts.</strong> Pagtatapos sa hayskul nina Benito Tiamzon at Wilma Austria noong Abril 24, 1969 sa Rizal High School, Pasig. Salutatorian si Benito samantalang first honorable mention si Wilma. Mula sa <strong>FB page na Free Benito & Wilma Tiamzon, Free All Political Prisoners</strong>

Childhood sweethearts. Pagtatapos sa hayskul nina Benito Tiamzon at Wilma Austria noong Abril 24, 1969 sa Rizal High School, Pasig. Salutatorian si Benito samantalang first honorable mention si Wilma. Mula sa FB page na Free Benito & Wilma Tiamzon, Free All Political Prisoners

Naging laman sila ng mga balita. At sa tuwing nababalita ang kanilang pagkaaresto, malaking istorya ito sa midya. Tila tropeyong ipinagmamalaki ng militar at ng estado ang pagkahuli sa kanila.

Kaakibat din nito ang mga intrigang ikinakalat para sirain ang kanilang pagkatao–sa pag-aakalang mapapahina nila kundi man tuluyang mawasak ang organisasyong kinabibilangan nila. Marami tuloy ang nagtatanong: Sino nga ba sila?

Kabataang iskolar

Sila sina Benito Tiamzon at Wilma Austria: ang itinuturong dalawa sa mga pinuno sa pinakamatagal na kilusang mapagpalaya sa buong Asya o buong mundo pa nga. Kung tutuusin, dahil sa kanilang paglilingkod sa masa, kasing-kahulugan na ng kanilang pangalan ang rebolusyon.

Mula sa mahirap na pamilya ng apat na magkakapatid si Benito. Sahurang manggagawa kapwa ang kanyang mga magulang sa industriya ng sapatos sa Marikina. Ayon sa mga kaanak nila, likas na matalino si Benito, kaya naman naging iskolar sa Rizal High School at nagtapos bilang salutatorian sa kanilang klase.

Si Wilma naman, mula sa nakakariwasang pamilya, kumpara kay Benito. Mababang petiburges, sabi nga ng mga aktibista. Tulad ni Benito, likas din na matalino si Wilma; valedictorian siya na nagtapos ng elementarya sa San Joaquin Elem. School, at nagtapos bilang first honorable mention sa Rizal High School. Salutatorian naman si Benito sa Rizal. Magkaklase ang dalawa.

Kapwa sila pumasok sa University of the Philippines (UP) bilang mga iskolar. Noong panahong iyon, lahat ng nagtatapos nang may honors sa pampublikong mga hayskul ay kuwalipikadong makapasok agad sa UP. Pasok sa naturang pamantasan si Benito bilang National State Scholar, samantalang Provincial State Scholar naman si Wilma.

Huling bahagi ng dekada ’60 noon. May malawakang diskuntento sa buong bansa, sa ikalawang termino ng noo’y Pang. Ferdinand Marcos. Lumalakas ang pambansa-demokratikong kilusan, sa loob at labas ng UP.

Sina Benito at Wilma, agad na sumanib sa Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK), isang militanteng organisasyon ng kabataan, at aktibong lumahok sa Unang Sigwa ng Kuwarto (First Quarter Storm), serye ng dambuhalang mga protesta kontra sa namamayaning sistemang pampulitika at pang-ekonomiya. Nang suspendihin ang writ of habeas corpus at ideklara ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, lihim (underground) silang kumilos sa hanay ng mga maralitang tagalungsod.

Bago pa sila lihim na kumilos, kabilang sina Wilma at Benito sa daan-daang kabataang estudyante at ibang sektor na nagtayo ng Diliman Commune.

Kasama sa barikada

“Matindi noon ang pakikibaka laban sa pagtaas ng langis at gasolina sa panunguna ng Pambansang Samahan ng Tsuper. Nakikita rin noon ang paglitaw ng pasismo at pagdedeklara ng batas militar,” sabi ni Joji, miyembro ng SDK sa Feati University at miyembro ngayon ng First Quarter Storm Movement.

“Kasama ko sa barikada ang mag-asawang Tiamzon. Tulad nila ‘yung maraming estudyante, tsuper at maralitang taga-komunidad na lumahok sa barikada,” aniya. Pero kahit hindi sila ang tumatayong lider noon sa Diliman Commune, hindi daw mapapasubali ang kanilang ambag sa barikada.

Aktibong naging organisador ang dalawa sa mga kilos-protesta at mga welga ng mga manggagawa. Sa kuwento naman ni Jimmy na isa ring miyembro ng SDK sa Marikina na nakasama ni Wilma mula 1970 hanggang bago ideklara ang batas militar. Isang halimbawa umano si Wilma ng pagiging mahusay at mabuting organisador.

Wilma, rebolusyonaryo at cat lover. Mula sa <strong>Free Wilma & Benito</strong> FB page

Wilma, rebolusyonaryo at cat lover. Mula sa Free Wilma & Benito FB page

Mula sa UP, nagbabad si Wilma sa Rizal at nag-organisa ng mga manggagawa. “Kasama ko siya sa SDK at nag-organisa sa trade union sa Rizal,” paliwanag ni Jimmy. Malaki ang respeto at paghanga kay Wilma ng mga kapwa niya SDK, sabi ni Jimmy. Hindi hirap lumubog sa mga manggagawa at maralita si Wilma; siya raw ang gumagabay sa mga unyon at grupo ng mga aktibista sa Rizal.

“Isinasapraktika niya ang kanyang itinuturo. Kaya niyang ilebel ang sarili niya sa kalagayan ng mga inoorganisa niya,” sabi pa ni Jimmy. Ikinuwento niya mahusay magbigay ng pag-aaral sa mga manggagawa at aktibista si Wilma, “sa gabi naman, panay ang pagbabasa niya ng mga libro,” ani Jimmy.

Kahit noon pa man hindi rin kinakitaan ng luho si Wilma. “Mula ng makilala at sa lahat ng panahon na nakasama ko siya, isinasabuhay niya yung simpleng pamumuhay at matapat na paglilingkod sa sambayanan,” sabi ni Jimmy.

“Hindi ko siya nakitaan ng karangyaan sa buhay. Nakatira nga yan sa hedkwarter,” dagdag pa niya.

Sa kanayunan

Kalaunan tumungo sila sa kanayunan, sa hanay ng mga magsasaka. “Marami naman ang tumugon sa panawagan na tahakin ang pinakamataas na antas ng pakikibaka, kasama na silang mag-asawa doon,” sabi naman ni Joji.

Mula noon, napanday ang kanilang kamulatan sa paglahok sa buhay at pakikibaka ng masa at napalalim ang kanilang kaalaman sa mga prinsipyo ng pagrerebolusyon. Kahit ngayon na sila’y may mga edad na, hindi kumukupas ang kanilang paninindigan.

Ilan sa mga nakasama ng mag-asawang Tiamzon ang nagpatibay kung gaano kasigasig ang dalawa sa paggampan ng gawain, sukdulang isakripisyo ang personal na kaginhawaan.

“Mabait at tahimik si Benny,” sabi ni Mon Ramirez, na miyembro naman noon ng Samahan ng Makabayang Siyentipiko. Nakasama siya ng mag-asawa sa Ipil Rehabilitation Center (IRC) sa Fort Bonifacio noong 1974. Sa kanyang alaala, nauna siyang nakulong bago mahuli sina Wilma at Benito.

Low key si Benny,” aniya.

Sa mga kuwentuhan sa loob ng IRC niya nakilala si Benito. “Magkahiwalay kasi ang mga babae at lalaki. Halos isang katlo (1/3) ng IRC (ay) para sa mga babae at nahahati lang ng barbed wire ang tulugan nila. Pero magkakasama kami sa mess hall kapag oras ng kainan,” kuwento ni Ramirez. Sa loob din ng IRC niya nalaman kung gaano kalalim ang paglahok nina Benito at Wilm, kuwento niya, kasama ang dalawa sa ilang aktibistang tumugon sa panawagan ng SDK na tumungo sa komunidad at pagawaan para makipamuhay at mag-organisa.

“Nakalubog sila sa masa noon pa man,” sabi niya.

Namuno sa piitan

Sinabi pa ni Mon na ginawang camp detainee commander ng mga detenido si Benito dahil sa angking talino at mapagkasamang pakikitungo at mapagkumbaba sa kanila.

“Si Rigoberto Tiglao (ngayo’y kolumnista, dating tagapagsalita ni Gloria Macapagal-Arroyo at naging embahador ni Arroyo sa Greece) ang camp detainee commander namin. Pero parang lie low naman. Kasi kami nagha-hunger strike dahil sa maraming prebilehiyong ipinagkakait. Siya (Tiglao), ayaw mag-hunger strike, kaya ipinalit namin si Benny,” kuwento niya. Kinontra rin niya ang lumabas sa kolum ni Tiglao na inaasar siya ni Benito habang nagyo-yoga–taliwas daw ito sa karakter ni Benito.

“Ang alam ko, diretso sina Benny at Wilma sa IRC noon, hindi sa Crame. Hinahayaan lang naman namin na mag-yoga si Tiglao,” ani Mon.

Dagdag niya, noong makalaya siya, may panahong nakasama niyang muli si Benito sa ibang gawain sa loob ng kilusan, pero bago siya lumaya, inilipat si Benito sa Youth Rehabilitation Center sa loob din ng Fort Bonifacio. “Naunang lumabas si Benny sa IRC kaysa sa akin. Pero noong makalaya ako, may pagkakataon na nakakasama ko siya at hindi nagbago ang kanyang paninindigan, laluna na ang pagkatao,” kuwento pa ni Mon.

Dedikasyon

Isa rin si Pilo (di-tunay na ngalan) sa mga nakatrabaho ng mag-asawa bilang drayber matapos makalaya si Benito sa kulungan.

Suot ng ilang aktibista ang maskara nina Benito Tiamzon at Wilma Austria, kapwa konsultant ng National Democratic Front na kasalukuyang nakapiit sa kulungan ng gobyernong Aquino. Simbolo umano ito ng pagpapatuloy ng adhikain para sa tunay na kalayaan at demokrasya na buong-buhay na ipinaglaban ng mag-asawa. Jaze Marco

Suot ng ilang aktibista ang maskara nina Benito at Austria, kapwa konsultant ng National Democratic Front na kasalukuyang nakapiit sa kulungan ng gobyernong Aquino. Jaze Marco

“Para silang mga magulang—hahanapin lahat ang mga kasama kung dis-oras na ng gabi,” aniya. Matagal niyang nakatrabaho ang dalawa, at kasama pa siya ni Wilma nang mahuli ang huli noong 1989.

“Hindi kasamang nahuli si Benny noon. Hindi totoong nakatakas siya, wala na siya sa UG (underground) house noong salakayin nila ito matapos kaming mahuli sa Ortigas,” ani Pilo.

Kuwento pa ni Pilo, simple lamang ang kanilang pamumuhay sa UG house. Pareho lang ang kanilang kinakain. “Madalas nga, gulay ang pagkain. Mas malusog naman,” sabi niya. Hindi rin daw nila kinakitaan ng diskriminasyon ang mag-asawa sa iba nilang kasama na gumagampan ng teknikal na gawain.

“Maalalahanin sila sa mga kasama. Kasi naramdaman namin na hindi drayber o staff lang ang pakikitungo nila sa amin. Naramdaman namin na handa rin sila na itaya ang buhay nila para sa amin,” sabi ni Pilo.

Ikinuwento rin ni Pilo ang kasigasigan ng mag-asawa sa gawain. Kahit may dinaramdam na sakit, tuloy pa rin ang paggampan nila. “Si Benny, kapag nagtrabaho, tuluy-tuloy. Hindi nga siya halos magambala. Pareho silang mahuhusay sa gawain,” aniya.

Kahit ang mga nakasama ng mag-asawa sa labas ng UG house, malaki ang pagkilala at pagrespeto sa mag-asawang Tiamzon.

Sabi nga ng isang kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas na ayaw magpabanggit ng pangalan, “tahimik si Benito pero matalas mag-isip.”

“Sa ilang kumperensiya ng Partido na nakasama ko siya, tahimik lang siya sa pakikinig sa mga debate at diskusyon. Pero oras na magsalita, simpleng magkomentaryo, diretso sa punto, at para bang gusto mong saluhin ang bawat salitang binibitawan kasi eksakto,” aniya.

Dagdag pa niya, kahit anong hirap at layo ng mga pulong sa liblib na lugar ng kanayunan, pilit na nakakarating si Wilma sa kabila ng kanyang mga karamdaman.

Mag-asawang sina Wilma (kaliwa) at Benito, na nakapiit ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame sa Quezon City, kahit na dapat na saklaw sila ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees. <strong>Macky Macaspac</strong>

Mag-asawang sina Wilma (kaliwa) at Benito, na nakapiit ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame sa Quezon City, kahit na dapat na saklaw sila ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees. Macky Macaspac

Malumanay magsalita

Sabi naman ni Randall Echanis, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines sa usapang pangkapayapaan, “Sa kabila na nagkaka-edad na sila, makikita mo naman ang kasigasigan, determinasyon ng dalawang kasama. Maraming sakripisyo ang pagrerebolusyon at hindi ko kinakitaan ng paghina sa kanilang paninindigan.”

Sabi pa niya, tunay na rebolusyonaryo ang mag-asawa. “Malumanay magsalita si Benny, kahit sa pulong punahan, hindi yan nagtataas ng boses. Si Wilma naman, galing sa pamilyang likas na mabait,” aniya. Sinabi pa ni Echanis na humahanga siya sa mag-asawa sa tibay ng kanilang paninindigan—sa kabila ng mga pinagdaanang hirap at sakripisyo.

“Mahigpit ang kanilang pagtangan sa prinsipyo, at igagalang at sasaluduhan mo ang ganyang mga kasama,” aniya.

Marami sa mga nakasalamuha ng mag-asawang Tiamzon ang nagsabing modelo ng pagiging rebolusyonaryo ang mag-asawa. Sabi nga ni Pilo, “malaking karangalan ang makilala sila at makasama sa gawain na magpapalaya sa sambayanan.”

Lumalabas na hindi pa magtatapos ang kanilang pakikibaka kahit nasa piitan sila. Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi nila ang sumusunod:

“Hindi kailanman sumagi sa aming isip ang pagreretiro sa rebolusyon. Maaaring ipaubaya namin ang mas malaking responsibilidad sa mga nakababata at mas may-kakayahan. Pero hindi namin gustong maging tagamasid lamang sa tabi. Gusto naming makapag-ambag ng anumang aming makakaya. Natural na bahagi ng buhay ang pagkakasakit at pagtanda. Ang importante ay mabuhay nang makatuturan alinsunod sa proletaryong rebolusyonaryong pananaw at paninindigan hanggang sa huling sandali.”

 

Cha-cha ni Aquino, lalabanan sa Kongreso

$
0
0
Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan ang protesta ng progresibong mga grupo sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kamara nitong Mayo 5. <strong>Darius Galang</strong>

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan ang protesta ng progresibong mga grupo sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kamara nitong Mayo 5. Darius Galang

Muling nagpiket ang progresibong mga grupo sa harap ng Batasan Pambansa sa Quezon City para igiit ang pagbasura sa panukalang Charter Change (Cha-cha) at ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara nitong Marso 5.

“Ang pangako nila (mga kongresista), raratsadahin ’yung Cha-cha. Nandito tayo para magpahayag na ating protesta laban dito,” ani Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Sinabi pa ni Crisostomo na matapos mabilisang pirmahan ng administrasyong Aquino at embahador ng US ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) itinutulak na ng mga alyado ni Aquino sa Kongreso ang “economic imperialist agenda” na tunay na katangian umano ng Cha-cha.

“Requirement ang Cha-cha sa Trans-Pacific Partnership Agreement ni (US Pres. Barack) Obama at isa ’yan sa pinaparatsada nila,” pagpapatuloy niya.

Laman ng EDCA ang pagpapahintulot sa mga tropang Kano na magbase nang libre sa lokal na mga kampo ng gobyerno ng Pilipinas para patindihin ang presensiya nito sa bansa at sa Asya-Pasipiko. Samantala, pakay naman ng Cha-cha ang ibukas ang mga lupain at negosyo sa Pilipinas sa 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan—bagay na pinagbabawal ng kasalukuyang Saligang Batas ng 1987.

Sinabi naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na posibleng isama rin ng mga alyado ni Aquino sa Cha-cha ang mga probisyon sa Saligang Batas na nagbabawal sa dayuhang permanenteng base-militar sa Pilipinas.

“Malinaw na labag ang EDCA sa mga probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal sa dayuhang base-militar at armas-nukleyar sa Pilipinas. Iniikutan ng executive agreement tulad ng EDCA ang naturang mga probisyon. Ito ang dahilan kung bakit tinatarget ng mga tagatulak ng Cha-cha hindi lang ang pang-ekonomiyang mga restriksiyon sa dayuhang pamumuhunan kundi dayuhang base-militar din,” sabi ni Ilagan.

Serbisyo, inenegosyo

Sinabi ni Gloria Arellano, tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), na sa nakaambang Cha-cha, lalong mapapadali ang pagsasapribado ng pampublikong mga serbisyo. Sa pagsasapribado, ituturing nang negosyo ang serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, kalusugan, pambahay, atbp., at lalong di matatamasa ito ng mahihirap.

Sinusugan ito ni Dr. Geneve Rivera-Reyes, pangkalahatang kalihim ng Health Alliance for Democracy (HEAD), na nagsabing sa pagpasok ng Public-Private Partnerships sa serbisyong pangkalusugan ay inaasahang lalong di magiging abot-kamay ito sa mayorya ng mahihirap na Pilipino.

“Dahil sa mga probisyon na nais nilang baguhin sa Konstitusyon, nanganganib ’yung mga ospital natin, lalo na ’yung malalaking special hospitals natin na maging subject din para sa pamumuhunan nitong mga dayuhan,” ani Reyes.

Kapag na-approve ang Cha-cha, ani Reyes, kasama ang mga ospital at serbisyong pangkalusugan sa maaaring ariin ng mga dayuhang negosyante nang 100 porsiyento. “Kaya kung sino ang may puhunan, at kasabay pa ng proyekto ng gobyerno na PPP, talagang mawawala na itong mga ospital natin para sa ating mahihirap at kababayan,” paliwanag pa niya.

Sinabi naman ni Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), na matindi ang magiging epekto ng Cha-cha at pagpapalawig ng Carper sa kanilang mga mambubukid.

Kasabay ng paglaban sa Cha-cha at ekstensiyon ng Carper, iginigiit din ng KMP ang hustisya para sa mga biktima ng paniniil ng gobyerno sa mga lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa. <strong>Darius Galang</strong>

Kasabay ng paglaban sa Cha-cha at ekstensiyon ng Carper, iginigiit din ng KMP ang hustisya para sa mga biktima ng paniniil ng gobyerno sa mga lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa. Darius Galang

“Kaming mga magsasaka’y hindi payag na maging batas ito dahil ito ang pangangamkam, 100 porsiyento ng lupain, ng mga dayuhan. Kaakibat nito sa Cha-cha, pag-usapan din ang Carper na di-pinakikinabangan ng magsasaka kundi ng mga panginoong maylupa.”

Tulad ng orihinal na batas na CARP, nakapaloob pa rin sa Carper ang di-libreng pamamahagi ng lupa at paglagay ng maraming exemption para di-maisailalim sa repormang agraryo ang malalaking lupain ng mga panginoong maylupa.

Ikinuwento ni Flores na sinusupil ng mga panginoong maylupa, sa tulong ng gobyerno, ang mga magsasakang lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa, tulad ng nangyari kay Nemelao Barcia, magsasaka at dapat sana’y Carper beneficiary sa Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga.

“Noong isang araw, pinatay (so Barcia) dahil ang kanilang lupang sinasaklaw bilang farmer- beneficiaries ay inaagaw ng mga pamilyang Ayala,” ani Flores.

Paglaban sa Kamara

Samantala, sinabi ni Ilagan na maliban sa pang-ekonomiyang mga probisyon at EDCA, tinatarget din ng administrasyon na ipaloob sa kasalukuyang Cha-cha ang pagpasa ng mga amendment para sa Bangsamoro Basic Law—na kailangan para sa pagpapatupad umano ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Kumbaga, nagsabay-sabay na iyang lahat. At itong tatlo ay may common denominator: ang pagbabago ng Saligang Batas,” paliwanag pa ni Ilagan.

Dugtong niya, katulad ng EDCA, hindi pa rin nakakakuha ng kopya ng Bangsaboro Basic Law ang mga kongresista. “Ang pinag-usapan pa lang bago magsara ang Kongreso ay yung framework (agreement). Pero hinuhulaan namin na ang framework na iyan ay ang magiging batayan ng Bangsamoro Basic Law,” sabi pa niya.

Sinabi naman ni Hicap na matagal nang itinutulak ng mga negosyante at dayuhang mga monopolyo-kapitalista ang mga polisiyang neoliberal na lalong magbubukas sa bansa sa dayuhang pamumuhunan—sa kapahamakan ng lokal na mga produkto at serbisyo.

“Napatunayan na (hindi epektibo ang mga polisiyang ito), mula nang pumasok tayo sa globalization noong 1995. Kaya ‘yung pinagmamalaki na pag-unlad ay hindi naman nararamdaman: Hindi naman kasama talaga ang mga mamamayan sa pag-unlad. Kasi mas higit sa globalisasyon at neo-liberal na mga patakaran ang mas matinding pagsasamantala sa lakas-paggawa ng mga manggagawang Pilipino at pagdambong ng dayuhan at lokal na kapital sa likas na mga yaman,” paliwanag pa ni Hicap.

Para sa Bayan, mistulang pagbenta sa Pilipinas ang kahulugan ng mga ipinapabago ng mga dayuhang monopolyo-kapitalista sa Saligang Batas ng Pilipinas. <strong>Darius Galang</strong>

Para sa Bayan, mistulang pagbenta sa Pilipinas ang kahulugan ng mga ipinapabago ng mga dayuhang monopolyo-kapitalista sa Saligang Batas ng Pilipinas. Darius Galang

‘Kinatawan ng naghaharing uri’

Sinabi naman ng mga maralitang tagalungsod na lumahok sa protesta na kinakatawan lamang ng mga kongresistang maka-Cha-cha ang pang-ekonomiyang interes ng mga kapwa nila na nasa naghaharing uri.

“Sinu-sino ba ’yung nasa loob ng Kongreso? ’Yan ’yung mga panginoong maylupa, mga kapitalista (burgesya komprador o middle men ng dayuhang mga monopolyo-kapitalista),” ani Arellano ng Kadamay.

Sinang-ayunan ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na nagsabing kahit na malakas ang boses ng pitong kinatawan ng Makabayan sa Kamara, mayorya pa rin ng mga kongresista ay malalaking landlord at burgesya kumprador.

“Pagdating ng bilangan ay talagang talung-talo tayo. Pero kahit na pipito lang tayo, ginagawa nating tuntungan ang Kongreso upang mapatampok ang mga isyu ng ating mga mamamayan,” sabi pa ni Zarate.

Dagdag ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap, pinangungunahan ng Makabayan Bloc sa Kamara ang paglaban sa Cha-cha, Carper extension, at pagpanukala ng mga alternatibong programang pang-ekonomiya na ikagiginhawa ng mayorya ng mga mamamaya.

Aniya, isinusulong ng Makabayan ang alternatibong programa, halimbawa, para sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. “Mayroon tayong panukalang batas diyan, ’yung Genuine Agrarian Reform Bill (o House Bill 252), na nakasaad ang free distribution ng lupa sa mga magsasaka, at suporta para mapaunlad ang ekonomiya.”

Binanggit din ni Hicap na bahagi ng alternatibong programa ang panukalang P125 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P6,000 dagdag-suweldo sa government employees.  “Kaakibat ng tunay na reporma sa lupa iyung pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon,” paliwanag pa ni Hicap.

Pero sinabi ni Zarate na mapagpasya pa rin ang malakas na kilusang masa para matamasa ang tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino.

“Laban ng mga mamamayan ito. Ang laban na ito ay gagawin sa lansangan, sa kanayunan, hindi rito. Dahil ito ay institusyon ng estado, ito ay konserbatibong institusyon, at wala tayong maasahan sa institusyong ito,” sabi pa niya.

Sarbey sa Mayo Uno | Magkano’ng sahod ang ibibigay mo kay Noynoy?

$
0
0

PW social iconTapos na ang Semana Santa, pero parang Pontio Pilato na naghuhugas-kamay ang nakaraan at kasalukuyang mga presidente tuwing Mayo Uno, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ipinapaubaya nila sa regional wage boards ang taas-sahod, kung mayroon man, ng mga manggagawa. Sa kabila ito ng walang tigil na pagtaas ng mga bilihin, nakaambang pagtaas ng pamasahe, pagtaas ng singil sa yutilidad (kuryente at tubig). Kung tutuusin, kayang kaya ng Pangulo na iutos sa mga alyado sa Kamara ang taas-sahod. Pero dahil mas kinikilingan pa ni Aquino ang iilang miyembro ng Employers’ Confederation of the Philippines at Makati Business Club sa halip na milyun-milyong manggagawa, kibit-balikat siya sa taas-sahod.

Samantala, nabalita ang panukalang batas na Senate Bill No. 1689 ni Sen. Antonio Trillanes IV para sa pagtaas ng suweldo ng Pangulo at mga mambabatas (kasama mismong si Trillanes). Alyado ni Aquino si Trillanes sa Senado. Kahit pa sabihing sariling diskarte ng senador ang panukalang ito, hindi maiiwasang ikumpara ito sa mahigit isang dekadang panukalang P125 legislated wage hike na unang inihain sa Kamara noong kongresista pa ng Bayan Muna Party-list si Crispin “Ka Bel” Beltran.

Nitong Mayo Uno, muling ipinanawagan ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag-sahod. At muli, hugas-kamay ang Pangulo.

Kung kaya naisipan namin sa Pinoy Weekly na maglunsad ng munti at impormal na sarbey: Kung mga manggagawa at ordinaryong mga mamamayan naman kaya ang tatanungin, magkano ang dapat isahod ni Pang. Benigno Aquino III? Interesante ang sagot ng karamihan. Hindi sila naghuhugas-kamay: May mga pagpapasya ang mga manggagawa sa kasalukuyang Pangulo.

Magkano ang sahod na ibibigay mo kay Pangulong Aquino? Bakit?

PW-noynoy-suweldo-pie-chart-01

 PW-pie-chart-legend-01

Ilan sa tampok na mga sagot sa sarbey:

“Dapat sisante na siya (Aquino).”

– Nat Santiago, Makabayan

Wala. Dapat siyang dalhin sa labor camp para makita niya kung gaano kahirap ang maging manggagawa.

–  Rowena Bayon, Alliance of Contractual Employees-UP

“Minimum wage. Para malaman niya ang epekto (ng mababang sahod) sa sikmura ng mga manggagawa; paano ito ibabadyet.”

–  Alex delos Santos, manggagaw ng Oriental Motolite sa Sta. Maria, Bulacan

“P125. Para maramdaman niya kung meron pang mararating ang maliit na sahod.”

– Dana Beltran, student regent ng Phil. Normal University

“Piso. Kasi marami naman siyang natatanggap na perks at benefits kasama na ang di natin nakikita na napupunta sa kanya.”

– Rolly Cagangan, DSWD-Sweap

“Sahod ng manggagawang bukid sa tubuhan ng Hacienda Luisita (noon): P9.50. Nang malaman niya kung paano nabubuhay ang mga manggagawang bukid sa asyenda niya.”

– Rey Asis, Asia-Pacific Mission for Migrants

“Minimum wage. Para maramdaman niya ang paghihirap ng ordinaryong tao na dapat pagkasyahin ang sahod sa MRT, LRT, bus, dyip, pagkain, iba pang gastos. Para malaman niya ang pangangailangan ng mga manggagawa.”

– Ferdinand Gaite, presidente ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage)

‘Union-busting’ sa malaking electronics firm sa Laguna binatikos

$
0
0
Nagpiket ang mga manggagawa ng NXP sa harap ng pabrika para kondenahin ang pagtanggal sa 24 lider-unyon na anila'y bahagi ng union-busting ng kompanya. Photo courtesy <strong>Pamantik-KMU</strong>

Nagpiket ang mga manggagawa ng NXP sa harap ng pabrika para kondenahin ang pagtanggal sa 24 lider-unyon na anila’y bahagi ng union-busting ng kompanya. Photo courtesy Pamantik-KMU

Binatikos ng isang maka-manggagawang nongovernment organization (NGO) ang anila’y ilegal na pagtanggal sa 24 manggagawang lider-unyon sa NXP Semiconductors, isang malaking electronics firm sa Laguna.

Sinabi ni Anna Leah Escresa, executive director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), na mistulang union-busting o tangkang pagbuwag ng unyon ang ginawa ng manedsment ng kompanya. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng mga negosasyon para sa bagong Collective Bargaining Agreement (CBA).

“Layunin ng illegal dismissal ng NXP Semiconductors sa 24 unyonista na idiskaril ang mga negosasyon sa CBA at pahinain ang unyon, na matibay na naggigiit sa karapatan ng mga manggagawa ng NXP para sa mas mataas na sahod at seguridad sa trabaho,” ani Escresa.

Nakatanggap ng termination notice ang 24 unyonista noong Mayo 6 mula sa kompanya dahil sa pamumuno umano ng “ilegal na mga welga” nang di sila pumasok sa mga holiday na idineklara ng gobyerno noong Abril 9, 17, 18 at Mayo 1.

“Seryosong nag-aalala kami sa pagtanggal sa mga lider-unyon ng NXP nang walang due process at batay sa walang-kuwenta at di-katanggap-tanggap na mga dahilan sa gitna ng mga negosasyon,” sabi pa ni Escresa.

Ipinaglalaban ng unyon ang 8-porsiyentong taas-sahod sa mga manggagawa, samantalang inaalok naman ng manedsment ang 3/5 porsiyentong taas-sahod hanggang sa susunod na CBA.

Pinuna na rin ng unyon, na kumakatawan sa 5,000 manggagawa ng planta sa Cabuyao, ang dumaraming bilang ng kinukuhang kontraktuwal na mga manggagawa para palitan ang regular na mga manggagawa.

Ang NXP Semiconductors ay kompanyang electronics na gumagawa ng iba’t ibang klase ng sensor, audio amplifier at microchips. Ayon sa Eiler, masamang ehemplo ang kompanyang ito sa iba pang kompanya na maaaring gamitin ang kaso ng NXP para pagbantaan din ang kanilang mga manggagawa na di-pumapasok tuwing holiday.

Ang unyon ng mga manggagawa sa NXP ay bahagi ng isang pederasyon sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno o KMU.

Pag-absuwelto kay GMA sa fertilizer fund scam kinondena ng mga magsasaka

$
0
0
Anakpawis Partylist Rep. fernando Hicap Kontribusyon

Anakpawis Rep. Fernando Hicap Kontribusyon

Inakusahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list ang Ombudsman na di naman talagang-inimbestigahan sa pagkakasangkot si dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa P728 Milyong fertilizerh fund scam.

“Sino ngayon ang lumustay sa P728-M pondo?” tanong ni Antonio Flores,  pangkalahatang kalihim ng KMP. Ikinagagalit umano ng mga magsasaka na malaya pa rin ang lahat ng akusado. Ang masama pa, karamihan sa mga sangkot sa scam ay bahagi pa ng administrasyong Aquino.

Partikular na tinukoy ni Flores sina Department of Budget and Management Undersec. Mario Relampagos at Assistant Sec. Ophelia Agawin ng Department of Agriculture, na nadadawit sa naturang scam.

KMP ang nanguna sa pagsampa ng kasong plunder laban kay Arroyo kaugnay ng fertilizer scam matapos ang eleksiyong 2004.

Sa resolusyon ng Ombudsman, wala raw legal na basehan na nagpapakita nang partisipasyon ni Arroyo sa scam at wala ring ebidensiya na may kinalaman si Arroyo sa disbursement ng pondo.

Pero sabi naman ni Flores na bigo ang Task Force Abono na binuo ng Ombudsman para mag-imbestiga. Ayon sa KMP, may basbas daw ang administrasyong Aquino para maniobrahin at maabswelto si Arroyo at mga kasabwat nito.

“Walang imbestigayon na naganap at hindi man lang pinatawag ng task force ang mga biktima ng fertilizer scam. Nagkasya na lamang (sila) sa isinampang reklamo. Gayundin, tahasang tinanggihan (ng task force) ang ulat at rekomendasyon ng dalawang komite ng Senado na siyang totoong nag-imbestiga,” sabi pa ni Flores.

Sa Senate Committee Reports Nos. 254 at 54, inirekomenda ng Senado na kasuhan sina Luis Lorenzo, Jocelyn Bolante at iba pa, at may matibay na kriminal na pananagutan ang mga nasasangkot.  Sinabi rin umano nito na may pananagutan si Arroyo sa mismanagement ng pondo.

Idinagdag ni Flores na hindi kayang lumustay ng malaking pera sina Lorenzo at Bolante, at patuloy na malusutan ang pananagutan sa anomalya, kung hindi makipagsabwatan kay Arroyo.

“Sa kabila ng rekomendasyon ng Senado at sa mga sirkunstansiya na nilustay ang pondo para sa pestisidyo, at dahil na rin sa reklamo ng mga magsasaka,  hindi kinasuhan at inimbestigahan ng Ombudsman si Arroyo, tulad nang pagsampa ng kaparehong kasong isinampa laban kina Lorenzo, Bolante at iba pa nilang kasabwat,” sabi ni Flores.

Samantala, inihayag naman ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap ang pagkadismaya sa pag-absuwelto kay Arroyo at sinabing bukod sa nabibigyan na ng special treatment ng administrasyong Aquino ang mga nasasangkot sa mga katiwalian, isa-isa raw silang naaabsuwelto.

“Kabaliwan ito. Kung nasisikmura ni Aquino na iabsuwelto sa kasong pandarambong si Arroyo, paano pa kaya ang kanyang mga kapartido na sangkot sa pork barrel scam. Hindi lang nito binaboy, bagkus lantaran at masyadong binabalahura, ng Aquino administration ang justice system natin,” sabi naman ni Hicap.

Idinagdag ni Hicap na layunin ng pag-absuwelto kay Arroyo ang pagkonsolida sa ang mga tagasunod niya at makuha ang suporta para sa nilulutong charter change, muling ekstensiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) at iba pang batas na kontra-mamamayan.

Dagdag pa ng progresibong mambabatas na malaking pagkakamali ng Ombudsman na alisin si Arroyo bilang akusado sa kasong isinampa ng mga magsasaka.

“Hindi namin matatanggap ang desisyon ng Ombudsman. Hinihiling namin na baligtarin ni Morales ang desisyon ng Ombudsman, dahil isa itong insulto at nagpapakita na ang mga opisyal ng gobyerno na may kaso at nandambong sa kabang-bayan ay mabibigyan pa ng gantimpalang mapalaya para lamang sa survival ng administrasyong Aquino,” sabi ni Hicap.

EDCA ng Pagbabago?

$
0
0
Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DFA at US embassy sa EDCA. <strong>Malacanang Photo</strong>

Pang. Aquino at US Pres. Barack Obama noong Abril 28 sa Malakanyang: isinabay sa pagpirma ng DND at US embassy sa EDCA. Malacanang Photo

komentaryoSa pagpirma nina Defense Sec. Voltaire Gazmin at Philip Goldberg, embahador ng US sa Pilipinas, noong Abril 28 sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), tila nagbabalik ang base militar ng Estados Unidos (US) sa Pilipinas.

Walang dudang isinabay ito sa pagbisita ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas na buong pusong tinanggap ni Pang. Benigno Aquino III kahit pa lumalabas na ni hindi alam ng una kung anong pangalan ang itatawag niya sa huli. Kasabay rin nito ang pagpoprotesta ng mga mamamayan laban sa bagong kasunduan.

Pero ano nga ba itong kasunduan sa kooperasyon ng US at Pilipinas? Pinalakas na depensa? Para kanino?

Layunin at saklaw

Sa unang artikulo ng EDCA, layunin nito na labanan ang anumang armadong atake sa Pilipinas. Ibinatay pa ito sa Mutual Defense Treaty (MDT) noong Agosto 1951 at sa konstekto ng Visiting Forces Agreement (VFA) na umiiral mula pa noong Pebrero 1998.

Pero sa pagsusuri ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), isang nongovernment institution, walang batayan para gamitin ang MDT dahil ito ay isang instrumento noong panahon pa ng “cold war” para labanan ang umano’y “banta mula sa labas” na tumutukoy sa Rusya, Tsina at North Korea.

Sa konstekto ng EDCA, nilinaw ng CenPEG na walang napipintong atakeng panlabas, na pinalalabas ng gobyerno ng Pilipinas na mula sa Tsina. Ipinangangalandakan ng pangulo na ipagtatanggol ng US ang Pilipinas mula sa panghihimasok ng Tsina. Pero nang bumisita si Obama sa bansa, tila kinumpirma nitong wala silang balak na lumaban para sa panig ng Pilipinas dahil pinananatili nito ang “konstruktibong” relasyon sa Tsina.

Nakasaad din sa artikulo ang “matagalang modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pagmintine at pagpapaunlad ng seguridad sa baybayin ng Pilipinas at pagtulong sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Pero tulad ng ipinunto ng maraming eksperto, ang ilang dekada ng pakikipagkasundong militar ng Pilipinas sa US – nariyan ang  Military Bases Agreement (MBA, 1947), MDT, VFA, at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) – tila wala namang “modernisasyon” na naibigay ang US. Kung mayroon, bakit hanggang ngayon ay nakadepende pa rin ang bansa sa Amerika sa usapin ng depensa?

Sa usapin ng pagtulong sa panahon ng kalamidad, ngayong buwan ay kalahating taon nang naganap ang hagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas. Pero nagpoprotesta pa rin ang mga biktima dahil sa kawalang-aksiyon ng administrasyong Aquino kahit pa nga tumulong din ang mga sundalong Amerikano noong unang mga buwan matapos ang sakuna.

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa <strong>DND Facebook page</strong>

Pirmahan nina DND Sec. Gazmin at US Amb. Philip Goldberg ng EDCA. Mula sa DND Facebook page

Labag sa Konstistusyon

Labag din sa Konstitusyong 1987 ang EDCA, ayon sa CenPEG.

Kaugnay ng pagbabawal ng pagpasok ng armas nukleyar na nakasaad sa Konstitusyong 1987, maaari na umanong makapasok ang armas nukleyar dahil hinahayaan ng EDCA na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga barkong pandigma, eroplano at submarino ng US – na nagtataglay ng armas nukleyar.

Ibinigay na halimbawa ng CenPEG ang pagkakabunyag noong 1995 na nag-imbak ng 70 armas nukleyar ang US sa Pilipinas noong panahon ng cold war. Posible pa rin umano itong mangyari dahil walang kapangyarihan ang mga awtoridad na Pilipino na pigilan ang pagpasok ng mapamuksang mga armas na ito dahil malaya silang makapasok sa bansa at walang silang karapatang inspeksiyunin ang mga ito.

Binibigyan din umano ng ekstrateritoryal na karapatan ng EDCA ang US na labag din sa Konstitusyon at iba pang batas pansoberanya. Sa kasunduan, hindi saklaw ng batas ng Pilipinas ang sinumang magkakasala dahil ang mga “pinagkasunduang lokasyon” sa EDCA ay nasa ilalim ng kontrol ng mga Amerikano at walang Pilipino na makakaalam sa anumang nangyayari sa mga lokasyong ito.

Pangangayupapa sa dayuhan

Sa pagpirma ng gobyerno sa EDCA, hinahayaan nitong gamitin ng mga sundalong Amerikano, sa tulong ng mga sundalong Pilipino, ang mga pampublikong lupa at pasilidad, kabilang ang mga kalsada, daungan at paliparan, gayundin ang mga lupaing paga-aari o kontrolado ng lokal na mga pamahalaan. At lahat ng mga “napagkasunduang lokasyon,” na gagamitin ng US ay dapat na ibigay ng Pilipinas ng walang bayad.

Bagamat nakasaad sa ikalimang artikulo ng EDCA na lahat ng napagkasunduang lokasyon ay mananatiling pag-aari ng Pilipinas, anumang istruktura o konstruksiyon na ginawa ng US ay kailangan munang pag-usapan bago isauli kabilang na ang usapin ng kompensasyon. Ibig sabihin, pababayaran pa rin ng US sa Pilipinas ang anumang naitayo nila sa bansa.

Ang mga kagamitan ng US na maaaring ituring na “labis” ay posibleng ilipat o ipagbili sa Pilipinas kung ito’y hahayan ng batas at mga regulasyon ng US.

Malinaw sa mga nakasaad sa kasunduang ito ang di-pantay na mga benepisyo. Isang kasunduan na isang panig lamang ang makikinabang. At tila hindi naman ito inaalintana ng gobyernong Aquino basta’t magampanan lamang ang tungkuling iniaatas ng gobyernong US – ang maging lunsaran ng lakas-militar nito sa Asya-Pasipiko.

Ang susunod na sampung taon ang magpapatunay sa pangangayupapa ng gobyerno ng Pilipinas sa amo nitong Amerikano.


2,600 obrero sa kompanya ng salamin ‘ilegal’ na sinibak

$
0
0
Mga manggagawa ng Hoya, noong Mayo Uno. Larawan mula sa<strong>Pamantik-KMU</strong>

Mga manggagawa ng Hoya, noong Mayo Uno. Larawan mula sa Pamantik-KMU

Nagdeklara ng welga ang mga manggagawa ng kompanyang gumagawa ng salamin matapos libu-libo ang nawalan ng trabaho dahil sa biglaang pagsara ng pagawaan ng naturang kompanya sa First Philippine Industrial Park (FPIP) in Sto. Tomas, Batangas noong bisperas ng Araw ng Paggawa.

Dinagsa din nila sa pangunguna ng Kalipunan at Saligan ng Manggagawa sa Hoya Glass Disk Philippines – Independent (Kasama sa HOGP-Ind) ang rehiyunal na tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) para magsampa ng kasong illegal closure at union busting laban sa Hoya Glass Disk Philippines.

Ilegal umano ang pagsara dahil walang notisya na ibinigay ang manedsment sa mga manggagawa di-tatagal nang 30 araw bago ang pagsara.

“Malinaw na direktang atake ito ng kapitalista sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon at magkaroon ng disenteng kabuhayan. Naunang gumawa sila ng mga intriga hinggil sa pagsara sa pamamagitan ng pagpakalat ng mga tsismis sa mga manggagawa, ilang araw bago ang pagsasara,” paliwanag ni Ian Ordoño, presidente ng Kasama sa HOGP-Ind.

Nalaman ng mga manggagawa na nagsampa ng “cessation of business operations” ang naturang kompanya at hindi “notice of closure” sa Department of Labor and Employment.

Ayon sa mga opisyal ng unyon, narinig mismo nila mula sa manedsment na ire-rehire din ang mga senior leader ng huli (manedsment) matapos magpatuloy ng operasyon ang Hoya.

Nitong Abril 30, tinipon ng Hoya ang 2,600 manggagawa nito para sa isang general assembly. Dito, nagbigay ang manedsment ng waivers, quitclaims, tseke at iba pang separation documents.

Pinuwersa ng manedsment ang mga manggagawa na tanggapin ang suweldo at separation pay sa pamamagitan ng pagsama ng dalawang ito sa iisang tseke, sabi pa ni Ordoño.

Kontra-obrero

Walang-tao na pabrika ng Hoya. Larawan mula sa <strong>Pamantik-KMU</strong>

Walang-tao na pabrika ng Hoya. Larawan mula sa Pamantik-KMU

Ayon sa unyon, nagkakaisa ang mga manggagawa mula Nobyembre 2011 para ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Kasama rito ang mababang sahod na aabot sa P315 kada araw, malawakang kontraktuwalisasyon ng mahigit 700 manggagawa, at kawalan ng “benepisyong makatao”.

Kahit ang mga manggagawang 15 taon nang nagtatrabaho sa kompanya ay kadalasang kumikita ng P500 lang sa isang araw, sabi pa ni Ordoño. Samantala, umabot umano sa $27-Million ang kinikita ng naturang kompanya kada taon.

“Naitulak ng mga kondisyon sa loob ng pabrika ang mahigit 900 manggagawa na magtatag ng totoo, militante at makabayang unyon. Naniniwala kami na desperadong hakbang ito ng gahamang kapitalista na buwagin ang bagong-tatag pero lumalakas na unyon sa Hoya,” sabi pa ni Ordoño.

Ang Hoya ay kompanyang gumagawa ng hard at glass disks ng mga lente ng kamera.

Ilegal’ na pagsasara sa Timog Katagalugan

Ang kompanyang Hoya lamang ang pinakahuli sa mga kompanya sa Timog Katagalugan na ‘ilegal’ na nagsara at nagtangkang bumuwag ng mga unyon ng mga manggagawa.

Nitong Pebrero, umabot sa 3,600 manggagawa ang nawalan ng trabaho matapos “ilegal” na magsara ang kompanyang Carina Apparel sa LIIP, Biñan, Laguna. Noong Marso, isa pang garments factory, Freshtex Philippines, ang nagsara sa Carmelray 1 sa Canlubang, Laguna, na ikinawalan ng trabaho ng 200 obrero.

Nitong Mayo 5, 24 lider-unyon sa NXP Semiconductors Philippines ang tinanggal batay sa kuwestiyunableng rason. Naganap ang tanggalan habang pinangungunahan ng unyon ang negosasyon sa Collective Bargaining Agreement.

“Pagbuwag sa unyon ang tanging rason sa likod ng ilegal na mga pagsarang ito. Kasabwat ang DOLE, sistematikong winawasak ang mga unyon ng dayuhang mga kapitalista, tulad ng nangyayari sa NXP,” sabi ni Wenecito Urgel, pangkalahatang kalihim ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno.

Sinabi pa ni Urgel na pinatutunayan muli nito na pinaglilingkuran ng administrasyong Aquino ang interes ng dayuhang mga kapitalista at hindi ang mga manggagawang Pilipino.

VIDEO | mass transPROBLEMA

$
0
0

mass transproblema titleDadalhin ba tayo sa byaheng pag-unlad ng nakaambang pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT? Alamin ang saloobin ng mga pasahero tungkol sa pinakapopular na moda ng pampublikong transportasyon sa Kamaynilaan.

Isang proyekto ng mga intern ng PinoyMedia Center mula sa Polytechnic University of the Philippines at University of the Philippines-Diliman

Mga guro, sumugod sa gate 7 ng Malakanyang para sa dagdag-sahod

$
0
0
Nagsagawa ng lightning rally Alliance of Concerned Teachers sa gate 7 ng Malakanyang.<strong>Pher Pasion</strong>

Nagsagawa ng lightning rally ang Alliance of Concerned Teachers sa gate 7 ng Malakanyang.Pher Pasion

Sinugod ng mga guro ang  gate 7 ng Malakanyang noong Biyernes  para ihayag ang pagkadismaya nila  sa naging pahayag ng Palasyo na wala umanong dagdag na sahod para sa mga guro sa taong ito. Anila, wala pa umanong natatanggap na dagdag na sahod ang mga guro mula nang maupo si Pangulong  Aquino,  apat na taon na ang nakararaan.

Kaya’t iginigiit nilang dapat daw na taasan ang kanilang sahod at ipasa ang House Bill 245 ng Alliance of Concerned  Teachers (ACT) Party-list na inihapag sa Kongreso.

Layunin ng panukalang batas na  taasan ang sahod   ng mga guro sa P25,000 mula P18,549 kada buwan at P15,000 mula P9,000 para sa mga non-teaching personnel.   “May pera para korapsyon. May pera para sa EDCA ( Enhanced Defense Cooperation Agreement). Pero walang pera para sa sahod ng mga guro,” ayon kay Vladimir Queta, deputy secretary-general ng ACT.

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

Ayon sa ACT, nasa P18,549 ang sahod ng isang lisensyadong guro kada buwan. Malayo sa sahod na natatanggap ng isang high school graduate na pumapasok sa Philippine Military Academy bilang kadete na nasa P21,709 kada buwang sahod.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa P1,054 kada araw o nasa P31,620 kada buwan ang tinatayang Family Living Wage (FLW) sa National Capital Region. Dahil dito naitutulak ang mga guro na mangutang para lamang mapunan ang kakulangang ito.

“Para lamang sa taong 2014, nasa P1.1 trilyon ang inilaan na pondo sa ilalim ng pork barrel sa kontrol ng pork barrel king na si Aquino. Para sa mga guro sa bansa, nasa P3.2 bilyon lamang ang kailangan ng Department of Budget and Management kada taon para matugunan ang panukalang dagdag sahod base sa ideya na nasa 75 porsyento ng mga guro ay Teacher 1,” ayon naman kay Louie Zabala, pangulo ng ACT-Manila.

Dagdag ni Zabala, habang patuloy silang sinasakal ni Aquino sa anyo ng mababang sahod, mataas na buwis, at patuloy na pagtaas ng bilihin at serbisyo, nanatili umano siyang bingi sa kanilang mga kahilingan para sa dagdag-sahod at dagdag badyet para sa edukasyon.

Nagbanta  naman si  Queta,  na  magsasagawa sila ng ‘mass leave’ o pagliban  sa pagbubukas ng klase sa taong ito kung mananatiling bingi si Aquino sa kanilang mga kahilingan.

 

Pinay OFW na biktima ng pambubugbog sa Hongkong lumantad

$
0
0
Ang OFW na si Rowena Uychiat Kontribusyon

Ang OFW na si Rowena Uychiat Kontribusyon

Tila hindi matatapos ang listahan ng mga binubugbog na overseas workers  sa bansang Hongkong,  matapos lumantad ang isang Pilipina at ibunyag ang pananakit at pang-aabusong dinanas niya sa kamay ng kanyang  amo.

Tumakas si Rowena Uychiat mula sa pagmamalupit ng kanyang amo at humingi ng tulong sa Mission for Migrant Workers (MFMW), isang organisasyong umaayuda sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong, at affiliate ng Migrante International.

Sa isang press conference sa Hongkong, sinabi ni Uychiat na isang biyuda at tubong Cadiz, Negros Occidental, na nagpunta siya sa Hongkong noong ika-22 ng Hulyo noong nakaraang taon at namasukan bilang domestic worker kay Yui Anna Hoi Yin, isang Hongkong national mula sa Kowloon. Si Uychiat na may dalawang naiwang anak sa Pilipinas ay nagtrabaho ng siyam na buwan kay Yin.

Isinalaysay niya kung anu-anong pasakit ang dinanas niya sa kanyang amo. “Paulit-ulit akong binubugbog, sinisigawan, tinatawag na inutil (stupid), at minumura,” ani Uychiat. Bukod pa ito sa pagtatrabaho niya ng 21 oras kada araw, mula 6:00am hanggang 4:00am.

Sinabi din niya na hindi rin siya makalabas ng bahay nang hindi kasama ang kanyang amo, gayundin na kinumpiska ng kanyang ahensiya ang kanyang pasaporte.

Ayon pa kay Uychiat, may balanse pa daw siya sa kanyang pinasukang ahensiya. “Nakapagbayad na ako ng Php 50,000 (HK$9,100) sa recruitment agency ko bago pa ako umalis ng Pilipinas,” aniya.

Nakatakas lamang si Uychiat mula sa kanyang mga amo noong Abril 25 habang nagbabakasyon ang mga ito. “Tinulungan ako ng Mission For Migrant Workers, at nasa pangangalaga nila ako ngayon,” sabi ni Uychiat na nagsampa rin ng kasong “common assault” sa Sham Shui Po Police Station.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng polisya ng Hong Kong ang kaso at hindi pa nakakasuhan ang kanyang amo.

Kaugnay ng kaso nanawagan si Connie Bragas-Regalado, tagapanglo ng Migrante Sectoral Partylist na gumawa ng agarang hakbang ang Hong Kong Labor Department at ang gobyerno ng Pilipinas.

“Malinaw na nilabag ng kanyang amo at ng kanyang ahensiya, ang Gracious Employment Agency Limited, ang Migrant Workers’ Act of 1995, ang ILO Convention on Domestic Work, at ang Hong Kong rules and regulations on Household Workers,” saad ni Bragas-Regalado. Naghahanda sila na dalhin sa Kongreso ang kaso ni Uychiat para magkaroon ng congressional inquiry.   

Nanawagan rin siya sa Overseas Workers Welfare Administration na bigyan ng kaukulang ayuda ang mga anak ni Uychiat.

“Magsisilbing inspirasyon sa lahat ng Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ang kanyang tapang upang lagi-t lagi ay ipaglaban ang kanilang karapatan, at manindigan sa lahat ng anyo ng inhustisya at makabagong pang-aalipin,” ani Regalado.

Samantala, nangako naman ag Department of Labor and Employement (Dole) na iimbestigahan ang nasabing kaso ni Uychiat.

Kabataan, sumugod sa Mendiola vs pagtaas ng matrikula

$
0
0

 

Tinangkang buksan ng mga mag-aaral ang gate sa Mendiola sa kanilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula. <strong>Pher Pasion</strong>

Tinangkang buksan ng mga mag-aaral ang gate sa Mendiola sa kanilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Pher Pasion

Nagprotesta sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola ang mga kabataan laban sa nakaambang pagtaas ng matrikula na sasalubong sa mga mag-aaral sa nalalapit na pasukan ngayong taon.

Pinangunahan ng Anakbayan, League of Filipino Students, National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines, at Student Christian Movement of the Philippines ang protesta.

Kinondena nila ang administrasyong Aquino dahil  bigo daw ito na pigilan ang taunang pagtatas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan.

“Gobyerno ito ng pagtaas ng matrikula. Ang polisiya ni Aquino ay nagpataas ng matrikula, nagpabigat sa mga estudyante at mga magulang, at nagtulak sa mga mag-aaral na mag-drop out mula sa mga pamantasan,” ayon kay Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng  Anakbayan.

Sa mga pahayag sa midya ng  Commission on Higher Education (Ched), aabot sa  353 pamantasan ang nagpahayag nang intensyong magtaas ng matrikula sa taong ito.

<strong>Pher Pasion</strong>

Pher Pasion

Tila manhid naman ang Malakanyang sa naging pahayag nito na wala umanong problema sa pagtataas ng matrikula ayon sa NUSP.

“Hindi pa inilalabas ng Ched ang resulta ng aplikasyon sa pagtataas ng matrikula at mga petisyon para magkaroon ng tuition freeze. Pero may mga pamantasan na opisyal nang nag-anunsiyo ng bago at mataas na matrikula sa pasukan gaya ng National University at Far Eastern University,” ayon kay Sarah Jane Elago, pangulo ng NUSP.

Nagsumite na ang NUSP ng mga petisyon sa Ched laban mga may-ari ng pamantasan na hindi sumusunod sa guidelines ng Ched sa aplikasyon para sa pagtataas ng matrikula. Pero wala umanong inilabas ang Ched na malinaw na desisyon at resulta sa mga petisyong ito.

Ayon pa kay Crisostomo, nangungolekta ang mga pamantasan ng mga maanomalya at kuwestiyonableng mga bayarin pero wala umanong ginagawa ang Ched laban sa mga pamantasan na lumalabag sa mga alituntunin ng Ched sa kabila ng mga reklamo ng mga grupo ng mga mag-aaral.

“Malinaw ang sitwasyon: Nakikita ng Malakanyang ang edukasyon bilang nabibili at ipinagbibili. Sa kawalang paglalaan ng gobyerno at pagbabalewala sa kagalingan ng mga mag-aaral, nagiging gatasan ang mga mag-aaral ng mga kapitalista. Pero hindi namin tatanggapin ang ganito,” ani Elago.

Dalawang ‘Napolist’, cover-up sa pork barrel scam?

$
0
0
Janet Lim-Napoles sa Senado noong Nob. 7. (Pher Pasion)

Janet Lim-Napoles PW File Photo/Pher Pasion

Hinamon ng iba’t ibang grupo ang Department of Justice (DOJ) na ilabas na ang listahan ni Janet Lim-Napoles ng mga sangkot sa pork barrel scam, dahil anila’y posibleng may pinagtatakpan ang DOJ.

Pahayag ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bayan, intensiyon daw ng administrasyong Aquino na protektahan mula sa imbestigasyon at pagpaparusa ang lahat ng nasasangkot, partikular ang mga kaalyado ng Pangulo.

“Sinasabi na ngayon ng Malakanyang na may iba pang listahan na may nakakadudang nilalaman. Ito’y masalimuot na iskema para lituhin ang publiko at protektahan ang mga nakinabang sa pork scam,” sabi ni Reyes.

Inamin kamakailan ni Pangulong Aquino na hawak niya ang dalawang listahan na galing kay Napoles, pero duda daw siya sa nilalaman nito.

Sabi ng Bayan, halos kapareho ng Hello Garci scandal na may lumitaw na dalawang tape ang listahan ni Napoles. “Matapos pagdudahan ni Aquino ang listahan, nagpalabas agad ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee para sa listahan na nasa DOJ,” ani Reyes.

Hamon ng grupong Bayan na ilabas ang listahan ni Napoles. Kontribusyon/Bayan

Hamon ng grupong Bayan na ilabas ang listahan ni Napoles. Kontribusyon/Bayan

Ayon naman kay Rep. Fernando Hicap ng Anakpawis, karapatan ng publiko na malaman ang detalye ng nilalaman ng listahan. Inakusahan niya si Pangulong Aquino ng obstruction of justice dahil sa hindi nito pag-utos sa DOJ na isapubliko ang listahan, samantalang hinahayaan naman na magsalita si Rehabiliation Czar Panfilo Lacson hinggil sa listahan.

Inilabas na ni Lacson ang listahan na hawak niya na diumano’y galing din kay Napoles. Laman ng listahan ang 11 na senador at 53 na mga dati at kasalukuyang kongresista.

Si Pangulong Aquino ang nakikinabang sa hindi paglalabas ng listahan na ito ni Gng. Napoles. Nakakaligtas ang Pangulo habang pare-parehong nadidiin ang kanyang mga kalaban at kaalyado,” sabi ni Hicap.

Malakas din ang hinala ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na mayroong nagaganap na cover-up. “Parang pinapa-ikot at pinaglalaruan lang ng DOJ, Senado at Malakanyang ang publiko. Bakit nila sasabihing may listahan sila pero ayaw naman nilang ilabas ang nilalaman?” sabi ni Ilagan.

Lumalabas daw na wala talagang intensiyong ilabas ang nilalaman ng listahan at parusahan ang mga nakinabang sa pork barrel scam.

Para naman sa Kilusang Mayo Uno (KMU) itinatago ng administarsyong Aquino ang listahan para linisin at gamitin laban sa mga katunggali nito sa pulitika, laluna para sa nalalapit na eleksiyon sa 2016.

“Mapanganib na makontrol ng adminsitarsyong Aquino ang Napolist. Maaari nitong alisin ang posibilidad ng pagkakasangkot ni Aquino kay Napoles. Maaari din nitong patahimikin ang mga kritiko niya at i-blackmail ang mga karibal at iba pang opisyal ng gobyerno para masunod ang kanyang mga dikta,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Citizen Photo | Electronics workers call for reinstatement of union leaders

$
0
0

Around 1,000 workers of NXP Semi-conductors Cabuyao Inc., maker of electronic parts for giant international firms such as Microsoft, Apple, Samsung, Nokia, Asus, Bosch, Siemens, and others, managed to breach police barricades and held a protest at the company’s compound inside the Light Industry & Science Park in Cabuyao, Laguna.

The workers are protesting the termination of 24 union leaders amidst ongoing Collective Bargaining Negotiations, which they say is a form of union-busting. The officials were terminated last May 7 on the grounds of not appearing for work on government-declared holidays, including May 1, Labor Day.

nxp workers

For more information, read this report.

Photos by NXP workers and Kilusang Mayo Uno


#DefendTalaingod: Alarming HR violations in Mindanao probed

$
0
0
Military soldiers encamped in civilian houses in North Cotabato. Kilab Multimedia

Military soldiers encamped in civilian houses in Paquibato, Davao City. Kilab Multimedia

Alarming human rights violations (HRVs) against indigenous peoples have prompted an ongoing national solidarity and fact-finding mission (FFM) in Mindanao, focusing on the recent mass exodus of around 1,700 Manobo families from Talaingod, Davao del Sur.

In Talaingod, the 60th and 68th Infantry Batallion of the Philippine Army, in counter-insurgency efforts, subjected civilians to aerial bombings and strafing, prompting the evacuation of Lumads last April 3. The soldiers encamped in houses and schools, threatening, harassing, and torturing civilians. While the Lumads have returned to their communities, intense militarization remains.

Pinoy Weekly is covering the seven-day mission. The mission covers not just Talaingod, but also the militarized municipalities of Arakan (North Cotabato), Maco (Compostela Valley), and Paquibato (Davao del Norte). Follow the tweets of PW’sKenneth Guda and other alternative media on the mission:

Talaingod is located near and within the Pantaron mountain range, considered as the “Cordillera of Mindanao.” Residents say that militarization in several areas along the mountain range is aimed at facilitating the entry of mining corporations. The Lumads have resisted logging and mining operations since the early 90s.

Watch the video of Kilab Multimedia on the plight of the Manobo evacuees:

Mga obrero nanawagang itigil ang militarisasyon sa Mindanao

$
0
0
Agui1

Panawagan ng grupong KMU na itigil ang militarisasyon sa Talaingod. Kontribusyon

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Kampo Aguinaldo para ipanawagan ang pagtigil ng militarisasyon sa Talaingod, Davao del Norte. Kasabay ng protesta ang isinasagawang national fact-finding mission sa naturang lugar para maisadokumento ang umano’y mga paglabag sa karapatang pantao ng militar na naging sanhi ng malawakang paglikas ng mga Lumad.

“Ipinagpipilitan ng gobyernong Aquino ang maling pagtingin na maaawat lang ang tumitinding insurhensiya sa Mindanao at ibang lugar sa bansa sa pamamagitan ng operasyong militar. Ang masama, mga komunidad at progresibong mga organisasyon na pinaparatangang tagasuporta ng mga rebelde ang kanilang inaatake,” sabi Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Sabi pa ni Soluta, hindi daw kapayapaan at pag-unlad ang itataguyod ni Aquino sa Mindanao. “Giyera ang dala niya laban sa mga Filipino at para sa mga malalaking dayuhang kapitalista,” aniya.

Kabilang ang Pinoy Weekly sa mga nagkober sa nasabing mission na pinangunahan ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. Sa panimulang ulat ni Kenneth Guda, reporter ng Pinoy Weekly, sinabi ng mga lider katutubo na lumikas sila dahil sa matinding pagbomba ng militar sa kanilang mga komunidad.

Matatagpuan ang Talaingod sa Pantaron mountain range na nais umanong pasukin ng mga kompanya ng mina.

Dagdag ni Guda, nang makabalik ang mga katutubo sa kanilang lugar sa Sityo Bayabas mula sa Davao City, ginawang kampo ng mga militar ang kanilang mga kabahayan, sinira ang mga ari-arian at ginawang arinola ang mga kaldero.

Bukod pa rito ang pagputol sa suplay ng malinis na tubig ng mga komunidad. “Maraming lugar ang walang malinis na tubig ngayon,” sabi ni Guda. Sa kasalukuyan, dalawang bata na daw ang namatay dahil sa sakit na tigdas.

Sabi naman ng gupong Defend Talaingod Save Pantaron Range, na 88 porsiyento sa mga kabahayan sa mga sityo na apektado ng militarisasyon ang nasira, nawalan ng gamit o di kaya’y hinalughog ng mga militar. Hindi rin daw nakaligtas ang mga eskuwelahan sa paghalughog at vandalism.

Ayon sa Bayan-Southern Mindanao Region, 60 porsiyento ng puwersa ng Armed forces of the Philippines (AFP) ang dineploy para sa kontra-insurhensiya sa Mindanao. Nagreresulta umano ito sa dislokasyon ng mga Lumad mula sa kanilang mga komunidad, at matitinding paglabag sa karapatang pantao. Sa tala ng Karapatan, 25 sa 192 kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang ang nagaap sa rehiyon ng Southern Mindanao. Ilan sa mga pinaslang ay mga lider-katutubo.

10 tanong sa 10 taon na bilanggong pulitikal: Panayam kay Eduardo ‘Ka Eddik’ Serrano

$
0
0
10 taon nang detenidong pulitikal si Eduardo Serrano, ngunit nananatiling mataas ang kanyang morale. Marijoe Monumento

10 taon nang detenidong pulitikal si Eduardo Serrano, ngunit nananatiling mataas ang kanyang morale. Marijoe Monumento

Kupas, manipis at malapit nang maging puti ang kamisetang kahel ni Eduardo “Ka Eddik” Serrano, isa sa mga bilanggong pulitikal na nakadetine ngayon sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame, Cubao, Quezon City. Pero matingkad pa ring nakaimprenta banda sa kanyang dibdib: “FREE ALL POLITICAL PRISONERS!”

Sampung taon na mula nang damputin at ikulong si Ka Eddik. Kabilang siya sa 489 bilanggong pulitikal sa buong bansa – isa sa labing-apat (14) na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ipiniit sa kabila ng kanilang papel sa usapang pangkapayapaan o peace talks sa pagitan ng NDFP at ng gobyerno (GPH). Kinakatawan ng NDFP sa peace talks ang mga rebolusyonaryong organisasyong nagsusulong ng digmang bayan pangunahin na ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).

Si Ka Eddik ay tubong Naga City, Camarines Sur sa Bikol at nagtapos ng kursong Agriculture sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (UPLB) sa Laguna noong 1976, kung saan siya nagsimulang kumilos bilang aktibista noong panahon ng Martial Law. Nagtrabaho siya bilang research assistant sa Dairy Training and Research Institute noong 1977  at napili upang kumuha ng kursong post-graduate ukol sa animal science sa Copenhagen, Denmark mula 1978-1979. Sa kasagsagan ng kilusang anti-diktadura pagpasok ng dekada ’80, nagpasya si Ka Eddik na ilaan ang buong panahon sa pagkilos sa hanay ng mga magsasaka ng Bikol at Mindoro.

Ayon pa kay Ka Eddik: “Dahil sa aking malapit na ugnayan at marubdob na pagtataguyod sa interes ng mga magsasaka, bilang lecturer-trainer-adviser sa mga organisasyon ng magsasaka at kooperatiba sa kanayunan, at bilang konsultant sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP sa paksa ng sosyo-ekonomikong reporma (socio-economic reforms), ako ay binansagang kaaway ng estado o ‘enemy of the state’ at isinailalim sa harasment, paniniktik at intimidasyon. Humantong ito sa aking pagkaka-aresto. Samantalang nakakulong, ako ay sinampahan ng mga gawa-gawang kasong kriminal.”

Sa ilalim ng “daang matuwid,”dumarami ang kinukulong dahil sa kanilang pulitikal na paninindigan o adbokasiya – 62 sa kanila ay inaresto ngayon lamang 2014. Itinuturing din ng pamahalaang Aquino bilang tropeo ang pagkaka-aresto sa binansagan nitong “malalaking isdang” lider ng CPP-NPA – gaya ng mag-asawang Wilma Austria at Benito Tiamzon na kapwa konsultant ng NDFP at kasama na ngayon ni Ka Eddik na nakadetine sa PNP Custodial Center sa Crame.

“Katotohanan ang magpapawalang-sala sa akin,” ani Ka Eddik. Heto ang sampung tanong para sa sampung taon ni Ka Eddik bilang bilanggong pulitikal:

1. Kailan, saan at paano kayo naaresto?

ES: Dinampot ako nang walang warrant of arrest ng mga naka-sibilyan at di-kilalang armadong lalaki noong Mayo 2, 2004 bandang alas-10 ng umaga sa Lipa City. Kabababa ko lang mula sa bus at sumusunod sa dalawang kasamahang babae na kasabay ko, nang may isang malaki’t matangkad na lalaki na umakbay sa akin. Agad na kasunod niya ang isa pang malaking lalaki na kumilik sa baywang ko. Binuhat nila ako papunta sa isang puting van na nakabukas ang mga pinto. Nakaantabay doon at nakatayo ang isang lalaki na may bitbit na baby armalite at nakasuot ng puting ammo vest.

Nang ibuka ko ang mga paa ko bilang sangga para hindi ako maipasok sa van, umalalay ang dalawang lalaki para matikom ang mga paa ko. Nang maipasok na ako, nakita kong bukas ang mga bintana at pinto sa kabila kaya inilabas ko ulit ang mga paa ko – dalawang lalaki ulit ang pumigil sa akin. Sa buong proseso ng pag-aresto ay sige lang ako sa pagsigaw. Natigil lang ako nang tinakpan na ang mga mata ko at ginapos na ako ng masking tape. Pinahiga nila ako nang patagilid sa sahig ng van.

2. Sinasabi nila na ang inyong aresto at detensyon ay paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), isa sa mga kasunduang pinirmahan ng NDFP at GPH para sa peace talks. Ano ang partikular na papel na ginagampanan ninyo sa usapang pangkapayapaan sa panahon ng inyong pagkakaaresto?

ES: Katatapos lang akong konsultahin ni Ka Fidel Agcaoili tungkol sa Mindoro at sa pagbubuo ng Joint Monitoring Committee (JMC) noong huling linggo ng Abril, 2004. Batay sa probisyon ng JASIG, ang sinumang kinukonsulta ng mga myembro ng negotiating panel ng NDFP ay hindi pwedeng arestuhin o isurbeylans ng mga pwersa ng GPH.

Maliban dito, inirekomenda rin ako ng KASAMA-TK (Kalipunan ng mga Samahan ng Magsasaka sa Timog Katagalugan) para maging kinatawan ng grupo sa pagdadala ng interes ng mga magsasaka ng Timog Katagalugan sa peace talks laluna sa usapin ukol sa socio-economic reforms.

3. Saang (mga) pasilidad kayo ipiniit sa nakaraang sampung taon?

Una akong ipiniit sa Fort Bonifacio mula pagkahuli hanggang sa ika-apat na araw. Matapos ito ay inilipat ako sa himpilan ng 204th Infantry Brigade ng Philippine Army (IBPA) sa Naujan, Oriental Mindoro. Sa ikasampung araw (para sa return of warrant), inilipat na ako sa Oriental Mindoro Provincial Jail (OMPJ) at dito ako tumagal nang tatlong taon. Inilipat ako Custodial Center ng Camp Crame noong Agosto 13, 2007. Dito na ako nakadetine mula noon.

4. Ano ang mga tampok ninyong pinagkaabalahan sa nakaraang sampung taon bilang bilanggong pulitikal?

Sa OMPJ at Camp Crame, hindi mawawala ang pagbabasa, pagsusulat, pakikipagtalakayan sa mga kapwa-detenido. Kinakausap at pinapaliwanagan ko rin ang sinumang pulis, sundalo o CAFGU (paramilitar) na makipag-harap at seryosong makipag-usap. Kaya nakuha natin ang respeto ng maraming pulis, sundalo at kahit mga opisyal ng bilangguan, barangay at probinsya sa Mindoro.

Human rights groups call for the release of Serrano and other political prisoners. Contributed Photo

Nananawagan ang mga grupong pangkarapatang pantao ng pagpapalaya kay Serrano at iba pang detenidong pulitikal. Contributed Photo

Pinahahalagahan ko ang maliliit na bagay na nagagawa at mga bagong natututunan. Sa OMPJ, nakakapag-acupuncture ako sa sinumang sumasadya para magpagamot. Dito rin ako natutong mag-cross stitch, gumawa ng mga handicraft gaya ng jewelry box, frame, at walis tambo, habang tumutulong na matiyak na magiging makatarungan ang kikitain ng mga detenido sa mga proyektong ito laluna sa mga Christmas Tree at parol. Nagdisenyo rin ako ng saranggola na pinalipad namin sa espesyal na okasyong anibersaryo ng NDF na Abril 24. Sa OMPJ, nagbigay din ako ng mga interbyu at lecture, at may ilan din akong natulungang magsulat ng mga thesis at write-up.

Sa Crame, mula Agosto 2007 hanggang Mayo 2009 ay kumuha ako at nakapagtapos ng diploma course sa Environment and Natural Resources Management sa Open University ng UP. Matapos ito, nakakuha pa ako ng 6 units ng masteral nito pero di na natuloy nang ipagbawal ang paggamit ko ng laptop. Natuto rin akong gumawa origami at ng mga greeting cards na may disenyong pinatuyong dahon. Dito sa Crame, itinuloy ko ang pag-cross stitch – nakabuo ako ng Mother Earth nitong 2009. Nariyan din ang pag-exercise, paglalaro ng chess, at pagsali sa mga palaro.

5. Paano ninyo ipinagpatuloy ang tungkulin bilang NDF consultant?

Kahit nakapiit, tuluy-tuloy kaming naglalabas ng mga pahayag kaugnay ng maiinit na isyu sa bansa laluna ang kaugnay sa paglabag sa mga karapatang pantao at takbo ng usapang pangkapayapaan.

Nariyan din ang pakikipagtalakayan sa mga kasamang bilanggong pulitikal kaugnay sa usapang pangkapayapaan at sa mga dumadalaw kaugnay sa mga pangyayari sa loob at labas ng kulungan partikular ang pakikibaka para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal lalo na ang mga NDF consultants.

Ang pagsusulat at paggawa ng sining ay bahagi ng rebolusyonaryong gawain. Sa mga likhang sining, tinitiyak na ang may mensahe ito ng mga pambansa-demokratikong adhikain at sosyalistang perspektiba. Halimbawa nito ang talakayan bago mabuo ni Ka Edong (Sarmiento) ang mga awitin, tula at painting, lalamnin ng mga greeting cards at mga pahayag.

Sa mga pagtitipon dito tulad ng Disyembre 26 (anibersaryo ng CPP), Marso 29 (anibersaryo ng NPA) at Abril 24 (anibersaryo ng NDF) at kung kailan napapayagan ang malakihang dalaw, tinitiyak na may angkop na posters o visual aids, mga awit at tula upang gawing masigla at makabuluhan ang okasyon.

6. Anu-ano ang mga kasong isinampa sa inyo at ano ang kasalukuyang istatus ng mga ito sa korte?

Limang kasong kriminal – tatlong (3) multiple murder, isang (1) kidnapping with ransom at isang (1) attempted homicide – ang isinampa sa akin. Naging kalakaran na ng gobyerno ang tinatawag na “kriminalisasyon” sa pampulitikang paninindigan para bigyang-katwiran ang walang-taning na pagpiit sa mga kritiko at itinuturing na “kaaway ng estado.” Ang ganitong kalakaran ay labag sa Hernandez Doctrine at ganito rin ang sitwasyon ng mahigit 450 na detenidong pulitikal sa bansa, maliban sa 14 na ipiniit na NDFP consultants.

Noong Disyembre 2011, na-dismiss na ang isang kasong multiple murder sa Branch 77 ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) dahil walang dumating na testigo mula sa prosekusyon. Ang isa pang kasong multiple murder sa Branch 98 ay may pending petition sa Court of Appeals dahil ang pangalan sa warrant ay Rogelio Villanueva, pero ito ay idinidiin sa akin. Ang ikatlong multiple murder case ay on-going ang trial sa Branch 100 ng QC RTC. Wala nang dumarating na testigo ang prosekusyon, pero nagkaroon muli sila ng mosyon para magsalang ng mga panibagong testigo. Ang kasong kidnapping with ransom ay patapos na. Naisalang na ako bilang huling testigo para sa depensa pero magkakaroon pa ng cross-examination ang prosekusyon sa Hunyo 25. Ang kasong attempted homicide ay dinidinig pa sa Branch 215 ng QC RTC. Nakasalang pa ang unang testigo ng prosekusyon na isang sarhento ng 68th Infantry Battalion (IB), pero nakadestino pa ito sa Mindanao ngayon. Ang kidnapping with ransom ay dinidinig naman sa Branch 97 ng QC RTC.

7. Ano ang inyong opinyon sa kalagayan ng usapang pangkapayapaan sa ilalim ni Pangulong Aquino?

Sa aking palagay, ang mga kontradiksyon sa ating lipunan partikular sa mga naghaharing-uri at nang-naaping uri laban sa pinaghaharian at inaaping uri – ay lalo ngayong tumitindi at litaw na litaw. Partikular sa naghaharing paksyon ni Aquino, napaka-arogante nito kaya litaw na litaw din ang pagka-insensitibo, pagka-papet, pagka-pasista at korap nito kaya walang pakundangan ang paglapastangan sa mga karapatan ng mamamayan laluna ang mga magsasaka. Ito rin ang dahilan sa pagwawalang-bahala niya sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP. Mas pinapaboran niya ang panig ng miitar at pulisya na balewalain ang mga pinirmahang kasunduan at itulak na lamang ang NDFP na sumurender. Sa paglaban ng mamamayan sa korapsyon ng gobyerno at pagkakait sa kanila ng mga batayang serbisyo publiko tulad ng kuryente, tubig, kalusugan, sanitasyon, at edukasyon – hinaharap ito ni Aquino gamit ang kaliwa’t kanang karahasan at panloloko. Lalo pang ipinakita ni Aquino ang pagkatuta sa imperyalismong US nang ibukas ang buong bansa sa tropang Amerikano sa pamamagitan ng niratsadang pirmahan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

8. Ano ang iyong mga alala noong kayo’y sampung taong gulang pa lamang?

Hindi ko na eksaktong maalala ang mga pangyayari noon pero kung ibabatay ko sa grado ko noon, mga ika-apat na baitang sa Naga Parochial School ay walang matingkad na pangyayari. Sa mga sumunod na taon, gaya nang tumuntong ako sa Grade V, naaalala ko na may subject kami ng carpentry o handicraft making at naaalala ko pa ang paggawa ng waste basket mula sa tingting ng niyog at plywood na ginagamitan ng coping saw. Hindi ko ito makalimutan dahil balu-baluktot ang pagkakagawa ko nito at di man lang ako tinulungan ng Papa ko! Naaalala ko rin na sa panahong ito ay gumawa ako ng medicine cabinet. Ang cabinet na ito ay tumagal sa bahay dahil talagang ginamit bilang lalagyan ng gamot kaya kahit nasa kolehiyo na ako ay nakikita ko pa iyon sa kwarto ng aking mga magulang. Malamang ay naroroon pa rin ang cabinet hanggang ngayon! Naaalala ko ang panahong binigyan ako ng medalya dahil sa pagiging sakristan. Pero may panahon ding napagalitan ako at pinatayo sa ibabaw ng aking upuan – laking hiya ko noon dahil kitang-kita ako ng lahat ng dumaraan sa aming silid-aralan!

9. Paano ninyo nakikita ang sarili sampung taon mula ngayon?

Sakaling abutin ko pa ang edad na 70, nakikita kong patuloy pa akong maglilingkod sa sambayanan sa abot ng aking kakayanan. Syempre, sa panahon na yan ay teenager na ang dalawa naming apo. At tiyak na may pagkakataon na magkakasama-sama kami at ang kanilang lola kahit ilang okasyon lamang.

10. Ano sa tingin ninyo ang kinabukasan ng rebolusyonaryong kilusan at ang posibilidad ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bansa sampung taon mula ngayon?

Matibay ang aking paniniwala na makakapangibabaw ang rebolusyonaryong kilusan at magkakamit ng ganap na tagumpay.

Noong Nobyembre 1977, nang mahuli sina Kasamang Jose Maria Sison, ang tagapagtatag na tagapangulo ng CPP, ay nasa pamantasan pa ako at nagsisimula pa lamang ang aming pamilya – ikinasal kami ni misis noong Oktubre 1977. Nasa pamunuan ako noon ng kilusang lihim sa eskwelahan pero hindi kami nanghina bagkus ay lalong nagpursige. Kadadaan lang noon ng puting lagim – naging desaparecido sina Ka Gerry Faustino na direktang gumagabay sa amin noon; Ka Manny Salvacruz na naging brod ko sa UP Sarung Banggi kahit taga-Los Banos siya; Ka Riza Ilagan, Ka Tina Catalla, Ka Jessica Sales na maestra ko sa Speech I at hindi ko alam na “kasama” pala. Nakasakay pa namin siya ni misis sa bus na BLTB Co. noong Hulyo 31, 1977 paluwas ng Maynila.

Ako at si misis ay hindi rin nanghina sa kahirapan at kapinsalaang dulot ng disoryentasyon. Kaya kahit ang pagkahuli ko ay di nagdala ng demoralisasyon lalo na kay misis. Malakas ang paniniwala namin na makakabangon nang lubusan ang rebolusyonaryong kilusan para harapin ang mga bagong tungkulin. At malamang sa panahon na ‘yan – sampung taon mula ngayon – makakamit na ng sambayanan ang panimulang mga taon ng pagpupundar ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Nat’l team investigates militarization, rights abuses in South Mindanao

$
0
0
A family of Manobos whose house was allegedly occupied by the military after they and about 1,700 lumads (indigenous people) from Talaingod, Davao del Norte evacuated from their villages and sought refuge in Davao City on March 27. <strong>KR Guda</strong>

A family of Manobos whose house was allegedly occupied by the military after they and about 1,700 lumads (indigenous people) from Talaingod, Davao del Norte evacuated from their villages and sought refuge in Davao City on March 27. KR Guda

DAVAO CITY — A national mission aimed at investigating reports of human rights abuses and recent increase in militarization of civilian communities in Southern Mindanao has concluded its onsite investigation in Talaingod in Davao del Norte, Paquibato in Davao City, Magpet and Arakan in North Cotabato and Maco in Compostela Valley.

The mission is led by Karapatan-Southern Mindanao Region and composed of human rights advocates, indigenous rights activists, environmentalists, labor activists, parliamentarians, progressive peasant leaders, members of alternative media and other concerned individuals.

Pinoy Weekly joined the Talaingod-Central team that took the gruelling one-day trek to villages in Talaingod whose more than 1,700 residents (all members of the Talaingod Manobo tribe) were forced to evacuate to Davao City late March this year.

Some of the initial findings of the Talaingod-Central team:

Ubunay, an eldery woman from Sitio Bagang, endured captivity and sexual assault in the hands of the military for a week in March. <strong>KR Guda</strong>

Ubunay, an eldery woman from Sitio Bagang, endured captivity and sexual assault in the hands of the military for a week in March. KR Guda

After the villagers fled March 26 and 27, military occupied the civilian communities, including houses, schools and farms. Residents of Brgy. Bayabas complained that soldiers allegedly defecated on their cooking pots. In Brgy. Bagang, tribal leaders related how the military came to the villages and threatened them harm “if something should happen” to the soldiers, i.e. New People’s Army guerrillas should attack the soldiers.

In Bagang, a60-plus-year-old female Manobo, Ubunay Manlaon was said to be abducted by soldiers on March 10 and forced to become guide. Her hands were tied; she was allegedly physically manhandled and sexually assaulted during her captivity. Ubunay managed to escape her captors after seven days.

The mission members from the different field investigations in Talaingod-East (where residents were unable to evacuate as military troops encamped in their communities), Paquibato, Magpet-Arakan and Maco will hold a public presentation of their initial findings on May 17.

(Watch out for Pinoy Weekly’s indepth and multimedia reports on the Talaingod situtation in the coming days.)

 

 

CHED kinalampag ng kabataan dahil sa taas-matrikula

$
0
0
Protesta ng kabataan sa harapan ng Commission on Higher Education laban sa pagtaas ng magtrikula.<strong>Pher Pasion</strong>

Protesta ng kabataan sa harapan ng Commission on Higher Education laban sa pagtaas ng matrikula. Pher Pasion

Kinalampag ng kabataan ang Commission on Higher Education (CHED) dahil sa desisyon nitong payagang magtaas ang mga pamantasan at kolehiyo ng matrikula ngayong taon.

Pinangunahan National Union of Student of the Philippines (NUSP), Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), Kabataan Party-list, at Rise for Education Alliance ang nasabing pagkilos. Bitbit nila ang mga satirikal na logo ng CHED na nangangahulugan ng “Commission on Highly Expensive Tuition” at iba pang mga pamantasan na kanilang sinunog at pinagbabato ng pintura.

“Sa taong ito, naging mapagbantay ang kabataan sa kampanya laban sa pagtataas ng matrikula. Naglabas tayo ng mga research, critique, at analisis para imonitor ang mga pagtaas ng matrikula at kung papaano ang pagtataas na ito’y nakakaapekto sa kabataan para maka-access sa batayan, sekondarya, at tersaryong edukasyon sa bansa,” ayon kay Sarah Elago, presidente ng NUSP.

Aabot sa 353 pamantasan at kolehiyo ang nagsumite sa CHED ng kanilang intensiyon na magtaas ng matrikula. Samantalang mahigit dalawang daang pribadong eskuwelahan sa elementarya at hayskul ang pinayang magtaas ng matrikula ng Department of Education (Deped).

Sinabi naman ni Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS, na kung ipagpapatuloy ng CHED na hindi ibigay ang kahilingan ng kabataan na magkaroon ng moratorium sa pagtataas ng matrikula, pinapatunayan lamang nito na kontra-estudyante ang komisyon at isang opisina na wala nang halaga para sa kabataan.

Sinunog ng kabataan ang listahan ng mga bayarin sa mga pamantasan.<strong>Pher Pasion</strong>

Sinunog ng kabataan ang listahan ng mga bayarin sa mga pamantasan.Pher Pasion

Ayon sa NUSP, sa pagtaas ng matrikula ay lumalala rin ang maraming nakakaalarmang mga trend sa kabataan. Kabilang dito ang “prosti-tuition” (o ang pagbenta ng katawan para sa pambayad ng matrikula), paglaki ng bilang ng dropouts, out-of-school youth, paglala ng child labor, at iba pa.

“Nasa pangulo na ang lahat ng kapangyarihan para pigilan ang pagtataas ng matrikula kung nanaisin nito. Pero pinipili niyang maging bingi at inabandona ang aming panawagan para magkaroon ng tuition freeze,” ayon kay Velasco.

Sa ulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) Institute of Statistics noong 2013, isa ang Pilipinas sa limang bansa na may pinakamalaking bilang ng dropout sa mundo at nangunguna sa Timog Silangang Asya.

Ang limang nangungunang mga bansa: Nigeria (10.5 milyon), Pakistan (5.1 milyon), Ethiopia (2.4 milyon), India (2.3 milyon) at Pilipinas (1.5 milyon).

Malaking bilang ng mga dropout at out-of-school youth ay dahil sa walang kakayahang magbayad ng matrikula at lumalalang pang-ekonomikong kondisyon sa bansa.

Ang higit na nakagagalit, ayon sa NUSP, ang pagbaba ng badyet sa edukasyon, represyon sa kampus, at pagpapasara sa mga institusyon ng mga mag-aaral na kritikal sa anti-mag-aaral na mga polisiya.

“Para makamit ang kalidad na edukasyon, hindi kinakailangan na maging mahal ang edukasyon. Mas mataas ang matrikula, mas mataas ang kinikita ng mga may-ari ng mga pamantasan. Ang nasa top corporations sa bansa ang magpapatunay kung paano kumikita ang mga may-ari ng mga pamantasan,” ayon kay Sheryl Alapad, national executive vice president ng NUSP.

Viewing all 2319 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>